CLAIRE POV Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil alam kong napakahalaga ng araw na ito. Kailangan kong maghanda, hindi lang para sa event, kundi para sa sarili ko. Pagkatapos kong mag-almusal ng kaunti, dumating na ang glam team na in-arrange ni Paolo para ayusan ako. Tahimik akong naghintay habang inilalabas nila ang kanilang mga gamit. Narinig ko na ang pagkatok ng mga taong mag aayos sa akin. “Good morning, madam! Ready na po ba kayo para maging pinaka-magandang babae ngayong gabi?” bati ng makeup artist habang tinutulungan akong umupo sa kanilang glam chair. Kalog at makulit ang mga ito kaya mabilis ko silang nakapalagayan ng loob. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik. “Good morning din . Medyo kinakabahan ako ngayon kasi unang beses kong mag attend sa mga ganitong eve
“Eh, chika lang naman ’yan, madam. Pasensya na po. Pero alam mo madam napakaswerte mo kay Sir Paolo. Grabe, jackpot ka talaga sa kanya! Napakadami naming nakalinya sa kaniya. Aba Napaka-gwapo, napaka-yaman, mabit at ang gentlemen pa. Plus napaka bait ng pamilya ni Sir Paolo. Kahit naman lola nun na may pagka bruha pag nagustuhan ka biglang bumabait yun. Alam mo bang hindi siya basta-basta nagdadala ng plus one sa ganitong event? Kaya sigurado akong espesyal ka sa kanya.” Nginitian ko lang siya bilang sagot, pero ang totoo, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang lahat ng tanong niya sa akin. Lalo na tungkol kay Paolo, ngayon ko napagtanto tama ba na tinanggap ko ang pagkakataong ito, o maling signal ba ang binibigay ko para kay Paolo? Nang matapos ang pag aayos sa akin ay hindi mapigilan ng glam team ang sobrang tuwa nila. “Madam, parang ikaw na ang reyna ng gabi!” sabi ng isa habang kinukunan ako
CLAIRE POV “No everything is fine.” sagot ko kay Paolo, pilit na itinatago ang panginginig ng boses ko. Tila napansin niya ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ko, pero nagpasalamat ako na hindi na niya ako kinulit. Nang maglakad na siya papunta sa dulo ng lobby para saglit na makipag-usap sa isang waiter, naiwan akong kaharap sina Edward at Lexie. “Hindi ko akalaing nandito ka,” malamig na sabi ni Edward, nakatingin siya sa akin ng nakakainsultong tingin. “So totoo pala ang usap usapan tungkol sayo. I know now. Kaya ka ng pala nandito nasa likod mo ang dahilan kung bakit hindi ko na naramdaman ang presensya mo nitong mga nakaraang buwan.” Nakakainsulto siyang tumawa. Hindi ko maintindihan kung bakit niya yun nasasabi sa harapan mismo ni Lexie. At hindi ko din alam kung paano sasagutin iyon. Parang sinampal ako ng salita niya. Napatingin ako kay Lexie, na hawak ang braso ni Edward nang mahigpit. “Hi, Claire,” malamig na pagbati ni Lexie na halatang napipilitan, may ngiting matag
PAOLO POV Kilala ko si Edward. Alam kong siya ang ex ni Claire, ang lalaking minsang naging sentro ng mundo niya, pero ngayon ko lang siya nakilala nang personal. Sa unang tingin, tahimik at kagalang-galang si Edward, pero nang makaharap ko siya kanina, may kung anong pakiramdam ang bumalot sa akin—parang sinasabi ng bawat kilos niya na hindi pa tapos ang kwento nila ni Claire. Habang naglalakad kami palayo, napansin kong tahimik si Claire. Hindi siya umiimik, pero nakikita ko sa mga mata niya ang tensyon, ang bigat ng emosyon na pilit niyang itinatago. “Claire, let’s leave this place,” sabi ko habang hawak hawak ko ang kamay niya. “You don’t need to prove anything to him.” Huminto siya at tumingin sa akin. “Paolo, hindi tayo pwedeng umalis,” sabi niya na may halong desperasyon sa boses niya. “This deal is important. Kapag umalis tayo ngayon, baka isipin ng Lola mo na hindi ko kaya. Ayoko rin na isipin ni Edward na mahina ako.” “Claire,” sagot ko, hinawakan ko ang balikat ni
