Chapter: chapter 8Nang muli akong magmulat ng mga mata ay ang nag-alalang mukha ni Mommy ang una kong nakita bago tumuon ang pansin ko sa seryosong mukha ni Daddy."Thank God you're okay! You make me worried, baby," naluluhang wika ni Mommy bago ako mahigpit na niyakap." I've talked to Dr. Pierre, we have scheduled your consultation," walang emosyong pahayag ni Daddy na bahagyang lumapit sa kinahihigaan ko.Maingat akong pinakawalan ni Mommy at binigyan ng masuyong ngiti."Dad, I'm okay. Hindi ko na kailangan si Dr. Pierre.""It's a direct order from me!" dumagundong ang galit na boses ni Daddy."Francis, please... hayaan mo munang magpahinga ang anak mo," mahinahong baling dito ni Mommy."Jade, masyadong tumitigas na ang ulo niyang anak mo!""Intindihin mo naman ang pinagdadaanan niya.""Jade, walang jewel na mahina ang loob at nagpapatalo sa emosyon! Dapat ay 'di ulo ang pinapatigas niyang anak mo kundi ay ang kalooban at puso!" madiing sabi ni Daddy.Malungkot na napapailing na lang si Mommy habang
Huling Na-update: 2022-12-14
Chapter: chapter 7Pagak akong napatawa habang napahiga ulit sa kamang kinaroroonan ko.Tiyak mag-aapoy na naman sa galit si Papa pag malaman nitong nakidnap ako ng kalaban.Mariin kong naikuyom ang mga palad nang muli ay maalala ang mukha ng Blake Veñarez na iyon.Hindi pwedeng ito si Royz kahit napakaimposibleng halos pinagbiyak sila na bunga. Bago pa muling tumulo ang luha ko sa alaala ni Royz ay maliksi akong bumangon upang lumapit sa pintuan.Tulad nang inaasahan ay naka-lock naka-lock ito mula sa labas kaya lumapit ako sa bintana.Sa tantiya ko ay nasa ikalimang palapag ang kinaroroonan ko. May mga rehas na bakal na nakaharang sa bawat bintana kaya imposibleng makadaan ako roon pababa.Mula sa kinaroroonan ay wala akong mamataang ibang establishment na malapit. Puro kakahuyan iyong naaabot ng tanaw ko. Mukhang nandito ako sa isa sa mga head quarter ng kalaban. Pare-pareho lang talaga mag-isip ang mga sindikato. Inaakala nilang mas ligtas ang lugar kapag walang gaanong tao.Iyon ang kaibahan ni
Huling Na-update: 2022-12-10
Chapter: chapter 6Wala sa sariling naglalakad ako, hinayaan ko ang mga paa kong dalhin ako sa lugar na alam na alam ng mga ito.ROY (ROYZ) ZALDEForever in my heart.Parang lantang gulay akong napaupo sa puntod niya."Royz, malapit ko nang matupad ang pangarap natin... malapit na akong maging teacher," lumuluha kong kausap sa taong hindi ko na muli pang mayayakap.Sa buhay kong laging may mga matang nakabantay ay itong kinaroroonan ni Royz ang takbuhan ko sa tuwina. Kapag nandito ako ay pakiramdam ko'y hindi ako sinusundan nang kahit na sino sa pamilya ko.Dito, nailalabas ko ang totoong ako dahil tanging si Royz lang iyong nandito, kasama ko. Hindi ko man siya nakikita ay nararamdaman ko ang presensya niya.Isang kaluskos ang nagpaangat ng mukha ko. Agad akong naging alerto.Kahit ni minsan ay walang ni isa sa pamilya ko na nagtangkang umisturbo sa'kin'pag nandito ako sa lugar na ito ay walang kasiguruhang hindi gagawin iyon ng sinuman sa kalabanan namin.Isang lalaki ang nakatayo sa 'di kalayuan ko
Huling Na-update: 2022-12-10
