CLAIRE POV Matapos ang halos isang linggong pag-iisip . Tinanggap ko ang posisyon na in-offer ni Paolo, alam kong malaking responsibilidad ito, pero hindi ko akalaing may kasamang mas mabigat na isyu ang pag sang ayon kong ito. Sa bawat hakbang ko sa kumpanya, kasabay nito ang mga bulong-bulungan mula sa mga dati kong kasamahan. Habang nasa break room ay narinig ko ang mga patutsada ng mga dati kong mga seniors. “Pinupuntirya lang siguro niya si Paolo.” “Magaling lang magpa-cute.” napapaismid na sabi ng isa kong kasamahan “Hindi naman nya ’yan maaabot kung hindi dahil kay Paolo, siyempre manggagamit” iritable sagot naman ng isa pa sa kanila habang kumukuha ako ng kape. Humarap ako sa kanilang lahat. "ako ba ang sinasabihan niyo?" matapang kong tanong sa kanilang tatlo "eh ano ngayon kung ikaw nga? totoo naman ah kundi dahil sa pagsipsip mo kay Sir Paolo at hindi nga lang siguro iyon ang dahilan. Baka mamaya nga may extra service ka pang ginagawa after ng work kaya ka napili par
Kinahapunan. Tahimik akong nagtatrabaho sa aking opisina nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa ng pintuan si Paolo na may dalang bouquet ng pulang rosas, at ang ngiti niya, para bang kaya nitong pawiin ang lahat ng problema sa mundo. “Claire,” bati niya sa akin, “i bring something for you. Alam kong busy ka na naman, pero deserve mo tong bulaklak na to." sagot niya sabay abot ng bulaklak at siomai at sushi na binili niya para sa akin. "alam ko din na hindi ka pa nag snack. Oh pagsaluhan muna natin itong dala ko. " namilog ang mga mata ko sa dala niya para sa akin. Tinanggap ko ang bouquet at ngumiti. “Paolo, hindi mo naman kailangan gawin ’to nakakahiya naman. Baka isipin pa ng iba, nililigawan mo talaga ako. Talagang tataba na ako nito, si Tita panay din ang pagpapadala ng pagkaen sa akin" pag-appreciate kong sabi sa kaniyang mga dala. Napatawa siya nang mahina, pero may kakaibang lalim sa tingin niya. “Claire, wala akong pakialam sa iniisip ng iba. Ang mahalaga, alam mong pina
CLAIRE POV Dumating na ang araw ng pag-uwi namin sa Pilipinas. Paglapag namin sa airport, halos ramdam ko na ang bigat ng hangin. Naghalo-halo ang emosyon, maitnding kaba, takot, at ang hindi ko maipaliwanag na pag-asa na sana magawa kong maitawid ang lahat ng ito nang hindi nasasaktan. “Okay ka lang?” tanong ni Paolo habang pinipirmahan niya ang ilang dokumentong dala ng assistant niya. “Okay lang,” sagot ko habang pilit na ngumingiti kahit ang totoo, gusto ko nang sumigaw sa dami ng nararamdaman ko. Sa sasakyan papunta sa hotel, abala si Paolo sa pag-check ng emails sa phone niya. Paminsan-minsang napapatingin siya sa akin, para bang may gusto siyang itanong pero hindi niya magawang sabihin. Alam kong nahihiya siya sa akin. Samantalang ako naman, abala sa pagtitig sa labas ng bintana, sinusubukan kalmahin ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Pagdating sa hotel, magalang akong hinatid ni Paolo sa kwarto ko. “Claire,” sabi niya nang binubuksan ko ang pinto. “Ano ’yon?” tan
