"Hoy, babae, magdahan-dahan ka ng pananalita ha! Hindi kita sasantohin kapag nilait mo pa ang kaibigan ko at paratangan sa bagay na para sa sarili mo!" Duro ni Rachel kay Elizabeth at nangangati ang kamay na saktan ito.Galit na tinabig ni Elizabeth ang kamay ni Rachel. "Kung ayaw mong matawag na malandi ang kaibigan mo, pagsabihan mo!""Hoy babae, mas malandi ang babaing humahabol sa lalaking ayaw na sa iyo." Pinandilatan ni Rachel ng mga mata ang babaing halatang pikon na. Nagmatigas si Elizabeth at hindi umalis sa harap ng opisina ni Stella. Alam niyang naroon lang ito at iyon ang sabi sa kaniya ni Diana. Inirapan ni Rachel ang babae at iniwan na. Bumalik siya sa kaniyang working table at hinayaan itong mangalay sa pagtayo sa harap ng pintuan.Sa loob ng room, dahan-dahang bumangon si Stella nang maalis na ang nakayakap na braso ni Charles sa kaniyang beywang. Ang bilis nitong nakatulog matapos nilang magniig. Bigla siya nakaramdam ng awa rito at mukhang ngayon lang nakatulog ng
"Darn, Charles!" Inis na hinarap niya ito at hinampas sa dibdib gamit ang palad. Ang hudyo, bumaba sa kama at hindi manlang nag abalang takpan ang pagkalalaki nitong tayong-tayo at naninigas. Parang ipinagyayabang pa iyon sa kaniya.Hinuli niya ang kamay ng dalaga at hinalikan iyo. "Kapag inumpisahan, dapat tapusin!" aniya in husky voice. Pinagapang niya ang halik mula sa daliri ng kamay ng dalaga pataas sa braso nito.Nakagat ni Stella ang loob ng labi nang may nanulay na parang kuryente sa bawat himaymay, mula sa mainit na labi ng binata. Ang mga mata nitong nangungusap ay nakatutok sa kaniyang mukha habang patuloy sa paghalik sa kaniyang kamay. Unting-unti niyang naipikit ang mga mata nang nasa pagitan na ng leeg niya at balikat ang labi ng binata. Sa pagkakataong ito ay hindi nagmamadali si Charles sa pag angkin sa dalaga. Nakapaloob ang tunay niyang damdamin sa bawat halik at haplos sa katawan ni Stella.Naipaling niya pakaliwa ang ulo nang gumapang pa ang halik ng binata sa ka
Binuhat niya ang dalaga at dinala ito sa mismong opisina nito. Pinaupo sa sofa at sinigurong komportable ito sa kinaupuan. "Alam kong ayaw mong may makakitang magkasama tayong lalabas ng kompanya kaya mauna na ako, okay?" Muli niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga.Napabuntonghinga si Stella at tumango. Talagang natutunaw na ang galit sa puso niya para sa binata dahil sa ipinapakitang affection sa kaniya ni Charles. Hinalikan niya sa noo ang dalaga at sinuklay ang buhok nito gamit ang sariling daliri. "I love you!"Naiiyak na napatitig siya sa mga mata ng binata. Bigla siyang napipilan nang marinig ang tatlong salitang matagal na niyang nais marinig mula sa bibig ng binata."Alam kong may duda ka pa rin at naisip na may iba akong motibo sa pag angkin sa iyo ngayon. Hindi kita masisi at minamadali. Hayaan mo lang akong patunayan sa iyo ang tunay kong damdamin." Masuyo niyang pakiusap sa dalaga."Bigyan mo pa ako ng oras." Ang naisagot niya sa binata. Bigla siyang nag aalala kung ano an
Pagkapasok ng bahay, hindi masalubong ni Stella ang nang-aarok na tingin ng abuelo. "Mommy, bakit ang tagal mo po? Kanina ka pa namin hinihintay ni lolo." tanong ni Zion sa ina. Mabilis na nilapitan ni Stella ang anak at hinalikan sa pisngi. "Sorry, baby, may importante lang inasikaso si Mommy.""Mag usap tayo." Tumayo si Fausto at dumiritso sa isang silid.Nakagat ni Stella ang gilid ng labi bago binalingan ang anak. "Baby, makipaglaro ka muna kay Yaya Sabel mo at may pag uusapan lang kami ng lolo mo."Nakakaunawang tumango ang bata at hindi na nangulit sa ina nito.Pagpasok ni Stella sa silid kung nasaan ang abuelo ay kinabahan siya. Ang pormal kasi ng mukha ng abuelo at seryusong nakatitig sa kaniya. Tumikhim siya nang makaupo at parang biglang namalat ang lalamunan niya."Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa," ani Fausto habang matamanan na pinakatitigan ang apo. "Si Charles ba ang dati mong asawa at ama ni Zion?"Pakiramdam ni Stella ay may tumtambol na sa kaniyang dibdib at ang la
