CLAIRE POV
Mabilis na nagdaan ang tatlong taon mula noong iniwan ko si Edward. Pero kahit ganuon na katagal, parang sariwa pa rin ang sakit na dulot niya sa buhay ko. Parang kahapon lang nangyari ang paet ng kahapon. Pero hinding hindi ko pa rin siya mapatawad sa ginawa niya sa akin. Ang sakit para sakin na hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makita o mahawakan man lang ang anak ko. Isang munting buhay na hindi naranasan mahalin. Ni hindi mo man lang nasilayan ang ganda at paet ng mundo anak. Laging bumabalik sa isip ko ang tanong na, Paano kung hindi nangyari iyon? Paano kung kasama ko siya ngayon? Sana ngayon ay 2 taon ka na mahigit anak. Sana ngayon tumatakbo ka na at masaya akong naghahabol sayo. Galit na galit ako kay Edward. Hinding hindi ko siya mapapatawad ng dahil sa kaniya nawala ang anak ko. Siguro mas makakalimutan ko pa ang lahat ng ginawa sakin ni Edward kung iniwan na lang niya ako at hindi niya na dinamay pa ang naLahat ng meetings abroad at local ay palagi niya akong kasama kaya naman naging mas malapit kami sa isa’t isa Noong una ay takot akong makipag-usapsa kaniya, takot sa posibilidad na baka tulad din siya ni Edward na manggagamit, mananakit, at iiwan ako ng ganun ganun na lang. Pero mali ako. Mabait si Paolo, magalang siya at marunong makaramdam. Isang araw, tinawag niya ako sa opisina niya. Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala. “Salamat po, Sir. Nakakahiya naman.” “Alam ko,” sagot niya. “Diba sinabi ko na sayo pag tayong dalawa na lang wag mo kong tatawaging Sir. “ nakangiti niyang sabi sa akin “Okay Paolo, trabaho kung trabaho ako. Alam mo na. “ sagot ko sa kaniya. Alam ni Paolo ang buong istorya ng buhay ko. “ I know you well Claire. Pero hindi lahat ng empleyado kasing sipag mo. May gusto akong itanong, Claire. Nabanggit mo noon na may kapatid kan
Dahil kay Sir Paolo, natulungan ko rin si Janice na makapunta sa US. Ngayon, magkasama kaming nagtatrabaho dito. Kasama si Ate Christy, bumuo kami ng isang bagong buhay. Hindi ko pa nakakalimutan ang nakaraan, pero natututo na akong mabuhay para sa hinaharap. Sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin, unti-unti, bumabalik ang liwanag sa buhay ko. Pagdating ni Janice sa bahay ay agad niya akong kinulit. Halos hindi na siya nakaupo sa sofa pero tanong na agad ang bungad niya. “Claire! Ano na? Ano kayo na ni Sir Paolo?” sabi niya, nakangiti na parang batang nananabik. Napailing ako. “Janice, ilang beses ko bang sasabihin sayo, wala nga! Magkaibigan lang kami. Ang dumi ng utak mo talaga” natawa ako bigla sa kaniya. “Ehh, bakit parang iba ang mga tingin niya sayo? Ikaw lang yata ang empleyado niyang sinusundo sa bahay! and take note magkasama kayo palagi sa labas. Kasama ka pa sa paglabas ng bansa. Don't tell me hindi ka nahuhulog sa kaniya?” sabay tawa niya ng malakas, ang mga ngiti
Kinabukasan, magkahalong kaba at pagtataka ang nararamdaman ko habang papunta sa opisina kung saan gaganapin ang meeting. Hindi ko alam kung bakit parang napaka-seryoso nito, pero sinabi ni Paolo na mahalaga ang araw na ito para sa kanya. Pagpasok ko sa conference room, napansin ko agad ang bigat ng atmosphere. Nakaupo sa harap ang buong pamilya ni Paolo, ang kanyang lola, mga magulang, at may mga board members din sa gilid, tahimik at nakamasid lang sa amin. “Claire, maupo ka rito,” sabi ni Paolo sa akin. Nakangiti siya habang tinuturo ang upuang malapit sa kanya. Kahit kinakabahan ako, sinunod ko siya. Bumulong ako kagad sa kaniya. "nakakainis ka akala ko simpleng meeting lang, buong angkan mo pala ang nandito" sabi ko sa kaniya at ngumiti ako sa mga tao sa paligid. "it's okay, kaya mo yan. I trust you" sagot niya sa akin Hindi pa man nagsisimula ang meeting, naramdaman ko na agad ang malamig na titig ng matandang babae sa dulo ng mesa. Ang lola ni Paolo. Halata sa mukha niya
