Sa mga sandaling iyon tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa kaniya habang unti-unting lumalapit siya sa akin, nararamdaman ko ang bigat ng kanyang presensya, ngunit hindi ko kayang palampasin ang pagkakataong ito. Siguro nga para sa ikatatahimik naming lahat ay kailangan ko ng closure sa ngyari sakin nuon. Kailangan ko siyang tanungin. Kailangan kong ilabas ang lahat ng hinagpis, ang galit at ang lahat ng sakit na pinipigilan kong ipakita. Minsan lang ito mangyari, at kailangan niyang malaman ang lahat. Hindi ko kayang tiisin pa ang mga tanong na gumugulo sa isip ko. Hindi ko kayang dalhin ang bigat ng pagkawala ng anak namin na wala akong kasiguruhan kung sino ba talaga ang may kasalanan. Tumigil ako sa harap niya at tinanong siya ng matalim. Muling nanumbalik ang galit sa puso ko. “Edward, bakit?” Ang tanong ko na puno ng pagkamuhi at sakit. “Bakit mo ako sinagasaan noon?! Bakit?! Ng dahil sa ginawa mong yun ay nawala ang anak ko? Ano bang ginawa ko say
EDWARD POVNamagitan ang matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Claire. Parehas kaming nag-iisip ng dapat naming gawin. Nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalangan, ang poot na hindi pa rin nawawala sa kaniyang puso, kahit ako ay nakaramdam ng matinding galit dahil sa pagkawala ni Claire at ng aming anak. Alam kong mahirap pero isa lang ang naiisip kong dapat naming gawin. Iyon ay ang magtulungan kami dahil kung hindi namin iyon gagawin, kailanman ay hindi namin malalaman ang totoo.“Claire, kailangan nating magtulungan,” sabi ko, pilit na sinasalubong ang malamig niyang titig.Napatawa siya nang mapakla, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Magtulungan? Edward, gusto mong magtulungan tayo pagkatapos ng lahat? At ano naman ang pumasok sa isip mo at sa tingin mo ay papayag ako sa gusto mong mangyari? At sa tingin mo ba pagkakatiwalaan kita”Napapikit ako, pinipigilan ko ang sarili kong huwag sumagot nang padalos-dalos. Alam kong may karapatan siyang magalit lalo na at ak
Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay namin ang madilim na daan. Sa gitna ng tensyon, bigla kong narinig ang pag-vibrate ng telepono ni Claire. Agad niyang kinuha ito at tumingin sa screen. Si Paolo. Kita ko sa gilid ng mata ko ang bahagyang pag-aalangan niya bago niya ibinaba ang telepono sa pagitan naming dalawa.“Edward,” mahina niyang sabi, tumingin siya sa akin. “Tumatawag si Paolo.”Tiningnan ko siya nang matagal, pilit na binabasa ang emosyon sa mukha niya. Kita ko ang bigat ng desisyon na kailangan niyang gawin—ang pagsisinungaling sa taong nagmamahal sa kanya para sa mas malaking layunin. At tumango ako ng bahagya“Sagutin mo siya,” sabi ko, ang boses ko kalmado ngunit matigas. “Pero huwag mong sabihin na magkasama tayo. Kahit sino ay hindi namin pwedeng pagkatiwalaan basta basta lalo ngayon”Huminga siya nang malalim bago pinindot ang green button. “Hello, Paolo?”Tahimik akong nagmaneho habang pinakikinggan ko ang mahinang usapan nila. Sa bawat pagsagot ni Claire,