Naitapon ni Vanz ang cellphone matapos makausap ang reporter. Halatang natakot ito kahit wala namang ibang ikinanta ang taong kumuha sa larawan at ibinigay dito."F*ck, talagang hindi siya nagbibiro nang magbanta siya!" inis na bulong ni Vanz at parang sa sarili lang sinabi."Kuya, ano na gagawin ko kung makumpirma niyang ikaw ang may kagagawan niyon?" takot na tanong ni Diana sa kapatid."Malabong mangyari iyon dahil tiyak na hindi ako ikakanta ng reporter. Sadyang trabaho niya ang maglathala ng mga malicious na balita upang kumita. Kapag nagkamali siya, alam niya ang kaya kong gawin sa kaniya at pamilya niya." Matalim ang tingin ni Vanz sa kawalan habang kuyom ang kamao.Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Diana. Kung ruthless si Charles, hindi naman basta matatakot ang kapatid niya."Kailangan mo siyang maakit at kung kinakailangan pikutin ay gawin mo!"Napapiksi si Diana sa kinatayuan at tumaas na naman ang timbre ng boses ng kapatid."Tama ang kapatid mo, Diana."Napatingi
Napabuga ng hangin sa bibig si Stella nang makita kung sino ang tumatawag sa account niya sa isang apps. Hindi ito nakuntinto sa tawag lamang at gusto ngayon ay video call naman. Mabuti na lang at napatulog na niya ang anak. Sandali siyang lumabas ng silid at baka makita ni Charles. Sa ugali nito ay alam niyang gusto rin nito makita ang nasa paligid niya."What are you doing?" mukhang naiinip na tanong ni Charles nang sagutin na ng dalawa ang tawag niya.Hindi binuksan ni Stella ang camera pero nakikita niya ang binata. Mukhang hindi na naman maganda ang mood nito at nakakunot ang noo. "Drinking wine.""Lalong nangunot ang noo ang Charles habang nakatutok ang tingin sa camera. "What's wrong? Bakit nagpapakalasing ka?"Napangiti si Stella habang mataman na pinagmamasdan ang mukha ng binata. Ang gulo ng buhok nito at hindi pa nakapag palit ng damit. "Where are you?"Tinanggal ni Charles ang suot na necktie at nairita dahil hindi siya sinasagot ng dalaga. "Kuya, si Ate Stella ba ang kau
"What are you doing?"Napapitlag siya sa kinaupuan nang biglang may nagsalita sa cellphone niya. Nakalimutan na niyang naka on pa pala ang tawag sa kaniya ni Charles. Suminyas si Fausto sa apo na aalis na ito at matutulog. Ayaw niyang malaman ng binata na alam na niya ang nakaraan nito at ng apo.Humalik muna si Stella sa pisngi ng abuelo bago dinampot ang cellphone at humarap sa camera. Gusto niyang matawa nang bumungad sa kaniya ang buong guwapong mukha ni Charles ngunit salubong ang mga kilay."May kasama ka bang ibang tao diyan?"Umikot ang mga mata ni Stella dahil tonong dominante na naman magsalita ang binata. "Tinawag ako ni Lolo kanina."Unting-unting pumatag ang nangungunot na noo ni Charles at na relax ang aura ng mukha. "Kailan mo ipaalam sa lolo mo na ako ang maging asawa mo?"Napasimangot si Stella at nainis sa ugali ng binata. "Excuse me, kailan ako ang agree sa iyo? Saka hindi pa tayo ok.""We fuck many times, hindi pa ba iyan sapat na dahilan para magpakasal ka na s
Sophie, magkaibigan tayo. Nagawa mo na akong tulungan noon na masira ang pagsasama nilang dalawa. Bakit—""Eliza, pinagsisihan ko na ang ginawa ko noon kay Stella."Umawang ang labi ni Elizabeth at hindi makapaniwalang nakatitig sa kaibigan. "What?""I'm sorry pero hindi na kita matulungan ngayon." Naluluha at nagpapaunawa ang tingin niya sa kaibigan. Nangangalit ang ngipin at tumalim ang tingin ni Elizabeth sa kaibigan. "Dahil ba mas mayaman na sa akin ang babaing iyon?" Nainsulto si Sophie sa paratang ng kaibigan pero hindi niya magawang magalit dito. Hindi niya ito masisi. Kahit siya ang nasa kalagayan nito ay ganoon din ang iisipin niya. "I knew it!" Dinuro-duro ni Elizabeth ang kaibigan at tumango-tango habang lapat ng mariin ang mga labi."Elizabeth, sa maniwala ka at sa hindi ay hindi iyan ang dahilan. Alam mong hindi ako ganyan kababaw kung mag isip. May isang bagay akong nagawa noon na labis kong pinagsisihan at gustong itama iyon ngayon.""Sabihin mo para maintindihan ko