Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Hindi naman siguro ako uminom kagabi? Bumangon ako sa kama at pagtayo na pagtayo ko ay bote ng Pink Gin ang nasipa ko. Mukhang wasted na wasted na talaga ako at nakuha kong ubusin itong laman ng isang bote mag isa.
Chineck ko ang phone ko pero di ito mabuhay kaya ichinarge ko muna. Naligo ako at napag isip isip ko na kailangan ko magluto ng almusal at maglinis ng konti.
Saglit akong kumain pagkatapos magluto at nag ayos ng dorm. Inempake ko na ang aking mga gamit na iuuwi sa bahay. Halos dalawang linggo din ang bakasyon namin bago magsummer class. Siguro naman sapat na yon para makapag isip isip ako.
Matapos ang kaunting linis at kaunting drama ay naghanda na ako sa pagpasok. Nafull na ang charge ng phone ko kaya agad ko itong binuhay. Sunod sunod ang tawag sa isang unknown na number at may iniwan din s’yang message.
375 missed calls??????!
From: +6394546*****Gab Ibañez I'm coming to your campus tommorow. Don't you ever dare ditch me, you drunk head.
I have no idea kung sino to. Chineck ko ang notification ng messenger ko. Malinis naman at walang bahid ng kalasingan ang aking messenger. Ganon din ang twitter ko. Bukod sa sunod-sunod na messages ni Sofia at friends ko ay wala namang naligaw na kung ano.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang 7cup ko na app."ANUBANAMAM YAN GABRIELLA VICTORIA QUIZNOS IBAÑEZ! ANONG KATANGAHAN BA NAMAN YAN?!!" Sigaw ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng dorm ko at iniluwa ang apat na curious na tao sa harap ko.
"Gabby! Ghad pinag alala mo kami!" Niyakap ako ni Mark pero agad din syang bumitaw nang marealize nya na awkward ang everyone.
"Kagabi pa kami nag aalala sayo. Sabi namin kay Mark pasukin ka na kapag may kakaiba siyang narinig. Pero sabi nya mukhang wala ka daw. Patay daw ang aircon at electricfan mo. Akala namin ay umuwi ka na." Sabi ni Yanna. Bakas sa mukha nila ang pag aalala.
" Sorry medyo nadala ako ng emosyon ko kagabi eh. Eto nga may problema nanaman ako" Sabi ko sakanila.
"Problema mo ba na sasakit ang tiyan mo kasi naubos mo yung pink gin na yon?" Pauna ni Yanna.
"O baka naman nagkabalikan na kayo ni Lloyd" sunod naman ni Laine
" Or accidentally ka napaamin kay Knight na nahuhulog ka na sakanya dahil nga lasing ka kagabi" dugtong ni El.
"Or masakit ang ulo mo at di mo alam paano ka papasok ngayon?" sawsaw naman ni Mark.
" Tama lahat maliban sa nagkabalikan kami ni Lloyd. Super eww yon" sabi ko. Nagulat silang lahat sa sinabi ko at sabay sabay na sumigaw ng...
" UMAMIN KA KAY KNIGHT?"
"SIRAULO KA BA?""ANO KA NA?""TANGA KA BA?""PANO KUNG KRIMINAL YON?"Huminga ako ng malalim. Hindi ko din naisip na mangyayari ito. I grabbed my bag and we headed out.
“Girl baka gusto mo magkwento ‘no?” pagbabasag ni Maryanna sa katahimikan habang naglalakad kami papuntang school.
“Lloyd and I just talk it out. His statements last night wreck me so I got wasted. Then I don’t exactly know what happened next pero may nagtext sakin at nagcall na unknown number. Here.” I showed them my phone and sinulyapan lang ‘yon ni Mark at may binulong. Hindi ko naman naintindihan iyon. Itatanong ko na sana pero umimik na si Laine.
“Baka si Knight ‘yan? The person called you Gad Ibañez so there is a high chance na sya ‘yan.” Laine said.
“More likely. Pupunta kaya sya dito? Like di nya naman alam ang address mo, ‘di ba?” Sabi ni El.