"naku edi yung picture na pinakalat ni bruhang Lexie. Ito oh" pinakita nila sakina ng picture namin ni Paolo na minsan kaming magkasama mag lunch sa US, naalala ko ang oras na yun. Dahil ayun ang unang beses na lumabas kami ni Paolo. Napapailing na lang ako sa kakatawa. Pagbalik ni Paolo ay agad nilang iniba ang usapan. "sir Pogi, single ka ba?" walang ano-anung tanong ni James, ang bakla naming kaibigan Tumango naman si Paolo "yes, totally single." "perfect friend" sabay tapik sakin ni Mica. Pinanlakihan ko sila ng mata para itigil nila ang pang aasar nila sa akin. "hahaha joke lang friend ikaw naman. just askin lang naman kay Sir Pogi" natatawa naman si Paolo sa kakulitan ng dalawang ito. Makalipas ang kaunting kamustahan, nagpaalam din sila, at naiwan kaming dalawa ni Paolo. "you can invite them on your flat after the event para mapag catch up kayo. Mukhang miss na miss ka ng mga kaibigan mo. I can join you guys if you want" sagot pa niya sa akin. "naku hindi b
CLAIRE POV Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil alam kong napakahalaga ng araw na ito. Kailangan kong maghanda, hindi lang para sa event, kundi para sa sarili ko. Pagkatapos kong mag-almusal ng kaunti, dumating na ang glam team na in-arrange ni Paolo para ayusan ako. Tahimik akong naghintay habang inilalabas nila ang kanilang mga gamit. Narinig ko na ang pagkatok ng mga taong mag aayos sa akin. “Good morning, madam! Ready na po ba kayo para maging pinaka-magandang babae ngayong gabi?” bati ng makeup artist habang tinutulungan akong umupo sa kanilang glam chair. Kalog at makulit ang mga ito kaya mabilis ko silang nakapalagayan ng loob. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik. “Good morning din . Medyo kinakabahan ako ngayon kasi unang beses kong mag attend sa mga ganitong eve
“Eh, chika lang naman ’yan, madam. Pasensya na po. Pero alam mo madam napakaswerte mo kay Sir Paolo. Grabe, jackpot ka talaga sa kanya! Napakadami naming nakalinya sa kaniya. Aba Napaka-gwapo, napaka-yaman, mabit at ang gentlemen pa. Plus napaka bait ng pamilya ni Sir Paolo. Kahit naman lola nun na may pagka bruha pag nagustuhan ka biglang bumabait yun. Alam mo bang hindi siya basta-basta nagdadala ng plus one sa ganitong event? Kaya sigurado akong espesyal ka sa kanya.” Nginitian ko lang siya bilang sagot, pero ang totoo, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang lahat ng tanong niya sa akin. Lalo na tungkol kay Paolo, ngayon ko napagtanto tama ba na tinanggap ko ang pagkakataong ito, o maling signal ba ang binibigay ko para kay Paolo? Nang matapos ang pag aayos sa akin ay hindi mapigilan ng glam team ang sobrang tuwa nila. “Madam, parang ikaw na ang reyna ng gabi!” sabi ng isa habang kinukunan ako
CLAIRE POV “No everything is fine.” sagot ko kay Paolo, pilit na itinatago ang panginginig ng boses ko. Tila napansin niya ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ko, pero nagpasalamat ako na hindi na niya ako kinulit. Nang maglakad na siya papunta sa dulo ng lobby para saglit na makipag-usap sa isang waiter, naiwan akong kaharap sina Edward at Lexie. “Hindi ko akalaing nandito ka,” malamig na sabi ni Edward, nakatingin siya sa akin ng nakakainsultong tingin. “So totoo pala ang usap usapan tungkol sayo. I know now. Kaya ka ng pala nandito nasa likod mo ang dahilan kung bakit hindi ko na naramdaman ang presensya mo nitong mga nakaraang buwan.” Nakakainsulto siyang tumawa. Hindi ko maintindihan kung bakit niya yun nasasabi sa harapan mismo ni Lexie. At hindi ko din alam kung paano sasagutin iyon. Parang sinampal ako ng salita niya. Napatingin ako kay Lexie, na hawak ang braso ni Edward nang mahigpit. “Hi, Claire,” malamig na pagbati ni Lexie na halatang napipilitan, may ngiting matag
