Hindi inaasahan ni Zayn na ang taong magbubukas ng pintuan ay si Hana, ang nanay ni Tessa. “Kanina pa kita hinihintay.” Sobrang suplada ng tono ni Hana at wala siyang balak na magpakababa sa harapan ni Zayn. Hindi man maganda ang kasuotan ni Hana, malinaw naman ang pag iisip at prinsipyo niya sa buhay. “Mister Smith, sana naman ay wag mong binabalewala ang kakayanan ng isang nanay dahil hanggat nabubuhay ako ay hinding hindi kita hahayaang saktan ang anak ko pero kung hindi ka naniniwala sa akin, makikita mo kung paano kita pabagsakin sa oras na sinaktan mo ang Tessa ko!” Kasalukuyan silang nasa bahay ni Sebastian, na bahay rin nina Sabrina ta Aino, kaya ibig sabihin ay nasa teritoryo sila ni Zayn kaya hindi niya maintindihan kung saan kinukuha ni Hana ang lakas ng loob nito na kausapin siya ng ganun. “A…anong sinabi mo?” Hindi makapaniwala si Zayn sa narinig niya.“Wag na wag mong subukang saktan ang anak ko!”Sa puntong yun, hindi na kinaya ni Zayn at naiinis siyang sumagot,
Kahit kalian, hindi maiintindihan ni Zayn ang hinahakit na nararamdaman ni Tessa kaya sino siya para kwestyunin ang pinagmumulan ng galit nito? Pero base sa nakikita niya kay Hana, malinaw ang pakay nito.Palaging sinusunod ni Zayn ang mga sinasabi sakanya ni Sabrina kaya sumang ayon siya. “Tama ka. Wag ka ng mag alala sa akin, kaya ko ‘to. Ang dapat mong pag focusan ay ang pagbubuntis mo lalo na at malapit ka ng manganak.”Tumango si Sabrina, “Mm-hmm. Tara, kumain na tayo. Sigurado ako na gutom na gutom ka na. Pagkatapos magsalita, muling lumabas si Sabrina sa kusina para sana tawagin si Hana, pero noong oras na yun ay nakaalis na pala ito.“A…saan pumunta ang mama ni Tessa?” Tanong ni Sabrina kina Sebastian at Aino, na parehong nakaupo sa sofa. “Nagpumilit siyang umalis at ayaw niya na raw sumabay sa dinner natin.” Kalmadong sagot ni Sebastian. Mangiyak-ngiyak na tumungo si Aino. “Umalis na si Madam Sharpe.”“Gusto mo ba talaga sakanya?” Tanong ni Sebastian kay Aino.“Ang ga
Tumungo si Zayn. “Kaya talagang… don’t judge the book by it’s cover.”Pagkatapos yun sabihin ni Zayn, tumingin siya kay Aino. “Aino! Yun ba yung tipo ng babae na gusto mong maging girlfriend ko? Bukod sa mas matanda siya sa akin ng eight years, may mga nagawa rin siyang hindi dapat. Oo, nandoon na tayo sa nakakaawa siya kasi napilitan siyang mag trabaho sa night club, pero ano namang tawag dun sa ginagawa niyang paghahanap ng ibang lalaki at pag iwan sa sarili niyang anak? Umamin ka nga sa akin! Gusto moa ta akong ipahamak eh. Isa pa, ang sabi mo, daddy mo ang walang taste, pero mukhang mas wala ka naman atang taste.”“Hmph!” Taas noong tumingin si Aino kay Zayn – wala siyang planong magpatalo. “Mag hintay ka lang kais ako lang naman si Aino Scott at kahit kalian, hindi pa ako nakakamali ng kutob!”Kilala ni Zayn si Aino kaya alam niya na kapag may gusto ito ay hindi talaga ito magpapatalo at wala siyang balak na asarin pa ito dahil ganun niya kamahal ang pamangkin niya. “O sige s
Tandang tanda ni Aino ang sinabi ni Hana sa tuta noong araw nay un, “Tuta, nasaan ang mama mo? Hinahanap mo ba siya? Ay sus! Gutom na gutom naman yan. Oh kainin mo na ‘tong pancake ko para magkaroon ka ng lakas. Siguro sobrang nag aalala na sayo ang mama mo ngayon! Ubusin mo ‘to ha para magkaroon ka ng lakas para hanapin ang mama mo.”Pagkatapos magsalita, iliit-liit ni Hana ang pancake nito para makain ng tuta. Saktong sakto na pababa si Aino ng sasakyan noong oras na yun kaya nakita niya ang buong eksena. “Mommy, sige nga sabihin mo sa akin ngayon! Kung doon palang sa tuta ay sobrang bait niya na, paano niya pa magagawang saktan ang sarili niyang anak? Noong unang beses ko siyang nakita, ikaw talaga ang naalala ko kaya ganun na ganun din ang itsura mo dati eh. Sira-sira yung damit mo, tapos ang dungis-dungis mo, at minsan…. Ang baho-baho mo pa… Pero kahit na ganun, sobrang excited pa rin ni Uncle Zayn sa tuwing umuuwi ka. “Kaya akala ko… akala ko matutuwa rin si Uncle Zayn kapag