CLAIRE POV Pagbukas ko ng pintuan ng hotel room, halos mahulog ang bag ko nang makita ko si Paolo. Nakaupo siya sa couch, ngunit ang postura niya ay hindi ang usual na kalmado niyang sarili. Ang mga kamay niya ay nakakuyom sa gilid, at ang mga mata niya ay matalim ang titig sa akin. I admit it hindi na din kasi ako nakabalik sa event hall. Alam ko namang magkakasama “Paolo? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kaniya. Hindi niya usual na gawain ang biglang pumasok sa hotel room ko ng basta basta kaya nagtaka talaga ako na nandito siya at nakaupo. Tumayo siya, at bigla kong naramdaman ang bigat ng tensyon sa paligid. Lumapit siya sa akin ng mabagal pero puno ng galit ang bawat hakbang niya. "Anong ginagawa ko dito?" malamig niyang tanong, ngunit naroon ang poot sa kanyang boses. "Claire, tanongin mo ang sarili mo…ANONG GINAGAWA MO?" Napaatras ako, pilit na iniintindi ang ibig niyang sabihin. "Ano bang sinasabi mo? Diba sinabi ko sayong gusto ko lang magpahangin alam mo naman
EDWARD POV Pagpasok ko sa event hall, inaasahan ko na ang mangyayari. Nakita ko si Lexie na galit na galit sa akin, ang mga mata niya ay punong-puno ng apoy habang sumisigaw sa ilang staff. Nang makita niya ako, mabilis siyang lumapit sa akin at halos sumabog sa galit. “Edward! Ano ba?!” sigaw niya sa akin, halos sumabog ang boses niya sa buong hall. “Ano’ng pinaggagagawa mo?! Saan ka ba nagpupupunta?! Alam mo bang malaking deal ito?! At ikaw? Wala kang pakialam?! Because of that stupid bitch nawala ka na naman sa sarili mo” Hinayaan ko siyang magsalita, pero ramdam ko ang panginginig ng kamao ko. Pilit kong nilalabanan ang galit na namumuo sa dibdib ko dahil ayokong maghinala siya sa kahit na ano. "ano? wala ka man lang sasabihin. Tapos na ang event bumalik ka pa!" iritable niyang sabi sa akin. “Lexie, pwede ba, huwag ka ng gumawa ng eksena?” malamig kong sagot, pero halata ang pagkapundi sa boses ko. “Eksena?!” Tumawa siya nang mapait. “Edward, hindi ito eksena! Malaking deal
EDWARD POV Pagdating sa sasakyan ay agad na naupo si Lexie sa passenger seat. Ang galit sa mukha niya kanina ay mabilis na napalitan ng pilit na ngiti. Pero kahit anong lambing niya ay kita sa mga mata niya ang naiwang selos at pagkainis kay Claire. “Edward…” malambing niyang bungad habang hinihimas ang braso ko. “Sorry na, ha? Alam kong medyo nag-overreact ako kanina. Pero alam mo naman kung gaano kaimportante sa akin ’to, ’di ba? kasi mahalaga ang deal na to. so anong gagawin natin ngayon?” Napakapit ako nang mahigpit sa manibela pilit na nilulunok ang matinding inis ko. Tumingin ako saglit sa kanya, pilit na pinapakalma ang sarili ko. “Tapos na, Lexie. Ayoko nang balikan pa ’yun. Tungkol naman sa deal don't worry mag-se-set na lang ako ng panibagong meetings kay Paolo. I will handle everything” Ngumiti siya nang pilit at inilapit ang sarili sa akin. “Ayoko kasi ng away, babe. Mahal kita, kaya siguro nagseselos talaga ako sa pagbabalik ng Claire na yan. Pero alam mo namang mag
CLAIRE POV Pagpasok namin sa bahay, biglang nanikip ang dibdib ko. Parang hindi pa rin nagbago ang lahat—ang pamilyar na ayos ng sala, ang luma ngunit maayos na kurtina, at ang mesa kung saan ko iniwang nakapatong ang mga larawan namin noon. Pakiramdam ko ay binalik ako ng lugar na ito sa panahong hindi ko na kayang balikan. Hindi ko namalayang huminto na ako sa gitna ng pinto. At si Edward ay nasa likod ko , tahimik lang na nakatitig sa akin pero nakangisi . Ang gwapo pa rin ni Edward. Hindi pa rin siya nagbabago. At ang paborito kong pabango ay naamoy ko pa rin sa kaniya. “Hindi mo binago…” mahina kong tanong na halos pabulong na lang. Hindi ko din maiwasang mapangiti sa mga nakita ko. “Bakit ko babaguhin?” sagot niya ng may kalmadong boses, nagikot-ikot ako at hinahawakan ang mga bagay bagay. Nakatalikod ako sa kaniya habang siya ay tuloy tuloy sa pagsasalita “Dahil kung babaguhin ko to… para ko na ding iniwan ang masasayang ala-ala natin, parang tinanggap kong wala ka na sak