PAOLO POV Kilala ko si Edward. Alam kong siya ang ex ni Claire, ang lalaking minsang naging sentro ng mundo niya, pero ngayon ko lang siya nakilala nang personal. Sa unang tingin, tahimik at kagalang-galang si Edward, pero nang makaharap ko siya kanina, may kung anong pakiramdam ang bumalot sa akin—parang sinasabi ng bawat kilos niya na hindi pa tapos ang kwento nila ni Claire. Habang naglalakad kami palayo, napansin kong tahimik si Claire. Hindi siya umiimik, pero nakikita ko sa mga mata niya ang tensyon, ang bigat ng emosyon na pilit niyang itinatago. “Claire, let’s leave this place,” sabi ko habang hawak hawak ko ang kamay niya. “You don’t need to prove anything to him.” Huminto siya at tumingin sa akin. “Paolo, hindi tayo pwedeng umalis,” sabi niya na may halong desperasyon sa boses niya. “This deal is important. Kapag umalis tayo ngayon, baka isipin ng Lola mo na hindi ko kaya. Ayoko rin na isipin ni Edward na mahina ako.” “Claire,” sagot ko, hinawakan ko ang balikat ni
Pagkatapos naming maghapunan ay kinausap ko si Arthur ng makita ko siyang kumukuha ng tubig.Tumayo ako at lumapit kay Arthur, pero umatras siya.“Anak, hindi mo kailangang maramdaman na hindi ka mahalaga,” sabi ko, halos pabulong. “Alam kong nasaktan ka. Mali ako. Dapat nandun kami kanina.”Pero umiling siya. “Hindi lang ito tungkol sa laro, Mom. Parang sa lahat ng bagay, si Leo na lang ang iniintindi niyo.”Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin. Ramdam ko ang kirot ng kanyang mga salita, dahil totoo ito hindi ko man sinasadya, napabayaan ko si Arthur.“Arthur,” sabi ni Enrique, mas kalmado ngayon, “mali ang ginawa namin. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi ka mahalaga. Tanggap namin si Leo dahil pamilya natin siya ngayon, pero hindi ibig sabihin na nawala ka sa amin.”Tumahimik si Arthur. Kita kong naguguluhan siya, pero halatang pagod na rin siyang makipagtalo.“Arthur, anak,” dagdag ko, halos pabulong, “gagawin namin ang lahat para maitama ito. Bigyan mo kami ng pagkakataon
AFTER A WEEKPagkarating ni Arthur, ramdam ko agad ang pagbabago sa enerhiya ng paligid. Malambing siyang bumati sa kaniyang lolo at lola pero halatang may bigat sa kanyang tinig, napansin ko ang pag-iwas ng kaniyang mata sa amin ng kaniyang Daddy. Nang imbitahan siyang sumali sa aming pagsasalo-salo, agad siyang nagdahilan na pagod siya.“Arthur, apo, halika na,” sabi ni Mommy Claire, may lambing sa boses. “Kahit saglit lang. Ngayon na nga lang kami ulit nakapunta ng lolo mo. Tatanggihan mo pa ba ang pag-aayan ni Mamila mo?”Napatingin siya kay Mommy Claire, at matapos ang maikling pag-aalinlangan, tumango siya. Pero alam kong wala talaga siyang gana.Habang nagkakainan at nagkukuwentuhan, ramdam ko ang tensyon na dala ni Arthur. Nang tanungin siya ni Mommy Claire kung kamusta na siya, tumigil siya sa pagkain at tumingin sa kanya, halatang hindi nagpipigil.“Okay lang, Lola,” sagot niya, pero puno ng sarcasm ang boses. “Katatapos lang namin ng final game kanina. Ang saya kasi ako lan
