BINIGAY ko kay Diana ang picture. Kinuhanan ko si Elyes ng palihim habang nasa dagat kami. Malayo man at medyo magalaw ay iyon na ang pinakamaayos na kuha. Ayaw kong kuhanan siya ng picture na alam niya. I don't even want him to see my phone. Baka pa usisain niya ako at mabasa niya ang mga usapan namin ni Elyes.Nilipat ko ang tingin ko sa sunod na kuwadro na naroon sa dingding ng opisina sa planta nina Elyes. There were four portraits of Montenegro men on the walls. Si Yvvo ang naroon sa pinakakaliwa. Sunod nito ay ang pinsan ng magkapatid, siguro'y si Aiah. Sunod si Elyes. Sa kanang bahagi ay si Samuel.Among the four men, si Yvvo ang may pinakamaamong mukha. Aside sa siya lang din ang nakangiti, his eyes were twinkling and happy. Ali, looks too serious and uptight.Ganoon din ang magkapatid. Elyes has a badboy air in him. Parang hindi gagawa ng mabuti at laging may masamang binabalak.Ngumiti ako. Tama 'yon. Lagi naman siyang may masamang binabalak, e.Humilig ako sa kanyang swivel
PAPALUBOG na ang araw nang lisanin namin ang abandonadong mansyon. Una akong sinampa ni Elyes sa kay Petra. I was laughing despite my fear. Ayaw kong nakikita siyang nasa baba habang nakasampa ako kay Alegro. Natatakot ako kaya dinaan ko na lang sa tawa.Nangangabayo ako pero laging may kasama. At dumudoble ang takot ko kapag siya.Tinanggal niya ang sandals ko dahil nahuhulog ito sa dulas ng aking balat. Sumampa siya, dala ang sandals at nakapaa ako nang nagsimulang kumabig si Petra.Nanginig ako sa sobrang lamig. Kahit pa nakabalot sa akin ang tuwalya at binabagalan pa ni Elyes ang takbo, malamig parin.His arms were already around me when he felt me tremble a bit."Lean on me," sabi niya."Mababasa ka.""l don't mind."Umiling ako dahil sa oras na lumapat ang likod ko sa dibdib niya, mababasa siya. Hindi pa naman siya naligo roon."Tss!" he said in an irritated tone bago niya ako tinulak patungo sa kanyang dibdib."Tss!" sabi ko rin sabay layo ulit sa kanya.The irritated Elyes los
"AYOS LANG po ako," sabi ko sa mga dumalong trabahante.Meanwhile, the security guard is already talking to Diana. Binigay ko ang lubid ng kabayo sa trabahante at dire-diretso na akong naglakad patungo sa gate."Anong kailangan mo, hija?" naabutan kong tanong ng guard."I'm Diana's friend. I want to see her," sabi ni Diana sabay tingin sa akin.Nilingon ako ng guard. Tumango ako rito at hinayaan niya nang lumapit ito sa akin. Niyakap ako ni Diana ng mahigpit at nanginginig namang nilingon pabalik ang mansyon."I missed you! And oh my gosh, this house is huge and pretty!" deklara ni Diana.Nilingon ko ang guard na pinagmamasdan kami. Hinawakan ko ang kanyang Siko at hinila patungo roon sa may duyan, palayo sa mga taong nagmamasid.Wala si Senyora Donna sa ngayon. Sabi'y may binisita. Samuel is out as usual and Elyes is in his office. Ako at ang mga tauhan lang ang naroon sa mansyon ngayon at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpasalamat ako na ganoon nga.Nagpatianod siya sa hila ko. Ba
"TOUR ME around it. I want to see how big is the estate. Also, magpapakilala ako bilang Elena, my second name so it's not a lie anymore. You'll tell them I'm your friend. I'm staying in a hotel near here kaya uuwi rin ako mamaya pagkatapos mo akong mapakilala sa mapapangasawa ko."Napalunok ako."I noticed they have a beach front, too. Sayang at hindi ako nagdala ng swimwear. Well, the hotel's beach front is already spoiling me."SUMUNOD ako sa paglalakad niya patungo sa front yard. Pinagtitinginan kami ng mga trabahante at guard. Wala parin akong kibo. Masyadong mabilis ang lahat."Ang ganda ng buhay mo rito, huh, pa sakay-sakay ka lang ng kabayo. Who taught you how to ride a horse? Ang mga trabahante?"Binalingan ako ni Diana. Tumango ako. She smiled sweetly again then it's suddenly gone."What are you waiting for, Diana? Tour me. Ikaw ang mauna, dahil wala akong alam dito!" deklara niya.Nataranta akong tumango at nauna na sa paglalakad. Suminghap ako. Minsan, hindi ka na bibigyan
