Share

Kabanata 1

Author: Chumalan_Bch
last update Last Updated: 2021-03-29 12:31:16

Third person's Pov

Ngayon ang kabuwanan ni Herbeth na ilang buwan na nilang hinihintay.

Abala siya sa pag-aayos ng mga labahin nang makaramdam siya ng kirot sa kanyang malaking tiyan.

"Ahhg! Di-dickon!"

Mas lumala ang kirot sa tiyan niya kaya nasigaw na niya ang pangalan ng kanyang asawa.

Hawak-hawak ng kamay niya ang malaking tiyan niyang kumikirot habang pinipilit na makalapit sa kama para makaupo ng maayos.

Abala kasi sa pagluluto si Dickon sa kalan at naubusan pa sila ng kahoy kaya lumabas siya sandali para maghanap ng pansamantalang pandagdag sa tangkay ng kahoy na nauubos na at tinutupok na ng apoy.

"Dickon!"

Pagpasok pa lang ni Dickon sa maliit na bahay nila ay narinig niya ang alingawngaw na sigaw ni Herbeth. Naalala ni Dickon na ngayong buwan na manganganak ang asawa niya kaya ganon na lamang ang pagtakbo niya para tignan ang asawa. Basta na lang niyang binitawan ang mga sangang hawak niya para mapuntahan ang kayang asawa.

"Aaaahhhhh!"

"Sige pa! konti na lang! nakikita ko na ang ulo ng bata!"

"Hindi ko na kaya!"

Halos hindi alam ni Dickon kung anong gagawin habang pinapanood ang asawang hirap na hirap na sa kalagayan niya.

Kaya kahit nanginig ang mga kamay niya ay hinawakan niya ang kamay ni Herbeth saka inilapit sa bibig niya at hinalik-halikan. Nagbabakasali na sa pamamagitan 'non ay mababawasan ang sakit na nararamdaman ng asawa niya.

"Mahal, kakayanin mo. Ilang taon na tayong naghihintay para dito. Diba halos araw-araw nating ipinagdadasal na magkaroon tayo ng anak. Eto na, mahal. Eto na yun, ilang minuto na lang lalabas na. Patawad at wala man lang akong magawa para mabawasan ang sakit na dinaranas mo ngayon."

Matamis na ngumiti sa kanya ang kanyang asawa sa gitna ng paghihirap niya ngayon.

"Huwag kang mag-alala. Ilalabas ko ang anak natin na malusog. Sa akin nakasalalay ang buhay ng anak natin na ilang taon na nating hinihintay. Titiisin ko ang sakit ngayon kung pagkatapos naman nito ay isang magandang biyaya ang magiging kapalit."

"Aaahhhhh!"

Ginawa niya ang lahat para mailabas ang bata. Ilang minuto na naghirap siya para umere nang marinig niya ang sinabi ng nag papaanak sa kanya na tagumpay na nailabas niya ang bata.

"N-nakalabas na a-ang bata."

"Talaga! mahal! nagawa ko!"

Tuwang-tuwa siya nang magawa niyang mailabas ang bata, ngunit naramdaman niyang tahimik ang lahat.

"T-teka! Nasaan ang anak ko? Bakit wala akong marinig na iyak niya?"

"Mahal, baka hindi lang talaga iyakin ang anak natin."

Masaya niyang nginitian ang kanyang asawa.

"Hindi."

Natahimik silang mag-asawa nang magsalita ang nagpapa-anak kay Herbeth.

"bakit?"

Napalunok ang matandang babae bago mag salita.

"W-walang buhay a-ang sanggol. pero imposible to! Kanina ramdam ko pang buhay ang sanggol sa sinapupunan mo! pero b-bakit?"

Nagtataka ang matandang babae sa nangyari sa sanggol. Maging siya ay hindi alam kung ano bang nangyari. Kanina naman ay ramdam niyang buhay ito, pero nang mailabas ay ganon ang nangyari.

"Hindi! Hindi totoo yan! Buhay ang anak ko!"

