May sumusunod sakin. kung hindi ito demon, sino?
Hanggang sa naramdaman ko ang isang presensiya sa di kalayuan dito sa pwesto ko. Hindi ko pinahalatang nakita ko siya gamit ang peripheral vision ko.
Nagkunwari akong patingin-tingin sa paligid na tila hinahanap ko kung saan nanggaling ang palaso. Lingid sa kaalaman niya na nakita ko siyang nagtago agad sa isang puno.
Nakasuot siya ng itim na mahabang damit at may hood.
Bumaba ako sa puno at muling pinulot ang basket na may lamang prutas at naglakad taliwas sa daan papunta sa bahay. Kailangan ko muna siyang iligaw bago ako dumeretso sa bahay. Kung hindi ko siya mailigaw ay hindi ko na itutuloy ang pagpunta doon.
Halos wala na akong sinusunod na daan at kung saan saan na ako lumulusot dito sa kakahuyan. Binilisan ko ang paglalakad at halos marinig ko na ang yabag ng mabilis na paglakad niya.
Ramdam kong nasa likod ko na siya mismo at wala na siyang paki-alam kung maramdaman ko siya.
Bigla akong tumigil at lumingon sabay pakawala ng isang asul na kapangyarihan, hindi ko inaasahang maiiwasan niya iyon. Kasabay din ng pagpakawala niya ng arrow. Halos sabay naming inilagaan ang sabay naming pinakawalan.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan iyon ng hood na suot niya. Salamat na lang dahil nakapagsanay muna ako bago ako atakehin ng kung sino.
"Sino ka!?"
Nakita kong ngumisi lang siya at muli niya akong pinatatamaan ng arrow. Inilagan ko lahat iyon at kahit daplis ay hindi hinayaang mang-yari. Malay ko bang baka may lason iyon.
Nang makita kong naubusan siya ng palaso ay ako na ang sumugod sa kanya. Natamaan ko siya ng sipa sa panga niya kaya napaatras siya.
Muli ko sana siya susugurin pero nahinto ako sa pag atras niya at lumingon-lingon siya sa paligid na tila may nararamdamang kakaiba.
Huh?
Hindi ko siya maintindihan. Lalo na nang kumaripas siya ng takbo.
Nagtataka at tulalang nakatingin sa direksiyon kung saan siya tumakbo.
Hanggang sa maramdaman ko ang kakaibang aura sa paligid. Nakakapanindig balahibo at pakiramdam ko naramdaman ko na ito.
Naalala ko nung makita ko ang lalaking huling bumili sa paninda ko noon. Ang itim niyang mata at ang presensiya niyang hindi ko maipaliwanag. Noong halos matulala ako sa kakisigan at kagwuapuhan niya. Kulang pa nga ang description na gwapo sa kanya.
Napapikit-pikit ako at umiling-iling.
Bakit ko ba yun na-alala!? Muka akong tanga noon na nakatitig sa kanya.
Napabuga ako at pupulutin na sana ang prutas na kawawa naman at nadadamay pa, nang makita ko ang isang itim na usok ilang metro sa pwesto ko.
Napataas lang ako ng kilay.
Siguro isa ito sa mga mahihinang demon dahil hindi man lang ako nakaramdam ng takot.
Lalo ako nagtaka ng unti-unti itong lumalayo at mukang walang balak atakehin ako.
Kanina pa ba doon ang usok na yun?
Magkibit balikat na lamang ako at muling naglakad at ligtas na nakarating sa bahay.
Si Mond ang naabutan kong nagsisibak ng kahoy.
Wala siyang damit pantaas kaya kitang-kitang ko ang katawan niyang paglalawayan talaga ng mga babae. Kahit hindi kami tunay na magkapatid, minahal at itinuring ko siya bilang totoong kapatid kaya hindi ako naapektuhan ng alindog niya.
Hindi pa niya ako napansin kaya sumigaw ako.
"Osmond!"
