Share

Kabanata 5

Author: Chumalan_Bch
last update Last Updated: 2021-03-29 12:36:42

"Sia, pinapatawag ka ni master sa dark room."

"Huh? Bakit daw?"

"May ipapakilala daw, ewan?"

Ngumiti at tumango lang ako sa kanya at pinuntahan si master sa dark room.

Yung kwartong ipinakita sa akin ni Dealla noon, yung bawal pasukin. Dark room pala ang tawag doon.

"Master!"

"Oh! Aloisia! Halika rito"

Nakita ko si master na nasa tapat nung kwarto at sa tabi niya ay isang matangkad na lalaki na abala sa pagpapahigpit ng barrier nang dark room.

Ibinaba niya ang kamay niya saka inilagay sa likod at tayong-tayo nang humarap sakin.

Napaliit ang mata dahil pinipilit kong alalahanin kung saan ko ba siya nakita. Parang kilala ko siya noon pa pero hindi ko naman ma-alala. Pero sinasabi ng utak ko na kilala ko talaga siya. Mas matanda lang siya ng konti sakin at napakapormal niya.

Yung dalawang kamay niya nasa likod at maging ang pagtayo niya.

"Aloisia, siya nga pala si Assus. Ang magiging senior mo"

Ngumiti lang siya ng tipid sa akin. Sinuklian ko na lang ang ngiti niya at bahagyang yumuko.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni master at ganon na lang ang gulat ko ng guluhin ni Assus ang buhok ko.

Nakita niya siguro ang gulat sa mukha ko kaya napatikhim siya at muling pumormal ang aura niya. Ngumiti na lang ako ng alanganin at humarap sa kanila ng maayos.

" Senior Assus, hmm, ako nga pala si Aloisia."

"Nandito siya para tumulong sa atin sa paghihigpit ng harang, Aloisia"

Nagulat naman ako doon.

"Anong ibig niyong sabihin, master?"

Umiling siya.

"Tumatanda na ako, Aloisia. Hindi ko na rin kayang pahigpitin pa ang harang at hindi ko naman pwedeng i-asa na lamang sa inyo ito. May tiwala ako sayo, Aloisia. Pero mas mapapanatag ako kapag kasama mo siya. Maaaring maubos mo ang lakas mo kapag itinuon mo ito lahat sa pagpapahigpit ng harang. Siya na rin ang magsasanay at tutulong sa mga kailangan mong malaman."

"Ahmm"

Alanganin akong napatingin kay Senior at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Inaabangan ang magigibg realsiyon ko. Sa isipang kanina pa siya nakatingin sa akin ay nailang ako.

"Aloisia? Nakikinig ka ba?"

"Juh? Ah oo! Okay lang sakin. Wala namang problema doon, master. Siguro kailangan niyo ding magpahinga at huwag niyo na pong sasayangin ang lakas niyo. Huwag po kayong mag-alala, kami na lang po ang bahala dito."

Nginitian ko sila ng malawak at nakangiti namang tumango-tango si master.

"Hindi ako nagkamaling piliin ka"

Pakiramdam ko nagkaroon ako ng mas mabigat na responsibilidad. Totoo nga ang sinasabi ng mga kasama ko. Ako ang paboritong estudyante ni mr. Sown.

"Mula ngayon, kailangan niyo nang mas kilalanin ang isa't-isa dahil lagi kayong magsasama sa mga misyon at pagsasanay."

"Opo, master."

Nauna nang naglakad si master at kaming dalawa na lamang ni Senior ang nasa likod kaya medyo naiilang ako.

Tumikhim siya at nagsalita.

"Mukhang ayaw mo akong makasama."

"Huh? Ah hindi! Hindi! ano....naiilang lang ako. Wala kasi akong kaibigang lalaki. Laya ganon, hindi ako sanay na may kasama akong lala---"

"Sia!!"

Si Dust na tumatakbo at nang makalapit ay basta na lamang niya akong inakbayan.

"Na't hindi kita gaanong nakikita dito?"

"Ahmm..."

Nahihiya akong napatingin kay senior na nakataas ang kilay na nakatingin sa amin.

"Oh! Siya ba ang bagong sinasabi nila? Lilala mo, Sia?"