Nagsimula nang bumuhos ang mga luha niya nang ibinigay sa kanya ng matandang babae ang sanggol na hindi na humihinga.

Pakiramdam ni Dickon gumuho ang mundo niya sa nakikitang sanggol na wala ng buhay, ang anak niya. Ang anak nilang dalawa ni Herbeth na matagal na nilang pinapangarap. Kanina lang halos lumobo ang puso niya sa tuwa nang makitang manganganak na ang kanyang asawa kahit pa nasasaktan siya sakit na bumabalatay sa mukha ni Herbeth.

Ngunit ngayon ay halos isumpa na niya ang lahat sa pagkadismaya at sa buhay na nawala na hindi pa niya lubos na nakasama. Pero imbis na sisihin ang lahat ay nagawa parin niyang magdasal sa maykapal na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. Na buhay ang anak nila at palalakihin pa niya ito bilang isang magandang dilag at may mabuting puso.

Sa bawat paghikbi ng kanyang asawa ay doble naman ang sakit na nararamdaman.

"Bakit? Bakit ba nangyayari sa atin ito?"

"Mahal."

Wala na siyang ibang masasabi pa para mabawasan ang sakit ng nararamdaman ng kanyang asawa, dahil maging siya ay hindi na din niya alam kung paano ito tatanggapin.

Samantala, habang nagluluksa ang mag-asawa at binabalutan na nang matandang babae ang sanggol nang may isang puting usok na palipad-lipad na lang kung saan-saan, at tila may nahanap itong lugar kung saan alam niyang doon siya nabibilang.

Pumasok ang puting usok na iyon sa bintana ng isang maliit na bahay at dumeretso sa binabalutan ng matandang babae.

Ilalagay na sana iyon sa plastik ngunit nagulat silang lahat ng makarinig sila ng iyak ng sanggol.

Natigil sa pag-iyak si Herbeth at Dickon.

Maging ang matanda ay hindi alam kung anong nangyayari.

Mabilis niyang tinanggal ang puting tela na ibinalot niya sa sanggol kanina at halos lumabas ang mata niya sa gulat nang makitang ang sanggol na hawak niya ang siyang umiiyak. Hindi alam kung matatakot ba o matutuwa sa nakikita.

Halos ma-estatwa ang matanda kaya bago pa niya mabitawan ang sanggol ay nakuha na iyon ni Dickon. Halo-halo ang nararamdaman niya, silang dalawa ng kanyang asawa.

Kanina lang ay nagluluksa sila, ngayon ay agad na napalitan ng tuwa ang sakit na naramdaman nila kanina.

Para sa mag-asawa ay isa itong himala. Pakiramdam nila binibiro lang sila ng tadhana. Paiiyakin pagkatapos ay bibigyan ng magandang regalo.

Magmula sa araw na iyon ay binigay nila nang buo ang pagmamahal nila sa kanilang anak. Isang magandang biyaya at himala sa buhay nila.

"Nay, bakit yung ibang mga bata may kapatid sila? Bakit ako wala?"

Tanong ni Aloisia sa nanay niya na abala sa pagpunas sa mga pawis niya. Kagagaling niya kasi sa labas na maraming tao at mga batang kalaro niya.

"Ahh anak gusto kasi namin na ikaw lang ang baby namin. Gusto naming sayo lang ibuhos ang pagmamahal namin bilang magulang mo. Ayaw namin na maramdaman mo ang may kahati."

Totoo yung sinabi ni Herbeth sa anak niyang siyam na gulang na ngayon pero ayaw niya lang sabihin sa anak na hindi na sila makakaanak pa ni Dickon. Kaya nga biyaya sa kanila si Aloisia dahil sa akala nila ay wala na silang pag-asang magka-anak pa. Pero heto at kaharap na niya ngayon ang isang batang nagmula mismo sa sinapupunan niya, nanggaling mismo sa dugo at laman nilang mag-asawa. Hindi na nila kailangang mag-ampon pa ng ibang bata na hindi nila kadugo.

"Hmm! Nagugutom na ako nay!"

Balewalang tugon ni Aloisia sa sinabi ng kanyang ina.

