"Madam, paano po kami?" nahihiyang tanong ni Aprilyn sa babae bago pa ito makatalikod.Nilingon ni Stella ang babae, "manatili kayo dito sa trabaho. Kung ano ang sinabi ko kanina ay hindi ako nagbibiro."Namilog ang mga mata ni Aprilyn at kulang na lang ay tumalon dahil sa tuwa. Sobrang saya niya dahil hindi siya matatangal sa trabaho at nangangamoy promotion pa.Saka lang nakahinga ng maluwag ang iba pang naroon at hindi sila nadamay sa nangyari. Pero alam nila na mula sa araw na ito ay maraming pagbabagong mangyari sa kanilang trabaho.Nakaalalay si Alex kay Stella hanggang makarating ito sa opisinang ang abuelo nito ang gumagamit.Daig pa ni Loida ang pinagbagsakan ng langit at lupa pagkakita kung saan sila papasok. Hindi lang pala basta pinsan ng acting CEO ang babaing kanilang na bully kanina.Nahihiyang tumingin si Lorna kay Stella. Kanina lang ay tinawag niya itong mahina at walang kakayahang pamahalaan ang kompanya. Lahat ng sinabi niya kanina ay kinain na niya.Mabilis na lum
Nang makita ni Charles ang first aid kit ay agad niyang kinuha iyon at bumalik sa kinaupuan ng dalaga. Nilapatan niya ng ointment ang pasa nito upang mawala agad.Nailayo niya ang pisngi sa binata at nasaktan siya sa ginawa nito kahit naging maingat. Ngayon niya ramdam ang sakit ng pasa at parang nalamog iyon."Sorry, still hurt?" Masuyong hinaplos ni Charles ang pisngi ng dalaga.Napahinga ng malalim si Stella at pilit na nilabanan ang paglambot ng puso dahil sa ipinaparamdam sa kaniya ni Charles. "Ako na at kaya ko na ang sarili ko." Inagaw niya ang hawak na bulak nito ngunit inilayo sa kaniya.Hinawakan na ni Charles sa batok ang dalaga upang hindi makalayo sa kaniya. Sinipat mabuti ang pisngi nito at sinuri kung may iba pa bang damage sa mukha ito. Halos pigil hininga na si Stella dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa ng binata. Mukhang hindi ito aware na gadangkal lang ang layo ng mukha na nilang dalawa. Abala ito sa pagtitig sa mukha niya habang marahang idinadampi ang bulak
"Hello, Charles, narito ka pala!" masiglang bati ni Diana sa binata.Pinigilan ni Stella ang pag angat ng kilay dahil nagpapanggap pang nagulat ang babae pagkakita kay Charles, gayong ito agad ang hinanap ng tingin nito pagkapasok sa opisina niya."Sorry, ang bastos ng pinsan mo at hindi ko mapigilan sa pagpasok dito," pabulong na ani Rachel kay Stella. Nang tanguan siya ng kaibigan ay lumabas na siya ng opisina."Mukhang nagkamamabutihan na kayong dalawa." Nakangiting puna ni Mauro sa dalawa.Umangat lang ang isang sulok ng labi ni Charles bago tumayo upang makipagkamay kay Diana. Hindi niya pinansin ang malisya sa kuminto ng karibal tungkol sa kanila ni Diana. Pagtingin niya kay Stella ay blangko ang expression ng mukha nito."Dati na kaming magkakilala kaya hindi na dapat nakapagtataka kung close kami?" pangatwiran ni Diana pero tonong proud naman ito."We're not close pero hindi maiwasang magpangita sa iisang gathering dahil magkaugnay ang sirkulasyong kinabibilangan," ani Charle
"Thirty seconds, left." Untag ni Stella sa pananahimik ni Sophie.Mukhang gulat na napatuwid ng tayo si Sophie nang marinig ang tinig ni Stella. Hindi na siya nito inalok na umupo at nahiya rin siyang umupo ng kusa."Isang minuto lang ang hiningi mong oras kaya magsalita ka na." Mahamig sa tinig ni Stella ang iritasyon."Una sa lahat ay sorry." Lumaban siya ng titigan kay Stella at ipinakita rito na sensiro siya."Kung hindi ako mayaman, maisip mo kayang mag apologies sa akin?" nang uuyam na tanong ni Stella sa babae."Hindi ko inaasahang patawarin mo agad ako. Pero hindi ko hinihingi ng tawad ang ginawa kong pagmamaltrato sa iyo noon. May kasalanan ka rin kung bakit ganoon ang trato ko sa iyo noon."Umangat ang isang sulok ng labi ni Stella at napahanga sa babae. Kahit nagpapakumbaba na ito sa harapan niya ay hindi pa rin nawawala ang pagiging sopostikadang ugali nito."Ang inihingi ko ng tawad ngayon ay ang ginawa kong pangialam sa cellphone ni Kuya Charles noon."Nangunot ang noo
