Share

Plenitude of the Soul
Plenitude of the Soul
Author: reyvonn

Prologue

Author: reyvonn
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Hey, babe,” bungad ko. Muli akong sumandal sa couch at pumikit.

“Hey, what’s up? Nakauwi ka na ba? Hindi ka sumasagot kanina,” his voice was deep and cold as usual.

“Hmm. I just got home. I’m sorry. Pagod lang. Where are you?”

“Papunta ako sainyo. I bought you tteokbokki and gimbap. Syempre hindi ko pwedeng kalimutan ang persian pavlova.” Ramdam ko ang ngiti niya sakaniyang tono.

I can’t help but smile. God, he’s really the best.

“Really?” Malambing kong sinabi.

“Of course. Wait for me, babe. Malapit na ako. I think ten minutes?”

“Okay.”

“Alright. I love you,” marahan niyang sinabi.

“I love you too.”

Pagkatapos ng tawag ay nanatili lamang ako sa couch hanggang sa dumating siya. Wearing a black polo shirt and dark denim jeans, he looked really handsome.

His hair is the colour of sun-bleached wood. Davien De Loughrey is the man of my dreams. Sa loob ng isang taon naming relasyon, wala siyang pinaramdam sa akin kundi pagmamahal. I’m sure that he’s the one that I’m gonna marry someday.

Our families is in the same industry of business. Real estate company. They own the De Luxrey. While we own the La Domus. Our core businesses are in strategic landbank management, residential development, shopping centers, corporate businesses, and hotels & resorts. It also focusing on high-rise and mid-rise residential condominium and mixed-use developments.

“I can talk to Tito Lavino if you want. I’ll try to convince him. Baka mapakiusapan ko. Hell! I won’t let you stay in that place. Paano na tayo niyon, Talianna? We won’t see each other that much. Hindi ako papayag sa ganoon!” Dinig ko ang frustration sakaniyang tono.

Kinagat ko ang labi ko at binaba ang chopstick.

“Davien.”

Tumayo siya at agresibong hinaplos ang kaniyang buhok.

“Talianna, please. Huwag kang papayag sa gusto ng daddy mo. Promise me.” Muli siyang umupo at hinawakan ang kamay ko. Kitang-kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata.

“Ayaw ko ng ganoon. Ang layo ng Belleza Eterna sa Manila!”

Pinisil ko ang kaniyang kamay at sinubukang ngumiti. Kinukurot ang puso kong makita siyang ganito.

“Don’t worry. I’ll talk to him. Ako nang bahala. Ayoko rin naman tumira roon. I hate that place, Davien. Alam mo iyon.” I sighed. “Hindi naman ako matitiis ni Dad. Sigurado ako na lalambot din iyon sa akin.”

Ngumiti ako nang matanaw ko si Daddy sa kabisera ng dining area. I kissed his cheek and greeted him.

“Good morning, Dad,” I said cheerfully bago maupo.

“Good morning, princess,” he greeted back and smiled at me.

Tinantsa ko muna kung maganda ba ang kaniyang gising. He sipped from his coffee while reading some documents. Ngumuso ako. Pasimple ko siyang pinapanood habang naglalagay ng cream cheese sa bagel. Graduation na namin sa susunod na linggo. I wonder if he already bought the gift for me? Noon ko pa hinihiling sakaniya iyon.

“Graduation ko na po next week, Dad. You’re coming, right?” Masigla kong sinabi bago kumagat sa bagel.

Binaba niya ang binabasang dokumento at kunot-noo akong tinignan. He fixed his eyeglasses before nodding his head.

“Yeah. Of course. Eat your breakfast now. I’m reading some important documents. There’s something wrong that I cannot identify,” aniya habang pinapasadahan ng tingin ang mga papel. Ngumiti lamang ako dahil hindi ko naman naiintindihan ang mga bagay tungkol sa kompanya.

“Okay.” Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Naging tahimik na ang mahabang mesa. Kunot ang noo ng aking ama habang tutok sa mga binabasa. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sariling magtanong sa kung ano ang nangyayari sa kompanya. I’m just a kid. Siguradong hindi ko naman iyon maiintindihan.

“Dad.” Subok ko pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

“Hmmm?” Tugon niya nang hindi ako nililingon.

“What’s your gift for me?” Wika ko habang malapad na nakangiti.