"Nagugutom na ba ang prinsesa namin? Heto may dala akong mga prutas! Eto muna ang kainin mo anak. Sandali lang muna at iluluto ni nanay ang isda na nahuli ko."

Binuhat ni Dickon si Aloisia at pinaupo sa maliit nilang lamesa. Binigay niya rito ang mga prutas na napitas niya at kinuha naman ni Herbeth ang isdang nahuli niya para mailuto na.

Masayang nakikipaglaro si Aloisia sa mga batang katulad niya nang makita ang isang lalaking nasa edad pito na nakaupo sa may puno at malungkot na nakatingin sa kawalan. Para itong nanlalanta at halos buto na ang makikita sa kanya. Ang dumi ng katawan pati ang mukha. Mukhang ilang araw na itong hindi kumakain at makikita sa mukha niya ang mugtong mugto niyang mga mata dahil sa kakaiyak.

Sa ngayon ay wala na siyang luha na maiiyak pa kaya tulala na lang ito sa kawalan.

Nilapitan ito ni Aloisia dahil sa nakikita niya. Hindi niya alam kung bakit mag-isa ang bata.

"Hello."

Nakangiting binati niya ang batang lalaki pero parang wala itong narinig at tulala parin sa hangin.

Napasimangot si Aloisia hindi dahil sa hindi siya pinansin, dahil sa nakikita niyang itsura ng bata.

Nilapitan niya ito at niyakap na ikinabigla ng bata, kahit alam niyang madumi ang suot ng bata ay wala siyang pakialam nang niyakap niya ito. Sabagay, bata pa lang naman sila at wala pa silang pakialam kung madumihan man ang suot nila.

"S-sino ka?"

"Ako si Aloisia Diamond, tawagin mo na lamang akong ate Sia. bakit mag-isa ka? Saan nanay mo? Ang papa mo?"

Nagulat na lamang si Aloisia nang magsimulang umiyak ang bata at niyakap siya nito na para bang naghahanap ng taong tutulong sa kanya.

"Ano pala pangalan mo? Hindi mo sinabi sa akin kanina kasi. Tsaka ipapakilala kita kay nanay at papa. Eto ang bahay namin!"

Masaya niyang kuwento sa bata at excited pa siyang ipakilala ito sa magulang.

"Ang pangalan ko ay Osmond. tawagin mo na lang akong Mond ate Sia."

Nakangiti na ngayon ang batang lalaki na kanina lang ay halos wala nang pakiramdam na parang blanko kanina.

"Sige! Nay, may bago akong kaibigan! si Osmond! Dito na siya titira, nay!"

"Anak, halika kumain kana. Papasukin mo din ang kaibigan mo dito. Naghanda ako ng marami."

Simple lang naman ang buhay nila. Pero kahit ganon ay nakakakain parin naman sila ng tatlong beses sa isang araw at minsan ay masasarap na pagkain.

"Anak, saan mo nakilala si Osmond?"

Malumanay na tanong niya habang pinapanood na kumakain ang bata. Marami na itong natatapon na kanin pero hindi naman siya yung taong strikto pagdating sa pagkain. Batang-bata pa si Osmond kaya ganon siya kumain.

Saka naaawa siya sa bata, ang lakas nitong kumain at ramdam niya ang gutom nito at ilang araw nang hindi nakakakain.

"Habang naglalaro kami nay ng habulan, nakita ko siyang malungkot na nakaupo sa silong ng puno. Kaya nilapitan ko siya at dinala dito dahil mukhang naligaw siya."

Napangiti si Herbeth sa sinabi ng anak niya. Alam niyang may mabuting puso si Aloisia, bata palang nakikita at nararamdaman na niya ito. Sa mga simpleng pagtulong pa lang niya na ganito ay natutuwa na siya.

Hinarap niya ang batang lalaki para magtanong.

"Saan ka ba galing Osmond? Nasaan ang mga magulang mo? alam mo ba kung saan kayo nakatira at ang pangalan nila?"

Nagulat na lamang si Herbeth ng magsimulang umiyak si Osmond.  Umiyak ito nang umiyak na para bang may nasabi siyang masama.