Hindi alam ni Stella kung sino ang unang nag initiate ng halik sa kanila ng binata. Namalayan na lang niyang magkahugpong na ang kanilang mga labi. Ilang minuto ring nalunod siya sa masarap na halik ng binata. Nang gumapang ang halik nito sa kaniyang leeg ay saka lang siya parang natauhan."Too late, baby!" paanas na bulong ni Charles sa tainga ng dalaga at hindi hinayaang makawala sa yakap niya ito.Napasinghap siya at parang nakiliti nang marinig ang tawag sa kaniya ng binata. Dumagdag pa ang husky voice nito. Muli siyang nadarang sa init ng sensasyong nanalaytay sa kaniyang bawat himaymay. Nang itayo siya nito ay nagpatianod siya habang magkahugpong na naman ang kanilang labi.Ginalugad ng dila niya ang loob ng labi ng dalaga habang humahakbang paabanti. Hindi binigyan ng pagkakataon ang dalaga na makapag isip ng matino. Nang maabot ang siradura ng pintuan ay mabilis niyang nai lock iyon nang hindi namalayan ng dalaga. Sunod niyang ginawa ay hinawakan ito sa magkabilang hita at pab
"Hoy, babae, magdahan-dahan ka ng pananalita ha! Hindi kita sasantohin kapag nilait mo pa ang kaibigan ko at paratangan sa bagay na para sa sarili mo!" Duro ni Rachel kay Elizabeth at nangangati ang kamay na saktan ito.Galit na tinabig ni Elizabeth ang kamay ni Rachel. "Kung ayaw mong matawag na malandi ang kaibigan mo, pagsabihan mo!""Hoy babae, mas malandi ang babaing humahabol sa lalaking ayaw na sa iyo." Pinandilatan ni Rachel ng mga mata ang babaing halatang pikon na. Nagmatigas si Elizabeth at hindi umalis sa harap ng opisina ni Stella. Alam niyang naroon lang ito at iyon ang sabi sa kaniya ni Diana. Inirapan ni Rachel ang babae at iniwan na. Bumalik siya sa kaniyang working table at hinayaan itong mangalay sa pagtayo sa harap ng pintuan.Sa loob ng room, dahan-dahang bumangon si Stella nang maalis na ang nakayakap na braso ni Charles sa kaniyang beywang. Ang bilis nitong nakatulog matapos nilang magniig. Bigla siya nakaramdam ng awa rito at mukhang ngayon lang nakatulog ng
"Darn, Charles!" Inis na hinarap niya ito at hinampas sa dibdib gamit ang palad. Ang hudyo, bumaba sa kama at hindi manlang nag abalang takpan ang pagkalalaki nitong tayong-tayo at naninigas. Parang ipinagyayabang pa iyon sa kaniya.Hinuli niya ang kamay ng dalaga at hinalikan iyo. "Kapag inumpisahan, dapat tapusin!" aniya in husky voice. Pinagapang niya ang halik mula sa daliri ng kamay ng dalaga pataas sa braso nito.Nakagat ni Stella ang loob ng labi nang may nanulay na parang kuryente sa bawat himaymay, mula sa mainit na labi ng binata. Ang mga mata nitong nangungusap ay nakatutok sa kaniyang mukha habang patuloy sa paghalik sa kaniyang kamay. Unting-unti niyang naipikit ang mga mata nang nasa pagitan na ng leeg niya at balikat ang labi ng binata. Sa pagkakataong ito ay hindi nagmamadali si Charles sa pag angkin sa dalaga. Nakapaloob ang tunay niyang damdamin sa bawat halik at haplos sa katawan ni Stella.Naipaling niya pakaliwa ang ulo nang gumapang pa ang halik ng binata sa ka
Binuhat niya ang dalaga at dinala ito sa mismong opisina nito. Pinaupo sa sofa at sinigurong komportable ito sa kinaupuan. "Alam kong ayaw mong may makakitang magkasama tayong lalabas ng kompanya kaya mauna na ako, okay?" Muli niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga.Napabuntonghinga si Stella at tumango. Talagang natutunaw na ang galit sa puso niya para sa binata dahil sa ipinapakitang affection sa kaniya ni Charles. Hinalikan niya sa noo ang dalaga at sinuklay ang buhok nito gamit ang sariling daliri. "I love you!"Naiiyak na napatitig siya sa mga mata ng binata. Bigla siyang napipilan nang marinig ang tatlong salitang matagal na niyang nais marinig mula sa bibig ng binata."Alam kong may duda ka pa rin at naisip na may iba akong motibo sa pag angkin sa iyo ngayon. Hindi kita masisi at minamadali. Hayaan mo lang akong patunayan sa iyo ang tunay kong damdamin." Masuyo niyang pakiusap sa dalaga."Bigyan mo pa ako ng oras." Ang naisagot niya sa binata. Bigla siyang nag aalala kung ano an