Shemay! sarap naman non. Gusto ko rin ng tinatali habang kinakadyooooot! charing hahaha! sana all..
Pag gising ko ay subrang sakit ng buong katawan ko. Mapabalakang, binti, likod. Lahat masakit saan man parte ng katawan ko. Ang mga kamay kong tinalian niya at ang higit sa lahat, yung parte ng pagkababae ko.Napahinga ako ng malalim ay pinilit kong ibangon ang sarili. Nahirapan pa akong makabangon dahil kahit pag upo ay hindi ko pa maayos ayos. Subrang sakit at para bang nabaldado ang katawan ko ng halos sampong taon sa nangyari sa amin ni Justine.Naipilig ko ang aking ulo nang maalala ang mga kaganapan. Hindi ko inaasahan na ganoon pala siya kawild makipagtalik sa babae. Na kahit pilitin kong magalit ay hindi ko magawa dahil isa rin ako sa may gusto sa nangyari.May side sa isip ko na kamuhian siya ngunit may side rin naman sa utak ko na nagsasabing isa lang iyong pagkakamali at hindi na pwedeng maulit pa at kalilimutan nalang ang lahat.Kahit ayaw pa ng isip ko ay mapapasunod ka niya sa galing nitong mang-akit.Hindi ko nga rin maintindihan sa aking sarili kung bakit hindi ko maga
"Hello, Inay?" aniko sa kabilang linya.Nagpaalam ako saglit kay Sir Justine dahil hindi ko matiis na hindi sagutin ng agaran ang tawag nila nanay. Pagdating kasi sa kanila ay sabik na sabik akong marinig ang mga boses nila at hindi ko matiis ang pangungulila.Nagtaka pa ako dahil si nanay yata ang tumayag at hindi ang mga kapatid ko."A-Anak.." Nangunot pa ang noo ko dahil sa garagal ang boses nito."Ayos lang po ba kayo, Inay?" may pag-aalala sa tanong ko.Nalakad ako ng ilang hakbang nang makalabas sa pinto. Narito kasi ako ngayon sa Rooftop na hindi kalayuan sa opisina ng Boss ko. Ito na kasi ang huling palapag at ang huling opisina ni Sir Justine."A-Ano kasi anak.. g-gusto ko sanang.. humingi ng kahit konting pera--""N-Nay? s-sigurado po bang okay lang kayo? para po kasing iba ang boses ninyo." halos mataranta naman ako dahil parang may pumipigil sa kaniya sa kabilang linya."A-Ayos na Ayos lang talaga ako anak! ang totoo kasi niyan, k-kailangan ko talaga ng pera ngayon. M-Mal
Kent Justine POV"Garrett." malamig na boses nang hinawakan ko ang braso ni Garrett para pigilan itong habulin ang papalayong si Ziya."Bakit ba, Justine? anong problema mo at bakit mo ako pinipigilan, ha?" may halos galit na sabi nito.Tumingin ako sa papalayong si Ziya. "Huwag na huwag mo ng tatangkain pa na sundan siya." ani ko at muli siyang binalingan."At bakit naman?" ngumisi ito ng mapakla."Para saan kung hahabulin mo siya?" aniko. Bawat bitaw ko ng saalita ay may halong pakainis.Kahit na kaibigan ko pa siya ay nakakaramdam ako ng inis lalo pa at si Ziya ang pinagmumulan ng usapan naming ito."Makakalimutin ka ba? o sadyang kinakalimutan mo lang ang napag usapan natin?"Nangunot ang noo at saglit na gumalaw ang aking mga kilay."Siya lang naman yung babaeng dahilan ng pinag-awayan natin noon sa bar, Justine. Tanda mo paba?" ngumisi na naman ito ng hindi kaaya aya at binaling sa ibang direksyon ang tingin. Ngunit saglit lamang iyon at tumingin muli sa akin ng seryuso."Siya r
