Answer
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, gawa ng pang-iistorbo ni Drake sa akin kahapon. Nang pauwi na kasi ako, pinilit niya akong ihatid sa bahay namin.
Sira ulo talaga yun. Sinabi ko na ngang strikto si Tita pinagpipilitan pa rin niya ang gusto niya.
Kaya naman, kahit labag sa kalooban ko. Pumayag na lang din ako. Pero syempre may kondisyon. Hanggang sa may labasan lang siya. Hindi siya pupuwedeng pumasok o kahit ang kumatok man lang ng gate. Bago kasi makarating sa bahay namin, madadaanan muna ang isang eskinita.
** flashback **
"Nandito na tayo, umuwi ka na.." Medyo madilim na nang makarating kami. Traffic kasi.
Hanggang bukana lang siya ng eskinita. Hindi na siya puwedeng dumiretso sa loob niyon. Dahil nakatitiyak akong nagkukumpulan pa rin ang mga tsismosa sa lugar namin.
Lahat ng madaanan namin ay napapalingon sa kasama ko. Halos magkanda bali-bali na ang leeg ng mga nakakakita sa kanya.
Pahamak talaga kahit kailan itong si Drake.
Kunsabagay naisip ko, sino bang hindi mapapalingon sa kanya?
Tindig pa lang agaw pansin na. At kahit hindi mo amuyin, amoy presko na.Yung mga batang naglalaro sa kalsada, humihinto saglit at pagkatapos ay kinakawayan siya, ngumingiti din naman pabalik ang gago. Anong akala niya, artista siya?
Pero sino ba naman kasing mag-aakalang hindi? E saksakan ng gwapo ang damuho. Inaamin ko sa tangkad niya, pasado siyang modelo.
Maamo lang ang mukha niya pero kabaliktaran iyon ng katauhan niya..
"Hoy, ano na?" Untag ko sa kanya. Tumigil siya sa pagmamasid ng lugar, at matamang tumitig sa eskinita. Balak pa yatang pumasok doon.
Ano siya sinuswerte?
Hindi na siya puwede dun."Umuwi ka na.."
Sabay hila ko ng mabilis sa kamay ko. Ngayon ko lang napagtantong hawak-hawak niya pa rin pala ang kamay ko.Buong biyahe niyang hawak ang kamay ko. Hindi man lang siya nahiya sa mga kasabayan naming pasahero. Kaya ayun, siguro iniisip ng mga yon na boyfriend ko ang komag na to.
Hindi no!
Ni hindi ko nga alam kung anong binabalak nito. At isa pa, hindi ang isang katulad ko 'lang' ang magugustuhan ng lalaking ito. Sa pelikula lang nangyayari, na ang isang mayamang lalaki magkakagusto sa isang dukhang babae na katulad ko.. dyahe!
Totoong buhay po ito no!Pero kanina habang nakasakay kami sa dyip. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Ako pa nga itong panay ang reklamo, dahil sa tuwing biglang preno si Manong Driver, hindi maiwasang magkadikit ang mga katawan namin.
Shemay.. ang tigas ng katawan ng lalaking 'to. Araw-araw yatang nasa gym.Ngunit may pagkakataon ding maya't-maya lang e, pinupunasan niya ng pawis ang noo niya o di kaya ay ang mukha niya. Naiinitan siguro. Halatang hindi sanay sa buhay na meron ako.
"Wala man lang goodbye kiss? O hug kaya?"
At kumindat pa sa akin. Biglang tumalon ang puso ko sa ginawa niya.Inirapan ko siya ngunit, binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti.
"Is this how you treat your suitor?"
Is this how you treat your suitor?
Is this how you treat your suitor?
** End of flashback **
Napuyat ako sa kaiisip sa huling sinabi niya..
Ni hindi ko nga nagalaw ang pagkain ko kanina. Kaya heto, sa cafeteria ang punta ko. Sana nga lang magkasya pa ang pera ko. Sapat lang kasi ang ibinigay ni Tita. Nagugutom na talaga kasi akoMangilan-ngilan pa lang ang kumakain ngayon.Maaga pa kasi.Napagpasyahan kong umupo sa dulong bahagi. Alam ko kasi, maya-maya lang dadagsa na rin ang mga estudyanteng kakain.
Sunod-sunod ang subo ko..
Pero.. dahil sa lakas ng tapik na ginawa sa kin ng kung sinuman, ay napahinto ako.Nag-angat ako ng tingin..
