AFTER 6 MONTHS CLAIRE SANCHEZ POV Sa Bahay ni Mommy ni Edward Anim na buwan na pala ang lumipas. Sino ang mag-aakala na ang kunwaring kasal namin ni Edward ay mauuwi sa isang malalim na pagsasama? Sa bawat araw na kasama ko si Edward, natututo ako ng mga bagay tungkol sa kanya na nagpapalalim ng aming koneksyon. Sa umagang ito, naisipan naming mag almusal sa hardin, parehas kaming nag kakape. Nagre-relax sa isang araw na walang hustle at stress sa opisina. Ngayon na lang ulit kami nagkasamang mag almusal ni Edward dito sa hardin namin. Maya-maya ay pinutol ni Edward ang katahimikan. “Claire, naisip mo ba noon na aabot tayo sa ganito? mula nung mga bata tayo magkasasama na tayo. Nakakatuwa lang balikan” tanong niya, bahagyang nakangiti habang nakatingin sa tasa niya. Napangiti rin ako, iniisip kung paano nga ba nagsimula ang lahat. “Be honest, Edward. Noong una, iniisip ko na hindi ko kakayanin. Kunwaring kasal… parang napaka-unreal. Pero ngayon… iba na ang pakiramdam. Masaya
“Lexie,” bati ni Edward, na tila nagulat ngunit pilit na nagpapakita ng pagiging kalmado. Lumapit si Lexie, at walang pag-aalinlangan, niyakap si Edward nang mahigpit. “Edward, it’s been so long,” bulong ni Lexie, tila ba hindi nila napapansin ang pagtitig ko sa kanila habang nakatayo ako sa tabi nila. Sa sandaling iyon, parang ako ang nakaramdam ng matinding pagka-ilang. Gusto kong bawiin ang pagkakapit ng kamay ko kay Edward, ngunit sa halip, nanatili ako sa tabi nito, nagpipilit na manatiling kalmado. "Lexie, this is Claire my wife" pagpapakilala sa akin ni Edward. Bahagya akong napangiti dahil akala ko ay papabayaan niya lang ako sa gitna ng lahat. Ngumiti naman siya sa akin “Hi, Claire. Naririnig ko ang tungkol sa inyo ni Edward… at ang bilis ng mga pangyayari. Pasensya na kung nagulat ako sa tungkol sa inyo, i mean me and Edward.... anyways nandito ako para iabot ang pasalubong sa family ni Edward and also kay Edward" tila walang pakielam nitong sabi sa akin. Napilitan ako
Habang naglalakad ako papunta sa mesa, naramdaman niyang sumusunod si Lexie, ang mga hakbang nito ay mabigat at may kasamang tensyon. Nang huminto siya, humarap si Lexie sa akin at nginitian ako nang plastik, may bahid ng malupit na panunuya. “Claire,” sabi ni Lexie, sinasadya niyang hinaan ang kaniyang boses para hindi siya marinig ng pamilya ni Edward. “Hindi ko talaga alam kung paano ka napasok sa buhay ni Edward. Nandiyan ka lang pala sa tabi, nag-aabang? Parang… isang second choice?” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, tila sinusuri ang aking buong pagkatao. “Ang simple mo naman. Wala kang dating, wala kang ka-class-class. Hindi ko nga maisip kung paano ka nagustuhan ni Edward. Siguro, nadala lang siya dahil gusto niya lang akong saktan. Kilala ko ang taste ni Edward and your not the one” pangungutya ni Lexie sa akin. Hindi ko pa rin siya pinapatulan, pinipilit kong pagtimpian ito. Pinapanood ko lang siya ng tahimik at may bahagyang ngiti sa aking mga labi, kahit pakiram
