My dad will be gone for two weeks. Nagising ako kanina dahil sa tawag niya. Wala naman pagbabago kung narito man siya o wala. Palaging trabaho lang ang kaniyang kaharap. Mga papeles at ang kaniyang laptop. Last time, I asked him to swim with me sa pool para naman kahit papaano ay makapagpahinga mula sa trabaho ngunit tumanggi lang siya. Mas gugustuhin niya pang mangisda!
It was Wednesday morning. Napagdesisyunan kong magbabad sa pool. Magbabad lang, hindi lumangoy. Kanina ay naisip kong sa dagat na lang maligo ngunit nagbago ang isip ko. Dito na lang sa pool tutal ay magbababad lang naman.
"Manang, please prepare me a fresh apple juice? Sa pool lang po ako," bilin ko kay Manang Lusing na naabutan kong palakad-lakad sa living room.
"Iyon lang ba, Ma'am?" Aniya na tinanguan ko.
I was wearing an olive green two piece swimsuit. Pinatungan ko ito ng black lace cover up. Sa dining area ako dumaan dahil mas malapit doon ang pool area. Pagbukas mo ng sliding door, nandoon na.
Pinatong ko ang aking cover up sa sun lounger bago magtungo sa pool. Inuna kong ibabad ang mga paa ko. Dinamdam ko muna ang tubig at dahan-dahang nilubog ang katawan. Sinubukan kong lumangoy. Ginalaw ang mga paa at kamay. I'm not even sure kung tama ba ang ginagawa ko. I'm trying!
Akala ko ay kahit papaano nakalayo ako sa pwesto ko kanina ngunit nang tignan ko, ni hindi man ako nakaalis! Habol ko pa ang aking hininga at napailing na lang sa sarili habang natatawa.
Hindi ako lumayo sa kabilang parte ng pool dahil malalim na sa parteng iyon. Dito lang ako sa limang talampakan. Paulit-ulit kong sinubukan ang sariling lumangoy ngunit hindi ko nagugustuhan ang resulta. Hinampas ko ang tubig sa sobrang irita.
"Why can't I do it?!" Nanggigigil kong sinabi.
Iritado kong hinilamos ang aking mukha upang tanggalin ang tubig. Napalingon ako kay Manang Lusing na may bitbit na baso. Binalewala ko siya at muling sinubukang lumangoy. Sinubukan ko pa ang back float ngunit nasinghot ko lang ang tubig nang lumubog ako. Mabilis kong inahon ang aking ulo. Agresibo ang bawat pag-ubo ko. Why am I even trying?
"Ma'am! Jusko! Fely! Si Ma'am! Nalulunod!" Dinig kong natatarantang sigaw ni Manang Lusing. Nagtatatalon na siya at sapo ang kaniyang dibdib.
I glared at her while coughing. I'm not drowning! Nasinghot ko lang ang tubig! Umahon na ako sa pool upang makita niyang ayos lang ako. Mabilis akong nilapitan ni Manang Lusing at inabutan ako ng puting tuwalya.
"Lusing! Ano ka ba! Jusko! Ninenerbyusan ako sa'yo!" Dumating si Manang Fely at bakas din sakaniya ang takot at pag-aalala. Nagtungo siya sa akin at sinuri ako.
"Ayos lang po kayo, Ma'am? Dapat hindi kayo lumalangoy nang walang kasama," pangaral sa akin ni Manang Lusing habang kinukusot ko ang aking buhok.
"I'm fine, Manang. Hindi ako nalunod. Stop worrying. Pumasok na kayo roon," wika ko at naglakad patungo sa sun lounger at naupo. Kinuha ko ang apple juice sa gilid.
"Akala ko kasi nalulunod! Ang tindi ng ubo mo, eh," si Manang Lusing.
"Gusto mo bang tawagin ko si Nabrel para maturuan ka niyang lumangoy? Nasa hardin, nagtatanggal ng damo."
Nag-angat ako ng tingin kay Manang Fely. Ngumuso ako at bahagyang nag-isip.
