[NARRATOR] Marahang lumakad si Klio ng makapasok na siya ng bahay ngunit hindi niya inaasahan ang mga susunod na kaganapan. "SAN KA GALING?" Nagitlag siya ng marinig ang galit na tinig ni Bria. "Amm.. Makinig ka muna sakin, Bria.." "Hindi ka talaga marunong mag paalam? Buong araw kang wala.. Saan ka nga nanggaling?" Nauutal na muling sinubukan ni Klio na magsalita pero hirap siya kung paanu magsisimula. Nanginginig ang mga kamay niyang pinaglalaruan ang bawat isa. "Klio, I am talking to you. Bingi ka ba?? Mahirap bang sagutin ang tanung ko? Saan ka ngang galing??" "Anu kasi Bria wag ka sana mag isip agad ng kung anu ano, please.." Natatakot na pakiusap ni Klio. Batid niyang magagalit ito ng husto. "TELL ME NOW!" Nakasimangot ang mukha nitong hindi nawala ang pagkakatitig kay Klio. "Pinuntahan ko si Devin sa hospital! Ti-tinawagan ako ni Trixie. Muntik na siyang mamatay dahil sakin.." "Devin nanaman??!" Nanigas ang pangang lumipad ang palad ni Bria sa mukha ni Klio sanhi para
[NARRATOR] Maliban sa mga body guard pati ang cellphone ni Klio ay kinumpiska din ni Bria. Bawal siyang lumabas, makipag kita o tumanggap ng kahit sinong bisita man lang. Hindi na nga nalalayo ang sitwasyon niya sa isang preso. Mabuti pa nga sila at may oras ng dalaw. "Kailangan kong lumabas. May bibilhin lang ako." Pakiusap ni Klio isa sa mga body guard pero hindi man lang siya nito nilingon at agad na nilayasan. Nahapo ni Klio ang noo niya. Mainit siya at wala siyang makitang gamot kaya nais niyang magpunta ng mercury. Maaga pa lang hindi na niya dinatnan si Bria. Muli hindi nanaman sila magkatabi sa pagtulog dahil galit na galit pa din sa kanya ang asawa. Walang nagawa si Klio kundi uminom na lang ng madaming tubig at bumalik ng kanyang higaan. Dumaan ang mahigit dalawang oras at muli siyang nagising. Nakaramdam siya ng gutom pero nanghihina kaya nagsalang ng pinaka madaling lutuin. Noodles tapos sinamahan ng tinapay na pinainit niya sa oven. Dahan dahan din ang paglunok niy
"Bria talked to me. Sorry kung napag alala kita. I didn't think na mangyayari yun, Klio. I'm so sorry. Perhaps hindi ko napansin na napapadami na pala ang inom ko. Hindi na yun mauulit." "Wag mo na sanang uulitin yun, Devin. Hindi mo alam kung gaano akong natakot. Ayokong may isang taong mapahamak ng dahil nanaman sakin." [NARRATOR] Hindi napansin ni Klio na nasa pinto na pala si Bria at naririnig ang mga sinasabi niya. "Pero asan ang asawa ko? Gusto ko siyang makita.." "I'm here, baby.." Marahan itong lumapit at bumalin din ang tingin ni Klio sa direksyon niya. "Bria.." "Babe.." Malambing na sambit ni Klio. Kapansin pansin naman ang pagiging seryoso bigla ni Devin. Magaling man siyang magtago, alam ni Trixie ang tunay niyang nararamdaman. Nasasaktan ito dahil mahal na mahal pa din niya si Klio. "I love you and thank you.." Dagdag pa ni Klio. Hinila niya si Bria, bahagyang umangat para mayakap ang asawa. Tumugon naman si Bria. "I'm sorry kung nangyari to sayo." Payak na saad
[NARRATOR]Lasing na umuwi si Bria at diretso sa kwarto ni Klio. Hinawi nito ang kumot at tumabi sa asawa ng mahubad ang sapatos. "Bria.. Amoy alak ka. Okay ka lang ba?" "Shut up, Klio. Tigilan mo na nga ang pagpapanggap. Anu bang totoong pakay mo sakin? Ha? Why are you doing this to me?" "Anung sinasabi mo? Hindi kita maintindihan, Bria. Palagay ko madami kang nainom kaya nagkakaganyan ka.." Tatayo sana si Klio para kuhanan si Bria ng bimpo para mapunasan ito pero maagap na nahila siya ni Bria sa braso. "San ka pupunta? Dito ka lang. Kailangan kita ngayong gabi, Klio. Yun na lang yung pakinabang mo sakin kaya galingan mo.." Ang bilis ng kabog ng dibdib ni Klio sa narinig mula sa asawa. Napapalunok na lang siya at pilit binabalewala ang masasakit na litanya ni Bria. "Magbihis ka na muna para guminhawa ang pakiramdam mo." Hindi iyon pinansin ni Bria at winaksi pa ang pagkakahawak sa kanya ni Klio. Marahas niyang tinulak si Klio pahiga sa kama saka ito pumatong. "Walang ibang ma
