Penelope POV Things happen in life that changes us every day. Sometimes it's for the better, and other times it's for the worst and sometimes you just lose yourself completely…"Pwede bang pati ako mawala na rin?" I mumbled. Nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa sa tabi ko. I glared at him, he just raised his hands na parang sumusuko. "Huwag mo nang isipin iyan, baka gusto mo pang magtagal dito? At saka may batang naghihintay sa iyo!" he chuckled. Nagbibiro lang naman ako, gusto ko lang itanong 'yon. "Gusto ko nang umuwi sa pilipinas. I miss my family pero may parte sa akin na pumipigil sa kagustuhan kong umuwi. " I whispered and looked up at the dark sky. "Matagal na sana tayong nakauwi kung hindi lang nangyari ang mga bagay-bagay dito. Sana pala hindi na lang tayo umalis ng pilipinas, ano?" Natatawang napatango naman ako sa sinabi niya. Sabi nga nila, everything happens for a reason, and for me, I think it's the biggest karma of my life for being a bad person, for hurting
Penelope POV"What happened? Almost three months na namin kayong hindi nakikitang magkasama. Is there a problem?" Daddy asked. Katatapos lang ng meeting namin at matapos naming ihatid sa labas 'yong mga dumalo ay agad kaming tumungo sa office ko. Nilapag naman ni Bliss 'yong pagkain sa coffe table, bahagya siyang yumuko at agad na lumabas. Umupo si daddy sa sofa at ako naman ay nakatayo lang malapit sa kanya. "Nagkaroon ng problem. Hindi kami nag-work, daddy." Naiyukom ko ang kamao sa sariling kasinungalingan. "Really, huh? If siya ang tinatanong ko hindi siya sumasagot sa akin. Iniiba niya lang ang usapan," he said. Almost three months na simula nung mangyari 'yong pagtatalo namin ni Gavin. After that heartbreaking scene, wala na. Hindi ko alam kung paano ko nakaya 'yong ganoon katagal. Siguro dahil busy kaya hindi ko na rin namalayan na mabilis na lang na dumaan 'yong mga araw. After what happened in the hotel, inayos ko na lang ang sarili ko at hindi pinahalata na may nangya
Penelope POVThe day I woke up and the moment I heard the news about their death, ang tanging nagawa ko ay ang umiyak. Three days pala akong nakatulog non, sabi pa ni Patrick, galit na galit 'yong mother ni Tim nung panahon na 'yon, gusto pa akong pasukin sa room dahil sa galit kaya hindi ako nawalan ng bantay. Agad kinuha ng mother side ni Tim 'yong bangkay ng anak nila at ang alam ko pina-cremate din tulad ng ginawa kay Teron. Dahil kapatid na lang din naman ang kasama ni Bliss sa pilipinas ay pinaasikaso namin ng papel 'yong kapatid na babae at ako na ang sumagot ng ticket papunta rito para makuha 'yong ashes. Sinabihan ko rin siya na nagkaanak si Bliss kaso ang sabi niya baka mahirapan silang palakihin dahil ang ate lang daw nila ang tumutulong sa kanila simula nung mawala 'yong parents. Her sister told me na, kung pwede ako na lang ang muna ang mag-alaga kay Travis at kung maayos ayos na sila ay kukunin sa akin.Ang suggest ko nga sa kanya, alagaan na niya si Travis tapos magb