“Bakit ba kasi nalaman nya na lasing ka kagabi?” nakangisi na tanong ni Yanna.
“Kasi ano. Minessage ko sya.” Nakayuko ko na sagot.
“Anong sabi mo?” Sa wakas ay umimik na din si Mark. Kanina pa s’ya bumubulong pero di ko naman maintindihan.
“Eto oh.” I showed them my phone once again.
Me: Anoi ns hhga? Tataknbo klja jnalang dibn? Pare-parehnp kjayoooooo.
“Wrong move. Pero baka naman di nya naintindihan. Tanga mo magtype eh.” Sinamaan ko ng tingin si Mark dahil sa sinabi nya na ‘yon.
“Atsaka di mo naman sinabi sakanya ang address mo diba?” Napahinto ako sa tanong ni Yanna.
Hindi ko din binigay kay Knight ang number ko. Kung s’ya man ‘to, baka may access sya sa personal profile ko sa app. So malaki ang chance na alam nya kung taga saan ako at kung saan ako nag aaral. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok sa school kasabay ng mga kaibigan ko.
Itinext ako ni Pau na sasabay daw sya sakin pauwi. Sinabi ko na malelate ako baka 6pm na ako makaalis sa school dahil magpipinta kami ng standee. Halos maghapon ay pagpipinta lang ang inatupag namin dahil wala na namang klase. Pumasok lang kami to complete requirements for the sem at para na din sa mga events task.
Almost 6pm na kami nakatapos kaya naman nagpalit na ako ng uniform. Baka kasi maharang nanaman kami sa gate kapag di kami nakauniform palabas. Naglakad kami sa pababa ng building. May kaunti pa namang liwanag. Matagal dumilim ngayon dahil magsasummer na. Nag check lamang ako ng phone at tiningnan ang mga messages. Wala namang text galing doon sa number. Lumampas ako sa gate at nginitian yung guard at nagpasalamat.
Tutuloy na sana ako papunta sa dorm nang biglang may humila sa bag ko. Bahagya akong napahakbang palikod at sinubukang ibalance ang sarili ko.
“Ano ba?!” Sigaw ko at tumingala sa lalaki na humila sa bag ko. Hindi ko sya kilala at hindi din sya taga dito sa school dahil iba ang logo sa uniform nito.
Napatigil din ang mga kaklase ko sa paglalakad at tinatanya kung kukuyugin ba nila yung lalaki o hindi.
“I’ve been standing here for a while now and you will just walk pass me? I cannot allow that, Gab. I told you not to ditch me.” Sabi nung lalaki na seryoso ang mukha at may matalim na tingin. Binitawan nya ang bag ko at ako naman ay tumayo ng maayos.
“Knight” Iyon lamang ang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Dumeretso naman na ang ilan sa mga kaklase ko pero sila Yanna ay nagpaiwan.
“Let’s talk. You’re going home right? Ihahatid kita.” Sabi nya at sumabay ng paglalakad saakin.
“Hindi na. Kukuha pa ako ng gamit sa dorm at magpapalit pa ako ng damit. Baka gabihin ka pa pauwi sa Lipa.” Napansin ko kasi na isang prestigious sa Lipa ang pinapasukan nya.
“I live here in the city.” Binuksan nya ang pinto ng sasakyan na malapit saamin.
“Besides, hindi naman iyon question. Get in the car and tell that to your friends too.” Iniwan nya na nakabukas ang pinto at umikot sa kabila. Lumingon ako kila Yanna and I gestured na sumakay na sila.
Agad naman na sumakay ang mga kaibigan ko sa likod. Tumingin ako kay Knight saglit. Sinusubukan kong imemorize ang mukha nya kahit side profile nya lang naman ang nakikita ko.
“Where’s your place?” he asked, still focusing on the road.
“Liko ka lang dyan sa unang kanto tapos don sa dulo yung apartment ko.” Sabi ko at humarap na din sa unahan. Sinunod nya lang ang instructions ko.
“Dyan mo na lang itigil. Mabilis lang naman ako. Gusto mo ba pumasok?” Tanong ko. Tumango lang sya. Tumingin ako sa likod. Agad namang bumaba ang mga kaibigan ko.