CLAIRE POV Matapos ang halos isang linggong pag-iisip . Tinanggap ko ang posisyon na in-offer ni Paolo, alam kong malaking responsibilidad ito, pero hindi ko akalaing may kasamang mas mabigat na isyu ang pag sang ayon kong ito. Sa bawat hakbang ko sa kumpanya, kasabay nito ang mga bulong-bulungan mula sa mga dati kong kasamahan. Habang nasa break room ay narinig ko ang mga patutsada ng mga dati kong mga seniors. “Pinupuntirya lang siguro niya si Paolo.” “Magaling lang magpa-cute.” napapaismid na sabi ng isa kong kasamahan “Hindi naman nya ’yan maaabot kung hindi dahil kay Paolo, siyempre manggagamit” iritable sagot naman ng isa pa sa kanila habang kumukuha ako ng kape. Humarap ako sa kanilang lahat. "ako ba ang sinasabihan niyo?" matapang kong tanong sa kanilang tatlo "eh ano ngayon kung ikaw nga? totoo naman ah kundi dahil sa pagsipsip mo kay Sir Paolo at hindi nga lang siguro iyon ang dahilan. Baka mamaya nga may extra service ka pang ginagawa after ng work kaya ka napili par
Kinahapunan. Tahimik akong nagtatrabaho sa aking opisina nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa ng pintuan si Paolo na may dalang bouquet ng pulang rosas, at ang ngiti niya, para bang kaya nitong pawiin ang lahat ng problema sa mundo. “Claire,” bati niya sa akin, “i bring something for you. Alam kong busy ka na naman, pero deserve mo tong bulaklak na to." sagot niya sabay abot ng bulaklak at siomai at sushi na binili niya para sa akin. "alam ko din na hindi ka pa nag snack. Oh pagsaluhan muna natin itong dala ko. " namilog ang mga mata ko sa dala niya para sa akin. Tinanggap ko ang bouquet at ngumiti. “Paolo, hindi mo naman kailangan gawin ’to nakakahiya naman. Baka isipin pa ng iba, nililigawan mo talaga ako. Talagang tataba na ako nito, si Tita panay din ang pagpapadala ng pagkaen sa akin" pag-appreciate kong sabi sa kaniyang mga dala. Napatawa siya nang mahina, pero may kakaibang lalim sa tingin niya. “Claire, wala akong pakialam sa iniisip ng iba. Ang mahalaga, alam mong pina
CLAIRE POV Dumating na ang araw ng pag-uwi namin sa Pilipinas. Paglapag namin sa airport, halos ramdam ko na ang bigat ng hangin. Naghalo-halo ang emosyon, maitnding kaba, takot, at ang hindi ko maipaliwanag na pag-asa na sana magawa kong maitawid ang lahat ng ito nang hindi nasasaktan. “Okay ka lang?” tanong ni Paolo habang pinipirmahan niya ang ilang dokumentong dala ng assistant niya. “Okay lang,” sagot ko habang pilit na ngumingiti kahit ang totoo, gusto ko nang sumigaw sa dami ng nararamdaman ko. Sa sasakyan papunta sa hotel, abala si Paolo sa pag-check ng emails sa phone niya. Paminsan-minsang napapatingin siya sa akin, para bang may gusto siyang itanong pero hindi niya magawang sabihin. Alam kong nahihiya siya sa akin. Samantalang ako naman, abala sa pagtitig sa labas ng bintana, sinusubukan kalmahin ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Pagdating sa hotel, magalang akong hinatid ni Paolo sa kwarto ko. “Claire,” sabi niya nang binubuksan ko ang pinto. “Ano ’yon?” tan
