Dali-daling hinila ni Sean si Frost sa likod niya. Huminto ang lalaki sa harapan niya at dinutdot ang noo niya. “Hoy tanda.” Nanginig si Sean. “Hoy babae, makinig ka! Pasalamat ka at nakapag tago ka sa matandang ‘to. Sa susunod na makita kong inaapi mo ulit si Sabrina, sisiguraduhin ko na lahat ng ngipin mo ay matatanggal, at hindi ako magdadalawang isip na pagsasaksakin yang mukha mo!” Pagkatapos magsalita, parang walang nangyari na tumalikod lang ang lalaki at naglakad papunta sa sasakyan nito. Wala pang limang minuto kung susumahin ang lahat ng mga nangyari, pero sapat na ito para manginig ang lahat sa takot. Kumaripas ng takbo ang iba pang mga bodyguard at mga katulong, na halos hindi rin makagalaw kanina habang pinapanuod ang mga nangyari, kina Rose, Frost at Sean. Noong sandali ring yun, saktong kararating lang din sa mansyon nina Sebastian, Sabrina, at Aino palabas ng mansyon. Wala silang kaalam alam sa nangyari, at ang ipinunta lang talaga ni Sabrina ay ang lola ni
Kahit na matalinong bata si Aino, hindi pa ito masyadong bihasa sa pagbabasa. Bukod sa Sabrina Scott, Sebastian Ford at Aino Ford, wala pa ito masyadong alam kaya hindi nito nabasa ang nakasulat sa lollipop na “Be Happy, Lolo Shaw!” Mukulay ang pen na ginamit kaya ang alam ni Aino ay bulaklak ito! Hindi rin pinakita ni Aino kina Sabrina at Sebastian kanina ang lollipop na sinabi nito, kaya nagulat sila. Maging ang dalawang matanda ay nanlaki rin ang mga mata nang makita ang nakasulat.” Pero bandang huli ay natawa nalang ang lola ni Sebastian, “Mukhang may bagong lolo ang Aino namin ah.” Nagtaka si Aino, “Hindi po! Isa lang ang lolo ko.” Pabirong inirapan ni Aino si Henry, “Itong nakakainis na lolo na ‘to!” “If you shave it off, then whose moustache can I tweak and play with? My father only has stubbles. My grandpa, I hate him!”Natawa si Henry nang marinig ang sinabi ni Aino, at nang makita ni Aino na kumulot ng bigote ni Henry pagkangiti nito, natawa siya at tumakbo palapit
Higit sa lahat, lima pa? Kung kasama pa si Aino, magiging anim na sila?! Tumingin si Sabrina kay Sebastian parea sana humingi ng tulong, pero kumunot ang noo nito at sinabi, “Lola, bakit sobra mo namang iniispoiled ang apo mo? O baka naman masyadong mababa ang tingin mo sakin? Lima lang? Gusto sana namin ng walo!” “Sebastian!” Noong oras na yun, parang kamatis ang mukha ni Sabrina sa sobrang pula. Maging ang Old Master Henry na nakaupo sa gilid, at si Aino na nakakandong dito, ay tawa rin ng tawa kaya pakiramdam ni Sabrina ay pinagkakaisahan siya ng apat na Ford! “Lola, change topic na nga tayo!” Pagmamakaawa ni Sabrina. Natawa ang matanda. “Ha ha! Sige sige, tama na. Parang nagugutom na rin ako. Kumain kaya muna tayo.” “Lola, gusto mo bang pakainin kita?” Bukod kay Old Master Shaw, malambimng talaga si Sabrina pagdating sa mga matatanda. Siguro dahil na rin sa maaga siyang sinubukan ng buhay kaya naman ganun nalang siya ka down to earth na tao. Wala sa personalidad ni Seb
Nagselos si Aino nang marinig ito. “Hmph! Akala ko ba ako ang paboritong apo ng Lola ko! Mukhang ang Mommy ko naman pala!” Natawa ang matanda at nagpatuloy sa pagbulong kay Sabrina, “Wala talaga akong sakit. Namiss ko lang talaga kayo ni Aino. Isa pa, may alam akong recipe na siguradong makakatulong sayo na makabuo ng baby.”Gulat na gulat na tumingin si Sabrina kay Sebastian. Sobrang pula ng mukha niya sa sobrang hiya, pero hindi niya ikinakaila na sobrang natouch din siya sa ginawa ng matanda.” “Basta kainin mo yun bago kayo magtalik. Sinisigurado ko sayo na magkakaroon kayo ng maraming anak.” “Hehe. Sige po, Lola. Salamat po.” “Mabait na bata. Dito ba kayo kakain?” Tanong ng matanda na halatang nagpapaawa. Nang makita ni Sabrina ito, sobrang naging emosyunal siya. Halos mag iisang daang taon na ang lola ni Sebastian, pero kailangan pa nitong magpanggap na may sakit para lang bisitahin ng mga apo nito. Habang iniisip yun ni Sabrina, lalo siyang nagiging emosyunal kaya mahi
