Kabanata 9
Surprise
Seryoso akong nagpupunas ng mesa ng biglang mapaigtad sa gulat, dahil sa sunod-sunod na pagkalabog ng gate mula sa labas.
Sabado ngayon at napagpasyahan kong linisin ang buong bahay. Mag-isa lang ako ngayon, nasa trabaho na kasi si Tita Lani.
Nakapagtataka, kung si Tita Lani iyong bumalik para kuhanin ang nakaligtaang gamit, hindi naman iyon padabog kung kumatok.
Kinibit ko ang balikat.
At nagmamadaling tumakbo papunta sa gate."What took you so long?" Busangot na mukha ni Drake ang sumalubong sa akin ng pagbuksan ko ng gate.
"
Kabanata 10DateBumaba na kaagad ako sa sasakyan ng huminto na ito. Malaya kong pinagmasdan ang kabuoan ng park. Hindi gaanong malawak ang lugar. May maliit na fountain sa gitna niyon. May malilit na puno rin sa tabi ng bawat bench.Maraming bata ang naglalaro. May ilang nagtatakbuhan, ang iba'y kalong naman ng kanilang mga magulang.Labis akong natuwa sa isang batang lalaking hinahabol ng kanyang ama. Sinusundan ko ng tanaw ang paghahabulan ng mag-ama habang masayang nanonood ang kanyang ina.Hindi ko inaasahang sa park pala gustong pumunta ni Drake. Wala kasi sa hitsura niya. Malayung-malayo kumpara sa Drake na inilalarawan sa akin ng mga ka-klase ko.Ang sabi kasi nila, self centered si Drake, heartless and cold. Kung gayun, bakit napapangiti niya ako sa simpleng mga bagay na ginagawa niya?Bakit niya ipinaparamdam sa akin na ma
Kabanata 11Gideon's p.o.v.Mensahe"Pinuno may mensahe ang leader ng Blades.."Nag-angat ako ng tingin kay Dylan. Alanganin siyang sabihin iyon kay Pinuno. Bakit hindi? E, sobrang masaya kasi si Drake. Parang sirang plakang paulit-ulit na i-ki-ne-kwenento sa amin ang naging date nila ni Mikaella. Busangot na nga ang mukha ni Matt nakukulitan na rin siguro."What is it?" Nag-iba bigla ang timplada ng mukha ni Drake. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya."Pinapasabi niyang nahihibang ka na. Kung hindi ka raw makikipaglaban sa kanila. Hindi siya magdadalawang isip na iparating ito sa kataas-taasan.""And?" Kuyom ang kamao na wika niya."Kailangan mo silang talunin, dahil kapag natalo ka..---"Nagbago ng posisyon sa pagkakaupo si Drake.
Kabanata 12KatapusanDumating ako sa takdang oras na napagkasunduan namin ni Drake. Halos isang oras na nga akong naghihintay sa kanya, pero.. hanggang ngayon wala pa rin siya.Hindi kaya nakalimutan na niya? O baka naman plano niya talagang pag-antayin ako dito, hanggang sa tumirik na mga mata ko kahihintay sa kanya?Napabuntong-hininga ako.Sa tingin ko naman hindi niya iyon magagawa sa akin.Iginala ko ang paningin sa bawat sulok ng lugar. Pansin kong mas marami ang namamasyal noong unang punta namin dito ni Drake. Ngayon kasi mangilan-ngilan lang.Maulap kasi ngayon. Parang uulan din..Tumayo ako sa kinauupuan at tahimik na naglakad. Hihintayin ko pa rin siya. Baka kasi, naipit lang sa traffic? Kapag ka lumipas na ang trenta minuto at hindi pa rin siya dumating uuwi na lang ako.Saktong p
Kabanata 13TrickedKasama ko ang ibang kapanalig ng tunguhin ko ang sagradong lugar ng Red Moon. Bago tumulak, ibinahagi ko sa bawat miyembro ang mga planong nabuo ko.I know I am breaking the rules. Kapag nalaman ito ng konseho malaking kaparusahan ang magiging kaakibat nito. I know it's too risky in exchange of my life, but fuck! Every seconds passed is like a flat line with me, knowing that Mikaella's life is in a very deep shit..Hindi mahirap paliwanagan ang mga miyembrong isinama ko.. they are the toughest one, honest, and trustworthy. Alam kong hindi nila ako ipapahamak sa konseho. Piling-pili lamang ang isinama ko.What my plan is, pupunta akong mag-isa sa hideout ng Red Moon pretending that I'm alone.Kasabay kong umalis sa meeting place ang mga kasamahan ko sa fraternity. Lahat nakahanda na, everyone has a hearing device.. ila
