I've been the archer~
I've been the prey~
Who could ever leave me, darling?~
But who could stay?~
Kasalukuyan akong nagtotoothbrush ng marinig ko na may tumatawag dahilan para maagang mag-ingay si Mareng Taylor.
Me: Hey there. This is Gab Ibañez
Yanna: I know. That's why I'm calling duh.
Sakit talaga sa tenga ng boses netong si Yanna.
Me: What do you need? You are interrupting my toothbrush session.
Ang anghang na ng toothpaste sa bibig ko kaya nagmumog na ako habang dumadada si Yanna sa kabilang linya.Yanna: I'm hungry. Nasa byahe na ako. Tara kumain sa canteen bago magklase.
I looked at the clock. It's 9am. Eleven pa ang klase ko and three hours engineering drawing class pa yon.Me: Okay I'll dress up na. Wait for me sa canteen.
Yanna: Okay. I'm with El and Laine now. We will wait for you sa canteen. Bye. Love you mwa.
She ended the call pero ramdam ko pa din ang pandidiri sa mga huling salita nyang binitawan.
I started getting ready. Magbibihis na lang naman ako kasi tapos na akong maligo. Five minute walk lang naman ang pagitan ng dorm at school ko.
I comb my hair after putting my uniform on and did not bother to put a tint since kakain pa nga kami. I grab my bag and checked if andon na lahat. Nilagay ko ang airpods ko sa dalawa kong tenga. Binitbit ko ang backpack ko sa likod ko, phone sa kanan kamay, habang ang canister at t-square ay sa kaliwang balikat.
Lumabas na ako ng dorm at naglock ng pinto. Sakto naman na natanggap ko ang message ni Yanna na nandoon na sila.
Habang naglalakad naisip ko. Siguro kaya di na ako tumangkad, kakadala ko ng mabibigat na libro noon. Well atleast umabot naman ako sa five flat kahit papaano.
In my head I silently pray, "Lord baka naman. Kahit bebe lang na taga dala ng libro"
Tanaw ko na ang gate ng school. Tinry ko itap ang ID ko sa entrance pero dahil nga first year student ako ay di nanaman gumana so sa mini gate ako dumaan. Masama pa ang tingin sakin nung guard. Kasalanan ko ba na di ninyo nireregister pangalan ko, ha? Kasalanan ko ba ‘yon?!
Di ko na lang sya pinansin at nagdirestso na sa canteen. Agad kong natanaw si El na kumakaway.
"Ang taas naman ng energy mamsh." Bati ko kay El at umupo na sa tabi nya. Agad ko naman napansin ang nakabusangot na mukha ng katapat ko na si Laine.
"Hoy ate girl. San ka naman galing kagabi at mukhang nahigop ni El lahat ng energy mo? Puyat ka ‘te?" Umiling lang sya at ipinagpatuloy ang pagsimangot.
"Alam mo girl kakahotdog nya yan. O baka dahil sa hotdog yan" nagtawanan kaming tatlo na mas ikinaasar pa lalo ni Laine.
"Heh tara na nga kumain. Nalipasan na kayo ng gutom. Pati utak nyo pinasok na ng hangin"
Hindi ko alam bakit galit na galit itong isang ‘to. Baka natalo nanaman nung jowa nya sa 1v1 sa ML. The usual lang inorder ko. Lugaw pa din at itlog na nilagyan ng bawang, patis, kalamansi, at chili. Bumili din ako ng coffee in can kahit taliwas silang dalawa ng lugaw, eto pa din ang perfect pair ko.
Sabay sabay kaming umupo at nagsimulang kumain.
"Hoy alam nyo ba yung app na 7 cup?" Sabi ni El saamin na parang may hatid syang magandang balita.
"Ano nanaman ‘yan? ‘Di ka pa talaga nakuntento sa kakatinder at omegle mong hibang ka. Sabik na sabik na ‘te?" Sabi ni Yanna na mukhang nag eenjoy sa hotdog na inorder nya.
"Hindi yon dating app gaga. It's helping daw to cope with stress. Parang may mga bots don na therapists and listeners. Tapos pwede mo silang kausapin anytime. Tinry ko sya pero mukhang ‘di ko naman kailangan. Baka ikaw Gab, malay mo makatulong sa health mo." Ngumiti sya sakin at ako naman ay nacurious sa app na iyon.
