Share

Kabanata 2

Author: Chumalan_Bch
last update Huling Na-update: 2021-03-29 12:32:48

Aloisia Diamond Pov

Nag-aayos kami ngayon ni Mond ng mga paninda namin. Iba't-ibang mga bulaklak at mga prutas. May piyesta kasi dito sa Tracian at maraming dumalo na nagmula pa sa Spartacus at Mapuche.

"Ate, manonood ka ba mamaya?"

Tanong ni Mond sakin, meron kasing magpe-perform mamaya. Magpapakitang gilas, lalo na ang mga estudyante ni Mr. Sown. Sila kasi ang mga taong nabiyayaan ng kapangyarihan. Kaya para magamit iyon sa mabuting paraan pumapasok sila sa organisasiyon ni Mr. Sown, para maturuan ng tama sa paggamit ng kanilang kapangyarihan.

Sabi nila, kung meron ka mang kapangyarihan malalaman mo ito kapag tumuntong ka ng 18 na taon. Pero di na ako nagdasal pa na sana ako rin mabiyayaan. Dahil hanggang ngayon, 21 na ako wala parin naman akong napapansing kakaiba sa akin.

"Ate?"

"Ha? Ahh hindi na..Wala akong ganang manood ng mga ganyan. Ikaw na lang at ako na magbabantay dito."

Nginitian ko siya saka sinuklian yung bumili kanina.

"Sure ka?"

Ngiting-ngiti naman 'to!

"Oo nga."

"Basta kapag gusto mong manood ate. Iligpit mo na lang muna."

"Hmm." Maikling tugon ko at inasikaso ang mga bumibili.

Dumadagsa na kasi ang mga tao na nagmula pa sa iba't-ibang bayan. Kaya sigurado akong marami ang mabebenta namin ngayon.

"Pabili nga nito, Sia."

Nagulat ako nang makitang si Mr. Sown ang bumibili.

"Mr. Sown!"

"Hahaha! Mukang gulat na gulat ka?"

Natatawang tanong niya.

"Diba magpe-perform kayo mamaya? Eto po."

Binigay ko sa kanya ang binili niya.

"Oo. Pero mas maganda sana kapag isa ka  doon. Alam mo namang matagal na kitang nire-recruit sa grupo, Sia."

"Mr. Sown, naman. Paano ako makakasali doon kung wala naman akong kapangyarihan? Tsaka takot ako sa mga demonyo na pwede kong kaharapin kapag maglalakbay tayo para mag slay ng mga demon."

"Hahaha! Kaya nga demon slayer ang pangalan ng grupo, iha. Tsaka sigurado akong may kakayahan ka din. Kapag dumating araw na makita mo ang kakayahan na yun iha, Puntahan mo ako agad. Sige aalis na ako."

Nag paalam na siya para daw makapag handa na sa gagawin nila mamaya.

Napangiti na lang ako ng mapait, matagal ko nang gustong sumali sa grupo nila. Para maprotektahan ko sila nanay kapag dumating araw na magkakagulo ang lahat. Para maprotektahan ang mga taong hindi kayang protektahan ang mga sarili at pamilya nila sa mga demon na pagala-gala at naghahanap ng mabibiktima.

Kaso iniisip ko pa lang nawawalan na ako ng pag-asa. Paano ako makakasali kung wala naman akong kapangyarihan? Di tulad nila na nabiyayaan.

"Ate Sia, punta na ako doon ah. Kapag nagbago isip mo at gusto mong manood, iligpit mo na lang ito."

Dumating si Mond na umuwi kanina para makaligo. Grabe din kasi kanina ang pawis niya sa pagbubuhat ng mga paninda namin. Basang-basa pa ang buhok niya.

Binata na siya at sigurado akong maraming babae ang mahuhumaling sa kakisigan at kaguwapuhan niya. Hindi ako nagsisisi na nilapitan ko siya noon at inuwi sa bahay. Tinuring namin siya bilang pamilya, binihisan at pinakain kaya ngayon ay ibang-iba na siya sa Osmond na nakita ko noon na tulalang nakaupo sa may puno.

