Araw na ng kasal at hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko.
Simula pa kanina sa bahay hanggang sa simbahan ay gusto ko na lang maglaho.
Halos lahat ng mga imbitado sa kasal ay pawang nakakalam sa nakaraan namin ni James.
Sa kabila ng mga tinging natatanggap ko ay taas-noo ko pa ring natapos ang seremonyas ng kasal.
Binalewala ko ang mga naririnig na bulungan sa paligid tuwing napapadaan ako at dumagdag pa ang palihim na pangangaral sa'kin ni Mama sa dapat kong ikilos sa harapan ng mga bisita.
Nang magpalitan kanina ng vows ang mga ikinasal ay hindi ko mapigilang mapaismid.
Minsan na kasing sinabi sa'kin ni James ang mga pangakong binitiwan niya sa harap ng altar para sa pinsan ko.
Wala man lang binago ang gago! Ang kaibahan lang ay may kodigo ito ngayon, hindi tulad noong kami pa na saulo talga nito ang mga pangakong iyon!
Gustuhin ko mang hindi na tumuloy sa reception ay hindi pwede dahil sinigurado talaga ni Trish na naroon ako.
Halatang gusto niyang saksihan ko ang okasyong ito hanggang sa matapos! Iniisip niya sigurong durog na durog ang pakiramdam ko habang nakikita ang lalaking minsan kong minahal na makasal sa kanya!
Gaga siya! Kung alam niya lang na unang sinabi sa'kin ni James ang pangako nito sa kanya ay tiyak guguho ang mundo niya!
"Darating daw ngayon iyong pinakamalaking investor ng pamilya ng Auntie Lean mo," excited na pagkukwento ni Mama sa kapatid ko habang nakaupo kami sa mesang nakalaan sa'min dito sa reception ng kasal.
Si Auntie Lean ay ang ina ni Trish at laging dinidikitan ni Mama na minsan ay namumukha na itong tanga.
"Balita ko ay sobrang yaman daw nito...mas mayaman pa sa pamilya nina James," pagpapatuloy ni Mama. "Balak yata ni Auntie Lean mo na ireto rito si Vernice."
Si Vernice ang nakatatandang kapatid ni Trish na kasing-ugali rin nito pero ang kaibahan lang ay wala itong pakialam sa ibang tao kundi ay sa sarili lang nito.
Hindi nga nito pinapansin ang pamilya namin at mas malapit pa ito sa mga mayayamang kaibigan. Kung mayaman ka ay kilala ka nito pero kung hindi ay wala itong pakualam sa'yo kahit nagkadugo pa kayo.
Kung si Trish ay two-faced bitch, si Vernice naman ay pure breed bitch!
"Eh, iyon kung magugustuhan nito si Ate Vernice," maarteng sabat ng kapatid ko na kaugali ng mga pinsan namin. "Paano kung ako iyong magugustuhan, Ma?"
Nawawala nga yata nilang kapatid itong si Rachelle! Manang-mana sa kanila.
"Eh, bongga!" pangungunsinti ng nagaling kong ina. "Magiging mas mayaman pa tayo kaysa pamilya ng Auntie mo."
Sabay na naghagikhikan ang mga ito na para bang tuwang-tuwa sa pinag-uusapan.
"Gwapo ba naman yan, Ma? Baka mamaya niyan ay amoy lupa na iyan."
"Di baleng amoy lupa basta pahihigain ka sa pera."
"Sabagay..."
Gusto ko na talagang maglaho sa kinauupuan dahil sa mga kasama ko rito.
Mabuti pa si Papa dahil tinawag ito ng kapatid na si Uncle Lawrence, ama ni Trish.
Sana pala ay pinilit ko talagang sumama si Dianne para naman may matino akong kausap ngayon!
Allergy kasi ang isang iyon sa pakikipagplastikan kaya ayaw dumalo.
"Reah!"