"Natapos nyo ba problem set nyo? Tinamad na ako kagabi eh." Sa wakas ay umimik na din si Laine.
"Tinamad o naglaro kayo ng ML nung jowa mo tas tinalo ka nanaman sa 1v1 kaya ka nakabusangot kanina" banat ni Yanna.
"Hoy Maryanna Vargas wag mo kong inaaway. Baka nakakalimutan mo na may utang kang pamasahe sakin kagabi."
"Hoy ka din Elaine-"
" Ehem Elaine din ako" singit ni El kay Yanna.
" Ellaine Buenavista kasi hindi Ellaine Evans. Anyways eto na yung utang ko and di ko pa tapos problem set sa physics pero may kilala ako na tapos na" Sabay sabay silang tumingin saakin.
"Oo na eto na. Pasalamat kayo sinipag ako kagabi" Inalabas ko ang filler ko na pink at inilapag sa table. Buti na lang wala masyadong ginagawa ngayon. Halos kakastart lang ng second sem kaya di pa masyadong busy. Pero malapit na din magstart ng preparation para sa JS Prom ng org namin kaya for sure magiging busy na ulit. Last sem nakakapagod ang mga events lalo na at isa ako sa naging head non. This sem hindi muna siguro ako maghehead. Nakakapagod din naman iyon at gusto ko munang magfocus sa aking pag-aaral.
"Thank you Gabby!" sabi nila sabay sabay.
Maaga pa naman kaya sinimulan na nilang magsulat habang ako ay nagbasa ng ilang notes ko.
Makalipas ang isang oras ay nag-inat na silang tatlo. Ako naman ay kanina pang tapos sa pagbabasa at nagtitingin na lamang ng mga updates sa social media account ko. Almost 10:30 na kaya napagpasyahan na namin na magsimulang maglakad palabas ng canteen. Sa 4th floor pa ang department namin tapos di gumagana ang elevator.
Maaga kaming dumating sa floor at kahit halos di na makahinga sa pag-akyat ay dumaan pa din ‘yong tatlo sa cr habang ako ay kumakain naman ng ensaymada ko malapit sa pinto.
"Girl wala ka bang balak magliptint man lang. Ang putla mo nanaman oh" Sabi ni Yanna habang naglalakad kami papunta sa dulong classroom.
"Mamaya na lang. 3 hours engineering drawing tapos physics 2 hours ang sunod. Sa tingin mo di ako mamumutla mamaya?" Sabi ko matapos kong lunukin ang huling ensaymada ko sa araw na ‘yon.
Straight three hours kaming nagdrawing ng plates sa hallway habang ang sumunod na dalawang oras naman ay patuloy naming pinatay ang mga natitirang buhay na braincells sa utak namin sa pamamagitan ng pagsosolve ng physics.
Finally, natapos din ang klase ko. Alas kwatro na at kumukulo na ang tyan ko. Nakamessy bun ang buhok at halos mukha na akong zombie sa sobrang pagod ng utak ko. Hindi ko din talaga alam bakit ako nag engineering. Nakakamatay na kurso pala etong kinuha ko. Napagkatuwaan lang naman namin ito ng mga kaklase ko noon eh.
Nagkayayaan magtapsi ang buong klase sa may labas ng subdivision. Walang gustong magpaiwan kahit malayo pa ang uuwian nang iba saamin. May chika daw kasi etong iba naming kaklase at ang everyone ay interested marinig kung anuman yon kaya naman kahit mga taga-Lipa na malayo sa Batngas City ay sumama pa din.
Naglakad na ang karamihan saamin palabas samantalang ang iba naman ay nagkotse. Pagdating namin ay halos punuin namin ang kainan nila ate at hindi magkaintindihan sa pag order ang kwarentang mag aaral. Ganito ba kami talaga kastress at kagutom lahat?
"So ayun nga guys. May chika ako." Imik ng aming president na syang nagpatahimik at nagpakalma sa lahat.
Basta talaga chika bilis kumalma. Sinabi nya ‘yung sikreto na kanina nya pa ipinagmamalaki at hindi naman ako nagulat about don. Matagal ko ng alam na bukas ang batch meeting namin at election for the heads ng JS Prom. Wala naman akong pakialam doon dahil tapos na ang duty ko as head nung events last sem.