[BRIA BRIXTON] Tanghali na ng magising ako at wala na sa tabi ko si Klio. Wala akong pasok kaya napasarap ang tulog ko. Hindi ko namalayan kung anong oras na akong na knock out kagabi. Naalala ko ang unang beses na gamitin ko ang bagay na yun kay Klio. Galit kaya siya? Palagay ko naman na enjoy niya yun. Hindi naman ako naging marahas sa kanya kagabi. Tinatamad pa akong bumangon kaya lang nasisikatan na ko ng araw. Hawak hawak ang kumot saking katawan, tumayo ako at dumiretso ng banyo. Nanlaki at umangat ang kilay ko ng makita ang mga marka sa palibot ng leeg ko. What the! Bakit naman niya ko tinadtad ng lovebite. Wala naman si Klio at mag isa ko lang hinayaan kong malaglag sa sahig ang kumot na ginawa kong pang tapis sa hubad kong katawan. Sobrang wasted ko ba kagabi at hindi detalyado ang lahat sa pagkakaalala ko. Nakakainis naman at hindi ko mabalikan ang lahat ng kaganapan kagabi. After kong makapag bihis bumaba na ako. Shit bigla akong nahiya dahil sa bago naming kasambahay.
[TRIXIE] Ayoko sanang ibigay kay kuya Devin ang address ni Ate Klio kaya lang mapilit siya. Isa pa sabi niya gusto lang niyang magpaalam ng personal bago bumalik ng London. Palagay ko naman walang masama roon pero nito lang nagmessage sakin si Ate Klio na wag na akong magbabanggit ng kahit anung may kinalaman sa kanya kay kuya Devin. Naawa naman ako duon sa tao. Matagal na siyang may gusto kay Ate Klio pero never naman nitong pinagpilitan ang sarili. Hindi naman siguro labis kung gusto niya ng parang closure. Napaisip tuloy ako kung nagkakaproblema ba si Ate Klio at ng asawa niya dahil lang duon. Grabe ganun ba kakomplikado ang love. Hindi ba pwedeng manatili ang pagkakaibigan nila dahil lang sa may asawa na si Ate Klio. Namangha ako kasi kung ganun sobrang mahal talaga ni Ate Klio si Ate Bria dahil lahat isusuko niya kahit pa matalik niyang kaibigan si Kuya Devin at simula't sapul pa lang si Kuya Devin na ang andyan para kay Ate Klio. Ganun niya pinapahalagahan ang pwedeng maram
"Hmm okay pero maiba ako Amara. Anung pinagkaka abalahan mo?" "Actually wala. Kareresign ko lang sa work ko at ito 1 month na akong ganito.." Tumawa ito ng mahina saka lumagok din ng inumin niya. "Bakit mo naman natanong?" "Kailangan ko ng bagong assistant.." Paliwanag ko. "At dapat marunong mag drive.." Dagdag ko pa. "I'm in. Magaling akong assistant, care taker, secretary kahit anu at yup I know how to drive. Dala ko nga ang sasakyan ko.." "Then great. You are hired!" Singhal ko at inangat ang basong hawak ko bilang pagpupugay. "So kailan ako magsisimula?" Tanong niya. "Ngayon na. Ihahatid mo ako sa bahay ko after this." "You can't drive?" Usisa niya. Mali atang hinire ko siya. "Because of an accident. I was drunk, driving my way home, kaya ayun.." Pagpapaliwanag ko sa kanya. "So madalas ka ngang uminom.." "Yeah, but I have my reason.." Sambit ko. "Your wife?" Tugon niya. Wala na atang maitatago sa kanya ang isip ko. "Hope you don't mind me asking. Na curious lang ako.