“Gift?” Aniya at mukhang lutang pa rin ang utak sa dokumento.

“Yes. Gift. Ano, Dad? Do I have to learn how to drive na ba?” I giggled.

Isang beses niya akong sinulyapan. “I’m not gonna buy that Acura, Talianna. Hindi mo naman iyon magagamit sa Belleza Eterna. Ano? Imamaneho mo sa karagatan? And you’re not 18 yet.” Mariin at malamig niyang sinabi.

“Dad!” Nalaglag ang panga ko. Umasa ako! How could he be this so cruel! Siya mismo ang nagsabi na kapag nag-graduate na ako ng senior high, he will buy anything that I want! Hindi importante kung nasa honor o wala! At talagang dinidiin niya sa akin na titira nga ako sa islang iyon!

“Talianna, can you stop it? Huwag ka munang sumabay. Stop being so childish.”

“But, Dad! You just broke my heart! Umasa akong bibilhin mo iyon for me! Don’t you love me anymore?”

Pumikit siya nang mariin at hinilot ang kaniyang sentido. Uminit ang sulok ng mga mata ko. I really hate it when he does that! Na para bang isa lang akong malaking problema para sakaniya. Na para bang hirap na hirap siya sa akin.

“My goodness, Talianna! Diyan ka lang ba talaga magaling? Sa paglulustay ng pera? Do you think palalagpasin ko ang ginawa mo kahapon? Nagsunog ka ng isang daang libo para sa mga damit at sapatos! Hindi ba’t noong nakaraang araw lang ay nag-shopping ka na naman?! Ano bang gusto mong gawin sa buhay, anak?” Dinig ko ang pagtitimpi niya sakaniyang tono.

I swallowed hard. Humapdi ang lalamunan ko. Kitang-kita ko ang pagkakatigil ng ilang mga kasambahay na nasa dining area dahil sa nangyayari.

“Hindi ka talaga kailanman matututo. Pagkatapos ng graduation mo, tutulak ka na patungong Belleza Eterna.” His voice was filled with finality. I remained silent when he stood up, leaving me in the dining area.

Dinurog ko ang bagel gamit ang tinidor at bread knife. Doon ko binuhos ang lahat ng sama ng loob ko.

“Talianna, kumain ka na riyan. Hayaan mo muna ang daddy mo. Ikaw naman kasi.” Madramang sinabi ni Manang Fely sa gilid.

“What?” I said lazily.

“Gastadora ka masyado kay bata bata mo. Hindi mo pa alam ang halaga ng pera ngayon dahil hindi ka pa nagtra-trabaho. Sa oras na ikaw na ang namamahala sa kompanya niyo, maiintindihan mo si Sir Lavino kung bakit madalas ka niyang pagsabihan pagdating sa pag-gasta. Pinaghihirapan ng ama mo ang pera, Talianna.”

Binatawan ko ang kubyertos at nagbuga ng hangin.

“Of course, I know that! But I’m his only daughter, Manang Fely! Sino pa ba ang dapat makinabang sa pera kung hindi ako lang din naman? Hindi ko naman ginagastos ang pera sa pagdro-droga. O sa kung anumang bisyo. Shopping lang iyon! You can even consider it as an investment kaya.” I rolled my eyes.

“Sus! Iyang mga mata mo, Talianna. Hugutin ko iyang mga iyan,” she threatened but I just rolled my eyes again at her.

I can’t believe my dad was serious when he said that after my graduation, we’re going straight to Belleza Eterna. Sakay ang aming chopper, dalawang oras ang lipad namin at tiyak na aabutin ng walong oras kung by land ang naging biyahe.

And here I am now! Tinatanaw ang loob ng mansyon namin sa Belleza Eterna. It’s been two years already since the last time I went here. Our mansion is located on top of a hill. Dito lumaki si Daddy at pinagpapasalamat ko na hindi ako lumaki rito. I can’t just imagine what kind of childhood I could have possibly made in here. Surely, napaka boring at walang kwenta ang childhood ko kung nagkataon.

Hinayaan kong i-akyat ng mga kasambahay ang dalawang maleta ko. Hindi ko naman pwedeng dalhin ang buong walk-in closet ko dahil aabutin kami ng ilang araw bago ko maimpake ang lahat. Pero kung dito nga ako titira, na talaga namang kumpirmado na ng aking ama, tingin ko ay kailangan kong ilipat lahat ang gamit ko rito.

