Ikaw na bahala diyan Gerry, magaling ka namang magpalusot hahaha. Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
Geraldine's Point of View* Nasa sasakyan kami ngayon. Di ko alam kung nagbabago ba siya o iniimbestigahan niya ang pagkatao ko. Hindi muna kami umuwi dahil kakain daw kami sa labas. Di ko alam kung saan kami pupunta ngayon basta ang alam ko kakain kami. Ginutom na din ako eh nang may naalala ako. "Mike---" Napakunot ang noo niya nung tinawag ko siya sa pangalan niya. "Wife, mukhang nakalimutan mo na agad ang itatawag mo sa akin ha." Napalunok ako. "Hubby ang sinabi ko ha." "What is it?" Ayun bumalik na naman sa pagiging kalma ang mukha niya. Ang bilis magpalit ng emosyon eh. Napatingin ako sa harapan at mabuti nag-stop pa ang traffic light. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya nang napansin ko na ang kamay na inilahad ko ay yung may benda. "Ay wrong hand." Pinakita ko ang isang kamay ko na kinataka niya. "What is that?" "Nasaan yung apple ko na binigay ko sayo kanina? Ayaw mo yung kainin diba? Kaya akin na." Mahina naman siyang natawa na kinagulat ko. Tumatawa pa
3rd Person's Point of View* Flashback... Nanlalaki ang mga mata ni Asher nung pinaharurut ni Geraldine ang sasakyan kasama si Rafayel at agad niyang tinawagan si Rafayel. At mabuti sinagot nito ang tawag pero hindi siya maririnig nito at i-non lang nito ang call at agad siyang sumakay sa sasakyan niya at mabilis na pinaharurut at tiningnan niya ang gps ni Rafayel kung saan sila ngayon. At naririnig niya ang lahat ng pinag-usapan nilang dalawa habang nagmamaneho. 'Bakit di na lang siya naging katulad ko na mabait? Bakit parang sinapian siya parati ni Satanas?' Natigilan siya sa sinabi nito habang nagmamaneho at kumirot din ang puso niya. 'Kung ayaw mong tuluyang mawala sayo ang Asawa mo ay magbago ka. You're old enough na kaya mo ng i-handle ang company ninyo at isipin mo naman ang sarili mo wag ang sinasabi ng ibang tao, Asher,' naalala niya ang sinabi ni Rafayel sa kanya at doon na niya narealize ang lahat. Hindi na normal ang nararamdaman niya ngayon. Grabe na siya mag-aala
Geraldine's Point of View* Tiningnan ko siya sa mga mata niya at ngumiti ako. "Yes, ah baka nakaka-estorbo kami sa date ninyo..." Pinutol pa niya ang sinasabi ko ha. "Ah hindi naman," ani ni Josh. "... Dahil kayo nakaka-estorbo kayo sa amin." Napatingin naman ako kay Mike na walang emosyon na nakatingin kay Josh. "Ganun ba? Ah sorry for doing that. Sige, enjoy your date." At umalis na sila at napabuntong hininga na lang ako at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Kalma lang, hubby." Sobrang hinang talaga ng pagkasabi ko sa bagay na yun dahil pinagtitigan na kami ng mga tao dito. Pero kilala naman talaga si Mike bilang mainitin ang ulo kaya sanay na siguro ang mga tao dito. Wala akong choice kundi gawin ang bagay na ito sa public. Hinawakan ko ang pisngi niya na kinatingin naman niya sa akin at dinala ko iyon sa mukha ko hanggang sa mahalikan ko ang pisngi niya at nagulat naman ang mga nanonood sa amin ngayon dito. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya a