"Dust...."

Tumikhim si Senior bago nagsalita.

"Mula ngayon, ako na ang magiging partner ni Aloisia sa pagsasanay at pagbabantay ng dark room."

"Ano!?"

"Dust--"

"Hindi pwede!"

Parang bata na hindi nabigyan ng tinapay kung umakto si Dust. Jinila niya ako at nauna na kaming naglakad kay Senior Assus. Pakiramdam ko naman ay nakahinga ako ng malalim ng makalayo kami doon.

Kausap namin ngayon si master. Lahat kami nila Dealla, Yeena, Dust at ako..wala si senior Assus dahil may ibang ginagawa.

"Nabalitaan kong maraming mga  sanggol ang nawawala sa bayan, at sa mga kalapit bayan. Kayo ang pupunta doon para maglibot at magmanman. Tulungan niyong hanapin kung buhay pa ba ag mga sanggol na nawawala. Tayo lang ang inaasahan nila kaya huwag niyong bibiguin ang mga hinaing nila."

"Master, anong klaseng demon ang nangunguha ng sanggol?"

Tanong ni Della na halatang ngayon lang naka-encounter ng ganong pangyayari.

"Yun ang gagawin niyo, Dealla. Ang Alamin kung sino o ano ang nasa likod ng pangyayaring iyon."

Tumingin sakin si master.

"Ito ang una mong misyon simula ng pumasok ka dito, Aloisia. Dealla, Yeena, at Dust. Kayo na ang bahala sa kanya. Habayan niyo siya sa pakikipaglaban."

"Master, walang problema sakin yun!" Dust.

Tumango-tango lang ang dalawa at nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gamit na pwede naming dalhin.

Ang sabi nila, umaabot pa raw sila ng ilang linggo bago matapos at makauwi dito. Kaya kailangan din naming magdala ng mga damit.

"Tapos ka na, Sia?"

Pumasok si Yeena sa naka bukas kong pinto dito sa kwarto habang abala ako sa pag-aayos ng mga dadalhin ko.

"Yeena, ito lang ba ang dadalhin natin?"

"Oo, tama na yan. Huwag kang masyadong magdala ng mga gamit mo. Tara na."

Nang napansin niyang hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ay muli siyang lumapit sakin.

"Bakit?"

"K-kinakabahan ako. First time ko 'to Yeena, hindi ko alam kung anong gagawin."

"Ano ka ba, Sia! Ito ang pinasok mo kaya una pa lang wala na dapat ang pakiramdam na yan. Pero huwag kang mag-alala, ganyan din ako noong una. Meron bang tao na hindi kakabahan kung first time na gagawin ang hindi naman niya nakasanayang gawin? kaya tara na! exciting ito, Aloisia!"

Exciting? Exciting pala sa kanya ito.

Huminga lang ako ng malalim saka sumunod sa kanya salabas.

Bitbit ang backpack ko ay naglakad ako papunta sa labas dahil alam kong nandun na sila at siguradong ako na lang ang hinihintay.

"Go Aloisia!"

"Kaya mo yan!"

"Nandito lang kami, may tiwala kami sa inyo!"

Nabawasan ang kaba ko ng madaanan ko ang mga kasamahan namin dito na chinicheer ako at pinapalakas ang loob ko. Talaga nga namang naalagaan sila ng mabuti ni master dahil wala kang makikitang inggit at pagkamasungit sa kanila. Ganito sila palagi, kapag may nabigyan ng misyon pinapalakas nila ang loob ng mga ito and vice versa.

"Salamat" Binigyan ko sila ng malawak na ngiti at matapang na lumabas.

Kita ko na sila sa labas at agad naman akong sinalubong ni Dust at kinuha sa akin ang bag ko.

"Hmm...Saan tayo sasakay?"

Tumawa lang sila sa sinabi ko at naramdaman kong may tumabi sa akin.

Si master.

"Nakit?"

"Lilipad tayo." Nakangising saad ni Dust at alam kong nagjojoke lang siya dahil mahilig siya sa ganon.

Inirapan ko lang si Dust na muling ikinatawa niya.

"Master? Dealla? Yeena?"

