Tumingin si Aino kay Nigel. Isang makulit na ngiti ang nasa bibig niya.Agad na tumawa si Nigel. Ilang taon na ang nakalipas simula nung huli siyang nakaramdam ng ginhawa tulad ngayon. Sobrang alwan at sobrang...init. Tumigil na din siya sa pag-aalala sa wakas.Sinipsip niya ang lollipop sa bibig niya at sinabi, "Ang makita kang malusog at masaya, na walang mga sugat o kung anuman, ay ang pinakamalaki kong hiling. Aino, sobrang cute mo. Kung meron pa sana akong mga pamangkin na tulad mo, ang saya siguro nun?"Si Aino ay tumayo nang nakatingkayad at makulit na tinaas-baba ang ilong niya, Masaya siyang tumawa nang sinabi niya, "Gusto ko rin po ng mga tito, totoong tito. Sa gantong paraan, mas maraming tao ang poprotekta sa akin."Ang mga bata ay talagang walang muwang at inosente. Siya ay talagang natuwa na sa Uncle Nigel niya. Ang isang anim na taong gulang na batang tulad niya ay napagtanto pa nga na baka hindi niya na siguro makikita ang magulang niya kung hindi dahil sa Uncle Nig
Tumango si Sebastian sa direksyon ni Holden at sinabi nang walang emosyon, "Mabuti naman at nandito ka para manguna. Hindi rin kasi ako ganun kapamilyar sa Payne Manor tulad mo."Sabi ni Holden, "Dito po ang daan!"Natigilan si Sabrina. Siya ay natuwa. Paano nakakaya ni Holden na manatiling kalmado sa ganitong pagkakataon?Hindi gumalaw si Sabrina. Hindi rin gumalaw si Aino.Tumalikod si Holden at malungkot na tumingin sa mag-ina, tapos ngumiti siya, "Bakit? Kayong dalawa ay hindi naman takot na pumunta dito kahapon. Ngayon na ang asawa mo ay nandito na sa manor ko, ito na ba ang simula ng pagkatakot mo sa akin?"Kinagat ni Sabrina ang labi niya at meron sana siyang sasabihin, pero ang munting bata na nakahawak sa kamay niya, ay pinigilan siya."Uncle Holden," Tinawag siya ni Aino.Si Sabrina ay tahimik.Si Sebastian ay tahimik din.Pero, ang pinaka nagulat sa kanila ay si Holden. Ang ekspresyon sa mukha niya at nagpalit mula sa pagkagulat at naging pasasalamat. Tumingin siya
Pero, ang tawa ni Sebastian ay talagang kalmado at walang emosyon kung ikukumpara. "Hindi ko pipigilan ang paraan ng pag-iisip mo. Kapag sinaktan mo ang kahit isang hibla ng buhok nila sa ulo, mahihiwalay ang ulo mo katawan mo ngayon din. Holden Payne, alam mo ba kung bakit kita pinauuna? Bakit kita inutusan na pangunahan kami sa lugar mo? Yun ay dahil lang sa pagmamahal at malasakit na meron ka sa para sa asawa at anak ko."Natahimik si Holden.Sa sandaling ito, siya ay nasa matinding desperasyon. Ang buong isla ay nagsagawa na ng lahat ng pag-iingat. Sila ay handa. Humiram pa nga sila ng maraming armas at sundalo sa Poole family sa Kidon City. Pero, hindi rin nila nagamit ang anuman dito sa bandang huli.Sa halip sila ay napalibutan ng mga tauhan ni Sebastian nang walang kahit kaunting paghihirap. Ang mga sundalo niya ay nakapalibot sa bakuran sa labas ng manor.Sa oras na ito, si Holden ay handa pang magpakamatay.Si Sebastian ay para bang may mata sa likod niya, "Mauna ka na!