"Hala! Patawad kung may nasabi ako masama!"

Nataranta si Herbeth kaya nilapitan niya ang bata at niyakap.

Unti-unti ay humihinahon na si Osmond sa pag-iyak saka nagsalita.

"W-wala na akong n-nanay. P-pati si p-papa, n-nikuha nila. Masasamang t-tao, nikuha nila si nanay at papa."

Natigilan si Herbeth sa sinabi ng bata.

Magmula noon ay hindi sila nagsisi na inampon nila si Osmond at tinuring na totoong anak. Magmula ng dumating si Osmond sa buhay nila ay doble ang saya na nakikita nila mula kay Aloisia. Ngayon hindi na siya magtatanong kung bakit wala siyang kapatid. Dahil ngayon, may kapatid na siyang laging kalaro kahit dito da loob ng maliit nilang bahay. Hindi na kailangan ni Aloisia na lumabas pa at maghanap ng kalaro niya, dahil nandito na si Osmond na kalaro niya.

Sa bawat pagdaan ng panahon ay lumalaki silang mabuting tao at mahilig tumulong sa mga nahihirapan sa simpleng paraan. Tunay na magkapatid ang turingan nila sa isa't-isa. Imbis na si Aloisia ang nagtatanggol kay Osmond dahil mas matanda siya rito ay laging pinipilit ni Osmond na dapat siya ang nagtatanggol sa ate niya dahil siya ang lalaki.

Lumaki si Osmond na wala nang sakit galing sa masamang ala-ala at hindi na niya naisipan pang maghiganti sa pumatay sa mga magulang niya. Hindi din naman kasi niya kilala ang mga iyon lalo na at may bago na siyang pamilya na tinanggap siya ng buo at binigay sa kanya ang tunay na pagmamahal ng isang magulang at isang kapatid.

Masuwerte siya at sa pamilyang iyon siya napunta. Isang mabuting pamilya at kahit kailan ay hindi niya naramdamang iba siya.

"Mond!"

"ate!?"

"Tulungan mo naman ako dito!"

Sigaw ni Aloisia habang binubuhat ang isang aparador para itabi sa gilid. Maliit lang iyon ngunit mabigat kaya halos lumuwa ang mata ni Aloisia kapag pinipilit niya iyong buhatin.

Nasa na taong 21 gulang na siya ngayon samantalang nasa 19 gulang naman si Osmond.

Mga dalaga at binata na sila.

Tinulungan naman siya ni Osmond sa pagbubuhat 'nun pagkatapos ay tinulungan din niya itong maglinis sa may kaliitang bahay nila. Naiwan silang dalawa dahil ang nanay ay lumabas para magbenta ng mga prutas at gulay samantalang ang papa nila ay nagtatrabaho sa templo, tagalinis, tagabuhat at kung ano-ano pa.

Nasusuwelduhan naman siya ng tama at para na din daw iyon sa binigay ng Maykapal sa kanila na dalawang mabubuting anak.

Related chapters

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 2

    Aloisia Diamond PovNag-aayos kami ngayon ni Mond ng mga paninda namin. Iba't-ibang mga bulaklak at mga prutas. May piyesta kasi dito sa Tracian at maraming dumalo na nagmula pa sa Spartacus at Mapuche."Ate, manonood ka ba mamaya?"Tanong ni Mond sakin, meron kasing magpe-perform mamaya. Magpapakitang gilas, lalo na ang mga estudyante ni Mr. Sown. Sila kasi ang mga taong nabiyayaan ng kapangyarihan. Kaya para magamit iyon sa mabuting paraan pumapasok sila sa organisasiyon ni Mr. Sown, para maturuan ng tama sa paggamit ng kanilang kapangyarihan.Sabi nila, kung meron ka mang kapangyarihan malalaman mo ito kapag tumuntong ka ng 18 na taon. Pero di na ako nagdasal pa na sana ako rin mabiyayaan. Dahil hanggang ngayon, 21 na ako wala parin naman akong napapansing kakaiba sa akin."Ate?"

