Share

REVENGE OF AN ANGEL
REVENGE OF AN ANGEL
Author: MommyJoBel

CHAPTER 1

Author: MommyJoBel
last update Last Updated: 2021-03-06 19:58:39

CHAPTER 1 — OLD FRIEND

ANGEL's POV

N

atuon ang pansin ko sa aking cellular phone na minsan lang kung tumunog. Kung hindi lang kasi alarm ay timer lang ang silbi nito sa'kin. Wala akong ideya kung sino ang tumatawag sa akin dahil ang mga magulang ko ay abala sa kanilang mga negosyo.

Nag-iisa akong anak nila Agathon at Eugene Monteverde. Second year college na ako ngayon sa kursong Computer Science sa isang unibersidad dito sa Marikina.

"Hello, who's this?" tanong ko pagkasagot.

"Angel!" Napangiwi ako nang marinig ang matinis na boses na iyon mula sa kabilang linya. Nagtataka naman ako dahil kilala niya ko.

"Hey, wait... Sino ka ba? Pasensya na, ha? Unregistered kasi ang num—" 

"Ano ka ba naman bestfriend, katampo ka naman. Kinalimutan mo na 'ko, naku!" Putol niya sa sasabihin ko. Pinilit kong alalahanin kung kaninong number ba iyong nasa screen pero hindi ko talaga kilala.

Hindi naman kasi ako nakikipagkaibigan. 

"Hoy! Ano na?" tanong niya. Halatang naiinis na ang babaeng kausap ko.

"Pasensya na, ha? Sino ka nga po?" Napalingon pa ako sa bintana ng  kotse. Malayo pa ako sa eskwelahan ko. Saglit pa kaming nagkatingin ng driver sa salamin.

"Hala ka! Katampo... O sige na nga magpapakilala na ko. Siguro nakalimutan mo na talaga ko," aniya sa malungkot na tono. Nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya.

"Sorry...," bulong ko. 

Hindi kasi ako matatandain sa mga pangalan at petsa. Napakamot ako sa aking noo dahil sa pagkadismaya sa sarili.

"My name is Trisha Gomez. Your Elementary BFF!" Pakilala niya sa akin.

Halos manlaki ang mga mata ko nang maalala ang kung sino siya. Napatakip pa ako ng aking bibig dahil sa labis na pagkagulat.

"Oh my... Trisha? Trisha Gomez? 'Yung tropa kong burara, madaldal, palaging nanghihiram ng mga gamit ko at palaging nagpapalibre?" tanong ko. Natatawa pa ko habang sinasabi ang mga iyon.  Sa isang iglap biglang nag-flash sa utak ko iyong imahe niya.

"Grabe naman 'to! Oo na, ako nga 'yon. Ang kaibigan mong dukha. Maka-describe naman 'to sa'kin wagas na wagas at ang nega pa, ha?" sagot niya sa akin.

Natawa naman ako. 

"Joke lang, 'no? 'Eto naman 'di mabiro." 

Si Trisha Gomez ay elementary bestfriend ko. Tanging siya lamang ang naging kaibigan ko noon. Kaya lang ay lumipat siya ng paaralan sa kalagitnaan ng taon. Graduating na sana kami noon nang biglaan siyang hindi pumasok. Hindi ko alam ang kaniyang dahilan dahil hindi na kami nagkausap kasi lumipat  na rin sila ng bahay.

"Bessy Angel naman, eh! So, kumusta ka naman, ha? Saan kayo nakatira ng parents mo?" tanong niya sa akin. 

"Sa NorthVille pa rin. Gagaya mo ko sa'yo na NPA," biro kong sabi. "Just kidding," dugtong ko pa.

"Grabe 'to. Free ka ba? Magkita naman tayo. Namimiss na kita!" aniya. Napangiti lang ako. Ang tinis nung boses niya. Wala siyang pinagbago.