"Anong.. g-ginagawa mo rito?" tanong sa akin ng lalaking kalalabas lamang ng apartment na tinutuluyan Ziya. Ito yung nagngangalang Dennis na kasintahan ng kaibigan ni Ziya. Kilala na rin ako nito dahil ako lang naman ang nag iisang tumulong sa Lolo niya para maipagamot ito. Dahil lang sa isang kondisyon ko sa kanila ni Stephanie ay nagtagumpay naman ako. Napapayag ng mga ito na bumalik sa trabaho si Ziya kaya bilang kapalit ay binigyan ko ito ng mas malaking halaga. Kung baga ay nasuhulan ko ang mga ito. "Where is Ziya?" mariin kong sabi at hindi sinagot ang tanong nito. Kahit medyo hilo ako dahil sa nainom kong alak ay nagawa kong pumunta rito sa apartment at lakas loob akong umakyat ng hagdan papunta sa ikalawang palapag. Mapupungay ang mga mata kong tumingin rito at naitukod ko pa ang isang kamay ko sa pader para kumuha ng suporta dahil anumang oras ay baka mawalan ako ng balanse at bumagsak. "N-Nasa kwarto na niya. P-Pinatulog ko lang si Stephanie at pauwi na rin ako." anito at
"What are you doing Ms. Valenzuela? kanina pa kita tinatawag." inis kong sabi dahil totoo naman na kanina ko pa siya tinatawag pero hindi man lang ako pinapansin.Bagkus ay sumubsob lang ito sa lamesa at doon ako inis na napatayo at lumapit na rito.Hindi na naman niya ako napansin, tsk!Napaangat ito ng mukha at napatuwid ng upo dahil inulit ko sa harapan niya ang sinnabi ko at hinampas ng mahina ang mesa nito."P-Pasensya na po, Sir." anito at napayuko.Hindi nakaligtas sa akin ang blangko niyang mukha nang magtama ang mga maga namin na para bang may hindi magandang nangyari sa kaniya. Na animo'y may mabigat na problema."Bakit ang tagal mo makabalik? kanina pa 'ko naghihintay sa iyo dahil uutusan kita at may ipapagawa ako sayo. Ngayong nakabalik kana nga ay hindi ka naman nakikinig sa akin?""S-Sorry po.. a-ano nga po pala ang inuutos n'yo?" hindi ito makatingin ng diretso sa akin.Nagtataka na ako dahil pati boses niya ay walang kabuhay buhay. Ano kaya ang nangyari sa kaniya nang
"Ito, mamili ka ng susuutin mo total sayo naman lahat yan." inabot ko sa kaniya ang limang paper bag na naglalaman ng mga damit na pinabili ko kanina kay Tristan."Dito ako magpapalit?" gulat naman nitong tanong.Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil sinisimulan ko nang i-start ang makina ng aking kotse."Ikaw? kung gusto mo dito magpalit. Basta dadaan muna tayo sa condo ko para sa mga dadalhin ko ring mga gamit na kakailanganin ko.""Eh di, doon nalang din ako magpapalit sa condo mo?""Ikaw bahala. Basta sa akin wala naman problema kung dito ka magbihis." noon ko lang ito tinapunan ng tingin at sumilay sa labi ko ang pilyong ngiti.Nakatingin rin pala siya sa akin kaya pigil ko ang aking pagtawa nang masalubong ko ang ibang expression ng kaniyang mukha.Bumaba naman ang tingin ko sa kaniyang dibdib. "Nakita ko na yan kaya wala ka ng dapat ikahiya pa." anguso ko sa kaniyang dibdib at saka muli akong napangiti ng pilyo.Alam ko na kasi iniisip niya base sa hitsura ng kaniyang mukha.