EDWARD POVHabang abala ako sa pakikipag-usap sa mga magulang ko, naramdaman kong may presensya sa likod ko. I turned around, at nakita ko si Lexie na naglalakad papalapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero may konting kaba sa dibdib ko. Ang mga mata ko ay agad na humarap sa kanya, ngunit ang puso ko hindi ko na kayang pigilan.Sa totoo lang, hindi ko na siya gustong kausapin. I was perfectly fine without her in my life. Pero andiyan siya, palaging nagmamasid, palaging nandiyan, tulad ng isang anino na hindi ko kayang iwasan. Napatingin din ako kay Claire sa kaniyang kinauupuan.Isang matamis na ngiti ang binigay sa akin ni Lexie “Edward, pakiramdam ko iniiwasan mo na talaga ako. Dahil ba to kay Claire? ang tagal na nung nangyari satin dati. Lahat ng nagawa ko noo, pinagsisihan ko na ng husto. Alam ko at naiintindihan ko na may nangyari sa ating dalawa, pero hindi mo ba kayang makipag-usap? "Sumulyap ako kay Claire, na tahimik na nakaupo sa may sulok ng sala. Hindi ko kayang ipa
Claire POV Habang nakikipag-usap ako sa Mommy at Daddy ni Edward, nararamdaman ko ang init ng kanilang pagtanggap. Ang mga tawanan, ang mga kwento nila, parang walang problema. Ngunit sa kabila ng lahat ng kasiyahan, hindi ko maiwasang mapagawi ang aking mga mata sa bar area. Doon ko nakita si Edward, kasama si Lexie. Parang tinusok ang puso ko nang makita ko silang magkasama, nag-uusap nang seryoso parang walang problema. Naramdaman ko agad ang pagbigat ng aking dibdib, at ang sakit ay mabilis na kumalat sa aking katawan. Hindi ko kayang tingnan silang magkasama. Bakit ko pa sila pinapansin? Bakit ko pa ito pinapapasok sa aking isipan? Ngunit hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanila. Bigla, napatingin si Edward sa akin. It felt like time stopped. Nanlaki ang mga mata ko, nagulat ako sa mga mata niyang tinutok sa akin, ang mga mata niyang puno ng galit. Parang ako na lang ang nasa paligid, ang matalim na tingin na binalik niya sa akin ay parang isang saksak na dumaan sa pus
Nang kami ay nakahiga na, alam kong sinubukan makipag-ayos sa akin ni Claire, nilambing niya ako pero tinanggihan ko siya may kurot sa puso ko ang ngyayari . "Please Claire gusto ko ng magpahinga, pagod ako." sabi ko sa kaniya. Hindi naman siya nagpumilit sa akin. Pagbalik ko sa aking pwesto, tumagilid ako at iniiwasan ang mga mata ni Claire. Wala akong sinabing kahit ano, pero sa loob-loob ko, puno ako ng selos at pagsisisi. Nagpanggap ako na hindi ko ito dinibdib, ngunit sa bawat segundo, naramdaman ko ang sakit sa puso ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko, pero ang mga sinabi ni Lexie ay naglalaro sa aking isip. Nang mag dikit ang katawan naming magkatalikuran sa kama, ay naramdaman kong tumagilid siya, ngunit hindi ako tumingin sa kanya. Nagtimpi ako, pigil na pigil ako sa pagnanasang maangkin si Claire. Gusto kong magtanong kung bakit kami nagkaganito, gusto kong magsalita. Hindi ko kayang magsalita, pero sa bawat galaw niya, ramdam ko ang sakit. Nagdaan ang mga araw
Hindi ko matanggap na ang taong dati ay palaging nandiyan, ang kausap ko sa bawat sandali, pero ngayon naging ganito. Parang ang init ng lahat ng nagdaang buwan ay nawala, at sa bawat silip ko sa kanya, ang malamig na hangin na nararamdaman ko ay mas tumitindi. Hindi na din kami nagsasabay ng pagpasok sa opisina. Isang araw pagpasok ko ng opisina, agad kong naramdaman ang malamig na aura na bumabalot sa paligid ko. Dumaan siya sa harap ng desk ko, tumingin siya sa akin sandali, pero ang mga mata niya ay walang emosyon. Wala na ang dati niyang init at kagalakan na palaging nakatanim sa kanyang mga mata kapag kami’y nag-uusap. Kaya naman naglakas loob na akong kumatok sa kaniyang opisina. “Edward,” tawag ko, parang sinusubukang magsimula ng isang normal na araw. “Gusto ko sanang makausap ka kung hindi ka busy?" nag-aalinlangan kong tanong Tinutok ko ang mga mata ko sa kanya, ngunit walang pagbabago sa ekspresyon niya. Nagpatuloy siya sa ginagawa, tila hindi ako narinig. Ang sakit