"Tulad ng sinabi ni Dust, Sia."

"Ha? A-ano? Anong yung sinabi niya?"

"Tama na yan. Huwag niyo nang pagkatuwaan si Aloisia. Aloisia, totoo ang sinabi ni Dust. Mas mabilis kayong makakilos kung lilipad kayo---"

"Ano!?"

Halos lumabas na ang mga mata ko sa gulat.

"Aww!" bigla naman akong pinitik ni Dust sa noo.

"Dust!!"

"Ang cute mo!! Jahaha!!"

"Tama na yan, Dust. Aloisia, kakailanganin mo ito."

Binigay sakin ni master ang isang espada. Inabot ko naman iyon at muling tumingin kay master.

"B-bakit sa akin meron nito? Sa kanila wala?"

Binalingan ko nang tingin sina Yeena na pinagmamasdan lang kami.

"Meron din kami ng ganyan, Aloisia." Dealla.

Inilabas nila ang espada gamit ang kapangyarihan nila. Pagkatapos ay muli naman iyon naglaho sa mga palad nila.

"P-paano ko gawin iyon? Master, wala naman kayong itinurong ganon sa akin noon?"

"Nasayo na kung paano mo gawin yun. Gayahin mo lang ang ginawa nila."

"Tara na!"

Inilabas nila muli ang kanilang espada na naka lutang sa hangin. Inapakan nila iyon at hindi naman sila natumba at parang wala lang sa kanila na lumilipad sa hangin gamit ang espada nila.

Ginaya ko ang ginawa nila at ganon na lamang ang tuwa ko ng madali ko iyong natutunan.

"Madali ka talagang maturuan, Aloisia. Ngayon, humayo kayo at tulungan ang mga taong nangangalangan ng tulong niyo."

Nauna nang umalis si Dealla, sumunod si Yeena at sinabayan naman ako ni Dust.

Ang sarap ng hangin! Napapikit ako habang sinasalubong ang hangin sa himpapawid.

"Aloisia!!"

Napamulat ako ng tinawag ako ni Dust.

"Ba't ang ganda mo!!"

Namula ako at napatingin sa amin yung dalawa kaya mas binilisan ko ang paglipad at nilagpasan sila.

Narinig ko pa na tinatawanan ako ng tatlo kaya mas binilisan ko pa.

Agad din naman silang nakasabay sakin at mukang seryoso na sila.

"Nandito na tayo."

Saad ni Dust na ngayon lang sumeryoso.

Lumanding kami sa isang gubat na karamihan ay puro kawayan. maaliwalas naman dito.

Naglakad na lamang kami hanggang sa narating namin ang lugar kung saan maraming tao. May sari-sarili silang pingakaka-abalahan at siksikan.

Nakipagsiksikan kami, maari akong maligaw sa ganito kaya napakapit ako sa katabi ko.

"Saan na tayo ngayon?" tanong ng katabi ko.

Natauhan ako ng makita ang sarili kong nakakapit sa braso ni Dust na pangisi-ngisi pa at nagpanggap na wala lang sa kanya ang nakakapit kong kamay sa braso niya.

Nabitawan ko siya at tumikhim.

"Magtanong na lang muna tayo tungkol sa mga sanggol na nawawala. Tsaka tayo maghanap ng pansamantala nating tutulugan dito." Dealla.

"Sige."

"Maghiwa-hiwalay muna tayo. Kailangan muna nating magmasid sa paligid."

Inabutan kami ni Dealla ng tig-iisang maliit na bell.

Idinemo niya kung paano iyon gamitin.

Pwede pala kaming mag-usap kahit nasa malayo gamit iyon at agad naman namin natutunan kung paano iyon gamitin. Magagamit namin iyon habang nagkahiwa-hiwalay kami.

Tutal apat naman kami kaya si Dealla sa timog, si Yeena sa silangan, si Dust sa kanluran at ako ay sa hilaga.

Mag-isa ako ngayon na naglalakad sa dami ng mga tao at nagmamasid sa paligid.

Lumapit ako sa isang nagtitinda doon para magtanong.

"Hello po" magalang na saad ko sa kanya.

