"Hmm okay pero maiba ako Amara. Anung pinagkaka abalahan mo?" "Actually wala. Kareresign ko lang sa work ko at ito 1 month na akong ganito.." Tumawa ito ng mahina saka lumagok din ng inumin niya. "Bakit mo naman natanong?" "Kailangan ko ng bagong assistant.." Paliwanag ko. "At dapat marunong mag drive.." Dagdag ko pa. "I'm in. Magaling akong assistant, care taker, secretary kahit anu at yup I know how to drive. Dala ko nga ang sasakyan ko.." "Then great. You are hired!" Singhal ko at inangat ang basong hawak ko bilang pagpupugay. "So kailan ako magsisimula?" Tanong niya. "Ngayon na. Ihahatid mo ako sa bahay ko after this." "You can't drive?" Usisa niya. Mali atang hinire ko siya. "Because of an accident. I was drunk, driving my way home, kaya ayun.." Pagpapaliwanag ko sa kanya. "So madalas ka ngang uminom.." "Yeah, but I have my reason.." Sambit ko. "Your wife?" Tugon niya. Wala na atang maitatago sa kanya ang isip ko. "Hope you don't mind me asking. Na curious lang ako.
[BRIA BRIXTON] Kasama ko ngayon sa kwarto ang asawa ko dahil si Amara ang gumamit ng kwarto niya. Kasalukuyan itong nakatalikod sakin. Perhaps galit siya dahil nag uwi ako ng babae pero wala naman akong masamang ginagawa. Isa pa inoffer din niya na dito na magpalipas ng gabi kay Amara. "Are you good?" Ako ng bumasag sa katahimikan. Ginalaw lang nito ang ulo niya bilang pag sang ayon pero hindi humarap sakin. Nagsimulang dumapo ang labi ko sa balikat niya at ang palad ko sa bewang niya. Nasasabik akong angkinin siya. "Ayoko, Bria. Please.." Pagtanggi niya pero makukuha ko pag ginusto ko. "Klio.. Kung iniisip mo si Amara. Wala kaming relasyon. Nakilala ko siya sa bar. Naging kaibigan at nalaman kong need niya ng work at ako din naman need ko ng bagong assistant kaya hinire ko na siya.." Sa hinaba ng explanation ko wala man lang itong naging ganti. Naiinis akong hindi makuha ang gusto ko kaya hindi ako tumigil na amuhin siya. "Sorry kung umalis ako ng walang paalam.. And about Tor
[KLIO KRIXTON] Hindi ko mapaliwanag ang sobrang saya ko. On the way ako ngayon sa company na sinabi ni Bria. Abot tenga ang ngiti ko at hindi yun nawawala hanggang makarating ako sa lugar. Ito na ba ang simula ng maayos na pagsasama namin ni Bria? Sa wakas at nagiging malambot na din uli ang puso niya. "Hi! I presume you are Bria's wife?" Isang kagalang galang, sophisticated na dilag ang sumalubong sakin sa lobby pa lang ng malaking kumpanya. "Ah yeah. Ako nga po.." Tugon ko ng may respeto. "Wag mo na akong ipo. Halos mag ka edad lang naman ata tayo. Isa pa ayokong tumanda agad.. By the way I'm Cali Dallarosa the owner of this.." Pagbibiro at pagpapakilala nito. Ngumiti naman ako at namangha dahil sa batang edad may sarili na siyang kumpanya. "Okay. Sorry.." Saad ko. "Nabanggit na sakin ni Bria na magaling kang designer. Halika.." Aya niya sabay ang paglakad at ganun din ako. Nagtungo kami ng elevator at ilang sandali lang narating namin ang office niya. "Sakto kasi kailangan n
[BRIA BRIXTON] Dati pa nakikita ko na ang mga designs ni Klio kaya alam kong magaling siya. Si Cali na ang bahala sa kanya. Cali is my best friend nung mga panahong wala akong ibang pinagkatiwalaan kundi siya lang. Siguro dahil parehas kami ng mga panahon na yun. Masyadong mapag isa at may sariling mundo. Ganun siguro talaga. Same feather flocks together pero hindi lahat alam ni Cali tungkol sa akin. She might know Klio but she does not know all. Alam lang niya first love ko si Klio. May kaya sila Cali kaya after namin ng college sinimulan niya agad ang business na talagang gusto niya. Ang line ng mga damit, accessories, shoes and handbag. Natutuwa siya kapag nakikita ang mga bagay na yun with her own brand syempre. Ilang taon lang at nag boom talaga ang kumpanya niya. Hindi na ako magtataka dahil hard working at aggresibo naman talaga siya pagdating sa gusto niya. Maganda si Cali, mabait at ideal girl din naman pero never akong nakaramdam ng higit pa sa kaibigan sa kanya. Hangga