Penelope POV Almost seventeen hours ang flight from Canada to Philippines. Akala ko nga mahihirapan ako dahil first time kong makakasama si Travis sa byahe, papunta pang pilipinas. May six hours pa kaming natitira."Ang daya ng batang 'yan! Kapag kami ang aalis, napakakulit! Tapos nung nasa sa'yo na? Ayan ang tahimik!" sabay turo niya kay Travis na nasa kandungan ko habang nanonood sa tablet. Tumingin sa kanya si Travis at humagikgik kaya pinisil ni Patrick ang mga pisngi nito. Simula nung makalabas ako ay lagi nang nakadikit sa akin si Travis, minsan nga kapag kukunin siya ni Patrick ay umaayaw, kaya ayun kunwaring nagtatampo. "Naalala mo ba kung anong meron sa next Sabado?" Patrick suddenly asked. Kumunot naman ang noo ko kaya ginalaw ko 'yong tablet ni Travis."Nooo!" angal ni Travis kaya agad ko iyong binalik sa pinapanood niyaIt's friday today, next saturday, February 10 na. Napaisip naman ako at agad bumagsak ang balikat ko nang maalala kung ano ang meron. Death Anniversary
Penelope POVLumiko si Patrick sa isang gasoline station para magpa-gas. Bumaba rin ako para ilagay sa likod si Travis, kailangan ko rin pa lang bumili ng baby car seat, if ever na kailangan. Inayos ko 'yong pwesto niya at nilagyan ng seat belt. Sakto rin naman ang gising niya at binigay ko na lang sa kanya 'yong mga laruan niya pati 'yong pillow na maliit. "What if hindi niya ako mapatawad? And he's now into someone else?" biglaan kong tanong kay Patrick. Mabilis siyang sumulyap sa akin. At pinaandar muli yung sasakyan. Mahina siyang natawa at nagkibit balikat. "I guess, it's really my end game, right?" End game, 'yong tipong, hanggang doon na lang talaga kami. "You still love him, do you?" biglaan niyang tanong. Hindi naman ako sumagot at lumingon sa likod dahil narinig ko ang malakas na pagtawa ni Travis habang hawak 'yong malalaki niyang car toy."Sumagot ka!" dagdag ni Patrick na ikinatawa ko naman. "I began to unconciously devalue my connection and feelings with Gavin simu
Penelope's POVIs that his girlfriend? Fiancee? Wife? Siniko ako ni Patrick kaya bumalik ako sa wisyo. Napatingin sa akin si Travis at bumaba sa kinauupuan niya. "Mama! Pat!" Narinig naming sigaw niya."Travis! Slow down!" Mommy exclaimed.Namilog ang mata ko at tumingin kay Patrick. "Omg! Did you hear that? He called you!" Halata sa itsura ni Patrick na natuwa at nagulat siya sa narinig. Pinantayan niya si Travis para buhatin. "Finally! You called my name!" he exclaimed at pinanggigilan si Travis. Kinuha ko sa kamay ni Patrick 'yong paper bag at nilagay sa bakanteng upuan. "Oh! Come here at kakain na tayo!" Tawag ni mommy kaya nauna ako at umupo sa kaninang inupuan ni Travis. Pinagigitnaan namin ni Patrick 'yong bata. Nakangiti naman akong tumingin kay Light, nakita ko ang masama niyang tingin at pinadaan niya ang isa niyang daliri sa leeg. "I missed you," I mouthed, she smirked and also mouthed "I hate you.""Mamaya na kayo mag-away, kumain muna tayo," natatawang sambit ni momm
Penelope POV"What the hell did you say?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. At saka anong sabi niya? My wife? Baliw ba 'to? Nullify na ang kasal namin.Marahan siyang umiling at ngumiti. Damn, don't give me that fucking smile!"Bakit ka ba andito?" tanong ko pa ulit in a serious tone. "How about you? Why are you here?" he asked. Napalingon naman ako sa paligid at kunwaring may hinahanap. Sigurado akong siya 'yong bidder sa akin sa loob. Halata naman. Iyong kilos ni mommy kanina iba. Akala mo isang teenager na kinikilig.Napairap naman ako saka nagsalita, "Ikaw pala 'yong nagbayad ng malaking halaga?" Nagkibit balikat lang siya. "Okay," pagsuko ko. Lalagpasan ko na sana siya sa gazebo kaya lang umulan kaya napatakbo ako pabalik doon. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya pero nung hinarap ko siya at napatikhim sya. "Malas naman," bulong ko at naupo sa isang upuan na andoon. Hindi ko rin dala 'yong gamit ko dahil na kay mommy. Bakit naman kasi umulan pa? Ayoko namang lumuso