Pagdating ng order namin ay sabay sabay kaming kumain at nagtawanan ng konti bago tuluyang magsiuwi ang lahat. Ako naman ay bumalik sa dorm ko sa loob ng subdivision kasabay ang mga kaklase ko na doon din nanunuluyan.
Pagdating ko hinayaan ko na bumagsak ang katawang tao ko sa kama at nagcharge saglit ng phone. Binuhay ko ang aking laptop at nanood ng ilang episodes ng kdrama at di ko namalayan na napahipig ako.
Nagising ako sa boses ni Mareng Taylor na kumakanta ng Archer.
Me: Hey there. This is Gab Ibañez.
Medyo inaantok pa ako pero nagawa ko naman bumangon at maglakad papunta sa bathroom.
Mommy: Salamat sa pagconfirm na di pa naman nanakaw ang phone ng anak ko.
Me: Hi ma. Napaidlip ako pagdating eh di ako nakachat. Kumusta po?
Mommy: Are at ako'y nagluluto. Ikaw ga ay nakakain na? Tutulog ka nanaman nang hindi kumakain ha.
Mommy: Nagtapsi kami kanina buong klase paglabas. Pero kakain ako ulit. May kanin pa naman ako. Magluluto ako ng buffalo wings"
Me: Oh sya sige na magluto ka na at alas syete na. Mag iingat ka palagi diyan. Ang pinto wag kakakimutan ilock. Baka ilock mo nga tapos naiwan mo nanaman susi mo sa labas ha. Babye na labyu
Mommy: Bye ma. Love you too. Ingat din po kayo
Sinimulan ko ng magluto pagkatapos ibaba ni Mommy ang call. Narinig kong may kumakatok sa pinto. At base sa oras ngayon malamang tama ang hinala ko kung sino yon.
"Sino yan?" Tugon ko sa katok.
"Makikikain po at magbabayd na din ng upa." sagot ni Mark mula sa labas. Pinagbuksan ko sya ng pinto at tumuloy naman sya. Si Mark ay parang kapatid ko na. Madalas syang pumupunta dito kapag nagugutom sya. Madalas may dala syang lutuin na ulam tapos ipapaluto nya sakin. Kagaya ngayon may dala syang chicken.
"Ilagay mo na lang yang chicken na dala mo sa freezer. Dinamay na kita dito" sabi ko at ginawa naman nya.
Dito din nakatira sa buildang na ito si Mark. Kagaya ko ay solo din sya sa dorm. May kaya sila sa buhay kaya medyo spoiled sya sa kanyang magulang. Ang alam ko ay taga Lipa sya kaya nagdorm sya dahil mahirap mag uwian, bukod sa traffic ay nakakapagod din naman talaga magbyahe. Hassle 'yon at sayang pa sa oras.
Matapos namin kumain ay nagpaalam na sya. May gagawin pa daw. Ako naman ay iisa ang klase bukas kaya nagskin care at naglinis na lang ng katawan. Pagkatapos ko maligo ay humiga na ako.
Naalala ko yung about sa sinabi ni El na app saakin.
"Install ko kaya?" Sabi ko, kausap ang aking sarili. Wala namang mawawala sakin kung susubukan ko.
Lumabas saaking screen ang registration. Niregister ko ang pangalan ko as Gab Ibañez. Inexplore ko ng konti at saka nagtap doon sa find listener. Inilagay ko na preferred ko na tagalog.
Lumabas sa aking screen na ready na daw ang listener ko. May ilang katanungan na lumabas doon para ievaluate ang current condition ko.
Madaming lumabas na mga listener pero hindi ako makahanap ng taong comfortable ako. Kadalasan din ay american or indian sila. Halos sumuko na ako nang may matagpuan akong medyo okay na din na listener.
Listener: Hi Gab Ibañez. Kumusta ka? Ako nga pala si Knight, your listener.
Me: Hi! Cute naman ng pangalan mo.
Knight: So how are you? Based sa previous interview sa’yo, you’ve been alone for the whole sem? What are your thoughts? How may I help you?
Me: I am just sad. Super sad. Miss ko na sila Mommy. Almost two months na ako di umuuwi saamin. I miss them. Miss ko na luto nya. I wanted to cry but my eyes always fail me.