Geraldine's Point of View* Naningkit ang mga mata ko habang naglalakad kami ngayon sa pabalik sa sasakyan. Mabuti wala na ang mga assassins dahil inubos na siguro ni Sky ang mga iyon. Nahawak ang kamay ko sa braso niya habang naglalakad pero napansin ko na may lumapit na mga bodyguards niya at napayuko ang mga ito sa harapan namin. "Bakit sila nandidito?" mahinang sabi ko kay Mike. Napatingin naman siya sa akin na parang in love na in love sa akin. Ang weird talaga ng lalaking ito. "May pinagawa lang ako sa kanila, wife." Napatingin ako sa mga gwardya nang maalala ko yung isa ay siya yung pinunasan ko ng abs. "Ehem... Let's go? Saan mo gusto pumunta? May bibilhin ka ba?" Nang may naisip ako. "Let's go shopping." Napatingin naman siya sa mga gwardya at tumango siya doon at yumuko naman ang mga ito bago umalis at bumalik ang tingin niya sa akin. "Let's go, let's go shopping." Napa-yes naman ako na may fight hand pang gestures at natawa na lang siya. Pinagbuksan niya ako n
3rd Person's Point of View* Hinila pa din ni Rafayel si Jane papunta sila sa gilid ng pool at mabilis namang binawi ni Jane ang kamay niya. "Sire Rafayel, ano po ang ginagawa niyo? Bakit kayo nanghihila?" Hinimas himas ni Jane ang kamay niya habang nakatingin kay Rafayel. Napabuntong hininga na lang si Rafayel at nanghihinang napatingin kay Jane. "Diba sabi mo gusto mo ako? Hinalikan at ginahasa mo nga ako nung gabing iyon." Nanlaki naman ang mga mata ni Jane dahil sa sinabi nito. "Ha? Ano pong pinagsasabi ninyo po? Wala po akong alam sa pinagsasabi po ninyo." Nalungkot naman siya at tiningnan niya ako. "May sakura flower ka sa may likod mo. Nakikita ko yun habang pinapasok kita." Nanlaki naman ang mga mata ni Jane dahil sa sinabi nito. "Wala akong ganun." "You force yourself to me at wala akong kalaban laban sa bagay na yun. Panagutan mo ako." Napanganga naman ako habang nakatingin ako sa kanya ngayon. This man... "Anong pinagsasabi mo? Wala akong maalala sa sinasabi mo
Geraldine's Point of View* Kanina pa ako nagbabantay kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Sana naman hindi sa lodge, motel o inn baka maaga ko siyang mapapatulog. "Have you been tense for a while now, wife? Are you feeling any pain?" Napatingin ako sa kanya at agad napa-iling iling. "Ha? Hindi ah." Mahina naman siyang natawa at hinawakan niya ang kamay ko na kinagulat ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Bakit ang weird mo? Kanina ka pa ha." "Ayaw mo ba na ganito ako?" nakatingin siya sa akin. "Eyes on the road." "Okay." Napalunok ako kasi naman nagmamaneho siya ngayon. "Napagdesisyunan ko na tuparin ang sinabi sa akin ni Mom noon at ganun na din ang sinabi ni Rafayel." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ha?" Napatingin siya sa akin at bumalik ulit sa daan ang tingin. "I will tell you later sa destinasyon natin." Dahan-dahan naman akong napatango sa sinabi niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang natingin sa kanya. Hindi na atah normal ang bagay na
3rd Person's Point of View* Nakikita ngayon ni Mike ang sakit na nasa mata ni Gerry ngayon na ngayon lang niya nakita sa asawa na di niya alam. At tumulo pa ang luha nito na nasaktan sa lahat ng sinabi niya. "Gerry..." "Gusto ko ng magpahinga. Salamat dahil nilinaw mo ng maaga pa bago mapunta sa isang bagay na di dapat mangyayari." Di siya makapagsalita at di niya alam kung ano ang sasabihin sa sinabi ni Gerry sa kanya ngayon at nakita na lang niya na umalis na lang ito. "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya nung nakita niya na lalabas ito sa pintuan. "Uuwi na ako sa mansion. May mga gagawin pa akong bagay na hindi related sa pagiging asawa mo." "Baka nakakalimutan mo na double pay ang binibigay ko sayo?" "For this play? Sabihin na lang nating million ang ibibigay mo sa akin ay di ko pa din tatanggapin dahil first for all hindi ako laruan na paglalaruan mo lang hangga't gusto mo at kailangan ko ding magpahinga. Kaya mauna na ako." "Just do whatever you want." Tumalikod
