[Klio Krixton POV]
Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako para magluto ng breakfast ng mga pinsan ko. Nakikitira lang ako sa kamag anak kaya kailangan kong kumilos dito sa bahay para hindi maging pabigat ng husto.
Sinimulan kong ihanda ang lamesa para sa mga niluto kong putahe. Maganda na din at mahilig akong magluto kaya hindi ko nararamdaman ang pagod sa ginagawa ko.
"Hmmmm! Anong amoy yun?? Naku ate Klio.. For sure masarap nanaman yang niluto mo. You never fail me." bungad ng bunso. Sumunod ng nagsi gising ang dalawa pa. Kasundong kasundo ko ang mga pinsan ko at hindi na ako iba sa kanila.
"Ano na Klio? Wala ka pa rin bang nahahanap na trabaho? Ang tagal mo ng nabakante ah. Paano na lang ang mga bayarin dito sa bahay? Aba hindi ako pumupulot ng pera para pangtustos sa mga pangangailangan mo."
Ang tita Brigette iyon. Hindi ko nasabi na ayaw sakin nito o hindi naman siguro ganun kasi totoo din naman ang mga sinasabi niya. Sa hirap ng buhay sa panahon ngayon tapos nag iisa lang siyang nagtataguyod sa kanyang tatlong anak. Dumagdag pa akong di hamak sa mga iisipin niya.
"Ma! Ano ba naman kayo kay aga aga.. Kumaen na muna tayo oh. Ang sarap ng niluto ni ate Klio." biglang subo ng panganay nito sa kanyang bibig ng niluto kong special scramble egg na may cinnamon.
Lumunok naman ito at halatang nagustuhan niya ang lasa. Kumuha na ito ng plato saka sumandok ng kanin. Kinindatan lang ako ni Trixie, ang pangay sa tatlo.
After lunch yung interview ko sa isang company. Hindi ko alam kung anong hiring nila pero ang pagkakaalam ko marami naman posisyon ang pwedeng ibigay sa mga aplikante kung sakaling mapasa ang interview.
Wala akong pwedeng palampasin at kahit anong trabaho ay tatanggapin ko. Hiyang hiya na talaga ako sa tiya ko. Hindi ko na kayang tagalan pa minsan yung mga sinasabi niya kahit pa totoo ang mga to masakit pa din. Lahat talaga ng totoo masakit kaya kailangan ko ng magkaron ng trabaho para makatulong na sa mga gastusin.
"Ito ate Klio.. bagay mo to at for sure matatanggap ka agad dahil sa ganda mong yan hindi na makakatanggi ang mag iinterview sayo.." pagbibiro ng bunso ng nasa kwarto kami at naghahanap ng maisusuot.
Hindi nalalayo ang edad namin ng panganay kaya halos magkasing katawan lang kami.
"Trixie thank you talaga ah! At sa inyong tatlo. Naku babawi talaga ako sa oras na matanggap ako roon." nakangiti kong saad. Niyakap naman nila akong tatlo na nagpalambot ng puso ko. Laking pasasalamat ko at andyan sila. Simula ng maulila ako sa mga magulang ay sila na ang naging pangalawang pamilya ko.
Sila lang ang tumanggap sa akin sa kabila ng hindi magandang pakikitungo sa kanila ng mga magulang ko. Siguro isang dahilan na din yun kung bakit mainit ang dugo sakin ni Tita. Naaalala ko pa nuon kapag nagpupunta siya ng bahay para humingi ng tulong kay mama o mangutang. Nahuhuli kong sinusumbatan siya ni mama sa pag aasawa ng maaga kaya naghihirap ng husto.
Nakababatang kapatid ni mama si Tiya Brigette. Nabuntis ito kay Trixie nung graduating pa lang siya sa college.
"Sige na ate Klio.. Lumarga kana at baka mahuli ka pa.." paalala sakin ni Tofi ang pangalawa sa magkakapatid..
" W*-wait.. Sandali lang.. May kulang pa!" pahabol ni Troy ang bunso ng akma na akong lalabas ng kwarto.
"Ito! Para mabango.." nakangiti nitong saad saka inispray sakin ang perfume niya..
