Hope you enjoyed today's update. Thanks for stopping by...
Earlier this morning, just a few hours ago…. 3rd Person POV Kinukuskos ni Miguel ang kanyang basang buhok ng towel nang lumabas siya ng banyo. Kumunot ang noo niya nang mapansing wala na si Ella sa kama. Kanina lang ay himbing na himbing pa ito sa pagtulog bago siya naligo. Agad siyang kinutuban at dali-dali siyang lumabas ng silid upang hanapin ang dalaga at nang hindi niya ito makita ay parang gusto na naman niyang magwala. Hindi pa rin nawawala ang galit niya dahil sa natuklasang paglilihim nito sa kanya at ngayon ay lalayasan na naman siya. Tuwing maaalala niya ang mukha ng Enzong yun, na ubod nang saya kahapon ay parang gusto niyang manapak na lang bigla. Hindi alam ni Ella kung gaano kalaking pinsala ang ginawa nitong pag-iwan sa kanya. Parang nais niyang parusahan ang dating nobya kaya niya ito ikinulong kahapon. Hindi pa niya alam kung anong parusang gagawin dito dahil hindi niya ito napaghandaan. Sobrang gulo din ng kanyang utak kahapon kaya hindi niya alam kung anong un
3rd Person POVMalawak ang ngiti ni Mike habang kumakaway sa papaalis na sasakyan ni Ella. Sarkastikong napatawa si Miguel mag-isa sa kanyang sasakyan. Matalim niyang sinundan ang papalayong kotse ng babae. Nang makita niyang papaalis ang sasakyan ng dalaga ay balak niya itong sundan ngunit bago pa niya nai-start ang sasakyan ay tumunog na ang cellphone niya.“Kanina pa kita nakita. Ang tagal mo naman yata dyan sa parking lot?” natatawang ani Mike sa kabilang linya.“Nakakahiya namang mang-abala, mukhang enjoy na enjoy kayo ng chix mo.” sarkastikong tugon niya. “Ay sus, tapos na. Quickie lang yun.” ani Mike. Alam ni Miguel na nagbibiro lang ito pero parang hindi siya natatawa sa joke nito.May regalo sana siyang mamahalin wine para sa kaibigan. Yumuko siya at dadamputin na sana niya ngunit biglang nagbago ang kanyang isip. Ewan ba niya, bigla na lang siyang nabuwisit sa kaibigan. Pati nga tawa nito ay parang nakakasira ng araw. Kung di lang nito birthday baka hindi na lang siy
3rd Person POV“Pasyente ko si Ella!” ani Mike. Napabuntong hininga na lang siya matapos niyang sabihin yun at gustong tuktukan ang sariling ulo. What he did just now was a clear violation of the oath he took as past of his duty. Never niyang binanggit kanino ang tungkol kay Ella o kahit sino pa sa mga pasyente niya dahil kailangan niyang protektahan ang identity ng mga ito bilang parte ng sinumpaan niyang tungkulin.Bigla siyang napaamin sa takot na baka kung anong gawin ni Miguel sa labas. Kilala niya ang kaibigan at sigurado siyang hindi ito nagbibiro. Kita niya kung gaano kaseryoso si Miguel. Kapag hinayaan niya itong magwala sa labas, siguradong maya maya lang ay may mga pulis nang susulpot sa labas at napakalaki nitong abala sa kanilang dalawa. Agad na napahinto si Miguel nang marinig ang sinabi ni Mike. Dahan dahan siyang humarap dito.“What did you say?” kunot noong tanong niya kay Mike. Magkasalubong ang mga kilay nito at ang mga mata ay nagtatanong.Hindi agad sumagot si