“Gab!” salubong saamin ni Mark. Mukhang pauwi na din sya sa kanila.
“Uwi ka na din?”Tanong ko sakanya.
“Oo eh. Kulit ni Mama. Tawag ng tawag. Hatid ko na kayo sa sakayan. Dadaan din naman ako don.” Sagot naman nya at hinila ang pinto nya.
“Kami na lang ihatid mo. May sundo kasi si Gabby.” Sagot ni Yanna.
“Ay oo nga pala. Mark si Knight. Knight si Mark.” Pagpapakilala ko sa kanila. Matalim na tiningnan ni Knight si Mark bago inabot ang kamay na iniooffer nito.
"Tara na guys. Medyo dumidilim na. Magbabyahe pa kayo. Pano ka?" Sabi ni Mark at humarap saakin.
"I'll be fine. Ingat kayo ah. Hahatid daw ako ni Knight sa bahay." I assured him. Tumango lang sya at sumulyap ulit kay Knight na nasa likod ko. Sumakay na din agad sila Yanna sa kotse ni Mark at umalis na.
"Tara sa loob." Sabi ko at binuksan na ang pinto.
"So that Mark... Is he your crush or something?" He asked habang nagmamasid sa room ko.
"Nope. He's just a close friend atsaka neighbor ko din dito." I said. I put my charger and my laptop inside my bag and checked some important stuff.
"Uhm let's go? Sorry I can't offer you anything here. I'm out of supply 'cause I had to consume it all before summer break." Nahihiya kong sabi. Seryoso pa din ang mukha nya. Medyo natatakot na ako na ewan sa kinatatayuan ko.
'Galit ba sya?' bulong ko sa isip ko.
"Let's go. It's getting late." Sabi nya at lumabas na. I just made sure na walang nakasaksak or buhay na anything then I locked it.
Sumakay na ako sa sasakyan and he drove. I stared at my phone wondering if I'll call my Mom. Hindi naman ganon kastrict ang parents ko pero I don't know how the hell I'll explain that I'm inside the car of a person that I met for the first time, personally.
"Call your mom or anyone at home. We'll have dinner first. It's almost 7pm." I just looked at him and started to wonder if he could read my mind. Di na ako nagprotesta kasi nga natatakot ako sa seryoso nya na mukha. I called my mom and she picked up.
Me: Hey Mom. It's Gabby.
Mom: Anak, asan ka na? Wag mong sabihin di ka nanaman uuwi?
Me: Uuwi po ako. May maghahatid sakin, Ma. Magdidinner lang po muna kami. Okay lang ba?
Mom: Ha? Sino naman yan? Wag mong sabihin na panibaging basketball player nanaman ah? Sabi ko sayo tigilan mo na iyang paggusto sa mga bad boy na iyan ha.
Me: Hindi, Ma. Kwento ko na lang mamaya.
Mom: Oh sya sige basta mag-iingat ka. I-loud speaker mo nga may sasabihin ako.
I just follewed her and gestured to Knight that my mom wanted to say something.
Me: It's on.
Mom: Take care of my girl ah? I'll hunt you down if something happened.
My eyes widened with her last remarks.
Me: Ma!
I mouthed 'sorry' to Knight and he just smiled. For the first time, he smilled.
Knight: Well noted, ma'am.
Mom: Good. Take care. Drive safe. Gabby be a good girl ah. Bye. Love you!
Me: Bye. Love you too. See you later.
My mom hang up and I immediately turned to Knight with an appologetic eyes.
"I'm really sorry about my mom." I said while replying to some messages.
"It's okay. Do you eat steak?" He asked. I looked at him and nodded.
"Yeah. Why?" I answered. Nagkibit balikat lang sya at lumiko sa isang restaurant.
Maliwanag ang restaurant na iyon at mukhang mamahalin.
"Let's eat here." Madaming helera ng restaurant dito pero lumingon ako at nakakita ng isang Jollibee malapit.
'I'll just bring take out mamaya.' Sabi ko sa isip ko. Napansin nya siguro na nakatingin ako sa Jollibee.