CLAIRE POV Hindi ko siya sinagot sa tanong niya sa akin. Sa halip, tumitig lang ako sa kanya, tinignan ko siya ng mata sa mata. Habang tinitigan ko siya ay punong-puno ang isip ko ng tanong at matinding galit pero hindi ko siya magawang tanungin. Parang umurong ang dila ko sa lahat ng sama ng loob na nuon ko pa kinikimkim. Ang hangin sa pagitan namin ay tila naging mas mabigat, at kahit ang malalim kong paghinga ay parang hindi sapat para pakalmahin ang dumadagundong kong puso hindi sa kaba kundi sa matinding galit na kinikimkim ko. “Claire…” tawag niya ulit sa akin pero sa pagkakataong ito ay mahinahon na at mas ramdam ko ang desperasyon sa tono niya. Alam kong hinihintay niya ang sagot ko, pero paano ko sasabihin ang totoo? Paano ko aaminin na kahit ilang ulit kong sabihin sa sarili kong tapos na, ang katotohanan ay nasa kanya pa rin ang isang bahagi ng puso ko? Umiling ako, pilit na pinipigilan ang namumuong luha sa mga mata ko. “Edward…” halos bulong ko, tila hindi ko ma
Sa mga sandaling iyon tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa kaniya habang unti-unting lumalapit siya sa akin, nararamdaman ko ang bigat ng kanyang presensya, ngunit hindi ko kayang palampasin ang pagkakataong ito. Siguro nga para sa ikatatahimik naming lahat ay kailangan ko ng closure sa ngyari sakin nuon. Kailangan ko siyang tanungin. Kailangan kong ilabas ang lahat ng hinagpis, ang galit at ang lahat ng sakit na pinipigilan kong ipakita. Minsan lang ito mangyari, at kailangan niyang malaman ang lahat. Hindi ko kayang tiisin pa ang mga tanong na gumugulo sa isip ko. Hindi ko kayang dalhin ang bigat ng pagkawala ng anak namin na wala akong kasiguruhan kung sino ba talaga ang may kasalanan. Tumigil ako sa harap niya at tinanong siya ng matalim. Muling nanumbalik ang galit sa puso ko. “Edward, bakit?” Ang tanong ko na puno ng pagkamuhi at sakit. “Bakit mo ako sinagasaan noon?! Bakit?! Ng dahil sa ginawa mong yun ay nawala ang anak ko? Ano bang ginawa ko say
EDWARD POVNamagitan ang matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Claire. Parehas kaming nag-iisip ng dapat naming gawin. Nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalangan, ang poot na hindi pa rin nawawala sa kaniyang puso, kahit ako ay nakaramdam ng matinding galit dahil sa pagkawala ni Claire at ng aming anak. Alam kong mahirap pero isa lang ang naiisip kong dapat naming gawin. Iyon ay ang magtulungan kami dahil kung hindi namin iyon gagawin, kailanman ay hindi namin malalaman ang totoo.“Claire, kailangan nating magtulungan,” sabi ko, pilit na sinasalubong ang malamig niyang titig.Napatawa siya nang mapakla, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Magtulungan? Edward, gusto mong magtulungan tayo pagkatapos ng lahat? At ano naman ang pumasok sa isip mo at sa tingin mo ay papayag ako sa gusto mong mangyari? At sa tingin mo ba pagkakatiwalaan kita”Napapikit ako, pinipigilan ko ang sarili kong huwag sumagot nang padalos-dalos. Alam kong may karapatan siyang magalit lalo na at ak
Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay namin ang madilim na daan. Sa gitna ng tensyon, bigla kong narinig ang pag-vibrate ng telepono ni Claire. Agad niyang kinuha ito at tumingin sa screen. Si Paolo. Kita ko sa gilid ng mata ko ang bahagyang pag-aalangan niya bago niya ibinaba ang telepono sa pagitan naming dalawa.“Edward,” mahina niyang sabi, tumingin siya sa akin. “Tumatawag si Paolo.”Tiningnan ko siya nang matagal, pilit na binabasa ang emosyon sa mukha niya. Kita ko ang bigat ng desisyon na kailangan niyang gawin—ang pagsisinungaling sa taong nagmamahal sa kanya para sa mas malaking layunin. At tumango ako ng bahagya“Sagutin mo siya,” sabi ko, ang boses ko kalmado ngunit matigas. “Pero huwag mong sabihin na magkasama tayo. Kahit sino ay hindi namin pwedeng pagkatiwalaan basta basta lalo ngayon”Huminga siya nang malalim bago pinindot ang green button. “Hello, Paolo?”Tahimik akong nagmaneho habang pinakikinggan ko ang mahinang usapan nila. Sa bawat pagsagot ni Claire,
Nagpatuloy pa sa pagsasalita si Mr. Rivera. “Alam kong biglaan ito, at bibigyan kita ngayong araw upang pag-isipan ang inaalok ko. Ngunit nais kong ipaalala sa’yo na ang ganitong pagkakataon ay hindi palaging dumarating. You have the talent and the experience. I believe in you, Frances.”Tumango siya, ngunit nanatiling tahimik. Naramdaman niyang nakatitig sa kanya ang CEO marahil hinihintay ang kanyang sagot, ngunit kailangan niyang mag-isip.Huminga siya nang malalim at marahang ngumiti. “Maraming salamat po sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin Sir. Hindi ko po kayo bibiguin. Pag-iisipan ko po ito ng maiigi.”Sa sandaling iyon, alam niyang isa itong bagong kabanata sa kanyang buhay kung tatanggapin niya, isang hamon na kailangan niyang harapin, kasama man o wala si Arthur sa kanyang tabi.Pagkatapos ng meeting kay Mr. Sandro Rivera, bumalik si Frances sa kanyang opisina na may halong kaba at pananabik. Hindi niya lubos akalain na isang malaking pagbabago ang darating sa kanyang buhay s
After a weekMaagang gumising si Arthur upang maghanda para sa kanyang flight patungong US. Ilang buwan siyang mawawala para sa isang mahalagang training program na kailangan niyang tapusin para sa kanyang trabaho kasama rin niya si Frank sa byahe na ito. Habang tahimik niyang isinusuksok ang kanyang mga gamit sa maleta, lumingon siya sa natutulog na si Frances. Mahimbing ang tulog nito, ngunit hindi maikakaila ang bahagyang kunot sa noo nito, tanda ng pagod mula sa trabaho. Nitong mga nakaraang araw nakikita niya ang dedikasyon ng kaniyang asawa sa trabaho at masaya siya as long as masaya ang asawa niya sa kaniyang ginagawa. Marahang lumapit si Arthur sa kanya at hinaplos ang pisngi nito. Alam niyang mahirap para kay Frances ang mga susunod na buwan, lalo na’t sanay na silang laging magkasama. Pero kailangan niya itong gawin. “Frances,” mahina niyang bulong habang hinahalikan ang noo nito.Dahan-dahang dumilat ang asawa at bahagyang nagulat ngunit agad siyang tinignan. “Anong oras