Penelope's POV Inayos ko ang pagkakabuhat kay Travis at napalunok. "What are you doing here?" tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang ipinunta niya. Ala una na ng hapon at pagkatapos namin kumain kanina ay umalis din si Patrick. Hindi naman sa nakalimutan ko 'yong sinabi niya kagabi pero ayoko lang maniwala agad."Mama." Naglumikot si Travis na gustong bumaba kaya marahan ko siyang binaba. Naglakad naman siya papunta sa pwesto ni Gavin at hinawakan 'yong box na dala niya.May sinabi pa na kung ano ano si Travis na hindi ko naman maintindihan pero alam ko ang pinapahiwatig niya gusto niyang makita 'yong dala ni Gavin."Hi, Travis! I have something for you," he said in a sweet voice. Sabay haplos niya sa ulo nito. Ngumiti si Travis at hinila siya. Sumama naman si Gavin at naupo sila sa couch. Napanganga na lang ako dahil sabi ni Patrick sa akin mapili daw si Travis sa mga papansining tao. Napansin ko rin 'yon dahil kahit sa mga maids namin ayaw sumama ni Travis, tititigan niya lan
Gavin's Point Of View Pinanlakihan niya ako ng mata. Namumula nga siya, halatang nakainom. “I’m tired! Just… let’s rest okay?” frustrated niyang sambit at naiiling pa. Hindi nga siya makatingin at basta na lang akong tinalikuran. Hindi ko na siya ulit kinausap at hinayaan na siyang makalayo sa akin. Nagtagal pa ako sa baba bago umakyat sa itaas. Naabutan ko siya sa kwarto ng mga bata at isa isa itong hinalikan bago lumabas. Ewan ko ba pero wala akong ginawa para lambingin siya. Sa totoo lang ay medyo nasaktan ako sa ginawa niya. Umabot ng ilang araw ang hindi namin pagpapansinan ni Penelope. Naaabutan ko siya sa kwarto namin, tulog na at nauuna siyang gumising sa akin. Inaasikaso niya naman ang bata lalo na sa pagpasok at paghatid. Hindi niya nga ako tinatapunan ng tingin. Naabutan ko pa nga siya nung isang gabi sa kwarto ni Travis na kalalabas lang at parang kagagaling lang sa iyak dahil namumula ang mata niya. Nung sinilip ko si Travis ay tulog naman ito. Hindi ko alam kung ano a
Gavin's Point Of View But I have to trust the process. At magdasal sa gabi na sana ayos ka at sana hindi mo ako makalimutan, makalimutan iyong naging samahan natin kahit na para sa iyo ay hindi totoo. Nawala lahat nang pangamba at takot na baka tapos na ang storya nating dalawa nung bumalik ka. Matagal pero alam kong para sa ‘yo yung pagkakataon na yon, oras mo yon para patunayan sa sarili mo at kay Teron na kaya mo. Kaya mong ayusin ang sarili mo at magsimula muli nang panibagong buhay kasama ang mga taong mahal mo at hinihintay ka. “There’s a little to no chance na mabubuntis siya,” Patrick told me. Napalunok ako at dumaan ang kirot sa dibdib. “It’s okay,” I whispered. Ayos lang naman sa akin. Yes, may kaunting kirot sa nalaman pero naisip ko yung magiging kalagayan ni Penelope. Siya lang naman kasi ang kailangan ko. Oo, nangarap ako na magkaroon ng anak sa kanya. Pero para saan pa yun kung ang kapalit no’n ay mahihirapan siya at baka maging problema pa ng health niya. “As long