KERRY POVLumipas ang ilang araw at pinatawag na din kami ng korte . Kabado kami na naghihintay ni Kerry. Pagkalabas namin ng korte, dala-dala na namin ang pinal na desisyon, legal na sa amin si Leo. Parang natanggal ang bigat ng mundo sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay ni Enrique habang buhat niya si Leo. Kitang-kita sa mukha niya ang saya at pagmamalaki.“Sa wakas, love,” bulong niya.Habang pauwi kami, hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi lang dahil sa saya, kundi dahil sa lahat ng pinagdaanan namin para makarating dito.Pagdating sa bahay, nagbigay agad si Enrique ng pagkatuwa kay Leo habang nakahiga ito sa kanyang crib. Ay Magiliw niya itong kinausap“Leo, anak, legal ka na naming anak. Walang sinuman ang pwedeng kumuha sa’yo mula sa amin. Pangako namin, palalakihin ka naming puno ng pagmamahal.” napapangiti ako dahil sa reaksyong iyon ni Enrique. Noong una ay tutol siya sa gusto kong mangyari, marahil natatakot siya sa maaring mangyari.Tahimik akong nakamasid sa kanila, ramd
ENRIQUE POVIlang linggo matapos naming makuha ang pansamantalang kustodiya ni Leo, akala ko ay maayos na ang lahat. Ginawa namin ang lahat ng hinihingi ng social services. pinirmahan ang mga dokumento, nakipag-ugnayan sa social workers, at inasikaso ang pag-file ng Petition for Adoption. Pero sa likod ng lahat ng ito, may bagay na hindi namin inasahan ang komplikasyon ng sistema at mga taong gusto kaming pigilan.Isang araw, habang pauwi ako mula sa trabaho, tumawag ang abogado namin, si Attorney Velasco.“Enrique,” bungad niya, halata ang bigat sa boses, “may problema tayo. May nag-file ng reklamo laban sa inyo.”“Reklamo?!” halos sigaw kong tanong. “Ano ang ibig mong sabihin Atty.?”“May taong nagke-claim na sila raw ang magulang ni Leo. Hindi pa malinaw ang detalye, pero posibleng maantala ang proseso ng adoption dahil dito.”Nanlambot ako. Sa isip ko, Paano kung totoo ngang magulang ni Leo ang naghahabol na yun? Paano kung mawala siya sa amin? Alam kong hindi ito kakayanin ni Ker
Isang gabi, habang tahimik kong pinapatulog si Leo sa kanyang crib, narinig ko ang tunog ng pinto. Excited ako dahil nakabalik ng ligtas ang aking asawa mula sa kaniyang business trip. Sa pagkakarinig ko pa lang sa bigat ng kanyang mga hakbang, alam kong pagod siya, pero sigurado rin akong mapapansin niya ang crib sa sala.Pagpasok niya, hinila niya ang kanyang maleta papasok, ngunit biglang napatigil. Nakita niya si Leo na mahimbing na natutulog, balot sa malambot na kumot. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya.“Love…,” mahina niyang sabi, pero puno ng tensyon ang boses niya. “Sino ’yan? Bakit may baby dito?”Tumayo ako , kinarga si Leo, at tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang paliwanag. “Iniwan siya dito, Enrique. Mamamalengke na sana si Yaya pagbukas niya ng gate nakita niya ang basket kung saan naruruon si Leo. Nasa tapat siya ng gate, iniwan ng hindi namin kilalang tao. May sulat na nagsasabing hindi na raw niya kayang alagaan ang sanggol kaya
NATALIE POVMabilis na bumalik ang sigla ng katawan ko matapos ang ilang buwan ng matinding pakikibaka sa sakit. Sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ay nalampasan ko Pakiramdam ko, muling nabuhay ang dati kong sarili—buo, malakas, handa sa kahit anong hamon ng buhay. Ngunit hindi ko inakala na ang isang simple umagang iyon, bago pa man pumutok ang bukang liwayway ay magdadala ng isang balitang gugulantang sa aming lahat, balitang mukhang magpapabago sa aming buhay .Habang umiinom ako ng kape sa veranda, biglang bumulusok ng takbo patungo sa akin si Yaya mula sa likod-bahay, takot na takot, halos masamid sa kanyang pag-sigaw.“Ma’am Natalie! Ma’am!.... Naku Mam bilisan mo at pumamarini ka….” nanginginig ang boses niya habang tinuturo ang gate. Tumayo ako at parang bigla din akong kinabahan sa kaniyang itsura. “Bakit? Anong nangyari?... huminahon ka yaya… anong nangyayari?” tanong ko sa kaniyang sobra na ding natataranta.“Ma’am, may sanggol po sa labas! Iniwan! Iniwan po sa tapat ng