At ng mahanap ng mga mata ko ang may gawa, agaran kong ibinagsak sa pinagkainan ko ang aking titig.
Sina Chloe pala.
Sila iyong sikat na cheerleader dito sa University..Anong sadya nila?
"Hey you.."
Magpapaturo ba siya sa isang subject niya?
Ganun naman yun diba?Sinalubong ko ang mga mata niyang nag-aapoy sa galit..?
Dinuro niya ako..
Bi-nu-bully na ba ako?'
Inilang hakbang niya lamang ang pagitan namin pagkatapos ay buong puwersa niyang hinatak ang kamay ko at hinila ako patayo.
"Don't you know me?"
Sino bang hindi makakakilala kay Chloe?
Bukod kasi sa maganda na siya, palagi pa niyang nabibigyan ng karangalan ang university. Siya at ng mga ka grupo niya ang laging nanalo sa tuwing may sinasalihang competition."You have the guts to look at me straight in the eyes huh?"
Mas lalo lamang nag-apoy sa galit ang kanyang mga mata.
Ngumisi siya, "Pathetic,."
Hindi ko masundan kong anong ibig niyang sabihin,
Pero ng kinuha niya ang pinagkainan ko ng spaghetti, at ini-angat ito sa ere,. Kinabahan na agad ako.Walang pagsisi niyang ibinuhos sa ulo ko ang halos wala pang bawas na spaghetting kinakain ko. Hindi pa siya nakuntento, sinundan niya pa ng pagbuhos dun sa basong iniinuman ko, medyo kalahati pa lang ng tubig ang nainom ko dun.
Narinig ko ang tawanan nila nung mga kasama niya..
Nagtatawanan sila samantalang ako, halos humagulhol na dito..
"Poor girl.." dagdag pa niya.
Kusa kong tinatanggal ang spaghetting nakadikit pa rin sa ulo at sa balikat ko.. ang iba kasi tuluyan nang nahulog sa sahig.. medyo basa rin ang blouse ko gawa ng pagkakabuhos niya sa akin ng tubig. Ang pantalon ko naman may mantsang kumapit mula sa spaghetti..
Hindi ko na tuloy 'to masusuot bukas."Stay. Away. From. Drake."
Inalog-alog niya ang kaliwang braso ko, sa lakas nun pakiramdam ko, konting alog na lang kakalas na ang mga buto ko dun.Hindi ko alam kung bakit nanggagalaiti siya sa galit. Di ba dapat si Drake ang pinagsasabihan niya at hindi ako?
Inilibot ko ang paningin sa loob ng cafeteria.
Ni isa man lang sana, may pumigil sa ginagawa niya.
Wala man lang ba, balak ang mga tao rito na pigilan siya?
Hinawakan niya ulit ako sa kaliwang braso, pero ngayon iba naman ang ginawa niya.
Sobrang diin ng pagkakahawak niya sa akin, at mas masakit ito kumpara kaninang inaalog-alog niya lang. Naramdaman ko ang matutulis na kuko niyang bumabaon sa balat ko.
Ang hapdi---
Sobrang hapdi..
Napapikit ako sa sakit na naramdaman.
"Do what I say, or else.." bago ngumisi, nilingon niya muna ang mga kasama niya at nakipag apir sa mga to. "... I'll ruin your life,.. pati na rin ang iniingatan mong scholarship.."
Sa lahat ng ginawa niya, dun ako pinaka natakot.
At kahit kaawa-awa na ang hitsura ko ngayon, larawan pa rin sa magandang mukha ni Chloe ang iritasyon..
Matangkad si Chloe, kaya kinailangan pa niyang yumuko para lang matingnan niya ng maayos ang mukha ko..
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
Hindi ko alam kong para saan ang pagpatak niyon.Kung para ba sa takot na nararamdaman ko ngayon?Sa kahihiyang pinaparanas ni Chloe sa akin ngayon? O sa pagbabanta niya sa akin patungkol sa scholarship?"Now, beg!" She ordered.
Sumulyap ako sa mga kasama niya.. dahil pati sila nakikisigaw din ng .. beg.Tuloy-tuloy pang naglandas ang mga luha sa pisngi ko. Nanginginig ako sa sobrang takot. Kumpara sa mga babaeng to, ano ba ang laban ko?
Ayaw kong mawala ang scholarship na pinaghirapan ko.. tanging ito na lamang ang isang bagay na maipagmamalaki ko kina Mama, at Papa. Ayaw kong ma dis-appoint sila sa akin, ... kahit na wala na sila.
Kahit gusto kong lumaban..
