Habang kumakain, panay ang tanong sa amin ng daddy ni Edward tungkol sa aming buhay mag-asawa. “So, kamusta naman ang buhay niyong dalawa?” tanong niya, may konting kilig sa kanyang boses. Napatingin ako kay Edward at sabay kaming napangiti. “Masaya naman po,” sagot ko, “Medyo naninibago pa rin pero… masaya.” “Masaya lang?” biro ni Edward, kunwaring may tampo. “Ang sabi mo kanina, ako raw ang nagpapasaya sa’yo araw-araw!” Nagtawanan silang lahat, medyo nahiya ako sa kalokohan ni Edward. “Ewan ko sa’yo,” biro ko pabalik, tapos ay kinurot ko siya sa braso. Nakangiti ang Mommy ni Edward habang pinagmamasdan kami. “Alam niyo, natutuwa akong makita kayong dalawa. Hindi ko akalaing ang mga biruan ninyo noon ay magiging pagmamahalan ngayon. Claire, kung gaano ka kabait noon, nakita kong hindi ka nagbago.” Nagkatinginan kami ni Edward, at napangiti ako nang magaan. “Maraming salamat po, tita—ah, mommy,” sagot ko, natutuwang nasanay na rin sa bagong tawag ko para sa kaniya. “Basta’t tand
Hindi ko alam ang sasabihin. Wala akong ideya na alam ni Mommy ang tunay na sitwasyon. Gusto kong magpaliwanag, pero parang kinain ako ng hiya. Napansin niya siguro ang pagkabigla sa mukha ko, kaya’t tinapik niya ang kamay ko nang may pagmamahal. “Claire, gusto kong ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mong pagpa-panggap,” mahinahon niyang sinabi. “Nakikita ko ang pagmamahal mo sa anak ko… at ganun din siya sa’yo. Salamat, anak. Sana, sa kalaunan, mauwi kayo sa totohanan.” Napalunok ako at napatingin sa kanya, hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging reaksyon ni Mommy, na hindi niya kami huhusgahan, bagkus ay susuportahan pa. Para bang hinayaan niyang sundin namin ang agos ng sitwasyon, kahit alam niyang may mga aspeto nito na hindi perpekto. “Mommy…” mahina kong tugon, hirap makahanap ng tamang mga salita. “Hindi ko alam na alam niyo po… Pero… salamat po. Mahalaga po sa akin si Edward… at totoo po lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.” Ngumiti s
AT THE OFFICE EDWARD MURPHY POV Isang tahimik na araw para sa akin. Mula pa sa labas ay natanaw ko na si Ricky na may kakaibang ngiti ng mapadaan kay Claire. Ngiting may pang-aasar. Napapailing lang ako habang pinagmamasdan itong papalapit sa aking opisina. Pagpasok pa lang ni Ricky ay sinimulan ako kaagad nito ng isang intrigang tanong "Edward I heard rumors about you and Claire?!, lagi daw kayong magkasama? totoo ba?!" tanong sa akin ni Ricky na nakangiti "ofcourse, asawa ko siya bakit hindi ko siya makakasama palagi" casual na sagot ko kay Ricky habang nakasandal sa swivel chair, may pilyong ngiti sa aking mga labi. Gulat na gulat si Ricky sa aking sinabi. "Oh come on! kelan pa pumasok sa idea mo ang idea na pagpapakasal" sabi ni Ricky ng aasar Inangat ko ang aking daliri at pinakita ang singsing as sign of marriage. "the fvck totohanan na ba yan?, bro hindi biro ang pinasok mo" sabi niya sa akin. Natawa lang ako sa kaniya "baka naman ginagawa mo ito dahil pabalik na si Le
“Oo nga, halata naman,” sabat ni Ricky. “Bro, kitang-kita naman kung paano ka naapektuhan sa bawat ngiti niya, kung paano nag-iiba ang aura mo kapag kasama siya. Pero… kaya mo bang bitawan lahat ng ito? pero ang tanong: handa ka bang lumayo kapag oras na?” Napaisip ako nang malalim. Sa simula, madaling sabihing kaya kong bumitaw kapag tapos na ang usapan. Pero ngayon, sa bawat araw na kasama ko si Claire, sa bawat ngiti at alitan, sa bawat palihim na sulyap niya na akala niyang hindi ko napapansin parang hindi ko na kayang isipin ang buhay ko nang wala siya. “Hirap naman niyan, Ricky,” sabi ko, pilit na tumawa para pagaanin ang usapan. “Parang ang hirap palang iwan ang isang taong nagawang pasayahin ang araw-araw ko. Pero natatakot din ako—baka sa huli, hindi ko rin siya mapanghawakan.” “Well, bro, minsan kailangan mo ring maging totoo sa sarili mo,” sabi ni Ricky, seryoso ang tono. “Ano ba talagang plano mo? Aasa ka lang ba na hindi siya mawawala? Kung si Claire talaga ang mahalag
