Home / Lahat / Prince Uncharming / Malas Wears Vans

Share

Malas Wears Vans

Author: M.A. Lejo
last update Huling Na-update: 2021-04-13 15:04:54

Ang tanong, saan nakalagay ang cellphone ni Ianthe? Napakamot ako sa ulo. Napansin 'yon ni Luna kaya isa pang pag-ikot ng mga mata niya ang ibinato niya sa akin. Natawa ako. Maganda si Luna pero nagmumukhang clown sa ginagawa niyang eye rolls.

"Ask your parents kung nasaan ang phone mo, 'wag ako," aniya.

"Right." Bumaba ako ng kama. "Dito ka lang."

"Hmm."

Nasa pinto na ako nang bigla akong may maalala. "Luna."

"O?" Kunot-noo siyang bumaling sa akin. "Ano'ng ginagawa mo d'yan sa pinto, saan ka pupunta?"

"Hindi ko kabisado ang bahay."

Napabalikwas ng bangon si Luna. "Hindi mo kailangang halughugin ang bahay. Tawagan mo sa intercom, diyos ko kang babae ka. Ano'ng silbi n'yan?" Itinuro ni Luna ang telepono sa bedside table.

"Ah, hehe."

Pero agad rin akong napatigil. Ano'ng number ang pipindutin ko? Hindi ko kabisado ang system.

"Luna..."

"Ano na naman?"

"Inis ka na?"

Napakamot si Luna sa ulo. "Malapit na. Kaunting-kaunti na lang kaya ako na d'yan bago pa kita masakal."

Inagaw sa akin ni Luna ang telepono at saka pumindot. Mayamaya pa ay may kausap na siya.

"Tita, ang phone po ni Ianthe?" Nilingon ako ni Luna na nakangisi. "Baka sakaling magbalik ang memories nito 'pag nakita ang crush niya."

Hindi ko na alam kung ano pa ang pinag-usapan nila dahil hindi rin naman nagtagal. Pagkatapos ay nahiga uli si Luna sa kama. Tumagilid siya, nakatukod ang isang kamay sa gilid ng ulo habang nakatingin sa akin.

"Na kay Tita Celine ang cellphone mo. Basag na raw ang screen pero gumagana pa naman. Ipapahatid na lang sa katulong."

"Okay."

Wala pang dalawang minuto ay dumating ang katulong. Inabot niya sa akin ang cellphone. Tama ang sinabi ni Luna, basag na nga ang screen. Pero nagagamit pa naman. Marami ring gasgas ang kulay itim na casing.

Isang tingin ko lang sa cellphone ay nagkaproblema na naman ako. Ang hirap nitong wala akong alam sa buhay ng may-ari ng katawang 'to.

"Luna..."

"Ano na naman?"

"May lock screen."

"Akina."

Pagbalik sa akin ng cellphone ay nakabukas na 'yon. Diretso ako sa gallery. Naka-albums lahat ng pictures na nandoon. Napansin kong hindi masyadong mahilig mag-selfie si Ianthe.

Kung hindi man shots ng kung ano-anong bagay na kulay green ang naroon, pictures naman nila ni Luna. Pero bakit walang ibang kasama sa pictures si Ianthe? Kahit ang mga pictures na kasama ang mga magulang niya ay kakaunti. Nag-angat ako ng tingin.

"Bakit ikaw at ikaw lang nakikita kong kasama ko dito sa pictures?"

"Simple lang. Dahil wala kang kaibigang hampaslupa."

Naguguluhang ikiniling ko ang ulo. Napabuntong-hininga na lang si Luna. She took both my hands on her own.

"Listen to me, beb." Saglit na tumigil sa pagsasalita si Luna. "It doesn't mean you're not lovable dahil ako lang ang kaibigan mo. Sila ang may problema at hindi ikaw."

"I-I have no other friends?"

Tumango si Luna. "Mas marami kasi ang judgmental sa mundo. Hindi ka nila ma-gets kaya hinusgahan ka agad nila."

"Why? Ano ba ang tingin ng mga tao sa akin? Sa school?"

"To regular people who doesn't know you, you're a weirdo. But not to me. You're not weird. You're unique. Human nature dictates people to categorize someone unique like you as weird instead of rare. Masyado kang malalim bilang tao. Hindi nila ma-gets 'yon."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang panunubig ng mga mata ko. Wala rin palang nagbago kahit nasa katawan ako ni Ianthe. Kahit noong ako pa si Bebang Benitez ay wala rin akong kaibigan.

