May babaeng pumunta rito kanina? Kaya ba hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon dahil kasama niya ang babae?Hindi ko alam kung bakit may kirot akong nararamdaman sa dibdib ko. Oo crush ko siya at nagkaroon na rin naman ako ng maraming crush na nagkakaroon ng girlfriend pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Saan kaya sila nagpunta at ano'ng ginagawa nila ngayon? Masaya raw iyong babae nang makita si Evander. Ganun din kaya siya nang makita ang magandang babaeng iyon? Ang isiping masaya siya kapiling ng ibang babae ay mas lalong dumagdag ng kirot sa puso ko. Mag aalas dose na pero hindi pa rin ako bumabalik kaya di ko tuloy alam kung nasa opisina na niya siya.Naalala ko iyong sinabi ni Roda. Baka nga wala naman 'yun d'on kasi nasa suite pala at nagkukulong na."Sasabay ka ba sa aming kumain, Lia?" tanong sa akin ni Jepoy. Maglalunch na sila sa staff room kung saan kami kumakain na mga empleyado. Ang resort na ang nagpo-provide sa amin ng tanghalian
Naglakad patungo sa amin si Evander nang hindi pinuputol ang tingin sa akin. "Happy lunch time, Sir! Kain tayo, Sir?" Jepoy said awkwardly because the man was so serious and his presence was intimidating. The staff room that was noisy earlier suddenly became quiet. Nagmumukha na kaming isang pelikula rito, ang kaibahan nga lang ay hindi sila bulgar kung manood. Pasimple lang silang sumusulyap at nakikinig sa amin dahil boss nila ang narito at hindi kung sino lang.Tumingin siya sa kasama ko. "Thank you, Jepoy, but I have already ordered from the restaurant. I should have cooked but my assistant is ignoring my messages," sambit niya at muling bumaling sa akin.Napakurap-kurap ako at hinagilap ang phone ko sa bulsa. Pagbukas ko niyon ay nakita kong tadtad ako ng text niya na tinatanong kung nasaan na raw ba ako at magluluto siya para sa tanghalian namin. Naka silent din ito kaya hindi ko napansin na tumawag pala siya."Sabi mo sa 'kin ay hindi ka kailangan ni Sir d'on?" bulong ni Jepoy
"Happy birthday, Sir Ryan!" maligayang bati ko sa executive assistant manager ng resort na nasa 40's na."Thank you, Lia," pagpapasamat niya nang nakangiti."Happy birthday, Ryan," bumati rin si Evander na nasa tabi ko at nag-abot ng paper bag na regalo niya para rito."Thank you, Sir! Naku, nag-abala ka pang magbigay ng regalo," Sir Ryan said with awe and gratitude. "It's okay. You've worked your best in the resort since the day you've been here.""Simple lang ang party na ito pero paraan ko na rin ito para makapagsaya ang mga empleyado ng resort kahit sandali lang." Maliwanag ang bukas ng mukha niya at kakikitaan na sinsero siya sa kanyang sinasabi."Pasensiya na kung wala akong regalo sa inyo, Sir," nahihiya kong sinabi."Ano ka ba, ayos lang iyon. Mas mahalaga na narito kayo. Halina kayo." He smiled warmly and gestured for us to follow him.Naglakad na kami papunta sa bakanteng table ng staff room. Binati si Sir Ryan ng mga empleyado ng 'happy birthday' at pagkatapos ay binabati n
I will come back. And when I do, I promise you that you will never shed a tear again for having feelings for me.Iyan ang huling salitang binitiwan niya nang huli ko siyang nakita. Sampung buwan na ang nakalipas nang bigla na lang siyang nawala nang parang bula. Sa mga nakalipas na buwan ay marami nang nagbago. Bumalik na ako sa pag-aaral at natupad nga ang pangarap ko na mag-aral sa Marinae College sa kursong accountancy. Nakatanggap ako ng mga scholarships kaya kahit papaano ay nabawas-bawasan na ang magagastos ko para sa pag-aaral. Marami-rami rin ang naipon ko sa pagtatrabaho sa Aldridge Hotel and Resort, masusuportahan na ako niyon kasama ng matatanggap ko sa scholarship ko. Kahit kasi nang nawala na si Evander sa resort ay patuloy pa rin naman ako sa pagtatrabaho. Pagkatapos ng isang buwang pagkawala niya ay ibinalik na ako ni Ma'am Editha sa housekeeping department. Malamang ghosted ako ng amo ko kaya sino pa ang pagsisilbihan ko bilang assistant? Ako pa rin ang tagalinis n