"Bibili ka ba binibini?" Nakangiti siya kaya mas mapapadali ang pagtatanong ko sa kanya. Hindi kasi ako magaling makipag-usap sa mga masusungit.

"Ahmm. Magtatanong lang po sana ako."

Nakita kong medyo nalungkot siya sa sinabi ko kaya muli akong nagsalita.

"Tsaka bibili na din ako ng kakainin ko habang naglalakad mamaya. eto po."

Nagliwanag naman ang mukha niya ng binili ko ang dalawang mansanas. Alam ko kung ano ang pakiramdam niya. Dahil ganyan din ako dati, nagtitinda rin ng kung ano-ano para sa ikabubuhay namin at ganon na lamang ang saya ko kapag may bumibili.

"Ano pala yung itatanong mo binibini?"

".ay....Ahmm...Nririnig ko kasi, may mga nawawalang sanggol? Totoo pa yun?"

Nawala ang ngiti niya saka sinuri ako ng mga mata niya. Kaya wala akong nagawa kundi magsinungaling.

"Ahmm...K-kapapanganak kasi ng kapatid k-ko, tsaka n-nabilitaan ko iyon pero hindi ako naniniwala kaya lumabas ako para magtanong-tanong kung totoo ba yun?"

Mas lalong lumandas ang takot sa mukha niya kaya wala siyang nagawa kundi sabihin sakin ang totoo.

Sa ngayon, hindi parin namin kailangang sabihin na nandito kami dahil doon. Kailangan muna naming makasigurado kung totoo ba iyon.

"Totoo yun, binibini. Alagaan niyong mabuti yung sanggol. Kapag 10 ng gabi wag na wag niyong iiwan mag-isa, dahil sa oras na yun kadalasang nawawala ang mga sanggol. Hindi pa namin alam kung demon ba ang nay kagagawan 'nun."

Nagpasalamat ako sa kanya bago naglakad palayo doon. Ginamit ko ang bell na binigay ni Dealla para sabihin sa kanila ang nalaman ko.

Dalawang beses kong pinatunog yung bell bago nagsalita.

"Kapag 10 daw ng gabi, maraming nawawala na sanggol. Ano na gagawin natin?"

Alam kong narinig nilang lahat yung sinabi ko. Patingin-tingin din ako sa paligid baka sakaling may makita akong kakaiba.

"Ganyan din ang sagot ng mga pinagtanungan ko. Pero sabi ng iba, basta gabi may mga nawawala. Kapag umabot ng 10:00 lamang sunod-sunod ang paglaho ng mga sanggol. Walang nakaka-alam kung demon ba o isang taong may masamang plano ang gumagawa nun."

Seryosong saad ni Dust, napakaseryoso pala niya kapag nasa misyon.

"Pareho lang tayo ng iniisip. malapit nang gumabi, kailangan na nating humanap ng tutuluyan natin." Yeena.

"Magkita tayo sa lugar kung saan tayo naghiwalay kanina"

Pagkatapos iyon sabihin ni Dealla, sumang-ayon kaming lahat. Itinago ko ang bell sa bulsa at maglalakad na sana para bumalik sa lugar na pagkikitaan namin pero may namataan ang mata ko.

Mabilis ang mga lakad niya na tila ba may tinatakasan. Nakasuot siya ng itim na may hood at natatakpan ang mukha niya.

Ganyan ang taong sumusunod sakin noon sa pag-uwi ko kina nanay. Yung muntik na akong tamaan ng palaso.

Hindi ako sigurado kung iisa lang ba sila pero hindi parin ako nagdalawang isip na sundan siya. Mas binilisan ko ang paglakad at halos takbo na ang ginawa ko. Wala akong paki-alam kung may nababangga man ako. Ang gusto ko lang ay maabutan ang taong to.

Hindi parin niya ako pinapansin dahil abala siya sa pagtingin sa ibang direksiyon na mukhang may tinatakasan.

Malapit na ako at nang mahawakan ko ang hood niya at mabilis na ibinaba.

Ganon na lamang ang gulat niya ng mapatingin siya sakin.

