"Bebang! Hoy, Bebaaaaanng!"
Sumisilip pa lang ang araw ay labas-litid na kung makasigaw ang tiyahin kong may kakambal na megaphone ang bibig. Kahit gustuhin ko pang matulog ay imposible na. 'Yon eh, kung gusto kong malagasan na naman ng buhok sa sabunot ng Tita kong bruha.
Bumangon na ko pero di ako sumagot. Kahit sa ganoong paraan man lang makaganti ako sa pang-aaping araw-araw na ipinapalamon sa akin Victoriano family from the land of daing and tinapa, Loza del Sol!
Mabuhay! Este, mamatay na pala silang lahat!
"Bebang! Are you deaf? Mama is calling you!" Sumingit ang boses-ipis ng pinsan kong si Khourtney mula sa labas ng pinto ng kuwarto ko.
Yes besh, Khourtnei with emphasis on the "H". Or else, tatarayan ka ng bruha junior for murdering her beautiful name. Insert gagging action here. Ew raised to the power of ten.
In fairness naman sa mapang-aping angkan ng mga Victoriano na napilitang kupkopin ako eh, binigyan naman nila ako ng maliit na kwarto para kunwari may privacy ako. Kahit wala. May maliit na banyo na pwedeng paliguan at inidorong hindi pwedeng taehan. Walang tiles sa sahig at dingding. Asa pa ko.
Ika nga, beggars cannot be choosers. Kaya thank god for small mercies na lang ang drama ko. Kahit paano ay bawas ang self-pity ko.
Dating stock room ng mga lumang gamit ang kuwartong 'to. Ako rin naman ang nagtyagang maglinis noon bago ko nagamit. Binigay lang nila sa akin ang kuwarto nang magawan ko ng paraan ang mga nakatambak nilang lumang gamit.
Siyempre natuwa sila dahil pera ang naging katumbas ng mga kalat na 'yon. Hello! Uso ang garage sale. Ewan ko ba, wala man lang nakaisip sa limang utak na mayroon ang pamilya nila.
"Bebang!"
May kasama nang pukpok sa pinto ang boses ni Khourtney.
"Sandali lang," sabi ko na pigil ang pagtaas ng boses. Kailangan kong magtunog-mabait 'pag nasagot sa pamilyang 'to. Kaunting kibot lang kasi, kasalanan ko agad. Hindi lang nila magustuhan ang tono ng pananalita o pagsagot mo, automatic ang hatol.
"Bilisan mo, kailangan ka na sa labas!"
Uy, marunong pa palang mag-Tagalog ang bruha. English kasi nang English si Khourtney. Nahawa na sa mga sosyal niyang kaibigan sa school namin.
Mabilisang ligpit lang ang ginawa ko sa higaan. Tiklop-tiklop, ganoon. Wala namang masyadong liligpitin. Luma pero makapal na kumot na kulay green, isang manipis na unan. Tapos. Wala akong kutson, pinagsapin-sapin na karton lang ang nilalatag ko sa sahig para magsilbing kama.
Mabilisan lahat. Mabilisang pag-ihi sa banyo, sepilyo, at palit ng damit. Wala nang ligo-ligo. Hindi pa naman ako mabaho, naligo ako kagabi bago matulog. Ganoon na lang ang ginagawa ko sa araw-araw dahil sa sandaling magising ang sino mang miyembro ng pamilya, in demand kaagad ang yours truly.
Batugans at their finest.
"Beb—" Natigil si Khourtney sa akmang pagpukpok na naman sa pinto ko nang buksan ko 'yon. Pinanlakihan kaagad niya ako ng mga mata. "Sa wakas. You're so bagal talagang kumilos! Bilis, Mama needs you as in now na."
"Ano ba kasi 'yon?" Hindi ko kailangang maging magiliw sa bruhildang ito 'pag kami lang ang magkaharap. Siyempre ibang usapan na 'yon 'pag in attendance and bruha senior. Mahal ko ang buhay ko, hindi pa ako handang makipagkita kay Kamatayan.
Tinaasan lang ako ni Khourtney ng kilay. Parang walang nangyaring ibinaling nito ang pansin sa kulay pink niyang kuko. Makintab pa ang mga 'yon at matingkad pa ang kulay. Nangangamoy nail polish pa.
Ang galing ah. Ang agang inatupag ang kuko. Bilib din naman ako sa pinsan kong 'to. Basta kakikayan ang pag-uusapan, walang mamaya na. Agad-agad umaariba. Sana kung ganoon din siya sa mga gawaing bahay para hindi nasa akin iasa lahat, ano. 'Yon lang, wish ko lang 'yon. At dahil maramot ang universe sa akin ever since, hindi 'yon magkakatotoo. Sabi ko nga, asa pa 'ko.