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 3

    Pagkatapos kumain ay nagmadali akong puntahan si Mr. Sown. Nagpumilit pang sumama si Mond dahil lagi iyon nakabuntot sakin kapag may pinupuntahan ko pero hindi ko na siya pinayagan at pinaiwan ko siya para may kasama si nanay sa bahay."Mr. Sown!"Malaking ngiti ang naka paskil sa labi ko nang makita ko si Mr. Sown na kausap ang isang babaeng estudyante niya.Sila yung matagal-tagal na sa grupo at sigurado akong bihasa na sila sa pakikipaglaban, sa tagal ba naman kasi ng ensayo nila at mga misyon nila na pumatay ng mga demon.Baka nga may nakaharap na silang mga class A na demon."Oh! Aloisia! Ano nakapag-isip ka na ba? Hindi ka pupunta dito kung hindi ka nakapag desisiyon."Nagpaalam muna siya sa kausap niya at madali namang umalis agad. Lumapit siya sakin para makapag-usap kami ng maayos."Next time, ipapakilala kita sa kanila."

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 4

    May sumusunod sakin. kung hindi ito demon, sino?Hanggang sa naramdaman ko ang isang presensiya sa di kalayuan dito sa pwesto ko. Hindi ko pinahalatang nakita ko siya gamit ang peripheral vision ko.Nagkunwari akong patingin-tingin sa paligid na tila hinahanap ko kung saan nanggaling ang palaso. Lingid sa kaalaman niya na nakita ko siyang nagtago agad sa isang puno.Nakasuot siya ng itim na mahabang damit at may hood.Bumaba ako sa puno at muling pinulot ang basket na may lamang prutas at naglakad taliwas sa daan papunta sa bahay. Kailangan ko muna siyang iligaw bago ako dumeretso sa bahay. Kung hindi ko siya mailigaw ay hindi ko na itutuloy ang pagpunta doon.Halos wala na akong sinusunod na daan at kung saan saan na ako lumulusot dito sa kakahuyan. Binilisan ko ang paglalakad at halos marinig ko na ang yabag ng mabilis na paglakad niya.

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 5

    "Sia, pinapatawag ka ni master sa dark room.""Huh? Bakit daw?""May ipapakilala daw, ewan?"Ngumiti at tumango lang ako sa kanya at pinuntahan si master sa dark room.Yung kwartong ipinakita sa akin ni Dealla noon, yung bawal pasukin. Dark room pala ang tawag doon."Master!""Oh! Aloisia! Halika rito"Nakita ko si master na nasa tapat nung kwarto at sa tabi niya ay isang matangkad na lalaki na abala sa pagpapahigpit ng barrier nang dark room.Ibinaba niya ang kamay niya saka inilagay sa likod at tayong-tayo nang humarap sakin.Napaliit ang mata dahil pinipilit kong alalahanin kung saan ko ba siya nakita. Parang kilala ko siya noon pa pero hindi ko naman ma-alala. Pero sinasabi ng utak ko na kilala ko talaga siya. Mas matanda lang siya ng konti sakin at napakapormal niya.Yung dalawang kamay

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 6

    Ganon na lamang ang gulat naming dalawa ng makita namin ang isa't-isa dito."Ate!?/Mond!?"Gulat na gulat kami pareho."Anong ginagawa mo dito!? Ba't ganyan ang suot mo!?"Hindi maiwasag pagdudahan ang mga kilos niya. Kahit itinuring ko siyang kapatid at naging mabuti siya sa amin ay hindi parin mawawala ang katotohanang hindi kami magkadugo."Ate, kumalma ka""Paano ako kakalma!? Ikaw din ba yung sumusunod sa akin noon!? Mond!""Ha? Anong sinasabi mo, ate? Ngayon lang ako lumabas dahil nabalitaan ko ang tungkol sa mga nawawalang sanggol. Husto ko rin makatulong, ate. At ano yung sinasabi mong sumusunod sayo noon?"Napahinga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Hindi ko lang kasi talaga matanggap ang ideya kong siya nga ang sumusunod sa akin noon.Napapikit ako ng mariin, may ti