"naku edi yung picture na pinakalat ni bruhang Lexie. Ito oh" pinakita nila sakina ng picture namin ni Paolo na minsan kaming magkasama mag lunch sa US, naalala ko ang oras na yun. Dahil ayun ang unang beses na lumabas kami ni Paolo. Napapailing na lang ako sa kakatawa. Pagbalik ni Paolo ay agad nilang iniba ang usapan. "sir Pogi, single ka ba?" walang ano-anung tanong ni James, ang bakla naming kaibigan Tumango naman si Paolo "yes, totally single." "perfect friend" sabay tapik sakin ni Mica. Pinanlakihan ko sila ng mata para itigil nila ang pang aasar nila sa akin. "hahaha joke lang friend ikaw naman. just askin lang naman kay Sir Pogi" natatawa naman si Paolo sa kakulitan ng dalawang ito. Makalipas ang kaunting kamustahan, nagpaalam din sila, at naiwan kaming dalawa ni Paolo. "you can invite them on your flat after the event para mapag catch up kayo. Mukhang miss na miss ka ng mga kaibigan mo. I can join you guys if you want" sagot pa niya sa akin. "naku hindi b
CLAIRE POV Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil alam kong napakahalaga ng araw na ito. Kailangan kong maghanda, hindi lang para sa event, kundi para sa sarili ko. Pagkatapos kong mag-almusal ng kaunti, dumating na ang glam team na in-arrange ni Paolo para ayusan ako. Tahimik akong naghintay habang inilalabas nila ang kanilang mga gamit. Narinig ko na ang pagkatok ng mga taong mag aayos sa akin. “Good morning, madam! Ready na po ba kayo para maging pinaka-magandang babae ngayong gabi?” bati ng makeup artist habang tinutulungan akong umupo sa kanilang glam chair. Kalog at makulit ang mga ito kaya mabilis ko silang nakapalagayan ng loob. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik. “Good morning din . Medyo kinakabahan ako ngayon kasi unang beses kong mag attend sa mga ganitong eve
Habang abala si Arthur sa pagpili ng bagong sapatos na treat sa kaniya ng kaniyang ama, napatingin ako sa kabilang boutique. Sa gitna ng mga tao, may isang babae na agad kong napansin. Naka-sumbrero siya, at tila naka-wig. Kahit na may kalayuan, parang kilala ko siya. May kakaiba sa paraan ng pagtayo niya, sa tindig ng katawan, at sa paraan ng pagtitig niya sa amin. Napakabigat ng pakiramdam ng pagtama ng mga mata namin. Para siyang multo ng nakaraan na biglang sumulpot sa harapan ko.Hindi ko napigilan ang sariling mapahawak sa braso ni Enrique. “Enrique,” mahinang tawag ko, halos hindi ko marinig ang boses ko dahil sa kaba. “Parang si Tara.”Napalingon siya sa akin, halatang nagulat. “Si Tara? Saan?”Tinuro ko ang botique kung saan ko siya nakita, pero nang balingan namin ito, wala na siya roon. Parang nawala siyang parang bula. Agad kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng alaala.“Sigurado ka ba?” tanong ni
AT THE MALLKERRY POVHabang abala si Arthur sa pagpili ng bagong sapatos na treat sa kaniya ng kaniyang ama, napatingin ako sa kabilang boutique. Sa gitna ng mga tao, may isang babae na agad kong napansin. Naka-sumbrero siya, at tila naka-wig. Kahit na may kalayuan, parang kilala ko siya. May kakaiba sa paraan ng pagtayo niya, sa tindig ng katawan, at sa paraan ng pagtitig niya sa amin. Napakabigat ng pakiramdam ng pagtama ng mga mata namin. Para siyang multo ng nakaraan na biglang sumulpot sa harapan ko.Hindi ko napigilan ang sariling mapahawak sa braso ni Enrique. “Enrique,” mahinang tawag ko, halos hindi ko marinig ang boses ko dahil sa kaba. “Parang si Tara.”Napalingon siya sa akin, halatang nagulat. “Si Tara? Saan?”Tinuro ko ang botique kung saan ko siya nakita, pero nang balingan namin ito, wala na siya roon. Parang nawala siyang parang bula. Agad kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng alaala.“Sigur
