Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
3rd Person's Point of View* Nakarating sila sa isang magandang island at kasama ni Geraldine ang isang kasama niya na si Ezekiel. Nakasout ngayon si Geraldine ng red two piece na mas lalong nakakadala sa ka-sexy ng katawan niya at nakasout din siya ng isang manipis na tela pero makikita pa din ang sexy na katawan niya sa ilalim ng telang iyon at nakalugay ngayon ang mahabang buhok niya na hanggang bewang. Napapansin din nila na maraming nakatingin sa kanya kanina pa lang. "Anong gusto mong inumin, Baby?" Napatingin naman sa kanya si Gerry. "Mango juice lang." Tumango naman siya at um-order na sila sa napatingin naman si Geraldine sa unahan kung nasaan nagpa-party ang isang grupo ng mga foreigners. At nakita niya doon ang most wanted sa drugs at human trafficking na si Riccardo Mancini. "Subject spotted," mahinang ani ni Gerry. Agad namang napatango sina Skyler at Ethan na nasa yatch ngayon. "Okay, gagawin na namin." Agad na silang naglagay ng Bomba sa ilalim ng yatch at tin
Geraldine's Point of View* Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin ako sa mga mata niya. "Daddy, did you know that I like money, jewelry, and new things?" Napangiti naman ito dahil sa sinabi ko. "That's what I like in women too. You can make me your sugar daddy." Pinakita ko sa kanya na nagugustuhan ko ang sagot niya dahil sa sinabi ko. "We have the same taste, daddy, but I really have an appointment now. Do you want me to feel upset to you?" Nagulat naman siya sa sinabi ko at agad siyang umiling iling na kinangiti ko ng matamis sa kanya. "Don't worry, I will call you later so that you can taste me, not only on my lips but also my whole body." Napakagat labing ani ko at nakita ko na namumula ang tenga ng mga taong nasa paligid ko dahil sa sinabi ko. 'Wow, that was so hot, Astraea!' rinig kong ani ni Ethan sa kabilang linya. "I will wait for your call, baby girl." Hahabulin sana niya ang labi ko pero nag-sign ako na later na. At lumakad na ako at tumingin muna ako san
Geraldine's Point of View* Napatingin kami ngayon kay Chief na nagtataka na nakatingin sa akin. "Hello, Chief," nakangiting ani ko sa kanya at napaturo siya sa akin habang natingin na sa mga kasama ko. "What are you doing here, Astraea?" Napahawak siya sa noo niya habang sinasabi ang bagay na yun. Napalapit naman ako kay Chief at hinawakan ko ang balikat niya. "Ehem, restday ko ngayon, chief." Nagtaas baba naman ang kilay ko at tiningnan niya ulit ang apat at agad naman silang lahat napatango dahil sa sinabi ko. "Fine, madami ka din namang nagawa sa mission na yun kaya consider na kasali ka ngayon." Napangiti naman ako at napa-yes. "Exit na kami dahil tapos na ang mission namin at isa pa ang sweldo namin po pasok agad sa bank namin," ani ni Ethan. Walang nagawa si Chief at napatango tango na lang. "Fine, go." Napangiti na lang kami at agad kong hinawakan ang braso nila at umalis na kami doon. "Saan ang destination natin?" "Saan pa? Edi mag-inuman tayo!" Natawa naman s