Jack Garrett POVBalak ko sanang puntahan si Ziya sa bago nitong tinatrabahuhan ayon sa nabanggit ni Stephanie sa akin. Hindi ako makapunta sa apartment nila dahil sinama ako ng Daddy ko sa seminar nito kaya naisipan ko na lang tawagan si Sephanie para ikamunsta ako kay Ziya.Iyon nga, nabanggit ni Stephanie na wala na raw ito sa resto at nasa kompanya na raw ito naka asign sa bagong may ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan nila.Hindi ko nga lang naitanong kung saan dahil balak korin namang tawagan rin si Ziya. Hindi ko lang magawa kaagad dahil busy raw ito sa bagong trabaho nito lalo na at may pagkabossy ang baging boss nila.Boss nga eh!Napaisip ako kung ano kaya hitsura ng bago nilang boss at nasasabi nila ang ganiyang bagay.Nais ko sanang isurprise si Ziya dahil may mga binili akong pasalubong para sa kaniya galing negros kung saan yung pinuntahan namin ni Dad.At syempre para hindi halata ay isinama kona ring binilhan sila Stephanie dahil alam kung tatanggi si Ziya sa ibibiga
Dahil tanghali na akong nagising, naisip kong hapon nalang ako pumunta sa apartment nila si Ziya. Sigurado ako na pumasok ito dahil pagdating sa trabaho ay palagi siyang active. Napakatiyaga nito at napakasipag pa. Hindi nito alintana ang pagod sa maghapon basta kumita lamang siya ng pera ay sapat na iyon sa kaniya.Narito ako ngayon sa aking bar at kagigising ko lang ay naisipan kong pumunta sa tokador kung saan naroon ang mga nagmamahalan kong mga liquor nang magsidatingan na naman yung tatlong mga kumag na ito.Wala bang mga trabaho ang mga ito at halos araw araw nalang narito sa bar ko?"Ganito ba talagang araw naisip ninyong maglaklak?" bungad ko sa kanila nang makapasok at naupo sa may counterbarKaaga-aga eh!Since walang costomer at tanging paglilinis ang ginagawa ng mga emplyedo ko ngayon ay malaya sila kung saan saan umupo rito."Hindi naman 'yan ang ipinunta namin rito." anang ni Lance.Tumingin ako sa kanila ng may pagtataka."Inform ka lang namin sa plano--""Invite not i
Kinabukasan, kampante ako at pakiramdam ko ay fully charge ako ngayong araw. Buo na kasi ang loob ko at nakapagdisisyon na ako tungkol sa ipinanagtapat sa akin ni Justine. Habang tinatahak ang daan papasok sa kompanya, hindi na ako nag-atubiling tumingin sa paligid. deritso ako papuntang elevator kung saan naroon ang opisina ni Justine. Malapad na ngiti ang sumisilay sa aking mga labi at subrang excitment ang aking nararamdaman. Ang saya-saya ng pakiramdam ko dahil gusto kong surpresahin ito sa magiging sagot ko sa kaniya. Sa tingin ko naman ay matutuwa ito dahil ito naman talaga ang gusto niya. Ang sagot kong 'Oo.' Pakiramdam ko ay napaka special ng araw na ito para sa akin. Dahil sa wakas, hindi na maghihitay pa ng matagal si Justine para sa matamis kong 'Oo'. Kagabi ay paulit ulit akong nag-isip at ito na nga, Oo ang ibibigay kong sagot sa kaniya. Gumising pa ako ng maaga para lang ipagluto siya ng hotcake. Para naman kahit papaano ay may maaibigay ako sa kaniya. Baka kasi hind
"Ehem... iba yata ang ngiti mo na 'yan, Bhie?" Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko si Stephanie na nakatayo sa hamba ng pinto at nakahalukipkip. Kunot noo ko siyang tiningan habang unti unting nawawala ang mga ngiti ko sa labi. "Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa aking kama at naghanap ng ibang mapaglilibangan. Itinabi ko muna ang kanina ko pang hawak na cellphone bago ko hinarap ang aking kaibigan. Nagtataka ko siyang tiningan. "Ang tanong ko muna ang sagutin mo bago ka magtanong ng iba sa akin." anito. "haha, ano bang sinasabi mo?" pilit kong hinahapuhap ang dapat kong isagot sa kaibigan ko. Hindi na naman niya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kaniya kung anong dahilan ng aking pagngiti. Kanina ko pa kasi hawak ang aking cellphone at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag palit ng damit pambahay dahil sa kasalitan ko ng mensahe sa cellphone. "Bakit? masama bang ngumiti?" umupo akong muli sa kama. "