Walang gustong makipagkaibigan sa batang ulila na luma ang gamit sa school. Walang gustong tumabi sa mahirap na kagaya ko. Takot silang mahawa sa kung anong sumpa mayroon ako.

My parents died because of me. Kasi pinili nilang iligtas ako sa aksidenteng kinasangkutan namin noon, kapalit ng buhay nila pareho. Kahit pala mabuhay ako nang paulit ulit, walang magbabago. Madamot pa rin sa akin ang universe.

"Kaya ba walang gustong makipagkaibigan sa akin? Kaya ikaw lang ang nagtitiyaga?"

Hinampas ako ni Luna sa balikat. "Anong nagtitiyaga? Hindi kita pinagtitiyagaan, ano ka ba? Kaibigan kita hindi dahil wala akong choice. Kaibigan kita, tapos. Walang kondisyon, walang bakit. 'Pag nagmahal ba may pre-requisites? Hindi ba wala naman?"

Napalabi ako. Hindi ko maintindihan kung bakit may kurot ang dating ng mga salita ni Luna. Para bang nasapol ako sa dibdib. Hindi rin naman pala nalalayo ang buhay namin ni Ianthe. Pareho kaming parang walang mapaglagyan.

Oo nga at sagana si Ianthe sa materyal na bagay, may kumpletong mga magulang. Pero hindi siya tanggap ng mga tao. Parang ako. Hindi nila ako tanggap dahil hindi ako umabot sa pamantayan nila.

May maliit na bahagi ko ang nakaka-relate kay Ianthe. Tuloy napaisip ako. Kung nagkataong nagkakilala kami sa school, maging magkaibigan din kaya kami? Sayang lang nagkakilala kami sa ganitong paraan.

"O, iiyak ka na n'yan?" pang-aasar ni Luna.

"Hindi ah," iwas ko.

"Sus. Nag-deny pa siya. Lika nga dito, iyakin."

Bumukas ang braso ni Luna. Saglit akong nag-atubili. Naisip ko si Ianthe. Okay lang ba sa kanya na yakapin ko ang best friend niya?

Luna then decided for me. Hinatak niya ako sa braso at saka niyakap nang mahigpit. Nanuot sa ilong ko ang fabric conditioner sa blouse ni Luna. She smelled like sunshine and everything nice. Napapikit ako.

Sa unang pagkakataon sa buhay ko, naramdaman ko kung paano magkaroon ng isang mabuting kaibigan.

Thank you, Ianthe. Kung ano man ang dahilan kung bakit napunta ako sa katawan mo, ipinapangako kong iingatan ko ang lahat ng mayroon ka.

Dalawang linggo ang nakalipas at dumating ang enrollment day. Simula nang iuwi ako ng mag-asawang Dominguez sa bahay nila ay araw-araw akong dinadalaw ni Luna.

She filled me in about the important pieces of Ianthe's memories. Nakaalalay naman ang mag-asawang Dominguez na hanggang ngayon ay ikinaiilang ko pa ring tawaging Mama at Papa.

Pakiramdam ko inaagaw ko ang mga magulang ni Ianthe. Nakokonsensya ako sa tuwing dumudulas sa mga labi ko ang mga salitang Mama at Papa.

But what was really disturbing wasn't the fact that I call them parents, but the ease it took me. Hiram lang lahat ng kung ano'ng mayroon ako sa kasalukuyan. At natatakot akong dumating ang panahon na tubuan ako ng kasakiman at hindi ko na gustuhing ibalik pa sa totoong may-ari ang lahat.

Kasi ang totoo niyan, squatter lang ako sa katawan ni Ianthe. Hindi ko maipaliwanag pero malakas ang paniniwala kong buhay pa siya. Na nasa loob ko lang siya, natutulog, naghihintay na magising.

Kung kailan siya magpaparamdam ay walang kasiguruhan. O kung magpaparamdam nga ba siya. Sa ngayon ay ayaw ko munang isipin kung ano ang gagawin ko kung sakaling magbalik nga siya.

Paano 'pag hindi na siya bumalik? Ewan ko. Hindi ko rin masagot ang sariling tanong.