"He's here?" May diin sa tono ko bago nilapag ang juice sa gilid.
Bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin? Nasa hardin lang pala! Nakaramdam ako ng iritasyon. Siya pa mismo ang nagsabi kagabi na ituloy namin ang pagpunta sa isla ni Dad! Pero ni hindi man lang magpakita!
"Oo. Teka lang. Pero baka hindi pa siya tapos sa ginagawa."
"Tapos man o hindi, he needs to be here. Sabihin niyo sakaniya iyan." Tumayo na ako at nagtungo sa pool. Nagbabad muli ako habang hinihintay ang pagdating ni Nabrel. Mayamaya lang ay natanaw ko na siyang lumabas mula sa sliding doors.
Kunot ang kaniyang noo, tila ba wala sa mood. I rolled my eyes and turned my back on him. Palakad-lakad lang ako sa pool habang bahagyang hinahampas ang mga kamay.
"Bakit mo ako pinatawag, Senyorita? Marami pang damong naghihintay sa akin," bungad niya sa malamig na boses kaya ako napalingon.
Suot niya ang isang berdeng t-shirt. The same color of my swimsuit. Ngumuso ako upang pigilan ang pagngiti.
Nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid ng pool.
"I want to learn how to swim at tuturuan mo ako. And don't worry, I'm gonna pay you." Matamis akong ngumiti dahil hindi ko na talaga mapigilan. Habang tinatanaw ko ang damit niya, ramdam ko ang kung ano sa tiyan ko.
Umawang ang kaniyang labi. He licked his lips before nodding.
"Walang problema," seryoso niyang sinabi.
"Then come here! Ano pang tinatayo-tayo mo riyan?" Malakas kong hinampas ang tubig upang umabot sakaniya. Pumalatak siya at lumayo nang bahagya. I giggled.
"Wala akong dalang extrang damit, Talianna. Biglaan ang desisyon mo," aniya.
"I'll give you clothes! May mga damit dito sa Dad. Halika na, Nabrel!" I said stubbornly.
Hinaplos niya ang kaniyang buhok at kitang-kita ko ang pagbagsak ng kaniyang dibdib dahil sa pagbuga ng hangin.
Tumalikod siya at sa isang galaw, hinubad niya mula sakaniyang likod ang kaniyang t-shirt. Uminit ang pisngi ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko nang makita ang kaniyang hubad na likod. His back broadened with muscle layers and his neck appeared wider at the base. He was like a seasoned warrior. Damn this fisherman!
I gritted my teeth in annoyance.
Nilapag niya ang kaniyang damit sa sun lounger pagkatapos ay naglakad na patungo sa pool. Tanging ang kaniyang black shorts na lang ang suot. Umupo lang siya sa gilid ng pool habang ang mga paa ay nakababad sa tubig. Tinukod niya ang mga kamay sa kaniyang magkabilang gilid bilang suporta at magarbo akong tinitigan.
His fucking broad chest was greeting me. He smirked at me.
Matalim ko siyang tinitigan. "Anong ginagawa mo riyan? Ang sabi ko, turuan mo akong lumangoy! Hindi ang maupo lang at panoorin ako," iritado kong sinabi upang pagtakpan ang pagkamangha sakaniyang katawan.
He bit his lower lip and raised an eyebrow. "Gusto mong turuan kita ng ganiyan lang ang suot mo? Nananadya ka ba?" Nanliit ang kaniyang mga mata.
"And what about it? Problema mo sa suot ko?" Maarte kong sinabi. Ang tubig sa parteng ito ay umaabot lang hanggang sa aking dibdib.
Ngumuso siya at ilang sandali akong seryosong tinitigan bago tuluyang bumagsak sa pool.
Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na paghinga. Napakurap ako nang matantong palapit siya sa akin. Huminto siya nang halos magkalapit na kami. Hindi ko magawang humakbang paatras.