Alas singko ng hapon kami nakarating. Papalubog na ang araw at malamig ang haplos ng hangin sa aking balat. Inaatake ang ilong ko ng amoy ng tubig-alat. Naglakad-lakad ako sa dalampasigan habang pinapanood ang ilang mga batang naghahabulan. May ilang mga mangingisda ang abala sakani-kanilang mga batsa at timba.

I wonder how they fish? Mukhang mahirap iyon.

Tinatangay ng mabining hangin ang suot kong asul na maxi dress maging ang aking mahabang buhok. Inipon ko sa kabilang balikat ang buhok ko upang mapigilan ito sa pagsabog. Pinanood ko ang aking mga paa na lumubog sa mapinong buhangin. It felt so soft against my feet. I felt the seaside sand scratching under my feet and the water touching me tenderly. Binitbit ko na lang ang aking sapatos dahil hindi ako naging kumportable sa paglalakad habang suot ang mga iyon kanina.

Nahagip ng tingin ko ang isang lalaking nag-aayos ng kaniyang bangka sa hindi kalayuan. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero nakikita kong may batsa siyang nilalapag sa buhangin. Binilisan ko ang mga hakbang ko patungo sakaniya.

Habang palapit ako, mas lalo kong nakikita kung gaano siya katangkad. He was well-built but not like a bodybuilder’s body. His skin was tanned, probably because of fishing. O ganito talaga ang kaniyang kulay. He was wearing a white shirt and black jersey shorts. Bawat hibla ng kaniyang buhok ay sinasayaw ng hangin. Abala pa rin siya sa ginagawa at mukhang hindi napapansin ang tangka kong paglapit.

Isang beses siyang lumingon sa akin nang ilang dipa na lamang ang layo ko sakaniya. Mabilis lang ang naging pagsulyap niya bago muling bumalik sa ginagawa.

“Hi! Do you mind if I look at your fish?” I smiled at him kahit hindi niya pa ako tinitignan.

“Sige lang,” his voice was cold.

I bit my lower lip.

“Araw-araw ba kayo nangingisda? I would love to try it. Pwede ba akong sumama kahit isang beses lang?” Wika ko kaya napabaling siya sa akin.

Nagsalubong ang kaniyang kilay. His tight jaw was an angular shape. I was taken aback for a moment when I saw his eyes. They were… green.

“Maaga kaming pumapalaot, miss. At hindi ka pwedeng basta sumama na lang sa amin,” he replied as if I was crazy to say that.

“I will pay you naman. Isang beses lang. I’m just curious kung paano niyo ginagawa.” I shrugged. Tinanaw ko ang mga isda sa batsa at timba bago muli siyang binalingan. Kitang-kita ko ang pagbaba ng kaniyang tingin sa hawak ko.

“Hindi pwede, miss. Pasensiya na. Siguradong hindi ka matutuwa sa pangingisda. Tsaka pwedeng pakisuot ang sapatos mo,” mariin at malamig ang kaniyang boses.

Nag-angat ako ng tingin sakaniya. Nagpatuloy siya sa pagbaba ng mga batsa.

“Nahihirapan akong maglakad kapag suot ko ito.”

Hindi niya ako pinansin kaya nagkibit-balikat na lamang ako.

“Okay. Kung ayaw mo, sa iba nalang ako sasama na mangisda.” I rolled my eyes before I turned my back on him.

I looked at him again over my shoulder. Nahuli kong nakakunot ang noo niya habang pinapanood akong papalayo. I rolled my eyes again.

Related chapters

  • Plenitude of the Soul   Chapter 1

    Paggising ko pa lang ay nilista ko na sa utak ko ang mga pwede kong gawin ngayong araw dito sa Belleza Eterna. Dalawang linggo na akong nandito pero wala pa rin akong makabuluhan na pinagkaka-abalahan. Kung hindi man matulog, kumain, kausapin ang boyfriend ko through video call, mag-work out, wala na akong iba pang pwedeng gawin. Ni maglakad sa tabing-dagat ay hindi ko gustong gawin. Dito lang ako palagi sa mansion. Lumangoy sa dagat? Maglayag papuntang kabilang isla? Naisip ko na baka pwede ko naman bisitahin ang isla na nabili ni Dad. But how will I get there? May mga bangkero naman siguro na pwede akong ihatid doon? Hindi muna siguro sa ngayon. Mabuti na lang at maganda ang disenyo ng mansiyon. Kahit papaano ay nakakakita pa rin ako ng magandang tanawin. Our mansion was substantial and modern stylish. The windows were high ground-floor and well lighted. The roof was rectangular flat. There was also a huge and open-air swimming pool. Around the pool was a grassy ar