"Sure, kaya lang may klase pa ko. Okay lang ba na mamaya na lang?" Noon ko napansin na nasa labas na kami ng campus. "Manong, huwag na po ninyo ipasok sa loob. Dito na lang po ako," wika ko at hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Dinampot ko na ang bagpack pati ang tatlong mga libro ko saka lumabas.

"E, basta magkita tayo. After lunch siguro... ano sa tingin mo? Sa dating tagpuan." Natawa ako nang maalala ko ang lugar na palagi naming pinaglalaruan.

"Sige. Text na lang kita kung anong oras ang tapos ng klase ko. NSTP lang namin ngayong sabado kaya baka halfday lang ang pasok ko." Naglalakad na ako habang kausap pa rin siya sa telepono. Paakyat na ako papunta sa fourth floor kung nasaan ang unang subject ko.

"Okay, bessy. Take care, bye!" Pinatay ko na ang tawag at nilagay iyon sa aking bulsa. Malapad ang aking ngiti sa labi. 

"Hey, Angel! Anong klaseng damit na naman 'yan? Sa lola mo ba 'yan?" 

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi na iyon ng isa sa mga kaklase ko. 

Sa edad kong bente-anyos, nabubully pa ako dahil sa pamamaraan ko ng pananamit, makapal na salamin at ang mahaba kong buhok na hanggang bewang na palaging nakapusod ng mababa.

Wala akong kaibigan. Introvert na maituturing ang isang tulad ko. Mas gusto ko pang mag-isa kaysa makisalamuha sa mga tao sa paligid ko.

Ang iba kasi na mga nakikipagkaibigan sa akin ay mayroon lang na kailangan. It's either manghihiram ng pera o magpapagawa ng assignment.

Kaya totoong natutuwa ako sa muling pagbabalik ng kaibigan kong si Trisha. Makalipas ang maraming taon, magkikita kami. Nakaramdam ako ng labis na tuwa at saya. May kaibigan na akong muli.

"MA'M, ano po'ng order ninyo?" tanong ng waiter sa akin. 

"Cold water na lang muna po. Hinihintay ko pa kasi yung kasama ko. Tatawagin ko na lang po kayo kung oorder na kami, salamat," sagot ko sa waiter na bahagya pang tumango bago umalis.

Nagbago ang oras ng pagkikita namin dahil wala ang prof ko sa huling subject. Nai-text ko naman siya na sa restaurant na lang kami magkita para sabay na kaming kumain.

Paminsan-minsan kong ginagala ang aking paningin sa loob at labas. Nagbabakasakali na matanaw ko na si Trisha. Ilang sandali pa ay dumating na ang waiter dala ang aking inumin.

"Thank you po," turan ko. Ngumiti lang ito sa akin saka tumalikod. 

"Bessy!" Biglang may tumapik sa braso ko habang umiinom ako. Muntikan ko pang maibuga sa harap ng mesa ang tubig na nasa bibig ko. "Gosh! Bessy, ang payat mo!" sabi niya sa akin. Mabilis na nag-init ang aking pisngi dahil sa sinabi niya. 

"Sus! H-hindi naman. Makapagsabi ka naman ng payat ako parang ikaw hindi, ah!" sagot ko. Sinenyasan ko siyang maupo sa katabi kong silya at kaagad naman siyang tumalima. Noon ko natitigan ang katawan niya. Hindi naman siya talaga payat. She's sexy at talagang nagbago na.

Now she's totally amazing.

Natawa lang siya sa akin. Saglit niyang sinulyapan ang mesa saka nagtatakang tumingin sa akin. 

"Hindi ka pa um-oorder?" Umiling ako. "Hala! Pasensya ka na, Bessy. May dinaanan pa kasi akong tao, eh!" Hingi niya ang dispensa.

Nginitian ko siya. Ayos lang naman kasi talaga sa akin dahil hindi pa naman ako nagugutom. 

"Ayos lang 'yon pero seriously, medyo naiinip na nga ako, eh, siguro kung another 5 minutes ka pang na-late baka umalis na ko rito." Natatawang sabi ko. Umirap naman siya sa akin saka tumawa rin.

