Share

Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother
Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother
Author: alfiellore

Chapter 1

Author: alfiellore
last update Huling Na-update: 2023-01-21 20:51:35

"You're fucking late again, Kate Althea Castillo!" sigaw ng stepbrother ni Althea na si Hendrick.

Simula nang mamatay ang mommy niya at ang daddy nito ay nag-iba na rin ang pakikitungo nito sa kaniya.

Lahat na lang ng kilos niya ay pinupuna nito. Ayaw na ayaw din nito na nakikipag-usap siya sa ibang tao partikular na sa mga lalaki.

Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya dahil lahat na lang ng bagay na ginagawa niya ay hindi nito nagugustuhan.

"I'm sorry, Kuya," paghingi niya ng tawad sa lalaking nanlilisik na ang mga mata. "Katatapos lang po kasi ng program namin sa school, eh."

Isa kasi siyang guro sa pampublikong paaralan na mariin nitong tinutulan noon pa man.

Dapat daw kasi ay related sa business ang kinuha niyang kurso para raw matulungan niya ito sa pagpapatakbo ng mga negosyo nito.

Ilan kasi sa mga sikat na mall dito sa Pilipinas ay pag-aari ng mga Dela Rosa.

Kaya siguro laging mainit ang ulo nito dahil sa dami ng inaasikaso nito araw-araw.

Nag-iisa lang kasi si Hendrick kaya wala itong ibang katulong sa pagpapatakbo ng negosyo na naiwan ng papa nito.

Limang taon pa lang siya noon nang pakasalan ng daddy nito ang mommy niya. Samantalang si Hendrick ay labing limang taon naman noon.

Sa totoo lang, tutol si Hendrick sa pagpapakasal ng mga magulang nila pero wala itong nagawa dahil mahal na mahal ni Tito Ricardo ang mommy niya.

Noong nabubuhay pa ang mga magulang nila ay hindi siya masyadong pinapakialaman ni Hendrick.

Subalit iba na ang sitwasyon ngayon. Mas mahigpit pa kasi ito sa mahigpit at mas masungit pa ito sa masungit.

"It's fucking eight o'clock in the evening, Althea! Uwi pa ba 'yan ng matinong babae?"

"I'm sorry, Kuya." Hindi ito tumatanggap ng paliwanag kaya naman wala na siyang ibang choice kundi ang humingi rito ng tawad nang paulit-ulit.

"May boyfriend ka na ba, ha, Althea?" Biglang nanlaki ang mga mata niya dahil sa naging tanong nito. "So, meron nga?"

"I don't have, K-kuya," kandautal niyang tugon dito. "At saka bawal akong mag-boyfriend, 'di ba? At kahit naman may manligaw sa akin hindi ko rin naman sila sasagutin dahil ayaw kong magalit ka."

Inilang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa at pagkatapos ay mahigpit nitong hinawakan ang panga niya. "Sa oras na malaman ko na may boyfriend ka na, ibabaon ko kayong dalawa sa lupa. Naiintindihan mo ba ako, Althea?"

Mabilis siyang tumango-tango. "Yes, Kuya!"

Hindi naman sila magkapatid pero kung paghigpitan siya nito ay dinaig pa ang mama niya no'ng nabubuhay pa ito.

"File a resignation tomorrow, Althea."

"But why?" Kapag na-late siya ng uwi lagi na lang ganito ang sinasabi ni Hendrick sa kaniya. "Hindi ko naman ginustong ma-late ng uwi, Kuya. Birthday kasi ng isa sa mga co-teacher ko kaya po na-late ako ng uwi."

"Wala akong pakialam kahit ano pa ang okasyon niyo ngayon, Althea! Bukas na bukas din ay magpaalam ka na sa eskuwelahan na pinapasukan mo dahil simula sa lunes ay sa akin ka na magtatrabaho. Naiintindihan mo ba?"

"Kuya, nasasaktan po ako..." Mas lalo kasi nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa panga niya.

Agad naman na nanlambot ang ekspresyon ng mukha nito at mabilis na pinakawalan ang panga niya na hawak-hawak nito. "File a resignation tomorrow, Althea," ulit nitong saad sa kaniya.

Yumuko siya sabay tango. "I will." Wala pa nga siyang isang taon sa pagtuturo pero gusto na agad nitong mag-resign siya.