Chapter: chapter 5Pagkatapos ng ilang palitan ng putok at mga pagsabog ay sa wakas dumating ang back-up namin.Iglap lang ay nakontrol din ng mga tauhan ni Kuya Onyx ang mga kalaban at tulad ng utos niya ay may isang itinirang buhay.Pagdating namin sa Jewel's Tower kung saan ay isinasagawa ang mga illegal transactions ng mafia ay agad kaming dumiretso interrogation room.Nadatnan namin doon ang naiwang buhay kanina na kalaban.May tama ito ng baril pero hindi naman fatal, 'di niya iyon ikamamatay. Pero sa nakaabang na pagpapahirap sa kanya ay tiyak hihilingin niya na lang na mamatay.Isang 5 star hotel ang Jewel's Tower pero sa likod niyon ay isa itong malaking imperyo ng sindikato.Isa lang ito sa mga balwarte ng De Jesus Organization na nagkalat sa buong mundo."Si Papa?" agad na tanong ni Kuya sa nadatnang tauhan.Agad na nagsuot ng rubber gloves si Kuya, hudyat iyon na sisimulan na niya ang pagtatanong sa nahuli namin."Parating na ang Master, Boss," sagot ng tauhan kay Kuya."Ok, madaliin na nati
Huling Na-update: 2022-11-12
Chapter: chapter 4"Kayo naman kasi, eh! Sugod nang sugod ayan tuloy!" paninisi ni Aireen sa mga pinsan namin.Tapos na kaming nasermonan at heto nga sisihan na iyong kasunod."Anong kami lang? Hoy, nakita ko ikaw iyong unang dumamba!" Turo ni Niña kay Aireen."Oy hindi naman ako ang nambali ng braso ng mga mannequin na iyon 'no!" angal naman agad nito."Ako ba pinariringgan ni'yo?" singit ni Clair. "Buti nga sa kanila iyon! 'Di ba Vans?! Oy Vans, bakit ka umiiyak?" maang na tanong ni Clair kay Vanessa."May masakit ba sa'yo?" nag-alala kong tanong at lumapit pa rito.Bigla naman itong ngumawa kaya sabay-sabay na ring napalapit iyong tatlo habang nag-alalang sinuri ito." Punyeta, Clair... tumawag ka ng ambulance!" tarantang utos ni Niña."Mas malapit dito ang school clinic, may naka-duty na doctor doon!" sabat naman ni Aireen."Vans, ano bang naramdaman mo? May masakit ba sa'yo?"malumanay kong tanong. Ano bang problema ng babaeng ito? Lagot kami kay tita Andrea 'pag may mangyari sa unica hija nito."L
Huling Na-update: 2022-11-12
Chapter: chapter 3"I can't believe this. Ang bago- bago ni'yo pa lang dito ay nasangkot na agad kayo sa gulo!" sermon ng school dean na si Mr. Sanchu. "Ano na lang sasabihin ng mga parents ni'yo kapag makarating ito sa kanila?" Almost 2 hours na niya kaming sinesermonan na halos makatulog na ako sa antok. Pati iyong tatlo kong mga kasama ay nahuhuli kong naghihikab habang pinapanood ang nangyayari sa harapan namin. " Excuse me, Sir, bakit ba kami lang iyong pinapagalitan ninyo?" reklamo ni Aireen. "Hindi lang naman kami ang sangkot dito ah?" Kanina pa ganito ang senaryo, maninermon si Sir tapos sasabat si Aireen habang kami naman dito ay nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Paano ko naman sesermonan iyong iba? Eh nandoon sila sa clinic!" gigil na sabi ni Sir. "Iyon nga ang pinupunto ko, Sir, eh... hindi dahil nasa clinic sila ngayon ay wala na silang kasalanan!" Bravo, pwede na talagang maging abogado itong si Aireen. "Ms. Legaspi, 'di ko sinasabing abswelto na sila dahil lang
Huling Na-update: 2022-11-12