"Claire baby, kahit na anong mangyari. Kahit na sinong magbalik I promise na ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko." malambing niya akong hinalikan sa aking ulo.Nang matapos ang hapunan, ngumiti si Edward at tumayo, sabay abot ng kamay niya sa akin. “Claire, sumayaw tayo,” bulong niya, titig na titig sa akin. Nagulat ako, pero hindi ko napigilang mapangiti. “Edward, hindi ako marunong sumayaw,” sabi ko, pabirong tumanggi, pero may halong kilig. Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko, hindi tinatanggap ang pagtanggi. “Hindi importante kung marunong kang sumabay. Basta sabayan lang natin ang tugtugin ay okay na.” Sa pag-abot niya sa akin, narinig ko ang malambing na tunog ng isang banda na nakapwesto sa gilid ng terrace. Biglang tumugtog ang isang sweet na awitin, at napagtanto ko na inarkila ni Edward ang banda para sa sandaling ito. Ang bawat nota ng kanta ay nagdala ng kakaibang lambing sa hangin, at tila perpekto ang bawat ritmo para sa aming dalawa. Nakasandal ako sa kanyang di
AFTER 6 MONTHS CLAIRE SANCHEZ POV Sa Bahay ni Mommy ni Edward Anim na buwan na pala ang lumipas. Sino ang mag-aakala na ang kunwaring kasal namin ni Edward ay mauuwi sa isang malalim na pagsasama? Sa bawat araw na kasama ko si Edward, natututo ako ng mga bagay tungkol sa kanya na nagpapalalim ng aming koneksyon. Sa umagang ito, naisipan naming mag almusal sa hardin, parehas kaming nag kakape. Nagre-relax sa isang araw na walang hustle at stress sa opisina. Ngayon na lang ulit kami nagkasamang mag almusal ni Edward dito sa hardin namin. Maya-maya ay pinutol ni Edward ang katahimikan. “Claire, naisip mo ba noon na aabot tayo sa ganito? mula nung mga bata tayo magkasasama na tayo. Nakakatuwa lang balikan” tanong niya, bahagyang nakangiti habang nakatingin sa tasa niya. Napangiti rin ako, iniisip kung paano nga ba nagsimula ang lahat. “Be honest, Edward. Noong una, iniisip ko na hindi ko kakayanin. Kunwaring kasal… parang napaka-unreal. Pero ngayon… iba na ang pakiramdam. Masaya
“Lexie,” bati ni Edward, na tila nagulat ngunit pilit na nagpapakita ng pagiging kalmado. Lumapit si Lexie, at walang pag-aalinlangan, niyakap si Edward nang mahigpit. “Edward, it’s been so long,” bulong ni Lexie, tila ba hindi nila napapansin ang pagtitig ko sa kanila habang nakatayo ako sa tabi nila. Sa sandaling iyon, parang ako ang nakaramdam ng matinding pagka-ilang. Gusto kong bawiin ang pagkakapit ng kamay ko kay Edward, ngunit sa halip, nanatili ako sa tabi nito, nagpipilit na manatiling kalmado. "Lexie, this is Claire my wife" pagpapakilala sa akin ni Edward. Bahagya akong napangiti dahil akala ko ay papabayaan niya lang ako sa gitna ng lahat. Ngumiti naman siya sa akin “Hi, Claire. Naririnig ko ang tungkol sa inyo ni Edward… at ang bilis ng mga pangyayari. Pasensya na kung nagulat ako sa tungkol sa inyo, i mean me and Edward.... anyways nandito ako para iabot ang pasalubong sa family ni Edward and also kay Edward" tila walang pakielam nitong sabi sa akin. Napilitan ako