"The laundry?" animo'y tinatamad na sabi ni Khourtney. "I need to be somewhere later with my friends and I need my favorite skirt."
"Marami ka namang skirt."
Puro skirt ang laman ng dalawang drawer sa closet ni Khourtney. Sa dami ng palda niya, hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan niyang gamitin 'yong nasa labahan.
Pinanlakihan niya ako ng mga mata, kasama pati mga butas ng ilong niyang medyo matangos din naman. Pero ang hindi ko inasahan ay ang biglang pag-angat ng kamay ni Khourtney. Huli na para umilag.
"Mas marunong ka pa sa akin, ah!"
Kasing lutong ng chicharon na ibinebanta sa kanto ang paglagapak ng palad ni Khourtney sa mukha ko. Sapol na sapol ang kaliwa kong pisngi. Pakiramdam ko saktong-sakto lang ang sukat ng palad ni Khourtney para sa isang bahagi ng mukha ko. Para bang sadyang ginawa ang kamay niya para sampalin ako.
"Aray!"
"Bebaaaanng! Ano ba! Kanina pa ako tawag nang tawag bakit hindi ka sumasagot?!"
Lumitaw mula sa kusina si Tita Pots o Potenciana Victoriano, aka Ciana to close friends and colleagues, Bruha for me. Hile-hilera ang pink curlers sa buhok ni Tita. Bagamat naka-daster na matingkad na yellow ay kuntodo alahas na siya. Mukhang may ganap ang tiyahin ko.
Kulang na lang ay ipagtulakan ko silang lumakad na. Makabawas man lang sa stress ko.
"Ma!" Pumadyak si Khourtney. Lukot ang mukha nito. "I've been telling her to wash my skirt first because I'll be needing that later. Ano'ng isusuot ko!"
"Tigilan mo ako sa kartehan mo Khourtney," sikmat ni Tita. "Gisingin mo ang Kuya Jake mo, ipagda-drive niya ako kamo."
"You're using the car? But Ma! What am I going to use?"
Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Tita kay Khourtney. It shut the hag up, much to my delight. Agad na umalis si Khourtney para sundin ang inutos ng Mama niya.
Pero panandalian lang ang sumilip na saya sa dibdib ko. Nang mapatingin uli ako sa walang kangiti-ngiting mukha ni Tita Pots, naalala kong inis nga pala siya sa akin dahil hindi ako nasagot sa pagtawag niya.
Namumula ang mukha ng tiyahin ko. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa init ng panahon o nagpahid na naman ng exfoliant cream sa mukha. Kung tutuusin hindi niya kailangan ng mga kung ano-anong sa mukha. Natural na tisay si Tita Pots. Minana nila iyon ni Mommy sa Lola Matilde namin na half-Spanish.
At sa kasamaang palad, ni gasinulid na katisayan ay walang naipamana sa akin si Mommy. Siguro dahil mas malakas ang dugo ni Daddy na pinagmanahan ko ng kulay ko. Pero okay lang. Wala rin namang minanang kakinisian si Khourtney kay Tita Pots. Okay na ako doon. Minsan, fair din naman ang universe. 'Pag tinopak.
So ayon, dinedma ni Tita Pots ang anak niyang saksakan ng arte. Sa akin siya bumaling habang nag-iisang linya ang naturally brown niyang kilay.
"Alas sais na, Genoveva. Hindi ba dapat kaninang alas singko ka pa dapat naglalaba?" sita ni Tita sa akin. Malutong ang pagka-Genoveva ni Tita. Wala sa loob na napalunok ako.
Hawak ko pa rin ang nasaktang pisngi nang sumagot. "Eh, Tita. Alas dos na po kasi ako natulog kaninang madaling araw. Tinapos po namin nina Kuya Mark at Ate Lucy ang pag-eempake ng mga daing. Hindi po ako nagising sa alarm ko."
Siguro dahil kinulang sa tulog, nakalimutan kong hindi ako dapat nangangatuwiran kay Tita Pots. Dapat yes lang ako, walang no o kung ano pa man.
Napangiwi na lang ako nang dumapo sa kabilang pisngi ko ang palad niya. Sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin ay bumaling ang mukha ko sa kabila.
Una kong naramdaman ang pangangapal ng pisngi kung saan dumapo ang kamay ni Tita Pots. Halos kasabay noon ay may nalasahan akong maalat sa loob ng bibig ko. Wala na akong nagawa nang mag-umpisang manlabo ang mga mata ko.