Knight: Bakit hindi ka umuuwi? Hatid kita doon gusto mo?'
Me: Di naman dapat hinahatid kapag di jowa eh. Para di naasa :<
Knight: So kaya ka nandito eh hindi dahil namimiss mo na mommy mo. You miss that person na hinatid ka pero di nagcommit?
Me: Diba tama naman ako? Hinatid sundo, sinabihan na mag iingat palagi, kumain on time, wag papalipas ng gutom, wag papakastress, wag malulungkot. Tapos di jojowain. Kapag hulog na hulog na saka igoghost. What kind of human ang gumagawa ng ganon ha?'
Knight: Chill. Baka kasi nafeel nya na di sya para sayo kaya ganon. Maybe you are too much for him to handle. Ganoon naman madalas eh.
Me: Eh bakit di sya mag explain? Bakit hindi nagpaalam? Joke ba sya? O ako yung joke?
Knight: Cute mo naman na joke.
Me: Ay ang harot na bot. Bat ganon?
Knight: I’m not a bot Gab. I’m a real person.
Me: Wth???! I just open up to a real stranger, dude!
Patay talaga sa’kin bukas si El. Ang sabi nya Bot daw mga listener ditooo!!!!
Knight: Your secrets are safe with me. Going back. If you think that you really need explanations and closure, talk to him. Find what your heart seeks para mawala yang sama ng loob mo. But always be careful with the ghost, okay?
Me: I don’t think I could talk to him. I mean, marupok ako. Baka kapag sinabi nya na ‘let’s go back together’ eh bumalik nga ako :<
Knight: Talk to him when you are ready, when you think you are brave enough to resist your own emotions toward that person. Update me. Pwede mo naman ako kausapin anytime.
Me: Thank you. Please keep this as a secret. Ang galing pala ng app na to eh. 5 star to sakin sa store.
Knight: Sure, Gab. Want to talk more? Or may class ka and you have to sleep?'I
Me: Thank you so much! I have to sleep na.Knight: Okay good
night. Sleep tight. I'll check on you tomorrow morning.Napakapafall naman ng listener na iyon. Akala ko nung una ay bot talaga sya. Napakastraight forward naman kasi n’yang tao. Siguro ganoon talaga ang trabaho nilang mga listener. Pero at some point, helpful sila ah.
Pinatay ko na ang cellphone ko at ichinarge ko.
Di ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lang ako sa alarm ko. 5:45am na at 7am ang klase ko.
Pagpasok ko sa classroom ay nakita ko kaagad si El kaya lumapit ako at hinigit ang buhok nya. Halata sakanya na puyat sya pero sinusubukan pa ding lumaban.
“Anooo?! Bakla ka ang aga aga nananakit ka!” pikon na pikon nya sabi.
Umupo ako sa tabi nya at tinitigan sya ng masama.
“Bwisit ka talaga. Sabi mo bot yung mga andon sa 7 cup! Eh totoong tao naman yung listener eh! Nakakahiya tuloy, nag open up ako sa di ko naman kilala!” Sigaw ko din pabalik sakanya. Sa halip na mag -alala ay nanlaki ang mata nya na parang excited na excited malaman ang nangyari.
“Totoo?! Shit ka!! Dapat di ko inalis. Malay mo don ako makatagpo ng sugar daddy!” Sabi nya sabay tawa sa sinabi nya.
“Wala ka talagang kwentang tao. Bwisit ka” Inirapan ko sya at naglabas ng notebook at balpen. Malapit na magklase.
“So lalaki ba nakausap mo? Yummy ba?” sabi nya habang taas baba ang dalawa n’yang kilay na parang nang-aasar pa.
“Hindi ko natikman, girl. Kaya hindi ko alam kung yummers., okay?” pagsusungit ko sakanya.
“So lalaki nga?! Ang harot mo!” kinikilig n’yang sabi at hinampas pa ako ng gaga.
“Sinong may lalaki? Gab nanlalalaki ka? Akala ko ba kayo nung basketball player?” singit ng mga chismoso ko na kaklase.
Sakto naman na pumasok si Laine at Yanna kaya lalo pa akong inasar nung tatlo. Mabuti na lamang at pumasok na Sir.
data-p-id=14333bedd590687a90abc983e275d179,Halos sobrang boring ng buong araw ko. Umattend lang ako ng Art Appreciation ko na klase at pagkatapos noon ay inaya akong maglunch ng dalawa ko na senior highschool friends na dito din sa campus.