Geraldine's Point of View* Nagising ako ng madaling araw at tiningnan ko ang orasan sa phone ko at alas 3 na pala ng madaling araw. Tiningnan ko din ang message sa phone ko at wala man lang ni-isang message ni Mike ang lumabas sa message ko. As usual bakit pa ako magtataka eh hindi naman ako ang iniisip ng lalaking iyon. Di na ako magtataka. Hindi ko din naman sinisisi ang Mom niya dahil gusto din niyang protektahan ang Mom niya. Ganun din ang gagawin ko kay nanay at tatay kung may mananakit sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin doon. "Kailangan ko ng umuwi. Tapos na ang rest day ko baka hindi pa ako bigyan ng sweldo dahil may absent ako," mahinang ani ko at dahan-dahan akong tumayo at iniwasan sila na nasa tabi ko baka magising ang mga lasingerong mga ito. Natalo ko atah sila kahapon. Kailan pa naman sila nanalo sa inuman. Syempre, may premyo pag sila ang unang nawalan ng malay. Nag-ayos na ako at nakita ko din na pinasok na ni Chief ang premyo namin sa a
3rd Person's Point of View* Napatingin si Leo sa phone niya at alas 3 na at hindi pa din umuuwi si Gerry at kagabi pa niya ito hinihintay dahil hindi pa din umuuwi baka kung ano na ang nangyari sa Asawa niya. "She needs this job kaya hindi siya tatakas at Asawa ko siya at di siya agad makakawala sa bagay na yun," paulit-ulit na sabi na lang niya sa sarili niya habang nakatingin sa phone niya. Humiga siya at pinipikit niya ang mga mata niya pero di pa din siya nakakatulog. Inaamin niya na nagiging maayos na ang pagtulog niya nung katabi niya ito sa higaan at nagiging maayos din ang kalusugan niya dahil nakakain na din siya ng malulusog na pagkain dahil nakakalasa siya sa gawa ni Gerry. Kinuha niya ang unan ni Gerry at niyakap niya iyon pero hindi pa din iyon sapat para tuluyan na siyang makatulog. Dalawang gabi na siyang di nakakatulog ng maayos at naramdaman niya na bumalik na naman siya sa dati na parang walang kabuluhan ang mundo niya katulad noon nung umalis ang mom niya. A
3rd Person's Point of View* Years ago... Nasa loob ngayon sila Gerry sa isang training ground at kasama niya ang apat ngayon. Nasa mga 13 years old silang lima na kasali sa training sa hell week ng mga sundalo at silang Limang mga kabataan ay nasali sa bagay na yun. Hindi naman sila mapipilian kung di sila makakapasa sa survival na ibibigay sa kanila ng adopted dad ni Gerry. Nakatingin sila ngayon sa mga juice na nasa lamesa. "Okay, taste it." Napatingin sila sa mag-handle sa amin na team leader sa army. "Mukhang masama ang pakiramdam ko sa bagay na ito," mahinang ani ni Ethan. Sa harapan kasi nila ay isa-isa sila ng baso ng juice at kinuha naman nila iyon at inamoy at wala naman itong kakaiba sa amoy kaya ininom nila iyon. Hanggang sa maubos nila. Nang isang iglap ay bigla na lang silang napa-ubo ng dugo dahil may lason na nakalagay sa juice. "Okay, the next training section you all do today is poison." "Grabe ka sir. Wala pang trailer at agad mo kaming pina-inom," nahihi
Geraldine's Point of View* Umalis na ako doon. Naiinis ako sa lalaking iyon habang naglalakad at nakahawak ako sa pisngi ko. Sigurado akong namumula pa ito. Nang biglang umikot ang paningin ko at napahawak ako sa dingding. Naghalo atah lahat. Hangover, lason at pagkasampal sa akin. "Sana di na lang ako umuwi dito." Napakagat ako sa labi ko at pinipigilan ang galit ko. Hindi ko naman hinahayaan na sampalin ako ng kahit sino pero bakit siya bigla na lang niya akong sinampal? Bakit? Natamaan ba siya sa lahat ng sinabi ko? Eh totoo naman na dahil sa pera napapasunod niya lahat. Dumiretso ako sa balcony ng mansion at doon ako tumayo sa gilid ng railings at nagbuntong hininga ako habang nakatingin sa kalangitan. Kailangan ko ng fresh air ngayon. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tiningnan ko ang kamera ko at nakikita ko nga na namumula pa ang pisngi ko. Kaya pala namamanhid pa eh. Humanda talaga siya sa akin at suntok ang ibibigay ko sa mukha niya. Napatingin ako sa baba at n