“Janice,” sabi ko habang nagsisipag-inom kami, “iniisip ko na baka kasi dahil sa pagbabalik ni Lexie, kaya siya nanlamig. Baka kasi siya pa rin ang iniisip niya. I mean what if mahal niya pa rin talaga si Lexie?” Nakatingin ako sa baso ko, ngunit ang mga salitang iyon ay nagpainit sa loob ko. Hindi ko kayang tanggapin ang posibilidad na baka ang pagkawala ni Lexie sa buhay ni Edward ang dahilan kung bakit lang ako pumasok sa eksena. Baka naging panakip butas lang ako dahil wala pa siya. Si Janice ay nagpatuloy sa pag-inom at hindi makasagot sa tanong ko, ngunit si Tristan ay napansin agad ang lungkot sa aking mga mata. “Claire, kung gusto mong magtanong, magtanong ka. Kung gusto mong malaman, sabihin mo na lang. Wala kang dapat ikatakot. huwag kang magpanggap na okay ka lang kahit na hindi naman pala talaga.” Habang nagsasalita si Tristan, para bang naaalis ang mga piraso ng mga tanong sa aking ulo. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko kayang malaman kung bakit ako ganito. Na para
Isang gabi, habang tahimik kong pinapatulog si Leo sa kanyang crib, narinig ko ang tunog ng pinto. Excited ako dahil nakabalik ng ligtas ang aking asawa mula sa kaniyang business trip. Sa pagkakarinig ko pa lang sa bigat ng kanyang mga hakbang, alam kong pagod siya, pero sigurado rin akong mapapansin niya ang crib sa sala.Pagpasok niya, hinila niya ang kanyang maleta papasok, ngunit biglang napatigil. Nakita niya si Leo na mahimbing na natutulog, balot sa malambot na kumot. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya.“Love…,” mahina niyang sabi, pero puno ng tensyon ang boses niya. “Sino ’yan? Bakit may baby dito?”Tumayo ako , kinarga si Leo, at tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang paliwanag. “Iniwan siya dito, Enrique. Mamamalengke na sana si Yaya pagbukas niya ng gate nakita niya ang basket kung saan naruruon si Leo. Nasa tapat siya ng gate, iniwan ng hindi namin kilalang tao. May sulat na nagsasabing hindi na raw niya kayang alagaan ang sanggol kaya
NATALIE POVMabilis na bumalik ang sigla ng katawan ko matapos ang ilang buwan ng matinding pakikibaka sa sakit. Sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ay nalampasan ko Pakiramdam ko, muling nabuhay ang dati kong sarili—buo, malakas, handa sa kahit anong hamon ng buhay. Ngunit hindi ko inakala na ang isang simple umagang iyon, bago pa man pumutok ang bukang liwayway ay magdadala ng isang balitang gugulantang sa aming lahat, balitang mukhang magpapabago sa aming buhay .Habang umiinom ako ng kape sa veranda, biglang bumulusok ng takbo patungo sa akin si Yaya mula sa likod-bahay, takot na takot, halos masamid sa kanyang pag-sigaw.“Ma’am Natalie! Ma’am!.... Naku Mam bilisan mo at pumamarini ka….” nanginginig ang boses niya habang tinuturo ang gate. Tumayo ako at parang bigla din akong kinabahan sa kaniyang itsura. “Bakit? Anong nangyari?... huminahon ka yaya… anong nangyayari?” tanong ko sa kaniyang sobra na ding natataranta.“Ma’am, may sanggol po sa labas! Iniwan! Iniwan po sa tapat ng