Gustong-gusto..
Pipigilan ko ang sarili ko.
Iiwasan kong makapanakit ng kapwa.Pinilit kong tanggalin ang mariin niyang pagkakahawak sa akin, at dali-dali akong tumakbo upang makalayo na sa kanila.
Natatanaw ko na ang pintuan ng cafeteria. Ngumiti ako kasabay ng panlalabo ng mga mata ko sanhi ng mga luha.
Malapit na malapit na ako sa pintuan ng cafeteria ng di sinasadyang---
Blaaag!
May nakabangga ako.
Sa lakas ng pagkakabangga ko sa balikat niya, tumilapon ako sa sahig. At mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mata ko.
"Mikaella..?"
Sa lahat ng makakabangga ko, bakit siya pa?
Bakit ngayon pa?
Sobrang nakakahiya ang hitsura ko..
Tumayo ako mula sa sahig..
"What happened to you? At bakit ganyan ang hitsura mo?"
His jaw clenched..
Nakatingala ako ngayon sa kanya..
Ang tangkad niya sobra...
"Who the hell did that to you?!!"
Kakaibang aura ang nakita ko sa kanya. Malamig ang boses niya pero taliwas yun sa ikinikilos niya. Mas lalong umigting ang panga niya.
He looks dangerously and very menacing. Idagdag pa ang paniningkit ng kanyang mga mata. Parang mahihirapan ang sinuman na pigilan siya. Na kahit ako'y may pag-aalangan din.
"Answer me damn it!!"
Umalingawngaw ang boses niya sa loob ng cafeteria..Kabanata 4Princess"Who did this to you!Malamig pa sa pinakamalamig ang tono ng boses na pinakawalan ko.Naikuyom ko na rin ang mga palad ko sa tindi ng galit na nararamdaman ko.Kung sino man ang may lakas ng loob na gawin ito kay Mikaella.. humanda siya!"Do I need to repeat it myself?! Speak now Mikaella!"Damn it!Nanatili lamang siyang tahimik.Nakayuko. At sa sahig nakatutok ang mga mata, like it was the nicest view.The fuck?!Seriously sa sahig talaga?"What the fuck Mikaella, I said who?"Sa lakas ng sigaw ko paniguradong hindi lamang sa loob ng cafeteria maririnig ito.Yes, the place may surrounded by glasses, but the door is widely opened. Kung kaya, imposibleng hindi marinig ng mga dumadaang estudyante at ng ila
Kabanata 5His weakness"Say something before you die bitch!"Boses ko lang ang maririnig sa loob ng cafeteria.. kung may ilang boses mang nakaligtas sa bibig ng mga estudyanteng narito, iyon ay ang sabay-sabay nilang singhapan.Ang mga estudyanteng kumakain kanina'y napako na sa kinauupuan nila.May ibang pilit na nagtatago, sa takot na mapagbalingan ko nang nagliliyab kong galit.Ang ilan ay nakatulala.Ni isa man ay walang naglakas ng loob na pigilan ako. Kahit pa nga ang mamasungit na staff ng cafeteria. Ipinagpapatuloy lamang nila ang kanya-kanyang gawain na para bang walang nangyayaring komosyon sa lugar.Sa matinding galit na nararamdaman ko ngayon. Imposibleng tumigil pa ako sa nasimulan ko.Wala akong pakialam mapatay ko man ang babaeng sinasakal ko.Mas lalo kong diniinan
Kabanata 6CodenameTahimik kong binasa ang nakasulat sa pinto.'BLACK VENOM'Black venom?Nagpalinga-linga ako sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Drake. Bukod sa tahimik na ang lugar magkakalayo din ang distansiya ng mga bahay rito.Matapos ang eksena kanina sa cafeteria. Sapilitan niya ulit akong isinakay sa magarang sasakyan niya.Hindi na ako nakipagtalo pa. Mahapdi na kasi talaga ang sugat ko at medyo kumikirot na rin 'to. Mukhang napasukan na ng bacteria.Mahigit trenta minuto ang naging biyahe namin. Pinauna na niya ako, sabi niya i-pa-park pa daw niya ang walang kapares na sasakyan niya."Are you bored?" Ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin.Sinusundan ko ng tingin ang susi ng sasakyan niya sa hintuturo niya. Pinaikot-ikot niya ito roon.His sinewy muscles fle
Kabanata 7SalamatWave's p.o.v.Nag-aalangan akong lumapit kay pinuno. Lagpas sampung minuto na kasi ang nakalipas mula nang utusan niya ako. Medyo nahirapan akong hanapin ang first aid kit niya sa kwarto. Ayaw ko namang magkalat sa silid niya at baka mapektusan pa niya ako.Nakakahiya kaya yun. Lalo pa ngayong may kasama siyang magandang babae, and it's unusual of him, kasi hindi naman talaga siya nagdadala ng babae sa palasyo niya.Sa katunayan, siya ang kauna-unahang babaeng dinala ni Pinuno rito sa bahay pahingahan niya.Matinik yan sa babae, habulin din, pero sa tagal ng pagkakaibigan namin ngayon lang talaga---"Ano, buong araw mong balak na hawakan ang mga yan?!"Para akong baklang napaigtad sa sigaw niya. Napilitan akong humakbang sa gawi nila noong babaeng kasama niya.