Siguro susundin na lang niya ang gusto nito para hindi na sila nito nag-aaway.

Kahit na lagi itong nagagalit ay iniintindi na lang niya ito dahil baka pagod na rin ito sa kaaalaga sa kaniya.

Sampung taon ang tanda ni Hendrick sa kaniya at simula nang mamatay ang mga magulang nila ay ito na ang nag-alaga sa kaniya.

Lahat din ng mga pangangailangan niya ay ibinibigay nito kaya naman hindi siya nakikipagtalo rito sa tuwing mainit ang ulo nito.

"Hindi na po mauulit, Kuya. Pasensiya na po," paghingi niya ulit ng tawad dito.

"Talagang hindi na mauulit 'to dahil simula bukas hindi ka na papasok sa eskuwelahan na 'yon, Althea."

Ngayon lang naman siya na-late ng uwi dahil napasarap ang kuwentuhan nila ng mga kasamahan niya.

Masyado lang talagang mahigpit si Hendrick pagdating sa kaniya samantalang wala naman siyang ginagawang masama.

"Palitan mo na 'yang damit mo dahil kakain na tayo," mariin nitong utos sa kaniya na agad naman niyang sinunod. "Bilisan mo dahil kanina pa ako nagugutom."

Hindi kasi ito kumakain hangga't hindi siya dumarating at ganoon din siya. Kapag kasi hindi niya ito hinintay ay nagagalit ito. Tumango-tango siya. "Opo, Kuya."

Habang kumakain ay panaka-naka siyang napapatingin kay Hendrick dahil nakakunot ang noo nito.

"May problema ba, Kuya Hendrick?" Hindi niya na natiis na hindi ito tanungin dahil pakiramdam niya ay may mali sa kapatid niya.

"I'm fine," tipid nitong tugon at pagkatapos ay tumayo na ito hindi pa man nauubos ang mga pagkain na nasa plato nito.

"Are you sure?" Hindi kasi siya naniniwala dahil kilalang-kilala niya si Hendrick.

"Yeah, mauuna na ako sa 'yo, Althea. Pagkatapos mong kumain ay umakyat ka na rin sa kuwarto mo at matulog ka na."

Pagkasabi no'n ay umalis na ito sa hapagkainan kaya naiwan na lang siyang mag-isa.

Kahit araw-araw ay sinusungitan siya ni Hendrick ay hindi niya pa rin mapigilan na hindi mag-alala rito.

"Kawawa naman si Sir Hendrick." Narinig niyang usal ni Aling Magda na isa sa mga kasambahay nila. "Kahit kasi masama na ang pakiramdam niya ay pumapasok pa rin siya, eh."

Mabilis siyang napalingon sa gawi ng matanda. "May sakit po ba si Kuya?"

Tumango ito. "Kalalabas nga lang niyan sa ospital, eh. Masyado kasing inaabuso ang sarili." Dahil sa sinabi nito ay dinagsa ng kaba ang dibdib niya.

Bakit hindi niya alam na kagagaling lang pala nito sa ospital?

Biglang nanikip ang dibdib niya dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit ito nagkasakit.

Masyado kasing workaholic si Hendrick kaya siguro ito nagkakasakit.

"Aling Magda, tapos na po akong kumain," imporma niya sa matanda dahil nawalan na siya ng ganang kumain. "Pakiligpit na lang po ang mga ito."

"Magagalit si Sir Hendrick kapag nalaman niyang hindi mo inubos ang pagkain mo, Hija."

"Huwag niyo na lang pong ipaalam," saad niya rito. Balak niya kasi na puntahan si Hendrick sa kuwarto nito para alamin ang kalagayan nito.

Pinakalma niya muna ang sarili niya bago niya kinatok ang pinto ng silid nito.

Nang walang sumagot ay kusa na niyang binuksan ang pinto ng silid nito.

Alam niyang pagagalitan na naman siya nito pero wala na siyang pakialam pa dahil mas nananaig ang pag-aalala niya rito.

Pagpasok siya sa loob ng kuwarto nito ay kadiliman ang sumalubong sa kaniya.

"Kuya Hendrick," tawag niya sa pangalan nito pero wala siyang nakuhang sagot mula rito. "Kuya, are you okay?"