"You wanna eat there instead?" Sabi nya at itinuro ang malapit na Jollibee ang baba nya.
"Hindi. Anywhere is fine. I'll just buy some take outs mamaya." Magsisimula na sana akong maglakad pero hinila nya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
"Let's eat somewhere you'll enjoy." Nagsimula na syang maglakad at sumunod na lang ako dahil hindi nya pa din ako binibitawan. Nakatingin lang ako sa likod nya.
Kahit likod lang nya, gwapo pa din.
Binuksan ng guard ang pinto at agad namang humampas sa mukha ko ang malamig na hangin mula sa loob. Sa wakas ay binitawan nya na ako.
"Thank you po, Kuya." pagpapasalamat ko sa guard at ngumiti ako sakanya. Simuklian naman nya ako ng parehing ngiti. Luminga ako sa paligid para tingnan kung may bakanteng upuan. Kokonti lang ang kumakain sa branch na 'to kahit dinner time kasi malayo sa mga malls. Sa terminal ng bus papuntang Manila malapit kaya naman mga byahero ang kadalsang dumadaan dito para lang magtake out.
Umupo si Knight at sumunod naman ako. Iniwan nya ang bag nya sa upuan namin at ako naman ay wallet lang ag dala para umorder.
"What's yours?" Tumingin sya sakin at ako naman ay di na nag-isip at agad sinabi ang order ko.
"Chicken spaghetti. Thigh part." Halos nakatingala na ako habang kinakausap sya dahil napakatangkad nya.
"We'll have one Chicken Spaghetti, Thigh part. Then one Chicken and Rice. Dine in. Then I'll have Family super meal A the 8pcs one for take out." Knight said.
"With fries and drinks na po yung dalawang dine in?" Sabi ng cashier. Tumingin sya saakin para iconfirm at tumango naman ako,
"Yes. I'll have coke as drinks and she'll have..." He stopped to ask mine.
"I'll have the same. And a mashed potato." I smiled but the cashiered seems to hate me.
"Make the Mashed potato two. And Two sundaes." Inulit ng cashier kay Knight ang order at ako naman ay nagcocompute sa utak ko kung magkano yung order ko. Ibibigay ko na sana kay Knight ang bayad ko pero card yung inabot nya sa cashier.
"How about yung akin?" I asked him pero nagkibit balikat lang sya at nagkunwari na di nya ako narinig. I'll just pay him na lang mamaya.
Bumalik na kami sa seat dala nya yung ibang mga pagkain pero wala pa don yung meals namin at take out. Kinuha ko ang drinks namin sa tray. Tumingin sya sakin at naconfuse.
"Para hindi matapon." Umuna na akong umupo. Nagpaalam sya na magpapalit lang sya ng damit sa restroom.
Restroom pa. Pede naman dito sa harap ko. Napakadamot.
Agad din naman syang bumalik bitbit ang polo nya na suot kanina. Umupo sya sa harap ko at ibinigay ko ang bayad ko sa pagkain.
"What's that? Aanhin ko yan?" Tinaasan nya ako ng kilay. Napakasungit naman neto.
"Bayad ko sa food ko." I said while smiling wide.
"This one is on me. Ako nag aya." Mukhang wala talaga syang balak pagbayarin ako kaya naman itinabi ko na yung pera.
"Libre na lang kita next time." He just smiled a bit.
"Whatever." Inirapan ko sya dahil sa statement nya na yon. Inilahad ko ang palad ko sa harap nya habang busy sya sa pagkain ng fries. Tumingin sya sa kamay ko at nilagyan ng fries iyon.
"Sira. Akin na yang polo mo. Itutupi ko HAHAHAHAHAHA." Sabi ko at kinain yung fries na binigay nya habang tumatawa. Iniabot nya sakin ang polo at itinutpi ko iyon.
Ang bango!
Dumating din kaagad yung meal ko. Napansin ko na hindi thigh part yung akin pero okay lang naman. Chicken pa din naman yon.
"Excuse me. She asked for the thigh part." Sabi ni Knight sa crew.
"No. It's okay. Thank you" Ngumiti ako sa crew at humarap sa kanya.