Kung hindi ko lang siya kapatid , siguro isa na ako sa mga babaeng naglalaway sa kanya.

Natawa na lang ako sa isip ko.

"Sige. Wag kang mag-alala, ako na bahala dito."

Ngumiti siya at niyakap ako. hinalikan niya ako sa pisnge at...

"Salamat"

Umalis na siya para makinood sa kumpulan ng mga taong nanonood din doon.

Napailing ako. Hanggang ngayon hindi parin siya nagsasawang mag pasalamat. Lagi siyang ganoon. Laging sinasabi na kung hindi ko siya inuwi noon siguradong hindi na siya isang makisig at malusog na lalaki ngayon. Ang masama ay baka patay na daw siya noon pa.

Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa mga mamimili para hindi ko muli maalala ang alok ni Mr. Sown. Bakit ba niya ako pinipilit na pumasok sa grupo nila kung alam naman niyang wala akong kapangyarihan?

"woaaahhhh!"

Rinig kong mangha ng mga taong nanood hindi kalayuan dito sa pwesto ko.

Hapon na pero marami paring tao. Paubos na din ang paninda ko.

"Bilhin ko na ang lahat ng ito."

Isang malamig na boses ang nagsalita habang binibilang ko ang perang naipon ko sa pagtinda.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lamig sa boses niya. Pero kahit ganon ay may kakaiba pa akong naramdaman.

Yung pakiramdam na ligtas ako? Yung pakiramdam na nakauwi ako galing sa mahaba-habang paglalakbay sa lugar kung saan komportable ako.

Bakit ko ba nararamdaman yun?

"Binibini?"

"A-ah ha?"

Hindi ko alam kung bakit natulala ako sa kanya.

Kung sinabi kong makisig at guwapo kanina si Mond, magsisinungaling ako kung sasabihin kong mas guwapo siya rito. Itim lahat ng suot niya at sobrang itim din ng buhok niyang may kahabaan.

Hindi ko alam kung namalikta lang ako nang dumapo ang tingin ko sa mga mata niyang purong itim. As in, pati yung puti sana sa mata ay itim din. Lahat itim.

Napapikit-pikit ako at nang magsalita siya ay natauhan ako.

"Bilhin ko na ang lahat ng ito binibini?"

Ang kaninang malamig na boses niya ay naging normal. Malumanay.

"Ah sige sige! Huli na naman na ito. Salamat ng marami!"

Inilagay ko lahat iyon sa supot at nang iniabot ko sa kanya ay muli akong napatingin sa mga mata niya.

Nawala ang kaba ko nang napagtantong namalikta nga talaga ako kanina.

Normal lang naman ang mata niya at yung maliit na bilog lang ang itim.

Haaayy! Kung ano-anong nakikita ko. Siguro dahil sa pagod kaya ganon.

Ini-abot niya sakin yung bayad at para akong nakuryente nang magdikit ang balat namin.

Bigla na lang siya umalis at hindi na hinintay ang sukli niya nang maibigay niya sakin ang bayad. Sisigawan ko sana siya para sabihin na nakalimutan niya ang barya niya pero hindi ko pala ang pangalan niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at napaupo.

"Ate!"

"Mond!"

"Oh? Anong nangyari sayo? Para kang nagulat ng makita ako"

Natulala kasi ako nang hindi ko alam pagkaalis ng huling kostomer ko.

"Wala. Tapos na ba?"

"Tindi pa tapos ang seremonya, pero tapos na ang mga nagpeperform. Oh! Ubos na pala paninda natin! Mukhang napagod ka, Ate. Ano uwi na tayo?"

Tumango ako.

"Ahh sige, uwi na tayo. Napagod din kasi ako kahit wala naman akong ibang ginawa kundi magbantay dito."

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Samalat na lang din dahil naubos ang paninda namin at wala na kaming kailangan buhatin pauwi ulit.

Sila nanay naiwan sa bahay dahil hindi siya sanay sa ganito. Si papa naman nasa templo.