Mas lalo tuloy nadagdagan ang pag-aalala niya dahil hindi man lang ito nag-abalang sumagot.

At dahil walang kailaw-ilaw sa silid nito kaya hindi niya tuloy makita kung narito ba ang lalaki sa loob o wala.

"Kuya, nandito ka ba?" Nakahinga lang siya ng maluwag nang makapa niya ang kinaroroonan ng lamp shade nito.

Binuksan niya iyon at pagkatapos ay napatingin siya sa kama.

Napangiti siya nang makita niya na nakahiga si Hendrick patagilid habang ito ay nakaharap sa gawi niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi nito at pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan nito.

Idinantay niya ang likod ng palad niya sa noo nito at kasabay noon ay biglang nag-init ang sulok ng mga mata niya.

Medyo may sinat nga ito.

"I'm sorry, Kuya," umiiyak niyang usal sa lalaking nakapikit. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sobra-sobra ang pag-aalala niya rito. "Why you didn't tell me that you're sick? Sana hindi na lang ako pumasok para maalagaan ka."

Sa tuwing nagkakasakit kasi siya ay dinadala kaagad siya nito sa ospital.

Hindi rin siya nito iniiwanan kahit na isang segundo man lang.

Kaya nga kahit medyo masama ang ugali nito ay hindi na lang niya ito pinapansin dahil hindi naman siya nito pinapabayaan.

"What the fuck are you doing here in my room, Althea?" namamaos nitong tanong sa kaniya. "'Di ba sinabi ko sa 'yo na matulog ka na pagkatapos mong kumain? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? And why the fuck are you crying?"

"Natatakot kasi ako, eh."

Biglang kumunot ang noo ni Hendrick at pinilit din nito ang sarili nitong ibangon pero pinigilan niya ito. "May nangyari ba, Althea?"

Umiling-iling siya. "I'm sorry."

"Bakit? May ginawa ka ba na hindi ko magugustuhan?"

"Wala."

"Huwag mong sabihin sa akin na umiiyak ka ng walang dahilan?"

"Dahil alam ko na ako na ang dahilan ng pagkakasakit mo," wika niya rito.

"Pumunta ka na sa kuwarto mo at matulog ka na," mariin nitong utos sa kaniya pero hindi niya ito sinunod.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi nagiging maayos ang pakiramdam mo," pagmamatigas niya.

"Sino ba ang masusunod sa ating dalawa? Ikaw o ako?"

"Ako!" aniya sabay sampa sa kama nito. "Dito ako matutulog para mabantayan kita."

"Go to your room, now!" bulyaw nito pero nagmatigas siya. Hindi naman ito mananalo sa kaniya ngayon lalo na't may sakit ito.

"I'm staying here with you." Mananatili siya rito sa kuwarto nito hangga't hindi siya nakakasigurado na magaling na ito.

"Humanda ka sa akin bukas, Althea!" pagbabanta nito pero imbes na matakot kay Hendrick ay niyakap niya ito mula sa likuran.

"Goodnight, Kuya." Bahagya siyang bumangon para gawaran ito ng halik sa pisngi nito. "Sana hindi ka na masungit bukas paggising mo."

"Pumunta ka na sa kuwarto mo at doon ka matulog, Althea!"

"Dito na lang ako matutulog, Kuya. Hindi naman ako malikot, eh."

"Magkakasakit ako lalo sa ginagawa mo, eh!"

Bigla siyang nalungkot sa sinabi nito. "Ayaw mo ba na bantayan kita?"

"I don't need you here!" asik nito.

Parang may bumara sa lalamunan niya dahil sa naging pahayag ni Hendrick.

"Huwag ka nang sumigaw dahil baka lumala pa 'yang sakit mo. Susundin ko na lang ang gusto mo para gumaling ka na." Babalik na lang siguro siya mamaya kapag tulog na ito.