Napatingin siya sakin kaya masaya ko siyang kinawayan at naglakad palapit sa kanya.
"Ate Sia!!"
Mabilis niyang binitawan ang palakol at kinuha ang bimpo sa tabi saka mabilis na nagpunas. Pawis na pawis kasi.
Para siyang bata na tumakbo para salubungin ang ate.
Natatawa na lamang ako at sinuklian ang yakap niya. Madalang na din kasi ako bumisita sa kanila kaya ganito na lamang niya ako salubungin.
"Kumusta, ate? Kumakain ka nang marami dun? Oh mabuti at hindi ka pumapayat. Kapag talaga sa susunod na dalaw mo dito at nakita kong pumayat ka, kakaladkarin kita at ikukulong dito sa bahay at bawal ka nang bumalik doon!"
Natawa na lamang ano sa sinabi niya.
Kinuha niya ang bitbit kong prutas at pumasok kami sa loob.
"Si nanay?"
"Nasa kapit bahay, nahulog si mang berto sa pag-aayos ng bubong nila kanina kaya si nanay ang tinawag nila para hilutin ang kamay niyang nabali. Naitukod niya kasi iyon, sa kasamaang palad ay nabali."
"Ohh..pakibigay na lang sa kanila yung iba. Kamusta na kayo dito? Wala bang napapadpad na demon? Wala bang nanggugulo?"
Kumagat muna siya sa mansanas at nagsalita.
"Okay lang naman ate, tahimik at payapa parin. Walang pinagbago. Pero ate, bumalik ka na dito please?"
Natawa ako sa akto niya. Nagpacute pa siya.
"Malaki ka na Mond, hindi ka na bata. Tsaka kahit wala naman ako dito ay may tiwala akong ipapagtanggol mo sina nanay sa mga demon. At kapag hindi mo na kaya tawagin mo lang ako huh?"
Sumeryoso ang mukha niya at nilunok ang nginunguya niya.
"Kaya rin naman kitang ipagtanggol eh. Ako ang lalaki kaya dapat ako ang nagpoprotekta sa inyo. Ate, gusto ko ring pumasok doon."
"Ano?"
Halos mabitawan ko ang hawak kong mansanas sa sinabi niya.
"Mond, sigurado ka ba? May naramdaman ka bang kakaiba sa iyo?"
Nakita ko ang lungkot sa mata niya. Gusto rin ba niya? Pareho din ba kaming matagal nang gustong pumasok doon sa grupo pero hindi pwede dahil walang kapangrihan?
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa kanya.
"Mond."
Napabuntong hininga ako.
Nagtaka ako na lang ako ng makita ang ngiting nakapaskil sa bibig niya.
"Wala yun ate, wala naman akong balak pumasok doon kahit may kapangyarihan ako. Gusto ko lang pumasok doon dahil gusto kitang mabantayan. Pero mukang kaya mo na ang sarili mo at hindi ko naman dapat iwan dito sina nanay at papa. Huwag kang mag-alala sa amin dito ate. Akong bahala sa kanila."
Naginhawaan ako sa mga sinabi niya. Akala ko talaga gusto niya ring pumasok doon.
Hindi naman ako magdadalawang isip na gawin ang kahit anong paraan para makapasok siya roon kung iyon talaga ang gusto niya.
"Pero ate, may sasabihin ako." Bulong niya.
"Ano?"
"Meron din ako. Ito oh."
Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang palad niyang nakabuka at bigla na lang may bulaklak ng rosas ang lumitaw doon.
Alam kong walang daya iyon dahil hindi naman ako pumikit nang lumitaw iyon.
"Mond!"
Natawa siya sa reaksiyon ko.
"Kung ganon? Pwede ka ring pumasok doon"
Umiling siya.
"Sinabi ko na sayo kanina, ate. Wala akong planong sumali sa grupo. Dito nalang ako para maprotektahan ko sina nanay."
"Sigurado ka?"