I couldn’t believe what I was seeing. Evander looked like an outcast there even though he was just wearing jeans and a plain white shirt that defined his muscles. He was tall and his presence really drew attention no matter what he wore.Nakaramdam ako ng saya dahil sa wakas ay nakita ko siyang muli. Kahit na maraming nagbago sa nakalipas na buwan, ganon pa rin ang epekto niya sa akin. Nakita ko na nilapitan nga siya noong isa sa tatlong babae na kumakain na rin ng binili nitong street food, nagpapakitang gilas ata na pareho sila ng kinakain para lang may mapag-usapan sila. I saw how he ignored the woman as if she was invisible. Masyado siyang focus sa pagkain ng kwek-kwek at halatang hindi siya interesado sa iba kundi sa pagkain lang niya! Ngumiti nang hilaw ang babae at umatras. Pulang-pula ang mukha nito at pinagtitinginan na ng mga taong naroon. May iba na umiiling at nagtatawanan nang palihim. Base sa reaksyon nila, mukhang hindi na bago sa kanila na makita ang ganitong eksena
Himas-himas niya ang kanyang likod habang lukot ang mukha. Napakurap-kurap ako at nang mahimasmasan ay agad kong itinapon ang kahoy sa pinanggalingan nito."Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat kong tanong."I think there was a nail on the wood that you hit me with. I think it pierced my back," he replied, cursing under his breath.Nanlaki ang mga mata ko at agad na inangat ang damit niya para tingnan ang kanyang likod. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala namang dumudugo. Sobrang sakit kaya n'on!"Wala namang sugat. At bakit ka kasi sunod nang sunod sa akin? Akala ko kung sino kaya nahampas tuloy kita!"Umayos siya ng tayo at mukhang naka recover na. "You walked past me earlier. You fucking ignored me," he scoffed, as if feeling insulted.Napaawang ang bibig ko. "May klase ako kanina! At bakit naman kita lalapitan?" "Bakit hindi?" he snapped back. "I've waited for you at your school gate the who
Nakapangalumbaba akong nagbabasa ng libro rito sa library. Katatapos lang ng isa naming subject at may dalawang oras na break bago ang sunod. Nasa may pinakagilid ako sa pang-isahang desk. Ginugugol ko talaga ang break ko sa pag-aaral dahil hindi dapat sinasayang ang oras. 11 am na nang mag beep ang phone ko sa text message ni Pearl na nagtatanong kung nasaan na raw ba ako dahil magla-lunch na kami.Me:Nasa library pa ako.Pearl:Punta ka na lang sa labas ng gate. Btw, nandito pa rin pala si Mr. Perfect! *smiling face with heart-shaped eyes emoji*Nalaglag ang panga ko.Ano pa ba ang ginagawa niya rito? Hindi pa ba malinaw sa kanya na ayaw ko nang magpakita pa siya sa akin?!Nag reply ulit ako.Me:Sa cafeteria na lang tayo, Pearl.Pearl:Hihintayin na lang kita rito kasi nakakapagod maglakad pabalik.Me:Pero subukan naman natin dito. Lagi n
"Oh my gosh! He was talking to you. He called you by your real name. Do you know him, Lia?!" gulat na bulalas ni Pearl pagkaraan ng isang minuto dahil namilog muna ang bibig at mga mata niya habang tulala. Ngayon lang siya nahimasmasan kaya sunod-sunod na ang mga tanong niya.Hindi ako makasagot agad."Ilang araw siyang nag-aabang sa gate. Tapos natatandaan ko nung sinabi kong nakatingin siya sa atin, totoo pala talaga iyon? I mean sa 'yo siya nakatingin?!" Pearl's voice was filled with wonder and disbelief, her eyes searching for answers in mine.Napabuntong hininga ako at nahihirapan pang sumagot, "Oo, Pearl.""Then why did you lie to me? Hindi mo sinabi agad sa akin. Mukha akong tanga kakaisip kung ano ang ginagawa niya roon. Kung anu-ano pa ang pinagsasabi ko sa 'yo tapos ikaw pala ang inaabangan!" "Hindi ko rin naman kasi sigurado kung ako nga ang inaabangan niya...""Huh?" naguguluhan niyang tanong at kumunot ang noo. "Bakit hindi mo sigurado? Ano ba kasing nangyari? Boyfriend