Kakababa lang namin sa sasakyan ni Luna. Nakatayo lang ako doon, pinagmamasdan ang paligid. It felt like forever since I was here. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May kaba sa dibdib ko.

"Beb, come on."

"Ha?" Para akong sinampal na nagbalik sa kasalukuyan ang lumilipad na isip.

"Isn't our school grand?" tanong ni Luna sabay akbay sa akin.

Magkasabay naming tiningala ang malaking insignia ng school nakapaskil sa itaas ng malaking gate ng Fleur University; an eagle clutching a four-clovered leaf on one of it's claw and a strip of ribbon on the other.

The university's gate is made of wrought iron painted in black. Standing a little over ten feet, it looked imposing with that eagle looking down on us, like he's some kind of overlord and we're mere peasants.

"Araw-araw ko naman itong nakikita dati. Pero may iba ngayon," wala sa loob na sambit ko.

Niyugyog ako ni Luna. Excitement glittered in her eyes. "May naaalala ka na?"

Palihim kong nakagat ang dila. Umiling ako. "Not really. Glimpses lang. Siguro dahil sa kakakuwento mo."

Tuwang napapalakpak si Luna. "Gumagaling ka na, beb! Hindi magtatagal at mabubuo na rin ang memories mo."

I doubt that. Pero sinuklian ko ang excitement niya ng isang ngiti.

"Sana nga."

"Tara na."

Sumabay kami sa agos ng mga tao papunta sa administration building. Hinayaan kong igiya ako ni Luna. Hindi ko pinahalatang alam ko ang daan, basta sunod lang ako nang sunod.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang makaramdam ng nostalgia. Hindi ko akalaing makakaramdam ako nang ganito habang dinadaanan ng mga mata ko ang mga pamilyar na sulok ng Fleur University.

Kung tutuusin wala akong emotional attachment sa school. Wala naman kasi akong mga kaibigan. Ang mga buildings na nandoon ay simpleng mga structures lang para sa akin.

Pero bakit ngayon, ganito ang nararamdaman ko? It felt like coming home. Weird. Fleur has never been my home. Pugad nga ito ng mga taong walang alam gawin kundi pagtawanan ako, apihin ako dahil sa kahirapan ko.

"Beb."

"Huh?"

Ngumuso si Luna sa direksyon ng cafeteria. Nagtatakang napatingin ako doon saka ibinalik ang tingin sa kanya.

"Ano'ng meron?"

Hayan na naman siya sa eye rolls niya.

"Crush mong demonyo."

"Saan?"

Nakita ko na sa picture si Bryle. Maraming pictures ang lalaki sa cellphone ni Ianthe. Pero karamihan ay kuha sa malayo. Hindi rin masyadong malinaw ang features ng lalaki sa mga kuha. Walang malinaw na frontal shots. Pero base naman sa nakita ko, may hitsura naman siya.

'Yon lang hindi ko masasabing kabaliw-baliw ang crush ni Ianthe.

"Tattered black jeans, Doc Martens, black V-neck shirt, long hair, with lots and lots of mayabang aura?"

Inilibot ko ang tingin. May mga nakakalat na benches sa labas ng cafeteria. Ang ilan ay nalililiman ng mga puno, ang ilan naman ay direktang nakabilad sa pang-umagang araw. Yes, magandang spot for soaking in Vitamin D.

Inisa-isa ko ang mga benches, hinahanap ang inilarawan ni Luna. The moment I found him, I concluded that Luna's description is a total bore.

Abot hanggang balikat ang buhok ni Bryle na malayang inililipad ng mahinang hangin. Alon-alon ang itim niyang buhok. The way he leisurely sat on the bench screams rebel in red, bold, caps-locked letters.

Side profile lang niya ang nakikita ko pero bakit ganoon? Para akong tinambol sa dibdib. Dum dum dum, there goes my heart, beating in fast staccato.

Nakakunot ang noo ni Bryle habang may binabasang kung ano sa cellphone. His nose crinkled, as if annoyed. Wala sa loob na hinanap ng mga daliri ko ang braso ni Luna. Hindi ko maalis-alis ang tingin kay Bryle.

"Lu..."

"Ay wala na. Na-amnesia ka nga pero 'yang engot mong puso, malinaw na malinaw ang memorya."