Kabanata 14HushMadilim na paligid ang bumalot sa akin ng imulat ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang pananakit ng aking ulo, pati na rin ang pananakit ng ibang parte ng katawan ko.Nanghihina na ako.Pansin kong natuyuan na ako ng damit. Ang alam ko'y basang-basa ang damit ko kahapon, hanggang sa nakatulugan ko na lamang ay basa pa rin ito.Iginalaw ko ang aking mga kamay, ngunit hindi ko ito malayang maigalaw. Sinikap ko ulit gumawa ng panibagong kilos.Nakagapos ang mga kamay ko. Malamig na bagay ang nakalapat sa aking balat.Kadena?Hindi lamang basta lubid ang nakagapos sa akin, kung 'di isang kadena.Ikinadena nila ako?Umungol ako..Gutom na gutom na ako. Uhaw na
Kabanata 15LayuanMaraming beses nakipag-argumento si Tyler sa kanyang mga kasamahan. Pahirapan ang kanyang pangungumbinsing pakawalan na lamang ako. Ang opinyon niya, ay hindi makabubuti ang aking pananatili dahil sa mga maling ginawa ni Wallace sa akin. Ipinagpasalamat ko iyon ng lihim dahil sa huli, ay nakumbinsi niya rin ang mga ito. Ngunit ang kapalit ay ang aking pananahimik. Hindi ko ito maaring isawalat o ang kahit na ang magtangka man lang.Wala si Tita ng maihatid ako nina Tyler. Kasama niya si Carlisle ng ihatid niya ako sa bahay, silang dalawa ang tanging naging kakampi ko, kahit na sa una'y hindi naging maganda ang aming pagtatagpo lalo na ni Tyler. Humingi siya ng despensa sa akin ng napakaraming beses paulit-ulit ko naman siyang pinatawad ng walang halong pagkukunwari.Ilang sticky notes ang naabutan ko na nakadikit sa ibabaw ng ref, na nagsasabing nasa field t
Kabanata 16TraumaTila ako napako sa kinauupuan. Naparilasado rin bigla ang aking utak. Sa daming salitang nakalutang, hindi ko mapagpilian kong alin ang naangkop na gamitin sa sitwasyong sumasalakay sa akin ngayon.Ang kaalamang narito siya ay nagpapabagal ng oras sa akin, ngunit nagpapabilis naman ng ritmo ng aking pulso..Hindi ko kayang lumingon sa direksiyon ng pintuan.Natatakot ako sa kanyang presensiya, dahil lalo lamang lumalala ang kagustuhang kong tumakbo sa kanya at yakapin siya ng wala nang bitawan pa.Natatakot akong pagtaksilan ng aking puso.. baka isang maling kilos ko lang ay mapagbago na kaagad nito ang aking nabuong mga plano.Mariin akong pumikit..Hinding-hindi na dapat pang magbago ang mga desisyong nabuo ko na.Parang gusto ko na lang sumabog ng marinig ang mga ya
Kabanata 17PainSniper's p.o.v.Nakahalukipkip si Drake, tahimik na nakaupo sa couch. Kapwa namin pinakikinggan ang eksplenasyon ng doktor na siyang sumuri kay Mikaella. Mikaella is peacefully sleeping right at this moment. Mabibigat ang hiningang pinapakawalan niya. She looks so fragile, tila babasaging kristal sa sobrang kahinhinan.. napaiwas ako ng tingin sa maamong mukha niya ng maramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ng katabi ko. Si Wave. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Inginuso niya naman ang magkasalubong na kilay ni Drake.What is his problem? And then someone told me, maaring nahuli niya akong matamang nakatitig sa kanyang prinsesa..Tss.. napakaseloso naman ng lalaking to. Masama na ba ngayong tumingin? Kung tutuusin hindi naman niya girlfriend si Mikaella a?
