Share

Kabanata 3

Author: Chumalan_Bch
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Pagkatapos kumain ay nagmadali akong puntahan si Mr. Sown. Nagpumilit pang sumama si Mond dahil lagi iyon nakabuntot sakin kapag may pinupuntahan ko pero hindi ko na siya pinayagan at pinaiwan ko siya para may kasama si nanay sa bahay.

"Mr. Sown!"

Malaking ngiti ang naka paskil sa labi ko nang makita ko si Mr. Sown na kausap ang isang babaeng estudyante niya.

Sila yung matagal-tagal na sa grupo at sigurado akong bihasa na sila sa pakikipaglaban, sa tagal ba naman kasi ng ensayo nila at mga misyon nila na pumatay ng mga demon.

Baka nga may nakaharap na silang mga class A na demon.

"Oh! Aloisia! Ano nakapag-isip ka na ba? Hindi ka pupunta dito kung hindi ka nakapag desisiyon."

Nagpaalam muna siya sa kausap niya at madali namang umalis agad. Lumapit siya sakin para makapag-usap kami ng maayos.

"Next time, ipapakilala kita sa kanila."

Nahuli niya kasing sinusundan ko ng tingin yung babae.

"Ah hahaha! Tulad ng sabi mo dati, mr. Sown. Pumunta ako dito dahil gusto kong sumali sa grupo."

"Hmm, sige pasok muna tayo."

Tumango-tango siya at pumasok kami sa malaking templo kung saan tumitira o nag e-ensayo ang mga estudyante niya. Pero kapag malalakas na pag e-ensayo ang ginagawa nila ay lumalabas sila at sa bundok sila nag e-ensayo para malayo sa mga tao at walang masaktan.

"Kagabi ko lang ito natuklasan. Nasa labas ako 'non at nang may dumaan na alitaptap sa harapan ko ay sinubukan kong hawakan pero bigla na lang itong namatay."

Masayang ikinu-kuwento ko sa kanya kung paano ko iyon natuklasan.

"Makinig muna kayong lahat! may bago tayong miyembro. Siya si Aloisia Diamond. Umaasa akong ituturing niyo siya katulad ng mga pagtrato niyo sa iba. Umaasa akong magkakasundo kayo."

Nahiya naman ako sa biglang pagpapakilala sa akin ni mr. Sown dahil natigil silang lahat sa ginagawa at tumingin sakin.

Iginala ko ang mga mata ko ay wala naman akong nakitang pag-irap o mga bitches na mukha. Sorry.

Nakangiti silang lahat at nagpakilala din.

"Hi Aloisia, ako pala si  Dealla, yung kausap ni master kanina."

"Hello." Sabay yuko naman ako, kaya na tawa pa siya.

"Ako naman si Yeena." Matamis ang ngiti niya at mukang friendly.

Sinuklian ko ang mga ngiti niyang yun.

"Dust"

Bumaling ang tingin ko sa lalaking lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Si Dust talaga! Mahiya ka naman bago pa lang yan!"

"Ahmm."

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti at pasimpleng tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko. Mukang mabait naman siya at siguro ganito talaga ang ugali niya, hindi din naman siya yung klase ng manyak dahil magaan din ang loob ko sa kanya. Pero dahil hindi ako sanay ina-akbayan ng ibang lalaki ay naiilang ako.

Tanging si Mond lang kasi ang nakaka-akbay sa akin dahil kahit kailan hindi ako nakikipag-kaibigan sa ibang mga lalaki. May mga sumubok na manligaw pero tinatanggihan ko agad.

"Mukang magkakasundo kayo agad, turuan niyo minsan si Aloisia sa mga simpleng gawain bilang slayer ah." nakangiting saad ni mr. Sown.

"Akong bahala sa kanya, master."

Saad ni Dust na dikit nang dikit sakin.

"Ikaw talaga, Dust. Wag si Aloisia, alaga ko yan. Tara, kumain muna tayo."

"Aahh kayo na lang muna. Kakakain ko lang." Naiilang na saad ko sa kanila.