"You asked for the thigh part." Sabi nya at akmang tatayo na para ibalik ang order ko.
"It's okay. Chicken pa din naman 'to." I just smiled again and we waited for his meal to arrive.
Dumating din naman kaagad yung order nya. Nakita ko na thigh part iyon pero nahihiya akong makipagpalit huhu. Kinuha ni Knoght yung chicken ko at magrereklamo na sana ako ng bigla nyang ibigay sakin 'yon.
"You want that." He said and started eating. I closed my eyes to pray a bit and when I opened it, Knight is staring at me.
"I just prayed" I said and started eating too.
Kumakain na kami ng fries. Sinawsaw ko ang yung fries ko sa ketchup tapos sa gravy tapos sa sundae and Knight just starred at me while doing that. Medyo naease na yung awkwardness because we talked about stuff. Kinwento ko din sakanya what happened with Lloyd and nagbago agad ang expression nya.
"I wanna kill that guy right now." He said withh dark expression in his eyes.
"Okay lang ako, ano ka ba? Past na 'yon." I smiled and the take outs arrived.
Lumabas na kami at nagthank you ulit ako don sa guard na nagbukas ng pinto. Sumakay na ako sa car at ganon din sya. Di ko namalayan na nakatulog ako sa byahe. Nagising ako na nakatigil na kami sa harap ng bahay namin. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nakatigil pero nakita ko na nagpophone na si Knight.
"You're awake." tumingin sya sakin saglit at ibinalik ang tingin sa nilalaro nya.
"Yeah, I am. Bakit di mo ko ginising?" tanong ko sakanya habang nag aalis ng seatbelt.
I looked at him while grabbing my bag. He doesn't seem to care so I waited there and pretended to fix my things. He finished his game and looked at me.
"Gusto mo ba pumasok sa loob?" I asked him and he just nodded. He parked the car properly at lumabas na sa kotse dala yung take outs.
"Bakit dala mo yan?" Tanong ko habang nakaturo sa pagkain.
"It's for your family." Nagulat ako pero hindi ko na lang sya pinansin at tumawag na lang kay mommy pagkabukas ko ng pinto.
"Anak! Ay may kasama ka nga pala. Pasok kayo, pasok hijo" Pagwewelcome ni Mommy sa amin. Sinalubong naman ako agad ng kapatid ko.
"Ate! Wow may dalang boyfriend! Ay mas wow may suhol na Jollibee yung boyfriend!" Agad ko naman syang hinampas. Nakita ko na napakamot sa ulo si Knight. Binigay nya yung Jollibee kay mommy na hanggang ngayon ay nakatitig pa din sakanya.
"Ah eto po pala. We have some food take outs." Ngumiti sya ng bahagya kay Mommy. Hindi ko alam kung nahihiya ba sya or naawkward lang ba. Basta ang alam ko ay ang cute nya kapag ganon sya. Agad ko namang pinawi ang naiisip ko na yon at ibinigay sa kapatid ko ang bag ko.
"Oh ayan dalhin mo yan sa kwarto ko. Nakakahiya ka! kung ano ano ang sinasabi mo dyan!" Agad namang sumimangot si Von.
"Bossy" Bulong ni Knight sa tenga ko. Sinamaan ko sya ng tingin.
"I have to go. Medyo late na. Baka matraffic pa ako pauwi." He told me. Tinawag ko kaagad si Mommy.
"Mommy! Aalis na daw po si Knight!" Agad namang lumabas sa kusina si Mommy.
"Ay bakit naman aalis ka na kaagad? Dito ka na muna magpalipas ng gabi. Medyo late na oh." Sabi ni Mommy na ikinagulat ko. Hindi man lang sya naging conservative kahit slight! Talagang overnight agad ang gusto nya!
"Ay hindi na po. May dala naman po akong kotse. Sa city lang naman po ako uuwi." He said and smiled shyly.
"Oh sya sige. Balik ka anytime ah? Wag ka mahihiya! Ingat ka" Nagmano sya kay mommy at pumunta na sa labas. Sumunod naman ako sakanya para ihatid sya sa labas.