Habang naglalakad ako papunta sa mesa, naramdaman niyang sumusunod si Lexie, ang mga hakbang nito ay mabigat at may kasamang tensyon. Nang huminto siya, humarap si Lexie sa akin at nginitian ako nang plastik, may bahid ng malupit na panunuya. “Claire,” sabi ni Lexie, sinasadya niyang hinaan ang kaniyang boses para hindi siya marinig ng pamilya ni Edward. “Hindi ko talaga alam kung paano ka napasok sa buhay ni Edward. Nandiyan ka lang pala sa tabi, nag-aabang? Parang… isang second choice?” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, tila sinusuri ang aking buong pagkatao. “Ang simple mo naman. Wala kang dating, wala kang ka-class-class. Hindi ko nga maisip kung paano ka nagustuhan ni Edward. Siguro, nadala lang siya dahil gusto niya lang akong saktan. Kilala ko ang taste ni Edward and your not the one” pangungutya ni Lexie sa akin. Hindi ko pa rin siya pinapatulan, pinipilit kong pagtimpian ito. Pinapanood ko lang siya ng tahimik at may bahagyang ngiti sa aking mga labi, kahit pakiram
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al
“Nakakatawa ka naman, hindi mo pa rin alam ang bigat ng kasong kakaharapin mo ng dahil sa pambibintang mo?” mahinahong sabi ni Mr. Rivera.Lingid sa kaalaman nila na sa mga oras na yun, ay grabe na ang pag-aatake ng mga inggiterang kababaihan laban kay Frances online. [naku naman napakalandi][ano? Ayan na yung babaeng napili ni Mr. Rivera!][grabe naman hindi naman pala maganda si ate girl!][Patawarin nawa ang mga babaeng gagawin ang lahat alang-alang sa posisyon!]Lalong dumami ang mga mini vlogger na dumating sa lugar at nagsimulang mag-live broadcast sa sitwasyon. Nahirapan na din sila Frances basta maka-alis dahil napalibutan na sila ng mga ito. Ayaw naman nilang ipagtabuyana ng mga ito dahil baka lalo lang lumala ang sitwasyon.“Anong klaseng babae ang basta na lamang kakapit sa patalim para lang makuha ang gusto niyang posisyon sa kompanya? Ako si Maris, wag niyong kalimutan i hit ang like, share , comment at i click niyo ang notification bell para updated kayo sa mga latest
Agad siyang sumakay sa isang taxi na nakaparada sa gilid ng kalsada. Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok sa sasakyan, napansin siya ng ilang tao mula sa mga grupo ng vloggers na nag-re-repost ng mga videos na kumakalat."Tingnan niyo! Hindi ba siya yung babaeng kasama ni Mr. Rivera?""Oo, siya nga yun!"Agad na lumapit ang ilang vloggers na may hawak na kanilang mga cellphone, parang nakakita ng pagkakataong makakuha ng daan-daang libong views. Nakakairita ang pangungulit ng mga ito para kay Frances."Miss Frances, saan ka papunta ngayon?""Miss Frances, nakita mo na ba yung video na kumakalat?""May kumakalat na balita online na sinadya mo daw lapitan si Mr. rivera para sa posisyon!""Hindi ka ba nahihiyang kaya mo makukuha ang posisyon mo ay dahil sa ginawa mong pang-aakit kay Mr. Rivera?""Alam na ba ito ng boyfriend mo?"Walang pakielam na sunod-sunod na nagtaning kay Frances ng matitinding katanungan ang mga social media influences na ito. Hindi na rin alintana ng mga ito na