Tao lang din ako. Hindi ako manhid sa sakit, lalo na sa pisikal. Seventeen na ako, malapit nang mag-eighteen pero hindi ako mukhang disisiyete. Mas mukha akong thirteen years old dahil sa liit at payat ko. Ikaw ba naman ang pagdamutan ng pagkain sa mga panahong dapat lamon ka nang lamon dahil sa puberty stage.
"Peste ka! Kailan ka pa natutong sumagot-sagot sa akin, ha?!" Iyong hablot ni Tita Pots sa buhok ko sa bandang likod ng ulo.
Napangiwi ako. Nahilo ang utak ko kung ano ang uunahing i-entertain; 'yong pangangapal ba ng pisngi ko, panlalabo ng mga mata o hapdi sa anit. Halo-halo na silang lahat na wala na akong mapaglagyan ng pakiramdam.
"T-Tita...hindi po ganoon 'yon..." Pinilit kong maging malumanay ang boses kahit pa na ang kabaliktaran ay gusto kong sumigaw.
Gusto kong sumigaw para magprotesta sa pagtrato niya sa akin na parang basura. Gusto kong isigaw sa mukha ng bruha, ipamukha sa kanya na wala siyang karapatang apak-apakan ako dahil lang sa wala na akong mga magulang.
Imbes na maawa sa akin ay parang walang narinig si Tita Pots. Iyong pabigla niya akong isinalya sa pinakamalapit na mesa. Ang lugar sa labas ng kuwarto ko ang nagsisilbing packing center ng negosyo ni Tita Pots.
Tumama ang tagiliran ko sa gilid ng mesa. Pero bago pa man ako maiyak sa dagdag na sakit ay nahuli uli ni Tita ang buhok ko sa likod.
"Putang ina kang bata ka! Pagkatapos kitang kupkupin, kakagatin mo na ako ngayon?! Hoy, Genoveva! Kung hindi dahil sa akin, matagal ka nang pinagpipiyestahan ng mga uod sa lupa! Wala kang utang na loob, bwisit ka!"
Hindi pa siya nakontento sa pagsabunot sa akin. Inalog-alog pa niya ang ulo ko, bagay na naging dahilan para lalong humapdi ang anit ko. Pakiramdam ko ay mababaklas ang buong balat ko sa ulo sa higpit ng pagkakahawak ni Tita Pots.
"T-Tita...t-tama na po," mangiyak-ngiyak kong pakiusap. "S-Sorry po, hindi ko na po uulitin. Wala lang po ako sa sarili ko dahil sa puyat."
Bingi na si Tita Pots. Hindi niya ako binitiwan. Kinaladkad ako ni Tita Pots palabas, tuloy-tuloy sa likod bahay sa dirty kitchen. Nagsitayuan ang mga nag-aagahang trabahador sa tinapahan. Nasulyapan ko sina Ate Lucy at Kuya Mark na natigil sa pagsubo ng pagkain at napatayo na rin kagaya ng mga kasama.
Sa tuwing pinaparusahan ako ni Tita Pots, itinatali niya ako sa isang poste sa likod bahay. Doon niya ako sapilitang inilapit. May nakasabit na tali doon, sadyang nakalaan para sa akin. Kulang na lang iukit nila ang pangalan ko doon.
"Dito ka para magtanda ka!" aniyang habang sapilitan akong hinihila.
Halos bumaon ang mga paa ko sa lupa sa pagpipigil para huwag niya akong maitali sa poste. Pero gaano lang ba ang lakas ko kumpara sa lakas ng tiyahin ko? Mas matangkad lang ako kay Tita Pots pero walang sinabi ang lakas ng payat kong katawan.
"T-Tita...m-maawa na po kayo."
Lalong nanlisik ang mga mata ni Tita Pots sa narinig. Humigpit pa ang kapit niya sa buhok ko.
"Kailangan mong madisiplina! Responsibilidad kong ituwid ang baluktot mong utak! Masyado kang na-spoil ni Marisol noon eh, kaya lumaki kang matigas ang ulo!" Bumaling si Tita Pots sa mga nanonood na tauhan nito. "Itali n'yo nga 'to!"
"Ano na naman ba 'yan, Ma? Ang aga-aga, ang ingay n'yo."
Sabay kaming napatingala ni Tita Pots sa second floor ng bahay. Nakadungaw si Kuya Jake, ang panganay na anak ni Tita Pots. Sabog-sabog ang mahabang buhok ni Kuya Jake na umaabot hanggang balikat.