3rd Person POV Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago muling nagsalita si Mike. “Muntik nang masira ang ovary niya.” panimula nito. “Alam ko!” mabilis na tugon ni Miguel. Sumiklab na naman ang galit sa kanyang dibdib ng muling maalala ang kung paano ipinagkait ni Ella ang katotohanan sa kanya. “I just found out recently….., Narinig mo? RE-CENT-LY! Sa lahat ng tao, ako pa ang pinakahuling nakaalam ng tungkol sa sakit niya. Táng ina!” kuyom ang kamao ni Miguel at nagpipigil ng emosyon. “Paano kung ikinamatay niya yun? Ano sa palagay mo ang mararamdaman ko? Lalo na kung malalaman kong ako lang pala ang makakapagsalba ng buhay niya… ….,but by the time I realized the truth, it’ll be too late, she’ll be gone by then. At buong buhay ko yung dadalhin sa konsensya ko, na nawala siya pero marami naman pala akong pwedeng magawa. Baka nga wala pang isang buwan, sumunod na rin ako sa kanya.” emosyonal na saad ni Miguel. Hindi niya sigurado kung gaano kalala ang s
You can skip or continue reading this free chapter. This is an Open Letter to real "Miguel" from real "Ella". Wala po akong binago rito kahit isang word.Everytime kasi na mag-uupdate ako ng bagong chapters, kung hindi kinikilig ay umiiyak si "Ella." Yesterday she was emotional after my last update. Although matagal na raw yung nangyari, naiiyak pa rin siya kapag naaalala niya yung darkest part ng buhay nila ni "Miguel." So I asked her to express her feelings through an open letter. —---*****-------Dearest Miguel, When I think of the future we once dreamed of, the home we’d build, children we’d raise and the life we’d share, that moment I was already broken—battling a war inside me that no one else could see. I can’t bear the thought of watching you slowly fade in the shadows of my own shortcomings, that’s why I walked out that room that day. At kasabay ng paglabas ko ng pintuan na iyon ay ang pagbubukas ng isang makabagong yugto ng buhay mo sa piling ng babaeng akala ko ay par
Ella POVNagmamadali akong pumasok sa kusina upang makalayo sa dalawa lalo na kay Miguel. Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito, tumakas na nga ako dahil ikinukulong niya ako sa condo niya. At bakit kainuman niya si kuya? Si kuya pa naman sana ang inaasahan kong shield laban kay Miguel, kaso parang ang close nila sa isa’t isa at nagtatawanan pa.Hay, mababaliw na talaga ako sa lalaking yun.Nadatnan ko si Jerald na kumakain sa kusina. “Tita, kain na po.” alok nito sa akin at punong puno ng pagkain ang kanyang pinggan.Tama si kuya, andami ngang pagkain. May kimchi pa, mukhang korean foods ang mga ito ah. Ayaw ko sana dahil galing daw kay Miguel ito pero gutom na ako kaya hindi na ako magpapakipot pa. Kumuha ako ng pinggan at nagsimula na akong magsalin ng pagkain para sa sa sarili ko.Nakakailang nguya na ako nang pumasok sa kuya sa kusina para kumuha ng ice sa freezer. Itinigil ko ang pag nguya. Tumayo ako at nilapitan siya.“Kuya, anong ginagawa ng lalaking yan dito?” pabulong
Ella POVKagaya nga ng sabi ni Macy, puputaktihin ako ng tanong ng mga katrabaho ko, lalo na si Dino. Walang naniwala na loan shark si Miguel at sinisingil lang ako ng utang. Di nagtagal ay nagsawa na rin ang mga ito sa katatanong dahil wala rin naman silang napala sa akin.Nag-uusap kami ni Macy sa office niya nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Kapag ganitong may tumatawag ay medyo kinakabahan na ako, dahil baka si Miguel na naman yun. Napansin din ni Macy ang naging reaksyon ko kaya inalis nito ang tingin sa desktop at tumingin muna sa akin. Nawala bigla ang kaba ko nang makitang si Enzo ang tumatawag.“Si Enzo..” nakangiting ani ko. Ngumiti at tumango si Macy saka ibinalik sa desktop ang mga mata.“Can I invite you to dinner after work?” alok ni Enzo sa kabilang linya. Kahit hindi ko siya nakikita ay naiimagine ko na ang pagsusumamo sa mga mata nito. Naka loud speaker ang cellphone ko kaya dinig ni Macy ang usapan namin. Tatanggihan ko pa sana si Enzo pero nakita ko s