"Anong gusto mong una nating gawin?" Ang boses niya ay tila walang lakas.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
"I-I don't know. Ikaw ang maalam dito." I unconsciously bit my lip.
"Doon muna tayo sa pinakamadali at simpleng paglangoy, Talianna."
I looked at him and creased my forehead. "Hindi ko nga alam kung paano."
Nagbuga siya ng hangin at umiling.
"Kaya nga kita tuturuan. Kaya nga ako narito."
"And how will you teach me?" Nag-taas ako ng kilay.
"Tss. Hindi ba't ikaw ang nagsabing turuan kita? Bakit parang nagdududa ka?"
Umirap ako. "Huwag na huwag mo 'kong susubukang lunurin, Nabrel. I'm telling you! Tsaka huwag kang mag-alala. Hindi masasayang ang oras mo dahil babayaran kita. Kahit magkano pa."
"Salamat sa kabayaran kung ganoon. Magsimula na tayo," aniya sa tonong sarkastiko.
"Fine! You're so annoying talaga, Nabrel!" Hinampas ko sakaniya ang tubig. Pumikit siya nang mariin at hinilamos ang kaniyang mukha. I bit my lip to suppress my laugh.
"Huwag ka nang magulo, Talianna," aniya nang sunud-sunod ko siyang hinampas ng tubig. Mukhang napipikon na dahil paulit-ulit siyang pumapalatak. Hindi siya gumaganti kaya mas natutuwa ako.
"Okay! I'll stop! Hindi ka naman kasi kumikilos!" I giggled.
Pinakita niya sa akin ang tamang paggalaw ng mga kamay at paa. Matiyaga siyang nagpapaliwanag ng bawat detalye. Tumatango lang ako sakaniya kahit ang totoo ay wala akong maintindihan. I was just looking at him. Ang buhok niyang basang-basa na. Sa bawat haplos niya roon, tumatalsik ang tubig. Ang tubig sakaniyang buhok ay madramang rumaragasa pababa sakaniyang panga at dibdib.
"Gawin mo ngayon ang sinabi ko," mariin niyang utos.
I rolled my eyes. "Ayoko na, Nabrel. Nakakapagod pala."
Nalaglag ang panga niya.
"Nanonood ka lang, Talianna. Anong nakakapagod doon? Akala ko ba gusto mong matuto?"
"Sa nakikita ko sa'yo, nakakapagod. At ayokong mapagod, Nabrel. Iba nalang." Ngumuso ako.
Pumikit siya nang mariin na tila ba hirap na hirap na sa akin.
Kinagat ko ang aking labi. He looked frustrated now. Gustung-gusto ko talaga kapag naiirita na siya sa akin.
"Anong gusto mong gawin, kung ganoon? Hindi pa tapos ang trabaho ko sa hardin, Talianna."
"I want to try it pero kailangan i-guide mo ako," malamig kong sinabi.
"Walang problema," aniya habang mariin akong tinitignan.
I smiled at him. Naglakad ako palapit sakaniya. Kumunot ang kaniyang noo, tila nagtataka sa aking paglapit.
Mabilis kong pinulupot ang aking mga braso sakaniyang leeg. Naramdaman kong siya'y natigilan. Mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay nang tingalain ko siya.
"Anong ginagawa mo, Talianna?" Mariin at mahina ang kaniyang boses.
His hair was midnight black. His green eyes were framed by graceful brows. My heart beats faster than its design specs should allow.
"You're gonna do a back float while I'm on top of you. So you can guide me," I whispered.
Matalim ang kaniyang mga mata sa akin. Nanginig ang aking tuhod nang pumulupot ang kaniyang mga braso sa aking baywang at biglang binagssk ang likod sa tubig.
"Nabrel!" Hinampas ko ang kaniyang dibdib habang siya'y walang kahirap-hirap na nagba-back bloat habang ako'y nasa kaniyang itaas.
"Ideya mo ito, 'di ba?" Bulong niya. Ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking tainga. Ang isang braso niya ay nasa aking baywang at ang isa naman ay siyang ginagamit niya upang makausad kami sa tubig.