"Hahaha! Ikaw pangit na nilalang ka! Pumunta ka na naman para gumawa ng gulo." Nung sandaling yun, si Aino, na nakahiga sa mga braso ng nanay niya, ay humagalpak ang tawa.Ang taong biglang pumasok ay walang iba kundi si Selene Lynn.Ang mga puting benda ay nakabalot pa rin sa ulo niya, at nagmukha siya talagang isang payaso. Bukod dito, siya ay sobrang payat, at walang bahid ng kulay o buhay sa mga pisngi niya.Totoo nga ang mga salita ni Aino. Mukha siyang pinaghalong multo at payaso.Pero, walang pakialam si Selene kahit tawagin pa siya ni Aino bilang payaso o multo nung oras na yun. Ang gusto niya lang talaga ay makasigurado na hindi siya papatayin ni Sebastian at ipapadala pa siya nang ligtas pauwi ng South City.Ang lolo niya ay tumawag kanina at kinumpirma ito. Si Selene ay natuwa. Hindi niya pinansin ang mga pang-aasar ni Aino at tumingin lang kay Sebastian nang may mukhang puno ng masayang pagkatuwa.Tinaas ni Sebastian ang ulo niya at siya ay tiningnan nito, tapos ay
Pero, ang Summer family ay hindi sumang-ayon.Lahat ng klaseng salungatan ng interes kasabay ng mahina at kawalang kakayahan ng Summer family ang naghantong sa kamatayan nila.Natural lang ito sa mundo ng negosyo, kung saan ang mga malalakas ay pinagpipiyestahan ang mga mahihina.Pero, makalipas ang dalawanpung taon, ang anak na babae ng Summer family ay napilitang maging isang kabit ng isa sa mga lalaki ng Ford.Ito ang kalungkutan at pinagmulan ng sama ng loob sa pagitan ng Ford family ng South City at ng Summer family ng Star Island.Si Sebastian ang apo sa nanay ng Summer family, pero siya ang apo sa tatay ng Ford family. Ano nang dapat niyang gawin ngayon kung ganon?Ang mga namatay ay hindi na makakabalik nang buhay. Ang pwede niya na lang gawin ay itayo muli at ayusin ang bahay ng pamilya na nanatili sa isla na ito bilang pagpupugay sa kanila.Para naman sa pagkamuhi sa pagitan ng dalawang pamilya, pinatay na ni Sebastian ang halos lahat sa Ford family. Sa wakas, sarili n
Si Sebastian, na minsan lang magsalita ay humugot ng malalim na hininga. Sa wakas ay sinabi niya, "Ang parte ng lupa na ito ay pagmamay-ari ng pamilya ng aking ina. Kino-kontrol na nila ang lugar na ito ng ilang dekada. Kahit na hindi ganoon kaayos ang pagkakagawa nito, ang mga tao sa pamilyang Ford ay nagkakaisa at matiwasay na nanirahan dito. Kalaunan, ang pamilyang Ford ay sinira ang kapayapaan na kinakatuwa ng mga taga-isla at pinatay ang pamilya ng aking ina. Kinimkim niya ang galit sa kanyang puso hanggang sa mamatay siya.""Kahit na dala ko ang pangalang Ford, kalahati ng dugo ko ay galing sa pamilyang Summer at dumadaloy sa aking ugat. Pumunta ako rito para tingnan ang aking hinahanap. Paano ako magsisimula ng gulo sa lupaing ito at maging dahilan ng hinagpis at paghihirap sa mga residente?"Hindi mapigilang yakapin ni Sabrina ang kanyang asawa nang napakinggan niya ang mga sinabi nito, "Mahal ko..."Pinagpatuloy niya, "Dahil isa akong binata na tumira at pinatapon sa ibang
"Sebastian Ford! Sa tingin mo ba na ikaw lang ang pinatapon sa ibang bansa at pinagbawalang umuwi? Pinatapon din ako."Naawang tiningnan ni Holden si Sebastian, "Kahit na pinatapon ka sa ibang bansa, patuloy ka pa ring binibigyan ng pera ng iyong ama, habang ang iyong ina naman ay nakakataas na sa arkitekto at may naka-halili na trabaho sa ibang bansa. Kahit na pinatapon ka, hindi ka pa rin nag-aalalang pakainin ang sarili mo, o mayroon kang komportableng damit para ipambalot sa iyong katawan, mayroon ka ring ibang pera para makihalubilo at makipag-kaibigan. Pero, paano naman ako?"Tahimik si Sebastian. Sa pagkakataong iyon, sa mga mata niya, hindi kalaban si Holden. Isa siyang hindi masyang asawa na naglalabas ng kanyang sama na loob sa mga mata ni Sebastian. "Walang wala ako! Sumasandal lang ako sa kaalaman ko sa negosyo at sa aking kabangisan para tulungang ipatayo ang aking imperyo. Maari akong manatili sa Silangang Bulwagan ng ari-arian ng mga Payne at utos-utusan ang kapati
Habang ang tatlo ay tulala pa rin, ang naiinip na boses ay umalingawngaw sa itaas ng kanilang mga ulo. "Sebastian! Ang tiwala ay isa talagang misteryosong bagay, kahit na hindi ko alam na nakuha mo na ang ganap na kontrol sa buong isla, pero simula 'nong araw na pumasok ako sa ari-arian ng mga Payne, gumawa ako ng iba pang plano para sa sarili ko. Ako lang ang tanging nakakaalam ng sikretong daan na gagabay sa'yo paounta sa lagusan sa ilalim ng tubig. Ito lang ang daan para makatakas na aking inihanda para sa sarili! Hindi ko tatanggapin ang pagkatalo!""Hinding-hindi!"Ang boses ay palayo nang palayo hanggang sa mawala na talaga ito. Agad na inutusan ni Sebastian ang kanyang mga tauhan para ipa-imbestiga ang sikretong daanan. Sa maikling sandali, nakita ng mga sundalo ang lagusan sa daan at binuksan ito. Gayunpaman, napagtanto nila na may takip ito sa kabilang dulo pagkatapos ng maikling distansya papunta sa lagusan. Higit sa sampung mga sundalo ang nag-ulat kay Sebastian na n