Nagtipon-tipon sila sa mahabang lamesa na kasya ang sampu sa isang side. Bale sampu rin sa kabila. Apat na ganoong lamesa ang nasa loob na puno ng mga katulad ko na naka-upo at nagsimula nang kumain.

"Aloisia, halika. Ipapasyal kita sa dito sa templo, tutal nauna na akong kumain kanina."

Nilapitan ako ni Dealla at natuwa naman ako sa sinabi niya.

"Sige!"

Habang naglalakad ay tinuturo niya ang mga kwarto na dapat at hindi dapat papasukin.

"Ito ang kwarto namin ni Yeena, Aloisia. Itong katabi ng kwarto namin, ito ang magiging kwarto mo. Gusto mo munang tignan?"

"Mamaya na lang, kapag pagod na ako sa paglilibot natin."

"Dealla, mahirap ba maging katulad niyo? May nakaharap na ba kayong muntik nang maging katapusan ng buhay niyo?"

"Hmm masasabi kong mahirap, masasabi ko ring masaya. Dahil kapag nakikita mo ang tuwa ng mga taong natutulungan mo at ang ginhawa sa mga mata nila, mararamdaman mo rin iyon. Mapapaisip ka na lang na, naubos man ang lakas ko, napagod at muntikan ng mapaslang, at least may tao akong natulungan. Kung tutuusin, parang tayong mga may kapangyarihan ang naninilbi sa mga ordinaryong tao lang. At kung siguro ang isang kapangyarihan ay napunta sa isang ganid at walang pusong tao, gagamitin niya ito sa kasamaan at pasunurin ang mga taong walang magawa kundi ang sundin kung anong gusto niya."

"Hmm tama ka."

Napatango-tango ako sa sinabi at nginitian lang niya ako.

"Oh! sandali."

"Huh?"

Tumapat kami sa isang kwarto na kakaiba sa lahat ng mga kwartong nadaan namin. Kulay ginto ang pituan nito.

"Aloisia, ito pala ang isang pinoprotektahan namin lalo na si master, mahigpit na pinagbabawal ni master na huwag tangkain na pumasok dito. Hindi madaling pumasok dito dahil sa araw-araw na pinapahigpit ni master ang barrier."

Hindi ko gaanong naiintindihan ang sinasabi niya dahil sa hindi ko mapangalang pakiramdam. Pagkakita ko pa lang at pagtapat pa lang namin dito ay parang may nag-uudyok sakin na hawakan ang seradura para buksan ito at pumasok.

Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong itaas ang kamay ko para hawakan ang seradura.

Malapit ko nang mahawakan ng tumalsik ang kamay ko at parang nakuryente.

"Aray!"

"Aloisia!"

Hinila ako ni Dealla at napalayo kami ng konti doon.

"Nakalimutan kong sabihin na kapag sinubukan mong hawak iyon ay masasaktan ka. Aloisia, nakikinig ka ba sa sinasabi ko kanina?"

"Huh?"

Napailing-iling siya.

"Hindi natin pwedeng hawakan lalo na at pasukin ang kwartong iyon, Aloisia. Maging si master ay hindi pumapasok doon dahil sa halimaw na nakakulong sa kwartong iyon. Sabihin mang malakas si master pero hindi niya kakayanin kapag nakalaban na niya iyon ng harapan. Ang tanging magagawa lang niya ay ikulong ito sa sagradong kwarto."

"Halimaw? Demon?"

"Oo, kaya kung hindi man nagagawang higpitan ni master ang barrier nito. Kami ang inuutusan niya. Marami kami. Kailangan araw-araw hinihigpitan iyon. Bakit mo nga pala sinubukang hawakan?"

"H-hindi ko alam. Basta natagpuan ko na lang ang sarili kong sinubukan nang hawakan ang seradura at nagulat na lang ako nang halos tumalsik na ako sa epekto nito."

Napabuntong hininga siya at muli akong tunulungan makatayo ng maayos.

"Epekto lang yan ng pagiging mausisa mo, Aloisia. Dahil bago ka dito ay normal lang yan na makaramdam ka ng kuryusidad. Halika ka na, kailangan mo na ring magpahinga."