SABAY kaming bumaba ni Diana sa hagdanan. Gaya ng madalas, hindi pa pumapasok si Elyes sa mansyon at nanatili na lamang sa kuwadra. Nakatalikod siya sa amin nang nakalabas kami sa bulwagan. My heart hammered like a mad man.Elyes turned and his eyes drifted from me to Diana who's behind me. Parang sinaksak ang puso ko nang nakita kong tumingin siya roon. Binalik niya sa akin muli ang titig bago hinarap kami ng husto."Uh, Elyes. This is Elena, my friend..." may idudugtong pa sana ako pero naglahad na ng kamay si Diana kay Elyes."It's nice to meet you. Elyes Monetengro, right?" she smiled sweetly.Tinanggap ni Elyes ang kamay ni Diana. He smiled at her and nodded."Yes. Hmm. I'm surprised. You have a friend from Siargao Diana?" sabay tingin ni Elyes sa akin.Gustong magsalita ni Diana. Suminghap siya st umiling."She's from Manila-""Yes. I'm not from here. Kababakasyon ko lang at nalaman kong nandito siya kaya pinuntahan ko. And I've heard from her that she's staying on a nice estate
NASA loob kami ng opisina ngayon at gaya ng alok ni Elyes kahapon, pinaunlakan niya kami rito. Diana is in her cropped brown off shoulder top and a short shorts too. May dala parin siyang backpack na bumagay sa kanyang katawan."Alas dos."Kadarating lang namin dito ngayon. Naglunch muna kami sa bahay bago tumulak dito. Natagalan tuloy si Elyes.Diana turned to me. Her eyes drifted on my hand that's on Elyes's desk. Lumapit siya at ngumisi."Feel na feel mo, huh?"Nakita ko ang bahagyang pagkakagulat niya nang nakita ang diamante sa aking daliri."Is that your engagement ring?"I tried to hide it but it's too late. Naramdaman niya rin ang ginawa ko kaya nilahad niya ang kanyang kamay."Patingin.I sighed and slowly removed it from my finger. Kinuha niya iyon at sinubukan sa kanya pero halos hindi iyon pumasok.Nang tuluyang pumasok ay tinaas niya ang kanyang kamay."This looks so good on me." Nilingon niya ako."Diana, I think you should give it back-I'"Bakit? Sa'yo ba 'to? This shou
KABADONG-KABADO AKO. Elyes did not seem to realize what just happened. Sumunod ako kay Diana dahilan ng pagsunod ni Elyes sa akin.Hinawakan ni Elyes ang palapulsuhan ko. I can sense that he doesn't want to go. Nagpatuloy parin ako, kahit ganoon. Wala nang kibo si Diana at base sa tono niya kanina, hindi ko alam kung tama pa bang suwayin siya."Let's stay here for a bit, Diana, please?" Elyes finally uttered.Sinipat kaming dalawa ni Diana. Her eyes were cold and angry. Sa akin iyon nakadirekta ngunit binaling niya rin kay Elyes."She's not Dianna. She's not your fiancee."Sa likod ko si Elyes at hindi ko siya nilingon. I just know that he didn't speak. And Diana's way of looking at him changed from a scowl into a sweet smile. Ibig lang sabihin noon, nakuha niya ang gustong reaksyon kay Elyes. Hindi ko magawang lingunin ito.Bumalik sa paglalakad si Diana patungo sa mga sun lounger. Sumunod ako pero nahila pabalik ni Elyes."Anong ibig mong sabihin. Anong ibig niyang sabihin?" he aske
I CONTINUED WALKING. Pagdating ko ng bulwagan ay walang naroon. Umakyat ako ng hagdanan, sumunod si Petrina.Tiningnan ko ang kwarto ni Elyes sa pasilyo at nakitang may dalawang nag-aabang na kasambahay room Dumating pa si Mercy na sumulyap lamang sa akin bago nakisali sa mga iyon.Pumasok ako ng kwarto at hindi na nagtagal pa. I wiped the sticky seawater off my body. Kumuha ako ng damit at pumasok na ng banyo. Si Petrina ay nanatiling nakatayo sa paanan ng aking kama, hindi malaman ang gagawinWala sa sarili kong pinalitan ang aking underwear at nagbihis na rin ng damit. Hindi ko na sinuklay pa ang buhok ko. Lumabas na ako roon at nagsimula ulit na magligpit ng illan pang gamit."M-Miss..." Petrina croaked after a few moments of silence.Tumigil ako at nilingon ko siya. Her tears won't stop falling. I did not cry the whole time. Masakit. Nagbabadya lagi ang luha. Pero hindi ako umiyak. And here is Petrina, crying for me like she saw my pain... or... I pained her."I'm sorry," amin ko