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 7

    Sa wakas ay nahuli na din namin ang salarin sa pagkawala ng mga sanggol.Iisa lang pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Kung tutuusin, maraming mga pusa ang nakaharap namin. Pero ang lahat ng iyon ay puro illusion. Ngunit swerte at naramdaman ko agad iyon.Nang mahuli ko sa mga kamay ko mismo ang puno't-dulo ng lahat ay unti-unti itong nag-aanyong tao. Dinala namin siya sa bahay ni aleng Morya.Hindi ito demon, isa lamang itong tao na may kakayahang maging pusa na siyang kapangyarihan niya. Ginamit niya ito sa masamang gawain.Sinubukan namin siyang kausapin kung bakit niya ginagawa yun at tanging sagot lamang niya ay wala lang siyang magawa. Isang malakas na suntok naman ang nakuha niya mula kina Mond at Dust dahil sa walang kwentang dahilan niya. Ang daming natakot at nawalan ng anak dahil lang sa walang kwentang dahilan niya. Laki naman ang pasasalamat ko ng sinabi niyang hindi naman niya sinasaktan ang m

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 8

    Masaya ako habang naglalakad kasama si Mar. Hindi man siya gaanong ngumingiti pero alam kong hindi siya ganong kasamang tao.Nang magtama ang tingin naming dalawa ay bigla siya ngumiti, kaya naman sinuklian ko ang ngiti niyang iyon."Ano pala ginagawa mo dito?" tanong niya."Aandito ako para pumatay ng mga demon. May kasama ako, gusto mo ipakilala kita?""Hanggang ngayon yan parin ang ginagawa mo." saad niya pero mahina na parang bulong lang."Ha? Ginagawa ko? Ibig mong sabihin ay ang trabaho kong manghuli ng mga demon? Masasama sila kaya ko ginagawa iyon.""Pero hindi lahat masasama."Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sumang-ayon sa sinabi niya. Pero totoo naman.Kung saan-saan ako tumitingin kaya hindi ko napansin ang isang lumilipad na walis sa likod ko na

    Last Updated : 2021-03-29
  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 9

    Maayos naman ang gabi namin dito. Nagpapahinga na ang mga kasama ko, lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa dyosa.Paano itong naging dyosa kung kinatatakutan siya ng mga tao, pero patuloy parin sila sa pagrespeto at paggalang dito? napipilitan? Siguro.Naglakad-lakad muna ako sa pasilyo at tumingin sa itaas. May bubong palang dito kaya hindi ko makita ang mga bituwin. Naglakad ako hanggang malagpasan yung semento ng pasilyo at pumunta sa isang mini garden dito.Maaliwalas ang gabi at masarap pagmasdan ang mga bituwin sa langit na parang walang mangyayaring hindi maganda bukas.Pumikit ako at pinayapa ang isip ko. Inalis lahat ng mga problema.Mabilis akong nakakilos ng may naramdam akong mabilis na bagay na papalapit sa akin mula sa gilid ko. Gumalaw ang kamay ko at sinalo iyon ng hindi nagmumulat.Nagmulat ako at tinignan ang palaso na hawak k

    Last Updated : 2021-03-29

Latest chapter

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 16

    THIRD PERSON'S POVNataranta ang lahat nang may sumigaw na nasisira na ang harang ng dark room.Dahil ang alam nilang lahat ay isang halimaw ang nasa loob 'nun.Nagkagulo ang mga tao dahil din sa nakikita nila ngayon. Si Aloisia na napapaligiran ng kulay asul na usok.Napatayo din sa gulat ang mga opesyales sa iba't-ibang lugar.Isa lang ang alam nila, hindi iyon kakayahan ng isang tao.Hindi alam kung anong unang pagtutuunan ng pansin ni master Sown. Kung si Aloisia ba na alam niyang mapapahamak ngayon o ang puntahan ang dark room.Nagmulat si Aloisia na may poot sa kanyang mga mata. Hindi alam kung para saan iyon."Anong nangyayari!?" Sigaw ni Dealla walang ideya sa nangyayari sa kaibigan nila.Nagkagulo at hi