"'Wag kang makialam. Linisin mo ang kotse, may pupuntahan ako mamaya," sabi ni Tita Pots.
Kakamot-kamot sa hubad na tiyan na humikab si Kuya Jake. "Si Bebang na lang, Ma."
"Hindi pwede. Kailangang parusahan si Bebang ngayon dahil may nagawa na namang kapalpakan."
Saglit akong tinitigan ni Kuya Jake. Sinalubong ko ang tingin niya sa kabila ng hapdi na permanente na yatang nanirahan sa anit ko. Pero kagaya ng dati, walang interes sa mga mata ng pinsan ko. Kagaya ng dati, wala rin siyang pakialam kahit durugin ako ng nanay niya sa harapan niya mismo.
"Ano'ng oras tayo aalis?" Sa halip ay tanong ni Kuya Jake.
"Mamayang alas otso y medya. Kailangang agahan dahil marami pa tayong kailangang daanan."
"Hindi ho ba pwedeng si Marco na lang ang mag-drive sa inyo?"
Napaismid si Tita Pots. "May hang-over ang kapatid mo, hindi pwedeng mag-drive. Baka madisgrasya pa kami sa daan."
"Sige na nga." Iyon lang at nawala na sa bintana si Kuya Jake.
"Ano pang hinihintay n'yo? Ang sabi ko, itali n'yo 'to!" muling sigaw ni Tita Pots sa mga tauhang naiwang nakatanga.
Walang kumilos ni isa sa kanila. Lahat sila ay nag-aalangan. Nakikita ko ang pagkahati ng kalooban nila sa gustong mangyari ni Tita Pots. Ganoon pa man, alam kong wala silang magagawa. Mapipilitan din silang kumilos lalo na kung magbababa ng ultimatum ang tiyahin ko.
Hindi ako nagkamali. Lalo lang ginatungan ng pag-aalangan ng mga trabahador ang init ng ulo ni Tita Pots.
"Pag walang kumilos sa inyo, lahat kayo walang susuweldo sa kinsena at katapusan!"
Nasa mga mata nila ang paghingi ng paumanhin nang kumilos ang tatlo sa mga trabahador. Isa na doon si Kuya Mark. Hindi ko siya masisisi dahil hikahos din sila sa buhay. Idagdag pang kabuwanan na ng asawa niya at kakailanganin niya ng perang panggastos."Sorry, Bebang," mahinang bulong sa akin ni Kuya Mark nang kunin niya ako mula kay Tita Pots.All the fight in my body left me. Hindi na ako nagpumiglas, mahinahon akong nagpahatak kay Kuya Mark at sa dalawa pang kasama niyang sina Kuya Jimmy at Erol. Bakit ko pa ba sasayangin ang lakas ko, wala namang mangyayari.Para akong zombie na nakatayo sa tabi ng poste habang inihahanda nila ang pagtatalian sa akin. Nakatayo lang ako doon, tagos-tagusan ang paningin. Ni hindi na ako kailangang hawakan ni Kuya Mark. Para kaming dalawang tuod, wala
Sa sumunod na paggising ko ay hindi na ako nagtanong ng kung ano-ano. Hinayaan ko na lang silang gawin kung ano ang gusto nilang gawin sa akin.Bago pa man sila tuluyang makatunog na gising na ako madaling araw pa lang ay nagplano na ako. Magpapalakas ako at susunod sa ano mang sasabihin nila. Sa ganoong paraan, mas magkakaroon ako ng kalayaang gawin ang ano mang gusto ko.At pag maayos na ang kalagayan ko, hahanapin ko ang bahay namin. Hindi ko pa alam kung nasaan ako ngayon. Mas mabuting tumahimik na muna ako. Saka na ako kikilos 'pag sigurado ko nang walang hahadlang sa mga balak ko.Ang hirap kasi nitong wala akong kaalam-alam kung nasaan ba ako. Kaya wala akong choice but to bid my time. Walang mangyayari sa akin kung ipipilit kong ako si Bebang at hindi si Ianthe.