"Grabe ka! Heto na nga ako, oh!" Tinuro pa niya ang sarili niya habang nakanguso. Tumango-tango na lang ako habang may malapad na ngiti sa labi.

"Biro lang. Hinintay kasi talaga kita. Akala ko nga hindi ka pupunta, e." Uminom ako ulit ng tubig. Pagkaraan ay dinampot na namin ang menu lists para kami makapili ng pagkain.

"Haysus! Baka late, oo pero 'yung 'di ka puntahan makalipas ang maraming taon? No way, Bessy. Sobra kaya kitang na-miss. Order na tayo, ah?" tanong niya. Tumango lang ako sa kaniya saka tinawag ang waiter at sinabi ang order naming pagkain.

PAGKARAAN naming kumain ay saka kami nagtungo sa tambayan namin nung nasa elementarya pa lang kami. Malapit lang ang public park na iyon doon sa restaurant kaya naisipan naming maglakad na lang. Sinabi ko sa family driver namin na mayroon akong lakad pagkatapos ng klase ko kanina kaya hindi na ako nagpasundo.

Nai-text ko rin si mommy tungkol dito at pumayag naman siya. Kilala naman niya si Trisha noon pa man dahil bukod sa magkaklase kami nito ay ang nanay din niya ang labandera namin. 

"Ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon, Trisha? Nag-aaral ka ba? Nagtatrabaho?" tanong ko. 

"Bessy..." aniya. Parang naaalangan pa siya kung magsasabi o hindi.

"May problema ka ba?" tanong ko ulit.

"Wala naman. May pagtatapat kasi ako sa'yo," pag-uumpisa niya. "Nung elementary tayo, 'di ako nakapagpaalam sa'yo kasi biglaan, eh. Lumipat kami ng bahay kasi pinaalis kami ng may-ari nung apartment na tinitiran namin ni nanay." Patuloy lang kami sa pag lalakad hanggang may nakita kaming bench sa ilalim ng punong mangga. 

"Pinaalis kayo? Bakit naman?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi kasi kami nakabayad ng renta. Alam mo naman kami... mahirap lang." Malungkot niyang sabi. Ako naman ay hindi na kumibo, nakikinig lang. 

"So 'ayon nga, no choice kung hindi ang umalis." 

"Sana sinabi mo sa'kin. Pwede ko naman sigurong pakiusapan sina mommy at daddy ko na doon na muna kayo sa amin tumira para hindi na kayo lumayo."

"Bessy, hindi naman lingid sa kaalaman mo na sagot na ng mga magulang mo ang matrikula ko sa private shool na pinapasukan natin no'n, 'di ba? Nakakahiya kung doon pa kami makikitira. Saka mas nakabuti naman 'yon kasi nakita at nakilala ko ang tatay ko." Malaki ang ngiti niya sa kaniyang labi. Nagtataka naman ako lumingon sa kaniya.

"Hindi ba byuda na ang nanay mo?" tanong ko. Iyon kasi ang alam ko. 

"Actually, naglihim si nanay ko sa'kin. Tinago niya ko sa ama ko," aniya.

"E, ngayon, kumusta ka na?" Hindi ko maiwasan ang magtanong.

"Maayos na ako. Tinanggap naman ako ng tatay ko no'n kaso may pamilya na siya at may isang anak, lalaki. Nilihim niya ang tungkol sa'kin. Tinustusan niya ang pangangailangan ko, bahay, pagkain, damit pati pag-aaral."

"Hindi mo ako naisipang dalawin? Sama, e!" singhal ko. Natawa siya.

"Hindi talaga kita pinuntahan dahil lalo akong nahiya sa'yo. Biruin mo, ang dukha mong kaibigan ay isa pa lang anak sa labas? Lalo akong nanliliit." Malungkot niyang sabi. May kung anong tumusok sa aking puso. Awa ang nangingibaw dito para sa kaibigan ko.

"Hindi naman ako gano'n. Maiintindihan ko naman siguro iyon," 

Magsasalita na sana siya ulit nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. 