Bahagyang tumango si Arthur. Hindi lingid sa kanya na may kakayahan siyang humusga ng pagkatao sa unang tingin, at sa tingin niya, si Mia ay isang taong may malinis na intensyon. Walang kasakiman o lihim na agenda sa likod ng kanyang mga salita.At iyon ay isang bagay na bihira niyang makita sa mundo ng mga taong may kapangyarihan."Kilala mo naman na si Frank, hindi ba?”Hindi man lang nag-abala si Mia na itigil ang pagkain at walang pakialam na tumugon."Oo , sus dati ko pa yan nakikita si kuya frank pag pumupunta ako kila frances pero palagi siyang busy ."Isang palaisipan kay Frances kung bakit biglang pinagpapareha din ni Arthur sina Mia at ang Kuya Frank niya. “Well Mia, alam mo namang gwapo si Kuya diba? Bakit kaya hindi na lang kayo ang maging mag dyowa? Para naman maging kapatid na talaga kita. Single na yan. Hahaha. Kuya ligawan mo na si Mia” pangungulit ni Frances sa kapatid niya at sa kaniyang kaibigan.“Hayst Frances—”“Sige na Kuya. Aba para naman lagi tayong double dib
Sa kabila ng kanyang galit at pagkabalisa, unti-unting nabuo sa isipan ni Aljur ang isang posibleng sagot, ang lalaking bumugbog sa kanya sa loob ng box noong gabing iyon! Matindi ang galit niya at handa siyang patayin it pero sa kabila ng dami ng kaniyang koneksyon ay nagtataka siya. Bakit hindi niya makita ang lalaking may gawa noon sa kaniya.Mula sa kabilang linya ng telepono, maririnig ang mahinang tawa ni Nancy."Ang tanga mo talaga! Hindi mo pa ba nakukuha ang ibig kong sabihin? Ang may gawa sayo ng nangyayari ngayon at ang lalaking kinaiinisan ko ay iisa lang.” aniya, puno ng panunuya."Magsalita ka! Sino?! " sigaw ni Aljur, halos sumabog sa galit. "Papatayin ko ang hayop na yun! Sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kaniya! At siya pa ang may kakapalan ng mukha na pa imbestigahan ako?!” Pero walang pakielam si Nancy sa kung anong galit ni Aljur, isa lang ang gusto niyang mangyari mapasunod niya si Aljur "Aljur, hay naku walang akong oras sa mga kakaganyan mo! Puro ka salita
Sa sobrang galit ni Nancy, parang ay makikita mo na ang butas ng kaniyang ilong sa laki. Itinaas ni Arthur ang kanyang kamay bilang pagpapa-alam sa mga ito at pumasok na sila sa loob ng restaurant. “Ow mrs. Cervantes baka gusto mong imibitahan ka ng isang hamak na pilot para makapasok sa loob?” pang aasar na sabi ni Arthur“Tse… hay naku Frances tignan mo ang ugali ng asawa mo! Sinasabi ko na sayo itim ang budhi ng lalaking iyan. Kung alam mo lang! Haist!” Biglang napagtanto ni Frances na mukhang napaka-pikunin ng kanyang asawa. Natawa siya at hinila na ang kamay ng kaniyang asawa papasok.“Let’s go na hubby!”Hindi naman na nakipagtalo pa si Arthur sa kaniyang asawa . sumunod na din sa kanila sila Frank at Mia na sa mga oras na yun ay nakangiti din.Pagpasok nila sa Restaurant, nanlaki ang mga mata ni Mia sa ganyan ng interior design ng restaurant na ito. Isa kasi itong art museum restaurant kaya din mahal ang presyo ng mga pagkain sa loob. Sa sobrang tuwa ay panay ang kaniyang p
Dahil sa nangyari halos lumuwa ang mga mata ni Frank at piit na piit na bumalihit ng tawa dahil sa buong buhay niya, sa paninilbihan kay Arthur ay ito ang unang beses na nakita niyang napahiya ito.Lumapit si Frank kay Arthur at bumulong.“Haha.. ano ka ngayon Arthur?! Ilabas mo ang tapang mo sa harapan ng kapatid ko! Tignan natin kung hindi umusok yang pwet mo sa pagpapaliwanag kay Frances pag uwi niyo ng bahay!” natatawang sabi ni Frank sa kaibigan niya. Matalim siyang tinignan ni Arthur at pasimpleng pinandilatan ng mata. “shhh…Frank—”“Hahhaha okay sorry.” sabi ni Frank at halos bumulong sa gilid niya “haha tiklop ka pala pagdating sa kapatid ko pero pag nasa labas naku na lang?! Shu shu shu..” sisipol sipol na sabi ni Frank at pilit na tumitingin sa ibang parte ng mall paiwas sa mga mata ni Arthur!Habang ang lahat ay nagbibigay ng kaniya-kaniyang opinyon. Sinamantala iyon ni Frances para magsalita. "Oo nga, kaya nga sobra akong nagpapasalamat kay Tita Nancy at Joyce dahil kun