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 15

    Dumating ang araw na paparusahan nila si Marcus.Hindi ko alam kung anong magagawa ko para iligtas siya.Naghahanda ang lahat para sa gaganapin mamaya, kaya hindi na ako nag-isip at pinuntahan si master.Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko siyang nagkakape."Master." Halos bulong na iyon pero alam kong narinig niya.Sana naman umayon ngayon ang sinasabi niyang ako ang paborito niyang estudyante. Sana naman pakinggan niya ako. Ngayon lang ako lumapit sa kanya para humingi ng pabor. Alam kong mahirap pagbigyan ang kagustuhan ko pero susubukan ko.Wala namang kasalanan si Marcus."Aloisia, maupo ka." Kalma na saad niya."Bakit? Biglaan ang pagpunta mo rito. Aloisia..."Napabuntong hininga siya."Hindi ako galit sayo, pero sana hindi mo hinayaan na gawin ng demon na iyon ang pagtangka sa dark room. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit sayo.""M-mas

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 14

    Umuwi kami kasama sina Mond, Marcus, Murphy at si Eries.Mabait naman si Eries, sadyang may isang turnilyo sa utak niya ang naluwagan.Ang akala namin magpapaiwan si Eries at hihiwalay sa amin, pero nagpumilit siyang sumama. Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag ito kay master.Pero sabi niya, kaya naman daw niyang tanggalin ang aura ng isang demon sa katawan niya at magkunwaring isang normal na tao.Si Murphy, gusto ding sumama. Alam naming lahat na isa siyang deity na medyo may pagka-mahangin. Kaya din naman niyang itago ang presensiya niya at tulad kay Eries. Si Marcus, may ideya na ako kung ano siya. Hindi lang ako nagtatanong dahil gusto ko itong malaman kapag nahanap na namin ang kapiraso ng salamin."Ano ba talaga ang ginagawa mo sa mga lalaking pumapasok sa templo? Pinapatay mo ba?" Tanong ni Yeena kay Eries."Hindi nga ako ganon kasama! Buhay pa ang mga yun! Dinala ko lang sa isang luga

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 13

    Pagbalik namin sa tinutuluyan namin ay agad niya akong inilapag sa kama. Nasa labas pa si Mond at Dust na nakasilip sa pinto.Napabuntong hininga ako."Okay ka na?" tanong ni Marcus.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinatingin ako sa kanya. Nakayuko siya dahil nakahiga na ako sa kama. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha namin."Oy ano yan!" sabay na sigaw ni Mond at Dust.Oo nga pala. Nasa labas sila.Nakangiting binalingan ko sila. Dahan dahan akong umupo sa kama at agad naman akong inalalayan ni Marcus."Mag-uusap lang kami. Ahmm...pwedeng...pwede iwan niyo muna kami? Promise wala kaming gagawing masama." matamis na ngitian ko silang dalawa at wala silang nagawa kundi tumango at nagbatukan bago umalis.Naglakad si Marcus palapit sa pintuan para i-lock ang pinto.Nuntong hininga siyang luma

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 12

    Samantala, habang naghihintay ang mga babae sa labas ay labis ang kabog ng dibdib nila. Wala na ang ibang mga tao at tanging sila na lamang naiwan dito.Wala silang magawa kundi maghintay na lamang sa mga kasama nila sa loob. Sinubukan nilang gamitin ang maliit na kampanilya na nagsisilbing koneksyon nila kapag nagkakalayo sila ay hindi iyon gumagana. Siguro dahil sa barrier na nakapalibot sa abandonadong templo.ALOISIA'S POVPalinga-linga ako sa paligid, nang mapatingin ako sa hindi kalayuan ay kumunot ang noo ko nang may mapansin.Tinignan ko muna ang mga kasama ko, nang hindi nila ako napapansin ay dahan-dahan akong naglakad paatras at mabilis na tumakbo patungo sa taong yun.Hindi ako napansin ng mga kasama ko dahil nakatutok ang atensiyon nila sa templo.Ang taong yun.