Hindi rin naman kasi siya makakatulog ng mahimbing sa kuwarto niya dahil sobra talaga ang pag-aalala niya rito. Kahit kasi ubod ng sama si Hendrick ay mahalaga pa rin ito sa buhay niya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
maika Gulinao
update naman po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 2

    Habang nagtitipa si Hendrick sa laptop nito ay nakatingin lang si Althea sa lalaki.Hindi niya kasi alam ang gagawin niya dahil wala naman itong sinabi sa kaniya. Basta na lang kasi siya nitong isinama ngayon sa opisina nito ng walang sinasabi kung ano ang magiging papel niya."Kuya, gusto mo ba ng kape?" tanong niya kay Hendrick. Mabilis naman itong napatingin sa gawi niya pero nakakunot ang noo nito."Umupo ka lang diyan," sabi nito dahilan para lihim siyang mapairap. Sana natulog na lang siya sa bahay nila kesa sumama rito kung wala naman pala siyang gagawin."Eh, 'di sana hindi mo na lang ako isinama rito. Sana natulog na lang pala ako sa bahay o 'di kaya'y namasyal na lang ako sa mall," himutok niya. Kahapon sinamahan siya nitong mag-file ng resignation sa eskuwelahan na pinapasukan niya dahil baka raw hindi niya sundin ang gusto nito.Tumaas ang kilay nito. "Are you mad?"Kahit laging nakasimangot si Hendrick hindi nababawasan ang pagiging magandang lalaki nito. "Hindi.""G

    Huling Na-update : 2023-01-21
  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 3

    Hendrick was intently looking at Althea while she was sleeping on his arm. Gusto niya sana itong gisingin para sabihin na doon ito matulog sa kuwarto nito pero hindi niya naman magawa iyon. Sa tuwing tinitingnan niya ang maamo nitong mukha ay para bang gumagaan ang lahat. Kahit pagod na pagod siya sa maghapong trabaho, kapag nakikita niya ang maganda nitong mukha ay biglang napapawi ang pagod niya.Naiinis lang siya rito kapag kinukukulit siya nito o 'di kaya'y nagpapaalam ito sa kaniya na pupunta sa kung saan kasama ang mga kaibigan nito.Muntikan na kasi itong mapahamak noon dahil isinama ito sa bar ng isa sa mga kaibigan nito noong high school ito. Mabuti na lang at doon ito pumunta sa bar na pag-aari ng kaibigan niya kaya napuntahan niya ito agad bago pa man ito tuluyang mapahamak.Gusto niyang itumba ang mga kaibigan nito noon pero pinigilan niya ang sarili. Halos basagin niya ang mukha nang lalaking nakasama nito pero pinigilan siya ng kaibigan niya. Kaya magmula noon ay n

    Huling Na-update : 2023-01-21
  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 4

    Napahinto si Althea sa pagbabasa ng libro nang sunod-sunod na mag-ring ang cellphone niya.Kasabay noon ay ang pagkunot ng noo niya dahil alanganing oras na. Hindi na kasi siya pinapayagan ni Hendrick na matulog sa kuwarto nito kaya wala tuloy siyang maayos na tulog palagi. Sa tuwing tatangkain niyang matulog sa kuwarto nito ay lagi siya nitong ipinagtatabuyan. Kagaya na lang ngayon. Alas-dos na ng madaling-araw pero gising na gising pa rin siya. Sa tuwing ipipikit kasi niya ang mga mata niya ay lagi niyang napapanaginipan ang mama niya at ang ama ni Hendrick na duguan at humihingi ng tulong.Sinsabi niya iyon kay Hendrick pero hindi naman ito naniniwala. Imahinasyon niya lamang daw iyon dahil lagi pa rin daw niyang iniisip ang mga magulang nila."Hello. Sino, 'to?" bungad niyang tanong matapos niyang pindutin ang answer button. Hindi kasi pamilyar ang numero ng taong tumatawag."Ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko, Althea!" Napangiti siya dahil si Eva pala ang tumatawag. Ka

    Huling Na-update : 2023-01-21
  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 5