Tinagpo ko sila first floor ng building dahil halos kakatapos lang nila ng klase. Nagmamadali ako sa pagbaba dahil miss na miss ko na sila at balak ko nga sabihin sakanila yung about sa listener ko.
“Ma! Dahan dahan naman. Di naman kami nagmamadali.” Bungad saakin ni Cassandra at niyakap ako nang makalapit ako sakanila.
“Ma namiss kita. Di tayo sabay ng sched kagabi. 9pm na ako natapos sa last class ko.” Sabi naman ni Paulo at niyakap din ako. Halata sakanya na stress na stress sya sa kurso nya. Wala kasi silang ginawa kundi magdrawing at magpaint ng mga plates dahil Interior Design ang kinuha nya.
“Oh sya tara na. Ikain na lang natin yan. Saan nyo gustong kumain?” sabi ko at nagsimulang maglakad. Napagkasunduan namin na magSM Batangas dahil wala na din namang klase. Nagbunchon na lang kami dahil nag aaway pa itong dalawa kong kasama pero pareho naman chicken ang gusto nila. Umorder lamang ako ng honey glazed na chicken at Bingsu para sa dessert.
Halos dalawang buwan na ang nakakalipas hindi pa din ako nakakauwi kay Mommy. Sobrang miss na miss ko na talaga sila ng kapatid ko. Si Daddy naman once in a while tumatawag kapag nagkakasignal sa barko.Ichineck ko ang phone ko dahil halos sunod sunod ang vibrate nito. Nakita ko ang ilang reminders sa gc ng klase namin.
Nakita ko din sa notification ko ang message ni Knight kaninang umaga. Binuksan ko iyon.
“Good Morning Gabby. Have you slept well? I hope you do. Keep Safe. Knight? Sino yon, Ma?” Malakas na basa ni Pau na kanina pa pala nakatingin sa phone ko.
“Ma sino yan ha?! Knight? Sino ‘yon?” nanlalaki ang matang tanong ni Sandra.
Ikinwento ko sakanila ang mga pangyayari. Naikwento ko na din naman ito kay Sofia, bestfriend ko, kaya wala ng dahilan para itago ko pa sakanila.
Pagkatapos ng lunch namin ay nagkwentuhan lamang kami ng konti at umuwi na din. Pagdating ko sa dorm ay nadatnan ko na naka-abang sa pinto si Mark at may hawak na calculator at madaming papel.
“Ang tagal mo naman. 3 minutes na ako dito.” kinuha nya yung bitbit ko na grocery at binuksan ko naman ang pinto.
“Bakit nandito ka nanaman? Nagsasayang ka lang ng bayad sa dorm mo eh. Palagi ka din naman nandito. Dito ka na kaya makitira.” Sabi ko at inirapan ko sya.
Niyakap nya ang sarili nya at nagkunwaring nag-aalala.
“Ayoko nga. Baka gapangin mo ko habang tulog ako.” sabi nya at humalakhak.
Binato ko sya ng isang balot na tissue role pero sa halip na magalit ay mas lumakas ang tawa nya kaya naman napairap na lang ako.
“Turuan mo kasi ako neto” lumingon ako para makita ang hawak nyang handouts.
Calculus. Napahinga ako ng malalim. Nagpaalam ako na magpapalit muna ako ng damit. Ang nalalabing oras ng hapon ko ay ginugol ko sa pagtuturo at pagbatok kay Mark dahil hindi nya ako sineseryoso. I mean ‘yong inaaral namin.
Nang matapos kami ay nagdinner na at umalis na din sya pagkatapos nya hugasan ang pinggan. Ako naman ay naligo na at nagskincare. Handa na akong matulog nang maalala ko na may chat nga pala si Knight kaya nireplyan ko muna sya.
Me: Hey Knight. Okay naman ako maghapon. Naghang out kami nung mga close friends ko. Pag-uwi ko naman nandito si Mark sa dorm, nagpaturo ng Calculus at nakikain ulit.
Typing…
Akala ko ay hindi sya online.
Knight: Who’s Mark? Lagi ba s’ya nasa dorm mo?