Nahinto ang hagikhikan ng kapatid ko at ina dahil sa excited na tawag ni Auntie Lean.
Sabay na tumayo agad ang ina at kapatid ko upang salubungin ito. Napaismid ako sa kaplastikan ng mga ito.
"Dumating iyong sinasabi ko sa'yong special guest," tuwang-tuwang pagbabalita ni Auntie.
Saglit na nagkatinginan ang mga kausap nito bago magiliw na nakinig ulit sa pinagsasabi niya.
Pasimple ko namang hinahanap sa kumpulan ng mga bisita ang tinutukoy ni Auntie.
Kahit wala akong pakialam dito ay naengganyo akong silipin kung ano ang hitsura ng irereto ni Auntie sa pinsan ko na panganay nitong anak.
Mas matanda ako ng limang taon kay Vernice at kahit sabihing naunahan ito ng kapatid sa pag-aasawa ay bata pa rin ito at walang dapat ika-pressure hindi katukad ko na nanganganib nang mawala sa kalendaryo.
Bigla akong napatda mula sa kinauupuan nang nagagip ng tingin ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.
Pakiramdam ko ay lumubo ang ulo ko at nanlamig ang buo kong katawan habang nakatingin dito.
Hindi ako naaaring magkamali! Ang lalaking tinitingnan ko ngayon ay ang lalaking nakasama ko no'ng gabing lasing na lasing ako... ang lalaking kumuha ng pinakaiingat-ingatan ko!
Para akong sinuntok sa sikmura nang napansing nakatingin din ito sa'kin kahit mayroon itong ibang kausap.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagkukuhwaring hindi siya napansin.
Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang baso ng tubig na nasa aking harapan.
Bakit sa ngayon ko pa ito nakita? Napuno nang kaba ang puso ko! Kung anu-anong eksena ang nililikha ng aligaga kong isipan.
Paano kung may kinalaman si Trish sa biglaang pagsulpot ng lalaking ito ngayong araw?
Nakaoagtataka namsn kasing sa dinami-dami ng araw at lugar ay ngayon at dito pa talaga kami muling nagtagpo!
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Halos hindi ako makahinga sa kaba! Hindi ko rin maiwasang matakot na baka pakana nga ni Trish ang nangyayari ngayon kaya sinigurado nito dadalo ako hanggang sa reception!
Akmang tatayo ako mula sa kinauupuan upang pumuslit paalis nang mahagip ng tingin ko ang papalapit na bagong kasal.
Gustong tumalon ng puso dahil sa taong nakasunod sa mga ito at matamang nakatitig sa'kin.
Wala na akong iras na tumakas dahil maging si Papa at ang ama ni Trish ay papunta rin sa direksiyon ko.
Hindi ko rin masabi kung kakayanin ko bang tumayo nang maayos sa kabila nang panginginig ng mga binti ko.
Nang tuluyang makalapit sa'kin ang bagong kasal ay may pagmamalaking ngumiti sa'kin si Trish.
Saglit na tumuon ang tingin ko sa nakalingkis nitong kamay sa braso ni James bago huminto sa mukha mukha nito.
Sinadya kong iwasang mapadako ang tingin sa partikular na taong kasama nila.
"Are you enjoying the party, Ate Celle?" malambing na tanong ni Trish na para bang may pakialam talaga ito.
"Huwag mo na akong alalahanin... kasal mo ito kaya dapat ay ikaw iyong mag-enjoy," malumanay kong sagot.
"Namumutla ka yata," puna ni James.
Gusto ko itong samaan ng tingin pero nang mapansin ang bahagyang paglukot ng mukha ni Trish ay mas pinili ko na lang itong ngitian.
"Huwag mo na akong pansinin... asikasuhin mo na lang ang asawa mo," magaan kong tugon.
"Ate Celle, may ipapakilala pala ako sa'yo," singit ni Trish.
Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan upang harapin ang ipapakilala nito at pinagpapasalamat ko na hindi ako bumuway kahit may ideya na ako kung sino ang ipakikilala nito.
"Ito pala ang special guest ko, si Mr. Rowain Michael Walliz, future investor ni Daddy sa kompanya namin."
Hindi ako makatingin ng diretso sa lalaki dahil pinoproseso pa ng utak ko ang katauhan nito.
"Mr. Walliz, pinsan ko pala... Jocelle Galvez." Halatang napipilitan lang itong ipakilala ako.
"It's nice meeting you, Jocelle."
Nanigas ako bigla dahil sa buo niyang boses at kakaibang tono ng pagsasalita niya nang sambitin ang pangalan ko.
Hindi ko tuloy alam kung tatanggalin ko ba ang nakalahad niyang palad o hindi.
"Hello, Mr. Walliz," magiliw na singit ng kapatid ko at ito ang umabot sa nakalahad na palad ng huli. "I'm Rachelle, kapatid ni Ate Jocelle... at ito naman ang mama namin."
Bahagyang umigting ang panga ni Mr. Walliz bago bumalik sa normal ang mukha nito, malinaw na indikasyon na may hindi ito nagugustuhan sa mga nagaganap.
"Jocelle?" Muli akong napatingin dito dahil sa pagtawag nito sa pangalan ko.
Matapis pakawalan ang palad ng kapatid ko ay muling nakalahad sa'kin ang palad niya.
"Mr. W-Walliz," may bikig sa lalamunang sambit ko sa pangalan niya sabay abot ng kanyang palad.
Isang ngiti ang unti-unting sumilay sa mapupula niyang mga labi habang humihigpit ang kapit niya sa kamay ko.
Malakas na kumabog ang puso ko at pasimple kong hinila ang palad ko mula sa pagkakahawak niya pero mas humigpit ang kapit niya roon.
"Nasanay na akong tinatawag mong Michael, so just drop the Mr. Walliz," magiliw niyang kausap sa'kin.
Ramdam ko ang gulat na tingin sa'kin ng mga nasa paligid.
"Magkakilala kayo?" tanong ni James.
Bahagyang tumawa si Mr. Walliz at makahulugan akong kinindatan.
Muntik nang malaglag ang puso ko pero sa pagkakataong ito ay hindi dahil sa kaba kundi dahil sa kakaibang damdaming ginising sa'kin ng kindat na iyon.
Kaya siguro ako sumama rito no'ng gabing nalasing ako dahil hindi maikakaila ang nagsisumigaw nitong kagwapuhan na kung itatabi kay James ay nagmumukhang tuod ang huli.
"Paano kayo nagkakilala?" puno ng kuryusidad na tanong ni Tito Lawrence."Jocelle here, is a special friend of mine," pahayag ni Mr. Walliz. Hindi ko pa siya magawang tawaging Michael dahil hindi ko maalala kung kailan ko siya tinawag nang gano'n. "Siya ang unang sumalubong sa'kin pagkatapak na pagkatapak kong muli sa bansang ito.""Kararating mo lang noong nakaraang buwan, ah!" saad ni Tito Lawrence."Exactly," nakangiting sagot ni Mr. Walliz. Hindi na niya binitiwan ang kamay ko sa halip ay tumabi na siya sa'kin habang hawak-hawak pa rin ito."Ikaw ba ang kasama ni Ate no'ng minsang inumaga siya nang uwi?" bigla ay pakikisabat ni Rachelle sa usapan.Gulat na napasinghap si Trish at kunwari sindak na napatingin sa'kin."Inumaga ka ng uwi, Ate Celle?" gulat na gulat nitong tanong. Eksaherada ang gaga!"Twenty-nine na ako, Trish," sarkastiko kong sagot. "Wala nang masama roon dahil may sarili na akong isip at nasa tamang edad na ako."Kung makapag-react ang gaga ay parang hindi ito n