"Halika na." Lumapit sa akin si Mond at marahan na niyakap ako bago buhatin ang ilang mga gamit namin dito para makauwi na.

Nang makauwi kami ay naabutan namin si nanay na nagwawalis sa labas.

"Nakauwi na pala kayo mga anak. Hali kayo nagluto ako ng meryenda niyo."

Iniwan niya muna saglit ang ginagawa niya at sinamahan kami sa maliit naming kusina.

Sabay kaming nagmeryenda ni Mond at pagkatapos ay dumeretso ako sa banyo para magshower.

HINDI ako makatulog, tulala nanaman ako at hindi mawala sa isip ko yung nakita ko kanina.

Pakiramdam ko totoo yun eh, yung nakita kong mata niya. purong itim. Pero noong tinignan ko ulit biglang bumalik sa normal.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para makatulog, pero ayaw talaga ng katawan ko.

Kaya tumayo muna ako at lumabas ng bahay. Hindi naman masyadong madilim dahil maliwanag yung buwan.

Sabi nila, kapag gabi daw mas nakakagala ang mga demonyo. Gabi sila lumalabas para maghanap ng bibiktimahin. Sa loob ng dalawampu't isa na nabuhay ako dito sa mundong, marami na akong nakikitang namamatay dahil sa kagagawan ng mga demonyo. Ilang beses na din ako sinubukang atakehin pero suwerte ko at nakakatakas ako.

Naupo ako sa labas habang tinititigan ang buwan at inalala kung paano ako atakehin ng demonyo. At kung paano ako tumakas noon.

Natawa ako nang maalala ko ang nangyari noon.

Nagpaalam ako kay nanay na pumunta sa sakahan noon para pumitas ng mga gulay. Habang pumipitas ako ay may isang itim na usok, sabi nila ang mga demonyo daw na nagpapagala-gala at mga umaatake ay ang mga mabababang klase ng mga demonyo. Sila ang mga walang permanenteng kalagayan sa demon realm.

Katulad na lang sa mga tao, ang mga taong walang matitirhan at mga pagalagala lang diyan sa paligid, nagnanakaw at nananakit sila ng kapwa para may makain.

Kaya nga nang makakita ako ng itim na usok ay alam kong demonyo iyon, ganon lagi ang mga umaatake. Tumakbo ako noon nang tumakbo hawak-hawak ang basket kung saan nakalagay ang mga gulay na pinitas ko. Lumingon ako sa likod para tignan kung hinahabol pa ako ng demon na yun pero naginhawaan ako ng makitang wala nang humahabol sakin.

At dahil nga nakatingin ako sa likod habang tumatakbo biglang akong natapilok at sumubsob ang mukha ko sa lupa, ang sarap nga, nakain ko pa ang lupa na iyon at nagasgasan ang mukha ko. Umuwi ako noon na umiiyak at tanong nang tanong naman si nanay noon, umiling-iling lang ako at hindi ko na sinabi kung bakit. Halos maiyak din noon si Mond nang makita ang itsura ko.

Haaayy. Demon realm? Ang sabi nila makikita daw ang demon realm sa bayan ng Spartacus. Malayo-layo iyon dito kaya bihira ang mga demonyong nakakarating dito. Madalas daw ang atake ng mga demon doon.

Masasabi kong swerte namin dahil hindi kami doon nabuhay.

Pero hindi ko alam kung totoong doon nga ba makikita ang demon realm. Ang heavenly realm naman kasi ay nasa Mapuche.

"Anak?"

Nagulat ako nang makita si nanay.

"Nay, gising pa kayo."

"Anak, pumasok ka dito! maraming demonyo ang naliligaw kapag gabi."

Halos hilain naman ako ni nanay papasok.

"Hay, kung meron man dapat kanina pa ako inatake. Kayo na po ang pumasok."

Hindi siya nagpumilit at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig.

Bumalik ang katahimikan kanina at may isang alitaptap na palipad-lipad sa harapan ko.

Nilapit ko ang kamay ko at sinubukang hawakan iyon. Pero nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang namatay ang ilaw niya at dahan-dahang nahulog pababa.