CLAIRE POV “P-Pasensya na, Edward,” sabi ko, pilit na tinutulak ang dibdib niya. “Hindi pa ako ready…” Ngunit sa bawat pagtulak ko, mas lalo niyang hinihila ako palapit. Ang mga mata niya ay puno ng init at nararamdaman kong parang siya’y isang apoy na hindi ko kayang iwasan. “Claire,” sabi niya ng mahina “Hindi mo ba nararamdaman ’to? Ang init ng nararamdaman ko?” Nakita ko ang mga mata niyang naglalagablab, puno ng damdaming hindi kayang itago. Nanginginig ang mga labi ko, hindi ko na kayang magsalita ngunit nag-aatubili pa rin ako. “A-Edward, please…” iniiwas ko ang mata ko sa kanya, hindi ko kayang tignan siya ng diretso. “Baka… baka may mga bagay tayong hindi pa dapat na gawin.” “Claire,” dahan-dahang itinulak niya ang aking buhok sa likod ng tainga ko, ang mga daliri niya ay dumampi sa aking leeg. “Walang kailang
Pagkatapos naming maghapunan ay kinausap ko si Arthur ng makita ko siyang kumukuha ng tubig.Tumayo ako at lumapit kay Arthur, pero umatras siya.“Anak, hindi mo kailangang maramdaman na hindi ka mahalaga,” sabi ko, halos pabulong. “Alam kong nasaktan ka. Mali ako. Dapat nandun kami kanina.”Pero umiling siya. “Hindi lang ito tungkol sa laro, Mom. Parang sa lahat ng bagay, si Leo na lang ang iniintindi niyo.”Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin. Ramdam ko ang kirot ng kanyang mga salita, dahil totoo ito hindi ko man sinasadya, napabayaan ko si Arthur.“Arthur,” sabi ni Enrique, mas kalmado ngayon, “mali ang ginawa namin. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi ka mahalaga. Tanggap namin si Leo dahil pamilya natin siya ngayon, pero hindi ibig sabihin na nawala ka sa amin.”Tumahimik si Arthur. Kita kong naguguluhan siya, pero halatang pagod na rin siyang makipagtalo.“Arthur, anak,” dagdag ko, halos pabulong, “gagawin namin ang lahat para maitama ito. Bigyan mo kami ng pagkakataon
AFTER A WEEKPagkarating ni Arthur, ramdam ko agad ang pagbabago sa enerhiya ng paligid. Malambing siyang bumati sa kaniyang lolo at lola pero halatang may bigat sa kanyang tinig, napansin ko ang pag-iwas ng kaniyang mata sa amin ng kaniyang Daddy. Nang imbitahan siyang sumali sa aming pagsasalo-salo, agad siyang nagdahilan na pagod siya.“Arthur, apo, halika na,” sabi ni Mommy Claire, may lambing sa boses. “Kahit saglit lang. Ngayon na nga lang kami ulit nakapunta ng lolo mo. Tatanggihan mo pa ba ang pag-aayan ni Mamila mo?”Napatingin siya kay Mommy Claire, at matapos ang maikling pag-aalinlangan, tumango siya. Pero alam kong wala talaga siyang gana.Habang nagkakainan at nagkukuwentuhan, ramdam ko ang tensyon na dala ni Arthur. Nang tanungin siya ni Mommy Claire kung kamusta na siya, tumigil siya sa pagkain at tumingin sa kanya, halatang hindi nagpipigil.“Okay lang, Lola,” sagot niya, pero puno ng sarcasm ang boses. “Katatapos lang namin ng final game kanina. Ang saya kasi ako lan
