Eliezah"WHO are you?" Tanong ng isa habang nakatutok ang baril niya sa'kin. "Oh, ahm, where is the restroom here? I can't find it?" I lied as my gaze darted at the silver gray door behind them. "There's no restroom in here. You better go away before we shoot you for invading here." Sabi ng isa at nilapitan ako saka tinulak. Nasa malapit na kami sa hagdanan ng hawakan ko ang kamay ng lalaking tumutulak sa'kin. Hinila ko siya at sinipa ng malakas. Nagulat ang ibang kasamahan niya at nagpaputok ng baril pero bago pa nila nagawa iyon ay naunahan ko na sila. Tumunog ang alarm at tumawag ng back-up ang isa pero hindi niya na natuloy kasi binaril ko na siya. Mabilis ang pangyayari na halos hindi ko na masundan. May isa pang tumayo at handa ng umatake. Ngumiti ako at sinipa siya na mas lalong nagpataas ng slit sa hita ko. Napairap ako nang makita na nakalantad na ang hita ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakabulagtang mga katawan. Akala ko ba tight security dito? I guess my expectati
EliezahNALIGO ako ng mabilisan at saka nagpalit agad ng damit. Cargo pants and isang gray t-shirt ang sinuot ko. Ah! I feel refreshed!Lumabas ako sa banyo at lumapit sa tatlo na seryosong nakaupo sa sala. Parehong tutok na tutok sa screen ng laptop ni agent 00099. "Oh tapos na ba?" Tanong ko ng makaupo sa tapat nilang tatlo. "Tinawagan na namin si General at tayo na raw ang bahala para sirain ito." Tugon ni agent 00099 habang nakatutok parin sa laptop niya. "How about you Mr. Clinton? You are the one who made that thing. Maybe you knew how to destroy that." Seryoso na sambit ko. "Yeah, I-I knew..." pabulong na sagot niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang iniisip niya kasi hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha niya. Madilim na ewan. Inusod ni agent 00099 ang laptop niya kay Mr. Clinton. Hinila ni Mr. Clinton ang CD ROM Drive at tinanggal mula roon ang disk at may kung ano siyang ginawa roon na hindi namin malaman. Lahat kaming nanonood sa kanya ay namamangha sa ginagawa niya.
EliezahSUNDAY ng umaga ay nagpunta ako sa bahay namin. Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na ako. Tulog pa si Mr. Willis nang umalis ako at hindi ko nalang siya ginising kasi alam kung pagod siya kagabi. Niyaya kasi siya ng ibang kasamahan na sumama sa maliit na party sa ibaba kasi celebration daw dahil isa na siyang ganap na agent. Hindi na ako sumama sa kanya nang yayain niya ako kasi pagod rin naman ako sa byahe namin kinaumagahan ng araw na iyon. Pagkarating ko sa gate ng bahay namin ay bahagyang nakabukas iyon. Nasa loob na marahil si Manong Jorgie. Nasabi ko kasi sa kanya na ipapalinis ko ang buong bahay at nag-boluntaryo siyang siya na ang maglilinis, maghahanap nalang rin daw siya ng makakatulong niya. Naisip ko kasing dito na ulit ako titira. Tanggap ko na ang nangyari and all I can do is to take care of those memories. Iyon nalang ang meron ako. Pinapasok ko ang motor ko at naabutan ko si Manong Jorgie na nagwawalis sa mga tuyong dahon sa medyo may kataasan ng mga damo
Eliezah"ALAM mo bang unang kita ko palang sa'yo, nabihag mo na agad ang puso ko?" Masuyong sambit niya. Mas lalong nagkagulo ang sistema ko lalo pa nang maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. "These hazel brown eyes,..." He traced my eyes. "evertime I look at these beautiful eyes I felt like I'm going to have an heart attack in any moment. " He continued. Gulat na gulat ako sa mga pinagsasabi niya. Tinakpan ko ng kunot ng noo ang pagkagulat ko. I never knew that he's this straightforward. The Mr. Willis I knew was now an another man. "Will you be shock if I tell you that the first time I saw you I fell inlove with you?" He said. Umawang ang bibig ko. Is he confessing his love to me? Or he's just playing around? "Aish! I guess I'm right." Sambit niya matapos ang ilang sandali na hindi ako makapagsalita. I don't know what should I feel at this moment because I'm too shock with his words. I'm confused! I couldn't gather myself. He smiled after a while and he let me go. "Don'
