Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
3rd Person's Point of View* Napatingin si Leo sa phone niya at alas 3 na at hindi pa din umuuwi si Gerry at kagabi pa niya ito hinihintay dahil hindi pa din umuuwi baka kung ano na ang nangyari sa Asawa niya. "She needs this job kaya hindi siya tatakas at Asawa ko siya at di siya agad makakawala sa bagay na yun," paulit-ulit na sabi na lang niya sa sarili niya habang nakatingin sa phone niya. Humiga siya at pinipikit niya ang mga mata niya pero di pa din siya nakakatulog. Inaamin niya na nagiging maayos na ang pagtulog niya nung katabi niya ito sa higaan at nagiging maayos din ang kalusugan niya dahil nakakain na din siya ng malulusog na pagkain dahil nakakalasa siya sa gawa ni Gerry. Kinuha niya ang unan ni Gerry at niyakap niya iyon pero hindi pa din iyon sapat para tuluyan na siyang makatulog. Dalawang gabi na siyang di nakakatulog ng maayos at naramdaman niya na bumalik na naman siya sa dati na parang walang kabuluhan ang mundo niya katulad noon nung umalis ang mom niya. A
3rd Person's Point of View* Years ago... Nasa loob ngayon sila Gerry sa isang training ground at kasama niya ang apat ngayon. Nasa mga 13 years old silang lima na kasali sa training sa hell week ng mga sundalo at silang Limang mga kabataan ay nasali sa bagay na yun. Hindi naman sila mapipilian kung di sila makakapasa sa survival na ibibigay sa kanila ng adopted dad ni Gerry. Nakatingin sila ngayon sa mga juice na nasa lamesa. "Okay, taste it." Napatingin sila sa mag-handle sa amin na team leader sa army. "Mukhang masama ang pakiramdam ko sa bagay na ito," mahinang ani ni Ethan. Sa harapan kasi nila ay isa-isa sila ng baso ng juice at kinuha naman nila iyon at inamoy at wala naman itong kakaiba sa amoy kaya ininom nila iyon. Hanggang sa maubos nila. Nang isang iglap ay bigla na lang silang napa-ubo ng dugo dahil may lason na nakalagay sa juice. "Okay, the next training section you all do today is poison." "Grabe ka sir. Wala pang trailer at agad mo kaming pina-inom," nahihi
Geraldine's Point of View* Umalis na ako doon. Naiinis ako sa lalaking iyon habang naglalakad at nakahawak ako sa pisngi ko. Sigurado akong namumula pa ito. Nang biglang umikot ang paningin ko at napahawak ako sa dingding. Naghalo atah lahat. Hangover, lason at pagkasampal sa akin. "Sana di na lang ako umuwi dito." Napakagat ako sa labi ko at pinipigilan ang galit ko. Hindi ko naman hinahayaan na sampalin ako ng kahit sino pero bakit siya bigla na lang niya akong sinampal? Bakit? Natamaan ba siya sa lahat ng sinabi ko? Eh totoo naman na dahil sa pera napapasunod niya lahat. Dumiretso ako sa balcony ng mansion at doon ako tumayo sa gilid ng railings at nagbuntong hininga ako habang nakatingin sa kalangitan. Kailangan ko ng fresh air ngayon. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tiningnan ko ang kamera ko at nakikita ko nga na namumula pa ang pisngi ko. Kaya pala namamanhid pa eh. Humanda talaga siya sa akin at suntok ang ibibigay ko sa mukha niya. Napatingin ako sa baba at n
3rd Person's Point of View* Nakahawak ngayon si Mike sa ulo niya habang nasa sasakyan siya papunta siya sa lugar kung nasaan ngayon si Rafayel. May barilan kasing nangyayari sa lugar nito at mga hitman ang mga kalaban ni Rafayel. Kailangan nito ng backup. Ito din kasi ang mga sumugod kay Geraldine kagabi at agad nahanap ni Rafayel at ngayon pero agad siyang natunugan. Nakarating sila ngayon sa lugar at nakatago lang si Rafayel at agad na nila itong ni-rescue kasama ang ibang tauhan. Di pa sila pwedeng umatake ngayon dahil kulang ang tauhan nila sa daming nandodoon. "Rafayel." "Madali silang makatugon. Hindi sila ang assassin na pumupunta sa mansion. Ibang grupo sila. Mga magagaling na hitman para magpatumba sayo." Napakamao naman si Mike sa sinabi nito. "Damn, hindi ko alam na mas lalong lumalakas ang pinapadala nila para patayin ako." "How about Gerry? Ayos na ba siya? Yung lason? Naagapan ba?" "Hindi siya nagpagamot." Nanlaki ang mga mata ni Rafayel sa sinabi nito. "Galit