Nagpatuloy ito sa pang-aasar. "Haist ewan ko ba naman kasi sayo! Gwapo ka! Mayaman! Edukado! Mula sa kinikilalang pamilya!Kung hindi mo lang sana binaliwala ang anak ko? Hindi naman tayo aabot sa ganito! Isa pa haharang-harang ka sa dadaanan ko!Kailangan mawala ni Frances hindi lang sa landas ko, kundi pati sa landas mo!” Bago pa nito matapos ang sinasabi ay humalakhak na si Arthur!."Too soon para magdiwang!Hindi ko kasalanan kung walang magkagusto sa anak mo!Tumawag lang ako para ipaalam sayo, ang tungkol sa Jackson Pyramiding?”Biglang natigilan si Nancy. Hindi siya nakaimik at nagngitngit sa galit. Ang pyramiding company na iyon ay ang lihim na negosyo ng kaniyang pamilya. Maraming nahikayat ang kumpanyang ito para mag invest pero pagdating sa itaaas ay wala ng nakakarating hanggang sa makapag pay out sila. Dahil dito naging maugong ang balita na mabilis ding napapatay ng kaniyang pamilya ang issue dahil sa pagbabayad ng ibang tao. Hindi maitatagong kinabahan si Nancy dahi
[nakita niyo ba yung vidoe? Nakakadiri noh? Talagang siya pa ang dumidikit kay boss?][tama! Alam mo na kapit sa patalim si ateng! hahaha][Nakakasuka! Hindi dapat yana ng naging aviation manager, mabuti pang si Kristal na lang][Tama! Dapat yun na lang! Yung kapatid ng sekretary][Hayop na babae yan! Mamatay na sana ang malalandi sa mundo!]Malalim na huminga si Frances upang pakalmahin ang sarili. Alam niyang malulupit magsalita ang mga tao, pero hindi niya inaasahan na ganito ito kasama!Kahit pa sabihan siya ng kaniyang mga kaibigan na kung gusto niya ay lumipat na lang siya ng kumpanya tutal ay may ibang offer pa naman siya ay hindi siya nagpatinag. Para sa kaniya hindi dapat tinatakbuhan ang ganuong klaseng iskandalo dahil parang pinapatunayan na lang niya na tama ang mga ito sa kanilang iniisip tungkol sa kaniya. Ang pinakamagandang tugon ay manahimik at hayaan na lang ito sa kamay ng kaniyang asawa. Napasandal na lang si Frances, nagulat siya ng tumunog na naman ang cellpho
Saglit niyang pinasok ang kaniyang daliri sa loob ng manipis na underwear ni Frances at nilaro ang basang-basa nitong pagkababae. Agad ding hinugot ni Arthur ang daliri niya sa loob nito at iniharap si Frances sa kaniya. Sinubo ni Arthur ang daliri niya at tinignan ng mapang-akit si Frances.“Sige na. Ipapahatid na kita sa driver may tatapusin lang kami ni Frank ngayon at uuwi na din ako kaagad pagkatapos namin. Ihanda mo sarili mo mamaya.” pagkasabi noon ay isang matamis ng halik ang binigay sa kanya ni ARthur at pagtalikod niya ay marahan pang hinampas ni Arthur ang kaniyang puwet.”Halos mapatalon naman si Frances ng biglang pumasok ang kaniyang kuya Frank. Halos hindi siya makatingin dito ng maisip niya paano kung biglang pumasok ito kanina at naabutan siya sa ganuong posisyon.“Mauna na ako kuya!” nakayukong sabi ni Frances. Napatingin siya kay Arthur at nagtaas lang ng balikat si ARthur at ngumiti.Nang nakapaglabas na ng sama ng loob si Frances sa kaniyang asawa ay napaisip siy
Mariing umiling si Frances sa kaniyang asawa at mabilis na nagpaliwanag “Pero hindi totoo yun kaya nga ako galit na galit dahil pinaghirapan ko kung bakit ko nakuha ang posisyon na iyon.”Tumango si Arthur at ngumiti kay Frances “wala kang dapat na ipaliwanag sa akin Frances, mula noon ay kilala na kita at alam ko ang kaya at hindi mo kayang gawin. Naniniwala ako sayo. Pag sinabi mong wala edi wala pero kung sinabi mong meron edi meron. At huwag kang makikinig sa mga taong gusto kang siraan. Ginagawa nila yan para mawala ang focus mo sa trabaho at magkamali ka ng sa gayun ay makahanap sila ng dahilan para pabagsakin ka. Nakukuha mo ba ibig kong sabihin?”“Oo naiintindihan ko. Gets ko kung bakit sila ganyan sa akin. Salamat ah.. Ngayon okay na ako” nakangiting sabi ni Frances.“Pasensya na kung biglaan ang pagpunta ko dito, ayoko sanang maka-istorbo sobrang sama lang talaga ng loob ko kaya naisipan kong tumakbo papunta sayo para pagaanin ang nararamdaman ko! Hayaan mo sa susunod tataw