EliezahNAG-IWAS ako ng tingin. Naiilang ako sa titig niya. Tumalikod ako at kunwari bubuksan ang pinto ng verandah."Bakit mo ako hinahanap?" Nanayo ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga roon. Never ever came in my mind that I would feel like this in my entire life. He made me feel like this."H-hindi kita hinahanap." Tugon ko sa pilit na pinatatag na boses."Hmm..." Tumango tango siya at lumampas sakin. Sumandal siya sa hamba ng pinto.Binuksan ko ang pinto. Sumalubong ang hanging panghapon na. Inayos ko ang mga rattan chairs at naupo. Pinuno ko ng hangin ang baga ko at malalim na huminga. How I missed this place."Nakita ko sa kwarto mo..." Lumitaw sa harap ko ang isang puting sobre.Nagtatakang kinuha ko ito.Binuksan ko ang sobre at may nakatuping papel sa loob nito. Kanino kaya to galing? Tiningnan ko ang sobre kung may nakalagay bang address or ano pero wala. Kinuha ko mula sa loob ng sobre ang papel na nakatupi ng bigla nalang may humablot noon. N
Eliezah"DO you really mean what you said the last day?" Tanong ko ng nasa elevator na kami. Naisip ko lang na baka pinaglalaruan niya lang ako at iyon ang pinaka hindi ko gusto, ang paglaruan ako. He turn his head to me and smiled. "Why? Nagdududa ka ba?" Nakangiti bagamat may bahid ng kaseryosohan. I pursed my lips. "I don't know. Malay ko ba na pinaglalaruan mo lang pala ako?" Hinawakan niya ako sa kamay. "Wala naman akong rason para paglaruan ka. Maraming beses mo na akong niligtas at kinupkop mo ako," he paused. "Trabaho ko ang panatilihin kang ligtas, Mr. Willis." "Alam ko. Pero hindi ko parin mapigilan ang sarili kong mahulog sa'yo..." usal niya. Sinalubong ko ang titig niya. He slowly leaned closer and I couldn't stop myself from closing my eyes and waited for his lips to touch mine but before that happened...Bumukas ang pinto ng elevator. "Oh My Gosh!" Agad na nagmulat ang mga mata ko at gulat na gulat na tumingin sa pinto ng elevator. Naroon si Kieran nakatayo habang
EliezahISA lang ang masasabi ko sa pagkain ng restaurant ni Joyce. Napakasarap. Pang world class ang dating. "Okay lang ba ang pagkain?" Tanong niya ng nasa kalagitnaan na kami sa pagkain. "Yes. Siya ba ang nagluto nito?" "Oo knowing na nandito ako. She barely cook. She only cook for her family pero sa iba ay nag-ha-hire siya ng international chef para roon to make sure that the food is not contaminated. Nong bata kasi iyon ay nakakain siya ng kontaminadong pagkain at muntik niya ng ikamatay iyon." Sagot niya. Tumango ako. "She's thoughtful for her family." Sambit ko at nagpatuloy sa pagkain. "She is." Sang ayon niya. Nang matapos kami sa pagkain ay namataan ko si Joyce na naglalakad papunta sa gawi namin. "Joyce's coming," usal ko habang nakatingin palagpas sa kanya. Lumingon siya at pinindot ang button sa may armrest niya. Dahan dahang bumaba ang tabing sa taas namin na siyang pagdating naman ni Joyce sa table namin. Nakangiti siya. "Pwede ba akong maupo? Or nakaka-istorb
EliezahILANG araw ang nagdaan magmula ng mamatay ang lalaking impostor ay naglabas na ng resulta ang mga taga Forensic affairs. At base sa resulta sa isinagawang pagsusuri ay lason ang ikinamatay nito. May nakuha sila mula sa katawan ng bangkay na parang isang karayom na isang pulgada lang taas at sadyang napakaliit nito na maihahalintulad sa buhok. Kung hindi susuriing mabuti ay hindi makikita ang naturang bagay na sadyang nakakapagtaka. Bakit siya may ganon? At sino ang gumawa no'n sa kanya? Ayon sa Forensic ay inilubog sa lason ang naturang bagay at maaring ibinaril iyon ng suspek sa biktima. At ang spekulasyon na iyon ang labis na nakakapagtaka dahil sino ang maaring gumawa ng bagay na iyon gayong mahigpit ang security sa building ng NBI. Paano nakalusot ang suspek sa mga security na nagbabantay? Isa kaya sa tauhan ni Fergie Morgan ang pumatay sa biktima? O isa sa kasamahan namin sa ahensya? Pero bakit naman gagawin ng kasamahan namin ang krimen na iyon? Anong makukuha niya?