"Dito na rin ba ako maninirahan, Dealla? Hindi na ba ako pwedeng umuwi sa bahay?"

"Simula ng pinasok mo ang ganitong trabaho, Aloisia. Hindi na pwedeng umuwi ka pa sa pamilya mo. Maaring masundan ka ng ilang demon at ipapahamak mo lang ang pamilya mo. Mas ligtas sila at mas ligtas tayo kapag dito tayo maninirahan at kapag malayo tayo sa kanila. Pero huwag kang mag-alala. Pwede mo parin naman silang bisitahin kahit anong oras ang gusto mo."

Nakahinga ako ng magaan dahil sa huling sinabi niya. Akala ko hindi ko na sila pwedeng makita pa. Okay lang naman. Hindi parin naman ako malalayo sa kanila. Para lang naman akong nakikitulog lang sa ibang bahay pero sa kanila parin ako pumupunta.

Lumipas ang ilang araw ay ganon ang naging buhay ko. Araw-araw akong sinasanay ni mr. Sown habang ang iba ay binibigyan niya ng misyon. Hindi pa niya ako pwedeng isabak sa mga misyon na iyon dahil kailangan ko pang mamaster ang kapangyarihan ko, tinuruan din niya ako kung paano makipaglaban ng hindi ginagamit ang kapangyarihan, tanging kamay lang at lakas at minsan ay kung paano gumamit ng mga patalim.

Dahil hindi sa lahat ng oras ay demon ang kalaban namin. Meron ding mga tao na may masasamang loob. Hindi namin pwedeng gamitin ang kapangyarihan namin sa kanila dahil pwede namang labanan sila ng pisikal. Kapag hindi na kaya, ay pangalawang option lang ang paggamit namin ng kapangyarihan sa kanila.

"Pagod ka na? Pahinga ka muna."

Halos hingalin ako sa pag e-ensayo namin ni mr. Sown o master.

Nilapitan niya ako at tinapik sa balikat.

"Konti lang ang katulad mo. Mabilis kang matuto at mabilis mong nakontrol ang kapangyarihan mo. Yung iba umaabot ng taon bago maging normal ang paggamit ng kapangyarihan nila. Ang lakas mo ring sumuntok hija!"

Natatawa na lamang kami ni master at inabutan kami ng tubig nang ilang mga kasamahan ko dito na hindi binigyan ni master ng misyon.

Salitan kasi, yung iba maiiwan dito sa templo at ang iba ay maglalakbay at makihalubilo sa mga tao. Dinggin ang mga pagsamo nila na may mga demon daw na sumira sa mga tanim nila at ilang mga demon na pumapasok sa mga bahay para manira at manakit.

Ngayon ay sina Dust, Yeena at Dealla maging ang iba pa na hindi ko gaanong kakilala ang nabigyan ng misyon.

Kung iisipin ay mga ordinaryong demon lang ang mga gumagala sa bayan, pero meron ding iba na nahihirapan daw silang puksain.

"Anong klaseng halimaw ba ang nasa sagradong kwarto?"

Nagulat si master sa tanong ko at natigilan.

Ngumiti lang siya sakin pero may nabakas ako sa mga ngiti niyang iyon.

Alanganin na ngiti?

Iniling ko na lang iyon at pinakinggan ang sinasabi niya.

"Hija, wag mong sayangin ang oras mo sa pag-iisip kung ano ba ang nasa kwartong iyon. Ipapahamak mo lang ang sarili mo. Huwag mong hahayaan na lamunin ka ng kuryusidad mo at huwag kang mag-alala. Darating ang araw na isa ka na sa mga maghihigpit ng harang doon. Tuturuan kita."

Hindi ko alam kung masusunod ko ba ang sinabi niya. Dahil ngayon palang nilalamon na ako ng kuryusidad. Pero dahil ayoko namang mag kagulo pa ay susubukan kong balewalain kung ano man ang nasa loob 'nun.

Tsaka sabi niya, balang araw isa na din ako sa mga maghihigpit ng barrier, kaya dapat ngayon palang ay ipagsawalang-bahala ko na.