"Troy panlalaki naman yan ei!" singhal ni Trixie. Natatawa na lang ako sa kulit nilang tatlo..
"Ito dapat.. Hmmm ayan! Perfect.." saad ni Trixie na maspray sakin ang kanyang perfume. Sabay pa silang nag amuyan..
"Ang ganda mo na ate Klio tapos ang bango mo pa.. Alam mo kung magkasing edad lang tayo at hindi tayo magpinsan.., Naku niligawan na kita.." pagbibiro ng bunso. Sobrang kalog talaga ng magkakatid na to. Sila ang nagbibigay liwanag sa buhay kong madilim at kulay sa mundo kong walang dating.
"Naku hindi ka nya magugustuhan at mauunahan pa kita Troy. Mas matanda ata ako sayo.." singhal naman ni Tofi.
"Kayo.. kayo talaga! Tigilan nyu na nga si Ate Klio.. walang papasa sa inyo.. hahaha.." singit ni Trixie. Alam niya kasing sa babae lang ako nagkakagusto at since birth ay hindi pa ako napapasabak sa isang relasyon. Wala din naman kasi sa utak ko ang mga bagay na yun. Wala akong karapatang maging maligaya hanggat wala akong nararating sa buhay.
Ang focus ko na lang talaga ngayon ay ang makatulong sa mga pinsan ko. Masuklian ko man lang yung pagmamahal na ibinibigay nila sakin sa kabila ng inis ni tiya Lingga.
30 mins bago ang interview ay nasa lugar na ako. Nakita ko ang makintab na nakaukit sa labas ng building.. Brixton Infinity Empire. Natahimik ako at biglang may naalala. That's the surname of the first person who make my heart melt.
Bumuntong hininga lang ako. It's been 10 years I think ng huli ko siyang makita. After that day we talk hindi na siya pumasok pa ng school. Perhaps lumipat siya.. Kahit sinong tao naman sa ginawa ko hindi malayong layuan ako. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng mga sandaling yun. Naalala ko ang araw na yun pati ang lugar, ang oras at higit sa lahat ang itsura niya. She was damn hurt which made me brittle.
Pumasok ako sa building at nagtanong muna sa receptionist kung may walk in interview nga ba sila at tumango naman ito. Ang ganda ng espayo ng loob. Halong tiles at kahoy ang paligid. Ang swerte naman ng may ari ng company na to. Naalala ko tuloy nung mayaman pa kami at nagpupunta ako ng office ni Dad. Grabe sinong mag aakala na ang isang Klio Krixton na tagapagmana ng Krixton Group of Companies ay maghihirap sa isang iglap lang.
Nalulong si papa sa sugal kaya unti unti nawala sa amin ang lahat. Hindi lang ang kayamanan ang nawala sa'ken pero pati ang parents ko at matalik na kaibigan. I miss her so much. Walang araw na hindi siya naalis sa isip ko. Hinanap ko siya sa kanila pero hindi na sila ang nakatira sa bahay na yun. I tried contacting her pero nagpalit na siya ng number. Even in her social media accounts ay nakablock na ako. What do I expect after all that I said to her. It's unforgivable. It's worst. Damn worst...