Anong ginawa ko?

Anong nangyari?

Tinignan ko ang kamay kong inilapit ko kanina.

Para namang may karera sa dibdib ko nang may pag-asang pumasok sa isip ko.

Para masiguro iyon ay sinubukan ko muli sa isang dahon na kinuha ko sa bulaklak na tanim ni nanay.

Hinawakan ko iyon at tinitigan.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makitang dahan-dahan natutuyo ang dahon at mukang nasusunog na at nagiging abo.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Saya, kaba, takot na baka sa natuklasan kong ito ay masaktan ko ang sarili kong pamilya. Na baka hindi ko makontrol at masaktan ko sila.

Pero naalala ko si Mr. Sown, siya ang makakatulong sakin pagdating dito. At matutupad na din ang pangarap kong makapasok sa grupo nilang pinangalanang demon slayer.

Masaya akong pumasok sa loob at may ngiti sa mukha nang makatulog ako.

Nagising akong may ngiti sa labi at masiglang lumabas sa kwarto ko. Tignan mo nga naman, ako na nahirapang nakatulog kagabi ay ako pa ang unang nagising sa aming lahat.

Masigla akong nagluto at naghanda ng umagahan.

Sunod-sunod na din naman silang nagising.

Nakita ko si papa na kalalabas lang sa kwarto. Gabi kasi siya umuuwi at maaga din siyang umaalis kaya hindi kami gaanong nagkikita dito sa bahay.

"Anak, ang aga mo naman yatang nagising."

"Kain ka muna pa bago ka pumasok sa templo."

Lumapit siya at marahan akong niyakap bago umupo sa may upuan.

Sumunod si Mond at nanay na nagtaka din kung bakit maaga ako ngayon. Dati kasi si nanay ang nagluluto sa umaga dahil siya ang pikamaaga sa amin na nagigising at ako ang laging huli.

Kumain kaming lahat ng walang pinoproblema pagkatapos ay umalis na si papa.

"Mukang ang saya mo ngayon ate."

"Oo nga, ano bang dahilan ng mga ngiti mong yan anak?"

Mas lumawak ang ngiti ko bago nag salita.

"Pupuntahan ko ngayon si Mr. Sown, nay. Tatanggapin ko ang lagi niyang inaalok sakin sa pumasok sa grupo niya."

"Ha? anong ibig mong sabihin, ate?"

"Ano sa tingin mo?"

"Anak."

Maiyak-iyak na si nanay sa nalaman. Alam niyang ang makakapasok lang doon ay ang may kapangyarihan. At base sa mga sinabi ko, mukhang alam niyang may natuklasan ako.

"Ate, sigurado ka ba?"

May pag-aalalang tanong ni Mond.

Tumango ako.

"Oo, sigurado ako kaya nga para mas masigurado ko ay pupuntahan ko ngayon si Mr. Sown para rito."

Ngumiti siya at sinuklian ko iyon.

Kaugnay na kabanata

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 3

    Pagkatapos kumain ay nagmadali akong puntahan si Mr. Sown. Nagpumilit pang sumama si Mond dahil lagi iyon nakabuntot sakin kapag may pinupuntahan ko pero hindi ko na siya pinayagan at pinaiwan ko siya para may kasama si nanay sa bahay."Mr. Sown!"Malaking ngiti ang naka paskil sa labi ko nang makita ko si Mr. Sown na kausap ang isang babaeng estudyante niya.Sila yung matagal-tagal na sa grupo at sigurado akong bihasa na sila sa pakikipaglaban, sa tagal ba naman kasi ng ensayo nila at mga misyon nila na pumatay ng mga demon.Baka nga may nakaharap na silang mga class A na demon."Oh! Aloisia! Ano nakapag-isip ka na ba? Hindi ka pupunta dito kung hindi ka nakapag desisiyon."Nagpaalam muna siya sa kausap niya at madali namang umalis agad. Lumapit siya sakin para makapag-usap kami ng maayos."Next time, ipapakilala kita sa kanila."