Ella POVHabang papalapit ang sasakyan ni Miguel ay agad na akong pumasok sa loob ng kotse ni Enzo. Samantalang si Enzo naman ay sumakay na rin sa driver's seat at agad na pinaandar ang sasakyan. Parang slow mo nang makasalubong namin ang kotse ni Miguel. Dinig ko ang kabog ng aking dibdib habang nilalagpasan na namin ito. “Okay ka lang?” tanong ni Enzo nang mapansin yatang balisa ako. “H-ha? Oo ayos lang.” pagsisinungalin ko at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.Hindi na nagtanong pa si Enzo at ipinagpatuloy lang nito ang pagmamaneho. Hindi naman sa pag-aasume pero in-off ko ang aking cellphone. Baka kung sino pa kasi ang bigla na lang tumawag, mabuti na rin yung nag-iingat. Ayoko ng abala dahil ngayong gabi ay magfo-focus ako kay Enzo. Pagtutuunan ko na siya ng pansin, baka nga may makita akong spark kagaya ng sabi ni Macy.Wala akong masabi kay Enzo. Napaka-gentleman niya talaga, mula sa pagbaba ko ng sasakyan hanggang sa makapasok at maupo kami dito sa loob ng restauran
Ella POVKinabukasan, nalaman kong hindi papasok si Dino dahil may hang-over daw ito dahil naparami ang inom kagabi. Naiiling na lang ako dahil ang usapan kagabi ay walang maglalasing dahil nga may pasok pa ngayon. Si Macy naman ay isang oras na late nang dumating sa opisina. Ngayon lang nangyari sa kanila ito. Mukhang lutang pa si Macy nang dumating. Tumayo ako at nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Kumatok muna ako bago ako pumasok sa silid niya. Kita ko nangangalumata pa siya, dahil nangingitim ang eyebags niya. “Kape.” wika ko sabay abot ng tasa sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin, puyat pa nga. Natawa tuloy ako sa itsura niya.“Wag mong sabihing nag-inom ka rin?” tanong ko sa kanya.“Konti lang.” anito at saka humigop ng kape.“Kumusta pala si Enzo, nagstay ba siya sa bar pag-alis ko?” tanong ko. “Medyo.” tipid na sagot ni Macy.Natuwa ako sa narinig, ibig sabihin kahit paano ay nag-enjoy ito kasama ang dalawa.“Kasabay nyo ba siyang umuwi?” tanong ko pa. Hindi sumasag
Ella POVHindi ako makagalaw dahil sa higpit ng yakap sa akin ni Miguel habang sinasakop niya ang bibig ko.Matagal bago ako naka-ipon ng lakas para itulak siya at nagtagumpay naman ako. Sapo ko ang aking bibig na namaga yata dahil sa paghalik niya.“Ano ba Miguel?!!” daing ko. Ang sakit kasi ng labi ko. Habang iniinda ko ang diin ng halik niya, siya naman ay marahang hinahagod ang kanyang ibabang labi gamit ang hinlalaki, na parang ninanamnam pa ang halik na nangyari.“Bakit ka ba narito?” tanong ko nang makabawi ako.“Sinusundo ka.” kaswal nitong tugon.“Wag ako ang problemahin mo, umuwi ka na. Hindi ka man lang ba naaawa sa girlfriend mo? Baka hinahanap ka na niya.” Kita ko ang paniningkit ng mga mata nito.“That’s why I’m here, para i-uwi ang girlfriend ko.” anito. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero nag-aalala na rin ako dahil baka hinahanap na ako ng mga kasama ko na nasa loob ng bar. Baka nagtataka na ang mga ito kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumabalik
3rd Person POVPaglabas nila sa trabaho ay nadatnan nila si Enzo na nag-aabang sa labas. Iniwan na lang ni Ella ang sasakyan sa parking lot at nakisabay kay Enzo papuntang bar. Pinagbigyan na niya ang lalaki na isabay siya nito tutal ay nagse-celebrate ito dahil sa pagka promote. Special day ito ng kaibigan kaya pagbibigyan na niya kahit ngayon lang.Nagtext si Ella sa kapatid na medyo male-late siya nang uwi. Wala naman siyang balak magtagal sa bar. Kakain lang siya, ganun. Nasa biyahe pa lang sila ay nakatanggap na si Enzo ng message mula sa pinsan nitong si Mike na nasa bar na daw ito. Kaya naman pagdating nila doon ay may nakuha na si Mike na table para sa kanilang grupo.Awtomatikong naupo si Enzo sa tabi ni Ella. Syempre, pagkakataon na niya ito para mapalapit at makaporma sa dalaga. Samantalang si Mike naman ay nakay Macy ang atensyon.“Long time no see Macy.” bati ni Mike dito.“Hi Mike, mabuti naman at nakasama ka rin samin finally.” tugon ni Macy habang si Dino ay pasimple
3rd Person POVIsang malaking kumpol ng mga bulaklak ang muling idineliver sa opisina. Nagkataong malapit sa pintuan si Macy kaya siya na ang nagkusang tumanggap ng mga ito.“Hay naku papa Enzo, naiinlove na talaga ako sayo.” malanding ani Dino na may pagtili pa nang makitang bitbit ni Macy ang mga bulaklak. Kahit paano ay napatawa nito si Ella. Simula ng pumasok siya kaninang umaga sa trabaho ay lutang ang diwa nito. Naglalakbay pa rin ang utak niya sa naging pag-uusap nila ni Miguel kagabi. Ipinatong ni Macy ang bulaklak sa table ni Ella at tulong pa sila ni Dino na isinasalin ang mga ito sa iba’t- ibang flower vase. “Kung kasing yummy din lang ni Enzo, okay na sa akin kahit demonyita ang mother-in-law ko.” pabirong sabi ni Dino at sinabayan siya ni Macy ng tawa. Ikinuwento ni Ella sa mga ito ang engkwentrong nangyari sa pagitan nila ng ina ni Enzo at sa Clarisse na kasama nito.“Saang flower shop ba niya ito binili? Parang mas bongga yata ngayon” ani Dino at hinawakan ang m
Ella POVPalibhasa’y kabisado ko ang lugar na ito kaya mabilis akong nakalayo. Oo, tinakbuhan ko na naman si Miguel nang bigla kong maalala na pag-aari na siya ng iba. Nang nasa tapat na akong bahay namin ay lumingon ako at sa di kalayuan ay tanaw ko si Miguel na nagmamadaling nakasunod sa akin.Nagulat naman si kuya nang makita niya akong humahangos papasok ng bahay. Hindi na siya nagtanong. Malamang ay may kutob na siya. Kung kanina pa wala si Miguel sa tabi niya, malamang nahuhulaan na nito kung saan ito nagpunta. Nagmamadali akong pumasok sa aking silid at ini-lock yun. Dumiretso ako ng higa sa kama at kusa nang nagsibagsakan ang aking mga luha. Iba’t ibang emosyon ang bumabalot sa dibdib ko, bittersweet dahil pinaghalong saya at lungkot ang aking nararamdaman. Hindi ko pwedeng itanggi na masaya ang puso ko dahil sa mga narinig ko mula kay Miguel. Ni hindi ko na nga naisip kung sincere ba siya o hindi sa mga sinabi niya…, pero may ibang bagay akong mas inaalala. Pinapatay
Ella POV“Tita sabi po ni papa–”Para akong nakuryente at biglang napatalon palayo kay Miguel dahil sa biglaang pagsulpot ni Jerald.“Ooops..” parang kidlat sa bilis na tumalikod Jerald at lumabas ng kusina matapos niya kaming maabutan sa ganung posisyon.Inabot na rin ako ng hiya at dali-dali akong lumabas ng kusina para bumalik sa silid ko. Hindi ko na pinansin sina kuya na alam kong nakatingin sa akin, maging si Jerald na nagkakamot ng ulo.Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok sa silid. Hindi mawala wala sa utak ko ang mga sinabi at ginawa ni Miguel. Hindi naman sila uminom pero bakit para siyang lasing na hindi alam ang pinagsasasabi? Hindi kasi yun ang inaasahan kong maririnig sa kanya. Maghapon kong inihanda ang aking sarili para sa pag-uusap namin ngayon. Akala ko ay magpapaliwanag lang ako sa kanya at hihingi ng kapatawaran. At pagkatapos ang magmomove-on na kami sa kanya kanyang buhay.Ganun pa man ay may parte ng puso ko ang natutuwa. May konting pag-asa na namumuo s