EpilogueSlaveIt's been an hour while staring at my beautiful and innocent wife.. I smirk.. she's not that innocent anymore.. I'd take that away an hour ago.Naka-ilang ulit na kami. Say, five six? Don't know, ang mahalaga pareho kaming maligaya. She's lying next to me naked.. we're both naked actually. At ang makapal na puting kumot ang siyang nakabalot sa mga katawan.Nakaunan siya sa aking braso hindi gumagalaw upang hindi ko maistorbo ang pagpapahinga niya. She's tired I know.She is sleeping peacefully.. mabagal ang paghinga.. matagal kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha. She's too kind for me.. hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang asawa ko na siya. Na sa akin na siya. Na sa paggising ko kinabukasan ang maamong mukha niya ang makikita. Katabi sa pagtulog sa gabi. Damn it! Ang isiping katabi siya sa aking kama'y nagdudulot sa akin ng kakaibang pak
Kabanata 25ChangeHalata man sa hitsura ang pagkagulat, aminado naman akong wala nang lusot sa kanyang inialok. Masaya ako dahil napapayag ko siya but.. some of my systems weren't agree of my decisions. I'm happy yes, but my heart were so much in pain, dahil bukas aalis na din kaagad sila kasama ng kanyang ama.Noong gumradweyt sina Matthew pati na ang iba pang kaibigan ni Drake nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa wakas mababawasan na ang mga nagbabantay sa akin maliban sa ibang tauhan na iniwan ng Dad niya for me, pero.. lahat ng kagalakan biglang naglaho, yes nakawala ako sa istriktong pagbabantay nina Matt, pero may pumalit at mas lalo pang nagdagdag ng seguridad.Ang hirap pa lang maging fiancee ng anak ng isang business tycoon. Kulang na lang, sundan ako kahit na pati ang pagbisita sa banyo. Nakakairita na rin kasi kung minsan!Hindi nawala ang communicat
Kabanata 24MarryWala ako sa sarili ng umupo sa malambot na kama. Maraming beses na nagpasalamat ang ginoo sa aking pag-sang ayon. Napasaya ko ang buong pamilya ni Drake, samantalang ako, nagtatalo ang puso at isipan.Sa tingin ko, tama naman ang naging desisyon. Magkakalayo kami, isang matibay na pundasyon ang pagkakaroon ng tiwala para sa isa't-isa.. Maraming magbabago alam ko.. pero nakakasiguro akong hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kay Drake. Taon man ang lumipas, mananatili ang pagmamahal ko sa kanya.Mabigat ang loob ng lumabas sa kuwarto. Ang sabi ng kanyang ama gising na daw si Drake. Maayos na rin ang kalagayan.Sabay ng paghawak sa doorknob sa pribadong silid ni Drake ang pagpapakawala ng buntong-hininga. Ng mabuksan ang pinto bumungad sa akin ang malawak na kuwarto. Tunog ng aircon ang sumalubong sa aking pandinig.Napoleon are eyeing me, nakasandal sa pader ang kat
Kabanata 23LeaveTulala ako pero naglalaro sa isipan ang naging huling kaganapan. Parang tinakasan ako ng sariling kaluluwa ng makita ang duguang katawan ni Drake. Seeing him lying on the floor with his own blood makes me froze, pati ang oras pakiramdam ko rin ay tumigil, sa bawat paghinga ay nahihirapan din.I didn't scream, nor cry, tulala lang habang dahan-dahang nilalapitan ang nakahandusay na katawan ni Drake. Hindi ko na rin namalayan ang pagsaklolo ng ilang kapitbahay, ang pagdating ng ambulansiya o kung papaano kami nakarating ng hospital. Wala na ring ideya kung nahuli ba si Wallace, o kung nadala rin ba sa hospital maging si Tyler.My brain got stuck.. napagod na rin pati ang puso sa pagtibok. I couldn't breathe normally.. ang tanging naglalaro lamang sa alaala ay ang duguang katawan ni Drake.Si Drake...Muling namuo ang luha sa mga mata. I'm scared nakakatakot isipin na baka mamaya, o bukas bawi