Related chapters

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 6

    Ganon na lamang ang gulat naming dalawa ng makita namin ang isa't-isa dito."Ate!?/Mond!?"Gulat na gulat kami pareho."Anong ginagawa mo dito!? Ba't ganyan ang suot mo!?"Hindi maiwasag pagdudahan ang mga kilos niya. Kahit itinuring ko siyang kapatid at naging mabuti siya sa amin ay hindi parin mawawala ang katotohanang hindi kami magkadugo."Ate, kumalma ka""Paano ako kakalma!? Ikaw din ba yung sumusunod sa akin noon!? Mond!""Ha? Anong sinasabi mo, ate? Ngayon lang ako lumabas dahil nabalitaan ko ang tungkol sa mga nawawalang sanggol. Husto ko rin makatulong, ate. At ano yung sinasabi mong sumusunod sayo noon?"Napahinga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Hindi ko lang kasi talaga matanggap ang ideya kong siya nga ang sumusunod sa akin noon.Napapikit ako ng mariin, may ti

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 7

    Sa wakas ay nahuli na din namin ang salarin sa pagkawala ng mga sanggol.Iisa lang pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Kung tutuusin, maraming mga pusa ang nakaharap namin. Pero ang lahat ng iyon ay puro illusion. Ngunit swerte at naramdaman ko agad iyon.Nang mahuli ko sa mga kamay ko mismo ang puno't-dulo ng lahat ay unti-unti itong nag-aanyong tao. Dinala namin siya sa bahay ni aleng Morya.Hindi ito demon, isa lamang itong tao na may kakayahang maging pusa na siyang kapangyarihan niya. Ginamit niya ito sa masamang gawain.Sinubukan namin siyang kausapin kung bakit niya ginagawa yun at tanging sagot lamang niya ay wala lang siyang magawa. Isang malakas na suntok naman ang nakuha niya mula kina Mond at Dust dahil sa walang kwentang dahilan niya. Ang daming natakot at nawalan ng anak dahil lang sa walang kwentang dahilan niya. Laki naman ang pasasalamat ko ng sinabi niyang hindi naman niya sinasaktan ang m

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 8

    Masaya ako habang naglalakad kasama si Mar. Hindi man siya gaanong ngumingiti pero alam kong hindi siya ganong kasamang tao.Nang magtama ang tingin naming dalawa ay bigla siya ngumiti, kaya naman sinuklian ko ang ngiti niyang iyon."Ano pala ginagawa mo dito?" tanong niya."Aandito ako para pumatay ng mga demon. May kasama ako, gusto mo ipakilala kita?""Hanggang ngayon yan parin ang ginagawa mo." saad niya pero mahina na parang bulong lang."Ha? Ginagawa ko? Ibig mong sabihin ay ang trabaho kong manghuli ng mga demon? Masasama sila kaya ko ginagawa iyon.""Pero hindi lahat masasama."Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sumang-ayon sa sinabi niya. Pero totoo naman.Kung saan-saan ako tumitingin kaya hindi ko napansin ang isang lumilipad na walis sa likod ko na

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 9

    Maayos naman ang gabi namin dito. Nagpapahinga na ang mga kasama ko, lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa dyosa.Paano itong naging dyosa kung kinatatakutan siya ng mga tao, pero patuloy parin sila sa pagrespeto at paggalang dito? napipilitan? Siguro.Naglakad-lakad muna ako sa pasilyo at tumingin sa itaas. May bubong palang dito kaya hindi ko makita ang mga bituwin. Naglakad ako hanggang malagpasan yung semento ng pasilyo at pumunta sa isang mini garden dito.Maaliwalas ang gabi at masarap pagmasdan ang mga bituwin sa langit na parang walang mangyayaring hindi maganda bukas.Pumikit ako at pinayapa ang isip ko. Inalis lahat ng mga problema.Mabilis akong nakakilos ng may naramdam akong mabilis na bagay na papalapit sa akin mula sa gilid ko. Gumalaw ang kamay ko at sinalo iyon ng hindi nagmumulat.Nagmulat ako at tinignan ang palaso na hawak k