Me: Kabuilding ko sya. He’s like a brother.
Knight: Okay. I just need to know for future references.
Me: Hmm okay then. Matutulog na ako. Good Night.
Knight: Okay. Goodnight. Sleep well.
Pumikit na ako at hinayaan na hilahin ng antok ko.
Nagpatuloy lang ang araw ko. Paulit-ulit lang. Ang araw ay naging linggo at naging buwan hanggang sa malapit na magfinals. Nagpatuloy din na maging online diary ko si Knight. Kahit papaano ay natutulungan nya ako sa mga thoughts ko. Naging part na din saakin na kausapin sya before the day ends.
It is Sunday night and I am already in bed holding my phone. Nagbrowse ako ng ilang messages habang hinihintay ang laptop ko na matapos sa pagdadownload ng ilang mga lectures na gagamitin ko sa review ko this finals.
I was about to turn off my phone when a chat suddenly pop out. It was Knight.
Knight: Hey. You busy rn?
Me: Hindi naman. Just downloading some school stuff na gagamitin ko for the review this coming finals. Why?
Knight: Just checking on you. You haven’t chatting for days now then I saw you online. How are you?
Me: Oh sorry. Medyo busy with school and org. Nabanggit ko ba sa’yo yung about sa JS Prom? We are currently working with the design of the place and mga invitations din. I also have to guide the new head of the design team since ako yung nasa place nya last sem’s event. What’s up with u? you sound so sad.
Knight: I’m okay. Just confuse with some matters pero I’ll work it out. Don’t overwork yourself.
Me: yeah. Thanks for the care, care bear hahahahaha jk.
Knight: I have something to ask.
Napairap ako sa hangin dahil di man lang nya pinansin ‘yong joke ko.
Me: What is it, serious head?
Knight: Would you have dinner with me?
I am shookt. I mean I won’t mind. He’s like a close person to me, not really a friend kasi we never hang out. He knew about my thoughts that my bestfriend, Sofia, only knew.
Me: Maybe. I owe you a lot. You helped me out so maybe I won’t mind. If ever there will be a chance, let’s do it. Let’s have dinner.
Knight: That’s good to hear. I thought you don’t trust me enough to say yes.
I told him na I have trust issues due to some unfortunate events in the past. But I have this feeling towards him na I could trust him . Maybe because we started talking in weird ways and naging comfortable na ako ‘cause he always try to listen.
Me: Actualy, I kinda trust you. I’m telling you things that only Sofia knows. It’s weird that I learned to trust a stranger like you.
I hope I don’t regret this.
Knight: Thanks.
Iyon na yon? Parang di nya naman naappreciate.
Me: hey. I wanna tell you na I will talk to him soon. Before this sem ends.
Knight: be careful. Don’t talk to him sa tago na lugar and always secure yourself, physically and emotionally. I’m always here. Update me.
Me: Thanks. I have to sleep na. I have class. Physics :<
Knight: Easy sa’yo yan eh.
Me: Nah. I have to go. Good night. Thanks again.
Knight: No Prob. Good Night. Sleep well :>
I turned off my phone and my laptop. Dumeretso na ako ng tulog dahil magsisimula na ako magreview bukas ng umaga. Tanghali pa naman kasi ang klase ko.
The time became my enemy for this week. Siguro dahil na din sa sobrang daming work load, both acads and org. Next week would be the week before finals. Nakapagstart na naman ako sa reviews ko. Isinisingit ko din ang pagduty sa design team since nagstart na kami magpaint ng standee while I edit the invitation layout.
Kahit busy, I always update Knight pa din pero whole na sya di nagrereply. Maybe he’s busy. Nabaggit nya na may studies din sya last time. I’m wondering ‘bout it pero I did not bother to ask.
I am currently dressing up to meet Sofia. Kakain kami ng lunch then manonood kami ng sine and maybe have dinner din together.
I miss her so much. Magkaiba kami ng school ngayong college kaya naman di kami nagkikita. Birthday ko pa nung huli kaming nagmeet.“Babes!!” Sofia waved her hand for me to see her.
Nasa Tokyo Tokyo kami sa SM Lipa ngayon and sobrang dami ng tao.
“Ghad ang daming tao and ang hirap mo hanapin, alam mo ba yon?” Sabi ko sakanya at ngumisi.