Kabanata 22BloodHalos hindi ako makahinga sa kamay na sakop ang aking bibig. Pinipilit kong makaaninag kahit na kaunting liwanag. Nakadagdag sa pangangamba ang kadiliman ng paligid. Impit akong umiyak ng maalala ang mala-demonyong ngisi ni Wallace. Tulad ng nakagawian, butas-butas ang pantalong suot, dark blue shirt at rubber shoes. Naiba lang, noong una ko siyang makita tadtad na ng hikaw ang kaliwang tenga, ngayon pati na rin ang kabila."Sshhh.." Bulong ng taong tumatakip sa aking bibig. Malakas na pagtahip sa dibdib ang bumalot sa akin.Hindi ito si Drake. Magkaiba ang paraan ng pagkakalapat ng kamay niya sa akin. May pag-iingat ang paraan ng kanyang hawak, but the way he held me is not as electrifying as Drake touches me..Gusto ko sanang sumigaw, pero ramdam kong mas lalo niyang idiniin ang pagkakatakip ng kamay sa aking bibig."It's me.." Halos hindi niya mapakawalan ang boses. Iniisip niya ma
Kabanata 21BuradoMabilis na umusad ang mga araw. Nagpatuloy ako sa pagbisita sa Doctor upang malaman kung maayos na ba ang kondisyong kamuntik ng sumira sa aking pagkatao. Sa bawat araw na pagbisita ko sa Doctor, lagi kong kaagapay si Drake.Sa anim na buwang lumipas, kay daming bagay ang nabago. Naging matatag ako ng husto sa tulong ng mga espesyalista at mas lalo pang lumawak ang pagtitiwala sa kapwa, sa tulong na rin mismo ni Drake. Hindi na kami nag-aaway, mas naging matibay ang relasyon namin. Kasabay ng pag-usad ng panahon, ang mga pagbabago sa ugali niya.Kung dati ay tamad siyang mag-aral, ngayon hindi na. Nakikisalamuha na rin sa iba, natuto nang makibagay sa mga kaklase niya. Gumagawa na rin ng mga proyekto sa lahat ng asignatura sa eskwela.Noon, kapag malapit na ako sa bukana ng gate, halos makipagsiksikan ako sa mga estudyante huwag lang ako mak
Kabanata 20Akin Nasa loob na kami ngayon ng silid na inuukupan ni Drake. Tahimik na magkaharap, seryosong-seryoso ang mukha niya samantalang pinagpapawisan naman ako. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang mga sasabihin ko sa kanya, may sampung minuto na kaming nakatingin lamang sa isa't-isa."So..?" Napatikhim ako ng marinig ang kanyang naiinip na boses.Mas lalo akong sumandal sa mahabang bamboo'ng kinauupuan namin. Maganda ang pagkakayari ng nasabing upuan bumagay lamang ito sa disenyo ng ilan pang kagamitan na makikita sa buong kabahayan. Para kasi talaga itong resthouse, dark brown ang kulay ng upuan at dahil nalapatan na ito ng pampakintab mas lalo lamang itong gumandang tingnan."If you're hesitating don't force it, maiintindihan ko naman." Bumuntong-hininga ako at nginitian siya. Ginagap ng mga kama
Kabanata 19AlaalaTila ako napako sa aking kinatatayuan. Nagdadalawang isip na ihakbang ang mga paa. Pero dahil sa mas nangingibabaw ang kahihiyan, sa unang beses na makita ko siyang nagdadamdam at punong puno ng galit, nilabag ko pa rin siya. Inihakbang ko ang nanginginig kong mga paa, benalewala ang nanlalambot kong mga tuhod.Habang naglalakad, naisip ko, mas mainam na nga siguro ang magkalimutan kami, hindi ba? Dahil kung ako nga, hindi pa rin matanggap ang kahayupang ginawa sa akin ni Wallace, si Drake pa kaya?Marahil, naaawa lamang siya sa akin, o di kaya ay nakokonsensiya..Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan sa kanila'y naunahan na ako ng mabibilis na hakbang ni Drake.Nilagpasan niya na ako.. Sinundan ko siya ng tingin..Habang pinapanood ko ang kanyang malapad na likuran, hindi
Kabanata 18KalimutanNag-aagaw na ang dilim at ang liwanag. Natatabunan na ang araw ng kulay abong mga ulap. May mga ibong lumilipad sa himpapawid.Napakapayapa ng paligid. Napakagaan sa pakiramdam ng bagong kapaligiran. Busog na busog ako sa tanawing aking nakikita.Umihip ang malamig na hangin. Isinayaw nito ang kanina'y payapa kong buhok. Kasabay nito ay ang paghampas ng alon.Kahapon pa kami dumating sa malaparaisong lugar na ito. Habang nasa biyahe kami, dinig ko ang pag-uusap ng mga kasama ko. Private resort ito nina Gideon. Maliban sa caretaker ng resort, wala na akong nakitang ibang tao.Gideon family's employee welcome us as a royal visitors. Napakapolite ng dalawang matanda. Sinalubong kami ng mag-asawa ng magandang akomodasyon.The place is perfect for a honeymooners. 'Di tulad ng ibang resort na napapanood ko sa t