"Kayo naman kasi, eh! Sugod nang sugod ayan tuloy!" paninisi ni Aireen sa mga pinsan namin.
Tapos na kaming nasermonan at heto nga sisihan na iyong kasunod.
"Anong kami lang? Hoy, nakita ko ikaw iyong unang dumamba!" Turo ni Niña kay Aireen.
"Oy hindi naman ako ang nambali ng braso ng mga mannequin na iyon 'no!" angal naman agad nito.
"Ako ba pinariringgan ni'yo?" singit ni Clair. "Buti nga sa kanila iyon! 'Di ba Vans?! Oy Vans, bakit ka umiiyak?" maang na tanong ni Clair kay Vanessa.
"May masakit ba sa'yo?" nag-alala kong tanong at lumapit pa rito.
Bigla naman itong ngumawa kaya sabay-sabay na ring napalapit iyong tatlo habang nag-alalang sinuri ito.
" P*****a, Clair... tumawag ka ng ambulance!" tarantang utos ni Niña.
"Mas malapit dito ang school clinic, may naka-duty na doctor doon!" sabat naman ni Aireen.
"Vans, ano bang naramdaman mo? May masakit ba sa'yo?"malumanay kong tanong.
Ano bang problema ng babaeng ito? Lagot kami kay tita Andrea 'pag may mangyari sa unica hija nito.
"Look at my nails! They got broken!" naluluha nitong sumbong sabay pakita ng mahahaba nitong kuko na hindi na magkakapantay dahil iyong iba ay naputol. Dahil siguro iyon sa pakikisali nito sa kaguluhan kanina.
" Ay letse! Purenarya ang tawagan mo Clair!" yamot na utos ni Niña.
"Bakit? 'Di pa naman patay iyong mga kuko niya ah... broken pa nga lang 'di ba? Broken not dead duh!" umiikot ang matang sagot ni Clair.
"Sinong maysabi sa'yong kuko iyong ipapasok ko sa purenarya?"
" Bakit? Sino bang ipapasok mo?" inosenteng tanong ni Clair.
"Itong pinsan mong maluwag ang turnilyo dahil papatayin ko na yan," singhal ni Niña sabay abot kay Vanessa pero agad naman itong napigilan ni Aireen.
Buti naman, akala ko'y magkakagulo na naman ulit.
"Kuko lang iniiyakan?" naiinis pa rin na sabi ni Niña.
"Kung gagawa ka ng krimen, 'wag dito kung saan maraming witnesses," seryosong payo ni Aireen. "At paano ko ipapaliwanag sa korte na wala akong alam kung maraming nakakakita na maaaring makapagpatunay ng presensya ko sa crime scene?" nangangaral nitong dagdag.
Napa-face palm na lang ako dah baliw talaga ang mga pinsan ko!
Habang nag-babangayan pa sila at nagpapaliwanag si Aireen kung paano gumawa ng krimen na hindi ka mahuhuli ay naiiling na lang ako na umalis.
Bahala na sila riyan basta wala ako sa crime scene may alibi na ako. Nahawa na ako sa kabaliwan ni Aireen!
Kailangan ko pang tawagan si Ninong P para makausap ko si VP.
Pagkalabas ko ng school ay napakunot-noo ako nang apat na itim na Mercedes bench ang nakahilira sa kalsada. Hindi na ako nagulat nang mula sa isa mga ito ay lumabas ang kuya Onyx ko.
"My jewel!" nakangiti nitong bati sa'kin sabay yakap sa'kin nang mahigpit.
"Akala ko ba nasa Taiwan ka?" taka kong tanong sabay pasok sa loob ng sasakyang binabaan nito.
Tulad ng inasahan ay convoy ang apat na sasakyan. Nasa gitna ang sinakyan namin kasama ang head bodyguard ni kuya na siyang nagmamaneho.
"I just arrived at nagulat agad ako dahil unang bumati sa'kin ang balita about the VP's granddaughter na kung saan ay sangkot ka at ang trouble four," naiiling nitong sabi.
Trouble four ang tawag ni Kuya sa apat naming pinsang iyon. Masyado daw kasing mahilig sa trouble ang mga ito.
"Ang bilis naman ng balita. Kakausapin ko pa nga si Ninong P para matulungan ako kay VP."
"No need to do that. Inayos na ni Diamond ang atraso NINYO kay VP," pinagdiinan pa talaga nito ang ninyo ibig sabihin ay umabot na rin sa mga parents ng mga pinsan ko ang gulo.