"Hindi mo maalala kung paano ka nag-iwan ng mga kalmot sa likod ko habang hindi magkamayaw sa pag-ungol sa ilalim ko dahil sa sobrang—""S-stop!" taranta kong pagpapatigil sa pagsasalita ni Michael. "Don't exaggerate things that I can't recall."Kinakabahan kong sinuyod ang kinaroroonan namin at baka may makakarinig sa mga pinagsasabi niya. Malabo man sa alaala ko ang mga pangyayari no'ng gabing iyon pero dahil sa mga narinig ko sa kanya ay may mga eksenang lumilitaw sa isip ko."You really surprised me," naaaliw niyang wika.Nagtataka kong sinalubong ang nangingislap niyang mga mata. Siguro para sa kanya ay nakakatawa ang kung anumang namagitan sa'min.My gosh! May choice naman siyang kalimutan na lang ito dahil wala akong balak maghabol. "C-can we just forget about what happened?" Mas gusto ko na nga lang na ilibing sa limot ang kagagahan ko no'ng gabing iyon.Tinaasan niya ako ng kilay habang hindi hinihiwalay ang matiim na titig sa mukha ko na para bang tinitimbang ang katotohana
Ilang segundo muna akong nakipagtagisan nang tingin kay Michael bago napatid ang pagtitimpi ko at sinipa ko siya sa binti.Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya nabitiwan niya ako sa gulat at agad-agad naman akong humakbang palayo sa kanya."One more step, Jocelle, and I'll turn down your uncle's business proposal." Malinaw ang pagbabanta sa boses niya na nagpahinto sa akma kong pag-alis.Sinibat ko siya nang matalim na tingin nang muli ko siyang hinarap. "Sinong tinatakot mo?" marahas kong tanong.Pero ang totoo ay nakaramdam talaga ako nang pagkabahala. Kumulo ang dugo ko nang makita ang bahagyang pagtaas ng sulok ng bibig niya na animo'y ipinaparating sa'kin na hindi siya naniniwala sa ipinapakita kong kawalan nang pakialam.Alam na alam talaga ng gago ang kahinaan ko at dahil doon ay ang sarap niyang durigin nang pinong-pino para mawala ang taglay niyang kaarogantihan."I can feel your murderous intentions, Jocelle," natatawa niyang pahayag. "And a part of me got excited wi
"In return... you're going to meet my mother and pretend as my girlfriend."Hindi makapaniwala akong napapalatak."Wala ka bang totoong girlfriend na pwede mong ipakilala sa Mama mo at kailangan mo pang maghanap nang mangpapanggap?" natatawa kong tanong.Imposible namang nagkaubusan na ng mga babae para sa katulad niyang bilyonaryo."I don't do girlfriends," kibit-balikat niyang sagot. "Hassle lang iyon sa busy kong schedule.""Pero hindi ka naman gano'n ka-busy sa tingin ko," nakaismid kong pasaring. "Nagawa mo pa ngang makinig sa mga tsismis diyan sa tabi-tabi.""Pinipili ko lang naman iyong mga tsismis na mapapakinabangan ko," nakataas ang kilay niyang wika."So... kailan mo napagtantong kapaki-pakinabang para sa'yo ang tsismis tungkol sa buhay ko?" sarkastiko kong tanong."Kailan nga ba?" napaisip niyang balik-tanong at kunwark ay napahaplos pa sa non-existent niyang bigote para lang asarin ako.Impatiko talaga ang gago! "Kung hindi mo ako nilayasan matapos ang nangyari sa'tin ay