Pagkatapos kong lumabas sa clinic, nanatili pa rin sa isip ko ang mga sinabi ng doktor. Napakabigat ng pakiramdam ko, pero naramdaman kong may paraan akong kailangan kong simulan. Kinabukasan, bumalik ako sa clinic para sa follow-up appointment. Doon, mas detalyadong ipinaliwanag ng doktor ang mga solusyon na maaaring makatulong sa akin sa pagharap sa Post-Depression Syndrome ko. "Kerry," seryosong sabi ng doktor habang nakatingin sa akin, "ang paggamot para sa Post-Depression Syndrome ay hindi isang mabilisang proseso. Pero maraming paraan upang makapagsimula kang gumaling.” Tumango ako, pilit nilalabanan ang kaba. "Ano po ang mga kailangan kong gawin?" Ngumiti siya nang bahagya. "Narito ang mga hakbang na maaaring makatulong sa'yo:" “ una ay pwede kang magpa theraphy at counselling. Choice mo.” Sabi ng aking doctor “Pano po yun doc ano pong gagawin ko dun?” Tanong ko. "Bale ito ang kalimitan naming sina-suggest sa mga Ang pinakaunang solusyon ay ang pagsasailalim sa psychothe
KINABUKASANWala pa rin si Arthur. Mukhang nalibang sila Mommy at ayaw pang isauli samin ang anak namin. Hiniram nila si Arthur for 1 week.Isang tahimik na hapon at magkasama kami ni Enrique sa kusina. Nagkusa siyang tumulong sa pagluluto kahit pa obvious na wala siyang alam."Ganito ba magbati ng itlog?" tanong niya, hawak ang whisk na para bang espada. Hindi ko napigilan ang tawa ko."Ano ka ba, Enrique? Parang nagkakarpintero ka! Dahan-dahan lang!" sagot ko, sabay kuha sa whisk mula sa kanya. Pero bago ko pa mabawi, bigla niyang tinaas ang whisk at nag-pose na parang superhero."Kerry, tawagin mo na ako... Captain Whisker!" sabay kindat niya."Ano ba! Tumigil ka na nga diyan!" sabi ko habang natatawa, pilit na inaagaw ang whisk. Pero sa halip na magpatalo, umiwas siya at biglang tumakbo paikot sa kusina.Naghahabulan kami, halos matumba na ako sa kakatawa. "Enrique, ibalik mo na yan! Baka magkalat ka pa dito!""Ano? Kailangan mo bang habulin ang puso ko bago kita sukuan?" pabiro n
Sa bahayKERRY POVNang magkatitigan kami ni Enrique ay may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking katawan. “Ahhhh Love…. Alam ko yang mga tinginan mong yan.” Pagbibiro kong lumalayo.“Simulan na natin ang mahabang gabi Love…” malambing niyang sabiLumapit siya sa akin, habang nakaupo kami sa sofa sa aming kwarto at hinapit niya ang aking baywang at ng biglang nagtama ang aming mga mata tila nagkaroon ng hindi mapigilang koneksyon na nag-uumapaw sa aming paligid. Ang mga salitang hindi nasabi ay nag-iba ang anyo. Tila naintindihan na namin ni Enrique ang mga gusto naming gawin.Habang unti-unting naglalapit ang aming mga mukha, naramdaman ko ang pag-init ng aming mga katawan isang kakaibang sensasyon na hindi na namin kayang labanan. Sa isang iglap, ang lahat ng kaba at pag-aalinlangan ay nawala, at ang tanging natira ay ang tindi ng aming damdamin.Nakatitig sa aking mga mata si Enrique at malambing siyang bumulong sa aking mga labi na animo’y nang aakit "I LOVE YOU KERRY, I really