    "Good morning, Kuya Hendrick!" masigla niyang bati sa stepbrother niya na halatang kagigising lang. "The breakfast is ready kaya tamang-tama lang ang oras ng paggising mo!"Kapag araw kasi ng sabado ay hinahayaan nitong mamasyal ang lahat ng mga kasambahay nila at lunes na ng gabi bumabalik ang mga ito kaya naman kapag mga ganitong araw ay siya ang nagluluto ng kakainin nilang dalawa. Imbes na batiin siya nito ng 'Good morning too' ay isang ismid ang iginawad nito sa kaniya kaya napanguso siya. "Kuya, may gagawin ka ba ngayon?" tanong niya habang sinasandukan ito ng kakainin sa plato nito. Kahit pa nga masama ang tingin nito sa kaniya ay nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa niya. "Wala ka naman pasok ngayon, 'di ba?" Balak niya kasi itong yayain na mamasyal para naman makapag-relax ito. Napapansin niya kasi na wala na itong oras para sa sarili nito. Daig pa nito ang may sampung anak kung magtrabaho. Kaya nga napapadalas ang pagkakasakit nito dahil akala yata nito gawa sa robot ang k

    Huling Na-update : 2023-01-31
  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 6

    "Bakit nga pala nandito kayong tatlo?" tanong ni Hendrick sa mga kaibigan niya. "Sa pagkakaalam ko wala naman akong sakit para dumalaw kayo ngayong araw.""Na-miss kasi namin si Kate, eh," tugon sa kaniya ni Josh."Dude, puwede ba namin siyang isama sa ibang bansa?" pagpapaalam ni Paul sa kaniya. "May business trip kasi kaming tatlo at balak naming isama si Althea. Ang sabi niya kasi sa amin ay hindi pa raw siya nakakarating sa ibang bansa, eh. Kawawa naman 'yong kapatid mo kung hindi niya mararanasan kung gaano kaganda ang mundo."Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi puwede." Kung makapagsalita ang baliw na 'to akala mo naman ikinukulong niya si Althea sa bahay na 'to. Hindi niya lang talaga pinapayagan ang babaeng 'yon na umalis sa bahay na 'to na wala ang permiso niya dahil ayaw niya itong mapahamak."Bakit? Kaming tatlo naman ang kasama niya kaya hindi siya mapapahamak, Pare," sabad naman ni Rome."Pumayag ka na! Isang linggo lang naman, eh," sabay-sabay na usal ng mga kaibigan niy

    Huling Na-update : 2023-02-02
  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 7

    Malapad ang pagkakangiti ni Althea habang nag-eempaki ng mga damit niya. Matagal na kasi niyang niyayaya na magbakasyon si Hendrick kaya masayang-masaya siya dahil dumating na ngayon ang araw na pinakahihintay niya. Pagdating nila roon ay hinding-hindi niya ito bibigyan ng sakit ng ulo para masulit nito ang pagbabakasyon.Nang matapos siya sa pag-eempaki ng mga damit niya ay agad siyang tumakbo sa kuwarto ni Hendrick para iimpake ang mga damit nito dahil baka magbago pa ang isip nito. Hindi pa man siya tapos sa pag-iimpake nang bigla itong pumasok at padabog na naglakad patungo sa kinaroroonan ng kama nito at pabagsak na humiga patalikod sa gawi niya."'Wag mo nang ituloy 'yang pag-iimpake mo dahil hindi na tayo aalis kasama ang mga gagong 'yon," sabi nito sa seryosong tinig."Bakit? May nangyari bang hindi maganda sa ibaba habang wala ako?""Marami.""Kagaya ng ano?""Don't ask too many questions, Althea. We were not going to have a vacation with them, and that's final!""Nasaan na

    Huling Na-update : 2023-02-03
  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 8

    Pagkatapos nilang kumain ni Hendrick ay agad siyang nagpahinga sa kuwarto niya. Nakahilata siya habang balot na balot ng kumot ang katawan niya.Tila ngayon lang umepekto ang pananakit ng buong katawan niya dahil sa pagkakadapa niya kanina.Mayamaya pa ay nakarinig siya ng mahinang katok pero tinatamad siyang pagbuksan ito ng pinto. Hindi naman kasi naka-lock ang pinto ng kuwarto niya. Isa pa, alam niyang si Hendrick lang naman ang kumakatok.Napabuntong-hininga siya ng malalim at ipinagdadasal na sana umuwi na si Aling Magda ngayon. Ang kasambahay kasi nilang iyon ay minsan umuuwi rin kaagad at hindi na hinihintay na dumating pa ang araw ng lunes.Sana nga umuwi na ito mamaya. Si Aling Magda kasi ay may kaalaman sa paghihilot kaya magpapahilot siya rito dahil pakiramdam niya ay napilayan siya."Althea?" tawag ni Hendrick sa pangalan niya nang buksan nito ang pinto ng kuwarto niya."Bakit?" Nasa hamba lang ito ng pinto at nakasilip sa kaniya."Lalabas lang ako sandali," imporma nito