Hindi ko alam kung bakas pa ba ng feelings ng totoong Elana Ianthe Dominguez ang dahilan kung bakit ako nagre-react nang ganito. Basta ang alam ko, gustong-gusto kong titigan si Bryle.

Kahit malayo. Kahit sigurado akong hindi niya ako tatapunan ng pansin. Wala sa loob na napangiti ako. Jusko. Bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Hala, crush ko na rin yata ang crush ni Ianthe!

"Hindi siya Prince Charming material, beb! Demonyo ang crush mo, my god!" paalala ni Luna.

"Eh, di hindi," sabi ko habang walang tigil sa kakasunod ang mga mata sa bawat kilos ni Bryle. "Siya ang Demon Charming ko. Saka pwede ba? Don't judge the book by it's cover."

Bryle is no prince indeed. Mas mukha siyang hitman kaysa prinsipe. And I didn't mind. There's something about Bryle that screams danger, back-off, and that he's off limits to mere mortals like me. Pero hindi ko magawang ihiwalay sa kanya ang mga mata. A furling excitement stirs in my core.

"Tama na nga 'yan, mag-enroll na tayo!" Hinatak ako ni Luna.

"Teka lang."

Hindi pa ako tapos eh. Gusto ko pang titigan si Bryle. Gusto kong tuklasin kung ano ang misteryong bumabalot sa buong pagkatao niya. Ni hindi ko na nga namamalayan na naisaboses ko na pala ang iniisip kung hindi pa ako niyugyog ni Luna.

"Baliw ka ba? I bet those mysteries surrounding him are stuffs horror flicks are made of!" Pinandilatan ako ni Luna. "Sasama ka sa akin o isasampay kita sa balikat ko kita papunta doon?"

Bigla akong napatingin kay Luna. Mukha siyang hindi nagbibiro. Sa laki at tangkad niya, hindi imposibleng magawa nga niya 'yon. Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ko.

"Good. Madali ka naman palang kausap eh."

She hooked her arm around my neck.

Kaugnay na kabanata

  • Prince Uncharming   Si Ianthe at Ako

    Hingal-kabayo kaming pareho ni Luna nang matapos mag-enroll. Pareho kaming nakaupo sa isang bench sa loob ng academy, pinapaypayan ang mga sarili.My green Vans looked scruffy. Ilang beses na ba akong naapakan ng mga walang pakiramdam na estudyate sa pilahan? I stopped counting at ten."Dapat pala hindi tayo nag-enroll sa first day," sabi ko. "Para akong nakipag-wrestling sa sampung tao."Luna massaged her aching legs. Sa dami ng mga tao at haba ng pila, hindi na ako magtataka kung uuwi kaming tinubuan na ng talaba sa mga binti.Idagdag pa ang alinsangan ng panahon, diyos ko. Natuyuan na yata ako ng tubig sa katawan. Para akong may disyerto sa lalamunan."Canteen muna tayo," si Luna.

    Huling Na-update : 2021-04-13
  • Prince Uncharming   Ang Misyon ni Bebang

    I see. So, ang kailangan nating gawin ay tapusin kung ano man ang mga unfinished business natin. Ang tanong, sinong mauuna?"Hindi ka mahilig sa salitang so ano?" pansin ko.Not really. Ano na?"Pwede naman nating pagsabayin. O kaya simultaneous. Whatever works for us."Kung sabagay. What do you want ba? I have read your memories but it seems we don't share the same thoughts. Hindi ko kayang basahin ang iniisip mo kahit na nasa iisang katawan lang tayo at technically naghahati sa iisang utak."Gusto kong mabawi lahat ng kinuha ni Tita Pots sa amin. Wala akong mukhang ihaharap sa mga magulang ko kung sakali," deklara ko.