Nagpupuyos sa galit na iniwanan ko si Michael at tulad nga nang sinabi nito ay mukhang nakabuo na ang mga bisita ng konklusyon sa relasyon naming dalawa. Halata sa mga nakakasalubong kong mga panauhin ang biglaang pagbabago nang pakikitungo nila sa'kin.Kung dati para lang akong hanging nilalampasan ng mga ito lalo na ng mga mayayamang bisita at kakilala ng pamilya ni Trish ay iba na ngayon dahil magiliw na ang pagkakangiti nila sa'kin.Bigla ay itinuring nila akong ka-level nila at lantaran nilang pinapakita ang kagustuhang makipaglapit sa'kin.At lahat ng ito ay naaayon sa gustong mangyari ni Rowan Michael Walliz. Nagmumukhang puppet niya ang lahat na walang kamuwang-muwang na napapasunod sa pagmamanipula niya.Kung gaano ito kagwapo ay gano'n din ito katuso! Wala rin pala akong pagpipilian pero pinapaniwala ako ng gago na may choice akong tumanggi sa offer niya! May patanong-tanong pa at kunwari ay pwede ko pa raw pag-isipan pero paglabas ko ay inaakala na ng lahat na may mas ma
Upang mabawasan ang epektong hatid ni Michael sa katinuan ko ay tinuon ko ang pansin kay Trish. Focus lang sa goal dahil natataranta lamang-loob ko sa lapit ni Michael sa'kin. Gusto kong magbunyi nang makita ang kislap ng inggit sa mga mata ni Trish habang nakatingin kay Michael. Ngayon siguro ay nagsisisi na ito kung bakit padalos-dalos agad ang desisyon nitong magpabuntis kay James upang tuluyan itong maagaw sa'kin gayong the best is yet to come pa pala.Kahit hindi totoo ang relasyon namin ni Michael ay gusto kong ipamukha kay Trish na iyong naagaw niya ay walang panama sa bagong ipinalit ko."Ate Jocelle, nakausap ni'yo na po ba si Uncle Niro?" magiliw na baling sa'kin ni Trish kapagkuwan."Bakit ko naman siya kakausapin?" kunwari ay nababaghan kong tanong gayong alam na alam ko kung saan papunta ang usaping ito.Alam kong isa siya sa sumulsol sa ina ko upang halos ipamigay na ako sa matandang Niro na iyon. Hula ko ay mas may alam pa nga siya kaysa sa'kin sa nakaplanong kasal
Mula sa party ay nagpahatid ako kay Michael sa lugar nina Dianne.Makipot ang eskinita papasok sa mismong bahay ng kaibigan ko kaya nagpababa ako sa bukana."Are you sure that this place is safe?" salubong ang mga kilay na tanong ni Michael habang sinisilip ang paligid."Mas ligtas pa ang lugar na ito kaysa bahay namin," bubulong-bulong kong tugon."At sino nga ulit ang pupuntahan mo riyan?" pag-uusisa niya na nagpahinto sa akma kong pagbaba."Kaibigan ko," sagot ko.Kanina ko pa nasabi pero paulit-ulit siyang nagtatanong."Babae o lalaki?" walang ekspresyon niyang tanong ulit."Babae," maikli kong sagot.Nahagip nang tingin ko ang pagbaba ng mga nakasakay sa dalawang sasakyang nakasunod sa sinasakyan namin.Lumapit ang isa sa mga ito sa bintanang nasa tabi ni Michael kaya bahagya niyang ibinaba ang salamin nito."Check the vicinity, I'll get down of the car," utos niya sa tauhang lumapit."Teka! Bakit ka bababa?" nagtataka kong tanong sa kanya."Ihahatid kita sa mismong bahay ng kaib