Tumango lang siya at nginitian ako.
Sabagay hindi naman kailangang pumsok doon ang mga taong may kapangyarihan.
"Pero Mond.."
"Huwag kang mag-alala ate. Hindi naman siguro ganon kadelikado ang kapangyarihang natuklasan ko. Pwede naman sigurong sanayin ito ng sarili ko mismo. Dito na lang ako magsasanay kapag wala sina nanay."
Nginitian ko lang siya at niyakap ng marahan.
"Salamat. Kahit hindi mo kami tunay na kadugo, pinapahalagaan mo pa rin sila nanay at papa."
Malapit nang mag gabi kaya nagpaalam na ako sa kanila na babalik sa templo. Hinintay ko muna kasing mabuo kami bago ako magpaalam.
Nagpumilit pa si Mond na ihatid ako pero mas lalo namang hindi ako makakampante na umuwi naman siya mag-isa mamaya kaya hindi ko na siya pinayagan.
Gabi na pero malinaw at maliwanag naman ang hatid ng buwan kaya kitang-kita ko ang dinadaanan ko. Nakarating na ako dito sa bayan na kahit gabi ay marami paring mga tao, abala sa mga ginagawa nila.
Nilalagpasan ko lang sila at medyo siksikan talaga dito sa bayan kaya may iba pa akong nababangga pero balewala lang naman sa kanila.
Maliwanag naman dahil sa iba't-ibang ilaw sa paligid.
Hindi ba sila natatakot? Na baka bigla na lang may umatake na demon?
Pero tulad nga ng sabi nila. Hindi naman ito spartacus at malayo kami doon kung saan madalas talaga ang paglitaw ng mga demon. Napapaisip tuloy ako kung dito lang ba sa Tracian ang paglilibot namin as a demon slayer.
Sana dumating din yung araw na sa Spartacus din kami madestino. Hindi naman sa nagmamagaling ako pero, meron yung kakaibang pakiramdam ko na gustong-gustong makapunta doon. Pero dahil ayoko namang ipahamak ang sarili ko ay hindi ko na binalak.
Lero inaabangan ko pa rin na dumating ang araw na yun.
Dahil sa pagiisip ko ng malalim ay hindi ko na napansin ang nabangga ko.
Masyado siyang malaki at matigas kaya medyo tumalsik pa ako at napaupo sa lupa.
"Aray ko!"
Hinawakan ko ang pwet kong tumama yata sa isang bato.
"Aww!"
"Sorry."
Napatingala ako sa nanggalingan ng pamilyar na malalim at malamig na boses na yun.
Halos mamutla ako at sa nakikita kong mata niya at para akong nahypnotismo at tulala sa kanya.
Wala sa sariling nagpatangay ako sa hawak niya at tinulungan akong tumayo na hindi napuputol ang titigan naming dalawa.
Tumaas ang isang kamay ko at hinawakan ang pisngi niya, naglandas ang isang emosyon sa mga mata niya na nagpapahiwatig ng pananabik at tila kilala niya ako na matagal nang nahiwalay sa kanya.
Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili ay napapikit siya para mas maramdaman kamay kong humahaplos sa pisngi niya.
"Aloisia!"
Napakurap ako at tila nawala ako saglit sa sarili.
Pilit kong inaalala kung ano bang ginagawa ko at ano ba ang huli nangyari. Nakita ko ang kamay kong nakataas sa ere at napakunot ako doon.
Huh? Anong ginagawa ko?
"Anong ginagawa mo?"
Tanong ni Yeena nang malapitan ako at nakatingin sa kamay kong nakataas parin sa ere at hindi ko muna ibinaba dahil pinipilit kong inaalala kung ano ba ang nangyari kanina. Kung bakit nasa ere ang kamay ko na hindi ko naman maalala kung bakit iyon nakataas.
Nakita ko ang pagtataka ni Yeena dahil sa nakikita niya sakin. Muka akong baliw na sa ginagawa ko.