ARTHUR POVKinabukasan, nagising ako nang mabigat ang pakiramdam. Naiisip ko pa rin ang nangyari kagabi sa hapag-kainan. Nasagot ko si Mommy, at alam kong hindi iyon tama. Nagmukhang masama ang ugali ko sa harap nila Lola Claire, na palagi akong pinapaalalahanan na maging marespeto sa mga magulang ko.Pero hindi ko mapigilan ang pagtatampo ko. Dahil mahalaga sakin ang larong iyon. Pinakamalaking araw iyon sa buhay ko, at wala man lang kahit na isa sa kanilang lahat. Ako na nga ang nag-champion, pero hindi nila nakita. Parang hindi mahalaga ang pagkapanalo ko. Gayunpaman alam kong hindi iyon excuse.Kaya ngayong umaga, nagpasya akong bumawi kay Lola Claire. Pagdating ko sa bahay nila Lola Claire, nandoon siya sa hardin, nagdidilig ng mga halaman. Tahimik lang siya at halos hindi ako iniimik noong una. Ramdam ko pa rin ang bigat ng kahapon.Lumapit ako ng dahan-dahan, pero hindi ko alam kung paano sisimulan.“La...”Napalingon siya sa akin. Ang mga mata niya ay hindi galit, pero halata
Pagkatapos naming maghapunan ay kinausap ko si Arthur ng makita ko siyang kumukuha ng tubig.Tumayo ako at lumapit kay Arthur, pero umatras siya.“Anak, hindi mo kailangang maramdaman na hindi ka mahalaga,” sabi ko, halos pabulong. “Alam kong nasaktan ka. Mali ako. Dapat nandun kami kanina.”Pero umiling siya. “Hindi lang ito tungkol sa laro, Mom. Parang sa lahat ng bagay, si Leo na lang ang iniintindi niyo.”Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin. Ramdam ko ang kirot ng kanyang mga salita, dahil totoo ito hindi ko man sinasadya, napabayaan ko si Arthur.“Arthur,” sabi ni Enrique, mas kalmado ngayon, “mali ang ginawa namin. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi ka mahalaga. Tanggap namin si Leo dahil pamilya natin siya ngayon, pero hindi ibig sabihin na nawala ka sa amin.”Tumahimik si Arthur. Kita kong naguguluhan siya, pero halatang pagod na rin siyang makipagtalo.“Arthur, anak,” dagdag ko, halos pabulong, “gagawin namin ang lahat para maitama ito. Bigyan mo kami ng pagkakataon
AFTER A WEEKPagkarating ni Arthur, ramdam ko agad ang pagbabago sa enerhiya ng paligid. Malambing siyang bumati sa kaniyang lolo at lola pero halatang may bigat sa kanyang tinig, napansin ko ang pag-iwas ng kaniyang mata sa amin ng kaniyang Daddy. Nang imbitahan siyang sumali sa aming pagsasalo-salo, agad siyang nagdahilan na pagod siya.“Arthur, apo, halika na,” sabi ni Mommy Claire, may lambing sa boses. “Kahit saglit lang. Ngayon na nga lang kami ulit nakapunta ng lolo mo. Tatanggihan mo pa ba ang pag-aayan ni Mamila mo?”Napatingin siya kay Mommy Claire, at matapos ang maikling pag-aalinlangan, tumango siya. Pero alam kong wala talaga siyang gana.Habang nagkakainan at nagkukuwentuhan, ramdam ko ang tensyon na dala ni Arthur. Nang tanungin siya ni Mommy Claire kung kamusta na siya, tumigil siya sa pagkain at tumingin sa kanya, halatang hindi nagpipigil.“Okay lang, Lola,” sagot niya, pero puno ng sarcasm ang boses. “Katatapos lang namin ng final game kanina. Ang saya kasi ako lan
KERRY POVLumipas ang ilang araw at pinatawag na din kami ng korte . Kabado kami na naghihintay ni Kerry. Pagkalabas namin ng korte, dala-dala na namin ang pinal na desisyon, legal na sa amin si Leo. Parang natanggal ang bigat ng mundo sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay ni Enrique habang buhat niya si Leo. Kitang-kita sa mukha niya ang saya at pagmamalaki.“Sa wakas, love,” bulong niya.Habang pauwi kami, hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi lang dahil sa saya, kundi dahil sa lahat ng pinagdaanan namin para makarating dito.Pagdating sa bahay, nagbigay agad si Enrique ng pagkatuwa kay Leo habang nakahiga ito sa kanyang crib. Ay Magiliw niya itong kinausap“Leo, anak, legal ka na naming anak. Walang sinuman ang pwedeng kumuha sa’yo mula sa amin. Pangako namin, palalakihin ka naming puno ng pagmamahal.” napapangiti ako dahil sa reaksyong iyon ni Enrique. Noong una ay tutol siya sa gusto kong mangyari, marahil natatakot siya sa maaring mangyari.Tahimik akong nakamasid sa kanila, ramd