Ramdam na ramdam ko ang kaniyang katawan sa akin. A bit hard and soft. Uminit nang husto ang aking pisngi. I felt like I'm gonna lost my consciousness any minute now. May kung anong mga nagkakagulo sa tiyan ko. My stomach was bubbling as I could feel the inside of it being tickled. Those weren't butterflies. I'm sure of it. Hindi kayang gawin ito ng mga paru-paro. Mas higit pa roon ang nararamdaman ko.
Hindi ko maintindihan ngunit... gusto ko ang pakiramdam na iyon.
"Paano ka matututo kung ako lang ang gumagalaw dito? Gusto mo lang bang makalapit sa'kin, Talianna? Ganoon ba?" Napapaos ang kaniyang boses.
Nanlaki ang mga mata ko at muling hinampas ang kaniyang dibdib. Pumikit siya ngunit nakangisi.
"Ang kapal mo," mahina kong sinabi at kinagat ang aking labi.
"Masarap ba akong yakapin, Talianna?" Bulong niya sa akin.
"No," sagot ko sa maliit na tono.
But... honestly. I like the feeling of his skin against mine. I felt comfortable. I felt at peace. Is that even possible? Oh god... am I cheating on my boyfriend? Sa isipang iyon, tila doon lang ako nagbalik sa reyalidad.
"N-Nabrel, let me go. Ayaw ko na," sambit ko at bumitaw sakaniyang leeg ngunit nanatili ang kaniyang braso sa akin. Nilingon ko siya at nahuli ang pagkunot ng kaniyang noo. Tumuwid siya at tumigil sa paglangoy. Napakapit muli ako sakaniyang leeg nang hindi ko naramdaman ang tiles! Shit! Bumilis ang paghinga ko dahil sa kaba.
Napansin ko na nakarating na kami sa malalim na parte ng pool. Nanatili lamang ang mga braso ko sa leeg niya. Naisip ko na baka bigla niya nalang akong bitawan dito at hayaang malunod. Siraulo 'to, e!
"Nabrel! Ibalik mo na ako roon sa mababaw na parte!" Tumaas na ang tono ko.
He lazily rolled his eyes. "Mamaya na," balewala niyang sinabi at mabagal na lumangoy. Mas lalo akong kumapit sa leeg niya. Halos bugahan ko na siya ng apoy ngayon.
"Nabrel!" Sigaw ko at hinila ang kaniyang buhok gamit ang isang kamay.
Humalakhak siya at mas lalo lang akong nairita. Matalim ko siyang tinignan. Kinagat niya ang kaniyang labi habang ang kaniyang berdeng mga mata ay namumungay na nakatitig sa akin.
"May boyfriend ka, Talianna?" He whispered suddenly.
Umawang ang labi ko dahil sakaniyang tanong. Napakurap ako at sinubukang pakalmahin ang sarili.
"Y-Yes."
"Bakit?"
Kinunotan ko siya ng noo. "Anong bakit?" Medyo iritado ang naging tono ko.
"Wala lang. Iniisip ko lang kung paano ka niya natitiis. E, napakaarte at napakataray mo," he whispered huskily.
Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko nang naramdaman ko ang kaniyang haplos sa batok ko. Inayos niya ang aking buhok. Kitang-kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking leeg. Umigting ang kaniyang panga bago nag-iwas ng tingin.
"Umahon na tayo," malamig niyang sinabi.