"Ahm... W-wala, may hinuhuli lang akong alitaptap kanina pero biglang nawala."
Nahihiyang binaba ko ang kamay ko at napayuko.
"Hahaha! Ano ka ba, Aloisia! Huwag kang mahiya. Ako nga rin nanghuhuli parin ng alitaptap eh. Uwi na tayo, kanina ka pa namin hinihintay pero gabi na at wala kapa kaya nag-alala kami."
Sabay na kaming umuwi.
Nagtitipon kami ngayon dahil may sasabihin si master. Magkakatabi kami nila Dealla, Yeena at si Dust na nakadikit sakin. Hinayaan ko na lang ang ginagawa niya dahil hindi naman siya ganon ka-agresibo.
Naka-indian sit kaming lahat sa sahig at tumahik agad nang magsalita si master.
"Pinatawag ko kayong lahat at tinipon dito dahil malapit na ang april fool's day."
"April fool's day? Bakit ano bag meron sa araw na yun?" bulong ko kay Dealla na nasa kaliwa ko.
"Mamaya ko na ipapaliwanag, makinig muna tayo sa sasabihin ni master."
Rinig ko din ang maliit na bulong-bulungan sa paligid.
"Tumahimik muna kayo. Sa mga dati na sa grupo ay alam na kung anong nagyayari kapag fool's day, para sa mga bago, kailangan nilang malaman at mabigyan ng konting kaalaman sa magaganap sa araw na yun."
Marami din kasi akong kasama na baguhan pa lang dito pero mas nauna lang ako sa kanila.
"Para sa mga bago, gusto kong malaman niyo may apat na klase ang mga demon. Ang Varus, Segimerus, Flaxcala at higit sa lahat ang Aztecs."
Palakad-lakad si master sa harapan habang nagsasalita at halos wala na akong marinig na ingay.
Pero ang demon may apat na klasipikasiyon? Akala ko basta demon lang. Ngayon ko lang 'to nalaman.
"Ang Varus, yun yung mga mermaid."
"Master, demon yung mga mermaid? Akala ko ba mababait sila?"
Napangiti lang si master at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Hmm, masasabing mababait ang ibang mermaid, meron ding masama. Pero kahit mabait man ito ay huwag niyong kakalimutang isa parin iyong demon. Sila yung mga pinakamababang uri ng demon."
Hanito ba talaga? Kahit mabuting demon kailangang patayin?
Mabuting demon? Demon na nga mabuti pa?
Napailing na lang ako.
Hindi naman iyon maiiwasan, meron at meron parin silang magandang side kahit naturingan silang demon. Nakit? Sa mga tao ba mababait lahat? syempre meron ding masama.
"Pangalawa ay Segimerus, isa itong uri ng ibon. Maraming klase ng ibon, kapag nakita niyo ang ibong may pulang mata paslangin niyo na. Hindi man sila nananakit pero kapag lumaki iyon ay tiyak na mahihirapan kayong patayin kapag nanggulo na. Pangatlo, ang Flaxcala. The fox demon. Bihira lang ang mga kagaya nila at hindi pa naman sila lumalabas. At ang huli ang Aztecs, ang kinabibilangan ng hari ng mga demon. Sila ang pinakamalakas, kaya nilang magpapalit-palit ng anyo. Gumaya ng kahit anong gusto nilang gayahin."
Marami pang sinabi ni master pero nawawala na ako sa pakikinig ng mabuti dahil sa malalim na pag-iisip.
Bakit nakakaramdam ako ng kakaiba kapag napapag-usapan ang tungkol sa mga demon. Bakit pakiramdam ko mas masama pa kami kesa sa kanila? Kung papasalangin ang isang demon na inosente at wala namang kasalan, pakiramdam ko kami ang mga walang puso.
Bakit Sia? Ito naman ang pinili mong trabaho diba?