  • Plenitude of the Soul   Chapter 2

    Nasa kalagitnaan ako ng mabigat na eksena nang may pumukaw ng atensiyon ko. Manang Fely showed up with this unfamiliar girl beside her. The first thing I noticed about her was her tanned skin. I suddenly felt insecure again. I badly want a skin tone like hers. Iyong tulad rin ng kay Vicky! Iyong tulad ng mga nandito sa Belleza Eterna! I feel so out of place because of my white skin. Para akong naligaw lang! Well, totoo namang naligaw lang ako rito. Niligaw lang ako ng tatay ko. "Talianna, may bago tayong kasambahay," anunsiyo ni Manang Fely. Umayos ako ng upo at ngumiti sa dalaga. She was wearing a simple white shirt tucked in her high-waisted jeans. She has a straight jet black hair. Her smile made her more beautiful. She was tall, taller than me. I stood up and I smiled at her. She looked friendly. "Magandang umaga po, Ma'am. Ako po si Blair. Taga-riyan lang din ako. May sakit po si Nanay kaya ako po ang papalit sakaniy

  • Plenitude of the Soul   Chapter 3

    "Nami-miss ko na ngang mag-beach. Buti ka pa nandiyan." Ngumuso si Vicky. We've been talking for almost two hours. Pagkatapos kong mag-almusal ay tinawagan ko siya. I envy her! She's in Alaska now! Doon siya nag-summer vacation with her family. I could see from the screen that she was wearing a pink coat and white scarf. Habang ako nandito, napapalibutan ng karagatan, suot ang isang silk night gown. Isang nakakainip na araw na naman. Mamayang alas singko ng hapon pa lang naman ang "tour" ko with that fisherman named Nabrel. I admit it. I'm quite excited. Nakapaglibot na ako rito sa Belleza Eterna noong bakasyon namin dito pero siyempre, matagal-tagal na rin iyon. "Kung pwede lang magpalit tayo. Ako riyan sa Alaska. Ikaw dito sa dagat na ito." Inirapan ko ang dagat na nagsisilbing tanawin mula rito sa aking balkonahe. "I would love that. Ayaw ko rin namang sumama rito. Kaso syempre si Dad." She sighed. She fixed her thick eyeglass

  • Plenitude of the Soul   Chapter 4

    Nakahalukipkip ako sa gilid habang hinihintay ang pag-aayos ni Nabrel sa bangka na aming sasakyan patungo sa isla namin. Wearing a deep sky blue flowy maxi dress with my white large brim fedora and Toga Pulla white sandals, I looked like a tourist here in Belleza Eterna. Dala ko ang cellphone at camera ko. Magvi-video call kami ni Davien mamaya upang ipakita sakaniya ang mga magagandang lugar na pupuntahan namin. I'm sure he'll be happy to see it. May mga dumadaan na bumabati sakaniya at tinatanguan niya ang mga iyon. Ang ilan ay kinakausap niya at nakikipagtawanan pa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napairap. Para siyang kumakandidato dahil sa rami ng mga nakakapansin at nakakakilala sakaniya. "Uy! Bebot! Mukhang amerikana, pare." Dinig kong boses sa gilid. "Tawagin mo. Laki ng sumbrero, ah. 'Di kaya liparin iyan?" "Turista siguro iyan. Baka inglisera!" "Nabrel! Kilala mo?" Nilingon ko ang dalawang madudungis na lalaki. I

