THE END NA PO... SALAMAT SA PAGSUBAYBAY SA LOVE STORY NI KLIO AT BRIA.... NAGAGALAK PO AKO NG HUSTO SA SUPORTA NIYO KAHIT BAGUHANG WRITER PA LAMANG PO AKO.. NAGSIMULA PO AKONG MAGSULAT SEPTEMBER 8, 2021 LAST YEAR.. SANA PATULOY NIYO PA DIN PO AKONG SUPORTAHAN.. LOVE YOU ALL GUYSS!!!!!!
Narrator"Hi Klio," nakangiting bati ni Bria ng dumaan sa harap niya to. Tumango lang si Klio at nagpatuloy sa kanyang upuan malapit kay Bria. "Ahm Klio pwede ba kitang makausap after class? May gusto lang akong sabihin." paliwanag nito. Bahagya pang naiilang. "Oh sige.." tipid na sagot ni Klio ng hindi man lang tumitingin rito. [BRIA POV] It's been month ng gumugulo sakin kung sasabihin ko na ba kay Klio ang nararamdaman ko. Siya lang ang unang taong kumausap sakin at tumanggap sa pagkatao ko. Narrator" Siya nga pala nagawa mo na ba yung project natin? Sensya na ah kasi medyo nabusy lang lately pero okay lang naman kung hindi mo ako isama sa list." ang mga mata ni Klio ay nangungusap sa kanyang mga salita. "No! it's fine. I will include you still. Kailangan ko lang iexplain sayo kaya madali na lang yon Klio. Ikaw pa ba pababayaan ko." nakangiting sagot ni Bria. "Oh thanks. Ikaw talaga saviour ko." malawak na ngiti ang iginanti ni Klio sabay humalik sa pisngi ni Bria na siyang
[Bria POV] " Ahhh!" unang nasabi ko ng magising ako at napahawak sa ulo ko. Damn! Hindi na talaga ako natuto sa epekto ng sobrang pag iinom. I peek on my watch and it's already 10 am. What the hell. I'm late on my meeting. Mabilis akong bumangon at pumunta ng banyo para maligo. Hindi ako pwedeng pumalya this time. Kailangan kong makuha ang deal na yon. After kong maligo ay agad akong nagbihis, sinuklay ang mahaba kong buhok, kinuha ko ang susi ng kotse, my bag and my phone na nasa ilalim pa ng kama ko saka lumayas. Nagmaneho ng mabilis ang driver ko sa abot ng makakaya niya kahit pa ipinagbabawal ko ito. 10:30 ang meeting ko pero 10:40 am na at andito pa din ako sa daan. Pagkapark niya ng sasakyan, nagtungo agad ako ng elevator. Magsasara na to ng maiharang ko ang palad ko sa gitna. "Hi!" bati ko sa babaeng maganda. "Good morning po Ms. Brixton.." malanding tugon nito sakin. Lahat ng staff dito sa company ko ay kilala ako hindi dahil ako ang CEO kundi dahil laman ako ng m
[Klio Krixton POV] Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako para magluto ng breakfast ng mga pinsan ko. Nakikitira lang ako sa kamag anak kaya kailangan kong kumilos dito sa bahay para hindi maging pabigat ng husto. Sinimulan kong ihanda ang lamesa para sa mga niluto kong putahe. Maganda na din at mahilig akong magluto kaya hindi ko nararamdaman ang pagod sa ginagawa ko. "Hmmmm! Anong amoy yun?? Naku ate Klio.. For sure masarap nanaman yang niluto mo. You never fail me." bungad ng bunso. Sumunod ng nagsi gising ang dalawa pa. Kasundong kasundo ko ang mga pinsan ko at hindi na ako iba sa kanila. "Ano na Klio? Wala ka pa rin bang nahahanap na trabaho? Ang tagal mo ng nabakante ah. Paano na lang ang mga bayarin dito sa bahay? Aba hindi ako pumupulot ng pera para pangtustos sa mga pangangailangan mo." Ang tita Brigette iyon. Hindi ko nasabi na ayaw sakin nito o hindi naman siguro ganun kasi totoo din naman ang mga sinasabi niya. Sa hirap ng buhay sa panahon ngayon tapos nag ii
[Bria Brixton POV] It's been ten years. Wala na sakin ang lahat kaya hindi na dapat ako paapekto pa. Hindi na ako ang dating Bria na tinutukso dahil sa suot kong salamin at braces. Wala na ang lahat ng iyon. Binaon ko na sa limot pati siya. "Ms. Bria. Ano pong desisyon mo?" nabasag ang ulap sa taas ng utak ko. Naglaho ang mga kataga sa langit. Should I face her or not?? Or maybe it's my turn now to get back on her. Should I make her life, suffer?? At least a bit. Klio Krixton, what happened to you in the past ten years? Why are you applying for a job? You are damn rich. I couldn't stop myself from being interested to know more about her. Ano na nga ba siya ngayon?? Aside from wanting her to suffer, I want to make her fall for me and then dump her... Ang sarap siguro sa pakiramdam ang mapaibig ang isang katulad niyang straight sa isang katulad ko and then lalagapak siya ng bongga sa sahig kagaya ng pinaramdam niya sakin 10 years ago. She doesn't suppose to accept my love but she doe