"Sia, pinapatawag ka ni master sa dark room.""Huh? Bakit daw?""May ipapakilala daw, ewan?"Ngumiti at tumango lang ako sa kanya at pinuntahan si master sa dark room.Yung kwartong ipinakita sa akin ni Dealla noon, yung bawal pasukin. Dark room pala ang tawag doon."Master!""Oh! Aloisia! Halika rito"Nakita ko si master na nasa tapat nung kwarto at sa tabi niya ay isang matangkad na lalaki na abala sa pagpapahigpit ng barrier nang dark room.Ibinaba niya ang kamay niya saka inilagay sa likod at tayong-tayo nang humarap sakin.Napaliit ang mata dahil pinipilit kong alalahanin kung saan ko ba siya nakita. Parang kilala ko siya noon pa pero hindi ko naman ma-alala. Pero sinasabi ng utak ko na kilala ko talaga siya. Mas matanda lang siya ng konti sakin at napakapormal niya.Yung dalawang kamay
Ganon na lamang ang gulat naming dalawa ng makita namin ang isa't-isa dito."Ate!?/Mond!?"Gulat na gulat kami pareho."Anong ginagawa mo dito!? Ba't ganyan ang suot mo!?"Hindi maiwasag pagdudahan ang mga kilos niya. Kahit itinuring ko siyang kapatid at naging mabuti siya sa amin ay hindi parin mawawala ang katotohanang hindi kami magkadugo."Ate, kumalma ka""Paano ako kakalma!? Ikaw din ba yung sumusunod sa akin noon!? Mond!""Ha? Anong sinasabi mo, ate? Ngayon lang ako lumabas dahil nabalitaan ko ang tungkol sa mga nawawalang sanggol. Husto ko rin makatulong, ate. At ano yung sinasabi mong sumusunod sayo noon?"Napahinga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Hindi ko lang kasi talaga matanggap ang ideya kong siya nga ang sumusunod sa akin noon.Napapikit ako ng mariin, may ti
Sa wakas ay nahuli na din namin ang salarin sa pagkawala ng mga sanggol.Iisa lang pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Kung tutuusin, maraming mga pusa ang nakaharap namin. Pero ang lahat ng iyon ay puro illusion. Ngunit swerte at naramdaman ko agad iyon.Nang mahuli ko sa mga kamay ko mismo ang puno't-dulo ng lahat ay unti-unti itong nag-aanyong tao. Dinala namin siya sa bahay ni aleng Morya.Hindi ito demon, isa lamang itong tao na may kakayahang maging pusa na siyang kapangyarihan niya. Ginamit niya ito sa masamang gawain.Sinubukan namin siyang kausapin kung bakit niya ginagawa yun at tanging sagot lamang niya ay wala lang siyang magawa. Isang malakas na suntok naman ang nakuha niya mula kina Mond at Dust dahil sa walang kwentang dahilan niya. Ang daming natakot at nawalan ng anak dahil lang sa walang kwentang dahilan niya. Laki naman ang pasasalamat ko ng sinabi niyang hindi naman niya sinasaktan ang m
Masaya ako habang naglalakad kasama si Mar. Hindi man siya gaanong ngumingiti pero alam kong hindi siya ganong kasamang tao.Nang magtama ang tingin naming dalawa ay bigla siya ngumiti, kaya naman sinuklian ko ang ngiti niyang iyon."Ano pala ginagawa mo dito?" tanong niya."Aandito ako para pumatay ng mga demon. May kasama ako, gusto mo ipakilala kita?""Hanggang ngayon yan parin ang ginagawa mo." saad niya pero mahina na parang bulong lang."Ha? Ginagawa ko? Ibig mong sabihin ay ang trabaho kong manghuli ng mga demon? Masasama sila kaya ko ginagawa iyon.""Pero hindi lahat masasama."Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sumang-ayon sa sinabi niya. Pero totoo naman.Kung saan-saan ako tumitingin kaya hindi ko napansin ang isang lumilipad na walis sa likod ko na