Maging ang mga ito ay natatawa rin pero nangibabaw sakanila ang takot kay Frost kaya pinigilan nila. Nagmamadaling lumapit si Frost sa salamin, at nang magkita niya ang sarili niya, bigla siyang napatalon. “Waaah! Sino yan! Hindi ako yan!”“Hahahahhaa!” Hindi napigilan ni Aino na tumawa ng malakas. Sa sobrang saya niya, tumulo pa ang laway niya. Tumakbo siya papalapit kay Frost at sumilip sa salamin. Sobrang pangit talaga nito! Para itong matandang pulubi na panot ang ulo! Lalong natawa si Aino, at dahil dito, pati si Sebastian ay nahawa na rin. Galit na galit na sumigaw si Frost. Kanina pa siya nagtitimpi! Nago siya bugbugin ng lalaking sumugod sakanila, sinampal din siya nina Sabrina at Sebastian kanina! Bakit ba sobrang malas niya ngayong araw!“Sean! Sean! Tignan mo sila….”Galit na galit na sigaw ni Rose, na kababalik lang ng malay. Galit na galit na tumayo si Sean. “Sebastian! Nakikita mo ba ang sarili mo?”“Anong nangyari?” Kalamdong tanong ni Sebastian. May kutob na
Nagulat si Sabrina kaya napatingin siya kay Sebastian. “Siya ba yan?” Tanong nito. “Si Uncle Holden ba yan?” Tanong ni Aino. Umiiyak pa rin ito hanggang ngayon. Sobrang talino nitong bata at naintindihan niya kaagad ang buong sitwasyon dahil lang sa pakikinig sa usapan ng mga matatanda, kaya nga ganun ganun niya nalang na natanong ang lolo niya kanina.“Sobrang nakakaawa si Uncle Holden.” Humamagulgol na pagpapatuloy ni Aino. “Mahal na mahal niya ako kaya nga palagi niya akong pinapasan, Gusto ko lang naman ng uncle Holden ko na magkatoion ng tatay eh! Nasan ba ang nanay niya? Huhuhu nakakaawa talaga siya…” Hindi alam ni Sabrina kung anong isasagot niya, habang ang lalaki naman na nasa kabilang linya, ay hindi na napigilang maging emosyunal. “U..umiiyak ba si Aino?”“Holden Payne. I..ikaw ‘to diba? Kami ni Sebastian…yung asa….yung kapatid mo… hinahanap ka namin.:Medyo matagal bago sumagot ang lalaki. “Nagkakamali ka! Hindi ko kilala kung sino ang sinasabi mo. Masama akong ta
Pagkauwi nila, dumiretso si Sebastian sa study room habang si Sabrina at Aino nalang ay naglaro nalang muna hanggang sa mapagod sila at trinulungan nila si Aunt Lewis na magluto ng gabihan. Pagkatapos mag gabihan, naligo si Aino at natulog din ng maaga. “Mommy, sige na. Icomfort mo na si Sebastian.” Nagulat si Sabrina. “Ikaw bata ka…anong sabi mo?” “Sebastian!” Nakangiting sagot ni Aino. “Aba! Bakit tinatawag mo ang daddy mo sa pangalan niya? Gusto mo bang isumbong kita para paluin niya ang pwet mo?” “Hmph!” Inirapan ni Aino si Sabrina. “Madalas daddy ko siya, pero kapag ganyan siya na nagseselos na parang bata, kaibigan ko lang siya kaya alam ko na kailangan ka ng kaibigan ko ngayon.” Patagal ng patagal, lalong nagugulat si Sabrina sa mga naiisip ng anak. “Ahhh… kaya hindi na kita kailangang patulugin?” “Tumpak! Kaya puntahan mo na siya, Mommy. Pagpasensyahan mo na si Sebastian. Mahal na mahal ka lang talaga nun kaya ganun yun.” Kung magsalita si Aino ay para bang kaed
Ang araw ay sumisikat nang maliwanag at ang hangin ay napakapresko. Ang ganitong klase ng panahon ay nagbigay ng masayang kalooban sa mga tao.Kaninang umaga, si Aunt Lewis ay lumabas para kumuha ng mga sariwang ani. Nung siya ay bumalik, may dala siyang isang malaking bouquet na lahat ay kakapitas lang. Nung oras na pumasok si Aunt Lewis sa pinto, nakita niya na bumangon na sa kama si Aino."Aino, nasaan ang daddy at mommy mo?" tanong ni Aunt Lewis."Shh..." Agad na sinenyasan ni Aino si Aunt Lewis para manahimik. Bumulong siya nang napakahina, "Ang daddy at mommy ko ay kinukumpleto ang misyon na binigay sa kanila ng lola ko sa tuhod. Binigyan ng lola ko ang mama ko ng isang sikretong recipe."Ngumiti si Aunt Lewis. "Anong klaseng misyon yan?""Ang misyon na ito ay para hayaan ang mga magulang ko na gawan pa ako ng munting mga kapatid," pagmamalaking sinabi ni Aino.Ang ngiti ni Aunt Lewis ay mas naging mahinahon. Matapos na tumigil, sinabi niya. "Kung ganon hindi sila pwedeng m