"Thank you sa pagkain at paghatid." Sabi ko sakanya habang inunlock nya naman ang kotse.
"Yeah. May bayad yon." Kumunot ang noo ko at inintay na sabihin nya na joke lang pero mukhang di mangyayari yon.
"Ah sige saglit lang kukuha ako ng wallet ko sa loob." Tumalikod ako at akmang hahakbang na ng hagipin nya ang kamay ko.
"Not that payment, silly. I'm gonna need your social media accounts. Text me the details." Natatawa nyang sabi. Ako pa daw silly. Sabi nya bayad edi syempre inexpect ko na pera.
"I'll go. I'll text you when I get home. Pasok ka na." Sabi nya at sumakay sa kotse. Ibiniba nya ang bintana.
"Bye! Ingat ka!" He smiled at me and waited for me na makarating sa pinto ng bahay namin. I waived goodbye and he drove off. Pumasok naman ako sa bahay at sinalubong ako ni Mommy na nakangisi at ng kapatid ko na may hawak na fried chicken.
"Wala bang kwento dyan, 'nak?" Masiglang tanong ni Mommy. Tumawa lang ako at tumalikod para pumunta sa kwarto ko.
"Bukas na lang Mommy! Love you!" Bumalik ako at nagkiss sa pisngi nya at tumakbo na sa kwarto.
I took a bath and put on my sleepwears. I lay in bed and watched some videos. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Basta ang alam ko ay nakatulog ako na may ngiti at masaya.
~END OF CHAPTER 2~
Hello readers! I hope you enjoy this story! Keep Safe!
I've been the archer~ I've been the prey~ Who could ever leave me, darling?~ But who could stay?~ Kasalukuyan akong nagtotoothbrush ng marinig ko na may tumatawag dahilan para maagang mag-ingay si Mareng Taylor. Me: Hey there. This is Gab Ibañez Yanna: I know. That's why I'm calling duh. Sakit talaga sa tenga ng boses netong si Yanna. Me: What do you need? You are interrupting my toothbrush session.Ang anghang na ng toothpaste sa bibig ko kaya nagmumog na ako habang dumadada si Yanna sa kabilang linya. Yanna: I'm hungry. Nasa byahe na ako. Tara kumain sa canteen bago magklase.I looked at the clock. It's 9am. Eleven pa ang klase ko an
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Hindi naman siguro ako uminom kagabi? Bumangon ako sa kama at pagtayo na pagtayo ko ay bote ng Pink Gin ang nasipa ko. Mukhang wasted na wasted na talaga ako at nakuha kong ubusin itong laman ng isang bote mag isa. Chineck ko ang phone ko pero di ito mabuhay kaya ichinarge ko muna. Naligo ako at napag isip isip ko na kailangan ko magluto ng almusal at maglinis ng konti. Saglit akong kumain pagkatapos magluto at nag ayos ng dorm. Inempake ko na ang aking mga gamit na iuuwi sa bahay. Halos dalawang linggo din ang bakasyon namin bago magsummer class. Siguro naman sapat na yon para makapag isip isip ako. Matapos ang kaunting linis at kaunting drama ay naghanda na ako sa pagpasok. Nafull na ang charge ng phone ko kaya agad ko itong binuhay. Sunod sunod ang tawag sa isang unknown na number at may iniwan din s’yang message. 375 missed calls??????!From: +6394546***** Gab Ibañez I'm coming to your campus tom
I've been the archer~ I've been the prey~ Who could ever leave me, darling?~ But who could stay?~ Kasalukuyan akong nagtotoothbrush ng marinig ko na may tumatawag dahilan para maagang mag-ingay si Mareng Taylor. Me: Hey there. This is Gab Ibañez Yanna: I know. That's why I'm calling duh. Sakit talaga sa tenga ng boses netong si Yanna. Me: What do you need? You are interrupting my toothbrush session.Ang anghang na ng toothpaste sa bibig ko kaya nagmumog na ako habang dumadada si Yanna sa kabilang linya. Yanna: I'm hungry. Nasa byahe na ako. Tara kumain sa canteen bago magklase.I looked at the clock. It's 9am. Eleven pa ang klase ko an