Noon, ang alam niya na may malamig na dugong mamamatay tao ang kanyang asawa at kumikitil ng buhay ng iba gamit ang isang pitik ng kanyang mga daliri at isang ngiti sa kanyang mukha. Gayunpaman, hindi niya alam ang ganitong ugali niya na minamahal at pinapahalagahan ang buhay ng sobra. Hinarap niya ang buong Isla ng Bituwin ng walang pinahahamak kahit na isang sundalo o nagpaputok ng kahit isang bala. Mukhang madali ito. Pero, sa katotohanan, nagresulta ito mula sa kanyang dedikasyon sa pagpa-plano at pagsasa-ayos ng halos anim na taon. Nagsimula si Sebastian mag-ayos at ipanumbalik ang trabaho sa ari-arian ng mga Payneat at ang lumang residente ng pamilyang Summer. Inutusan niya na ayusin sa dati ang Asyenda Payne, tulad ng kung ano ang itsura nito nang kino-kontrol pa lang ito ng pamilya Summer. Ang mga larawan ng mga ninuno ng pamilyang Summer ay nakasabit sa asyenda na may tanda ng paggalang at pagpupugay sa kanila. Ang lahat ng mga ayos na ito ay hindi naman gumugol ng ora
Tahimik si Jade. Malamig na ngumiti si Sabrina habang tinitingnan si Jade, "Gng, Lynn, hindi mo ba talaga naalala ang lalaking ito?"Sinabi ni Jade, "Ikaw...ay...""Sino siya?" tanong ni Sabrina habang ang ngiti ay nakasilay sa kanyang mga labi. Nang makita ang ekspresyon ni Sabrina at marinig ang tawag niya para kay Jade, agad na nanghihinalang tumingin si Lincoln sa kanyang asawa, "Sino siya?!""Siya ay...""Jadie, alam kong mahal mo ako palagi. Ginawa ko ang lahat ng sinabi mo sa akin. May magandang buhay ako sa timog ng syudad, na may marangal na trabaho, pero sinabihan mo akong pumunta sa Isla ng Bituwin kasama ka, kaya sumama ako. Iligtas mo ako, pakiusap...?" sa pagkakataong ito, alam ng patpat na lalaki na mabilis na darating ang kamatayan sa kanya. Hindi niya na maitago ang katotohanan, ng mas matagal pa. Malupit na sinipa ni Jade ang lalaki palayo sa kanya, "Tarantado ka! Kasabwat ka ba ni Sabrina?! Tama, inaamin ko, ako ang nagsabi sa'yo na patayin si Sabrina! Pero
Kasing dali ng pagkabit ng butones. Si Selene at ang kanyang mga magulang ay tila nau-ulol sa takot. Sa hindi kalayuan, takot na takot din si Harry Payne pati ang kanyang asawa. Nakakagulat na si Minerva ang mukhang tanging matapang sa kanilang lahat. Tinago niya ang kanyang talino sa kanyang sarili at tumingin kay Sebastian na may kaunting paghanga. Marahan niyang bulong sa kanyang sarili, "Nang kontrolado ni Tito Holden ang isla, siya ay bisyoso at desidido rin."Bumaling si Minerva kay Aino at marahan na sinabi, "Hoy maliit na sunod-sunuran, pamilyar ang papa mo kay Tito Holden.""Tito Holden?" tanong ni Aino. Kahit na may pagmamalaki at mayabang na bata si Aino, handa niyang sinagot ang pangit na babaeng tulad ni Minerva na tumawag sa kanyang maliit na sunod-sunuran. Akala ni Aino na isang karangalang maging taga-sunod ng isang babaeng may halos sampung taong tanda sa kanya. "Ang Tito Holden ko!" umirap si Minerva kay Aino, "Mahal ka niya na parang kanyang tunay na anak!