    Huling Na-update : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 4

    May sumusunod sakin. kung hindi ito demon, sino?Hanggang sa naramdaman ko ang isang presensiya sa di kalayuan dito sa pwesto ko. Hindi ko pinahalatang nakita ko siya gamit ang peripheral vision ko.Nagkunwari akong patingin-tingin sa paligid na tila hinahanap ko kung saan nanggaling ang palaso. Lingid sa kaalaman niya na nakita ko siyang nagtago agad sa isang puno.Nakasuot siya ng itim na mahabang damit at may hood.Bumaba ako sa puno at muling pinulot ang basket na may lamang prutas at naglakad taliwas sa daan papunta sa bahay. Kailangan ko muna siyang iligaw bago ako dumeretso sa bahay. Kung hindi ko siya mailigaw ay hindi ko na itutuloy ang pagpunta doon.Halos wala na akong sinusunod na daan at kung saan saan na ako lumulusot dito sa kakahuyan. Binilisan ko ang paglalakad at halos marinig ko na ang yabag ng mabilis na paglakad niya.

    Huling Na-update : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 5

    "Sia, pinapatawag ka ni master sa dark room.""Huh? Bakit daw?""May ipapakilala daw, ewan?"Ngumiti at tumango lang ako sa kanya at pinuntahan si master sa dark room.Yung kwartong ipinakita sa akin ni Dealla noon, yung bawal pasukin. Dark room pala ang tawag doon."Master!""Oh! Aloisia! Halika rito"Nakita ko si master na nasa tapat nung kwarto at sa tabi niya ay isang matangkad na lalaki na abala sa pagpapahigpit ng barrier nang dark room.Ibinaba niya ang kamay niya saka inilagay sa likod at tayong-tayo nang humarap sakin.Napaliit ang mata dahil pinipilit kong alalahanin kung saan ko ba siya nakita. Parang kilala ko siya noon pa pero hindi ko naman ma-alala. Pero sinasabi ng utak ko na kilala ko talaga siya. Mas matanda lang siya ng konti sakin at napakapormal niya.Yung dalawang kamay

    Huling Na-update : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 6

    Ganon na lamang ang gulat naming dalawa ng makita namin ang isa't-isa dito."Ate!?/Mond!?"Gulat na gulat kami pareho."Anong ginagawa mo dito!? Ba't ganyan ang suot mo!?"Hindi maiwasag pagdudahan ang mga kilos niya. Kahit itinuring ko siyang kapatid at naging mabuti siya sa amin ay hindi parin mawawala ang katotohanang hindi kami magkadugo."Ate, kumalma ka""Paano ako kakalma!? Ikaw din ba yung sumusunod sa akin noon!? Mond!""Ha? Anong sinasabi mo, ate? Ngayon lang ako lumabas dahil nabalitaan ko ang tungkol sa mga nawawalang sanggol. Husto ko rin makatulong, ate. At ano yung sinasabi mong sumusunod sayo noon?"Napahinga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Hindi ko lang kasi talaga matanggap ang ideya kong siya nga ang sumusunod sa akin noon.Napapikit ako ng mariin, may ti

    Huling Na-update : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 7

    Sa wakas ay nahuli na din namin ang salarin sa pagkawala ng mga sanggol.Iisa lang pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Kung tutuusin, maraming mga pusa ang nakaharap namin. Pero ang lahat ng iyon ay puro illusion. Ngunit swerte at naramdaman ko agad iyon.Nang mahuli ko sa mga kamay ko mismo ang puno't-dulo ng lahat ay unti-unti itong nag-aanyong tao. Dinala namin siya sa bahay ni aleng Morya.Hindi ito demon, isa lamang itong tao na may kakayahang maging pusa na siyang kapangyarihan niya. Ginamit niya ito sa masamang gawain.Sinubukan namin siyang kausapin kung bakit niya ginagawa yun at tanging sagot lamang niya ay wala lang siyang magawa. Isang malakas na suntok naman ang nakuha niya mula kina Mond at Dust dahil sa walang kwentang dahilan niya. Ang daming natakot at nawalan ng anak dahil lang sa walang kwentang dahilan niya. Laki naman ang pasasalamat ko ng sinabi niyang hindi naman niya sinasaktan ang m