May tiwala ako kay master. Lahat ng mga ginagawa niya ay para sa ikabubuti ng iba. Kung ano man ang ituturo at sasabihin niya kailangan kong sundin.

"Aloisiaaaa!"

Sigaw ng tumatakbong alikabok, I mean, si Dust.

Magulo pa ang buhok niya na parang sinabunutan ng ilang babae.

Kararating pa lang nila galing sa misyon nila. Saktong kumakain kaming lahat 'nun.

"Dust!"

Natatawa na lamang si Dealla sa akto ni Dust.

"Sakto, hindi pa kami kumain bago kami umuwi dito!"

"Dust! Ang takaw mo! Pinakain nga tayo ng marami kanina nung aleng tinulungan natin bago tayo umuwi!"

Sigaw ni Yeena kay Dust na ngayon ay nasa tabi ko na at nagsasandok na ng pagkain.

"Kulang pa nga yun eh. Tsaka napagod at nagutom ako agad sa pag-uwi natin. Aloisia, gusto ko rin yan!"

Tinuro niya yung nasa plato kong prinitong isda.

Natatawa na lamang si master sa kakulitan ni Dust ganon din ang iba na kasama namin dito.

"Kain na din kayo Dealla, Yeena. Hindi rin biro ang nilakbay niyo pa-uwi dito."  

Niyaya din ni master sina Dealla kaya naki-upo na din sila sa tabi namin at nakisalo sa pagkain.

"Kamusta ang misyon niyo? Hindi ba kayo napuruhan?"

"Okay lang, master. Kahit masakit ang balakang ko sa pagkabalibag ko kanina, basta nakita ko na ngayon si Aloisia, okay na ako! Diba Aloisia?"

"Huh?"

"Tumahik ka nga diyan Dust! Kanina pa ako banas sayo ah! ni hindi mo nga ako tinulungan kanina! Puro ka pakitang gilas sa nga tao doon!"

Saway sa kanya ni Yeena na nagdadabog.

"Oh selos si Yeena! Hahaha!"

Tinutukan lang siya ni Yeena ng kutsara kaya nagsi-tawanan ang lahat.

Hapon na at plano kong bisitahin sina nanay sa bahay. Noong sinabi ko nga na hindi na ako gaanong makakauwi doon ay halos hindi nila ako payagan sa pagsali ko sa grupo. Pero dahil alam naman nilang iyon na ang matagal ko nang gusto ay pinayagan rin naman nila ako.

Dala-dala ang mga prutas ay masaya akong naglalakad papunta sa bahay. 

Medyo malayo ang bahay namin sa bayan, ayaw kasi nila nanay ng maraming tao at halos siksikan na din kasi ang tao sa bayan kaya mas pinili nilang dito na lang sa may gilid ng kagubatan manirahan. May ilan ilan din naman kaming kapit-bahay pero malalayo ang agwat sa isa't-isa.

Habang masayang naglalakad ay naramdaman ko ang isang bagay na bumubulusok palapit sa akin mula sa likod.

Bago ko harapin iyon ay tumalon ako at halos umikot sa ere tsaka lumading sa may kataasang sanga ng puno. Nabitawan ko din ang basket ng prutas pero hindi naman iyon nagkalat. Maayos parin iyon sa may lupa.

Palaso?

Habang nakatayo sa may sanga ng puno ay nakita ko ang isang palaso na tumarak sa isang puno kung saan katapat ng pwesto ko kanina.

May sumusunod sakin. Kung hindi ito demon, sino?

Kaugnay na kabanata

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 4

    May sumusunod sakin. kung hindi ito demon, sino?Hanggang sa naramdaman ko ang isang presensiya sa di kalayuan dito sa pwesto ko. Hindi ko pinahalatang nakita ko siya gamit ang peripheral vision ko.Nagkunwari akong patingin-tingin sa paligid na tila hinahanap ko kung saan nanggaling ang palaso. Lingid sa kaalaman niya na nakita ko siyang nagtago agad sa isang puno.Nakasuot siya ng itim na mahabang damit at may hood.Bumaba ako sa puno at muling pinulot ang basket na may lamang prutas at naglakad taliwas sa daan papunta sa bahay. Kailangan ko muna siyang iligaw bago ako dumeretso sa bahay. Kung hindi ko siya mailigaw ay hindi ko na itutuloy ang pagpunta doon.Halos wala na akong sinusunod na daan at kung saan saan na ako lumulusot dito sa kakahuyan. Binilisan ko ang paglalakad at halos marinig ko na ang yabag ng mabilis na paglakad niya.