Kabanata 8GustoDrake's p.o.v.Nakahalukipkip si Sniper, halatang hinihintay talaga ako. Hindi ko naman kasi siya masisi kung ganyang sambakol ang pagmumukha niya.Nasa likod niya ang tatlo pa naming kaibigan. Halatang atat ding malaman ang tungkol kay Mikaella."Naihatid mo na?" Naglakad paatras si Wave habang naka antabay ng isasagot ko sa kanya. Diretso akong pumasok sa loob at pasalampak na umupo sa sofa. Sumunod naman sa akin ang apat."Ang kulit ng babaeng iyon, sinabi ko nang huwag na munang pumasok ayaw paawat." Umiling ako.
Kabanata 9SurpriseSeryoso akong nagpupunas ng mesa ng biglang mapaigtad sa gulat, dahil sa sunod-sunod na pagkalabog ng gate mula sa labas.Sabado ngayon at napagpasyahan kong linisin ang buong bahay. Mag-isa lang ako ngayon, nasa trabaho na kasi si Tita Lani.Nakapagtataka, kung si Tita Lani iyong bumalik para kuhanin ang nakaligtaang gamit, hindi naman iyon padabog kung kumatok.Kinibit ko ang balikat.At nagmamadaling tumakbo papunta sa gate."What took you so long?" Busangot na mukha ni Drake ang sumalubong sa akin ng pagbuksan ko ng gate."
Kabanata 10DateBumaba na kaagad ako sa sasakyan ng huminto na ito. Malaya kong pinagmasdan ang kabuoan ng park. Hindi gaanong malawak ang lugar. May maliit na fountain sa gitna niyon. May malilit na puno rin sa tabi ng bawat bench.Maraming bata ang naglalaro. May ilang nagtatakbuhan, ang iba'y kalong naman ng kanilang mga magulang.Labis akong natuwa sa isang batang lalaking hinahabol ng kanyang ama. Sinusundan ko ng tanaw ang paghahabulan ng mag-ama habang masayang nanonood ang kanyang ina.Hindi ko inaasahang sa park pala gustong pumunta ni Drake. Wala kasi sa hitsura niya. Malayung-malayo kumpara sa Drake na inilalarawan sa akin ng mga ka-klase ko.Ang sabi kasi nila, self centered si Drake, heartless and cold. Kung gayun, bakit napapangiti niya ako sa simpleng mga bagay na ginagawa niya?Bakit niya ipinaparamdam sa akin na ma
Kabanata 11Gideon's p.o.v.Mensahe"Pinuno may mensahe ang leader ng Blades.."Nag-angat ako ng tingin kay Dylan. Alanganin siyang sabihin iyon kay Pinuno. Bakit hindi? E, sobrang masaya kasi si Drake. Parang sirang plakang paulit-ulit na i-ki-ne-kwenento sa amin ang naging date nila ni Mikaella. Busangot na nga ang mukha ni Matt nakukulitan na rin siguro."What is it?" Nag-iba bigla ang timplada ng mukha ni Drake. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya."Pinapasabi niyang nahihibang ka na. Kung hindi ka raw makikipaglaban sa kanila. Hindi siya magdadalawang isip na iparating ito sa kataas-taasan.""And?" Kuyom ang kamao na wika niya."Kailangan mo silang talunin, dahil kapag natalo ka..---"Nagbago ng posisyon sa pagkakaupo si Drake.