[Narrator] Ito ang unang araw ni Klio bilang assistant ni Bria. Pagpasok pa lang niya ng building ay narinig na agad niya ang usapan ng dalawang babae sa reception area. "Grabe nu! Akala ko pa naman ang taas ng standard ni Ms. Brixton. Diba ilang assistant na ang hindi nakatagal sa kanya sa taas ng expectations niya so bakit ang isang tulad ng babaeng yun ang tinanggap niya." "Oo nga friend at ayon pa sa source ko di hamak na qualified daw ung tatlo kaysa duon sa na hire ni wala nga daw experience sa pagiging assistant. Ano may kapit ba yon sa taas??" "Oh baka naman may something sa kanila!! Aha!!" [Klio POV] Maaga akong naghanda sa pagpasok. Akala ko sapat na ang may laman ang tyan at presantable. Hindi pala trabaho ko ang dapat kong pinaghahandaan kundi ang mga salitang maririnig ko sa paligid. Bumungad agad sa akin ang usapan ng dalawa sa reception area patungkol sa akin kaya hindi ko tuloy alam kung magsasalita pa ba ako at ipapaalam na ako yung bagong hire or magpapata
[KLIO POV] Muli akong naglakad matapos kong malaman saang floor ako dapat pumunta. Hindi kalayuan nakita ko ang isang babaeng pasakay pa lang nag elevator kaya nagmadali akong maabutan yun. "Oh! Ms. Krixton, ikaw pala yan." Si Bria ito. Malinaw pa din sa'ken ang boses niya. Kung alam ko lang na siya pala yun, sa sumunod na sana ako sumakay. "Good morning, Bria.. I me-mean Ms. Brixton.." Pagtatama ko. Bakit ba hindi ko makuhang tawagin siya sa surname niya. Nakakahiya tuloy baka isipin niya masiyado akong feeling close dahil magkakilala kami. "Ipagtimpla mo ko agad ng kape." Utos nito with fiercing look. Bago pa man ako makasagot ay humakbang na siya palabas ng elevator. Nagmadali naman akong sumunod. Gaya ng sinabi niya, hinanap ko agad ang pantry kung san ako makakapagtimpla ng kape. Hindi naman ito mahirap mahanap kaya lang anong timpla kaya ang gusto niya. Unang araw ko pa lang pero mukhang mapapasabak na ako. Dapat pala ito ang una kong inalam kay Ms. Fionna kahapon. Bigla tu
[BRIA POV] Sinadya kong maupo sa tabi niya. Wala lang, trip ko lang. Gusto ko lang maging uncomfy siya. Sa sobrang katahimikan naisip kong magtanong. Hindi ako naniniwalang hindi pa siya nagkaka boyfriend. For sure she's lying. Baka nga hindi na siya virgin. Pati ba naman sa bagay na yun kailangan niyang magpanggap, kung sabagay sanay nga pala siyang manlinlang. Isa nga ako sa napaniwala niyang totoong kaibigan ko siya, na she cares about me, na we are the same but I was wrong. Dumating kami sa venue kung saan ang meeting. Isang koreano ang may ari nito. Wala pa man kami sa table nakita ko ng agad ang dami ng pagkaen sa pinaka center. Kung sabagay ganito nga pala ang kultura nila. "Have a seat Ms. Brixton. So lovely to finally meet you. And you are?" Magalang akong bumati at pinakilala ang aking sarili. Bumalin ito kay Klio pagkatapos. "I'm Klio Krixton, sir.." Tumango ito bilang pag respeto. "Shall we start?" Panimula ko. Gusto kong mapakita kaagad sa kanya ang presentation ko