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 5

    "Sia, pinapatawag ka ni master sa dark room.""Huh? Bakit daw?""May ipapakilala daw, ewan?"Ngumiti at tumango lang ako sa kanya at pinuntahan si master sa dark room.Yung kwartong ipinakita sa akin ni Dealla noon, yung bawal pasukin. Dark room pala ang tawag doon."Master!""Oh! Aloisia! Halika rito"Nakita ko si master na nasa tapat nung kwarto at sa tabi niya ay isang matangkad na lalaki na abala sa pagpapahigpit ng barrier nang dark room.Ibinaba niya ang kamay niya saka inilagay sa likod at tayong-tayo nang humarap sakin.Napaliit ang mata dahil pinipilit kong alalahanin kung saan ko ba siya nakita. Parang kilala ko siya noon pa pero hindi ko naman ma-alala. Pero sinasabi ng utak ko na kilala ko talaga siya. Mas matanda lang siya ng konti sakin at napakapormal niya.Yung dalawang kamay

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 6

    Ganon na lamang ang gulat naming dalawa ng makita namin ang isa't-isa dito."Ate!?/Mond!?"Gulat na gulat kami pareho."Anong ginagawa mo dito!? Ba't ganyan ang suot mo!?"Hindi maiwasag pagdudahan ang mga kilos niya. Kahit itinuring ko siyang kapatid at naging mabuti siya sa amin ay hindi parin mawawala ang katotohanang hindi kami magkadugo."Ate, kumalma ka""Paano ako kakalma!? Ikaw din ba yung sumusunod sa akin noon!? Mond!""Ha? Anong sinasabi mo, ate? Ngayon lang ako lumabas dahil nabalitaan ko ang tungkol sa mga nawawalang sanggol. Husto ko rin makatulong, ate. At ano yung sinasabi mong sumusunod sayo noon?"Napahinga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Hindi ko lang kasi talaga matanggap ang ideya kong siya nga ang sumusunod sa akin noon.Napapikit ako ng mariin, may ti

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 7

    Sa wakas ay nahuli na din namin ang salarin sa pagkawala ng mga sanggol.Iisa lang pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Kung tutuusin, maraming mga pusa ang nakaharap namin. Pero ang lahat ng iyon ay puro illusion. Ngunit swerte at naramdaman ko agad iyon.Nang mahuli ko sa mga kamay ko mismo ang puno't-dulo ng lahat ay unti-unti itong nag-aanyong tao. Dinala namin siya sa bahay ni aleng Morya.Hindi ito demon, isa lamang itong tao na may kakayahang maging pusa na siyang kapangyarihan niya. Ginamit niya ito sa masamang gawain.Sinubukan namin siyang kausapin kung bakit niya ginagawa yun at tanging sagot lamang niya ay wala lang siyang magawa. Isang malakas na suntok naman ang nakuha niya mula kina Mond at Dust dahil sa walang kwentang dahilan niya. Ang daming natakot at nawalan ng anak dahil lang sa walang kwentang dahilan niya. Laki naman ang pasasalamat ko ng sinabi niyang hindi naman niya sinasaktan ang m

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 8

    Masaya ako habang naglalakad kasama si Mar. Hindi man siya gaanong ngumingiti pero alam kong hindi siya ganong kasamang tao.Nang magtama ang tingin naming dalawa ay bigla siya ngumiti, kaya naman sinuklian ko ang ngiti niyang iyon."Ano pala ginagawa mo dito?" tanong niya."Aandito ako para pumatay ng mga demon. May kasama ako, gusto mo ipakilala kita?""Hanggang ngayon yan parin ang ginagawa mo." saad niya pero mahina na parang bulong lang."Ha? Ginagawa ko? Ibig mong sabihin ay ang trabaho kong manghuli ng mga demon? Masasama sila kaya ko ginagawa iyon.""Pero hindi lahat masasama."Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sumang-ayon sa sinabi niya. Pero totoo naman.Kung saan-saan ako tumitingin kaya hindi ko napansin ang isang lumilipad na walis sa likod ko na

