"Hello, Inay?" aniko sa kabilang linya.Nagpaalam ako saglit kay Sir Justine dahil hindi ko matiis na hindi sagutin ng agaran ang tawag nila nanay. Pagdating kasi sa kanila ay sabik na sabik akong marinig ang mga boses nila at hindi ko matiis ang pangungulila.Nagtaka pa ako dahil si nanay yata ang tumayag at hindi ang mga kapatid ko."A-Anak.." Nangunot pa ang noo ko dahil sa garagal ang boses nito."Ayos lang po ba kayo, Inay?" may pag-aalala sa tanong ko.Nalakad ako ng ilang hakbang nang makalabas sa pinto. Narito kasi ako ngayon sa Rooftop na hindi kalayuan sa opisina ng Boss ko. Ito na kasi ang huling palapag at ang huling opisina ni Sir Justine."A-Ano kasi anak.. g-gusto ko sanang.. humingi ng kahit konting pera--""N-Nay? s-sigurado po bang okay lang kayo? para po kasing iba ang boses ninyo." halos mataranta naman ako dahil parang may pumipigil sa kaniya sa kabilang linya."A-Ayos na Ayos lang talaga ako anak! ang totoo kasi niyan, k-kailangan ko talaga ng pera ngayon. M-Mal
Kent Justine POV"Garrett." malamig na boses nang hinawakan ko ang braso ni Garrett para pigilan itong habulin ang papalayong si Ziya."Bakit ba, Justine? anong problema mo at bakit mo ako pinipigilan, ha?" may halos galit na sabi nito.Tumingin ako sa papalayong si Ziya. "Huwag na huwag mo ng tatangkain pa na sundan siya." ani ko at muli siyang binalingan."At bakit naman?" ngumisi ito ng mapakla."Para saan kung hahabulin mo siya?" aniko. Bawat bitaw ko ng saalita ay may halong pakainis.Kahit na kaibigan ko pa siya ay nakakaramdam ako ng inis lalo pa at si Ziya ang pinagmumulan ng usapan naming ito."Makakalimutin ka ba? o sadyang kinakalimutan mo lang ang napag usapan natin?"Nangunot ang noo at saglit na gumalaw ang aking mga kilay."Siya lang naman yung babaeng dahilan ng pinag-awayan natin noon sa bar, Justine. Tanda mo paba?" ngumisi na naman ito ng hindi kaaya aya at binaling sa ibang direksyon ang tingin. Ngunit saglit lamang iyon at tumingin muli sa akin ng seryuso."Siya r
"Anong.. g-ginagawa mo rito?" tanong sa akin ng lalaking kalalabas lamang ng apartment na tinutuluyan Ziya. Ito yung nagngangalang Dennis na kasintahan ng kaibigan ni Ziya. Kilala na rin ako nito dahil ako lang naman ang nag iisang tumulong sa Lolo niya para maipagamot ito. Dahil lang sa isang kondisyon ko sa kanila ni Stephanie ay nagtagumpay naman ako. Napapayag ng mga ito na bumalik sa trabaho si Ziya kaya bilang kapalit ay binigyan ko ito ng mas malaking halaga. Kung baga ay nasuhulan ko ang mga ito. "Where is Ziya?" mariin kong sabi at hindi sinagot ang tanong nito. Kahit medyo hilo ako dahil sa nainom kong alak ay nagawa kong pumunta rito sa apartment at lakas loob akong umakyat ng hagdan papunta sa ikalawang palapag. Mapupungay ang mga mata kong tumingin rito at naitukod ko pa ang isang kamay ko sa pader para kumuha ng suporta dahil anumang oras ay baka mawalan ako ng balanse at bumagsak. "N-Nasa kwarto na niya. P-Pinatulog ko lang si Stephanie at pauwi na rin ako." anito at
"What are you doing Ms. Valenzuela? kanina pa kita tinatawag." inis kong sabi dahil totoo naman na kanina ko pa siya tinatawag pero hindi man lang ako pinapansin.Bagkus ay sumubsob lang ito sa lamesa at doon ako inis na napatayo at lumapit na rito.Hindi na naman niya ako napansin, tsk!Napaangat ito ng mukha at napatuwid ng upo dahil inulit ko sa harapan niya ang sinnabi ko at hinampas ng mahina ang mesa nito."P-Pasensya na po, Sir." anito at napayuko.Hindi nakaligtas sa akin ang blangko niyang mukha nang magtama ang mga maga namin na para bang may hindi magandang nangyari sa kaniya. Na animo'y may mabigat na problema."Bakit ang tagal mo makabalik? kanina pa 'ko naghihintay sa iyo dahil uutusan kita at may ipapagawa ako sayo. Ngayong nakabalik kana nga ay hindi ka naman nakikinig sa akin?""S-Sorry po.. a-ano nga po pala ang inuutos n'yo?" hindi ito makatingin ng diretso sa akin.Nagtataka na ako dahil pati boses niya ay walang kabuhay buhay. Ano kaya ang nangyari sa kaniya nang
"Ito, mamili ka ng susuutin mo total sayo naman lahat yan." inabot ko sa kaniya ang limang paper bag na naglalaman ng mga damit na pinabili ko kanina kay Tristan."Dito ako magpapalit?" gulat naman nitong tanong.Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil sinisimulan ko nang i-start ang makina ng aking kotse."Ikaw? kung gusto mo dito magpalit. Basta dadaan muna tayo sa condo ko para sa mga dadalhin ko ring mga gamit na kakailanganin ko.""Eh di, doon nalang din ako magpapalit sa condo mo?""Ikaw bahala. Basta sa akin wala naman problema kung dito ka magbihis." noon ko lang ito tinapunan ng tingin at sumilay sa labi ko ang pilyong ngiti.Nakatingin rin pala siya sa akin kaya pigil ko ang aking pagtawa nang masalubong ko ang ibang expression ng kaniyang mukha.Bumaba naman ang tingin ko sa kaniyang dibdib. "Nakita ko na yan kaya wala ka ng dapat ikahiya pa." anguso ko sa kaniyang dibdib at saka muli akong napangiti ng pilyo.Alam ko na kasi iniisip niya base sa hitsura ng kaniyang mukha.