3rd Person's Point of View* Nakahawak ngayon si Mike sa ulo niya habang nasa sasakyan siya papunta siya sa lugar kung nasaan ngayon si Rafayel. May barilan kasing nangyayari sa lugar nito at mga hitman ang mga kalaban ni Rafayel. Kailangan nito ng backup. Ito din kasi ang mga sumugod kay Geraldine kagabi at agad nahanap ni Rafayel at ngayon pero agad siyang natunugan. Nakarating sila ngayon sa lugar at nakatago lang si Rafayel at agad na nila itong ni-rescue kasama ang ibang tauhan. Di pa sila pwedeng umatake ngayon dahil kulang ang tauhan nila sa daming nandodoon. "Rafayel." "Madali silang makatugon. Hindi sila ang assassin na pumupunta sa mansion. Ibang grupo sila. Mga magagaling na hitman para magpatumba sayo." Napakamao naman si Mike sa sinabi nito. "Damn, hindi ko alam na mas lalong lumalakas ang pinapadala nila para patayin ako." "How about Gerry? Ayos na ba siya? Yung lason? Naagapan ba?" "Hindi siya nagpagamot." Nanlaki ang mga mata ni Rafayel sa sinabi nito. "Galit
3rd Person's Point of View*Sa kulungan ay nakatulala ngayon si Josh habang nakatingin sa dingding. Pilit niyang sinasabi sa sarili na hindi totoo ang mga nalaman niya kanina."No, hindi iyon magagawa ni Jerah. Impossible na isa siyang agent. Hindi ako naniniwala sa bagay na yun."Hinawakan niya ang litrato ni Jerah nung nag pic silang dalawa."She loves me so much! Hindi ako naniniwala sa bagay na yun!"Napatingin naman ang mga kasamahan nito sa kanya at kilalang kilala siya ng mga ito."Rape ang kaso niyan diba?""Oo. Ano, ang gagawin natin sa lalaking iyan? Mukhang nababaliw na atah oh."Wala siyang pake sa mga taong nakapaligid sa kanya at nakatingin lang siya sa litrato ni Jerah."My love, I will do everything makalabas ako at lalayo tayo sa bansang ito.""Hindi ka na makakalabas oi. Wag ka ng umasa sa bagay na yun."Napatingin naman siya sa mga lalaking nakapaligid sa kanya ngayon."Hindi ka mahal niya. Wag kang umasa sa bagay na yan. Ginamit ka lang niya para mahuli ka."Nalama
Geraldine's Point of View*"W-What did you say, wife?"Tiningnan ko ang mga mata niya ngayon."Kung ayaw mo na sa akin ay maghihiwalay na tay--""No, ayoko. Never na mangyayari ang bagay na yun, wife."Naging seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin at hinawakan niya ang kamay ko na parang ayaw na niyang bitawan ang kamay ko ngayon."Lumalamig na kasi ang trato mo sa akin akala ko ayaw mo na sa akin. At naging mahina ako kanina at akala ko parang nawala ang pagka gusto mo sa akin dahil sa bagay na yun."Napahawak naman siya sa ulo niya at dahan-dahan na niyakap niya ako ngayon."Wife, my love for you has never faded. I'm sorry if I haven't shown it enough, but you are still my heart, my home. I love you more today than yesterday, and I will love you for a lifetime."Napakagat naman ako sa labi ko dahil sa sinabi sa akin ni Mike at naramdaman ko din ang bilis ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa akin at ganun din ako sa kanya.Damn, mas lalo atah lumalala ang puso ko ngay