Maayos naman ang gabi namin dito. Nagpapahinga na ang mga kasama ko, lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa dyosa.Paano itong naging dyosa kung kinatatakutan siya ng mga tao, pero patuloy parin sila sa pagrespeto at paggalang dito? napipilitan? Siguro.Naglakad-lakad muna ako sa pasilyo at tumingin sa itaas. May bubong palang dito kaya hindi ko makita ang mga bituwin. Naglakad ako hanggang malagpasan yung semento ng pasilyo at pumunta sa isang mini garden dito.Maaliwalas ang gabi at masarap pagmasdan ang mga bituwin sa langit na parang walang mangyayaring hindi maganda bukas.Pumikit ako at pinayapa ang isip ko. Inalis lahat ng mga problema.Mabilis akong nakakilos ng may naramdam akong mabilis na bagay na papalapit sa akin mula sa gilid ko. Gumalaw ang kamay ko at sinalo iyon ng hindi nagmumulat.Nagmulat ako at tinignan ang palaso na hawak k
Nang maramdaman kong okay na ako tsaka ko lang naisip na humiwalay sa yakap.Tumikhim ako."S-salamat." nahihiyang saad ko.Yumuko pa ako pero hinawakan niya ang baba ko at muling itinaas ang nakayuko kong ulo hanggang sa magpantay ang tingin namin."Tutulungan kitang ibalik ang alaala mo at tanggapin ang mga katotohanan. Huwag kang magdadalawang isip na kausapin ako kapag may mararamdaman kang kakaiba, Aloisia."Hindi ako nagsalita at ngumiti na lamang bilang pagsang-ayon at tumango.Napakurap-kurap ako ng maramdaman ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko. Sobrang bilis at hindi ko iyon napaghandaan. Ilang segundo pa ay hindi pa siya lumalayo kaya pinikit ko na lamang ang mata ko para mas namnamin ang halik niya.Matapos ang nangyaring iyon ay hawak kamay kaming bumalik sa kwarto namin.Ang saya sa pakiramdam, ang g
"Fox demon." wala sa sariling banggit ni Murphy na nakatitig sa babae.Napatingin sa kanya yung dyosa at napangiti."Magaling! Pano mo nalaman? Ah! Wag na pala. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo kung pano mo nalaman. Alam ko namang pinag-aaralan ng mga tao ang iba't-ibang klase ng demon." napailing-iling siya."Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay at pati ang kung ano kami kailangan niyo ding malaman?" natatawang sabi ng dyosa."Hindi kami pumunta rito para makipag-laban. Gusto lang namin malaman kung ano ang dahilan mo kung bakit mo ito ginagawa." saad ni Dust na nakawala nasa hipnotismong ginawa sa kanya ng dyosa."Papatayin ko na lamang kayo rito kesa ang makipaglokohan sa inyo! Ano sa tingin niyo sa akin!? hindi nag-iisip?" sigaw ng dyosa.
Samantala, habang naghihintay ang mga babae sa labas ay labis ang kabog ng dibdib nila. Wala na ang ibang mga tao at tanging sila na lamang naiwan dito.Wala silang magawa kundi maghintay na lamang sa mga kasama nila sa loob. Sinubukan nilang gamitin ang maliit na kampanilya na nagsisilbing koneksyon nila kapag nagkakalayo sila ay hindi iyon gumagana. Siguro dahil sa barrier na nakapalibot sa abandonadong templo.ALOISIA'S POVPalinga-linga ako sa paligid, nang mapatingin ako sa hindi kalayuan ay kumunot ang noo ko nang may mapansin.Tinignan ko muna ang mga kasama ko, nang hindi nila ako napapansin ay dahan-dahan akong naglakad paatras at mabilis na tumakbo patungo sa taong yun.Hindi ako napansin ng mga kasama ko dahil nakatutok ang atensiyon nila sa templo.Ang taong yun.