Ang pinakamasabon nito ay si Aireen dahil nga masyadong mahigpit about sa reputations at iba pang kaek-ekan ang mama nito. Iyon nga lang no keber dito ang pinsan kong iyon kaya tiyak no effect pa rin dito ang galit ni Tita Nissa. Tiyak na mauubos ang opensa ni Tita sa dami ng depensa ni Aireen.
Si Niña naman ay tiyak isang buwan itong grounded.
Si Clair ay siguradong hindi makakatanggi sa mga modelling projects na si Tita Rhina mismo ang mag-aaprove bilang kaparusahan ng anak.
Siguro sa apat ay tanging si Vanessa ang pinakamaswerte dahil tulad nang dati ay kukunsentihin lang ito ni Tita.
Pati Daddy nito ay tiyak isa rin sa mangungunsinti kasi para sa kanila walang magagawang mali ang nag-iisa nilang anak! Pambihira! 'Di nila alam half-tao-half-impakta ang babaeng iyon.
" Alam ba ni Papa?" mahina kong tanong kay Kuya.
"Sa tingin mo ba ay may bagay na nakakalagpas sa radar ni Papa?"seryosong balik- tanong ni Kuya Onyx.
Sa dalawang kuya ko , si Kuya Onyx ang pinakamaloko pero 'pag si Papa ang usapan ay bigla itong sumeseryoso.
" Ang pangit mo, kuya!" nakangiti kong sabi sabay pingot sa ilong nito.
Muli naman itong ngumiti at kiniliti ako sa gilid. Maya-maya lang ay napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan.
Ang saya sana kung ganito palagi, iyon nga lang... miminsan lang ito kaya dapat sulitin.
Ang pogi talaga ng kapatid ko lalo na tuwing tumatawa ito at labas ang dalawang dimples nito. Pakakainin nito ng alikabok si Coco Martin kung papogian lang ang labanan.
"I love you, Kuya. Mahal ko kayo ni Kuya Diamond," malambing kong sabi dito.
Ngumiti naman ito at akmang magsasalita ng biglang may narinig kaming pagsabog at sunud-sunod na putok!
"Damn shit!" malakas na mura ni Kuya Onyx nang iyong sinasakyan na namin ang pinauulanan ng bala buti na lang at bullet proof ito. Iyong sumabog naman ay ang sasakyan sa unahan namin.
Alerto kong binuksan ang maliit na compartment sa ilalim ng inuupuan ko at kinuha ang isang baril doon kasama ang ilang mga bala.
"Secure the jewels!" paulit-ulit na sabi ng head bodyguard ni Kuya sa earpiece nito habang may hawak na rin itong baril.
Biglang huminto sa kasukalan ang sinakyan namin dahil tinamaan ng bala ang gulong. Sabay-sabay ding huminto ang mga nakasunod sa'ming mga tauhan ni Kuya pati na rin ang mga sasakyang tumambang samin.
" Emerald, sumama ka kay James, umalis na kayo rito," tukoy ni Kuya sa head bodyguard nito.
"Noo! Dito lang ako!" giit ko habang nagtatago sa likod ng pintuan ng sasakyan upang 'di matamaan sa palitan ng bala.
" Damn it, Emerald! Huwag matigas ang ulo!"
"Di kita iiwan!" pinal kong pahayag at inasinta ang isa sa mga kalaban.
Bang! Sapul!
" See, kailangan mo ako rito. 'Pag nandito ako, para na ring may sniper ka!" mayabang kong sabi.
"Shit! Pag ikaw nagalusan... malilintikan ka sakin!" gigil nitong sabi.
" Yes Sir, yes Sir!" nakangiti kong sabi sabay baril sa kalabang palihim na pumaikot sa pinagtataguan namin.
"Boss, nakatawag na ako ng back-up!" balita ni James.
" Good! Ngayon patayin silang lahat at magtira ng isang buhay!" seryosong pahayag ni Kuya.