Gavin’s Point of View Every pain has a purpose and it really teaches us a lesson. But one thing’s for sure, in the end, it will be worth it. Maraming naiinis kasi bakit si Penelope pa. Bakit siya pa yung taong napagbuhusan ko ng pagmamahal. Bakit siya pa yung taong kailangan pagtuunan ng pansin. Bakit siya pa yung dapat iyakan. They say that all she did to me was to break my heart and prove that I deserve someone better that will truly love me and appreciate all the genuine things I’d do. I know that someone will say na ang tanga tanga ko for pursuing someone like her. Lahat naririnig ko, lahat nalalaman ko, but did I say a single word? Wala. Because they are not worth my words and they don’t know everything. Hindi alam ang tinitibok ng mga puso at sinasabi ng utak namin. Hindi lahat ng sinasabi nila totoo. We have stories to tell at hindi lahat dapat nilang malaman. Kapag nalaman ba nila may magbabago? Wala. Mas lalawak lang yung mga maiisip nila na kung anu ano. I’ve never respon
Gavin's Point of View Losing someone is the hardest challenge anyone has to go through. Grief is something we all go through in life and it’s something that causes a lot of pain. Not only that but a lot of upset even years after losing that loved one. There is no right or wrong way to grieve, and no amount of time can ever truly cure the upset you feel after. There’s nothing quite as hard as trying to get on with life, after just losing someone who meant the world to you. But grieving is a normal process and one that is relevant after losing a loved one.It’s not an easy process and sometimes some days will be worse than others and other days you’ll feel ok. Just know it’s completely normal to have days where it’ll hit you a lot harder than others. It’s important to understand the process of grieving, and how to do it in a way that’s healthier for you and is not going to cause you anymore upset. If you feel like it’s not getting any better and the days seem to be getting harder and ha
Gavin’s Point of View Babalik siya. Babalik sa akin si Penelope. Alam kong may dahilan ang lahat Iyan ang paulit ulit kong binubulong sa hangin kapag naaalala ko si Penelope. Masakit isipin ang mga nangyari sa aming dalawa pero wala naman sigurong masama kung aasa at magtitiwala ako sa tinitibok ng puso ko ‘di ba? Yes, nasaktan ako at hanggang ngayon ay may kirot pa rin. But right after I met Teron, nabigyan ng kasagutan ang mga iilang tanong ko. Medyo nabigyang linaw ang mga iniisip ko. Nasaktan din si Pen kaya hanggang ngayon ay may natitirang palaisipan sa kanya tungkol kay Teron. Nasaktan siya sa pag iwan nito. They’re supposed to get married pero naudlot dahil sa isang aksidente na wala namang may gusto at hindi inaasahan. At mahal nila ang isa’t isa….Siya pa lang ang babaeng nagparamdam sa akin nito. Siya lang ang may kayang gawin sa akin yon. Ibang klase talaga ang babaeng ‘yon, pero sa kabila ng lahat— mahal na mahal ko pa rin siya at patuloy na mamahalin. Lahat nang ip
"Because you lied to me, Penelope!" Napatakbo at napatago ako sa gilid nung marinig ko na sumisigaw si Teron. Nasa iisang bahay lang kaming lahat ngayon sa canada pero may sari sariling kwarto kaya lahat din ng mangyayari ay malalaman namin. Pagsilip ko ay nakita ko si Teron at si Madam na magkaharap habang umiiyak. Ang laki na rin ng ipinayat si Teron at ganoon na rin si Madam, gawa na rin ng stress at hindi palaging 8 hours ang tulog niya."Calm down!" balik na sigaw ni madam. "You're with him, Pen! May asawa ka na! Maiintindihan ko naman, eh." Humina ang boses ni Teron sa huling sinabi. "Maiintindihan ko," ulit nito. "At paulit-ulit kong iintindihin," naging garagal na ang boses ni Teron an napaupo na sa sahig habang humahagulgol na rin si Madam. Hindi ito ang isang beses na nag away sila. Nitong mga nakaraan ay wala na sa mood ang bahay dahil sa ingay nilang dalawa. Lagi na silang nagtatalo. Gustong gusto na bumalik ni Teron sa Manila at iuwi si Penelope kay Gavin dahil sa mga