Umalis din si Nabrel nang matapos ang kaniyang trabaho sa hardin. Pinaabot ko kay Manang Fely ang damit at shorts sakaniya. Bumaba ako upang puntahan sana si Nabrel ngunit nakaalis na raw. "O-Okay. Iyong uhm, bayad. Hindi niya kinuha," wika ko sa maliit na boses. "Ahh. Wala naman siyang nabanggit na may kukunin siyang bayad sa 'yo. Tsaka nagmamadali. May trabaho pa kasi siya," si Manang Lusing. Kinagat ko ang labi ko at tipid na tumango. Nang mag-lunch time, nasa balkonahe lang ako at kausap si Davien. "Ilang araw ka mags-stay dito? HmmMga one month?" Ngumuso ako. He laughed. "Silly. I can't stay for that long, babe. Nakiusap lang ako kay Dad. I'm gonna stay there for three days. How's that sound?" "Three days lang? Babe! Sobrang bilis niyon! Hindi mo man lang pinaabot ng isang linggo." Dismayado ang boses ko. "Don't worry. May susunod pa naman." Kumunot ang noo ko nang may mari
"Are you out of your mind, Taliyah Lavianna?!" Gulantang na sigaw ni Vicky nang isa-isahin ko sakaniya ang nangyari. Nag-usap kami ni Davien. And... I gave him another chance. I love him. I think that's enough reason for me to forgive him. Being in a relationship with him for a year now is quite long. He flew all the way from Manila upang kausapin lang ako. Napaaga ang dating niya rito dahil sa nangyari. Nasa guestroom ngayon si Davien at marahil ay tulog pa. It's still 5 am. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina, hindi ko na magawang matulog ulit. "Vicky, why can't you just be happy for me? You know how much I love him. Everyone deserves a second chance." I sighed and brushed my hair with my fingers. Maging ako man ay napangiwi sa huling sinabi. "Gasgas na ang linyang iyan, Talianna. Tanga ka lang talaga!" Nanlaki ang mga mata ko sakaniyang paratang. She doesn't usually talk like this not unless sagad na ang kaniyang pasensiy
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita sa tabi ko si Davien. Seryoso lamang siyang nakatingin sa aming harapan, kay Nabrel. "What are you doing here, babe? Who's this guy you're talking to?" Malamig ang kaniyang boses. He kissed my hair. Humigpit ang kaniyang braso sa akin. Nilingon ko si Nabrel. Umigting ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin. Bumuka ang aking bibig ngunit nag-iwas na siya ng tingin. Sumikip ang aking dibdib. There was something in my heart. Something strange and heavy. I felt like it was being squeezed. I swallowed the lump in my throat. Pinanood ko siyang tahimik na inaangat ang mga balde, hindi na lumingon pa sa akin. Pumikit ako nang mariin at inalis ang braso ni Davien sa aking baywang. I tried to smile at him. Nakakunot lamang ang kaniyang noo. I noticed that he was wearing a white button down shirt and khaki shorts. Baklas ang tatlong butones niyon. Nasa ulo niya ang kaniyang aviators.&nb
Tumawag nga si Nabrel pasado alas diyes na ng gabi. Iyon daw ang eksaktong labas niya mula sakaniyang trabaho. And I can't believe I really waited for him to call me. Ni hindi ako mapakali sa bawat minutong dumadaan. At nakakairita dahil napakatagal niyang tumawag. Naiintidihan ko naman na bawal ang cellphone sakanila at sumusunod lang siya sa rules. It's just that... naiinis talaga ako. What kind of management is that, right? Paano kung biglang may emergency sa bahay nila? How would he able to know that if he cannot even touch his phone while working? Very irrational and unjustifiable! Ipasara ko kaya ang restaurant na iyon? I told him to free his schedule this coming Sunday. He didn't hesitate to say yes. Ang sabi niya ay may trabaho siya ng Linggo ngunit pumayag naman sa hiling ko. I didn't ask though. I'll pay him kaya hindi naman masasayang ang araw niya. Hindi na bumalik si Davien sa mansiyon. He texted