[Bria Brixton POV] It's been ten years. Wala na sakin ang lahat kaya hindi na dapat ako paapekto pa. Hindi na ako ang dating Bria na tinutukso dahil sa suot kong salamin at braces. Wala na ang lahat ng iyon. Binaon ko na sa limot pati siya. "Ms. Bria. Ano pong desisyon mo?" nabasag ang ulap sa taas ng utak ko. Naglaho ang mga kataga sa langit. Should I face her or not?? Or maybe it's my turn now to get back on her. Should I make her life, suffer?? At least a bit. Klio Krixton, what happened to you in the past ten years? Why are you applying for a job? You are damn rich. I couldn't stop myself from being interested to know more about her. Ano na nga ba siya ngayon?? Aside from wanting her to suffer, I want to make her fall for me and then dump her... Ang sarap siguro sa pakiramdam ang mapaibig ang isang katulad niyang straight sa isang katulad ko and then lalagapak siya ng bongga sa sahig kagaya ng pinaramdam niya sakin 10 years ago. She doesn't suppose to accept my love but she doe
[Narrator] Ito ang unang araw ni Klio bilang assistant ni Bria. Pagpasok pa lang niya ng building ay narinig na agad niya ang usapan ng dalawang babae sa reception area. "Grabe nu! Akala ko pa naman ang taas ng standard ni Ms. Brixton. Diba ilang assistant na ang hindi nakatagal sa kanya sa taas ng expectations niya so bakit ang isang tulad ng babaeng yun ang tinanggap niya." "Oo nga friend at ayon pa sa source ko di hamak na qualified daw ung tatlo kaysa duon sa na hire ni wala nga daw experience sa pagiging assistant. Ano may kapit ba yon sa taas??" "Oh baka naman may something sa kanila!! Aha!!" [Klio POV] Maaga akong naghanda sa pagpasok. Akala ko sapat na ang may laman ang tyan at presantable. Hindi pala trabaho ko ang dapat kong pinaghahandaan kundi ang mga salitang maririnig ko sa paligid. Bumungad agad sa akin ang usapan ng dalawa sa reception area patungkol sa akin kaya hindi ko tuloy alam kung magsasalita pa ba ako at ipapaalam na ako yung bagong hire or magpapata
[KLIO POV] Muli akong naglakad matapos kong malaman saang floor ako dapat pumunta. Hindi kalayuan nakita ko ang isang babaeng pasakay pa lang nag elevator kaya nagmadali akong maabutan yun. "Oh! Ms. Krixton, ikaw pala yan." Si Bria ito. Malinaw pa din sa'ken ang boses niya. Kung alam ko lang na siya pala yun, sa sumunod na sana ako sumakay. "Good morning, Bria.. I me-mean Ms. Brixton.." Pagtatama ko. Bakit ba hindi ko makuhang tawagin siya sa surname niya. Nakakahiya tuloy baka isipin niya masiyado akong feeling close dahil magkakilala kami. "Ipagtimpla mo ko agad ng kape." Utos nito with fiercing look. Bago pa man ako makasagot ay humakbang na siya palabas ng elevator. Nagmadali naman akong sumunod. Gaya ng sinabi niya, hinanap ko agad ang pantry kung san ako makakapagtimpla ng kape. Hindi naman ito mahirap mahanap kaya lang anong timpla kaya ang gusto niya. Unang araw ko pa lang pero mukhang mapapasabak na ako. Dapat pala ito ang una kong inalam kay Ms. Fionna kahapon. Bigla tu
[BRIA POV] Sinadya kong maupo sa tabi niya. Wala lang, trip ko lang. Gusto ko lang maging uncomfy siya. Sa sobrang katahimikan naisip kong magtanong. Hindi ako naniniwalang hindi pa siya nagkaka boyfriend. For sure she's lying. Baka nga hindi na siya virgin. Pati ba naman sa bagay na yun kailangan niyang magpanggap, kung sabagay sanay nga pala siyang manlinlang. Isa nga ako sa napaniwala niyang totoong kaibigan ko siya, na she cares about me, na we are the same but I was wrong. Dumating kami sa venue kung saan ang meeting. Isang koreano ang may ari nito. Wala pa man kami sa table nakita ko ng agad ang dami ng pagkaen sa pinaka center. Kung sabagay ganito nga pala ang kultura nila. "Have a seat Ms. Brixton. So lovely to finally meet you. And you are?" Magalang akong bumati at pinakilala ang aking sarili. Bumalin ito kay Klio pagkatapos. "I'm Klio Krixton, sir.." Tumango ito bilang pag respeto. "Shall we start?" Panimula ko. Gusto kong mapakita kaagad sa kanya ang presentation ko