"Ano?" Akala ni Minerva ay mali ang kanyang narinig. Sa tabi niya, dagdag ni Sabrina, "Tinatanong niya kung mayroon ka bang gustong kuhain sa kolehiyo para maipasok ka na namin sa eskuwelahan na para sa'yo."Kilala ni Sabrina ang kanyang asawa. Alila siya kagustuhan at kailangan ng kanyang anak. Alam niya na gusto ng anak niya ang matanda at malapat na ilong na batang ito. Mabangis at rebelda ito, pero sa kabuuan, may maganda siyang kaluluwa. Maaring lumaki siya na may magagamit na talento kung makakatanggap siya ng magandang edukasyon. Ang importante pa 'ron, maari siyang maging kaibigan, at isinaalang alang din ni Sebastian iyon. Sa pagdala kay Minerva sa Timog na syudad, mas mabisa niyang magagabayan ito. Tsaka, kung papabagsakin siya sa isang masamang plano nina Harry Payne at ng kanyang asawa, hindi na nila magagawa iyon. Umiyask si Minerva sa pasasalamat, "Ako ay...ako ay...Pinuno...Pinunong Sebastian, ikaw ay...handa ka po ba talagang suportahan ang pag-aaral ko sa Timo
Ang iba ay nakatalaga sa depensa at pamamahala, at ang iba ay para sa sibil na mga organisasyon. Ngumiti si Sabrina at sinabi kay Sebastian, "Sebastian, tingnan mo. Ang pamilyang Summer ay nawala mula sa Islang Bituwin ng halos limampung taon, pero naalala pa rin sila ng mga tao. Minamahal at nirerespeto ka rin nila. Malamang ay masaya ka ngayon."Tipid na ngumiti ang lalaki. Ano ang kasiyahan? Wala kahit sa kanyang karera o mga ambisyon ay nagdadala sa kanya sa kasiyahan. Ang mga bagay na nagdadala lamang sa kanya sa kasiyahan ay ang kanyang asawa at anak. Sa harap ng may mataas na posisyon na opisyal sa isla, ang nangingibabaw at malupit na may mainit na dugong lalaki ay biglang hinila ang kanyang asawa sa kanyang mga bisig at nag-iwan ng isang malambot na halik sa noo ni Sabrina, marahan na sinasabi, "Tara na, oras na para sumakay sa eroplano."Hindi nakapag salita si Sabrina. Ginawa niya ba talaga 'yon?Ang lalaking 'yon!Nagiging bihasa na siya sa pagpapakita ng kanyang
Si Minerva ay tahimik.Ito ang unang beses sa buong buhay niya na may isang taong tinawag siyang maganda. Ang isang madilim na parte sa puso niya na matagal nang umiiral ay biglang lumiit.Ang ngiti niya ay naging mas malambing kumpara dati, "Salamat sa papuri. Ikaw din naman ay magandang lalaki din. Siguro ang kisig mong tingnan kapag nagliligtas ka ng mga tao."Habang nagsasalita siya, biglang namula si Minerva, "Ano lang talaga...masyado kang matanda para sa akin. Sa nakikita ko, mas matanda ka ng sampung taon sa akin. Pwede na kitang tawaging tito. Kung hindi, baka hinabol na kita."Walang sinabi si Nigel kahit ano.At dahil siya ay naging malapit kay Sebastian, mas naging maliwanag siya at positibo kumpara dati. Gusto niyang magsimula ng panibagong buhay, bumalik sa South City, at tulungan ang mga magulang niya sa pamamalakad ng Conor Group. Kung siya ay swertehin, baka makakilala siya ng isang maayos na babae na maganda ang ugali tulad ni Sabrina, maikasal, at makapagsimula
Si Sabrina ay ngumiti nang bahagya sa direksyon ni Nigel, tapos ay tumalikod siya para umiwas ng tingin sa kanya.Wala siyang kahit kaunting pagmamahal para sa kanya. Pagkakaibigan lang. Ang pagmamahal na pang pamilya na meron siya kay Zayn ay mas malakas kaysa sa pagkakaibigan na meron sila ni Nigel. Pero, may dagdag na pakiramdam ng pasasalamat. Bukod dito, wala nang iba pa.Sa oras na ito, tinuon ni Sabrina ang buong atensyon niya sa kanyang asawa. Nahuli niya ang bahay ni Selene at ng mga magulang nito. Ang kabaliktaran nito ay buo pa rin sila at nandoon kung saan sila nagsimula, na ang mga kaaway niya ay buhay at malusog. Bukod dito, sila ay muling tatapak na sana sa piraso ng lupa na ito, nang ligtas at maayos. Ang lahat ng ito ay dahil sa lolo ni Selene na makapangyarihan sa lahat. Ang matandang lalaki ay sinubukan ang lahat ng makakaya niya para patayin siya nung anim na taong nakalipas.Si Sabrina ay tumawa nang malamig sa pag-iisip kay Old Master Shaw. Siya ay nandiri na p
"Ano?!" Si Sebastian ay talagang nabigla nang matindi.Pati si Sabrina ay nagulat din.Sila Sabrina at Sebastian ay nagkaroon ng iba't ibang hula tungkol sa napakahalagang sikreto na tinatago ni Old Master Shaw sa kanilang biyahe papunta sa clubhouse. Pero, hindi nila nahulaan na si Sebastian ay may mas batang kapatid na lalaki na kapareho niya ng tatay at nanay.Isang nakababatang kapatid na lalaki.Ang isang kalmado at mahinahong lalaki tulad ni Sebastian ay hindi talaga ito mapigilan at napatitig siya nang gulat kay Old Master Shaw.Meron siyang nakababatang kapatid?Siya ay anak din ng mga magulang niya. Ang ibig sabihin ba nun dala din ng kapatid niya ang apelyidong Ford?Hindi niya alam ang nararamdaman niya sa ilang sandali, kung ito ba ay pagkasabik o ibang pakiramdam.Nahirapan siyang umupo lang.Si Sabrina ay lumapit at hinawakan ang kamay niya, tapos ay nagawa niya nang pakalmahin ang sarili niya.Sa sandaling ito, may malakas siyang pakiramdam. Halos malapit na ni