"Wala ka ba talagang ideya kung ano itong pinasok mo?" labas ang litid na tanong sa'kin ni Dianne.Nang mapagbuksan niya ako kanina ng pinto at makita kung sino ang kasama ko ay bigla siyang namutla at napatulala. Kulang na lang at himatayin siya. Hindi naman agad ako nag-alala o nagduda dahil minsan talaga ay umaandar ang pagiging luka-luka niya lalo n at bilog iyong buwan.Hindi na nga lang ako nagkomento nang hindi siya nagsasalita hanggang sa umalis na si Michael at hindi ko na rin siya ipinakilala rito.Ang gaga hindi man lang nagpakitang tao na imbitahan iyong kasama ko na pumasok at basta na lang siyang tumunganga sa mukha nito.Matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa party at kasunduan namin ni Michael ay tsaka pa lang siya hestirikal na nagtatanong sa'kin ng mga kung anu-ano.Hindi ko naman siya masagot tungkol doon sa tanong niya kung papaano kami nagkakilala ni Michael at saan kami unang nagkita dahil wala pa akong lakas ng loob na ikwento iyong katangahan kong nagaw
Kinagabihan ay sumalo sa hapunan namin ng pamilya ni Dianne si Michael. Mabilis niyang nakuha ang loob ng Nanay at Tatay ni Dianne. Mga simpleng tao lang ang mga ito kaya siguro hindi nila gaanong kilala ang katauhan ni RM. Alam nilang malaking tao ito sa larangan ng negosyo at galing sa mayamang pamilya pero hindi nila alam kung ano ang kaya nitong gawin at ang mga nagawa na nito. Pinapakitunguhan nila si Michael batay sa pinapakita nito ngayon at hindi sa kung sino ito sa pagkakakilala ng publiko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang pinapanood si Michael na masayang nakikipag-usap sa tatay ni Dianne. Tungkol sa pinagkaabalahan sa palaisdaan ang pinag-uusapan nila. "Magtatagal ka ba rito sa isla?" bigla ay tanong kay Michael ni Nanay Veron na nanay ni Dianne Napansin ko ang ginawang pagsulyap sa'kin ni Michael bago bumaling kay Nanay. "Depende po kay Jocelle,"agalang niyang sagot. "Paano kung dito na titira si Jocelle?" natatawang tanong ni Tatay Dong, ang ama ni Dian
Bago tuluyang nagpaalam sina Michael ay kinausap muna ako ni Lola Mathilda.Kabadong-kabado pa ako at baka bigla ako nitong offer-an ng sampung milyon layuan lang ang kanyang apo. Kung kailan kami nagkaayos ni Michael ay tsaka pa ako masampal ng kayaman ng Lola niya.Siguro kung ibibigay niya sa'kin ang kalahati ng buong ari-arian ng mga Arizon ay pag-iisipan ko pa ang magiging offer niya pero hindi gano'n ang naging usapan namin."Mahal ka ng apo, sana ay sa susunod na may ganitong pangyayari na naman ay sa'kin ka lumapit bago ka gumawa ng desisyon." Malumanay ang boses ni Lola Mathilda habang kinakausap niya ako.Iyong kaba ko kanina ay biglang naglaho."Kung makikita kong may mali ngang ginawa si Rowan Michael ay ako ang dedesiplina sa kanya. Malabo mang may kalokohang gagawin ang isang iyon pero tandaan mong kakampihan kita 'pag nagkataon.""Pasensya na po kayo," nakayuko kong paghingi ng paumanhin.Naiintindihan ko naman iyong naratamdaman niyang inis dahil sa inakto ko. Pati ba
Ilang sandali pa at magkakaharap na kaming lahat sa sala nina Dianne. Dati naman ay naluluwagana ako sa sala nila pero dahil sa presensya ng mga bisita namin ay biglang parang sumikip.Pakiramdam ko nga ay hindi kakayanin ng maliit na ceiling fan na nandito sa sala iyong init na dala ng tensiyon.Kahit saan talaga ilagay itong Lola Marga ni Michael ay astang reyna talaga ito. Well, gano'n naman talaga ito, reyna ng mga Walliz. "Now, ipaliwanang mo sa'kin kung bakit bigla-bigla kang umalis," seryoso nitong kausap sa'kin."Bakit ako iyong magpapaliwanag?" maang kong tanong. "Ako po iyong niloko ng apo ninyo," dugtong ko.Kailangan ko lang pala isipin iyong kasalanan sa akin ni Michael para magkalakas loob akong sagutin ang lola niya.Kung ako naman iyong naaagrabyado ay hindi ako dapat na manahimik lang lalo na ngayong may pinoprotektahan na ako.Wala sa sariling naipatong ko ang kamay sa impis kong tiyan. Nang mahagip ng tingin ko ang pagtutok doon ni Michael ay taranta ko namang inali