Geraldine's Point of View* Dahan-dahan akong nagising at nagulat ako dahil hindi lang ako ang nag-iisa ngayon sa kama dahil apat silang nandidito sa kama katabi ako. Mahina na lang akong natawa sa kanila dahil parang mga anghel na natutulog eh. Ang kasama ko dito ay yung mga kasamahan ko sa agent na parang mga Kuya ko na talaga. Baby sister kasi nila ako at sabay kaming lumaki sa puder ng dad ko na General at sabay-sabay na din kaming inilagay dito sa Pinas. "Brothers." Dahan-dahan naman silang nagmulat at bumalik ulit sa pagpikit at agad nila akong niyakap na kinatawa ko na lang. "Hoii, nangangamoy inumin kayo oh, anong oras na?" "Still early," sabay ani nila habang nakapikit pa din. "Anong oras na ba!" Napatakip naman sila sa tenga nila sa sigaw ko. "Astraea naman ehhh ang sakit ng eardrums ko." Isa-isa naman silang umupo sa higaan at sigurado kung ibang babae pa ako ay ang hot na nilang tingnan sa mga morning hair nila na walang suklay. Napatingin ako sa relo ko at nanla
Geraldine's Point of View*Magkaiba kami ng sasakyan ngayon ni Mike. Nakasakay kasi siya sa sasakyan ng emperor. Basta malaki yun na sasakyan na pwede ka ng matulog sa loob. Gusto nga niya na doon ako pasakayin pero hindi pa din ako pumayag. Magkasama kami ni Jane dito sa isang sasakyan habang sila naman ni Rafayel ang magkasabay doon. "Okay lang ba na tayo ang magkasama imbes na si Rafayel ang kasama mo?"Napatingin naman si Jane sa akin at nanlalaki ang mga mata niya dahil sa tanong ko. "M-Milady, wag niyo pong iisipin na mas pinili ko po ang lalaking iyon kaysa inyo. Ikaw pa din ang pipiliin ko po!"Mahina na lang akong natawa dahil sa sinabi niya."Hindi yun ang mean ko. Ang ibig kong sabihin na ayos lang ba sayo na kasama mo muna ako ngayon sa sasakyan at doon muna si Rafayel kay Mike.""Walang problema po sa akin. In the first place ay milady ko po kayo at safety po ninyo ang inuuna ko."Napangiti na lang ako."Ikaw talaga."Napangiti naman siya at nakikita ko sa labas na m
Geraldine's Point of View*Pero bago niya ako dalhin sa assassin world ay ilalakad daw muna niya ako sa underworld nila. Exciting na ako sa bagay na yun. Yes, pamilyar na sa akin ang Assassin na underworld pero ang Mafia Underworld na pinamumunuan ng hubby ko ay hindi ko pa nakikita.Ganito ang nangyari sa amin...Flashback... Natapos ang ehersisyo namin at nakikita ko na hinihingal na ang mga bodyguards at kaming dalawa ay normal na sa amin ang bagay na iyon."As usual, hindi pa din nawawala ang energy mo, Astraea."Napatingin ako kay Skyler na nagsalita sa gilid. Nandidito rin ang mga brothers ko dahil kasali sila sa training namin.At hindi ko pa sinasabi ang tungkol sa pagbalik ng alaala ko."Salamat, Sky. Ikaw din hinihingal ka pa din parang tumatanda ka na ha.""Araw-araw naman kasi--- Teka tinawag mo kong matanda, Astraea?! Hindi mo ba naaalala na sinabi mo na ako ang pinakagwapo sa mga brothers mo?"Napakunot ang noo ng tatlo na nasa likod niya."Hindi ko alam ang bagay na yu