  • Plenitude of the Soul   Chapter 5

    Tanging ang tunog ng makina ng bangka ang maririnig. Si Nabrel ay nakaupo sa dulo ng bangka, nakatalikod sa akin. Ako naman ay abala sa pagkuha ng magagandang larawan gamit ang camera. Belleza Eterna is indeed a beautiful place. Its beauty is undeniable and eternal. It is easy for everyone to find peace and beauty on this place. The alluring beauty of it highlighted more by the seawater that encircling it which can fascinate connoisseurs with its very bright crystal clear water and well developed barrier reefs. I could see the slender and straight palm trees, forest overgrown hills. Rogue waves crashing against the rocks created its breathtaking beauty. The infinite ocean that seems to blend with the horizon is very engrossing. Nabrel is very lucky to live in this kind of beautiful place. He must be really proud of this. Pinindot ko ang camera habang nakatutok iyon sakaniyang direksiyon. The view was his back and the ocean. N

  • Plenitude of the Soul   Chapter 6

    Hanggang sa makabalik kami sa dalampasigan ay iritado pa rin ako. Lumubog na ang araw ngunit may liwanag pa rin. Nauna siyang bumaba sa bangka at ako naman ay nanatiling nakaupo, nakahalukipkip at matalim ang tingin sakaniya. He offered his hand but I refused it. "Don't touch me!" Agresibo akong umiwas. Nagbuga siya ng hangin at binaba ang kaniyang kamay. Hinaplos niya ang buhok niya, tila nafru-frustrate na sa nangyayari. "Talianna, bumaba ka na," mariin niyang sinabi. Patuloy akong nagmatigas. Gusto kong mapikon siya sa akin. Gusto kong makita kung paano mapikon ang isang Nabrel Trenuver. Hindi pwedeng palaging ako na lang ang talo rito! "Hindi ako bababa rito hangga't hindi ko nakikita ang sunglasses ko! You have to find it. Kapag hindi mo nahanap, you will have to pay for it!" Nalaglag ang kaniyang panga. "Ano? Binato mo sa gitna ng karagatan, Talianna. Umaasa ka pang makikita mo iyon?" Aniya s

  • Plenitude of the Soul   Chapter 7

    My dad will be gone for two weeks. Nagising ako kanina dahil sa tawag niya. Wala naman pagbabago kung narito man siya o wala. Palaging trabaho lang ang kaniyang kaharap. Mga papeles at ang kaniyang laptop. Last time, I asked him to swim with me sa pool para naman kahit papaano ay makapagpahinga mula sa trabaho ngunit tumanggi lang siya. Mas gugustuhin niya pang mangisda! It was Wednesday morning. Napagdesisyunan kong magbabad sa pool. Magbabad lang, hindi lumangoy. Kanina ay naisip kong sa dagat na lang maligo ngunit nagbago ang isip ko. Dito na lang sa pool tutal ay magbababad lang naman. "Manang, please prepare me a fresh apple juice? Sa pool lang po ako," bilin ko kay Manang Lusing na naabutan kong palakad-lakad sa living room. "Iyon lang ba, Ma'am?" Aniya na tinanguan ko. I was wearing an olive green two piece swimsuit. Pinatungan ko ito ng black lace cover up. Sa dining area ako dumaan dahil mas malapit doon ang pool area. Pagbukas mo ng sl

  • Plenitude of the Soul   Chapter 8

    Umalis din si Nabrel nang matapos ang kaniyang trabaho sa hardin. Pinaabot ko kay Manang Fely ang damit at shorts sakaniya. Bumaba ako upang puntahan sana si Nabrel ngunit nakaalis na raw. "O-Okay. Iyong uhm, bayad. Hindi niya kinuha," wika ko sa maliit na boses. "Ahh. Wala naman siyang nabanggit na may kukunin siyang bayad sa 'yo. Tsaka nagmamadali. May trabaho pa kasi siya," si Manang Lusing. Kinagat ko ang labi ko at tipid na tumango. Nang mag-lunch time, nasa balkonahe lang ako at kausap si Davien. "Ilang araw ka mags-stay dito? HmmMga one month?" Ngumuso ako. He laughed. "Silly. I can't stay for that long, babe. Nakiusap lang ako kay Dad. I'm gonna stay there for three days. How's that sound?" "Three days lang? Babe! Sobrang bilis niyon! Hindi mo man lang pinaabot ng isang linggo." Dismayado ang boses ko. "Don't worry. May susunod pa naman." Kumunot ang noo ko nang may mari

Latest chapter

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 10

    Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 9

    "Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 8

    "Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 7

    Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 6

    Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 5

    "Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 4

    Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 3

    May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 2

    Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong

DMCA.com Protection Status