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 9

    Maayos naman ang gabi namin dito. Nagpapahinga na ang mga kasama ko, lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa dyosa.Paano itong naging dyosa kung kinatatakutan siya ng mga tao, pero patuloy parin sila sa pagrespeto at paggalang dito? napipilitan? Siguro.Naglakad-lakad muna ako sa pasilyo at tumingin sa itaas. May bubong palang dito kaya hindi ko makita ang mga bituwin. Naglakad ako hanggang malagpasan yung semento ng pasilyo at pumunta sa isang mini garden dito.Maaliwalas ang gabi at masarap pagmasdan ang mga bituwin sa langit na parang walang mangyayaring hindi maganda bukas.Pumikit ako at pinayapa ang isip ko. Inalis lahat ng mga problema.Mabilis akong nakakilos ng may naramdam akong mabilis na bagay na papalapit sa akin mula sa gilid ko. Gumalaw ang kamay ko at sinalo iyon ng hindi nagmumulat.Nagmulat ako at tinignan ang palaso na hawak k

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 10

    Nang maramdaman kong okay na ako tsaka ko lang naisip na humiwalay sa yakap.Tumikhim ako."S-salamat." nahihiyang saad ko.Yumuko pa ako pero hinawakan niya ang baba ko at muling itinaas ang nakayuko kong ulo hanggang sa magpantay ang tingin namin."Tutulungan kitang ibalik ang alaala mo at tanggapin ang mga katotohanan. Huwag kang magdadalawang isip na kausapin ako kapag may mararamdaman kang kakaiba, Aloisia."Hindi ako nagsalita at ngumiti na lamang bilang pagsang-ayon at tumango.Napakurap-kurap ako ng maramdaman ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko. Sobrang bilis at hindi ko iyon napaghandaan. Ilang segundo pa ay hindi pa siya lumalayo kaya pinikit ko na lamang ang mata ko para mas namnamin ang halik niya.Matapos ang nangyaring iyon ay hawak kamay kaming bumalik sa kwarto namin.Ang saya sa pakiramdam, ang g

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 11

    "Fox demon." wala sa sariling banggit ni Murphy na nakatitig sa babae.Napatingin sa kanya yung dyosa at napangiti."Magaling! Pano mo nalaman? Ah! Wag na pala. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo kung pano mo nalaman. Alam ko namang pinag-aaralan ng mga tao ang iba't-ibang klase ng demon." napailing-iling siya."Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay at pati ang kung ano kami kailangan niyo ding malaman?" natatawang sabi ng dyosa."Hindi kami pumunta rito para makipag-laban. Gusto lang namin malaman kung ano ang dahilan mo kung bakit mo ito ginagawa." saad ni Dust na nakawala nasa hipnotismong ginawa sa kanya ng dyosa."Papatayin ko na lamang kayo rito kesa ang makipaglokohan sa inyo! Ano sa tingin niyo sa akin!? hindi nag-iisip?" sigaw ng dyosa.

Pinakabagong kabanata

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 16

    THIRD PERSON'S POVNataranta ang lahat nang may sumigaw na nasisira na ang harang ng dark room.Dahil ang alam nilang lahat ay isang halimaw ang nasa loob 'nun.Nagkagulo ang mga tao dahil din sa nakikita nila ngayon. Si Aloisia na napapaligiran ng kulay asul na usok.Napatayo din sa gulat ang mga opesyales sa iba't-ibang lugar.Isa lang ang alam nila, hindi iyon kakayahan ng isang tao.Hindi alam kung anong unang pagtutuunan ng pansin ni master Sown. Kung si Aloisia ba na alam niyang mapapahamak ngayon o ang puntahan ang dark room.Nagmulat si Aloisia na may poot sa kanyang mga mata. Hindi alam kung para saan iyon."Anong nangyayari!?" Sigaw ni Dealla walang ideya sa nangyayari sa kaibigan nila.Nagkagulo at hi