    Huling Na-update : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 8

    Masaya ako habang naglalakad kasama si Mar. Hindi man siya gaanong ngumingiti pero alam kong hindi siya ganong kasamang tao.Nang magtama ang tingin naming dalawa ay bigla siya ngumiti, kaya naman sinuklian ko ang ngiti niyang iyon."Ano pala ginagawa mo dito?" tanong niya."Aandito ako para pumatay ng mga demon. May kasama ako, gusto mo ipakilala kita?""Hanggang ngayon yan parin ang ginagawa mo." saad niya pero mahina na parang bulong lang."Ha? Ginagawa ko? Ibig mong sabihin ay ang trabaho kong manghuli ng mga demon? Masasama sila kaya ko ginagawa iyon.""Pero hindi lahat masasama."Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sumang-ayon sa sinabi niya. Pero totoo naman.Kung saan-saan ako tumitingin kaya hindi ko napansin ang isang lumilipad na walis sa likod ko na

    Huling Na-update : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 9

    Maayos naman ang gabi namin dito. Nagpapahinga na ang mga kasama ko, lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa dyosa.Paano itong naging dyosa kung kinatatakutan siya ng mga tao, pero patuloy parin sila sa pagrespeto at paggalang dito? napipilitan? Siguro.Naglakad-lakad muna ako sa pasilyo at tumingin sa itaas. May bubong palang dito kaya hindi ko makita ang mga bituwin. Naglakad ako hanggang malagpasan yung semento ng pasilyo at pumunta sa isang mini garden dito.Maaliwalas ang gabi at masarap pagmasdan ang mga bituwin sa langit na parang walang mangyayaring hindi maganda bukas.Pumikit ako at pinayapa ang isip ko. Inalis lahat ng mga problema.Mabilis akong nakakilos ng may naramdam akong mabilis na bagay na papalapit sa akin mula sa gilid ko. Gumalaw ang kamay ko at sinalo iyon ng hindi nagmumulat.Nagmulat ako at tinignan ang palaso na hawak k

    Huling Na-update : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 10

    Nang maramdaman kong okay na ako tsaka ko lang naisip na humiwalay sa yakap.Tumikhim ako."S-salamat." nahihiyang saad ko.Yumuko pa ako pero hinawakan niya ang baba ko at muling itinaas ang nakayuko kong ulo hanggang sa magpantay ang tingin namin."Tutulungan kitang ibalik ang alaala mo at tanggapin ang mga katotohanan. Huwag kang magdadalawang isip na kausapin ako kapag may mararamdaman kang kakaiba, Aloisia."Hindi ako nagsalita at ngumiti na lamang bilang pagsang-ayon at tumango.Napakurap-kurap ako ng maramdaman ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko. Sobrang bilis at hindi ko iyon napaghandaan. Ilang segundo pa ay hindi pa siya lumalayo kaya pinikit ko na lamang ang mata ko para mas namnamin ang halik niya.Matapos ang nangyaring iyon ay hawak kamay kaming bumalik sa kwarto namin.Ang saya sa pakiramdam, ang g

    Huling Na-update : 2021-03-29

Pinakabagong kabanata

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 16

    THIRD PERSON'S POVNataranta ang lahat nang may sumigaw na nasisira na ang harang ng dark room.Dahil ang alam nilang lahat ay isang halimaw ang nasa loob 'nun.Nagkagulo ang mga tao dahil din sa nakikita nila ngayon. Si Aloisia na napapaligiran ng kulay asul na usok.Napatayo din sa gulat ang mga opesyales sa iba't-ibang lugar.Isa lang ang alam nila, hindi iyon kakayahan ng isang tao.Hindi alam kung anong unang pagtutuunan ng pansin ni master Sown. Kung si Aloisia ba na alam niyang mapapahamak ngayon o ang puntahan ang dark room.Nagmulat si Aloisia na may poot sa kanyang mga mata. Hindi alam kung para saan iyon."Anong nangyayari!?" Sigaw ni Dealla walang ideya sa nangyayari sa kaibigan nila.Nagkagulo at hi