Pagkatapos kong lumabas sa clinic, nanatili pa rin sa isip ko ang mga sinabi ng doktor. Napakabigat ng pakiramdam ko, pero naramdaman kong may paraan akong kailangan kong simulan. Kinabukasan, bumalik ako sa clinic para sa follow-up appointment. Doon, mas detalyadong ipinaliwanag ng doktor ang mga solusyon na maaaring makatulong sa akin sa pagharap sa Post-Depression Syndrome ko. "Kerry," seryosong sabi ng doktor habang nakatingin sa akin, "ang paggamot para sa Post-Depression Syndrome ay hindi isang mabilisang proseso. Pero maraming paraan upang makapagsimula kang gumaling.” Tumango ako, pilit nilalabanan ang kaba. "Ano po ang mga kailangan kong gawin?" Ngumiti siya nang bahagya. "Narito ang mga hakbang na maaaring makatulong sa'yo:" “ una ay pwede kang magpa theraphy at counselling. Choice mo.” Sabi ng aking doctor “Pano po yun doc ano pong gagawin ko dun?” Tanong ko. "Bale ito ang kalimitan naming sina-suggest sa mga Ang pinakaunang solusyon ay ang pagsasailalim sa psychothe
KINABUKASANWala pa rin si Arthur. Mukhang nalibang sila Mommy at ayaw pang isauli samin ang anak namin. Hiniram nila si Arthur for 1 week.Isang tahimik na hapon at magkasama kami ni Enrique sa kusina. Nagkusa siyang tumulong sa pagluluto kahit pa obvious na wala siyang alam."Ganito ba magbati ng itlog?" tanong niya, hawak ang whisk na para bang espada. Hindi ko napigilan ang tawa ko."Ano ka ba, Enrique? Parang nagkakarpintero ka! Dahan-dahan lang!" sagot ko, sabay kuha sa whisk mula sa kanya. Pero bago ko pa mabawi, bigla niyang tinaas ang whisk at nag-pose na parang superhero."Kerry, tawagin mo na ako... Captain Whisker!" sabay kindat niya."Ano ba! Tumigil ka na nga diyan!" sabi ko habang natatawa, pilit na inaagaw ang whisk. Pero sa halip na magpatalo, umiwas siya at biglang tumakbo paikot sa kusina.Naghahabulan kami, halos matumba na ako sa kakatawa. "Enrique, ibalik mo na yan! Baka magkalat ka pa dito!""Ano? Kailangan mo bang habulin ang puso ko bago kita sukuan?" pabiro n
Sa bahayKERRY POVNang magkatitigan kami ni Enrique ay may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking katawan. “Ahhhh Love…. Alam ko yang mga tinginan mong yan.” Pagbibiro kong lumalayo.“Simulan na natin ang mahabang gabi Love…” malambing niyang sabiLumapit siya sa akin, habang nakaupo kami sa sofa sa aming kwarto at hinapit niya ang aking baywang at ng biglang nagtama ang aming mga mata tila nagkaroon ng hindi mapigilang koneksyon na nag-uumapaw sa aming paligid. Ang mga salitang hindi nasabi ay nag-iba ang anyo. Tila naintindihan na namin ni Enrique ang mga gusto naming gawin.Habang unti-unting naglalapit ang aming mga mukha, naramdaman ko ang pag-init ng aming mga katawan isang kakaibang sensasyon na hindi na namin kayang labanan. Sa isang iglap, ang lahat ng kaba at pag-aalinlangan ay nawala, at ang tanging natira ay ang tindi ng aming damdamin.Nakatitig sa aking mga mata si Enrique at malambing siyang bumulong sa aking mga labi na animo’y nang aakit "I LOVE YOU KERRY, I really
KERRY POV Nang dahil sa pangyayaring iyon ay napagdesisyunan naming magpakasal sa isang simpleng selebrasyon ni Enrique. Habang magkahawak kami ng kamay ni Enrique, naramdaman ko ang bigat ng aming desisyon. Hindi ito isang ordinaryong araw; ito ang araw na magbabago ang lahat. Simple lang ang plano namin isang kasal na hindi magarbo, walang engrandeng detalye, pero puno ng pagmamahal. Ang bawat bahagi nito ay simbolo ng aming tunay na hangarin, ang maging magkasama, ano pa man ang mangyari. Saksi ang malalapit na kaibigan at mga kamag-anak ay masaya kaming nagdaos sa aming pag-iisang dibdib. Ang Seremonyas Ang lugar ay parang inilaan lamang para sa amin. Sa ilalim ng lilim ng isang matandang punong narra, ginanap ang aming seremonyas. Ang bawat palamuti mula sa mga tela hanggang sa mga bulaklak ay parang bahagi ng kalikasan mismo. Ang rosas, liryo, at baby’s breath ay maingat na inilagay, ang kanilang amoy ay bumalot sa paligid. Ang araw ay nasa tamang posisyon hindi nakakasila