Do you want to be my girl? To be my girl.. To be my girl.. "Arrgg!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok kasabay ng aking pagsigaw. Bakit hanggang ngayon ay umaalingawngaw parin sa utak ko ang mga katagang iyon na sinabi sa akin ni Justine? paulit ulit na sumusigaw sa utak ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba s'ya o niloloko n'ya lang ba ako? kung seryuso siya sa sinabi niya, anong gagawin ko? ni wala ngang ligaw ligaw siyang ginagawa, eh. Ilang araw na ba ang lumipas at bakit hanggang ngayon ay hindi ko iyon makalimutan? siguro nga sa kabila ng isip ko ay natutuwa pero sa ibang side ko ay nalilito. Siguro mas magandang sabihin na paano ko nga ba sasagutin ang tanong niya. Ang sabi niya handa naman raw siya maghintay basta huwag lang daw patagalin. Ano yun? sasabihin niyang handa siya maghintay pero parang nagmamadali naman siya sa tugon ko. Nong araw na sabihin niya iyon sa akin, na kung pwede bang maging girlfriend niya ako ay hindi kaagad ako nakapagsalita at hindi ko
Napapitlag ako nang marinig ko ang tanong na iyon ni Justine. Narito na pala siya at akala ko magkausap pa sila ng tindera.Pero.. paano niya nalaman na underware ang kinuha ko gayong nasa labas siya ng dressing roon?"H-Hindi ko sasabihin sa'yo. Tiyak na hihilingin mo sa akin na ipakita ito sa iyo." aniko.Nang wala akong marinig na salita mula sa labas ay pinagpatuloy ko ang pagsipat sa harap ng salamin. Nagpaikot ikot ako sa harap ng salamin habang pinapasadahan ang sarili kung bagay ba sa balat ko ang kulay."H-Ha!?"Nagulat ako dahil biglang may naghawi ng kurtina at iniluwa roon ang mukha ni Justine. Natigilan ito nang makita ang hubo't hubad kong katawan ngunit hindi nagtagal ay nag iba ang expression ng mukha nito."Hoy! a-anong ginagawa mo?" anas ko ngunit hindi humaharap sa kaniya.Nanatili akong nakaharap sa salamin habang doon ko siya tinitingnan. Naitakip ko ang mga kamay ko sa aking dibdib dahil sa kapilyuhang lumalabas sa mukha ni Justine. Alam kong may binabalak na nama
Habang kumakain ng pagkaing dinala ni Tristan kanina rito ay matiim kong pinagmamasdan si Justine. Narito ulit kami sa opisina niya at sa pagkakataon na namang ito ay muli na naman kaming magkasabay kumain, dito ulit sa opisina niya. Mukha ngang gutom na gutom na ito dahil halos sunod sunurin niya ang pagsubo at hindi alintana kung mabulunan man siya. Akala mo naman may kakumpitensya sa pagkain at nakikipag-unahan sa pag-ubos niyon."Hinay hinay lang at baka mabulunan ka." aniko at inabutan siya ng basong may laman ng tubig. "oh ito tubig, uminom ka rin kung minsan." pigil ngiti ko pang ani. Ngumunguya pa ito habang kinuha naman nito ang baso sa akin at uminom roon."Thanks." aniya nang makahuma.Tumango lamang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain."Kapag ikaw talaga ang kasama kong kumain, ginaganahan ako." natigilan ako sa pagsubo sana ng pagkain. Sa gulat ko ay hindi ako nakapagsalita. Dahan dahan akong umangat ng ulo at tumingin sa kaniya. Tumitig ako sa mga mata niya. Sinisi