[BRIA BRIXTON] Kasama ko ngayon sa kwarto ang asawa ko dahil si Amara ang gumamit ng kwarto niya. Kasalukuyan itong nakatalikod sakin. Perhaps galit siya dahil nag uwi ako ng babae pero wala naman akong masamang ginagawa. Isa pa inoffer din niya na dito na magpalipas ng gabi kay Amara. "Are you good?" Ako ng bumasag sa katahimikan. Ginalaw lang nito ang ulo niya bilang pag sang ayon pero hindi humarap sakin. Nagsimulang dumapo ang labi ko sa balikat niya at ang palad ko sa bewang niya. Nasasabik akong angkinin siya. "Ayoko, Bria. Please.." Pagtanggi niya pero makukuha ko pag ginusto ko. "Klio.. Kung iniisip mo si Amara. Wala kaming relasyon. Nakilala ko siya sa bar. Naging kaibigan at nalaman kong need niya ng work at ako din naman need ko ng bagong assistant kaya hinire ko na siya.." Sa hinaba ng explanation ko wala man lang itong naging ganti. Naiinis akong hindi makuha ang gusto ko kaya hindi ako tumigil na amuhin siya. "Sorry kung umalis ako ng walang paalam.. And about Tor
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo
DUMAAN pa ang dalawang linggo na nasa bahay lang si Klio. Matapos ang tangkang saktan ang sarili minabuti ni Mayumi na mamalagi na lang sa poder niya si Klio at mag hire ng nurse na magbabantay rito kapag wala siya. Hindi ito lumalabas ng kanyang kwarto kahit na anong pilit sa kanya ng mga kaibigan. Maski ang mama nito ay walang magawa upang gustuhin niyang ipagpatuloy ang buhay. Hindi na lingid sa lahat ang pakikipaghiwalay ni Bria kay Klio kung kaya galit na galit nanaman si Trixie. "Alam mo akala ko nagbago na talaga yang Ate mo pero heto nanaman siya sa pagpapahirap sa pinsan ko! Dadating ang araw Tyron kakarmahin yang Ate mo!" Sambakol ang mukhang sabi ni Trixie ng makalabas sila ng kwarto ni Klio. Wala namang naging sagot si Tyron. Naninikip ang dibdib nito sa pagpipigil na isiwalat ang buong katotohanan. "Alam mo deserve ng Ate Bria mo ang mamatay! Wala siyang isang salita at hindi talaga niya alam ang salitang pagmamahal!!" Buryong saad pa ni Trixie. Kumuyom lang ang pal
Luhaang iniwan roon ni Bria si Klio. Parang bumagsak ang mundo nito at di magawang ibangon ang sarili. Patuloy sa pag iyak. Kinuyom ang sarili. Binaluktot ang mga paa, nilagay ang mukha sa tuhod at niyakap ang mga binti. Walang humpay na pag tangis. Si Bria naman ay bumalik sa kanyang condo. Kumuha lamang ito ng beer sa loob ng ref saka iyon binuksan at ininom. Wala pa din itong kahit anong reaction sa mukha. Tulalang iniinom ang alak hanggang sa sumabog. Sumilay ang mga guhit sa mukha ni Bria. Galit itong ibinato ang bote sa tapat na pader. Naningkit ang mga matang sumigaw ng pagka lakas lakas saka tuluyang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Ilan sandali at dumating si Tyron. "Anong ginagawa mo dito?!" sabog ang tinig nito. "Ate Klio called me.. Ano bang nangyayari Ate Bria? Nag away nanaman ba kayo? This time what would be the reason?" Pinukol sa kanya ni Tyron ang buong tingin. Napapikit lang si Bria at napayakap sa sariling nakaupo sa sahig. Nakasandal sa paanan ng sofa. "I
"Do I need to repeat myself? Bingi ka ba?!" Bulyaw ni Bria na bumangon sa kama. Hinawakan siya ni Klio sa pulso bago pa to makalayo. "Ano bang nangyayari sayo ha? Nasasaktan ako alam mo ba yun? Buong magdamag akong gising Bria tapos yan ang sasabihin mo sakin??" "Sinabi ko bang wag kang matulog? Tsaka tigilan mo nga ako sa drama mo! ANo iiyak ka nanaman? Napaka iyakin mong talaga.." Akmang aalis na to. Lalabas ng kwarto pero humarang roon si Klio. "San ka nanaman pupunta?!" Singhal ni Klio na umiiyak na ngayon. Di man lang makitaan si Bria ng konting simpatya. "Tumabi ka nga! Nagugutom ako! Malamang sa kusina ang punta ko.. Ano ba Klio? Tantanan mo nga ako.." Naguguluhanang tumabi na lang si Klio at hinayaang dumaan si Bria. [KLIO BRIXTON] Humagulgol ako pag labas niya ng kwarto. Parang ibang Bria yung nakaharap ko. WHat on earth happened to her? Bigla bigla na lang naging ganun ang pakitungo niya sakin? Napahilamos ako sa mukhang hindi malaman ang gagawin.. Nagtungo ako