KERRY POVLumipas ang ilang araw at pinatawag na din kami ng korte . Kabado kami na naghihintay ni Kerry. Pagkalabas namin ng korte, dala-dala na namin ang pinal na desisyon, legal na sa amin si Leo. Parang natanggal ang bigat ng mundo sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay ni Enrique habang buhat niya si Leo. Kitang-kita sa mukha niya ang saya at pagmamalaki.“Sa wakas, love,” bulong niya.Habang pauwi kami, hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi lang dahil sa saya, kundi dahil sa lahat ng pinagdaanan namin para makarating dito.Pagdating sa bahay, nagbigay agad si Enrique ng pagkatuwa kay Leo habang nakahiga ito sa kanyang crib. Ay Magiliw niya itong kinausap“Leo, anak, legal ka na naming anak. Walang sinuman ang pwedeng kumuha sa’yo mula sa amin. Pangako namin, palalakihin ka naming puno ng pagmamahal.” napapangiti ako dahil sa reaksyong iyon ni Enrique. Noong una ay tutol siya sa gusto kong mangyari, marahil natatakot siya sa maaring mangyari.Tahimik akong nakamasid sa kanila, ramd
ENRIQUE POVIlang linggo matapos naming makuha ang pansamantalang kustodiya ni Leo, akala ko ay maayos na ang lahat. Ginawa namin ang lahat ng hinihingi ng social services. pinirmahan ang mga dokumento, nakipag-ugnayan sa social workers, at inasikaso ang pag-file ng Petition for Adoption. Pero sa likod ng lahat ng ito, may bagay na hindi namin inasahan ang komplikasyon ng sistema at mga taong gusto kaming pigilan.Isang araw, habang pauwi ako mula sa trabaho, tumawag ang abogado namin, si Attorney Velasco.“Enrique,” bungad niya, halata ang bigat sa boses, “may problema tayo. May nag-file ng reklamo laban sa inyo.”“Reklamo?!” halos sigaw kong tanong. “Ano ang ibig mong sabihin Atty.?”“May taong nagke-claim na sila raw ang magulang ni Leo. Hindi pa malinaw ang detalye, pero posibleng maantala ang proseso ng adoption dahil dito.”Nanlambot ako. Sa isip ko, Paano kung totoo ngang magulang ni Leo ang naghahabol na yun? Paano kung mawala siya sa amin? Alam kong hindi ito kakayanin ni Ker
Isang gabi, habang tahimik kong pinapatulog si Leo sa kanyang crib, narinig ko ang tunog ng pinto. Excited ako dahil nakabalik ng ligtas ang aking asawa mula sa kaniyang business trip. Sa pagkakarinig ko pa lang sa bigat ng kanyang mga hakbang, alam kong pagod siya, pero sigurado rin akong mapapansin niya ang crib sa sala.Pagpasok niya, hinila niya ang kanyang maleta papasok, ngunit biglang napatigil. Nakita niya si Leo na mahimbing na natutulog, balot sa malambot na kumot. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya.“Love…,” mahina niyang sabi, pero puno ng tensyon ang boses niya. “Sino ’yan? Bakit may baby dito?”Tumayo ako , kinarga si Leo, at tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang paliwanag. “Iniwan siya dito, Enrique. Mamamalengke na sana si Yaya pagbukas niya ng gate nakita niya ang basket kung saan naruruon si Leo. Nasa tapat siya ng gate, iniwan ng hindi namin kilalang tao. May sulat na nagsasabing hindi na raw niya kayang alagaan ang sanggol kaya
NATALIE POVMabilis na bumalik ang sigla ng katawan ko matapos ang ilang buwan ng matinding pakikibaka sa sakit. Sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ay nalampasan ko Pakiramdam ko, muling nabuhay ang dati kong sarili—buo, malakas, handa sa kahit anong hamon ng buhay. Ngunit hindi ko inakala na ang isang simple umagang iyon, bago pa man pumutok ang bukang liwayway ay magdadala ng isang balitang gugulantang sa aming lahat, balitang mukhang magpapabago sa aming buhay .Habang umiinom ako ng kape sa veranda, biglang bumulusok ng takbo patungo sa akin si Yaya mula sa likod-bahay, takot na takot, halos masamid sa kanyang pag-sigaw.“Ma’am Natalie! Ma’am!.... Naku Mam bilisan mo at pumamarini ka….” nanginginig ang boses niya habang tinuturo ang gate. Tumayo ako at parang bigla din akong kinabahan sa kaniyang itsura. “Bakit? Anong nangyari?... huminahon ka yaya… anong nangyayari?” tanong ko sa kaniyang sobra na ding natataranta.“Ma’am, may sanggol po sa labas! Iniwan! Iniwan po sa tapat ng