[NARRATOR]FAST FORWARD>>> "Oh you are so early.." Nakangising bungad ni Amir kay Klio. "Good morning sir Amir." Magalang na bati ni Klio. "Amir na lang. Hindi pa ko senior.." Pagbibiro naman nito. "Hmm nakapag breakfast ka ba?" "Opo. Nag breakfast kami ng asawa ko." Muling ngumisi ng nakakaloko si Amir. "Wag mo din akong pinopo.. Pangit sa pandinig ko." "Hindi ho ako komportable maging casual sa inyo kasi boss ko po kayo.." "Sige ka. Ikaw din.. Araw araw kitang kukulitin na tigilan mo yung pag tawag sakin ng ganyan.." "Okay sige. Amir.." Wala ng nagawa si Klio dahil mukhang seryoso itong hindi siya patatahimikin. "Yan! Mas gusto ko yan.. Para lang tayong mag tropa.. Ah hindi pala. Ayoko ng kaibigan lang Klio." Makahulugan ang mga binitawang salita nito. "Matalik na kaibigan. Gusto ko matalik na kaibgan.. Ikaw naman naging seryoso ka kaagad.." Muling bungisngis nito. Sabay sukbit ng dalawang kamay sa kanyang bulsa. "Sir maging professional po sana tayo. Trabaho ho ang pin
[BRIA BRIXTON] "Uuwi na ba tayo agad?" Pang limang beses na atang tanong ni Amara habang nagmamaneho. "Nag aantay ang asawa ko.." "Samahan mo naman muna ako. Ayoko pang umuwi. Wala din naman akong dadatnan.. Isang round lang. Inom muna tayo." "Uminom na lang tayo sa bahay, Amara. Ayokong mag isip ng kung anu ang asawa ko.." Muling pagtanggi ko. "Wow talagang mahal na mahal. EI ikaw gaano ka kasiguradong ikaw lang din sa buhay niya? Gaano ka kasure na loyal at faithful siya sayo? Diba ikaw na ang may sabi ang daming nahuhumaling sa asawa mo kahit nung mga high school pa lang kayo.." Mag aaya na lang siya lalasunin pa niya ang utak ko. Dahil sa mga binitawan niya nag iba nanaman tuloy ang pakiramdam ko. Napaisip akong di hamak. Paano nga kaya kung niloloko pala ako ni Klio. Paano kung bumigay siya sa Amir na yun. Balita ko babaero ang isang yun sabi ni Cali. Pero tiwala ako kay Cali. Sasabihin niya sakin ang lahat ng makikita o mapapansin niyang kakaiba. "Oh natahimik ka na. Nap
[NARRATOR] Maaga pa lang pumasok na si Klio at naiwang tulog pa din si Bria sa kwarto niya. Nag siping sila kahit malalim pa din ang tampo niya sa kanyang asawa. Hindi niya ito magawang matiis ng matagal kapag nagpakumbaba na sa kanyang harapan. Masyadong malambot ang puso niya pagdating kay Bria pero sobrang tigas sa mismong sarili. Nagagawa niyang tiisin lahat ng paghihirap niya sa pagsasama nilang dalawa. ###"Good Morning, Klio." Bati ni Cali pero hindi niya alam kung tutugunan ba niya ito. Tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Bria kagabi. Dala lang ba yun ng kalasingan, hindi alam ang mga nasabing salita? Walang kasiguraduhan kaya binalewala na lang niya ito at binati si Cali. "Good Morning din.." Pilit na ngiti niya. "I got your designs. Maganda siya. Talagang pinag isipan at pinag tuunan ng maraming research. I love it, klio. Keep it up.. Soon maglalabas na tayo ng sample sa market.." Aalis na sana si Klio pero muling nagsalita si Cali. "Oo nga pala pakisabi kay