EpilogueSlaveIt's been an hour while staring at my beautiful and innocent wife.. I smirk.. she's not that innocent anymore.. I'd take that away an hour ago.Naka-ilang ulit na kami. Say, five six? Don't know, ang mahalaga pareho kaming maligaya. She's lying next to me naked.. we're both naked actually. At ang makapal na puting kumot ang siyang nakabalot sa mga katawan.Nakaunan siya sa aking braso hindi gumagalaw upang hindi ko maistorbo ang pagpapahinga niya. She's tired I know.She is sleeping peacefully.. mabagal ang paghinga.. matagal kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha. She's too kind for me.. hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang asawa ko na siya. Na sa akin na siya. Na sa paggising ko kinabukasan ang maamong mukha niya ang makikita. Katabi sa pagtulog sa gabi. Damn it! Ang isiping katabi siya sa aking kama'y nagdudulot sa akin ng kakaibang pak
Kabanata 25ChangeHalata man sa hitsura ang pagkagulat, aminado naman akong wala nang lusot sa kanyang inialok. Masaya ako dahil napapayag ko siya but.. some of my systems weren't agree of my decisions. I'm happy yes, but my heart were so much in pain, dahil bukas aalis na din kaagad sila kasama ng kanyang ama.Noong gumradweyt sina Matthew pati na ang iba pang kaibigan ni Drake nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa wakas mababawasan na ang mga nagbabantay sa akin maliban sa ibang tauhan na iniwan ng Dad niya for me, pero.. lahat ng kagalakan biglang naglaho, yes nakawala ako sa istriktong pagbabantay nina Matt, pero may pumalit at mas lalo pang nagdagdag ng seguridad.Ang hirap pa lang maging fiancee ng anak ng isang business tycoon. Kulang na lang, sundan ako kahit na pati ang pagbisita sa banyo. Nakakairita na rin kasi kung minsan!Hindi nawala ang communicat
Kabanata 24MarryWala ako sa sarili ng umupo sa malambot na kama. Maraming beses na nagpasalamat ang ginoo sa aking pag-sang ayon. Napasaya ko ang buong pamilya ni Drake, samantalang ako, nagtatalo ang puso at isipan.Sa tingin ko, tama naman ang naging desisyon. Magkakalayo kami, isang matibay na pundasyon ang pagkakaroon ng tiwala para sa isa't-isa.. Maraming magbabago alam ko.. pero nakakasiguro akong hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kay Drake. Taon man ang lumipas, mananatili ang pagmamahal ko sa kanya.Mabigat ang loob ng lumabas sa kuwarto. Ang sabi ng kanyang ama gising na daw si Drake. Maayos na rin ang kalagayan.Sabay ng paghawak sa doorknob sa pribadong silid ni Drake ang pagpapakawala ng buntong-hininga. Ng mabuksan ang pinto bumungad sa akin ang malawak na kuwarto. Tunog ng aircon ang sumalubong sa aking pandinig.Napoleon are eyeing me, nakasandal sa pader ang kat
Kabanata 23LeaveTulala ako pero naglalaro sa isipan ang naging huling kaganapan. Parang tinakasan ako ng sariling kaluluwa ng makita ang duguang katawan ni Drake. Seeing him lying on the floor with his own blood makes me froze, pati ang oras pakiramdam ko rin ay tumigil, sa bawat paghinga ay nahihirapan din.I didn't scream, nor cry, tulala lang habang dahan-dahang nilalapitan ang nakahandusay na katawan ni Drake. Hindi ko na rin namalayan ang pagsaklolo ng ilang kapitbahay, ang pagdating ng ambulansiya o kung papaano kami nakarating ng hospital. Wala na ring ideya kung nahuli ba si Wallace, o kung nadala rin ba sa hospital maging si Tyler.My brain got stuck.. napagod na rin pati ang puso sa pagtibok. I couldn't breathe normally.. ang tanging naglalaro lamang sa alaala ay ang duguang katawan ni Drake.Si Drake...Muling namuo ang luha sa mga mata. I'm scared nakakatakot isipin na baka mamaya, o bukas bawi