Pagmulat ng mga mata ko kasabay din nun ang pagtatapos ng magandang panaginip. Nasa loob na ako ng isang pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang aking paningin ngunit mag isa lang talaga ako. Nakaramdam ako ng pagkadismaya ng hindi siya mahagilap. Ilan sandali pa ay bumukas ang pinto. Panandalian lamang akong nasabik. "Ate Klio anong nangyari sayo?!" Nag aalalang tanong ni Trixie. Masaya akong makita siya pero iba ang inaasahan ng puso ko. Bakit wala si Bria. Napatagal ba ang tulog ko kaya nainip na siya. "Ate Klio nagkaroon ka ba ng amnesia? Nakalimutan mo bang bawal ka sa sea food?! Bakit mo naman nilantakan ang kamatayan?!" "Ate Klio!" Bulyaw nito ng walang makuhang sagot sakin. "Mahabang kwento, Trixie pero okay naman na ako. Huminahon ka na.." "May kasama ba ako ng dumating ka, Trixie? Paano mo nalaman na andito ako?" Gusto kong makarinig ng kahit anong tungkol kay Bria at umaasa akong makukuha iyon kay Trixie. "Tumawag ang hospital sakin kaya nagmadali agad ako..." "Sinabi mo
"Hindi kita titigilan hanggat hindi ka nagkukwento ate Klio.." Salubong ni Trixie ng nasa kwarto na kami. "Si Bria ang may ari ng kumpanyang pinagtatrabauhan ko Trixie.." Pagsisimula ko. "Kaya ka ba duon nag apply??" "Hindi no!" Maagap kong sagot ng mapagtanto ang nasa isip niya. "So destiny nga ang nagtagpo sa inyo kung ganun.. At wag ka ate Klio kapag ito ang pumagitna sa inyong dalawa, tiyak wala na kayong kawala..." Hindi ko agad naintindihan ang mga sinasabi nito o baka naman ayoko lang intindihan para hindi na ako umasa simula pa lang. "Hindi niya ni minsan nalaman na may gusto ka sa kanya diba?" Dahil sa tanong niya muli kong binalikan ang nakaraan. FLASHBACK>>> "Guys andito nanaman si Betty La fea, sinisira ang maganda nating umaga.." Gaya ng dati may bago nanamang apple of the eye si Devin. Hindi talaga nawawala sa mundo ang mga taong katulad niya. Walang magawa at kulang sa pagmamahal. "Hoy Devin! Tigilan mo nga si Bria kung ayaw mong isumbong kita sa Dean!" Magkahal
[BRIA POV]"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Klio pagpasok namin ng opisina ko. Magkasunuran lang kaming dumating kaya sabay na kaming pumasok ng elevator sa lobby. "Okay, na ko.." Tugon nito, nakayuko. "Next time wag kang magpakitang gilas, Klio. Hindi nakakadagdag kundi nakakabawas ng abilidad ng isang tao..Anyway, all the expenses from the hospital, even the medicines, will be deducted from your salary. Company is nothing to do with it dahil hindi ko naman sinabing kainin mo ang bawal sayo para matuwa ang client. You don't have to do that... I can close the deal without impressing him.""Okay, po Ms. Brixton.. Sorry, po." That's the better answer but I didn't expect na tatanggapin lang niya lahat ng sinabi ko at hindi man lang nagbigay ng dahilan. Knowing Klio from the past kahit mahina ang utak nito, palaban siya sa lahat at hindi patatalo but given I'm her boss perhaps that's the reason hindi na siya nakipag talo pa."You have a meeting today po kay Mr. Dokgo." Porm