    Huling Na-update : 2023-02-06
  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 9

    "Kuya Hendrick, someone gives me a dog!" masayang bungad ni Althea pagdating na pagdating ni Hendrick. "Ang cute niya! Mahal ang mga ganitong aso, 'di ba? Oh, bago mo ako pag-isipan ng masama, gusto ko lang sabihin na hindi ko 'to binili! Ang dami niya raw kasing aso kaya binigyan niya ako ng isa!""Who gives you that?" tanong nito habang salubong ang mga kilay. "Lumabas ka ba ng bahay habang wala ako?" "Hindi, ah!" Hindi naman kasi talaga siya lumabas. Sumilip lang naman siya sa gate kanina dahil nga gusto niya sanang bumili ng pagkain sa bagong bukas na kainan sa tapat nila kaya lang mariin siyang tinutulan ni Aling Magda.Humahakbang pa lang siya papunta sa gate ay takot na takot na si Aling Magda at panay ang sigaw. "Aling Magda, sino po ang nagbigay ng aso kay Althea? Lalaki po ba o babae? Kilala niyo po ba? Saan po nakatira ang taong nagbigay ng aso kay Althea?" sunod-sunod na tanong ni Hendrick kay Aling Magda na animo'y namatanda ito. "Answer me, Aling Magda."Bakas sa mukha

    Huling Na-update : 2023-02-10

Pinakabagong kabanata

  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 10

    "Coffee?" Hinatiran ni Althea ng kape si Hendrick habang nagtatrabaho ito sa library."Bakit gising ka pa rin hanggang ngayon?" suplado nitong tanong sa kaniya. "'Di ba dapat tulog ka na sa mga oras na 'to?""Hindi pa ako inaantok, eh.""Where are your dogs?" tanong nito na ang tinutukoy nito ay ang mga aso na binili nito kanina para sa kaniya. Right now, she has two dogs. Alrick and Roquerick."Tulog na sila.""Bakit hindi mo pa sila tabihan?""Hindi pa nga kasi ako inaantok.""Hindi ka pa inaantok o hinihintay mo akong matapos?"Ngumiti siya rito dahil tama ito. Matutulog lang siya kapag tapos na ito sa ginagawa nito dahil gusto niya itong samahan hanggang sa matapos ito.She wanted to help him but Hendrick didn't let her. Kaya kahit hindi niya ito natutulungan sa trabaho nito ay sinisiguro niya na nasa tabi siya nito dahil baka sakaling may maitulong siya kahit papaano."I don't need you here so you better sleep in your room with your dogs. Binilhan na kita ng aso gaya ng hiling m

  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 9

    "Kuya Hendrick, someone gives me a dog!" masayang bungad ni Althea pagdating na pagdating ni Hendrick. "Ang cute niya! Mahal ang mga ganitong aso, 'di ba? Oh, bago mo ako pag-isipan ng masama, gusto ko lang sabihin na hindi ko 'to binili! Ang dami niya raw kasing aso kaya binigyan niya ako ng isa!""Who gives you that?" tanong nito habang salubong ang mga kilay. "Lumabas ka ba ng bahay habang wala ako?" "Hindi, ah!" Hindi naman kasi talaga siya lumabas. Sumilip lang naman siya sa gate kanina dahil nga gusto niya sanang bumili ng pagkain sa bagong bukas na kainan sa tapat nila kaya lang mariin siyang tinutulan ni Aling Magda.Humahakbang pa lang siya papunta sa gate ay takot na takot na si Aling Magda at panay ang sigaw. "Aling Magda, sino po ang nagbigay ng aso kay Althea? Lalaki po ba o babae? Kilala niyo po ba? Saan po nakatira ang taong nagbigay ng aso kay Althea?" sunod-sunod na tanong ni Hendrick kay Aling Magda na animo'y namatanda ito. "Answer me, Aling Magda."Bakas sa mukha