Pagmulat ng mga mata ko kasabay din nun ang pagtatapos ng magandang panaginip. Nasa loob na ako ng isang pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang aking paningin ngunit mag isa lang talaga ako. Nakaramdam ako ng pagkadismaya ng hindi siya mahagilap. Ilan sandali pa ay bumukas ang pinto. Panandalian lamang akong nasabik. "Ate Klio anong nangyari sayo?!" Nag aalalang tanong ni Trixie. Masaya akong makita siya pero iba ang inaasahan ng puso ko. Bakit wala si Bria. Napatagal ba ang tulog ko kaya nainip na siya. "Ate Klio nagkaroon ka ba ng amnesia? Nakalimutan mo bang bawal ka sa sea food?! Bakit mo naman nilantakan ang kamatayan?!" "Ate Klio!" Bulyaw nito ng walang makuhang sagot sakin. "Mahabang kwento, Trixie pero okay naman na ako. Huminahon ka na.." "May kasama ba ako ng dumating ka, Trixie? Paano mo nalaman na andito ako?" Gusto kong makarinig ng kahit anong tungkol kay Bria at umaasa akong makukuha iyon kay Trixie. "Tumawag ang hospital sakin kaya nagmadali agad ako..." "Sinabi mo
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo
DUMAAN pa ang dalawang linggo na nasa bahay lang si Klio. Matapos ang tangkang saktan ang sarili minabuti ni Mayumi na mamalagi na lang sa poder niya si Klio at mag hire ng nurse na magbabantay rito kapag wala siya. Hindi ito lumalabas ng kanyang kwarto kahit na anong pilit sa kanya ng mga kaibigan. Maski ang mama nito ay walang magawa upang gustuhin niyang ipagpatuloy ang buhay. Hindi na lingid sa lahat ang pakikipaghiwalay ni Bria kay Klio kung kaya galit na galit nanaman si Trixie. "Alam mo akala ko nagbago na talaga yang Ate mo pero heto nanaman siya sa pagpapahirap sa pinsan ko! Dadating ang araw Tyron kakarmahin yang Ate mo!" Sambakol ang mukhang sabi ni Trixie ng makalabas sila ng kwarto ni Klio. Wala namang naging sagot si Tyron. Naninikip ang dibdib nito sa pagpipigil na isiwalat ang buong katotohanan. "Alam mo deserve ng Ate Bria mo ang mamatay! Wala siyang isang salita at hindi talaga niya alam ang salitang pagmamahal!!" Buryong saad pa ni Trixie. Kumuyom lang ang pal
Luhaang iniwan roon ni Bria si Klio. Parang bumagsak ang mundo nito at di magawang ibangon ang sarili. Patuloy sa pag iyak. Kinuyom ang sarili. Binaluktot ang mga paa, nilagay ang mukha sa tuhod at niyakap ang mga binti. Walang humpay na pag tangis. Si Bria naman ay bumalik sa kanyang condo. Kumuha lamang ito ng beer sa loob ng ref saka iyon binuksan at ininom. Wala pa din itong kahit anong reaction sa mukha. Tulalang iniinom ang alak hanggang sa sumabog. Sumilay ang mga guhit sa mukha ni Bria. Galit itong ibinato ang bote sa tapat na pader. Naningkit ang mga matang sumigaw ng pagka lakas lakas saka tuluyang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Ilan sandali at dumating si Tyron. "Anong ginagawa mo dito?!" sabog ang tinig nito. "Ate Klio called me.. Ano bang nangyayari Ate Bria? Nag away nanaman ba kayo? This time what would be the reason?" Pinukol sa kanya ni Tyron ang buong tingin. Napapikit lang si Bria at napayakap sa sariling nakaupo sa sahig. Nakasandal sa paanan ng sofa. "I
"Do I need to repeat myself? Bingi ka ba?!" Bulyaw ni Bria na bumangon sa kama. Hinawakan siya ni Klio sa pulso bago pa to makalayo. "Ano bang nangyayari sayo ha? Nasasaktan ako alam mo ba yun? Buong magdamag akong gising Bria tapos yan ang sasabihin mo sakin??" "Sinabi ko bang wag kang matulog? Tsaka tigilan mo nga ako sa drama mo! ANo iiyak ka nanaman? Napaka iyakin mong talaga.." Akmang aalis na to. Lalabas ng kwarto pero humarang roon si Klio. "San ka nanaman pupunta?!" Singhal ni Klio na umiiyak na ngayon. Di man lang makitaan si Bria ng konting simpatya. "Tumabi ka nga! Nagugutom ako! Malamang sa kusina ang punta ko.. Ano ba Klio? Tantanan mo nga ako.." Naguguluhanang tumabi na lang si Klio at hinayaang dumaan si Bria. [KLIO BRIXTON] Humagulgol ako pag labas niya ng kwarto. Parang ibang Bria yung nakaharap ko. WHat on earth happened to her? Bigla bigla na lang naging ganun ang pakitungo niya sakin? Napahilamos ako sa mukhang hindi malaman ang gagawin.. Nagtungo ako