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pakikinggan," matigas na pahayag ni Michael.Sa pagkakataong ito ay nakikita ko na iyong RM na pinangingilagan ng lahat. Ibang-iba ang Michael na kaharap ko ngayon sa Michael na nakasama ko. Gano'n pa man ay hindi nagbabago iyong damdamin ko para sa kanya. Partida galit pa ako niyan dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa'kin."Walang katotohanan ang inaakala mong panloloko ko sa'yo," mariin niyang dagdag.Mapakla akong napapalatak habang naiiling dahil sa narinig."So, sinasabi mo na hindi totoo iyong nakita ko?" sarkastiko kong tanong. "Gagawin mo pa akong tanga, eh kitang-kita ko kayong dalawa ni Vernice!" nanggagalaiti sa galit kong bulyaw sa kanya."Celle, kalma lang," awat sa'kin ni Dianne. "Hindi makabubuti sa'yo ang ma-stress," makahulugan niyang dugtong.Agad kong naalala ang kasalukuyan kong kondisyon kaya mariin akong pumikit at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.Nang muli akong magmulat ng mga mata at diretso kong sinama
Pagkauwi ko kinahapunan ay hindi ako mapakaling inaabangan si Dianne. Bawat napapadaang sasakyan ay agad akong naalarma. Baka kasi bigla ay si Michael na ang dumating.Pagkarinig ko sa tunog ng motor ni Dianne ay sinalubong ko siya.Siguro ay halata sa hitsura ko iying nararamdaman kong pagkabalisa kaya"Ano? Nagpunta kanina sa opisina ni'yo si RM?" malakas na tanong ni Dianne matapos kong magkwento sa kanya pagkauwi kinahapunan."Oo nga," aligaga kong sagot. "Kasama niya si Sir Sky.""Wala naman siyang ginawa o sinabi 'di ba?" pang-uusisa niya."Iyon nga ang mas nakakakaba dahil tiyak na may binabalak iyon!" "Maupo ka nga, ako nang nahihilo sa'yo," saway niya sa palakad-lakad kong ginagawa.Pabuntung-hininga ko siyang tinapunan nang tingin pero hindi talaga ako mapakali kaya hindi ko rin magawang umupo."Paano kung nandito siya dahil nalaman niyang buntis ako?" nag-alala kong tanong. "Tapos kikunin niya iyong anak ko upang makuha iyong mana niya?""Kumalma ka, okay?" mahinahong uto
May disadvantage rin pala kapag halos magkakilala na lahat ng mga tao sa paligid mo dahil pagkapasok ko ulit bukas sa opisina ay sinalubong ako ng mga pagbati mula sa mga katrabaho ko.Ang bilis umabot sa kanila ng balitang buntis ako. Wala akong naramdamang pagkailang o ano pa man dahil sa kawalan ng ama ng dinadala ko. Hindi nila pimaramdam sa'kin na dapat ko iyong ikahiya at ni isa sa kanila ay walang nag-usisa tungkol doon. Lahat ay excited sa pinagbubuntis ko at wala silang pinakitang interes sa kung papaano ako nabuntis at bakit wala silang nakikitang tumatayong tatay para sa anak ko.Ang nakakatuwa pa ay nagpresenta ang lahat na magiging ninang ng anak ko. Dalawang buwan pa nga lang ang tiyan ko ay may nangako nang sasagot sa drinks ng binyagan.Nakakataba ng puso na kahit kabago-bago ko pa lang ay ganito na ang pagtanggap nila sa'kin.Maging si Sir Cloud ay nanlibre ng snacks sa buong opisina bilang selebrasyon ng pagbubuntis ko.Ngayon pa lang ay botong-boto na ako sa kanya