Pagkatapos kong lumabas sa clinic, nanatili pa rin sa isip ko ang mga sinabi ng doktor. Napakabigat ng pakiramdam ko, pero naramdaman kong may paraan akong kailangan kong simulan. Kinabukasan, bumalik ako sa clinic para sa follow-up appointment. Doon, mas detalyadong ipinaliwanag ng doktor ang mga solusyon na maaaring makatulong sa akin sa pagharap sa Post-Depression Syndrome ko. "Kerry," seryosong sabi ng doktor habang nakatingin sa akin, "ang paggamot para sa Post-Depression Syndrome ay hindi isang mabilisang proseso. Pero maraming paraan upang makapagsimula kang gumaling.” Tumango ako, pilit nilalabanan ang kaba. "Ano po ang mga kailangan kong gawin?" Ngumiti siya nang bahagya. "Narito ang mga hakbang na maaaring makatulong sa'yo:" “ una ay pwede kang magpa theraphy at counselling. Choice mo.” Sabi ng aking doctor “Pano po yun doc ano pong gagawin ko dun?” Tanong ko. "Bale ito ang kalimitan naming sina-suggest sa mga Ang pinakaunang solusyon ay ang pagsasailalim sa psychothe
KINABUKASANWala pa rin si Arthur. Mukhang nalibang sila Mommy at ayaw pang isauli samin ang anak namin. Hiniram nila si Arthur for 1 week.Isang tahimik na hapon at magkasama kami ni Enrique sa kusina. Nagkusa siyang tumulong sa pagluluto kahit pa obvious na wala siyang alam."Ganito ba magbati ng itlog?" tanong niya, hawak ang whisk na para bang espada. Hindi ko napigilan ang tawa ko."Ano ka ba, Enrique? Parang nagkakarpintero ka! Dahan-dahan lang!" sagot ko, sabay kuha sa whisk mula sa kanya. Pero bago ko pa mabawi, bigla niyang tinaas ang whisk at nag-pose na parang superhero."Kerry, tawagin mo na ako... Captain Whisker!" sabay kindat niya."Ano ba! Tumigil ka na nga diyan!" sabi ko habang natatawa, pilit na inaagaw ang whisk. Pero sa halip na magpatalo, umiwas siya at biglang tumakbo paikot sa kusina.Naghahabulan kami, halos matumba na ako sa kakatawa. "Enrique, ibalik mo na yan! Baka magkalat ka pa dito!""Ano? Kailangan mo bang habulin ang puso ko bago kita sukuan?" pabiro n
Sa bahayKERRY POVNang magkatitigan kami ni Enrique ay may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking katawan. “Ahhhh Love…. Alam ko yang mga tinginan mong yan.” Pagbibiro kong lumalayo.“Simulan na natin ang mahabang gabi Love…” malambing niyang sabiLumapit siya sa akin, habang nakaupo kami sa sofa sa aming kwarto at hinapit niya ang aking baywang at ng biglang nagtama ang aming mga mata tila nagkaroon ng hindi mapigilang koneksyon na nag-uumapaw sa aming paligid. Ang mga salitang hindi nasabi ay nag-iba ang anyo. Tila naintindihan na namin ni Enrique ang mga gusto naming gawin.Habang unti-unting naglalapit ang aming mga mukha, naramdaman ko ang pag-init ng aming mga katawan isang kakaibang sensasyon na hindi na namin kayang labanan. Sa isang iglap, ang lahat ng kaba at pag-aalinlangan ay nawala, at ang tanging natira ay ang tindi ng aming damdamin.Nakatitig sa aking mga mata si Enrique at malambing siyang bumulong sa aking mga labi na animo’y nang aakit "I LOVE YOU KERRY, I really