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 10

    Nang maramdaman kong okay na ako tsaka ko lang naisip na humiwalay sa yakap.Tumikhim ako."S-salamat." nahihiyang saad ko.Yumuko pa ako pero hinawakan niya ang baba ko at muling itinaas ang nakayuko kong ulo hanggang sa magpantay ang tingin namin."Tutulungan kitang ibalik ang alaala mo at tanggapin ang mga katotohanan. Huwag kang magdadalawang isip na kausapin ako kapag may mararamdaman kang kakaiba, Aloisia."Hindi ako nagsalita at ngumiti na lamang bilang pagsang-ayon at tumango.Napakurap-kurap ako ng maramdaman ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko. Sobrang bilis at hindi ko iyon napaghandaan. Ilang segundo pa ay hindi pa siya lumalayo kaya pinikit ko na lamang ang mata ko para mas namnamin ang halik niya.Matapos ang nangyaring iyon ay hawak kamay kaming bumalik sa kwarto namin.Ang saya sa pakiramdam, ang g

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 11

    "Fox demon." wala sa sariling banggit ni Murphy na nakatitig sa babae.Napatingin sa kanya yung dyosa at napangiti."Magaling! Pano mo nalaman? Ah! Wag na pala. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo kung pano mo nalaman. Alam ko namang pinag-aaralan ng mga tao ang iba't-ibang klase ng demon." napailing-iling siya."Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay at pati ang kung ano kami kailangan niyo ding malaman?" natatawang sabi ng dyosa."Hindi kami pumunta rito para makipag-laban. Gusto lang namin malaman kung ano ang dahilan mo kung bakit mo ito ginagawa." saad ni Dust na nakawala nasa hipnotismong ginawa sa kanya ng dyosa."Papatayin ko na lamang kayo rito kesa ang makipaglokohan sa inyo! Ano sa tingin niyo sa akin!? hindi nag-iisip?" sigaw ng dyosa.

    Last Updated : 2021-03-30
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 12

    Samantala, habang naghihintay ang mga babae sa labas ay labis ang kabog ng dibdib nila. Wala na ang ibang mga tao at tanging sila na lamang naiwan dito.Wala silang magawa kundi maghintay na lamang sa mga kasama nila sa loob. Sinubukan nilang gamitin ang maliit na kampanilya na nagsisilbing koneksyon nila kapag nagkakalayo sila ay hindi iyon gumagana. Siguro dahil sa barrier na nakapalibot sa abandonadong templo.ALOISIA'S POVPalinga-linga ako sa paligid, nang mapatingin ako sa hindi kalayuan ay kumunot ang noo ko nang may mapansin.Tinignan ko muna ang mga kasama ko, nang hindi nila ako napapansin ay dahan-dahan akong naglakad paatras at mabilis na tumakbo patungo sa taong yun.Hindi ako napansin ng mga kasama ko dahil nakatutok ang atensiyon nila sa templo.Ang taong yun.

    Last Updated : 2021-03-30
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 13

    Pagbalik namin sa tinutuluyan namin ay agad niya akong inilapag sa kama. Nasa labas pa si Mond at Dust na nakasilip sa pinto.Napabuntong hininga ako."Okay ka na?" tanong ni Marcus.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinatingin ako sa kanya. Nakayuko siya dahil nakahiga na ako sa kama. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha namin."Oy ano yan!" sabay na sigaw ni Mond at Dust.Oo nga pala. Nasa labas sila.Nakangiting binalingan ko sila. Dahan dahan akong umupo sa kama at agad naman akong inalalayan ni Marcus."Mag-uusap lang kami. Ahmm...pwedeng...pwede iwan niyo muna kami? Promise wala kaming gagawing masama." matamis na ngitian ko silang dalawa at wala silang nagawa kundi tumango at nagbatukan bago umalis.Naglakad si Marcus palapit sa pintuan para i-lock ang pinto.Nuntong hininga siyang luma

    Last Updated : 2021-03-30

Latest chapter

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 16

    THIRD PERSON'S POVNataranta ang lahat nang may sumigaw na nasisira na ang harang ng dark room.Dahil ang alam nilang lahat ay isang halimaw ang nasa loob 'nun.Nagkagulo ang mga tao dahil din sa nakikita nila ngayon. Si Aloisia na napapaligiran ng kulay asul na usok.Napatayo din sa gulat ang mga opesyales sa iba't-ibang lugar.Isa lang ang alam nila, hindi iyon kakayahan ng isang tao.Hindi alam kung anong unang pagtutuunan ng pansin ni master Sown. Kung si Aloisia ba na alam niyang mapapahamak ngayon o ang puntahan ang dark room.Nagmulat si Aloisia na may poot sa kanyang mga mata. Hindi alam kung para saan iyon."Anong nangyayari!?" Sigaw ni Dealla walang ideya sa nangyayari sa kaibigan nila.Nagkagulo at hi

