Share

0032:

= KIAN POV =

“Kuya—”

“AAHHHH!” malakas kong sigaw nang makasalubong si Nexie. Akala ko kasi si Jhymea ulit.

Napakurap-kurap ang kapatid ko sa ginawa ko. Tulad ni Samantha ay wala rin siyang kaide-ideya sa pinaghuhugutan ko.

“Napa'no ka?” natatawa niya na lang na sabi nang makabawi. Kinaltukan ko ang sarili ko at nag-iwas ng tingin.

“Nabaliw ka na ba? Sabi ko na nga ba, masama talaga sa kalusugan ang maging CEO ng kompanyang ‘to. Magpahinga ka rin kasi,” kaswal na sabi niya sa ‘kin sabay tapik sa balikat ko.

Nakahinga ako nang maluwag dahil iba ang naisip niyang dahilan at hindi si Jhymea.

“You're more workaholic than me. Dapat sa sarili mo pinapayo ‘yan,” tugon ko sa kanya tapos ginulo ang buhok niya.

“Hey, I'm not a kid anymore. Stop petting me like a puppy,” nakamuktol niyang sabi at inalis ang kamay ko. Nilabas niya ang salamin niya at inayos ang nagulo niyang buhok.

“Parang kelan lang no'ng ako pa ang nagpapalit ng diapers mo, ah. Tapos mag-iinarte ka sa akin nang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status