Geraldine's Point of View*Nakakunot ang noo ko dahil iba ang daanan namin ngayon at hindi sa kompanya niya o sa condo na tinitirhan muna namin.Napatingin ako sa kanya na wala pa ding emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa labas na kinalunok ko pa din.Ano ba ang nalaman niya? Bakit ganun ang mukha niya? Dahan-dahan akong napatingin sa labas ng bintana at siniksik ko ang sarili ko doon at napakagat sa labi ko. May nalaman na ba siya tungkol sa pagkatao ko o may nasabi ba sa kanya si Josh? "Dammit..." mahinang bulong ko habang nakatingin doon sa malayo at napakamao pa ako.Ano ba ang nakaligtaan ko? Napatingin ako sa singsing na sout ko ngayon. Syempre hindi ko yun nakalimutan. Isang beses ko na itong nawala noon sa swimming pool at di ko na ulit iwawala ito sa susunod."Wife."Napatingin naman ako sa kanya na nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin."Why are you cursing?"Di ako sumagot at tumingin ako sa labas at ako na naman ngayon ang hindi pumapansin sa kanya.Hi
3rd Person's Point of View*Walang emosyong naglalakad si Mike papasok ng restaurant. Kasama ang mga gwardya niya at nakikita na din niya ang mga police car sa labas at biglang may humarang sa kanya sa may entrance. "Sire, pasensya na po sandali po munang pinapasara sandali ang restaurant.""My wife is inside."Nagkatitigan naman sila at napatingin ang mga police sa mga bisita na inilagay sa isang room."Anong pangalan po ng asaw---"Lumakad na papasok si Mike na kinagulat ng mga police at agad siyang pinigilan ng mga ito."Sire, hindi nga po kayo pwede pumasok!""Ako na ang bahala sa bagay na ito."Napatingin naman sila sa gilid at ito yung detective na kaibigan ni Astraea na si Detective Aldren."Oh, Mr. Muller, it's nice to see you here. Sino ang hinahanap ninyo po?""My wife.""You mean si Mrs. Geraldine? Ah oo nakikita ko siya kanina nag-te-take out siya ng foods sa counter."Napakunot naman ang noo ni Mike sa sinabi ni Aldren."What?"Lumakad na ulit si Mike papasok at nagulat
Geraldine's Point of View*Damn this bastard!Sakal-sakal pa din niya ako ngayon."You're mine at walang ibang aangkin sayo at ako lang. Jerah, ito ang tatandaan mo. I will kill those who can stop us at papatayin ko din ang mga babaeng naging sagabal sa lahat ng plano ko!"May plano pa talaga ang lalaking ito! Mga inosente ang lahat ng mga naging biktima niya at nakita ko ang mga record interview nila at sobrang kinurot ang puso ko sa mga naririnig at may iba na ginawang s*x slave ng demonyong ito."Try that o baka ako ang unang magpapatumba sayo. Hindi ako kailanman magiging sayo dahil ginamit lang kita or in short pinerahan lang kita.""I don't care! Wala akong pake kung pinerahan mo ko o hindi. You're mine, Jerah."Akmang hahalikan niya ang labi ko pero agad kong tinuhod ang alaga niya na kinasigaw niya sa sakit.Wala akong emosyon na nakatingin sa kanya habang nakahiga sa sahig."Hindi mo kailanman magagalaw ang mga biktima mo," walang emosyong ani ko sa kanya.Biglang bumukas ang
Geraldine's Point of View*Nakatingin ako ngayon sa mga mata ni Josh. Alam mo Gerry, bakit yun ang sinuot mo sa kasal mo kay Mike? Nagiging b*bo na ba ako? Emergency situation na kasi ang nangyayari kaya ganun..."Pinahiram ko si Mrs. Muller."Natigilan naman siya sa sinabi ko. Yun talaga ang lumabas sa bibig ko?"Pinahiram mo siya? Hindi ba't sobrang yaman ni Mrs. Muller?""That's an emergency situation. Hindi niya matanggap na ikakasal si Mr. Muller sa magiging Asawa niya. You know may past relationship silang dalawa tapos ikakasal si Mr. Muller sa ibang babae."Pwede na akong maging novelist nito ha."Ganito kasi ang nangyayari."Ipapaliwanag ko sa kanya ang nangyayari para mas lalo siyang maniwala sa akin. Kailangan niyang malaman ang nangyari sa gown niya dahil ang mahal din nun kaya i-explain natin sa kanya.3rd Person's Point of View*Ipapaliwanag kuno ng Bida natin ang nangyari kuno sa kanya.Nung tumakbo siya palabas ng hall ay nakita niya si Miss Geraldine nun na umiiyak s