THIRD PERSON'S POVNataranta ang lahat nang may sumigaw na nasisira na ang harang ng dark room.Dahil ang alam nilang lahat ay isang halimaw ang nasa loob 'nun.Nagkagulo ang mga tao dahil din sa nakikita nila ngayon. Si Aloisia na napapaligiran ng kulay asul na usok.Napatayo din sa gulat ang mga opesyales sa iba't-ibang lugar.Isa lang ang alam nila, hindi iyon kakayahan ng isang tao.Hindi alam kung anong unang pagtutuunan ng pansin ni master Sown. Kung si Aloisia ba na alam niyang mapapahamak ngayon o ang puntahan ang dark room.Nagmulat si Aloisia na may poot sa kanyang mga mata. Hindi alam kung para saan iyon."Anong nangyayari!?" Sigaw ni Dealla walang ideya sa nangyayari sa kaibigan nila.Nagkagulo at hi
Dumating ang araw na paparusahan nila si Marcus.Hindi ko alam kung anong magagawa ko para iligtas siya.Naghahanda ang lahat para sa gaganapin mamaya, kaya hindi na ako nag-isip at pinuntahan si master.Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko siyang nagkakape."Master." Halos bulong na iyon pero alam kong narinig niya.Sana naman umayon ngayon ang sinasabi niyang ako ang paborito niyang estudyante. Sana naman pakinggan niya ako. Ngayon lang ako lumapit sa kanya para humingi ng pabor. Alam kong mahirap pagbigyan ang kagustuhan ko pero susubukan ko.Wala namang kasalanan si Marcus."Aloisia, maupo ka." Kalma na saad niya."Bakit? Biglaan ang pagpunta mo rito. Aloisia..."Napabuntong hininga siya."Hindi ako galit sayo, pero sana hindi mo hinayaan na gawin ng demon na iyon ang pagtangka sa dark room. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit sayo.""M-mas
Umuwi kami kasama sina Mond, Marcus, Murphy at si Eries.Mabait naman si Eries, sadyang may isang turnilyo sa utak niya ang naluwagan.Ang akala namin magpapaiwan si Eries at hihiwalay sa amin, pero nagpumilit siyang sumama. Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag ito kay master.Pero sabi niya, kaya naman daw niyang tanggalin ang aura ng isang demon sa katawan niya at magkunwaring isang normal na tao.Si Murphy, gusto ding sumama. Alam naming lahat na isa siyang deity na medyo may pagka-mahangin. Kaya din naman niyang itago ang presensiya niya at tulad kay Eries. Si Marcus, may ideya na ako kung ano siya. Hindi lang ako nagtatanong dahil gusto ko itong malaman kapag nahanap na namin ang kapiraso ng salamin."Ano ba talaga ang ginagawa mo sa mga lalaking pumapasok sa templo? Pinapatay mo ba?" Tanong ni Yeena kay Eries."Hindi nga ako ganon kasama! Buhay pa ang mga yun! Dinala ko lang sa isang luga
Pagbalik namin sa tinutuluyan namin ay agad niya akong inilapag sa kama. Nasa labas pa si Mond at Dust na nakasilip sa pinto.Napabuntong hininga ako."Okay ka na?" tanong ni Marcus.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinatingin ako sa kanya. Nakayuko siya dahil nakahiga na ako sa kama. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha namin."Oy ano yan!" sabay na sigaw ni Mond at Dust.Oo nga pala. Nasa labas sila.Nakangiting binalingan ko sila. Dahan dahan akong umupo sa kama at agad naman akong inalalayan ni Marcus."Mag-uusap lang kami. Ahmm...pwedeng...pwede iwan niyo muna kami? Promise wala kaming gagawing masama." matamis na ngitian ko silang dalawa at wala silang nagawa kundi tumango at nagbatukan bago umalis.Naglakad si Marcus palapit sa pintuan para i-lock ang pinto.Nuntong hininga siyang luma