Ella POVParang nakaramdam ako ng disappointment ng wala akong makitang magarang sasakyan sa tapat ng bahay namin pag-uwi ng hapon yun. Mabigat ang aking paa na pumasok sa bahay. Nadatnan ko si kuya at Jerald na nanonood ng basketball. “Mukhang hindi ka nag-iinom ngayon ah.” puna ko, pero ang totoo nakikiramdam lang ako kung darating ba si Miguel ngayon.“Bakit gusto mo ba, tawagan ko?” sarkastikong ani kuya. Bigla akong pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi niya. Ganun ba ako ka-transparent? Hindi ko na lang siya sinagot, baka sabihin pa niya defensive ako.Agad akong nagpalit ng damit pagkapasok ko sa kwarto. Ilang minuto na akong nakatitig sa kisame at sandali pumikit………... ……..naalimpungatan ako sa sunod sunod na pagkatok at naririnig ko ang boses ni kuya. Nakatulog pala ako. Mumukat mukat akong bumangon at binuksan ang pintuan. “Kanina ka pa tinatawag ni Jerald ayaw mong gumising. Kala ko hindi ka na humihinga.” bungad nito“Hindi mo na sana ako ginising para mahaba ang tu
Ella POVNalilito ako sa ginawa at sinabi ni Miguel. Wala rin akong nararamdamang pamumwersa mula sa kanya kagaya ng lagi nitong ginagawa. Ilang sandali rin akong nakakulong sa mga bisig niya hanggang lumuwag na rin ang pagkakayakap nito sa akin.Inaantok na rin ako pero ayokong abutin ng pagtulog dito na katabi siya. Siya lang naman ang lasing at hindi ako. Hinayaan ko mang may nangyari samin nung nakaraan, pero nagsimula naman yun sa pwersahan, at nadala lang ako kalaunan– pero ayoko nang yung maulit pa. Ayoko na ring humaba pa ang listahan ng mga kasalanan ko kay Sofia. Kung may kasintahan din ako, ayokong makita na may ibang babae itong katabi sa higaan.Dahan dahan kong inalis ang braso niya sa pagkakayakap sa akin para hindi siya magising. Nang makatayo ako sa kama ay dinampot ko ang unan at kumot saka maingat na lumabas ng silid. Dumiretso ako sa sofa at doon nahiga hanggang sa tuluyan ng makatulog.Kusa na akong nagising kahit hindi pa tumutunog ang alarm. Ilang minuto pa sigu
Ella POVPagkatapos naming kumain ng desserts ay napagpasiyahan na naming umuwi. As usual ay napakagentleman pa rin nito sa kung paano niya ako alalayan hanggang sa makasakay ako sa loob ng sasakyan. Sa biyahe ay tuloy pa rin ang kwentuhan namin. Bigla kong naalala yung sinabi ni Mike na sa isang araw ay magyayaya itong lumabas kami. Magpinsan sila ni Enzo kaya natural lang na isasama namin siya sa lakad namin.“Wag mong sabihing pinopormahan ka rin niya.” ani Enzo na may himig pagseselos. Natawa lang ako. Hindi pa man, seloso na.“Gusto niyang isama ko rin si Macy. Tingin ko type niya ang kaibigan ko.” saad ko.“Wala namang masama dun, binata yung pinsan ko, dalaga naman ang kaibigan mo. Swerte na niya kay Mike, napakabait nun. Masiyahin palagi.” wika pa ni Enzo na mukhang boto naman sa loveteam ng dalawa.“Bakit, swerte din naman si Mike sa kaibigan ko ah, maganda kaya si Macy.” pagbubuhat ko ng bangko para sa bestfriend ko. Hindi nagsalita si Enzo, medyo nagkibit balikat lang ito