Pagkatapos ng ilang palitan ng putok at mga pagsabog ay sa wakas dumating ang back-up namin.Iglap lang ay nakontrol din ng mga tauhan ni Kuya Onyx ang mga kalaban at tulad ng utos niya ay may isang itinirang buhay.Pagdating namin sa Jewel's Tower kung saan ay isinasagawa ang mga illegal transactions ng mafia ay agad kaming dumiretso interrogation room.Nadatnan namin doon ang naiwang buhay kanina na kalaban.May tama ito ng baril pero hindi naman fatal, 'di niya iyon ikamamatay. Pero sa nakaabang na pagpapahirap sa kanya ay tiyak hihilingin niya na lang na mamatay.Isang 5 star hotel ang Jewel's Tower pero sa likod niyon ay isa itong malaking imperyo ng sindikato.Isa lang ito sa mga balwarte ng De Jesus Organization na nagkalat sa buong mundo."Si Papa?" agad na tanong ni Kuya sa nadatnang tauhan.Agad na nagsuot ng rubber gloves si Kuya, hudyat iyon na sisimulan na niya ang pagtatanong sa nahuli namin."Parating na ang Master, Boss," sagot ng tauhan kay Kuya."Ok, madaliin na nati
Wala sa sariling naglalakad ako, hinayaan ko ang mga paa kong dalhin ako sa lugar na alam na alam ng mga ito.ROY (ROYZ) ZALDEForever in my heart.Parang lantang gulay akong napaupo sa puntod niya."Royz, malapit ko nang matupad ang pangarap natin... malapit na akong maging teacher," lumuluha kong kausap sa taong hindi ko na muli pang mayayakap.Sa buhay kong laging may mga matang nakabantay ay itong kinaroroonan ni Royz ang takbuhan ko sa tuwina. Kapag nandito ako ay pakiramdam ko'y hindi ako sinusundan nang kahit na sino sa pamilya ko.Dito, nailalabas ko ang totoong ako dahil tanging si Royz lang iyong nandito, kasama ko. Hindi ko man siya nakikita ay nararamdaman ko ang presensya niya.Isang kaluskos ang nagpaangat ng mukha ko. Agad akong naging alerto.Kahit ni minsan ay walang ni isa sa pamilya ko na nagtangkang umisturbo sa'kin'pag nandito ako sa lugar na ito ay walang kasiguruhang hindi gagawin iyon ng sinuman sa kalabanan namin.Isang lalaki ang nakatayo sa 'di kalayuan ko
Pagak akong napatawa habang napahiga ulit sa kamang kinaroroonan ko.Tiyak mag-aapoy na naman sa galit si Papa pag malaman nitong nakidnap ako ng kalaban.Mariin kong naikuyom ang mga palad nang muli ay maalala ang mukha ng Blake Veñarez na iyon.Hindi pwedeng ito si Royz kahit napakaimposibleng halos pinagbiyak sila na bunga. Bago pa muling tumulo ang luha ko sa alaala ni Royz ay maliksi akong bumangon upang lumapit sa pintuan.Tulad nang inaasahan ay naka-lock naka-lock ito mula sa labas kaya lumapit ako sa bintana.Sa tantiya ko ay nasa ikalimang palapag ang kinaroroonan ko. May mga rehas na bakal na nakaharang sa bawat bintana kaya imposibleng makadaan ako roon pababa.Mula sa kinaroroonan ay wala akong mamataang ibang establishment na malapit. Puro kakahuyan iyong naaabot ng tanaw ko. Mukhang nandito ako sa isa sa mga head quarter ng kalaban. Pare-pareho lang talaga mag-isip ang mga sindikato. Inaakala nilang mas ligtas ang lugar kapag walang gaanong tao.Iyon ang kaibahan ni
Nang muli akong magmulat ng mga mata ay ang nag-alalang mukha ni Mommy ang una kong nakita bago tumuon ang pansin ko sa seryosong mukha ni Daddy."Thank God you're okay! You make me worried, baby," naluluhang wika ni Mommy bago ako mahigpit na niyakap." I've talked to Dr. Pierre, we have scheduled your consultation," walang emosyong pahayag ni Daddy na bahagyang lumapit sa kinahihigaan ko.Maingat akong pinakawalan ni Mommy at binigyan ng masuyong ngiti."Dad, I'm okay. Hindi ko na kailangan si Dr. Pierre.""It's a direct order from me!" dumagundong ang galit na boses ni Daddy."Francis, please... hayaan mo munang magpahinga ang anak mo," mahinahong baling dito ni Mommy."Jade, masyadong tumitigas na ang ulo niyang anak mo!""Intindihin mo naman ang pinagdadaanan niya.""Jade, walang jewel na mahina ang loob at nagpapatalo sa emosyon! Dapat ay 'di ulo ang pinapatigas niyang anak mo kundi ay ang kalooban at puso!" madiing sabi ni Daddy.Malungkot na napapailing na lang si Mommy habang