Ang tanong, saan nakalagay ang cellphone ni Ianthe? Napakamot ako sa ulo. Napansin 'yon ni Luna kaya isa pang pag-ikot ng mga mata niya ang ibinato niya sa akin. Natawa ako. Maganda si Luna pero nagmumukhang clown sa ginagawa niyang eye rolls."Ask your parents kung nasaan ang phone mo, 'wag ako," aniya."Right." Bumaba ako ng kama. "Dito ka lang.""Hmm."Nasa pinto na ako nang bigla akong may maalala. "Luna.""O?" Kunot-noo siyang bumaling sa akin. "Ano'ng ginagawa mo d'yan sa pinto, saan ka pupunta?""Hindi ko kabisado ang bahay."Napabalikwas ng bangon si Luna. "Hindi mo kailang
Hingal-kabayo kaming pareho ni Luna nang matapos mag-enroll. Pareho kaming nakaupo sa isang bench sa loob ng academy, pinapaypayan ang mga sarili.My green Vans looked scruffy. Ilang beses na ba akong naapakan ng mga walang pakiramdam na estudyate sa pilahan? I stopped counting at ten."Dapat pala hindi tayo nag-enroll sa first day," sabi ko. "Para akong nakipag-wrestling sa sampung tao."Luna massaged her aching legs. Sa dami ng mga tao at haba ng pila, hindi na ako magtataka kung uuwi kaming tinubuan na ng talaba sa mga binti.Idagdag pa ang alinsangan ng panahon, diyos ko. Natuyuan na yata ako ng tubig sa katawan. Para akong may disyerto sa lalamunan."Canteen muna tayo," si Luna.
I see. So, ang kailangan nating gawin ay tapusin kung ano man ang mga unfinished business natin. Ang tanong, sinong mauuna?"Hindi ka mahilig sa salitang so ano?" pansin ko.Not really. Ano na?"Pwede naman nating pagsabayin. O kaya simultaneous. Whatever works for us."Kung sabagay. What do you want ba? I have read your memories but it seems we don't share the same thoughts. Hindi ko kayang basahin ang iniisip mo kahit na nasa iisang katawan lang tayo at technically naghahati sa iisang utak."Gusto kong mabawi lahat ng kinuha ni Tita Pots sa amin. Wala akong mukhang ihaharap sa mga magulang ko kung sakali," deklara ko.
Nahulog ako sa pag-iisip. Nakalimutan ko nang kasama ko ang crush namin pareho ni Iante---si Bryle. Kung hindi pa siya kumilos para umalis ay hindi ako matatauhan. Mabilis kong nahawakan ang laylayan ng t-shirt niya."Uy...""Bakit na naman?""Tulungan mo naman ako, oh. Friends naman kayo ni Ianthe, 'di ba? Oo, madiskarte ako pero hindi 'to kaya ng powers ko."Nakarinig ako ng papalapit na yabag. Pero hindi ko pinansin 'yon. Mas importante sa akin ang pagpayag ni Bryle na tulungan kami ni Ianthe. Wala rin naman kasi akong alam na puwedeng hingan ng tulong. Wala akong kaibigan, maliban kay Luna. And I don't think Luna is equipped to deal with things concerning with the supernatural.S
Pagdating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kuwarto. Wala ang mag-asawang Dominguez nang mga oras na ‘yon. Sa hapunan na sila makakauwi dahil busy sa negosyo ang mag-asawa. May-ari ng isang lokal na fast food chain ang mga Dominguez na sa ngayon ay may iba’t ibang sangay na sa buong bansa. Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit halos wala na silang panahon sa nag-iisang anak na si Ianthe.But Ianthe is generally a good child. Ayon sa alaalang na-access ko, Ianthe doesn’t really mind. Oo paminsan-minsan may tampo ang dalaga pero hindi ibig sabihin ay nagtanim siya ng galit sa mga magulang, na ngayon ay magulang ko na rin. Ianthe doesn’t mind too. In fact she wanted me to treat her parents as my own since she knew I have none any more.“Ianthe?” tawag ko sa kanya nang makarating ako sa kuwarto.Basta ko na lang inihagis sa kama ang bag. Dali-dali akong naghubad ng sapatos at medyas. Habang kumukuha ng damit pamalit sa clos

"Bebang! Hoy, Bebaaaaanng!"Sumisilip pa lang ang araw ay labas-litid na kung makasigaw ang tiyahin kong may kakambal na megaphone ang bibig. Kahit gustuhin ko pang matulog ay imposible na. 'Yon eh, kung gusto kong malagasan na naman ng buhok sa sabunot ng Tita kong bruha.Bumangon na ko pero di ako sumagot. Kahit sa ganoong paraan man lang makaganti ako sa pang-aaping araw-araw na ipinapalamon sa akin Victoriano family from the land of daing and tinapa, Loza del Sol!Mabuhay! Este, mamatay na pala silang lahat!"Bebang! Are you deaf? Mama is calling you!" Sumingit ang boses-ipis ng pinsan kong si Khourtney mula sa labas ng pinto ng kuwarto ko.Yes besh, Khourtnei with emphasis on th