[NARRATOR] Nakabalik ng establishment sila Klio at Amir matapos nilang mag lunch. Mas naging magaan na ang pakiramdam ni Klio ng maging malinaw na ang lahat kay Amir. "Klio.. Are you busy?" Marahan na pumasok si Cali sa kanyang opisina habang binibigkas ang mga salitang ito.Kasalukuyan naman siyang abala sa ginagawang design ng isang sapatos ng mag angat siya ng ulo para bigyan pansin si Cali. "Hindi naman." Sagot nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata. "Ipapadala kita sa china kasama si Amir para tignan ang isang materyales doon para diyan sa sapatos na denidesign mo.." "Kailangan ko ba talagang sumama? Hindi ko kasi alam if papayagan ako ng asawa ko." "Ako ng bahala kay Bria. I'm sure papayag yun Klio kapag ako ang nakiusap. Trust me.."Binibigkas ni Cali ang huling talata nang dahan-dahan nang buong kumpiyansa.Hindi na kumontra pa si Klio ng maging buo ang desisyon ni Cali na mapapa payag si Bria. Naging uncomfortable lang ng dating sa kanya dahil siya ang asawa. Dapat sila a
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo
DUMAAN pa ang dalawang linggo na nasa bahay lang si Klio. Matapos ang tangkang saktan ang sarili minabuti ni Mayumi na mamalagi na lang sa poder niya si Klio at mag hire ng nurse na magbabantay rito kapag wala siya. Hindi ito lumalabas ng kanyang kwarto kahit na anong pilit sa kanya ng mga kaibigan. Maski ang mama nito ay walang magawa upang gustuhin niyang ipagpatuloy ang buhay. Hindi na lingid sa lahat ang pakikipaghiwalay ni Bria kay Klio kung kaya galit na galit nanaman si Trixie. "Alam mo akala ko nagbago na talaga yang Ate mo pero heto nanaman siya sa pagpapahirap sa pinsan ko! Dadating ang araw Tyron kakarmahin yang Ate mo!" Sambakol ang mukhang sabi ni Trixie ng makalabas sila ng kwarto ni Klio. Wala namang naging sagot si Tyron. Naninikip ang dibdib nito sa pagpipigil na isiwalat ang buong katotohanan. "Alam mo deserve ng Ate Bria mo ang mamatay! Wala siyang isang salita at hindi talaga niya alam ang salitang pagmamahal!!" Buryong saad pa ni Trixie. Kumuyom lang ang pal
Luhaang iniwan roon ni Bria si Klio. Parang bumagsak ang mundo nito at di magawang ibangon ang sarili. Patuloy sa pag iyak. Kinuyom ang sarili. Binaluktot ang mga paa, nilagay ang mukha sa tuhod at niyakap ang mga binti. Walang humpay na pag tangis. Si Bria naman ay bumalik sa kanyang condo. Kumuha lamang ito ng beer sa loob ng ref saka iyon binuksan at ininom. Wala pa din itong kahit anong reaction sa mukha. Tulalang iniinom ang alak hanggang sa sumabog. Sumilay ang mga guhit sa mukha ni Bria. Galit itong ibinato ang bote sa tapat na pader. Naningkit ang mga matang sumigaw ng pagka lakas lakas saka tuluyang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Ilan sandali at dumating si Tyron. "Anong ginagawa mo dito?!" sabog ang tinig nito. "Ate Klio called me.. Ano bang nangyayari Ate Bria? Nag away nanaman ba kayo? This time what would be the reason?" Pinukol sa kanya ni Tyron ang buong tingin. Napapikit lang si Bria at napayakap sa sariling nakaupo sa sahig. Nakasandal sa paanan ng sofa. "I
"Do I need to repeat myself? Bingi ka ba?!" Bulyaw ni Bria na bumangon sa kama. Hinawakan siya ni Klio sa pulso bago pa to makalayo. "Ano bang nangyayari sayo ha? Nasasaktan ako alam mo ba yun? Buong magdamag akong gising Bria tapos yan ang sasabihin mo sakin??" "Sinabi ko bang wag kang matulog? Tsaka tigilan mo nga ako sa drama mo! ANo iiyak ka nanaman? Napaka iyakin mong talaga.." Akmang aalis na to. Lalabas ng kwarto pero humarang roon si Klio. "San ka nanaman pupunta?!" Singhal ni Klio na umiiyak na ngayon. Di man lang makitaan si Bria ng konting simpatya. "Tumabi ka nga! Nagugutom ako! Malamang sa kusina ang punta ko.. Ano ba Klio? Tantanan mo nga ako.." Naguguluhanang tumabi na lang si Klio at hinayaang dumaan si Bria. [KLIO BRIXTON] Humagulgol ako pag labas niya ng kwarto. Parang ibang Bria yung nakaharap ko. WHat on earth happened to her? Bigla bigla na lang naging ganun ang pakitungo niya sakin? Napahilamos ako sa mukhang hindi malaman ang gagawin.. Nagtungo ako