Chapter: Chapter 57Kinagabihan ay sumalo sa hapunan namin ng pamilya ni Dianne si Michael. Mabilis niyang nakuha ang loob ng Nanay at Tatay ni Dianne. Mga simpleng tao lang ang mga ito kaya siguro hindi nila gaanong kilala ang katauhan ni RM. Alam nilang malaking tao ito sa larangan ng negosyo at galing sa mayamang pamilya pero hindi nila alam kung ano ang kaya nitong gawin at ang mga nagawa na nito. Pinapakitunguhan nila si Michael batay sa pinapakita nito ngayon at hindi sa kung sino ito sa pagkakakilala ng publiko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang pinapanood si Michael na masayang nakikipag-usap sa tatay ni Dianne. Tungkol sa pinagkaabalahan sa palaisdaan ang pinag-uusapan nila. "Magtatagal ka ba rito sa isla?" bigla ay tanong kay Michael ni Nanay Veron na nanay ni Dianne Napansin ko ang ginawang pagsulyap sa'kin ni Michael bago bumaling kay Nanay. "Depende po kay Jocelle,"agalang niyang sagot. "Paano kung dito na titira si Jocelle?" natatawang tanong ni Tatay Dong, ang ama ni Dian
Huling Na-update: 2024-01-23
Chapter: chapter 56Bago tuluyang nagpaalam sina Michael ay kinausap muna ako ni Lola Mathilda.Kabadong-kabado pa ako at baka bigla ako nitong offer-an ng sampung milyon layuan lang ang kanyang apo. Kung kailan kami nagkaayos ni Michael ay tsaka pa ako masampal ng kayaman ng Lola niya.Siguro kung ibibigay niya sa'kin ang kalahati ng buong ari-arian ng mga Arizon ay pag-iisipan ko pa ang magiging offer niya pero hindi gano'n ang naging usapan namin."Mahal ka ng apo, sana ay sa susunod na may ganitong pangyayari na naman ay sa'kin ka lumapit bago ka gumawa ng desisyon." Malumanay ang boses ni Lola Mathilda habang kinakausap niya ako.Iyong kaba ko kanina ay biglang naglaho."Kung makikita kong may mali ngang ginawa si Rowan Michael ay ako ang dedesiplina sa kanya. Malabo mang may kalokohang gagawin ang isang iyon pero tandaan mong kakampihan kita 'pag nagkataon.""Pasensya na po kayo," nakayuko kong paghingi ng paumanhin.Naiintindihan ko naman iyong naratamdaman niyang inis dahil sa inakto ko. Pati ba
Huling Na-update: 2023-11-11
Chapter: chapter 55Ilang sandali pa at magkakaharap na kaming lahat sa sala nina Dianne. Dati naman ay naluluwagana ako sa sala nila pero dahil sa presensya ng mga bisita namin ay biglang parang sumikip.Pakiramdam ko nga ay hindi kakayanin ng maliit na ceiling fan na nandito sa sala iyong init na dala ng tensiyon.Kahit saan talaga ilagay itong Lola Marga ni Michael ay astang reyna talaga ito. Well, gano'n naman talaga ito, reyna ng mga Walliz. "Now, ipaliwanang mo sa'kin kung bakit bigla-bigla kang umalis," seryoso nitong kausap sa'kin."Bakit ako iyong magpapaliwanag?" maang kong tanong. "Ako po iyong niloko ng apo ninyo," dugtong ko.Kailangan ko lang pala isipin iyong kasalanan sa akin ni Michael para magkalakas loob akong sagutin ang lola niya.Kung ako naman iyong naaagrabyado ay hindi ako dapat na manahimik lang lalo na ngayong may pinoprotektahan na ako.Wala sa sariling naipatong ko ang kamay sa impis kong tiyan. Nang mahagip ng tingin ko ang pagtutok doon ni Michael ay taranta ko namang inali
Huling Na-update: 2023-08-22