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 15

    Dumating ang araw na paparusahan nila si Marcus.Hindi ko alam kung anong magagawa ko para iligtas siya.Naghahanda ang lahat para sa gaganapin mamaya, kaya hindi na ako nag-isip at pinuntahan si master.Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko siyang nagkakape."Master." Halos bulong na iyon pero alam kong narinig niya.Sana naman umayon ngayon ang sinasabi niyang ako ang paborito niyang estudyante. Sana naman pakinggan niya ako. Ngayon lang ako lumapit sa kanya para humingi ng pabor. Alam kong mahirap pagbigyan ang kagustuhan ko pero susubukan ko.Wala namang kasalanan si Marcus."Aloisia, maupo ka." Kalma na saad niya."Bakit? Biglaan ang pagpunta mo rito. Aloisia..."Napabuntong hininga siya."Hindi ako galit sayo, pero sana hindi mo hinayaan na gawin ng demon na iyon ang pagtangka sa dark room. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit sayo.""M-mas

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 14

    Umuwi kami kasama sina Mond, Marcus, Murphy at si Eries.Mabait naman si Eries, sadyang may isang turnilyo sa utak niya ang naluwagan.Ang akala namin magpapaiwan si Eries at hihiwalay sa amin, pero nagpumilit siyang sumama. Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag ito kay master.Pero sabi niya, kaya naman daw niyang tanggalin ang aura ng isang demon sa katawan niya at magkunwaring isang normal na tao.Si Murphy, gusto ding sumama. Alam naming lahat na isa siyang deity na medyo may pagka-mahangin. Kaya din naman niyang itago ang presensiya niya at tulad kay Eries. Si Marcus, may ideya na ako kung ano siya. Hindi lang ako nagtatanong dahil gusto ko itong malaman kapag nahanap na namin ang kapiraso ng salamin."Ano ba talaga ang ginagawa mo sa mga lalaking pumapasok sa templo? Pinapatay mo ba?" Tanong ni Yeena kay Eries."Hindi nga ako ganon kasama! Buhay pa ang mga yun! Dinala ko lang sa isang luga

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 13

    Pagbalik namin sa tinutuluyan namin ay agad niya akong inilapag sa kama. Nasa labas pa si Mond at Dust na nakasilip sa pinto.Napabuntong hininga ako."Okay ka na?" tanong ni Marcus.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinatingin ako sa kanya. Nakayuko siya dahil nakahiga na ako sa kama. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha namin."Oy ano yan!" sabay na sigaw ni Mond at Dust.Oo nga pala. Nasa labas sila.Nakangiting binalingan ko sila. Dahan dahan akong umupo sa kama at agad naman akong inalalayan ni Marcus."Mag-uusap lang kami. Ahmm...pwedeng...pwede iwan niyo muna kami? Promise wala kaming gagawing masama." matamis na ngitian ko silang dalawa at wala silang nagawa kundi tumango at nagbatukan bago umalis.Naglakad si Marcus palapit sa pintuan para i-lock ang pinto.Nuntong hininga siyang luma

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 12

    Samantala, habang naghihintay ang mga babae sa labas ay labis ang kabog ng dibdib nila. Wala na ang ibang mga tao at tanging sila na lamang naiwan dito.Wala silang magawa kundi maghintay na lamang sa mga kasama nila sa loob. Sinubukan nilang gamitin ang maliit na kampanilya na nagsisilbing koneksyon nila kapag nagkakalayo sila ay hindi iyon gumagana. Siguro dahil sa barrier na nakapalibot sa abandonadong templo.ALOISIA'S POVPalinga-linga ako sa paligid, nang mapatingin ako sa hindi kalayuan ay kumunot ang noo ko nang may mapansin.Tinignan ko muna ang mga kasama ko, nang hindi nila ako napapansin ay dahan-dahan akong naglakad paatras at mabilis na tumakbo patungo sa taong yun.Hindi ako napansin ng mga kasama ko dahil nakatutok ang atensiyon nila sa templo.Ang taong yun.