  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 8

    Pagkatapos nilang kumain ni Hendrick ay agad siyang nagpahinga sa kuwarto niya. Nakahilata siya habang balot na balot ng kumot ang katawan niya.Tila ngayon lang umepekto ang pananakit ng buong katawan niya dahil sa pagkakadapa niya kanina.Mayamaya pa ay nakarinig siya ng mahinang katok pero tinatamad siyang pagbuksan ito ng pinto. Hindi naman kasi naka-lock ang pinto ng kuwarto niya. Isa pa, alam niyang si Hendrick lang naman ang kumakatok.Napabuntong-hininga siya ng malalim at ipinagdadasal na sana umuwi na si Aling Magda ngayon. Ang kasambahay kasi nilang iyon ay minsan umuuwi rin kaagad at hindi na hinihintay na dumating pa ang araw ng lunes.Sana nga umuwi na ito mamaya. Si Aling Magda kasi ay may kaalaman sa paghihilot kaya magpapahilot siya rito dahil pakiramdam niya ay napilayan siya."Althea?" tawag ni Hendrick sa pangalan niya nang buksan nito ang pinto ng kuwarto niya."Bakit?" Nasa hamba lang ito ng pinto at nakasilip sa kaniya."Lalabas lang ako sandali," imporma nito

  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 7

    Malapad ang pagkakangiti ni Althea habang nag-eempaki ng mga damit niya. Matagal na kasi niyang niyayaya na magbakasyon si Hendrick kaya masayang-masaya siya dahil dumating na ngayon ang araw na pinakahihintay niya. Pagdating nila roon ay hinding-hindi niya ito bibigyan ng sakit ng ulo para masulit nito ang pagbabakasyon.Nang matapos siya sa pag-eempaki ng mga damit niya ay agad siyang tumakbo sa kuwarto ni Hendrick para iimpake ang mga damit nito dahil baka magbago pa ang isip nito. Hindi pa man siya tapos sa pag-iimpake nang bigla itong pumasok at padabog na naglakad patungo sa kinaroroonan ng kama nito at pabagsak na humiga patalikod sa gawi niya."'Wag mo nang ituloy 'yang pag-iimpake mo dahil hindi na tayo aalis kasama ang mga gagong 'yon," sabi nito sa seryosong tinig."Bakit? May nangyari bang hindi maganda sa ibaba habang wala ako?""Marami.""Kagaya ng ano?""Don't ask too many questions, Althea. We were not going to have a vacation with them, and that's final!""Nasaan na

  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 6

    "Bakit nga pala nandito kayong tatlo?" tanong ni Hendrick sa mga kaibigan niya. "Sa pagkakaalam ko wala naman akong sakit para dumalaw kayo ngayong araw.""Na-miss kasi namin si Kate, eh," tugon sa kaniya ni Josh."Dude, puwede ba namin siyang isama sa ibang bansa?" pagpapaalam ni Paul sa kaniya. "May business trip kasi kaming tatlo at balak naming isama si Althea. Ang sabi niya kasi sa amin ay hindi pa raw siya nakakarating sa ibang bansa, eh. Kawawa naman 'yong kapatid mo kung hindi niya mararanasan kung gaano kaganda ang mundo."Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi puwede." Kung makapagsalita ang baliw na 'to akala mo naman ikinukulong niya si Althea sa bahay na 'to. Hindi niya lang talaga pinapayagan ang babaeng 'yon na umalis sa bahay na 'to na wala ang permiso niya dahil ayaw niya itong mapahamak."Bakit? Kaming tatlo naman ang kasama niya kaya hindi siya mapapahamak, Pare," sabad naman ni Rome."Pumayag ka na! Isang linggo lang naman, eh," sabay-sabay na usal ng mga kaibigan niy

  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 5

    "Good morning, Kuya Hendrick!" masigla niyang bati sa stepbrother niya na halatang kagigising lang. "The breakfast is ready kaya tamang-tama lang ang oras ng paggising mo!"Kapag araw kasi ng sabado ay hinahayaan nitong mamasyal ang lahat ng mga kasambahay nila at lunes na ng gabi bumabalik ang mga ito kaya naman kapag mga ganitong araw ay siya ang nagluluto ng kakainin nilang dalawa. Imbes na batiin siya nito ng 'Good morning too' ay isang ismid ang iginawad nito sa kaniya kaya napanguso siya. "Kuya, may gagawin ka ba ngayon?" tanong niya habang sinasandukan ito ng kakainin sa plato nito. Kahit pa nga masama ang tingin nito sa kaniya ay nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa niya. "Wala ka naman pasok ngayon, 'di ba?" Balak niya kasi itong yayain na mamasyal para naman makapag-relax ito. Napapansin niya kasi na wala na itong oras para sa sarili nito. Daig pa nito ang may sampung anak kung magtrabaho. Kaya nga napapadalas ang pagkakasakit nito dahil akala yata nito gawa sa robot ang k