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 11

    "Fox demon." wala sa sariling banggit ni Murphy na nakatitig sa babae.Napatingin sa kanya yung dyosa at napangiti."Magaling! Pano mo nalaman? Ah! Wag na pala. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo kung pano mo nalaman. Alam ko namang pinag-aaralan ng mga tao ang iba't-ibang klase ng demon." napailing-iling siya."Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay at pati ang kung ano kami kailangan niyo ding malaman?" natatawang sabi ng dyosa."Hindi kami pumunta rito para makipag-laban. Gusto lang namin malaman kung ano ang dahilan mo kung bakit mo ito ginagawa." saad ni Dust na nakawala nasa hipnotismong ginawa sa kanya ng dyosa."Papatayin ko na lamang kayo rito kesa ang makipaglokohan sa inyo! Ano sa tingin niyo sa akin!? hindi nag-iisip?" sigaw ng dyosa.

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 10

    Nang maramdaman kong okay na ako tsaka ko lang naisip na humiwalay sa yakap.Tumikhim ako."S-salamat." nahihiyang saad ko.Yumuko pa ako pero hinawakan niya ang baba ko at muling itinaas ang nakayuko kong ulo hanggang sa magpantay ang tingin namin."Tutulungan kitang ibalik ang alaala mo at tanggapin ang mga katotohanan. Huwag kang magdadalawang isip na kausapin ako kapag may mararamdaman kang kakaiba, Aloisia."Hindi ako nagsalita at ngumiti na lamang bilang pagsang-ayon at tumango.Napakurap-kurap ako ng maramdaman ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko. Sobrang bilis at hindi ko iyon napaghandaan. Ilang segundo pa ay hindi pa siya lumalayo kaya pinikit ko na lamang ang mata ko para mas namnamin ang halik niya.Matapos ang nangyaring iyon ay hawak kamay kaming bumalik sa kwarto namin.Ang saya sa pakiramdam, ang g

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 9

    Maayos naman ang gabi namin dito. Nagpapahinga na ang mga kasama ko, lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa dyosa.Paano itong naging dyosa kung kinatatakutan siya ng mga tao, pero patuloy parin sila sa pagrespeto at paggalang dito? napipilitan? Siguro.Naglakad-lakad muna ako sa pasilyo at tumingin sa itaas. May bubong palang dito kaya hindi ko makita ang mga bituwin. Naglakad ako hanggang malagpasan yung semento ng pasilyo at pumunta sa isang mini garden dito.Maaliwalas ang gabi at masarap pagmasdan ang mga bituwin sa langit na parang walang mangyayaring hindi maganda bukas.Pumikit ako at pinayapa ang isip ko. Inalis lahat ng mga problema.Mabilis akong nakakilos ng may naramdam akong mabilis na bagay na papalapit sa akin mula sa gilid ko. Gumalaw ang kamay ko at sinalo iyon ng hindi nagmumulat.Nagmulat ako at tinignan ang palaso na hawak k

  • Possessed by the Demon King [Tagalog]   Kabanata 8

    Masaya ako habang naglalakad kasama si Mar. Hindi man siya gaanong ngumingiti pero alam kong hindi siya ganong kasamang tao.Nang magtama ang tingin naming dalawa ay bigla siya ngumiti, kaya naman sinuklian ko ang ngiti niyang iyon."Ano pala ginagawa mo dito?" tanong niya."Aandito ako para pumatay ng mga demon. May kasama ako, gusto mo ipakilala kita?""Hanggang ngayon yan parin ang ginagawa mo." saad niya pero mahina na parang bulong lang."Ha? Ginagawa ko? Ibig mong sabihin ay ang trabaho kong manghuli ng mga demon? Masasama sila kaya ko ginagawa iyon.""Pero hindi lahat masasama."Tumango-tango ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sumang-ayon sa sinabi niya. Pero totoo naman.Kung saan-saan ako tumitingin kaya hindi ko napansin ang isang lumilipad na walis sa likod ko na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status