3rd Person's Point of View*Naglalakad siya pabalik sa opisina kung nasaan naghihintay ang Asawa niya ngayon. Pero habang naglalakad ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon.Habang nakatingin sa babaeng nakaharap niya kanina.Nagpatuloy siya sa paglalakad nang matigilan siya bigla sa paglalakad at natigilan din ang kanang kamay niya na si John."Boss?""Bagong employee ba si Miss Jerah Sanchez?" walang emosyong ani ni Mike kay John."Titingnan ko po sa information sa HR po."Kinuha niya ang tablet niya at hinanap niya ang pangalan ni Jerah Sanchez at napakunot ang noo niya nung makita sa information sa kompanya nila na walang nagpapangalang Jerah Sanchez na nagtatrabaho sa kompanya nila."Wala pong nakapangalan ng ganun, boss."Napakamao si Mike sa sinabi nito at mabilis na tumakbo papunta sa opisina kung nasaan ang Asawa niya at pagbukas niya ng pintuan ay wala siyang nakikitang Gerry sa loob ng opisina."Boss? Ano pong problema? Ire-report na po ba natin ang tungkol
Geraldine's Point of View*Lumakad na kami paalis sa meeting room para hindi maghinala sa akin si Mike pero hindi ko inexpect ang pagtawag niya sa akin."Miss?"Natigilan kami sa paglalakad dahil alam ko na ako ang tinatawag ni Mike. Napalunok ako ngayon at dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya at binitawan ko ang kamay ni Josh."Mr. Muller?"Nakita ko na ang lapit na niya sa akin ngayon! At huminto siya sa harapan ko at tiningnan niya ang ID ko na kinatingin ko din doon."Jerah Sanchez?""Yes, Mr. Muller."Iniba ko talaga ang boses ko para hindi niya ako mahalata at tiningnan ko ang mga mata niya ngayon na parang binabasa ang boung katauhan ko."Do you need help? Hinaharass ka ba ng lalaking ito?"Balita pala sa boung Pinas ang pagtakbo ko sa kasal namin dahil sa mga babae niya."You!"Pinigilan ko naman si Josh at sinamaan siya ng tingin."Mag-uusap lang po kami para malinawan po sa lahat."Tiningnan niya ako sa mga mata ko at hindi din ako nagpapatalo."Anong pakealam mo, Mu
3rd Person's Point of View* Sa meeting room kung nasaan sina Mike at Josh. Nakatingin lang ngayon si Mike sa kanya at hindi din nagpapatalo si Josh sa pagtitigan. "What are you doing here? Biglaan naman atah ang dating mo dito without appointment." "I'm your friend kaya exempted ako diba?" "Not concider being your friend." Napakunot naman ang noo ni Josh sa sinabi nito. Pero ganun naman parati ang sinasabi nito kaya nasasanay na din siya. "Hindi ka pa din nagbabago. Oh well, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa sa pinunta ko dito." Umiinom ng tea si Mike habang nakatingin sa kanya at pinipigilan niya ang sarili na suntukin ang mukha nito dahil sa ginawa nito sa Asawa noon na muntik ng isali sa collection nito noon. At si Josh naman ay nakikita niya na kumportable lang ito sa inuupuan niya na mas lalo niyang kinainis pero hindi naman niya iyon pinapahalata. Ngumiti naman siya habang nakatingin kay Mike. "About your wife..." Napatigil naman sa pag-inom si Mike sa tea niya na at n