Simula noon, nagbago na ang takbo ng buhay namin. Isang gabi, habang nakaupo kami sa sala, nagtanong si Enrique na ikinagulat ko. “Handa ka na bang dagdagan ang pamilya natin?” Natawa sa kakulitan ni Enrique. “Ano? agad-agad?! hindi ko lang alam Enrique. Kaya ko pa bang mag-alaga?!” “Hindi naman kita mamadaliin Love. Kung handa ka ng dagdagan natin si Arthur. Dahil gusto ko pa ng isa pang baby.” Namula ako. “Tingnan natin.” Niyakap niya ako nang mahigpit, at sa gabing iyon, ramdam ko na handa na akong harapin ang kinabukasankasama si Enrique at si Arthur, at marahil, isang bagong miyembro ng pamilya. Pagbalik namin sa Pilipinas, para akong binigyan ng bagong pagkakataon para buuin ang pamilyang matagal kong tinatanggihan. Pero kahit masaya na kami ni Enrique at unti-unting napupuno ng tawanan ang bahay, hindi ko pa rin lubos na mabura ang takot sa puso ko. Takot na baka biglang magbago ang lahat. Araw-araw, ramdam ko ang pagbabago ni Enrique. Naging maalaga siya laging nandiyan
"D*mn Kerry, you're so good! Sh*T hindi ko akalaing sobrang wild mo sa kama" anas ko sa kaniya. Ganadong ganado ako sa kaniyang ginagawa. Hindi ko maiwasang hindi mapa-ungol sa sarap. "ahhhh... Kerry. You're doing it so good! ahhh....." Hindi ko na naramdaman na bahagya na pala akong napapabayo sa loob ng kaniyang bibig. Nang hindi na ako makapagpigil ay hinila ko na siya pataas. Inikot ko siya at Inihiga ko, tinutok ko ang aking tit* sa kaniyang pechay. Ilang beses akong nagsubok pero sh*t napakasikip talaga ni Kerry. Ramdam ko ang pag-atras ng kaniyang katawan sa aking ginagawang pagsusubok na maipasok ito. Muli kong tinitigan siya sa kaniyang mukha. Hinahaplos ko ang kaniyang buhok at ng magtapat aming mukha.“huwag mag-alala Kerry, sa una lang yan masakit. Pero pag nakapasok ko na at naglabas masok na ito masasarapan ka na din. Da-dahan-dahanin ko lang." halos pabulong kong sabi sa kaniyang mga labi. Tumango siya sa akin at napapakagat labi. Basang basa ang kaniyang pechay kaya na
ENRIQUE POV Nang makatulog na si Arthur ay naisipan namin ni Kerry na magkaruon ng kaunting chillin. "Enrique, are you busy tomorrow?" tanong sakin ni Kerry napakunot ang noo ko sa pagtataka “hindi naman bakit mo natanong?" "ahmmm , weekends din naman, would like to drink?" tanong niya sa akin. Lumaki ang ngiting dumungaw sa aking mga labi. "siymepre naman Kerry. okay ako diyan." sagot niya sa akin. "sige mag-ayos ka na. Labas tayo ngayong gabi, kausapin ko lang si Yaya." nakangiti niyang sabi sa akin Agad akong tumayo. Bumaba na siya at kinausap ang taga alaga ni Arthur. Mabilis ding nag-ayos si Kerry. Naka casual attire lang kami. Nakasuot siya ng ripped jeans at simpleng loose shirt. Habang ang kaniyang buhok ay itinali niya ng pataas. Ako naman ay nakapants lang din at simpleng t shirt. Nang makarating kami sa bar ay kaunting kwentuhan, hinayaan ko si Kerry na mag enjoy sa gabing iyon. Isang bote hanggang sa masundan na ng masundan ang aming iniinom. “Kerry,