Jack Garrett POVBalak ko sanang puntahan si Ziya sa bago nitong tinatrabahuhan ayon sa nabanggit ni Stephanie sa akin. Hindi ako makapunta sa apartment nila dahil sinama ako ng Daddy ko sa seminar nito kaya naisipan ko na lang tawagan si Sephanie para ikamunsta ako kay Ziya.Iyon nga, nabanggit ni Stephanie na wala na raw ito sa resto at nasa kompanya na raw ito naka asign sa bagong may ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan nila.Hindi ko nga lang naitanong kung saan dahil balak korin namang tawagan rin si Ziya. Hindi ko lang magawa kaagad dahil busy raw ito sa bagong trabaho nito lalo na at may pagkabossy ang baging boss nila.Boss nga eh!Napaisip ako kung ano kaya hitsura ng bago nilang boss at nasasabi nila ang ganiyang bagay.Nais ko sanang isurprise si Ziya dahil may mga binili akong pasalubong para sa kaniya galing negros kung saan yung pinuntahan namin ni Dad.At syempre para hindi halata ay isinama kona ring binilhan sila Stephanie dahil alam kung tatanggi si Ziya sa ibibiga
Dahil tanghali na akong nagising, naisip kong hapon nalang ako pumunta sa apartment nila si Ziya. Sigurado ako na pumasok ito dahil pagdating sa trabaho ay palagi siyang active. Napakatiyaga nito at napakasipag pa. Hindi nito alintana ang pagod sa maghapon basta kumita lamang siya ng pera ay sapat na iyon sa kaniya.Narito ako ngayon sa aking bar at kagigising ko lang ay naisipan kong pumunta sa tokador kung saan naroon ang mga nagmamahalan kong mga liquor nang magsidatingan na naman yung tatlong mga kumag na ito.Wala bang mga trabaho ang mga ito at halos araw araw nalang narito sa bar ko?"Ganito ba talagang araw naisip ninyong maglaklak?" bungad ko sa kanila nang makapasok at naupo sa may counterbarKaaga-aga eh!Since walang costomer at tanging paglilinis ang ginagawa ng mga emplyedo ko ngayon ay malaya sila kung saan saan umupo rito."Hindi naman 'yan ang ipinunta namin rito." anang ni Lance.Tumingin ako sa kanila ng may pagtataka."Inform ka lang namin sa plano--""Invite not i
Tashiana Ziya POV'Where are you?''I want to talk to you.''Can we talk na tayo lang dalawa?''Please Ziya. Reply my message.'Ilang mga mensahe ang natanggap ko mula kay Garrett pagbukas na pagbukas ko palang ng aking cellpone.Halos maghapon ko rin itong hindi binuksan dahil ayukong maabala at baka mahuli na naman ako ng boss kong may saltik kung minsan. Init pa naman ng ulo kapag tinutupak.'Sorry ngayon lang ako nakapag open ng cp.' reply ko naman sa kaniya.'Where are you?' agad naman itong nagreply.'Isinama ako ni boss sa outing nila. Bakit?'Nang hindi na siya nareply ay ibinalik ko na lamang sa aking bag ang cellphone. Alam kona na kaibigan ni Garrett si Sir Justine at iyon ang lubos kung ipinagtataka hanggang ngayon. Hindi pa kasi kami nakakapag usap mula nang mangyari ang tagpong iyong sa restaurant na pinagdalhan sa akin ni Sir Justine.Noong nagkita kita kami ay amanhon sa akin ang inis pero ngayon na humupa na ang inis ko ay gusto ko rin naman marinig kung anong sasabih