    Huling Na-update : 2021-04-13
  • Prince Uncharming   'Wag Piliting Ang Ayaw

    Nahulog ako sa pag-iisip. Nakalimutan ko nang kasama ko ang crush namin pareho ni Iante---si Bryle. Kung hindi pa siya kumilos para umalis ay hindi ako matatauhan. Mabilis kong nahawakan ang laylayan ng t-shirt niya."Uy...""Bakit na naman?""Tulungan mo naman ako, oh. Friends naman kayo ni Ianthe, 'di ba? Oo, madiskarte ako pero hindi 'to kaya ng powers ko."Nakarinig ako ng papalapit na yabag. Pero hindi ko pinansin 'yon. Mas importante sa akin ang pagpayag ni Bryle na tulungan kami ni Ianthe. Wala rin naman kasi akong alam na puwedeng hingan ng tulong. Wala akong kaibigan, maliban kay Luna. And I don't think Luna is equipped to deal with things concerning with the supernatural.S

    Huling Na-update : 2021-04-13
  • Prince Uncharming   Isang Hakbang Palapit sa Katotohanan

    Pagdating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kuwarto. Wala ang mag-asawang Dominguez nang mga oras na ‘yon. Sa hapunan na sila makakauwi dahil busy sa negosyo ang mag-asawa. May-ari ng isang lokal na fast food chain ang mga Dominguez na sa ngayon ay may iba’t ibang sangay na sa buong bansa. Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit halos wala na silang panahon sa nag-iisang anak na si Ianthe.But Ianthe is generally a good child. Ayon sa alaalang na-access ko, Ianthe doesn’t really mind. Oo paminsan-minsan may tampo ang dalaga pero hindi ibig sabihin ay nagtanim siya ng galit sa mga magulang, na ngayon ay magulang ko na rin. Ianthe doesn’t mind too. In fact she wanted me to treat her parents as my own since she knew I have none any more.“Ianthe?” tawag ko sa kanya nang makarating ako sa kuwarto.Basta ko na lang inihagis sa kama ang bag. Dali-dali akong naghubad ng sapatos at medyas. Habang kumukuha ng damit pamalit sa clos

    Huling Na-update : 2021-04-13
  • Prince Uncharming   Bebangrella

    "Bebang! Hoy, Bebaaaaanng!"Sumisilip pa lang ang araw ay labas-litid na kung makasigaw ang tiyahin kong may kakambal na megaphone ang bibig. Kahit gustuhin ko pang matulog ay imposible na. 'Yon eh, kung gusto kong malagasan na naman ng buhok sa sabunot ng Tita kong bruha.Bumangon na ko pero di ako sumagot. Kahit sa ganoong paraan man lang makaganti ako sa pang-aaping araw-araw na ipinapalamon sa akin Victoriano family from the land of daing and tinapa, Loza del Sol!Mabuhay! Este, mamatay na pala silang lahat!"Bebang! Are you deaf? Mama is calling you!" Sumingit ang boses-ipis ng pinsan kong si Khourtney mula sa labas ng pinto ng kuwarto ko.Yes besh, Khourtnei with emphasis on th

    Huling Na-update : 2021-04-13
  • Prince Uncharming   Ang Mukha Sa Salamin

    Nasa mga mata nila ang paghingi ng paumanhin nang kumilos ang tatlo sa mga trabahador. Isa na doon si Kuya Mark. Hindi ko siya masisisi dahil hikahos din sila sa buhay. Idagdag pang kabuwanan na ng asawa niya at kakailanganin niya ng perang panggastos."Sorry, Bebang," mahinang bulong sa akin ni Kuya Mark nang kunin niya ako mula kay Tita Pots.All the fight in my body left me. Hindi na ako nagpumiglas, mahinahon akong nagpahatak kay Kuya Mark at sa dalawa pang kasama niyang sina Kuya Jimmy at Erol. Bakit ko pa ba sasayangin ang lakas ko, wala namang mangyayari.Para akong zombie na nakatayo sa tabi ng poste habang inihahanda nila ang pagtatalian sa akin. Nakatayo lang ako doon, tagos-tagusan ang paningin. Ni hindi na ako kailangang hawakan ni Kuya Mark. Para kaming dalawang tuod, wala

    Huling Na-update : 2021-04-13
  • Prince Uncharming   Biyayang Hindi Akin

    Sa sumunod na paggising ko ay hindi na ako nagtanong ng kung ano-ano. Hinayaan ko na lang silang gawin kung ano ang gusto nilang gawin sa akin.Bago pa man sila tuluyang makatunog na gising na ako madaling araw pa lang ay nagplano na ako. Magpapalakas ako at susunod sa ano mang sasabihin nila. Sa ganoong paraan, mas magkakaroon ako ng kalayaang gawin ang ano mang gusto ko.At pag maayos na ang kalagayan ko, hahanapin ko ang bahay namin. Hindi ko pa alam kung nasaan ako ngayon. Mas mabuting tumahimik na muna ako. Saka na ako kikilos 'pag sigurado ko nang walang hahadlang sa mga balak ko.Ang hirap kasi nitong wala akong kaalam-alam kung nasaan ba ako. Kaya wala akong choice but to bid my time. Walang mangyayari sa akin kung ipipilit kong ako si Bebang at hindi si Ianthe.