Mapusok at may pananabik ang bawat halik na ipinapadama sa akin ni Justine lalo na at pinapalalim pa nito ang halik niya sa aking mga labi. Halos hindi ko rin siya mahabol at masabayan dahil sa kapusukan niyang ginagawaAt dahil nalulunod nga ako sa halik niya, idagdag pa ang kamay niyang kung saan saan humahaplos sa bawat parte ng katawan ko at hindi na ako nagdalawang isip pa na tumugon sa kaniya.Medyo tumagal nga ang halikan namin ni Justine na animo'y kay tagal ng panahon na hindi kami nagkasama at sabik na sabik sa bawat isa.Noong una ay hindi ako tumugon pero dahil sa kapusukan niya ay siya pa mismo ang nagbuka ng bibig ko para masakop nang tuluyan ang aking mga labi."Let's continue this later." biglang sabi nito.Pareho kaming hingal na hingal sa gitna ng paghahalikan tapos bigla siyang hihinto at sasabihin na ipapatuloy nalang mamaya? ano yun?Halos Nakalantad na nga ang aking dibdib at naitaas na rin nito ang suot kong skirt pagkatapos sasabihin niya na mamaya na?Halos pa
"So, paghihintayin mo ako?"Hindi ko alam kung ang tono ng pananalita niya ay natural lang o naiinis. Pero isa lang alam ko, pilit niyang pinapahaba ang pasensya niya."Hay.." napahawak na lang ako sa aking sintido.Ang hirap n'ya talagang ispelingin. Ganito kasi kami palagi. Nakasanayan na namin ang ganito. Sabay kumain.Pero ngayon lang ako nag demand sa kaniya dahil nga hindi naman tama na magmadali ako sa breaktime ko. Kahit naman siguro saan eh ganoon ang kalakaran sa mga empleyado. Kapag oras ng break ay dapat oras."Ano, talaga bang paghihintayin mo pa ako rito? at ako pa talaga maghihintah, huh?" sabi pa nito. Muli na naman nainis ang tono ng boses niya."Kumain kana nga kasi kung nagugutom ka." mahinahon kong sabi at hindi na siya nilingon pa at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa."At talaga ngang maghihintay ako?"Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay na ang nakita kong nakatukod sa ibabaw ng aking mesa."Ikaw ang bahala." walang lingon ko itong sinagot. Bahala siya kung main
Lumipas ang isang linggo, naging maayos ang takbo ng pagtatrabaho ko sa kompanya ni Justine. Kagaya ng patakaran n'ya ay lagi siyang nasusunod sa anumang nais niya. Kapag tumututol ako ay alam ko na ang kinalalabasan niyon. magsusungit.Sa harap naman ng mga ibang tao ay turing namin sa isa't isa ay mukha talaga kaming mga normal na magkatrabaho. At kapag kami lang dalawa lalo sa sa loob ng kaniyang opisina ay nagiging malambot ito sa akin na animo'y maamong tupa. Palagi siyang nagpapalambing sa akin na akin namang ikinakagulat.Nalilito na nga ako sa ginagawa niya dahil wala naman dahilan ang mga iyon kung bakit nagiging ganito siya kaclose sa akin. Malambing siya lalo na kapag gusto niya magpahinga. Kagaya ng dati, pauupuin niya ako sa kandungan niya, yayakap sa akin at magpapasuklay ng kaniyang buhok.Ginagawa niya iyon araw araw sa tuwing magpapahinga siya at kapag wala na siyang ginagawa. Minsan naman kapag tinatamad siya sa trabaho ay kulang nalang maghapon siyang nakayakap sa ak
"Were here."Bumalik ako sa reyalidad at naisantabi ang inaalalang kaganapan na nangyari kanina sa kaniyang opisina. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa restaurant nito. nakapapark narin ito ng kaniyang sasakyan at saka niya ako pinagbuksan ng pinto para bumaba.Nauna itong mglakd at nakasunod lang din ako sa kaniya hanggang sa makapasok na kami ng tuluyan sa resto.Wala na kaming imikan pa dahil kapag nasa harap kami ng ibang tao ay pormal ang pakikitungo ko sa kaniya at mging sa pananalita ay naroon ang ang pagtawag ko ng Sir, Po at Opo. Pero kapag kami nalang dalawa ay nawawala na iyon dahil lagi niya akong napapansin at sinisita.Narito na nga kami sa loob ng resto. Dumiretso siya sa kaniyang opisina roon at kinausap ang mga matataas na posisyon kagaya ng head of chief, kasama na roon si Maam Mea."Ziya!"Agad akong napalingon sa tumawag. Si Stephanie pala. Nagmamadali itong lumapit sa akin at kita ko sa kaniyang mukha ang pagkainis nito.Alam ko na kung bakit. Mukha