“Alam mo you haven’t change. Alam ko yon ‘cause I’m a small bean that’s why I waved.” She said a little annoyed pero still handed me my tempura meal.
“Oh you ordered for me na. How nice for you Princess Sofia.” I said, laughing.
She hates it when I call her Princess Sofia. It suites her naman. She’s small and cute.
“Annoying pa din. Anyways how’s life and school? Kumusta kayo ni Knight?Is Mark still bugging you? Have you seen Pau and Cassy this days?” Sunod sunod nyang tanong while cutting her chicken.
“Ang dami namang tanong, piso isa ah.” I said at sumubo na.
“Ay nako Gabriela Victoria Quiznos Ibañez. Sumagot ka naman ng matino” Mukhang pikon na pikon na sya pero gusto ko pa din s’yang asarin.
“Ay nako Sofia Azrael Balendez Ramos. Okay naman ako. Mia si Knight and makulit pa din si Mark. Naglunch kami ni Pau and Cassy last time diba pero wala pa ulit” I mocked her para mas maasar sya.
“Hmp. You miss so much kaya inaasar mo ko.” She pointed out.
“Oh well that’s true” I agreed.
“Hey babes, how are you? Have you been eating well? You seems thinner than the last time I saw you. You know how important eating is specially sa’yo. Di ba sumasakit stomach mo? How about your period?” Natawa ako kahit alam ko na seryoso ang usapan. Halata kasi sakanya na sobrang nag-aalala sya for me.
“I’m okay. Sumakit tyan ko last time, Nurse Sofia. Pero don’t worry. Mild lang naman. Atsaka I have my check-ups.” Ngumiti ako sakanya for assurance.
She smiled back but not fully convinced with what I said. She knows me well. Maybe more than I know myself.
“Let’s go have some popcorn before manood. My treat ‘to kaya wag ka na aangal dyan.” Sabi nya at hindi na ako hinitay na sumagot. Dumeretso na s’ya sa ticket claiming booth para kuhanin ang reserved tickets namin and nagdiretso sa snack bar. Bumili sya ng drinks and popcorn at nanood na kami.
Lumabas kami pareho ng sinehan na mind blown sa pinanood namin. We shared stories over simple dinner at umuwi na kami.
“Bye. Take care ha! Your meals and meds, don’t forget. Love you” She kissed my cheeks and hugged me tight.
“I’m always here for you, babes” kumalas na sya sa yakap nya. I smiled at her.
“Love you too, Princess Sofia.” She ran towards the van na sasakyan nya pauwi.
Magkahiwalay kami ng sakayan kaya we just waved our goodbye and went separate ways.
The week feels so tiring. Halos gabi na ako umuuwi. Tambay lang kami nila Yanna sa study area or library dahil sa pagrereview. Plates, reviewer, paint brush, libro at highlighter ang naging bestfriend ko buong week.
"FINALLY NATAPOS NA LAHAT. TWO DAYS LEFT PARA MAKAUWI NA" sigaw ni Yanna habang nagbabanat ng katawan na nanghina dahil sa pagsasagot ng Integral Calculus namin na exam.
"May isang bata dyan distracted. Di ko alam kung dahil ba kakausapin nya na yung ghoster nya o dahil excited makausap yung listener nya sa 7cup” puna ni El saakin.
“Kakausapin ko lang naman si Lloyd for clarifications. Atsaka anong excited kausap yung listener. Kahit naman maexcite ako ay lugi ako don. Hindi na nga nagpaparamdam ‘yon eh." napatigil ako sa pagsasalita dahil tumigil silang tatlo sa paglalakad.
Magsasalita pa sana sila Yanna ng biglang may sumulpot ang pamilyar na lalaki sa likod ko.
"Gabby. Tara na mag usap. May training pa ako" he said with his very bored voice.
"Sige na guys mauna na kayo. Update ko na lang kayo pag uwi ko mamaya.”
Agad naman silang umalis. Naramdaman siguro nila ang awkwardness sa ilalim ng puno na ito sa may tabi ng gym. Medyo madilim na din dahil alas sais na pero madami pang students na nag aayos para sa mga organizational events nila.
"So anong gusto mong pag usapan natin Gabby?" Bungad nya. Ganon pa din ang itsura nya mula nung huli ko syang nakita. Di ko alam kung iniiwasan nya ako o talagang hindi kami pagtagpuin ng tadhana kahit nasa iisang campus kami.