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 15

    Dumating ang araw na paparusahan nila si Marcus.Hindi ko alam kung anong magagawa ko para iligtas siya.Naghahanda ang lahat para sa gaganapin mamaya, kaya hindi na ako nag-isip at pinuntahan si master.Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko siyang nagkakape."Master." Halos bulong na iyon pero alam kong narinig niya.Sana naman umayon ngayon ang sinasabi niyang ako ang paborito niyang estudyante. Sana naman pakinggan niya ako. Ngayon lang ako lumapit sa kanya para humingi ng pabor. Alam kong mahirap pagbigyan ang kagustuhan ko pero susubukan ko.Wala namang kasalanan si Marcus."Aloisia, maupo ka." Kalma na saad niya."Bakit? Biglaan ang pagpunta mo rito. Aloisia..."Napabuntong hininga siya."Hindi ako galit sayo, pero sana hindi mo hinayaan na gawin ng demon na iyon ang pagtangka sa dark room. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit sayo.""M-mas

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 14

    Umuwi kami kasama sina Mond, Marcus, Murphy at si Eries.Mabait naman si Eries, sadyang may isang turnilyo sa utak niya ang naluwagan.Ang akala namin magpapaiwan si Eries at hihiwalay sa amin, pero nagpumilit siyang sumama. Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag ito kay master.Pero sabi niya, kaya naman daw niyang tanggalin ang aura ng isang demon sa katawan niya at magkunwaring isang normal na tao.Si Murphy, gusto ding sumama. Alam naming lahat na isa siyang deity na medyo may pagka-mahangin. Kaya din naman niyang itago ang presensiya niya at tulad kay Eries. Si Marcus, may ideya na ako kung ano siya. Hindi lang ako nagtatanong dahil gusto ko itong malaman kapag nahanap na namin ang kapiraso ng salamin."Ano ba talaga ang ginagawa mo sa mga lalaking pumapasok sa templo? Pinapatay mo ba?" Tanong ni Yeena kay Eries."Hindi nga ako ganon kasama! Buhay pa ang mga yun! Dinala ko lang sa isang luga

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 13

    Pagbalik namin sa tinutuluyan namin ay agad niya akong inilapag sa kama. Nasa labas pa si Mond at Dust na nakasilip sa pinto.Napabuntong hininga ako."Okay ka na?" tanong ni Marcus.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinatingin ako sa kanya. Nakayuko siya dahil nakahiga na ako sa kama. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha namin."Oy ano yan!" sabay na sigaw ni Mond at Dust.Oo nga pala. Nasa labas sila.Nakangiting binalingan ko sila. Dahan dahan akong umupo sa kama at agad naman akong inalalayan ni Marcus."Mag-uusap lang kami. Ahmm...pwedeng...pwede iwan niyo muna kami? Promise wala kaming gagawing masama." matamis na ngitian ko silang dalawa at wala silang nagawa kundi tumango at nagbatukan bago umalis.Naglakad si Marcus palapit sa pintuan para i-lock ang pinto.Nuntong hininga siyang luma

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 12

    Samantala, habang naghihintay ang mga babae sa labas ay labis ang kabog ng dibdib nila. Wala na ang ibang mga tao at tanging sila na lamang naiwan dito.Wala silang magawa kundi maghintay na lamang sa mga kasama nila sa loob. Sinubukan nilang gamitin ang maliit na kampanilya na nagsisilbing koneksyon nila kapag nagkakalayo sila ay hindi iyon gumagana. Siguro dahil sa barrier na nakapalibot sa abandonadong templo.ALOISIA'S POVPalinga-linga ako sa paligid, nang mapatingin ako sa hindi kalayuan ay kumunot ang noo ko nang may mapansin.Tinignan ko muna ang mga kasama ko, nang hindi nila ako napapansin ay dahan-dahan akong naglakad paatras at mabilis na tumakbo patungo sa taong yun.Hindi ako napansin ng mga kasama ko dahil nakatutok ang atensiyon nila sa templo.Ang taong yun.