Nang sumunod na mga araw ay nakumpleto na ang mga kinakailangan kong check-up upang mapangalagaan kaming dalawa ng magiging baby ko. Babalik pa naman ako sa OB ko para sa'king prenatal schedule. Kahit tapos nang kumpirmahin ng doktor na tama iyong lumabas na result ng PT ay parang panaginip pa rin ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon na ako ng baby!Nakakamangha lang na meron nang nabubuong buhay sa sinapupunan ko. Ganito pala iyong feeling ng magiging nanay, nakaka-excite na nakakanerbyos.Sa samo't saring emosyon na nararamdamab ko ay nanaig iyong saya lalo na ngayong napag-alaman kong maayos naman ang pagbubuntis ko. Wala akong kaalam-alam na dalawang buwan na pala akong buntis dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa katawan ko.Hindi ko nga naranasan ang tinatawag na morning sickness, na karaniwang sintomas ng pagdadalang-tao. Pero sinabi ng doktor na normal lang ito. Mayroong mga buntis na hindi talaga nasusuka, habang may iba naman na malala iyong nar
"Buntis ka ba?"Maang akong napatingin kay Dianne dahil sa diretsahan niyang tanong."Anong klaseng tanong iyan?" natatawa kong balik-tanong sa kanya.Hindi ako natawa sa pinapanood kong comedy film pero sa tanong niya ay napatawa talaga ako... tawang may kasamang nerbyos. Dalawa na sila no'ng dalagitang nagtitinda ng prutas na inakalang buntis ako. Iyong una nga lang ay inakalang naglilihi ako tapos itong kaibigan ko ay diretsahan talaga akong tinanong!"Seryosong tanong 'to," nandidilat niyang tugon.Halos mag-iisang linggo na ako rito sa isla at unang day off ko ngayon kaya naisipan kong mag-netflix and chill pero literal na pinanlalamigan ako sa buntis-buntis naming paksa!Nang sumunod na mga araw pagkatapos akong kausapin ni Sir Sky tungkol kay Michael ay abot-abot ang kaba ko habang hindi mapakali at baka totoo ngang biglang susulpot ang huli. Pero ngayon ay nawala na sa isip ko ang posibilidad na iyon. Ilang araw na kasi ang dumaan at ni anino ng Michael na iyon ay hindi nagp
Wala naman pala akong dapat na ipag-alala sa bago kong trabaho dahil mababait iyong mga makakasama ko.Maging si Sir Cloud ay sobrang bait. Seryoso lang itong tingnan pero kapag kausap mo na ay sobrang down to earth.Kambal man sila ni Sir Sky ay hindi iti nawisikan ng pagiging masungit ng huli. Bawing-bawi naman sa hitsura dahil hindi man magkamukhang- magkamuha ay wala namang tapon sa magkakapatid. Akala ko noon ay si Michael lang iyong perpekto pagdating sa kagwapuhan pero meron din pala sa lugar na ito at iyon ay ang magkakapatid na Granzon. Si Ma'am Star naman na minsan ko na ring nakilala ay ang masasabi kong pinakamadaling lapitan sa triplets. Bungisngis kasi ito at sobrang kwela. Kapag nakikipag-usap sa aming mga empleyado ay parang kabarkada lang. Si Sir Sky lang talaga iyong medyo ilag kami dahil bibihira lang talaga itong ngumiti at iyon ay kapag kinukulit na ito ni Ma'am Star.Hindi ko pa nakikita iyong mga magulang nila at sa usap-usapan ko lang naririnig iyong tungkol