Kabanata 22BloodHalos hindi ako makahinga sa kamay na sakop ang aking bibig. Pinipilit kong makaaninag kahit na kaunting liwanag. Nakadagdag sa pangangamba ang kadiliman ng paligid. Impit akong umiyak ng maalala ang mala-demonyong ngisi ni Wallace. Tulad ng nakagawian, butas-butas ang pantalong suot, dark blue shirt at rubber shoes. Naiba lang, noong una ko siyang makita tadtad na ng hikaw ang kaliwang tenga, ngayon pati na rin ang kabila."Sshhh.." Bulong ng taong tumatakip sa aking bibig. Malakas na pagtahip sa dibdib ang bumalot sa akin.Hindi ito si Drake. Magkaiba ang paraan ng pagkakalapat ng kamay niya sa akin. May pag-iingat ang paraan ng kanyang hawak, but the way he held me is not as electrifying as Drake touches me..Gusto ko sanang sumigaw, pero ramdam kong mas lalo niyang idiniin ang pagkakatakip ng kamay sa aking bibig."It's me.." Halos hindi niya mapakawalan ang boses. Iniisip niya ma
Kabanata 21BuradoMabilis na umusad ang mga araw. Nagpatuloy ako sa pagbisita sa Doctor upang malaman kung maayos na ba ang kondisyong kamuntik ng sumira sa aking pagkatao. Sa bawat araw na pagbisita ko sa Doctor, lagi kong kaagapay si Drake.Sa anim na buwang lumipas, kay daming bagay ang nabago. Naging matatag ako ng husto sa tulong ng mga espesyalista at mas lalo pang lumawak ang pagtitiwala sa kapwa, sa tulong na rin mismo ni Drake. Hindi na kami nag-aaway, mas naging matibay ang relasyon namin. Kasabay ng pag-usad ng panahon, ang mga pagbabago sa ugali niya.Kung dati ay tamad siyang mag-aral, ngayon hindi na. Nakikisalamuha na rin sa iba, natuto nang makibagay sa mga kaklase niya. Gumagawa na rin ng mga proyekto sa lahat ng asignatura sa eskwela.Noon, kapag malapit na ako sa bukana ng gate, halos makipagsiksikan ako sa mga estudyante huwag lang ako mak
Kabanata 20Akin Nasa loob na kami ngayon ng silid na inuukupan ni Drake. Tahimik na magkaharap, seryosong-seryoso ang mukha niya samantalang pinagpapawisan naman ako. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang mga sasabihin ko sa kanya, may sampung minuto na kaming nakatingin lamang sa isa't-isa."So..?" Napatikhim ako ng marinig ang kanyang naiinip na boses.Mas lalo akong sumandal sa mahabang bamboo'ng kinauupuan namin. Maganda ang pagkakayari ng nasabing upuan bumagay lamang ito sa disenyo ng ilan pang kagamitan na makikita sa buong kabahayan. Para kasi talaga itong resthouse, dark brown ang kulay ng upuan at dahil nalapatan na ito ng pampakintab mas lalo lamang itong gumandang tingnan."If you're hesitating don't force it, maiintindihan ko naman." Bumuntong-hininga ako at nginitian siya. Ginagap ng mga kama
Kabanata 19AlaalaTila ako napako sa aking kinatatayuan. Nagdadalawang isip na ihakbang ang mga paa. Pero dahil sa mas nangingibabaw ang kahihiyan, sa unang beses na makita ko siyang nagdadamdam at punong puno ng galit, nilabag ko pa rin siya. Inihakbang ko ang nanginginig kong mga paa, benalewala ang nanlalambot kong mga tuhod.Habang naglalakad, naisip ko, mas mainam na nga siguro ang magkalimutan kami, hindi ba? Dahil kung ako nga, hindi pa rin matanggap ang kahayupang ginawa sa akin ni Wallace, si Drake pa kaya?Marahil, naaawa lamang siya sa akin, o di kaya ay nakokonsensiya..Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan sa kanila'y naunahan na ako ng mabibilis na hakbang ni Drake.Nilagpasan niya na ako.. Sinundan ko siya ng tingin..Habang pinapanood ko ang kanyang malapad na likuran, hindi
Kabanata 18KalimutanNag-aagaw na ang dilim at ang liwanag. Natatabunan na ang araw ng kulay abong mga ulap. May mga ibong lumilipad sa himpapawid.Napakapayapa ng paligid. Napakagaan sa pakiramdam ng bagong kapaligiran. Busog na busog ako sa tanawing aking nakikita.Umihip ang malamig na hangin. Isinayaw nito ang kanina'y payapa kong buhok. Kasabay nito ay ang paghampas ng alon.Kahapon pa kami dumating sa malaparaisong lugar na ito. Habang nasa biyahe kami, dinig ko ang pag-uusap ng mga kasama ko. Private resort ito nina Gideon. Maliban sa caretaker ng resort, wala na akong nakitang ibang tao.Gideon family's employee welcome us as a royal visitors. Napakapolite ng dalawang matanda. Sinalubong kami ng mag-asawa ng magandang akomodasyon.The place is perfect for a honeymooners. 'Di tulad ng ibang resort na napapanood ko sa t