Geraldine's Point of View* Umiiyak ako habang nakahawak sa kamay ng hubby ko. Nandidito kami ngayon sa kwarto namin at natutulog pa din siya na parang patay na. Pero hindi naman siya patay. Ang sabi nila Jane at Rafayel ay may ininom si Mike na parang kagaya sa ininom ni Juliet sa Romeo at Juliet na movie. Hindi ko alam na totoo pala ang bagay na yun. Pinapahina niya ang heartbeat ng isang tao pero babalik din ito sa normal matapos ang dalawang oras. "Milady, ito na lang ang naisip na paraan ng Grandpa mo para madali mong maalala ang nakaraan mo." Napatingin ako kay Jane. "Delikado man ay kailangan pa din naming gawin dahil yun ang inutos sa amin. At nakikita naman namin na effective naman ang bagay na yun." Napakagat ako sa labi ko pero di pa din ako mapapanatag lalo na kinakabahan pa din ako sa sitwasyon ni Mike na hindi pa din nagigising. "Bakit di pa din nagigising si Mike?" Nagkatinginan naman sila. "Lampas na tatlong oras ang nagdaan simula nung ininom niya ang gamot n
Geraldine's Point of View* Huminga ako nang malalim, pinakiramdaman ang mga tali sa aking pulso at hindi ko iniinda ang sakit aa ulo ko ngayon. Kailangan kong kumalma, kailangan kong makahanap ng paraan upang makatakas. Sa isang iglap, nakahanap ako ng tiyempo. Gamit ang lahat ng lakas na natitira sa akin, iginiling ko ang aking pulso, pilit na inaalis ang tali habang hindi sila nakatingin. Dumaan ang ilang segundo bago ko naramdaman ang bahagyang pagluluwag nito. Ngunit bago ko pa tuluyang makawala, lumapit si Jane at marahas akong sinampal. Napangiwi ako sa sakit, ramdam ko ang hapdi sa aking pisngi. "Sa tingin mo makakatakas ka?" bulong niya, may halong pang-aasar sa kanyang tinig. "Huwag kang magpumiglas, Geraldine. Mas magiging masakit lang ito para sa iyo." Muling bumaling ang tingin ko kay Mike. Dugo ang tumulo sa kanyang labi, mahina na siya, pero naroon pa rin ang apoy sa kanyang mga mata. Pilit niyang itinaas ang kanyang ulo at sa isang iglap, isang mahinang
Geraldine's Point of View* Nararamdaman ko ang sakit ng katawan ko ngayon habang nakaupo sa upuan kaya dahan-dahan akong nagising. Napamulat ako at agad akong nagising kasabay ng pagtingin-tingin ko sa paligid kung nasaan ako ngayon. Hindi ko alam kung saan ako ngayon at naaamoy ko din ang paligid na parang amoy limang mga gamit ang nandidito ngayon. Madilim ang paligid pero may kaunting liwanag naman ang nanggagaling sa gilid. Nakikita ko din ang hagdan paakyat na pamilyar sa akin. Hanggang sa makita ko ng maliwanag ang nasa paligid at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Mike sa tabi na walang malay. "H-Hubby..." Nagpapanik ako ngayon. Doon ko napansin na nakatali pala ang kamay at paa ko ngayon. "Damn! Hubby! Wake up!" Nakikita ko ang dugo at pasa sa katawan at mukha niya na mas lalo kong kinaiyak ng maigi. "Mike, di ako pumapayag na mamamatay ka! Please, wake up! Susuntukin talaga kita kung umuna ka." Pinilit kong tumakas sa pagkakatali ko pero nararamdaman k
Geraldine's Point of View*Sa isang kagubatan ay may mga taong nakahawak sa akin at kahit anong galaw ko ay di pa din nila ako binitawan.Nanghihina ako noon at wala din akong masyadong naririnig dahil sa nangyari sa aking aksidente."Nasa atin na ngayon ang heiress ng assassins!"Nagtawanan sila at nag apiran pa habang naglalakad.'Somebody help me.'Nagpatuloy pa din sila sa paglalakad nang matigilan sila nang makita nila nila ang dalawang Leon na handa nang umatake sa kanila.Napatingin ako sa dalawang Leon. "H-Help me...""Rawr!"Nagulat naman sila sa sigaw ng Leon na kinahulog ko at agad silang naglabanan ng baril.Paputukan sana nila ang mga Leon nang napansin nila na nasa harapan na nila ito ngayon at dinamba ang taong may hawak sa akin.Nakita ko na pinu-protektahan naman nila ako."Damn! Lions! Let's leave!"Agad na silang nag-alisan at ako na lang ang naiwan at kasama ang mga lions dito.Tinulungan naman ako nila na makatakas sa pagkakatali ko noon at niyakap ko sila. At do