Sheet of paper! What's the meaning of this? Ang daming gwapo dito sa bago kong school! Ito na talaga iyong sinasabi nilang blessing in disguise. Isipin mo, dahil sa na-kick out ako sa rati kong pinapasukan ay napunta ako rito sa Mendrez University na 'di ko alam na school pala ng mga fafalicious! Ang sarap sana magbilang na lang ng mga gwapo buong araw pero kailangan ko na talagang pumasok sa first subject ko. Ikalawang taon ko na 'to sa kursong Bachelor of Secondary Education. Mabait ako pero sadyang lapitin lang ng gulo kaya heto palipat-lipat ng school.Na-tour ko na ang buong Cebu dahil sa kakalipat ko at itong Mendrez University ang last chance ko para hindi tuluyang ipatapon ni Mother dear sa America kasama ang tiyahin kong singtapang ni Gabriela Silang. Kahit pasaway ako ay takot ako sa tiyahin kong iyon 'no! Hindi lang naman ako kundi lahat kaming magpipinsan. Ayaw ko rin namang mapapalayo sa Cebu. Nandito kaya ang mga katropa ko, paano na lang sila kong iiwanan ko? Mga
Punuan ang school canteen during lunch break kaya parang ayaw ko na tuloy kumain.Habang nakapila sa counter ay palinga-linga ako at nagbabakasaling mamataan iyong mga pinsan ko kahit may hinala akong nag-lunch-out ang mga ito. Sa taglay na kaartehan ba naman ni Vanessa ay tiyak ayaw kumain ng isang iyon ng itinitindang mga pagkain dito sa canteen. Fine dining ang nakasanayan ng babaeng iyon! Kahit gaano pa kasosyal itong canteen ng MU ay kinakailangan pa nila ng waiters at international cuisines para pumasa sa panlasa ni Vanessa. Ano ba naman kasi ang pinaglihian doon ni Tita Andria at gano'n ang kinalalabasan ng anak nito, half-tao half-engkanto! "Oh shiiit!" Isang matinis na sigaw ang nagpabalik sa atensiyon ko sa kasalukuyan. Nagulat pa ako nang mapansin ang isang babaeng pinanggagalingan nito na nasa mismong harapan ko. Teka, paano napunta rito ang babaeng ito na kasalukuyang naliligo ng dala kong iced tea? Nauna ko kasing nabili iyong drinks. Nagpalipat-lipat ang tingin ko
"I can't believe this. Ang bago- bago ni'yo pa lang dito ay nasangkot na agad kayo sa gulo!" sermon ng school dean na si Mr. Sanchu. "Ano na lang sasabihin ng mga parents ni'yo kapag makarating ito sa kanila?" Almost 2 hours na niya kaming sinesermonan na halos makatulog na ako sa antok. Pati iyong tatlo kong mga kasama ay nahuhuli kong naghihikab habang pinapanood ang nangyayari sa harapan namin. " Excuse me, Sir, bakit ba kami lang iyong pinapagalitan ninyo?" reklamo ni Aireen. "Hindi lang naman kami ang sangkot dito ah?" Kanina pa ganito ang senaryo, maninermon si Sir tapos sasabat si Aireen habang kami naman dito ay nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Paano ko naman sesermonan iyong iba? Eh nandoon sila sa clinic!" gigil na sabi ni Sir. "Iyon nga ang pinupunto ko, Sir, eh... hindi dahil nasa clinic sila ngayon ay wala na silang kasalanan!" Bravo, pwede na talagang maging abogado itong si Aireen. "Ms. Legaspi, 'di ko sinasabing abswelto na sila dahil lang

"Kayo naman kasi, eh! Sugod nang sugod ayan tuloy!" paninisi ni Aireen sa mga pinsan namin.Tapos na kaming nasermonan at heto nga sisihan na iyong kasunod."Anong kami lang? Hoy, nakita ko ikaw iyong unang dumamba!" Turo ni Niña kay Aireen."Oy hindi naman ako ang nambali ng braso ng mga mannequin na iyon 'no!" angal naman agad nito."Ako ba pinariringgan ni'yo?" singit ni Clair. "Buti nga sa kanila iyon! 'Di ba Vans?! Oy Vans, bakit ka umiiyak?" maang na tanong ni Clair kay Vanessa."May masakit ba sa'yo?" nag-alala kong tanong at lumapit pa rito.Bigla naman itong ngumawa kaya sabay-sabay na ring napalapit iyong tatlo habang nag-alalang sinuri ito." Punyeta, Clair... tumawag ka ng ambulance!" tarantang utos ni Niña."Mas malapit dito ang school clinic, may naka-duty na doctor doon!" sabat naman ni Aireen."Vans, ano bang naramdaman mo? May masakit ba sa'yo?"malumanay kong tanong. Ano bang problema ng babaeng ito? Lagot kami kay tita Andrea 'pag may mangyari sa unica hija nito."L