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 11

    "Fox demon." wala sa sariling banggit ni Murphy na nakatitig sa babae.Napatingin sa kanya yung dyosa at napangiti."Magaling! Pano mo nalaman? Ah! Wag na pala. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo kung pano mo nalaman. Alam ko namang pinag-aaralan ng mga tao ang iba't-ibang klase ng demon." napailing-iling siya."Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay at pati ang kung ano kami kailangan niyo ding malaman?" natatawang sabi ng dyosa."Hindi kami pumunta rito para makipag-laban. Gusto lang namin malaman kung ano ang dahilan mo kung bakit mo ito ginagawa." saad ni Dust na nakawala nasa hipnotismong ginawa sa kanya ng dyosa."Papatayin ko na lamang kayo rito kesa ang makipaglokohan sa inyo! Ano sa tingin niyo sa akin!? hindi nag-iisip?" sigaw ng dyosa.

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 10

    Nang maramdaman kong okay na ako tsaka ko lang naisip na humiwalay sa yakap.Tumikhim ako."S-salamat." nahihiyang saad ko.Yumuko pa ako pero hinawakan niya ang baba ko at muling itinaas ang nakayuko kong ulo hanggang sa magpantay ang tingin namin."Tutulungan kitang ibalik ang alaala mo at tanggapin ang mga katotohanan. Huwag kang magdadalawang isip na kausapin ako kapag may mararamdaman kang kakaiba, Aloisia."Hindi ako nagsalita at ngumiti na lamang bilang pagsang-ayon at tumango.Napakurap-kurap ako ng maramdaman ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko. Sobrang bilis at hindi ko iyon napaghandaan. Ilang segundo pa ay hindi pa siya lumalayo kaya pinikit ko na lamang ang mata ko para mas namnamin ang halik niya.Matapos ang nangyaring iyon ay hawak kamay kaming bumalik sa kwarto namin.Ang saya sa pakiramdam, ang g

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 9

    Maayos naman ang gabi namin dito. Nagpapahinga na ang mga kasama ko, lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa dyosa.Paano itong naging dyosa kung kinatatakutan siya ng mga tao, pero patuloy parin sila sa pagrespeto at paggalang dito? napipilitan? Siguro.Naglakad-lakad muna ako sa pasilyo at tumingin sa itaas. May bubong palang dito kaya hindi ko makita ang mga bituwin. Naglakad ako hanggang malagpasan yung semento ng pasilyo at pumunta sa isang mini garden dito.Maaliwalas ang gabi at masarap pagmasdan ang mga bituwin sa langit na parang walang mangyayaring hindi maganda bukas.Pumikit ako at pinayapa ang isip ko. Inalis lahat ng mga problema.Mabilis akong nakakilos ng may naramdam akong mabilis na bagay na papalapit sa akin mula sa gilid ko. Gumalaw ang kamay ko at sinalo iyon ng hindi nagmumulat.Nagmulat ako at tinignan ang palaso na hawak k

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 8

    Masaya ako habang naglalakad kasama si Mar. Hindi man siya gaanong ngumingiti pero alam kong hindi siya ganong kasamang tao.Nang magtama ang tingin naming dalawa ay bigla siya ngumiti, kaya naman sinuklian ko ang ngiti niyang iyon."Ano pala ginagawa mo dito?" tanong niya."Aandito ako para pumatay ng mga demon. May kasama ako, gusto mo ipakilala kita?""Hanggang ngayon yan parin ang ginagawa mo." saad niya pero mahina na parang bulong lang."Ha? Ginagawa ko? Ibig mong sabihin ay ang trabaho kong manghuli ng mga demon? Masasama sila kaya ko ginagawa iyon.""Pero hindi lahat masasama."Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sumang-ayon sa sinabi niya. Pero totoo naman.Kung saan-saan ako tumitingin kaya hindi ko napansin ang isang lumilipad na walis sa likod ko na

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status