Geraldine's Point of View* Nakarating ako sa opisina ni Mike habang dala ang gawa ko. Nagulat pa ako nung umiyak si ate cooker kanina kasi bigla naman kasing umiyak eh! Flashback... "Bakit ka po umiiyak, ate. Hindi po ba masarap? Pasensya na po." "Milady, sobrang sarap po ng luto ninyo. Naalala lang niya ang mga luto ninyo noon kaya siya naiiyak," paliwanag ni Manang sa akin at tumango-tango naman si ate. "Namiss ko lang po ang luto ninyo, milady. Sana po wag na po kayong mamatay. Hindi po namin kaya po." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Gagawin namin ang lahat maligtas ka lang po namin. Gagawin po namin ang lahat maging safe ka lang po, milady." Napangiti ako habang nakatingin kay ate cooker. Lumapit ako sa kanila ay niyakap ko silang dalawa. "Thank you po. Wag na po kayong umiyak dahil nadadamay po ako eh." "Hindi ko po mapigilan po." Mas lalo siyang napaiyak niyakap ko na lang siya ulit. End of Flashback... Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarat
Geraldine's Point of View* Napapout ako habang nakaupo sa higaan at si Mike ngayon ang nagsusubo sa akin ng almusal. Pagod na pagod ako ngayon dahil sa kagagawan niya at siya naman parang ang blooming ha. Hindi niya talaga ako tinigilan at nagustuhan ko naman pero di pa din niya pa din ako tinigilan at nakailang rounds pa kami! "Bawing bawi ha." Kunot noong ani ko sa kanya at nagpatuloy pa din siya sa pagngiti sa akin at siningkitan ko lang siya ng tingin. "You want this, right? Ikaw mismo ang nagsabi sa akin sa bagay na ito tapos ikaw yung magtatampo." Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "For your information. Ang sabi ko ay kiss sa lips at hindi ko sinabi na iyon ang gagawin natin." Napasimangot naman siya habang nakatingin sa akin. "Ayaw mo ba?" Napakagat ako sa labi ko at napahawak sa ulo ko. Napatingin ako sa binti ko na may mga kiss marks. "Nag-iwan pa talaga ng ebidensya oh." "Uhmm... Mark lang yan na akin ka, wife." "Yung mark ba kailangan boung kataw
Geraldine's Point of View* Gulat pa din silang nakatingin sa akin ngayon. Totoo naman ang sinabi ko eh. Malinaw sa aking alaala ang mga nangyayari noon. Ang Phantom Syndicate ay isang grupo ng mga malalakas na assassins sa boung mundo. At mahirap ang pagdadaanan mo para makapasok sa grupong iyon. Maaga akong sinalang ni Dad sa grupong iyon at sa batang edad ko ay madali akong nakapasok dahil natapos ko ang lahat ng task na binigay sa akin. Malaki din ang pasasalamat ko kay dad nun dahil maaga niya akong sinanay nun at madali na lang sa akin ang makapasok doon. Kahit ilang taon na akong hindi nagpapakita doon ay kasali pa din ako sa grupo dahil never sinabi na patay na ako sa lahat. Nawala lang ako at babalik ako kung kailan ko gusto. "Teka lang ano ba ang kailangan niyo sa grupo namin?" "Teka, teka! Kung kasali ka sa grupo ng Phantom Syndicate ay sigurado na kasali ka sa top nila diba? S-Sino ka... I mean ano ang assassin name mo?" ani ni Zeke sa akin. "I'm Nyx. Yun ang ni