Maingat ang bawat paghiwa ko sa mga gulay na gagamitin sa pagluluto ng kare-kare. Tagaktak na ang pawis ko. Si Blair ang nagtuturo sa akin ng mga gagawin at pinapanood ang bawat galaw ko. "Ma'am, hindi ganiyan ang paghihiwa sa talong! Naku!" Natataranta niyang sinabi sa gilid ko. Binaba ko ang kitchen knife at tamad siyang nilingon. "Iba man ang pagkakahiwa, iisa pa rin ang lasa, Blair. Talong pa rin iyan. Stop it! Nade-destruct ako." Inirapan ko siya. Napangiwi siya sa akin at nagkamot ng ulo. She didn't say anything after that. Hinayaan na lamang ako sa aking ginagawa. It's Sunday. And Nabrel is gonna be here any minute now. I asked him to be here before lunch. Pinaaga ko dahil gusto kong matikman niya ang iluluto ko. This is his favorite, ayon nga kay Blair. Hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit maaga ko siyang pinapapunta. Hindi na rin naman siya nagtanong. Alas singko ang usapan namin na pagpunta sa isla ni Dad. Naisipa
"I'm good. Medyo nalalapit na ang pasukan so... yeah." I smiled at Davien. Kausap ko siya ngayon through video call. He told me about his upcoming birthday. That's two weeks from now. Family dinner lang naman ang gusto niyang mangyari. Of course, kasama ako at si Dad. "Are you sure that you're gonna take Architecture? I thought you wanted to be an attorney?" He asked curiously. Nasa opisina siya. Parte na rin iyon ng kaniyang training sa pamamahala sa De Luxrey. He's still in third year and Tito Darius wanted him to exert time and effort in their company habang maaga pa. "Hmm. I just realized that being an attorney is a tough job. Delikado rin. I heard that Tito Ludwig often receives death threats. Ayoko naman ng ganoon." "You're right. Mahirap magtrabaho kung nasa hukay ang isang paa mo. You wouldn't enjoy it." Ngumuso ako at tinanaw ang malawak na karagatan mula rito sa balkonahe pagkatapos ng tawag. Davien and I... are okay. I guess. Sa loob
Humalukipkip ako at pasimpleng sinulyapan si Nabrel. Naabutan ko ang salubong niyang kilay habang tinatanaw ang aking suot. Isang beses niya pang pinasadahan ang aking suot bago nag-angat ng tingin sa aking mukha. "Kita ang braso mo, Talianna. Ang nipis mo. Malamig na sa labas. Hindi ka magdadala ng jacket?" Komento niya at hinaplos ang kaniyang buhok. Nagtaas ako ng kilay at inirapan siya. "Duh! Iyong girlfriend mo nga kita ang pusod!" maanghang kong sinabi. Kitang-kita kong natigilan siya. Nanliit pa ang kaniyang mga mata. Mas lalo akong napairap. "Sino?" Malamig ang kaniyang boses. Magarbo niya akong tinitigan na tila ba nanghahamon. "Anong sino?!" Napairap ako. Anong ibig niyang sabihin doon? Dapat ba ay kailangan pang pangalanan ang girlfriend niya? Maliban na lang kung hindi nag-iisa! He slowly licked his lower lip and tilted his head. "Wala akong maalalang may girlfriend ako, Talianna.
Hanggang sa makabalik si Nabrel dala ang dalawang platong may lamang pagkain, tulala pa rin ako. Naririnig kong may sinasabi siya ngunit hindi iyon klaro sa aking pandinig. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon... Pasimple kong pinilig ang aking ulo. Pinulot ko ang kubyertos at tinanggal ang nakabalot na tissue roon. Tinusok ko ang karne at sinubo. Pinilit kong malasahan iyon, nagbabakasaling mapawi nito ang tabang sa aking sistema. But... it didn't. Nilingon ko si Nabrel na tahimik lamang kumakain sa aking tabi. Sumulyap siya sa akin nang maramdaman ang titig ko. Bumagal ang kaniyang pagnguya at bumagsak ang tingin sa aking plato. "H-Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Marahan niyang sinabi. Kinagat ko ang labi ko at sinubukang ngumiti sakaniya. "Gusto. Masarap," putul-putol ang aking mga salita dahil patuloy na naglalaro sa aking isip ang imahe kanina. Naramdaman ko ang panunuya ng lalamunan ko. Hinablot ko ang bote ng softdrink a
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong