"Celle, ikakasal na iyong pinsan mo at iyong—"
"Huwag mo nang ituloy!" mabilis kong sansala sa pagsasalita ng kaibigan kong si Dianne. "Nag-iinit ang ulo ko tuwing naaalala ang hayop na iyon!"
"So, hindi ka pupunta sa kasal nila?" nakataas ang kilay nitong tanong sa'kin.
"Kung pwede lang sana!" dismayado kong hinaing. "Pero king hjndi ako dadalo ay tiyak ako iyong magiging masama sa paningin ng buong pamilya namin. Ako na naman iyong masama! Ni hindi man lang sasagi sa makikitid nilang utak na ako iyong inagawan!"
"Hindi pa kasal... pwede mo pang mabawi," kunsitifir na payo nito sa'kin.
Sinamaan ko ito ng tingin bago inirapan.
"Never!" matigas kong tugon. "Over my dead ovary! Tang-ina nilang dalawa!" puno nang gigil kong dugtong.
"Dead ovary na talaga iyan dahil isang buwan na lang at lagpas ka na sa kalendaryo," paalala nito sa'kin.
"Dianne, may 31 pa iyong ibang mga buwan," umiikot ang mga matang pagtatama ko.
"February iyong basehan ngayon... tandaan mo na 29 iyong pinakamataas," pang-aasar pa nito.
"Huwag mo na ngang ipaalala sa'kin ang edad ko," nayayamot kong reklamo.
Ever since na tumuntong ako sa edad na twenty-eight ay naging sensitibo na ako sa usaping edad.
Nataon pa talaga na kung kailan ako magt-thirty ay tsaka pa ako walang jowa dahil ayon binuntis iyong pinsang kong twenty-two years old!
Sampal talaga sa'kin iyon dahil parang lumabas na pinagpalit ako sa mas bata!
Minahal ko naman talaga si James. Sa pitong taong pagsasama namin ay buo na ang desisyon kong siya ang pakakasalan pero ang lintik na lalaki ay kinakalantari pala ang malandi kong pinsan at binuntis pa!
Kaya pala mapagmataas kung umasta sa'kin si Trish ay dahil may ginagawa pala sila ng boyfriend ko sa likod ko.
Matagal na pala nila akong ginagawang tanga! Ang yabang pa ni Trish no'ng aminin niya sa'kin ang bagay ba iyon!
Tuwing naalala ko ang ginawa nila sa'kin ay agad din namang bumabalik ang malabong alaala no'ng nalasing ako.
Lihim kong ipinilig ang ulo upang alisin ang naglalarong imahe ng isang lalaki sa isipan ko.
"Pero tapatin mo nga ako, Celle." Napatingin ako sa seryosong mukha ni Dianne.
"Wala ka na ba talagang nararamdaman para doon sa ex mo? Nakapagtataka kasi eh, parang ang bilis naman yata... seven years din kayo, 'no!"
"Sa tingin mo ba patuloy pa rin akong magpapakatanga sa kabila nang ginawa niya sa'kin?" sarkastiko kong tanong. "Kung may nararamdaman man ako ngayon ay panghihinayang iyon sa sinayang kong oras kasama siya... at kasama na roon ang matinding galit dahil pinaasa niya ako! At umasa rin ako! Ang hirap, Dianne... tingnan mo ako ngayon, nalipasan na ng panahon dahil sa pagtitiwala sa isang manloloko."
"Ano bang nalipasan?" Magaang haplos sa likod ko ang isang kamay ni Dianne para ipadama ang suporta sa'kin. "Bata pa ang thirty... makakahanap ka pa ng lalaking karapat-dapat sa'yo."
Lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil naalala kong wala na pala akong maipagmamalaki kung sakaling mahanap ko man ang tinutukoy na lalaki ni Dianne.
"Hindi na ako umaasa, Dianne," malungkot kong usal.
"Ang nega mo talaga!" pangangaral niya sa'kin na may kasama pang hampas sa balikat. "Natandaan mo iyong Tiyang Amor ko? Fifty iyon no'ng makapag-asawa."
"Senior citizen na may apat na anak at maraming apo na iyong naging asawa nito," nakasimangot kong wika.
"At least nakapag-asawa!" tugon niya. "Dapat lang talaga ay hindi ka choosy."
"Magpapaka-laon na lang ako," desidido kong pahayag.
"Hindi ka makakatikim ng langit dito sa lupa niyan," kantiyaw sa'kin ni Dianne.
Mabilis na nag-iinit ang pisngi ko dahil muling sumagi sa isip ko ang ilang mga eksena na nangyari no'ng gabing nagpakalasing ako.
"Bakit ka namumula?" eksaheradang tanong ni Dianne sa'kin na nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan. "Huwag mong sabihing sinuko mo ang bandila kay James?"
"Hindi ah!" mabilis kong sagot.
Totoo namang hindi ko sinuko kay James dahil aksidente ko itong naibigay sa hindi ko kilalang lalaki.
"Dapat lang! Ang swerte naman masyado ng ulupong na iyon kung nagpatuhog kayong magpinsan."
Wala na sa pagtatalak ni Dianne ang atensiyon ko dahil natuon na ito sa sasakyang huminto sa harapan ng gate namin.
Nag-uusap kasi kami ngayon dito sa terrace ng bahay namin na nakadungaw sa gate namin kaya agad na matatanaw kung sino ang mga darating.
Sa pagkakataong ito ay kilalang-kilala ko ang kotseng huminto at pinagbuksan ng kapatid ko.
"Grabeng kakapalan talaga ng mukha ang taglay ng ex mo!" nayayamot na wika ni Dianne.
Pareho na kaming nakatingin kay James na pababa ng sasakyan nito na mabilis ding sinundan agad ni Trish.
"Isa pa 'tong mga magulang mo eh! Wala man lang konsiderasyon sa feelings mo," puno anng gigil na pagpapatuloy niya.
Hindi gumagalaw sa kinauupuang pinapanood ko lang ang magiliw na pagsalubong ng mga magulang ko sa bisita.
Ano pa nga ba ang aasahan ko mula sa'king pamilya na mas tinatanaw pa ang malaking utang na loob sa pamilya ni Trish kaysa pinagdadaanan ko dahil sa kataksilan nito at ng ex ko?
Magkapatid ang mga ama namin ni Trish at ang pamilya nila ang masasabi kong mayaman talaga at pangit mang pakinggan pero nakikisakay lang ang mga magulang ko at pilit na pinagsisiksikan ang sarili sa mga ito.
Kaya sa nangyaring ito sa pagitan namin ni Trish ay wala akong aasahang simpatiya mula sa mga ito dahil mas mahalaga sa kanila ang mga sarili nila.
"Celle, bumaba ka riyan... may bisita tayo!" malakas na tawag ni Mama mula sa baba.
Hindi makapaniwalang napatingin sa'kin ni Dianne.
"Ang lala ng nanay mo!" mahina pero mariin niyang komento.
"Wala nang nakakagulat pa riyan, sanay na ako," mapakla kong tugon.
Kahit ayaw ko ay napilitan akong tumayo upang dungawin ang mga ito.
Naabutan kong papasok na ang mga magulang ko sa front door habang kausap si Trish ay nakasunod sa mga ito si James.
Napahigpit ang kapit ko sa railings ng terrace nang biglang huminto si James at mag-angat ng tingin.
Saglit na nagkasalubong ang mga mata namin bago ako umatras.
"Huwag mong sabihin sa'kin na bumalik ang feelings mo dahil kukutusan kita!" mahina pero may pagbabantang wika ni Dianne.
Batay sa reaksiyon niya ay halatang nasaksihan niya ang saglit na pagtatama ng paningin namin ni James.
"Huwag kang mag-alala... hinding-hindi mangyayari iyon!" may pinalidad kong pahayag.
"Siguraduhin mo lang," pahabol niya sa'kin nang magpasiuna na akong humakbang upang harapin ang mga bisita.
Kailangan kong gawin ito dahil tiyak na walang katapusang sermon ang aabutin ko kay Mama kung hindi ko ito susundin.
At isa pa...ayokong magmukhang bitter sa paningin ng dalawang taong niloko ako.
Oo nasaktan ako pero hindi nila ako makikitang malulugmok dahil doon!
"Halika, Celle, tingnan mo oh, personal na inihatid ng pinsan mo ang imbitasyon para sa'tin sa nalalapit niyang kasal," masiglang salubong sa'kin ni Mama.Pinigil kong huwag umikot ang sariling mga mata dahil sa pinakitang excitement ni Mama na para bang sarili niyang anak iyong ikakasal.Ganito naman palagi siya, pumapapel sa pamilya ni Trish sa bawat oportunidad. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko kay Trish. Halatang inaabangan nito ang magiging reaksiyon ko.Minsan talaga ay napatanong na lang ako sa'king sarili kung ano ang nagawa ko sa babaeng ito at bakit napaghalataan kong malaki ang inggit nito sa'kin."Congratulations," magaan kong bati kay Trish at pasimple kong tinapunan nang sulyap ang katabi nitong si James."Pasensya ka na, Ate, huh at hindi ka nailista sa entourage," mahinhing paumanhin ni Trish.Lihim na nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa pagiging plastikada nito. Ganito talaga ito... bait-baitan sa harapan ng ibang tao pero kapag kaming dalawa na lang ay lumalab
Araw na ng kasal at hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Simula pa kanina sa bahay hanggang sa simbahan ay gusto ko na lang maglaho. Halos lahat ng mga imbitado sa kasal ay pawang nakakalam sa nakaraan namin ni James. Sa kabila ng mga tinging natatanggap ko ay taas-noo ko pa ring natapos ang seremonyas ng kasal. Binalewala ko ang mga naririnig na bulungan sa paligid tuwing napapadaan ako at dumagdag pa ang palihim na pangangaral sa'kin ni Mama sa dapat kong ikilos sa harapan ng mga bisita. Nang magpalitan kanina ng vows ang mga ikinasal ay hindi ko mapigilang mapaismid. Minsan na kasing sinabi sa'kin ni James ang mga pangakong binitiwan niya sa harap ng altar para sa pinsan ko. Wala man lang binago ang gago! Ang kaibahan lang ay may kodigo ito ngayon, hindi tulad noong kami pa na saulo talga nito ang mga pangakong iyon! Gustuhin ko mang hindi na tumuloy sa reception ay hindi pwede dahil sinigurado talaga ni Trish na naroon ako. Halatang gusto niyang saksihan
"Paano kayo nagkakilala?" puno ng kuryusidad na tanong ni Tito Lawrence."Jocelle here, is a special friend of mine," pahayag ni Mr. Walliz. Hindi ko pa siya magawang tawaging Michael dahil hindi ko maalala kung kailan ko siya tinawag nang gano'n. "Siya ang unang sumalubong sa'kin pagkatapak na pagkatapak kong muli sa bansang ito.""Kararating mo lang noong nakaraang buwan, ah!" saad ni Tito Lawrence."Exactly," nakangiting sagot ni Mr. Walliz. Hindi na niya binitiwan ang kamay ko sa halip ay tumabi na siya sa'kin habang hawak-hawak pa rin ito."Ikaw ba ang kasama ni Ate no'ng minsang inumaga siya nang uwi?" bigla ay pakikisabat ni Rachelle sa usapan.Gulat na napasinghap si Trish at kunwari sindak na napatingin sa'kin."Inumaga ka ng uwi, Ate Celle?" gulat na gulat nitong tanong. Eksaherada ang gaga!"Twenty-nine na ako, Trish," sarkastiko kong sagot. "Wala nang masama roon dahil may sarili na akong isip at nasa tamang edad na ako."Kung makapag-react ang gaga ay parang hindi ito n
"Hindi mo maalala kung paano ka nag-iwan ng mga kalmot sa likod ko habang hindi magkamayaw sa pag-ungol sa ilalim ko dahil sa sobrang—""S-stop!" taranta kong pagpapatigil sa pagsasalita ni Michael. "Don't exaggerate things that I can't recall."Kinakabahan kong sinuyod ang kinaroroonan namin at baka may makakarinig sa mga pinagsasabi niya. Malabo man sa alaala ko ang mga pangyayari no'ng gabing iyon pero dahil sa mga narinig ko sa kanya ay may mga eksenang lumilitaw sa isip ko."You really surprised me," naaaliw niyang wika.Nagtataka kong sinalubong ang nangingislap niyang mga mata. Siguro para sa kanya ay nakakatawa ang kung anumang namagitan sa'min.My gosh! May choice naman siyang kalimutan na lang ito dahil wala akong balak maghabol. "C-can we just forget about what happened?" Mas gusto ko na nga lang na ilibing sa limot ang kagagahan ko no'ng gabing iyon.Tinaasan niya ako ng kilay habang hindi hinihiwalay ang matiim na titig sa mukha ko na para bang tinitimbang ang katotohana
Ilang segundo muna akong nakipagtagisan nang tingin kay Michael bago napatid ang pagtitimpi ko at sinipa ko siya sa binti.Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya nabitiwan niya ako sa gulat at agad-agad naman akong humakbang palayo sa kanya."One more step, Jocelle, and I'll turn down your uncle's business proposal." Malinaw ang pagbabanta sa boses niya na nagpahinto sa akma kong pag-alis.Sinibat ko siya nang matalim na tingin nang muli ko siyang hinarap. "Sinong tinatakot mo?" marahas kong tanong.Pero ang totoo ay nakaramdam talaga ako nang pagkabahala. Kumulo ang dugo ko nang makita ang bahagyang pagtaas ng sulok ng bibig niya na animo'y ipinaparating sa'kin na hindi siya naniniwala sa ipinapakita kong kawalan nang pakialam.Alam na alam talaga ng gago ang kahinaan ko at dahil doon ay ang sarap niyang durigin nang pinong-pino para mawala ang taglay niyang kaarogantihan."I can feel your murderous intentions, Jocelle," natatawa niyang pahayag. "And a part of me got excited wi
"In return... you're going to meet my mother and pretend as my girlfriend."Hindi makapaniwala akong napapalatak."Wala ka bang totoong girlfriend na pwede mong ipakilala sa Mama mo at kailangan mo pang maghanap nang mangpapanggap?" natatawa kong tanong.Imposible namang nagkaubusan na ng mga babae para sa katulad niyang bilyonaryo."I don't do girlfriends," kibit-balikat niyang sagot. "Hassle lang iyon sa busy kong schedule.""Pero hindi ka naman gano'n ka-busy sa tingin ko," nakaismid kong pasaring. "Nagawa mo pa ngang makinig sa mga tsismis diyan sa tabi-tabi.""Pinipili ko lang naman iyong mga tsismis na mapapakinabangan ko," nakataas ang kilay niyang wika."So... kailan mo napagtantong kapaki-pakinabang para sa'yo ang tsismis tungkol sa buhay ko?" sarkastiko kong tanong."Kailan nga ba?" napaisip niyang balik-tanong at kunwark ay napahaplos pa sa non-existent niyang bigote para lang asarin ako.Impatiko talaga ang gago! "Kung hindi mo ako nilayasan matapos ang nangyari sa'tin ay
Nagpupuyos sa galit na iniwanan ko si Michael at tulad nga nang sinabi nito ay mukhang nakabuo na ang mga bisita ng konklusyon sa relasyon naming dalawa. Halata sa mga nakakasalubong kong mga panauhin ang biglaang pagbabago nang pakikitungo nila sa'kin.Kung dati para lang akong hanging nilalampasan ng mga ito lalo na ng mga mayayamang bisita at kakilala ng pamilya ni Trish ay iba na ngayon dahil magiliw na ang pagkakangiti nila sa'kin.Bigla ay itinuring nila akong ka-level nila at lantaran nilang pinapakita ang kagustuhang makipaglapit sa'kin.At lahat ng ito ay naaayon sa gustong mangyari ni Rowan Michael Walliz. Nagmumukhang puppet niya ang lahat na walang kamuwang-muwang na napapasunod sa pagmamanipula niya.Kung gaano ito kagwapo ay gano'n din ito katuso! Wala rin pala akong pagpipilian pero pinapaniwala ako ng gago na may choice akong tumanggi sa offer niya! May patanong-tanong pa at kunwari ay pwede ko pa raw pag-isipan pero paglabas ko ay inaakala na ng lahat na may mas ma
Upang mabawasan ang epektong hatid ni Michael sa katinuan ko ay tinuon ko ang pansin kay Trish. Focus lang sa goal dahil natataranta lamang-loob ko sa lapit ni Michael sa'kin. Gusto kong magbunyi nang makita ang kislap ng inggit sa mga mata ni Trish habang nakatingin kay Michael. Ngayon siguro ay nagsisisi na ito kung bakit padalos-dalos agad ang desisyon nitong magpabuntis kay James upang tuluyan itong maagaw sa'kin gayong the best is yet to come pa pala.Kahit hindi totoo ang relasyon namin ni Michael ay gusto kong ipamukha kay Trish na iyong naagaw niya ay walang panama sa bagong ipinalit ko."Ate Jocelle, nakausap ni'yo na po ba si Uncle Niro?" magiliw na baling sa'kin ni Trish kapagkuwan."Bakit ko naman siya kakausapin?" kunwari ay nababaghan kong tanong gayong alam na alam ko kung saan papunta ang usaping ito.Alam kong isa siya sa sumulsol sa ina ko upang halos ipamigay na ako sa matandang Niro na iyon. Hula ko ay mas may alam pa nga siya kaysa sa'kin sa nakaplanong kasal
Kinagabihan ay sumalo sa hapunan namin ng pamilya ni Dianne si Michael. Mabilis niyang nakuha ang loob ng Nanay at Tatay ni Dianne. Mga simpleng tao lang ang mga ito kaya siguro hindi nila gaanong kilala ang katauhan ni RM. Alam nilang malaking tao ito sa larangan ng negosyo at galing sa mayamang pamilya pero hindi nila alam kung ano ang kaya nitong gawin at ang mga nagawa na nito. Pinapakitunguhan nila si Michael batay sa pinapakita nito ngayon at hindi sa kung sino ito sa pagkakakilala ng publiko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang pinapanood si Michael na masayang nakikipag-usap sa tatay ni Dianne. Tungkol sa pinagkaabalahan sa palaisdaan ang pinag-uusapan nila. "Magtatagal ka ba rito sa isla?" bigla ay tanong kay Michael ni Nanay Veron na nanay ni Dianne Napansin ko ang ginawang pagsulyap sa'kin ni Michael bago bumaling kay Nanay. "Depende po kay Jocelle,"agalang niyang sagot. "Paano kung dito na titira si Jocelle?" natatawang tanong ni Tatay Dong, ang ama ni Dian
Bago tuluyang nagpaalam sina Michael ay kinausap muna ako ni Lola Mathilda.Kabadong-kabado pa ako at baka bigla ako nitong offer-an ng sampung milyon layuan lang ang kanyang apo. Kung kailan kami nagkaayos ni Michael ay tsaka pa ako masampal ng kayaman ng Lola niya.Siguro kung ibibigay niya sa'kin ang kalahati ng buong ari-arian ng mga Arizon ay pag-iisipan ko pa ang magiging offer niya pero hindi gano'n ang naging usapan namin."Mahal ka ng apo, sana ay sa susunod na may ganitong pangyayari na naman ay sa'kin ka lumapit bago ka gumawa ng desisyon." Malumanay ang boses ni Lola Mathilda habang kinakausap niya ako.Iyong kaba ko kanina ay biglang naglaho."Kung makikita kong may mali ngang ginawa si Rowan Michael ay ako ang dedesiplina sa kanya. Malabo mang may kalokohang gagawin ang isang iyon pero tandaan mong kakampihan kita 'pag nagkataon.""Pasensya na po kayo," nakayuko kong paghingi ng paumanhin.Naiintindihan ko naman iyong naratamdaman niyang inis dahil sa inakto ko. Pati ba
Ilang sandali pa at magkakaharap na kaming lahat sa sala nina Dianne. Dati naman ay naluluwagana ako sa sala nila pero dahil sa presensya ng mga bisita namin ay biglang parang sumikip.Pakiramdam ko nga ay hindi kakayanin ng maliit na ceiling fan na nandito sa sala iyong init na dala ng tensiyon.Kahit saan talaga ilagay itong Lola Marga ni Michael ay astang reyna talaga ito. Well, gano'n naman talaga ito, reyna ng mga Walliz. "Now, ipaliwanang mo sa'kin kung bakit bigla-bigla kang umalis," seryoso nitong kausap sa'kin."Bakit ako iyong magpapaliwanag?" maang kong tanong. "Ako po iyong niloko ng apo ninyo," dugtong ko.Kailangan ko lang pala isipin iyong kasalanan sa akin ni Michael para magkalakas loob akong sagutin ang lola niya.Kung ako naman iyong naaagrabyado ay hindi ako dapat na manahimik lang lalo na ngayong may pinoprotektahan na ako.Wala sa sariling naipatong ko ang kamay sa impis kong tiyan. Nang mahagip ng tingin ko ang pagtutok doon ni Michael ay taranta ko namang inali
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pakikinggan," matigas na pahayag ni Michael.Sa pagkakataong ito ay nakikita ko na iyong RM na pinangingilagan ng lahat. Ibang-iba ang Michael na kaharap ko ngayon sa Michael na nakasama ko. Gano'n pa man ay hindi nagbabago iyong damdamin ko para sa kanya. Partida galit pa ako niyan dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa'kin."Walang katotohanan ang inaakala mong panloloko ko sa'yo," mariin niyang dagdag.Mapakla akong napapalatak habang naiiling dahil sa narinig."So, sinasabi mo na hindi totoo iyong nakita ko?" sarkastiko kong tanong. "Gagawin mo pa akong tanga, eh kitang-kita ko kayong dalawa ni Vernice!" nanggagalaiti sa galit kong bulyaw sa kanya."Celle, kalma lang," awat sa'kin ni Dianne. "Hindi makabubuti sa'yo ang ma-stress," makahulugan niyang dugtong.Agad kong naalala ang kasalukuyan kong kondisyon kaya mariin akong pumikit at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.Nang muli akong magmulat ng mga mata at diretso kong sinama
Pagkauwi ko kinahapunan ay hindi ako mapakaling inaabangan si Dianne. Bawat napapadaang sasakyan ay agad akong naalarma. Baka kasi bigla ay si Michael na ang dumating.Pagkarinig ko sa tunog ng motor ni Dianne ay sinalubong ko siya.Siguro ay halata sa hitsura ko iying nararamdaman kong pagkabalisa kaya"Ano? Nagpunta kanina sa opisina ni'yo si RM?" malakas na tanong ni Dianne matapos kong magkwento sa kanya pagkauwi kinahapunan."Oo nga," aligaga kong sagot. "Kasama niya si Sir Sky.""Wala naman siyang ginawa o sinabi 'di ba?" pang-uusisa niya."Iyon nga ang mas nakakakaba dahil tiyak na may binabalak iyon!" "Maupo ka nga, ako nang nahihilo sa'yo," saway niya sa palakad-lakad kong ginagawa.Pabuntung-hininga ko siyang tinapunan nang tingin pero hindi talaga ako mapakali kaya hindi ko rin magawang umupo."Paano kung nandito siya dahil nalaman niyang buntis ako?" nag-alala kong tanong. "Tapos kikunin niya iyong anak ko upang makuha iyong mana niya?""Kumalma ka, okay?" mahinahong uto
May disadvantage rin pala kapag halos magkakilala na lahat ng mga tao sa paligid mo dahil pagkapasok ko ulit bukas sa opisina ay sinalubong ako ng mga pagbati mula sa mga katrabaho ko.Ang bilis umabot sa kanila ng balitang buntis ako. Wala akong naramdamang pagkailang o ano pa man dahil sa kawalan ng ama ng dinadala ko. Hindi nila pimaramdam sa'kin na dapat ko iyong ikahiya at ni isa sa kanila ay walang nag-usisa tungkol doon. Lahat ay excited sa pinagbubuntis ko at wala silang pinakitang interes sa kung papaano ako nabuntis at bakit wala silang nakikitang tumatayong tatay para sa anak ko.Ang nakakatuwa pa ay nagpresenta ang lahat na magiging ninang ng anak ko. Dalawang buwan pa nga lang ang tiyan ko ay may nangako nang sasagot sa drinks ng binyagan.Nakakataba ng puso na kahit kabago-bago ko pa lang ay ganito na ang pagtanggap nila sa'kin.Maging si Sir Cloud ay nanlibre ng snacks sa buong opisina bilang selebrasyon ng pagbubuntis ko.Ngayon pa lang ay botong-boto na ako sa kanya
Nang sumunod na mga araw ay nakumpleto na ang mga kinakailangan kong check-up upang mapangalagaan kaming dalawa ng magiging baby ko. Babalik pa naman ako sa OB ko para sa'king prenatal schedule. Kahit tapos nang kumpirmahin ng doktor na tama iyong lumabas na result ng PT ay parang panaginip pa rin ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon na ako ng baby!Nakakamangha lang na meron nang nabubuong buhay sa sinapupunan ko. Ganito pala iyong feeling ng magiging nanay, nakaka-excite na nakakanerbyos.Sa samo't saring emosyon na nararamdamab ko ay nanaig iyong saya lalo na ngayong napag-alaman kong maayos naman ang pagbubuntis ko. Wala akong kaalam-alam na dalawang buwan na pala akong buntis dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa katawan ko.Hindi ko nga naranasan ang tinatawag na morning sickness, na karaniwang sintomas ng pagdadalang-tao. Pero sinabi ng doktor na normal lang ito. Mayroong mga buntis na hindi talaga nasusuka, habang may iba naman na malala iyong nar
"Buntis ka ba?"Maang akong napatingin kay Dianne dahil sa diretsahan niyang tanong."Anong klaseng tanong iyan?" natatawa kong balik-tanong sa kanya.Hindi ako natawa sa pinapanood kong comedy film pero sa tanong niya ay napatawa talaga ako... tawang may kasamang nerbyos. Dalawa na sila no'ng dalagitang nagtitinda ng prutas na inakalang buntis ako. Iyong una nga lang ay inakalang naglilihi ako tapos itong kaibigan ko ay diretsahan talaga akong tinanong!"Seryosong tanong 'to," nandidilat niyang tugon.Halos mag-iisang linggo na ako rito sa isla at unang day off ko ngayon kaya naisipan kong mag-netflix and chill pero literal na pinanlalamigan ako sa buntis-buntis naming paksa!Nang sumunod na mga araw pagkatapos akong kausapin ni Sir Sky tungkol kay Michael ay abot-abot ang kaba ko habang hindi mapakali at baka totoo ngang biglang susulpot ang huli. Pero ngayon ay nawala na sa isip ko ang posibilidad na iyon. Ilang araw na kasi ang dumaan at ni anino ng Michael na iyon ay hindi nagp
Wala naman pala akong dapat na ipag-alala sa bago kong trabaho dahil mababait iyong mga makakasama ko.Maging si Sir Cloud ay sobrang bait. Seryoso lang itong tingnan pero kapag kausap mo na ay sobrang down to earth.Kambal man sila ni Sir Sky ay hindi iti nawisikan ng pagiging masungit ng huli. Bawing-bawi naman sa hitsura dahil hindi man magkamukhang- magkamuha ay wala namang tapon sa magkakapatid. Akala ko noon ay si Michael lang iyong perpekto pagdating sa kagwapuhan pero meron din pala sa lugar na ito at iyon ay ang magkakapatid na Granzon. Si Ma'am Star naman na minsan ko na ring nakilala ay ang masasabi kong pinakamadaling lapitan sa triplets. Bungisngis kasi ito at sobrang kwela. Kapag nakikipag-usap sa aming mga empleyado ay parang kabarkada lang. Si Sir Sky lang talaga iyong medyo ilag kami dahil bibihira lang talaga itong ngumiti at iyon ay kapag kinukulit na ito ni Ma'am Star.Hindi ko pa nakikita iyong mga magulang nila at sa usap-usapan ko lang naririnig iyong tungkol