    Huling Na-update : 2021-04-13

Pinakabagong kabanata

  • Prince Uncharming   Malas Wears Vans

    Ang tanong, saan nakalagay ang cellphone ni Ianthe? Napakamot ako sa ulo. Napansin 'yon ni Luna kaya isa pang pag-ikot ng mga mata niya ang ibinato niya sa akin. Natawa ako. Maganda si Luna pero nagmumukhang clown sa ginagawa niyang eye rolls."Ask your parents kung nasaan ang phone mo, 'wag ako," aniya."Right." Bumaba ako ng kama. "Dito ka lang.""Hmm."Nasa pinto na ako nang bigla akong may maalala. "Luna.""O?" Kunot-noo siyang bumaling sa akin. "Ano'ng ginagawa mo d'yan sa pinto, saan ka pupunta?""Hindi ko kabisado ang bahay."Napabalikwas ng bangon si Luna. "Hindi mo kailang

  • Prince Uncharming   Biyayang Hindi Akin

    Sa sumunod na paggising ko ay hindi na ako nagtanong ng kung ano-ano. Hinayaan ko na lang silang gawin kung ano ang gusto nilang gawin sa akin.Bago pa man sila tuluyang makatunog na gising na ako madaling araw pa lang ay nagplano na ako. Magpapalakas ako at susunod sa ano mang sasabihin nila. Sa ganoong paraan, mas magkakaroon ako ng kalayaang gawin ang ano mang gusto ko.At pag maayos na ang kalagayan ko, hahanapin ko ang bahay namin. Hindi ko pa alam kung nasaan ako ngayon. Mas mabuting tumahimik na muna ako. Saka na ako kikilos 'pag sigurado ko nang walang hahadlang sa mga balak ko.Ang hirap kasi nitong wala akong kaalam-alam kung nasaan ba ako. Kaya wala akong choice but to bid my time. Walang mangyayari sa akin kung ipipilit kong ako si Bebang at hindi si Ianthe.

  • Prince Uncharming   Ang Mukha Sa Salamin

    Nasa mga mata nila ang paghingi ng paumanhin nang kumilos ang tatlo sa mga trabahador. Isa na doon si Kuya Mark. Hindi ko siya masisisi dahil hikahos din sila sa buhay. Idagdag pang kabuwanan na ng asawa niya at kakailanganin niya ng perang panggastos."Sorry, Bebang," mahinang bulong sa akin ni Kuya Mark nang kunin niya ako mula kay Tita Pots.All the fight in my body left me. Hindi na ako nagpumiglas, mahinahon akong nagpahatak kay Kuya Mark at sa dalawa pang kasama niyang sina Kuya Jimmy at Erol. Bakit ko pa ba sasayangin ang lakas ko, wala namang mangyayari.Para akong zombie na nakatayo sa tabi ng poste habang inihahanda nila ang pagtatalian sa akin. Nakatayo lang ako doon, tagos-tagusan ang paningin. Ni hindi na ako kailangang hawakan ni Kuya Mark. Para kaming dalawang tuod, wala

  • Prince Uncharming   Bebangrella

    "Bebang! Hoy, Bebaaaaanng!"Sumisilip pa lang ang araw ay labas-litid na kung makasigaw ang tiyahin kong may kakambal na megaphone ang bibig. Kahit gustuhin ko pang matulog ay imposible na. 'Yon eh, kung gusto kong malagasan na naman ng buhok sa sabunot ng Tita kong bruha.Bumangon na ko pero di ako sumagot. Kahit sa ganoong paraan man lang makaganti ako sa pang-aaping araw-araw na ipinapalamon sa akin Victoriano family from the land of daing and tinapa, Loza del Sol!Mabuhay! Este, mamatay na pala silang lahat!"Bebang! Are you deaf? Mama is calling you!" Sumingit ang boses-ipis ng pinsan kong si Khourtney mula sa labas ng pinto ng kuwarto ko.Yes besh, Khourtnei with emphasis on th

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status