  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 4

    Napahinto si Althea sa pagbabasa ng libro nang sunod-sunod na mag-ring ang cellphone niya.Kasabay noon ay ang pagkunot ng noo niya dahil alanganing oras na. Hindi na kasi siya pinapayagan ni Hendrick na matulog sa kuwarto nito kaya wala tuloy siyang maayos na tulog palagi. Sa tuwing tatangkain niyang matulog sa kuwarto nito ay lagi siya nitong ipinagtatabuyan. Kagaya na lang ngayon. Alas-dos na ng madaling-araw pero gising na gising pa rin siya. Sa tuwing ipipikit kasi niya ang mga mata niya ay lagi niyang napapanaginipan ang mama niya at ang ama ni Hendrick na duguan at humihingi ng tulong.Sinsabi niya iyon kay Hendrick pero hindi naman ito naniniwala. Imahinasyon niya lamang daw iyon dahil lagi pa rin daw niyang iniisip ang mga magulang nila."Hello. Sino, 'to?" bungad niyang tanong matapos niyang pindutin ang answer button. Hindi kasi pamilyar ang numero ng taong tumatawag."Ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko, Althea!" Napangiti siya dahil si Eva pala ang tumatawag. Ka

  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 3

    Hendrick was intently looking at Althea while she was sleeping on his arm. Gusto niya sana itong gisingin para sabihin na doon ito matulog sa kuwarto nito pero hindi niya naman magawa iyon. Sa tuwing tinitingnan niya ang maamo nitong mukha ay para bang gumagaan ang lahat. Kahit pagod na pagod siya sa maghapong trabaho, kapag nakikita niya ang maganda nitong mukha ay biglang napapawi ang pagod niya.Naiinis lang siya rito kapag kinukukulit siya nito o 'di kaya'y nagpapaalam ito sa kaniya na pupunta sa kung saan kasama ang mga kaibigan nito.Muntikan na kasi itong mapahamak noon dahil isinama ito sa bar ng isa sa mga kaibigan nito noong high school ito. Mabuti na lang at doon ito pumunta sa bar na pag-aari ng kaibigan niya kaya napuntahan niya ito agad bago pa man ito tuluyang mapahamak.Gusto niyang itumba ang mga kaibigan nito noon pero pinigilan niya ang sarili. Halos basagin niya ang mukha nang lalaking nakasama nito pero pinigilan siya ng kaibigan niya. Kaya magmula noon ay n

  • Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother   Chapter 2

    Habang nagtitipa si Hendrick sa laptop nito ay nakatingin lang si Althea sa lalaki.Hindi niya kasi alam ang gagawin niya dahil wala naman itong sinabi sa kaniya. Basta na lang kasi siya nitong isinama ngayon sa opisina nito ng walang sinasabi kung ano ang magiging papel niya."Kuya, gusto mo ba ng kape?" tanong niya kay Hendrick. Mabilis naman itong napatingin sa gawi niya pero nakakunot ang noo nito."Umupo ka lang diyan," sabi nito dahilan para lihim siyang mapairap. Sana natulog na lang siya sa bahay nila kesa sumama rito kung wala naman pala siyang gagawin."Eh, 'di sana hindi mo na lang ako isinama rito. Sana natulog na lang pala ako sa bahay o 'di kaya'y namasyal na lang ako sa mall," himutok niya. Kahapon sinamahan siya nitong mag-file ng resignation sa eskuwelahan na pinapasukan niya dahil baka raw hindi niya sundin ang gusto nito.Tumaas ang kilay nito. "Are you mad?"Kahit laging nakasimangot si Hendrick hindi nababawasan ang pagiging magandang lalaki nito. "Hindi.""G

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status