"Excuse me lang, Bessy, ha?" paalam niya.

"Sige, take your time." Lumayo muna siya bahagya para makapagusap sila ng caller niya.

Anong oras na ba? 

Tiningnan ko ang oras sa aking relos. 

Mag-aalas-kuwatro pa lang pala. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking palda.

Nagulat pa ako nang makitang may tatlong texts galing kay mommy. Kaagad ko namang binasa ang mga ito. Ang unang text nito ay kung nasaan na ba ako? Ang pangalawa naman ay tinatanong kung anong oras ako uuwi? At ang huli, may family dinner daw kami kasama si daddy.

Bumangon ang pagtataka sa isip ko. 

Bihira kami kumain sa labas. Matagal na nakalipas nung huli namin iyong gawin. Highschool pa yata ako noon. Sobra silang abalang pareho akaya kagulat-gulat ang text na ito ni mommy.

Nagtipa ako ng sagot sa kaniya.

Mayamaya pa lumalapit na si Trisha sa akin.

"Bessy, pasensya ka na, ha? Tumawag kasi 'yung pinsan ko. Kailangan ko na umalis kasi magpapasama raw." Bahagya pa siyang napakamot sa batok niya. 

"Ayos lang. Actually, nagtext nga si mommy ko na magdidinner kami sa labas. Baka do'n na ko dumeretso," sagot ko naman. Nginitian ko siya kasi parang hindi okay sa kaniya iyong pagsama sa pinsan niya.

"Sige. Pasensya na talaga. Text-text na lang tayo. Reply-an mo naman ako." Tumatawa siyang inayos ang sariling damit.

"Oo na, ingat ka. Thank you sa oras mo."

Lumapit siya sa akin para yumakap. "Nice to see you again, Bessy. Next time ulit, bye!" Nakipag-beso pa sa aking pisngi bago naunang umalis.

Related chapters

  • REVENGE OF AN ANGEL   CHAPTER 2

    CHAPTER 2 — HE'S TAKENCLYDE's POVNaiinis kong nilapag sa mesa ang aking cellphone nang mabasa ko ang mga texts galing sa daddy ko.From: DadSon, we have a dinner with one of our business partner at Guilbert's Place at 8pm. YOU NEED TO BE THERE with me. I can't take NO for an answer. Ok? See you.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na kasama pa ako? Alam naman niya na wala akong hilig para sa ganitong meeting o dinner-with-the-business-partners na iyan.Ilang sandali pa ay muling tumunog ang gadget ko at may isa pa na text galing ulit dito.From: DadDon't be late, Clyde.Napahawak na lang ako sa aking batok saka muling binasa ang text. Nilapag ko na lang muli ang phone ko sa mesa.Lalo akong nakaramdam ng inis sa ama ko. Edad bente-singko-anyos na ako pero kung makapag-utos at mando sa buhay ko ay animo siya ang amo ko.Noon pa lang, sinusunod ko na siya sa lahat ng gusto niya. Nung sinabi niyang mag-aral ako ng kursong Busi

    Last Updated : 2021-03-06
  • REVENGE OF AN ANGEL   CHAPTER 3

    CHAPTER 3 — ARRANGEMENTCLYDE's POVKanina pa ko nakikinig sa usapan nila daddy at Tito Aga. Kahit nakatutok ako sa phone ko ay nalikinig pa rin ako. Ayaw kong mapahiya mamaya kapag tinanong ako. Mapapahiya ako kapag hindi ako nakasagot.Paminsan-minsan ay nalilingunan ko ang babaeng anak nila Tito Aga. Angel daw ang pangalan niya. Iniiwasan kong matawa pero nakakatawa talaga ang paraan niya ng pananamit. Ang simple. Sobrang simple niya. Walang make-up. Pulbos lang yata ang mayroon siya sa mukha.Maganda sana kaso ang pangit ng taste sa pananamit.Naramdaman kong nag-vibrate iyong cellphone ko na nasa mesa.From: KylaHoney, I'm here outside of Guilbert's Place. I saw you earlier with your dad. Can I come inside and join to your dinner?Mabilis akong nag-type ng reply ko.To: KylaNope. This is family matters. I'm sorry but you can'tPagka-send ko noon ay bigla akong tinanong ni dad."Clyde, hijo may nobya ka ba ngayon?" tanong niy

    Last Updated : 2021-03-06
  • REVENGE OF AN ANGEL   CHAPTER 4

    CHAPTER 4 — GENTLEMANANGEL's POVAraw ng myerkules, nag-anunsyo ang instructor namin na wala kaming pasok kaya naisipan ko na lang na magpunta sa mall. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay. Iniiwasan ko rin sina mommy at daddy dahil hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol sa amin ni Clyde.Sinubukan kong tawagan si Trisha para sana samahan ako kaya lang may pasok daw siya.Nasa second floor na ako at abala sa mga pagtingin ng mga libro dito sa National Book Store. May hinahanap kasi akong libro kaso ay wala na raw silang stock. Lumabas ako upang maglibot pa nang may madaanan akong Salon.May iilan na mga myembro ng LGBT Community ang nandoon sa labas kung saan namimigay sila ng mga flyers."Hello, Miss Pretty! Baka po gusto ninyong subukan ang aming new hair treatment. Discounted na po 'yan kasama ang rebond at cellophane." Biglang sabi ng isang bading na mahaba ang buhok.Mabilis na gumapang ang hiya sa aking katawan. Mas mukha pa s

    Last Updated : 2021-03-06
  • REVENGE OF AN ANGEL   CHAPTER 5

    CHAPTER 5 — UNEXPECTED KISSLOISHA's POVKanina ko pa napansin na wala sa mood sa Clyde hanggang sa makarating kami sa restaurant. Ramdam ko na ayaw sa akin ni Clyde pero alam kong matututuhan niya rin akong mahalin. Basta magtiyaga lang ako.Matalik na magkaibigan sina Kuya Lux at Clyde mula pa noong highschool sila. Madalas siya noon sa bahay namin pero dumalang iyon ng magkasakit si kuya. Nasa States siya ngayon at nagpapagamot. Kasama niya roon sina mommy at daddy kaya ako lang ang naiwan dito dahil nag-aaral ako. Si Kuya Lux mismo ang nagsabi kay Clyde na tingnan ako habang wala sila."Doon tayo sa dulo," wika ko nang makapasok kami.Hindi siya kumibo. Sumunod lang siya sa akin hanggang sa makapwesto na kami."Anong gusto mong kainin?" tanong ko.Tiningnan niya ang menu list. Mayamaya pa ay tumawag ng waiter at sinabi ang sariling order.Nakagat ko ang gilid ng labi ko saka napayuko."Sa inyo po, Ma'm?" tanong ng waiter sa akin.

    Last Updated : 2021-03-06
  • REVENGE OF AN ANGEL   CHAPTER 6

    CHAPTER 6 — NOT A BIG DEALCLYDE's POVTuwing araw ng biyernes ay nakasanayan ko ng mag-ehersisyo rito sa bahay. May isang kwarto kasi sa ground floor ang ginawang exercise area na nilagyan ng iba't ibang klase ng equipment na makikita sa totoong gym.Nakasuot ako ng boxer at puting sando na basang-basa na ng pawis dahil tatlong oras na ako rito. Kasabay ng pagbibilang ko sa pagpupush-ups ay mayroon din malakas na musika ang bumabalot sa loob ng kwartong ito."Sir Clyde, may bisita po kayo." Napatingin ako sa isa naming kasambahay na nasa pinto. May hawak siyang basahan saka walis tambo.Tumayo ako at laking gulat ko nang alanganing sumilip si Angel sa likod ng katulong namin."Angel, what are you doing here?" tanong ko agad habang nagpupunas ng pawis. Napatingin naman ako sa dala niyang paper bag.Nagtaka naman ako sa biglaan niyang pagtalikod. Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto kong naka-boxer at sando nga lang pala ako."Gi

    Last Updated : 2021-03-06
  • REVENGE OF AN ANGEL   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 — PASSENGER'S SEATCLYDE's POVPapunta na ako sa unibersidad ni Angel para sunduin sila ng kaibigan niya. Gusto ko rin sana siyang ayain na kumain sa labas. Hindi ako nakakain ng tanghalain dahil inaway ako ni Kyla.FLASHBACK"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang kanina pa ko rito? Anong oras na? My God, Clyde, mag-aalas dos na! Kung hindi ako nagkakamali ay trenta minuto lang ang byahe mula sa inyo hanggang dito," sigaw niya sa akin nang bumaba ako ng kotse. Sinalubong na niya ako sa parking lot pa lang at dito binungangaan. Namumula na anf buo niyang mukha sa galit."I'm sorry. Natraffic ako, e," paliwanag ko. Lumapit siya sa akin saka mas nilakasan ang boses."Na traffic? Oh come on, Clyde. Napakasinungaling mo na yata ngayon? Ang sabihin mo nambabae ka na naman," turan niya na dinuro pa ko sa dibdib.Hindi ko siya pinansin. Napako ang mga mata ko sa mga bato sa lupa."Mas inuuna mo ang ibang babae kaysa sa'kin na girlfriend mo! I hate you, I h

    Last Updated : 2021-03-06
  • REVENGE OF AN ANGEL   CHAPTER 8

    CHAPTER 8 — PAST IS PASTCLYDE's POVUunahin kong ihatid si Loisha dahil bukod sa mas malapit ang bahay nito sa resto na pinanggalingan namin ay kailangan kong makausap si Angel. Kanina pa siya walang kibo sa likog habang si Loisha naman ay daldal nang daldal."Excited na nga ako para bukas sa party ni Alexis. Wait, may damit ka na ba?" tanong ni Loisha sa akin. Sinulyapan ko si Angel sa salamin at agad nagtama ang mga mata namin. Lilingonin ko sa sana siya pero muli na namang nagsalita anf katabi ko. "Sinabi ko kay kuya na hindi ka pupunta. Nagalit siya sa akin. Akala niya kulang ang efforf ko para mapilit kitang isama. Nag-alala nga ako kasi lumungkot 'yung mukha niya," aniya. Bahagyang bumagal ang pagsasalita."Bakit kasi kailangan pa ko sa party ni Alexis?""Ano ka ba? Magkaibigan kayo kaya malamang kailangan ay nandoon ka rin. Huwag ka ngang killjoy! Basta, pupunta tayo and that's final."Narinig ko ang pagsinghap ni Angel sa likod. Alam ko kasi na hindi s

    Last Updated : 2021-03-06

Latest chapter

  • REVENGE OF AN ANGEL   CHAPTER 1

    CHAPTER 1 — OLD FRIENDANGEL's POVNatuon ang pansin ko sa aking cellular phone na minsan lang kung tumunog. Kung hindi lang kasi alarm ay timer lang ang silbi nito sa'kin. Wala akong ideya kung sino ang tumatawag sa akin dahil ang mga magulang ko ay abala sa kanilang mga negosyo.Nag-iisa akong anak nila Agathon at Eugene Monteverde. Second year college na ako ngayon sa kursong Computer Science sa isang unibersidad dito sa Marikina."Hello, who's this?" tanong ko pagkasagot."Angel!" Napangiwi ako nang marinig ang matinis na boses na iyon mula sa kabilang linya. Nagtataka naman ako dahil kilala niya ko."Hey, wait... Sino ka ba? Pasensya na, ha? Unregistered kasi ang num—""Ano ka ba naman bestfriend, katampo ka naman. Kinalimutan mo na 'ko, naku!" Putol niya sa sasabihin ko. Pinilit kong alalahanin kung kaninong number ba iyong nasa screen pero hindi ko talaga kilala.Hindi naman kasi ako nakikipagkaibigan."Hoy! Ano na?" tanong niya. Hal

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status