Bliss POV (with Penelope, Gavin and Teron)"How's my daughter?"Iyan ang bungad sa akin ni Sir— Daddy ni Madam nung madatnan niya ako sa pantry habang nagtitimpla ako ng tea. "Good afternoon, Sir! Nakita niyo na po ba si Madam? Gusto niyo po bang tawagin ko?" Sunod sunod na tanong ko rito. Nginitian niya ako at umiling. Itinuro niya ying labas at saka nagsalita, "It's okay. I saw her sleeping sa office niya mismo kaya hindi ko na nagawang istorbohin. Nag-iwan lang ako ng paperbag na padala ng Mommy niya, sabihin mo na lang sa kanya." Napatango naman ako. "Ayos naman po si Madam, nakatulog na po siguro dahil sa kabusugan. Naubos niya po kasi yung inihanda kong pagkain sa kanya. Dinamihan ko na po kasi alam kong medyo kaunti lang nakakain siya sa pagod na rin siguro—" "At sa love life niya," dugtong ni Sir. Napainom ako sa hawak na cup. Minsan sa akin nagtatanong si Sir about kay Madam pero kung ano lang ang alam ko ay yun lang ang sinasabi ko, ayoko rin naman pangunahan si Madam la
Bliss POV (With Pen, Gavin, and Teron)"Madam? Are you okay?" Malumanay na tanong ko kay Ms. Penelope na makita ko siyang nakatulala habang kaharap ang kanyang laptop. Ihahatid ko kasi 'yong nirequest niyang food kaso natigilan ako nung makita ko siyang nakatulala. Ilang minuto na rin akong nakatitig sa kanya. Halatang wala rin siyang maayos na tulog gawa na hindi gano'n kaliwanag ang aura niya. Halata ang eyebags kahit na may make-up naman siya. Alam kong ilang araw na rin kasi siyang walang tulog gawa nung mga nangyayari ngayon sa buhay niya. Lalo na sa kanila ni Sir Gavin. Napangiti ako nung napabalikwas si Ms. Pen at inayos na ang upo niya. Napahilamos pa siya sa mukha niya saka niya ako sinuklian din ng matamis na ngiti kahit alam kong hindi naman yon umabot sa tainga niya. Inilapag ko na sa desk niya 'yong tray kung saan andoon yung request niya food at sinamahan ko na rin ng vitamins niya at iba pang snacks na alam kong matutuwa siya kapag nakita niya. At tama nga ang ginaw
Penelope's POV "Madam, remind ko lang, bukas may meeting tayo ng 10am ha? Huwag ka male-late. Foreign investors ang mga makakasama natin doon. Pagkatapos no'n may dinner meeting tayo sa tatlo pang investor," paliwanag ni Bliss. Nawala ang titig ko sa pagkain na nasa harap at napahawak ako sa sintido ko dahil kanina pa ito sumasakit. I am not feeling well, kahapon pa nga actually. Pinilit ko lang talaga pumasok dahil marami kaming ginagawa ngayon. Maraming hinahabol na projects at meetings. Hindi ko na pwede ire-schedule ang para bukas dahil importante 'yon at nakakahiya sa ka-meeting ko. "Madam? Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo hinaan ko pa 'yong aircon?" tanong nito. Kanina pa kasi niyang umaga hininaan ang aircon nung utusan ko siya. Para pagpawisan ako at malabas lahat ng init na nararamdaman ko. Ang bigat pa ng nararamdaman ko. Parang gusto ko na mahiga buong magdamag at huwag na lang muna magising ng ilang araw. Katatapos lang ng meeting namin at isang na lang ay tapos na ang