Chapter: chapter 54"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pakikinggan," matigas na pahayag ni Michael.Sa pagkakataong ito ay nakikita ko na iyong RM na pinangingilagan ng lahat. Ibang-iba ang Michael na kaharap ko ngayon sa Michael na nakasama ko. Gano'n pa man ay hindi nagbabago iyong damdamin ko para sa kanya. Partida galit pa ako niyan dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa'kin."Walang katotohanan ang inaakala mong panloloko ko sa'yo," mariin niyang dagdag.Mapakla akong napapalatak habang naiiling dahil sa narinig."So, sinasabi mo na hindi totoo iyong nakita ko?" sarkastiko kong tanong. "Gagawin mo pa akong tanga, eh kitang-kita ko kayong dalawa ni Vernice!" nanggagalaiti sa galit kong bulyaw sa kanya."Celle, kalma lang," awat sa'kin ni Dianne. "Hindi makabubuti sa'yo ang ma-stress," makahulugan niyang dugtong.Agad kong naalala ang kasalukuyan kong kondisyon kaya mariin akong pumikit at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.Nang muli akong magmulat ng mga mata at diretso kong sinama
Huling Na-update: 2023-08-18
Chapter: chapter 53Pagkauwi ko kinahapunan ay hindi ako mapakaling inaabangan si Dianne. Bawat napapadaang sasakyan ay agad akong naalarma. Baka kasi bigla ay si Michael na ang dumating.Pagkarinig ko sa tunog ng motor ni Dianne ay sinalubong ko siya.Siguro ay halata sa hitsura ko iying nararamdaman kong pagkabalisa kaya"Ano? Nagpunta kanina sa opisina ni'yo si RM?" malakas na tanong ni Dianne matapos kong magkwento sa kanya pagkauwi kinahapunan."Oo nga," aligaga kong sagot. "Kasama niya si Sir Sky.""Wala naman siyang ginawa o sinabi 'di ba?" pang-uusisa niya."Iyon nga ang mas nakakakaba dahil tiyak na may binabalak iyon!" "Maupo ka nga, ako nang nahihilo sa'yo," saway niya sa palakad-lakad kong ginagawa.Pabuntung-hininga ko siyang tinapunan nang tingin pero hindi talaga ako mapakali kaya hindi ko rin magawang umupo."Paano kung nandito siya dahil nalaman niyang buntis ako?" nag-alala kong tanong. "Tapos kikunin niya iyong anak ko upang makuha iyong mana niya?""Kumalma ka, okay?" mahinahong uto
Huling Na-update: 2023-08-18
Chapter: chapter 52May disadvantage rin pala kapag halos magkakilala na lahat ng mga tao sa paligid mo dahil pagkapasok ko ulit bukas sa opisina ay sinalubong ako ng mga pagbati mula sa mga katrabaho ko.Ang bilis umabot sa kanila ng balitang buntis ako. Wala akong naramdamang pagkailang o ano pa man dahil sa kawalan ng ama ng dinadala ko. Hindi nila pimaramdam sa'kin na dapat ko iyong ikahiya at ni isa sa kanila ay walang nag-usisa tungkol doon. Lahat ay excited sa pinagbubuntis ko at wala silang pinakitang interes sa kung papaano ako nabuntis at bakit wala silang nakikitang tumatayong tatay para sa anak ko.Ang nakakatuwa pa ay nagpresenta ang lahat na magiging ninang ng anak ko. Dalawang buwan pa nga lang ang tiyan ko ay may nangako nang sasagot sa drinks ng binyagan.Nakakataba ng puso na kahit kabago-bago ko pa lang ay ganito na ang pagtanggap nila sa'kin.Maging si Sir Cloud ay nanlibre ng snacks sa buong opisina bilang selebrasyon ng pagbubuntis ko.Ngayon pa lang ay botong-boto na ako sa kanya
Huling Na-update: 2023-07-26