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 15

    Dumating ang araw na paparusahan nila si Marcus.Hindi ko alam kung anong magagawa ko para iligtas siya.Naghahanda ang lahat para sa gaganapin mamaya, kaya hindi na ako nag-isip at pinuntahan si master.Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko siyang nagkakape."Master." Halos bulong na iyon pero alam kong narinig niya.Sana naman umayon ngayon ang sinasabi niyang ako ang paborito niyang estudyante. Sana naman pakinggan niya ako. Ngayon lang ako lumapit sa kanya para humingi ng pabor. Alam kong mahirap pagbigyan ang kagustuhan ko pero susubukan ko.Wala namang kasalanan si Marcus."Aloisia, maupo ka." Kalma na saad niya."Bakit? Biglaan ang pagpunta mo rito. Aloisia..."Napabuntong hininga siya."Hindi ako galit sayo, pero sana hindi mo hinayaan na gawin ng demon na iyon ang pagtangka sa dark room. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit sayo.""M-mas

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 14

    Umuwi kami kasama sina Mond, Marcus, Murphy at si Eries.Mabait naman si Eries, sadyang may isang turnilyo sa utak niya ang naluwagan.Ang akala namin magpapaiwan si Eries at hihiwalay sa amin, pero nagpumilit siyang sumama. Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag ito kay master.Pero sabi niya, kaya naman daw niyang tanggalin ang aura ng isang demon sa katawan niya at magkunwaring isang normal na tao.Si Murphy, gusto ding sumama. Alam naming lahat na isa siyang deity na medyo may pagka-mahangin. Kaya din naman niyang itago ang presensiya niya at tulad kay Eries. Si Marcus, may ideya na ako kung ano siya. Hindi lang ako nagtatanong dahil gusto ko itong malaman kapag nahanap na namin ang kapiraso ng salamin."Ano ba talaga ang ginagawa mo sa mga lalaking pumapasok sa templo? Pinapatay mo ba?" Tanong ni Yeena kay Eries."Hindi nga ako ganon kasama! Buhay pa ang mga yun! Dinala ko lang sa isang luga

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 13

    Pagbalik namin sa tinutuluyan namin ay agad niya akong inilapag sa kama. Nasa labas pa si Mond at Dust na nakasilip sa pinto.Napabuntong hininga ako."Okay ka na?" tanong ni Marcus.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinatingin ako sa kanya. Nakayuko siya dahil nakahiga na ako sa kama. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha namin."Oy ano yan!" sabay na sigaw ni Mond at Dust.Oo nga pala. Nasa labas sila.Nakangiting binalingan ko sila. Dahan dahan akong umupo sa kama at agad naman akong inalalayan ni Marcus."Mag-uusap lang kami. Ahmm...pwedeng...pwede iwan niyo muna kami? Promise wala kaming gagawing masama." matamis na ngitian ko silang dalawa at wala silang nagawa kundi tumango at nagbatukan bago umalis.Naglakad si Marcus palapit sa pintuan para i-lock ang pinto.Nuntong hininga siyang luma

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 12

    Samantala, habang naghihintay ang mga babae sa labas ay labis ang kabog ng dibdib nila. Wala na ang ibang mga tao at tanging sila na lamang naiwan dito.Wala silang magawa kundi maghintay na lamang sa mga kasama nila sa loob. Sinubukan nilang gamitin ang maliit na kampanilya na nagsisilbing koneksyon nila kapag nagkakalayo sila ay hindi iyon gumagana. Siguro dahil sa barrier na nakapalibot sa abandonadong templo.ALOISIA'S POVPalinga-linga ako sa paligid, nang mapatingin ako sa hindi kalayuan ay kumunot ang noo ko nang may mapansin.Tinignan ko muna ang mga kasama ko, nang hindi nila ako napapansin ay dahan-dahan akong naglakad paatras at mabilis na tumakbo patungo sa taong yun.Hindi ako napansin ng mga kasama ko dahil nakatutok ang atensiyon nila sa templo.Ang taong yun.