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 11

    "Fox demon." wala sa sariling banggit ni Murphy na nakatitig sa babae.Napatingin sa kanya yung dyosa at napangiti."Magaling! Pano mo nalaman? Ah! Wag na pala. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo kung pano mo nalaman. Alam ko namang pinag-aaralan ng mga tao ang iba't-ibang klase ng demon." napailing-iling siya."Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay at pati ang kung ano kami kailangan niyo ding malaman?" natatawang sabi ng dyosa."Hindi kami pumunta rito para makipag-laban. Gusto lang namin malaman kung ano ang dahilan mo kung bakit mo ito ginagawa." saad ni Dust na nakawala nasa hipnotismong ginawa sa kanya ng dyosa."Papatayin ko na lamang kayo rito kesa ang makipaglokohan sa inyo! Ano sa tingin niyo sa akin!? hindi nag-iisip?" sigaw ng dyosa.

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 10

    Nang maramdaman kong okay na ako tsaka ko lang naisip na humiwalay sa yakap.Tumikhim ako."S-salamat." nahihiyang saad ko.Yumuko pa ako pero hinawakan niya ang baba ko at muling itinaas ang nakayuko kong ulo hanggang sa magpantay ang tingin namin."Tutulungan kitang ibalik ang alaala mo at tanggapin ang mga katotohanan. Huwag kang magdadalawang isip na kausapin ako kapag may mararamdaman kang kakaiba, Aloisia."Hindi ako nagsalita at ngumiti na lamang bilang pagsang-ayon at tumango.Napakurap-kurap ako ng maramdaman ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko. Sobrang bilis at hindi ko iyon napaghandaan. Ilang segundo pa ay hindi pa siya lumalayo kaya pinikit ko na lamang ang mata ko para mas namnamin ang halik niya.Matapos ang nangyaring iyon ay hawak kamay kaming bumalik sa kwarto namin.Ang saya sa pakiramdam, ang g

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 9

    Maayos naman ang gabi namin dito. Nagpapahinga na ang mga kasama ko, lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa dyosa.Paano itong naging dyosa kung kinatatakutan siya ng mga tao, pero patuloy parin sila sa pagrespeto at paggalang dito? napipilitan? Siguro.Naglakad-lakad muna ako sa pasilyo at tumingin sa itaas. May bubong palang dito kaya hindi ko makita ang mga bituwin. Naglakad ako hanggang malagpasan yung semento ng pasilyo at pumunta sa isang mini garden dito.Maaliwalas ang gabi at masarap pagmasdan ang mga bituwin sa langit na parang walang mangyayaring hindi maganda bukas.Pumikit ako at pinayapa ang isip ko. Inalis lahat ng mga problema.Mabilis akong nakakilos ng may naramdam akong mabilis na bagay na papalapit sa akin mula sa gilid ko. Gumalaw ang kamay ko at sinalo iyon ng hindi nagmumulat.Nagmulat ako at tinignan ang palaso na hawak k

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 8

    Masaya ako habang naglalakad kasama si Mar. Hindi man siya gaanong ngumingiti pero alam kong hindi siya ganong kasamang tao.Nang magtama ang tingin naming dalawa ay bigla siya ngumiti, kaya naman sinuklian ko ang ngiti niyang iyon."Ano pala ginagawa mo dito?" tanong niya."Aandito ako para pumatay ng mga demon. May kasama ako, gusto mo ipakilala kita?""Hanggang ngayon yan parin ang ginagawa mo." saad niya pero mahina na parang bulong lang."Ha? Ginagawa ko? Ibig mong sabihin ay ang trabaho kong manghuli ng mga demon? Masasama sila kaya ko ginagawa iyon.""Pero hindi lahat masasama."Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sumang-ayon sa sinabi niya. Pero totoo naman.Kung saan-saan ako tumitingin kaya hindi ko napansin ang isang lumilipad na walis sa likod ko na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status