"In my office, Ms. Krixton.." Muntik na akong mahulog sa upuan ko ng marinig ang boses ni Bria. Bakit mukha siyang galit? May nagawa nanaman ba akong mali? Mabilis akong nagtungo sa opisina niya. Lumunok at huminga muna ng malalim bago ako pumasok sa loob. "Bakit mo yun ginawa?" Sana kinukumpleto niya ang sentence niya dahil hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Anong ginawa ko? "Ano pong sinasabi nyo?" Alangan kong tanong. "Fine! Perhaps ginagawa mo lang ang trabaho mo at yun naman dapat.. Get out now!" Tahasang pahayag nito. Muling kumunot ang noo ko. "Ano nanaman problema ng boss mo?" Usisa ni Yumi ng makabalik ako ng desk ko. "Tanungin mo siya kasi ako diko alam.." Yamot kong tugon. "Ito naman pati ako dinadamay... Gurl boss mo lang ang mainit ang ulo hindi pati ikaw iinit na din. Palagay ko trip ka nun.." Ismid nito. "Trip? Ano trip niya kong pagtripan?" Taas kilay kong sagot. Magkakasundo talaga kami ng babaeng ito dahil nasasakyan niya ang ugali ko. "Hindi yun
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo
DUMAAN pa ang dalawang linggo na nasa bahay lang si Klio. Matapos ang tangkang saktan ang sarili minabuti ni Mayumi na mamalagi na lang sa poder niya si Klio at mag hire ng nurse na magbabantay rito kapag wala siya. Hindi ito lumalabas ng kanyang kwarto kahit na anong pilit sa kanya ng mga kaibigan. Maski ang mama nito ay walang magawa upang gustuhin niyang ipagpatuloy ang buhay. Hindi na lingid sa lahat ang pakikipaghiwalay ni Bria kay Klio kung kaya galit na galit nanaman si Trixie. "Alam mo akala ko nagbago na talaga yang Ate mo pero heto nanaman siya sa pagpapahirap sa pinsan ko! Dadating ang araw Tyron kakarmahin yang Ate mo!" Sambakol ang mukhang sabi ni Trixie ng makalabas sila ng kwarto ni Klio. Wala namang naging sagot si Tyron. Naninikip ang dibdib nito sa pagpipigil na isiwalat ang buong katotohanan. "Alam mo deserve ng Ate Bria mo ang mamatay! Wala siyang isang salita at hindi talaga niya alam ang salitang pagmamahal!!" Buryong saad pa ni Trixie. Kumuyom lang ang pal
Luhaang iniwan roon ni Bria si Klio. Parang bumagsak ang mundo nito at di magawang ibangon ang sarili. Patuloy sa pag iyak. Kinuyom ang sarili. Binaluktot ang mga paa, nilagay ang mukha sa tuhod at niyakap ang mga binti. Walang humpay na pag tangis. Si Bria naman ay bumalik sa kanyang condo. Kumuha lamang ito ng beer sa loob ng ref saka iyon binuksan at ininom. Wala pa din itong kahit anong reaction sa mukha. Tulalang iniinom ang alak hanggang sa sumabog. Sumilay ang mga guhit sa mukha ni Bria. Galit itong ibinato ang bote sa tapat na pader. Naningkit ang mga matang sumigaw ng pagka lakas lakas saka tuluyang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Ilan sandali at dumating si Tyron. "Anong ginagawa mo dito?!" sabog ang tinig nito. "Ate Klio called me.. Ano bang nangyayari Ate Bria? Nag away nanaman ba kayo? This time what would be the reason?" Pinukol sa kanya ni Tyron ang buong tingin. Napapikit lang si Bria at napayakap sa sariling nakaupo sa sahig. Nakasandal sa paanan ng sofa. "I
"Do I need to repeat myself? Bingi ka ba?!" Bulyaw ni Bria na bumangon sa kama. Hinawakan siya ni Klio sa pulso bago pa to makalayo. "Ano bang nangyayari sayo ha? Nasasaktan ako alam mo ba yun? Buong magdamag akong gising Bria tapos yan ang sasabihin mo sakin??" "Sinabi ko bang wag kang matulog? Tsaka tigilan mo nga ako sa drama mo! ANo iiyak ka nanaman? Napaka iyakin mong talaga.." Akmang aalis na to. Lalabas ng kwarto pero humarang roon si Klio. "San ka nanaman pupunta?!" Singhal ni Klio na umiiyak na ngayon. Di man lang makitaan si Bria ng konting simpatya. "Tumabi ka nga! Nagugutom ako! Malamang sa kusina ang punta ko.. Ano ba Klio? Tantanan mo nga ako.." Naguguluhanang tumabi na lang si Klio at hinayaang dumaan si Bria. [KLIO BRIXTON] Humagulgol ako pag labas niya ng kwarto. Parang ibang Bria yung nakaharap ko. WHat on earth happened to her? Bigla bigla na lang naging ganun ang pakitungo niya sakin? Napahilamos ako sa mukhang hindi malaman ang gagawin.. Nagtungo ako