"Stop calling me Gabby. I just want to know your reasons kung bakit mo ginawa yon and-" di na ako nakatapos ng pagsasalita kasi sumingit na sya.
" It's your fault."
"Excuse me? How come it is my fault?"
"Sobrang kulit mo. Ang needy mo. Ang dami mong gusto. Ang arte mo sa pagkain. Gusto mo araw araw tinetext kita. Hatid sundo ka na nga sa dorm mo gusto mo kasabay mo pa ko kumain kapag sabay tayo ng free time. Napaka clingy mong tao." Sabi nya and it hits me straight through my chest. I never knew na ayaw nya yon.
"I was like that ever since. Ikaw ang nagbago Lloyd. You used to call me ever morning and every night. You used to get food for me kapag may class ako in between meal time. You used to cling on me more than i cling on you. Sinanay mo ko na ganon kaya akala ko gusto mo na ganon din ako sayo. You should've told me sooner. Hindi yong pinag iisip at pinapatay mo ko ng paulit- ulit gabi gabi."I’m in rage. Hindi ko alam kung sakit o galit ba ang nararamdaman ko. I kept this for a long time inside me. Kapag hindi ko ito inilabas, it will always hold me back.
" Hindi ko naman sinabi na mahalin mo ko ng ganyan kalalim. Biruan lang naman to eh. Ganun naman talaga ang buhay. Atsaka bat mo pa ba nililinaw to? As if naman may magtitiis sayong lalaki eh napakaarte mo." I never knew that word 'maarte' that i used to hear in my whole life would hurt this much.
"May taong kaya akong tiisin. Yung kaartehan at kadramahan ko. I met him now. At I am proud to say na we are over. I found the real man na unlike you ay mang iiwan na lang basta basta. Kaya ko nililinaw to kasi I don't want anything na sisira sa relasyon na meron kami ngayon." Pag sisinungaling ko.
"Ah talaga? Sino naman yon?" Sabi nya habang nakangisi. Isip-isip nya siguro ay panalo na sya.
"Si Knight. Boyfriend ko. Mauna na ako. Baka nag aalala na yon. Alam nya na makikipag usap ako sa isang demonyo eh." Sabi ko at tuluyan ng umalis. May sinabi pa sya pero di ko na pinansin.
Nagmadali akong umuwi at nagmamadali din ang mga luha ko na pumatak mula sa mga mata ko. Pagdating ko sa dorm ay agad akong nahiga at iniiyak ko ang lahat ng luha na kayang iluha ng mata ko at dinama ko ang lahat ng sakit ng kayang maramdaman ng puso ko.
Hindi ko alam kung kasalanan ko ba talaga o sadyang gago lang si Lloyd. I wanted to scream on his face pero di ko magawa. Hindi ako nasasaktan sa taong iyon, nasasaktan ako sa mga sinabi nya. Sobra sobra yon para sa puso ko na may pagkagulat pa sa katotohanan.
Ichinat ko si Knight pero hindi sya online. Sinabi ko na nag usap na kami ni Lloyd. Lumalim ang gabi pero hindi pa din sya nag rereply.
Huminga ako ng malalim at binasa ang chats ko sakanya this week na hanggang ngayon ay di nya pa nerereplyan.
“Hey. I am so tired with schoo stuff. How are you? I hope makapasa ako this sem. Super hirap :<”
“Kakauwi ko lang. Rest time na. Almost 9 na kami nakauwi from group review”
“Hi! You haven’t replying. You busy with school too? I have a lot of kwento na :<”
“Hey. I’ll talk to Lloyd bukas. Wish me luck. Hope you are okay”
At ang huli ko na message.
“I talked to Lloyd. He’s an asshole. I’m super sad. Need you rn :<”
Siguro mali ako sa sinabi ko kay Lloyd. Pareho lang sila ni Knight. Kapag walang wala na ako, nawawala na rin sila. Akala ko ba makikinig ka palagi sakin Knight? Akala ko ba hanggang may nararamdaman akong sakit andyan ka? Asan ka na ngayon?
You should have told me sooner na mawawala ka. Nakapagprepare sana ako.
~END OF CHAPTER 1~