Si Hana, na nasa kailang linya, ay walang pag aalinlangang tumanggi. “Pasensya ka na, Madam Scott. May trabaho po ako.”Natigilan si Sabrina. “Oh…” Hindi niya inasahan na ganun pala kaprangka si Hana, at bago pa man din siya makasagot ay muli itong nagsalita, “Madam Scott, diba nabanggit mo sa akin na magkapatid kayo ni Zayn? Pwede bang pagsabihan mo siya na layu-layuan ang anak ko?”Nang marinig yun ni Sabrina, gustong gusto niyang ipagtanggol si Zayn, pero pinili niyang mas habaan ang kanyang pasensya at mahinahon na magpaliwanag, “Sa tingin ko ay true love ang nararamdaman nila. Nasa tamang edad na rin ang anak mo. Una sa lahat, hindi maganda ang relasyon niyong mag ina kaya kung pipigilan mo…”“True love?” Sabat ni Hana. “Madam Scott! May anak ka ring babae, diba?” “Ano bang pinupunto mo?” Tanong ni Sabrina. Sa totoo lang, nagustuhan ni Sabrina si Hana noong unang beses niya itong makita pero sa ugaling pinapakita nito ngayon sakanya, hindi niya mapigilang mainis. ‘Kaya na
“Siguro mali lang yung tono ng pagkakasabi ko, pero ang gusto kong ipunto ay sobrang naawa ako sayo noong napanuod ko yun at mula nun ay hinangaan kita kahit pa mas matanda ako sayo. Maniwala ka man o hindi, ikaw ang naging inspirasyon ko noon para iwanan si Hector.”Hindi nakapag salita si Sabrina. Hindi niya inakala na ganun pala ang ibig sabihin ni Hana. Bakit ba minasama niya ito kaagad?Nagpatuloy si Hana, “Ayaw ko na sanang sabihin ‘to sayo kasi buntis ka ngayon at baka masisi mo pa ako kapag may nangyaring masama sayo. Isa pa, hindi naman tayo magkakilala talaga pero dahil napag usapan naman na natin ‘to, sasabihin ko na sayo ang lahat. Pinalayas ako noon ni Hector sa bahay niya, pero ilang taon din kaming may contact pa rin sa isa’t-isa kasi kailangan kong magbigay ng sustento sa anak ko. Noong panahong kumalat ang video mo, para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising ako. Nasasaktan at nahihirapan na ako… Ikaw ang naging inspirasyon ko na magdesisyong tuluyang iwan
”Anong problema?” Tanong ni Sabrina.“Gusto ko lang magpasalamat sa anak mo.” Nahihiyang sagot ni Hana. Hindi nakasagot si Sabrina. “Madam Scott, sobrang naiinggit po ako sainyo kasi ang bait bait ng anak niyo. Soibrang gaan din po ng loob ko sakanya kasi sakanya ko lang bukod tanging naramdaman na importante ako at may nag aalala para sa akin. Sa tingin ko, naawa siya sa akin kasi lumaki siya na nakikitang nasa ganitong klase ng ka rin estado noon. Buti ka pa, mahal na mahal ka ng anak mo, samantalang ako…”Hindi na tinuloy ni Hana ang gusto niyang sabihin at natawa nalang siya sa sarili niya, “Sige na Madam Scott, kalimutan niyo na po yung sinasabi ko. Ibababa ko na ‘to.”“Sige.” Sagot ni Sabrina. Pagkatapos ng tawag, nakita ni Sabrina si Aino, na nakasuot pa ng pikachoo na pajama at halatang kagigising lang. “Mommy, ayaw na daw bang bumalik ni Madam Scott dito sa bahay natin?”Hindi alam ni Sabrina kung ano ang isasagot niya kay Aino, pero matalino itong bata. “Okay lang,
”Ikaw bata ka! Anong ginagawa mo dito? Binabantayan mo ba ako?” Naiinis na tanong ni Zayn. Mula pagkapanganak ni Aino, mahal na mahal na ito ni Zayn, at ngayon lang siguro yung pagkakataon na nakita niya ito bilang sakit sa ulo. Mahirap ba ang gusto niyang mangyari? Mahal na mahal niya si Tessa at ito na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay. Nasa tamang edad naman na siya at gustong gusto rin si Tessa ng lahat! Oo, maging ng mga magulang niya, tapos masisira sila nang dahil lang sa isang bata?! ‘Tignan mo naman! Nanlilisik nanaman ang mga mata niya sa akin!’ Gustong gusto ng paluin ni Zayn ang puwet ni Aino pero pinigilan niya ang kanyang sarili.“Sige, saan mo gustong kumain at maglaro? Hindi ko na susunduin ang girlfriend ko kasi kailangan ako ng pamangkin ko. Masaya ka na ba?” Sabi ni Zayn. “Uncle Zayn, may good news ako sayo!” Nakangiting sabi ni Aino. “Ano nanaman yan! Sabihin mo na!”“Hindi na kita pipiliting gawing girlfriend si Madam Sharpe!”“Talaga?!!” Masa