"Talaga lang? Pinakawalan mo si Frances ng ganun-ganun lang?" Kumunot ang noo ni Mrs. Cervantes, nadako ang mata niya kay Arthur na noon ay kumapit sa aking mga kamay. "Fuck, Frances, hindi ka naman siguro itinulak sa pilotong ito, 'di ba?"Hindi napigilan ni Frances ang palihim na pagtawa. Nakilala na niya ang asawa ng chairman na ito noon. Direktang magsalita at bukas-palad ang matanda, sinasabi nito kung anumang gusto niyang sabihin ng hindi nag-iisip. Sa sandaling ito, alam din ni Frances na nagsasalita lamang si Mrs. Cervantes para ipagtanggol siya at wala siyang balak kutyain si Arthur. Napansin ni Arthur ang ngiti sa mga labi ni Frances, kaya't medyo nanigas ang kanyang ekspresyon at sumulyap kay Mrs. Cervantes. "Tama, tinulak siya ni Nancy at Joyce sa isang hamak na piloto lang na kagaya ko! May masama ba dun?” malamig na sabi ni Arthur."Fuck! Ano ba yan"Tinitigan ni Mrs. Cervantes si Arthur nang may pag-alipusta, pagkatapos ay humarap kay Frances saka hinawakan muli ang
Sa kalagitnaan ng aming byahe, si Frank, na abalang nagmamaneho, ay napatingin sa akin at biglang nagtanong. "Diba ikaw yung kaibigan ni Frances nung high school pa siya?” tanong niya ng may mapungay na mata“Oo , hehe naalala mo pa pala ako Kuya Frank!” “Oo naman palagi kang kasama ni Frances. Kamusta naman ang trabaho niyo? “ “Okay naman. Kaya lang minsan siyempre hindi maiiwasan ang pressure, hindi sa trabaho kundi sa mga ka trabaho. Haha” sagot ko sa kaniya“Ganyan talaga, pero pag nagtagal naman kayo sa linyang yan magiging komportable na din kayo!” tugon niya sa akin“Kaya nga!” muli niyang binalik ang kaniyang tingin sa unahan ng sasakyan. Hindi naman na din ako nagsalita. Haist inis, bakit ba napaka-manhid ng lalaking ito. Hindi ba niya alam na mula pa noon kung gaano nahuhumaling si Frances kay Arthur ay ganuon din ang pagkabaliw ko sa kaniya. Nakakainis naman. Grrr…pero ang gwapo talaga ni Frank. Maingay na sigaw ng utak ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko maiwasang
ARTHUR POVNapahinto ako "Bakit?""Hey mister hindi ba sinabi mong masama ang pakiramdam mo dahil sa kumakalat na flu! May flight ka pa kaya magpahinga ka.You need to take care of yourself, hindi ka pwedeng magpalipad ng eroplano at basta ng hindi maayos ang kondisyon mo. I heard na magkakaruon ka ng 1 week straight flight?!”Hindi ako nakikinig sa kaniya, tinutuloy ko lang ang paghalik sa kaniyang tainga at bahagyang bumulong habang tuloy tuloy ang aking paghalik sa kaniya.“Okay lang yan. Matagal pa naman yun! May panahon pa kong makapag pahinga. Para naman ma exercise ko tong muscle ko.” Ibinaba ko ang aking ulo at ipinagpatuloy ang paghalik sa kanya. Hindi na nakatiis si Frances, at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Arthur, please wag muna?"Tumigil ako sa kaniya at nakangiting tumingin kay Frances "Okay, i’m sorry. Okay ka lang ba? Nanginginig ka?"“oka y lang ako, matulog na tayo muna okay?”Pagsabi ko ay niyakap ko siya mula sa likuran at mahina ko siyang binulungan "si