ENRIQUE POVIlang linggo matapos naming makuha ang pansamantalang kustodiya ni Leo, akala ko ay maayos na ang lahat. Ginawa namin ang lahat ng hinihingi ng social services. pinirmahan ang mga dokumento, nakipag-ugnayan sa social workers, at inasikaso ang pag-file ng Petition for Adoption. Pero sa likod ng lahat ng ito, may bagay na hindi namin inasahan ang komplikasyon ng sistema at mga taong gusto kaming pigilan.Isang araw, habang pauwi ako mula sa trabaho, tumawag ang abogado namin, si Attorney Velasco.“Enrique,” bungad niya, halata ang bigat sa boses, “may problema tayo. May nag-file ng reklamo laban sa inyo.”“Reklamo?!” halos sigaw kong tanong. “Ano ang ibig mong sabihin Atty.?”“May taong nagke-claim na sila raw ang magulang ni Leo. Hindi pa malinaw ang detalye, pero posibleng maantala ang proseso ng adoption dahil dito.”Nanlambot ako. Sa isip ko, Paano kung totoo ngang magulang ni Leo ang naghahabol na yun? Paano kung mawala siya sa amin? Alam kong hindi ito kakayanin ni Ker
Isang gabi, habang tahimik kong pinapatulog si Leo sa kanyang crib, narinig ko ang tunog ng pinto. Excited ako dahil nakabalik ng ligtas ang aking asawa mula sa kaniyang business trip. Sa pagkakarinig ko pa lang sa bigat ng kanyang mga hakbang, alam kong pagod siya, pero sigurado rin akong mapapansin niya ang crib sa sala.Pagpasok niya, hinila niya ang kanyang maleta papasok, ngunit biglang napatigil. Nakita niya si Leo na mahimbing na natutulog, balot sa malambot na kumot. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya.“Love…,” mahina niyang sabi, pero puno ng tensyon ang boses niya. “Sino ’yan? Bakit may baby dito?”Tumayo ako , kinarga si Leo, at tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang paliwanag. “Iniwan siya dito, Enrique. Mamamalengke na sana si Yaya pagbukas niya ng gate nakita niya ang basket kung saan naruruon si Leo. Nasa tapat siya ng gate, iniwan ng hindi namin kilalang tao. May sulat na nagsasabing hindi na raw niya kayang alagaan ang sanggol kaya
NATALIE POVMabilis na bumalik ang sigla ng katawan ko matapos ang ilang buwan ng matinding pakikibaka sa sakit. Sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ay nalampasan ko Pakiramdam ko, muling nabuhay ang dati kong sarili—buo, malakas, handa sa kahit anong hamon ng buhay. Ngunit hindi ko inakala na ang isang simple umagang iyon, bago pa man pumutok ang bukang liwayway ay magdadala ng isang balitang gugulantang sa aming lahat, balitang mukhang magpapabago sa aming buhay .Habang umiinom ako ng kape sa veranda, biglang bumulusok ng takbo patungo sa akin si Yaya mula sa likod-bahay, takot na takot, halos masamid sa kanyang pag-sigaw.“Ma’am Natalie! Ma’am!.... Naku Mam bilisan mo at pumamarini ka….” nanginginig ang boses niya habang tinuturo ang gate. Tumayo ako at parang bigla din akong kinabahan sa kaniyang itsura. “Bakit? Anong nangyari?... huminahon ka yaya… anong nangyayari?” tanong ko sa kaniyang sobra na ding natataranta.“Ma’am, may sanggol po sa labas! Iniwan! Iniwan po sa tapat ng