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 11

    "Fox demon." wala sa sariling banggit ni Murphy na nakatitig sa babae.Napatingin sa kanya yung dyosa at napangiti."Magaling! Pano mo nalaman? Ah! Wag na pala. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo kung pano mo nalaman. Alam ko namang pinag-aaralan ng mga tao ang iba't-ibang klase ng demon." napailing-iling siya."Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay at pati ang kung ano kami kailangan niyo ding malaman?" natatawang sabi ng dyosa."Hindi kami pumunta rito para makipag-laban. Gusto lang namin malaman kung ano ang dahilan mo kung bakit mo ito ginagawa." saad ni Dust na nakawala nasa hipnotismong ginawa sa kanya ng dyosa."Papatayin ko na lamang kayo rito kesa ang makipaglokohan sa inyo! Ano sa tingin niyo sa akin!? hindi nag-iisip?" sigaw ng dyosa.

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 10

    Nang maramdaman kong okay na ako tsaka ko lang naisip na humiwalay sa yakap.Tumikhim ako."S-salamat." nahihiyang saad ko.Yumuko pa ako pero hinawakan niya ang baba ko at muling itinaas ang nakayuko kong ulo hanggang sa magpantay ang tingin namin."Tutulungan kitang ibalik ang alaala mo at tanggapin ang mga katotohanan. Huwag kang magdadalawang isip na kausapin ako kapag may mararamdaman kang kakaiba, Aloisia."Hindi ako nagsalita at ngumiti na lamang bilang pagsang-ayon at tumango.Napakurap-kurap ako ng maramdaman ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko. Sobrang bilis at hindi ko iyon napaghandaan. Ilang segundo pa ay hindi pa siya lumalayo kaya pinikit ko na lamang ang mata ko para mas namnamin ang halik niya.Matapos ang nangyaring iyon ay hawak kamay kaming bumalik sa kwarto namin.Ang saya sa pakiramdam, ang g

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 9

    Maayos naman ang gabi namin dito. Nagpapahinga na ang mga kasama ko, lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa dyosa.Paano itong naging dyosa kung kinatatakutan siya ng mga tao, pero patuloy parin sila sa pagrespeto at paggalang dito? napipilitan? Siguro.Naglakad-lakad muna ako sa pasilyo at tumingin sa itaas. May bubong palang dito kaya hindi ko makita ang mga bituwin. Naglakad ako hanggang malagpasan yung semento ng pasilyo at pumunta sa isang mini garden dito.Maaliwalas ang gabi at masarap pagmasdan ang mga bituwin sa langit na parang walang mangyayaring hindi maganda bukas.Pumikit ako at pinayapa ang isip ko. Inalis lahat ng mga problema.Mabilis akong nakakilos ng may naramdam akong mabilis na bagay na papalapit sa akin mula sa gilid ko. Gumalaw ang kamay ko at sinalo iyon ng hindi nagmumulat.Nagmulat ako at tinignan ang palaso na hawak k

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 8

    Masaya ako habang naglalakad kasama si Mar. Hindi man siya gaanong ngumingiti pero alam kong hindi siya ganong kasamang tao.Nang magtama ang tingin naming dalawa ay bigla siya ngumiti, kaya naman sinuklian ko ang ngiti niyang iyon."Ano pala ginagawa mo dito?" tanong niya."Aandito ako para pumatay ng mga demon. May kasama ako, gusto mo ipakilala kita?""Hanggang ngayon yan parin ang ginagawa mo." saad niya pero mahina na parang bulong lang."Ha? Ginagawa ko? Ibig mong sabihin ay ang trabaho kong manghuli ng mga demon? Masasama sila kaya ko ginagawa iyon.""Pero hindi lahat masasama."Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sumang-ayon sa sinabi niya. Pero totoo naman.Kung saan-saan ako tumitingin kaya hindi ko napansin ang isang lumilipad na walis sa likod ko na

DMCA.com Protection Status