Geraldine's Point of View*Napatingin ako sa kanila na kakaiba na ang tingin sa akin ngayon."Madame, walang maski sino ang sasampal sa magandang mukha niyo po. Hindi po namin hahayaan ang bagay na yan po."Napalunok ako habang nakatingin kay Jane. Ito ba ang Jane na kilala ko na innocent? Parang nakakatakot siya ngayong sa totoo lang.Lalo na si Justine."I slap myself."Natigilan naman sila sa sinabi ko."Madame!" sabay sambit nilang dalawa."Bakit niyo naman po ginawa ang bagay na yan po? Parang magkakaroon pa atah ng pasa po ang pisngi ninyo."Napangiti na lang ako sa kanila at lumapit ako sa kanila at hinaplos ko ang mga pisngi nila."Ginawa ko lang yun kanina para magising na ako at hindi ako makatulog dahil sa lason. Ayokong matulog at mukhang ang garden na ito ang nakakabuhay sa akin agad. Salamat dahil pinaganda ninyo ang garden na ito."Napangiti naman sila at dahan-dahan na napatango. Mabuti napaniwala ko agad sila sa sinabi ko. "Maupo na po kayo sa duyan po. Hatid ka na p
Geraldine's Point of View* Mabilis akong natapos sa pag-aayos at tinakpan ko talaga ng concealer ang pisngi ko para hindi halata ang pasa sa pisngi ko. Nag-sign na akong pumasok na ang dad ni Mike at nag-aalala naman siyang napatingin sa akin. "My daughter-in-law, darling, ayos ka lang ba? Damn, huli ko ng narinig ang nangyari sayo. May dala akong doctor at narinig ko na hindi ka pa napapatingnan." "Dad, kalma lang po. Ayos lang po ako at wag po kayong mag-aalala. Gutom lang po ako ngayon at kailangan ko lang po ang kain lang." "Pero mabagsik ang lason na natagpuan sa shuriken ng kalaban kanina, darling." "Wala naman po akong naramdaman mo. Mukhang sinipsip siguro ni Mike kaya hindi agad kumalat sa katawan ko ang lason." Nakahinga naman ito ng maluwag. Yun na lang ang palusot na ginawa ko. "Kung ganun ay mabuti naman at ginawa niya ang bagay na yun. Doc, maayos naman ang anak ko diba? Wala namang kakaiba sa kanya?" "She looks normal po pero we must conduct an examination for
Geraldine's Point of View* Tapos na akong kumain at busog na busog ako ngayon na nakaupo sa duyan. This is life, peaceful, quiet and beautiful. "Gusto niyo po ba ng tea, madame?" yaya sa akin ni Jane sa gilid. "Yes, please." Sinalinan naman niya ang tea cup ko at lumapit naman si Justine sa akin at may inilahad siyang bulaklak sa akin. "Madame, para po sa inyo. Pwede din po ninyo ilagay sa kwarto ninyo." "Thank you, Justine. Ang ganda nito at ang bango pa." Kinuha ko iyon at iba't ibang kulay iyon ng rosas at nakikita ko na wala na iyong mga tinik. "Tinanggalan ko na po iyan ng tinik para hindi po kayo masugatan po." Natawa na lang ako sa sinabi niya. "I won't hurt myself anymore." Napangiti naman sila at dahan-dahan na napatango. Uminom ako ng tea nang biglang may radio na tumunog sa gilid at mukhang radio iyon ni Justine. 'Justine, we need medication. Injured si Rafayel,' rinig ko ang boses ni Mike na kinatigil ko at nakita ko din na natigilan din si Jane. Si Rafaye
Geraldine's Point of View* "Take that shirt off," naiinis na ani ko sa kanya. Agad naman niyang hinubad iyon na parang sunod sunuran ko at agad ko namang nakita ang sugat niya sa tiyan niya parang daplis lang ito ng bala at hindi lumusot sa loob ng bituka niya. Agad kong nilinisan ang sugat at napa-aray pa siya dahil sa ginawa ko. "Dahan-dahan naman---" Masama ko siyang tiningnan na kinatahimik niya at nagpatuloy ako sa paglagay sa sugat niya at inihipan ko iyon. At mabuti tahimik lang siya ngayon habang busy pa din ako sa paglagay ng gauze. Hanggang sa matapos na at agad kong niligpit ang mga ginamit ko at aalis sana ako nang hawakan niya ang kamay ko na kinatingin ko sa kanya. "Thank you." Humarap ako sa kanya at pinalo ko ang balikat niya ng tatlong beses at malakas yun. Inilabas ko lang ang galit ko sa kanya. "Anong karapatan mong saluin ang atake sayo! Bobo ka din noh! Akala ko matalino ka!" Nagulat naman siya sa sinabi ko. Wala akong pake kung magalit siya sa akin bast
3rd Person's Point of View*Nakarating si Jane sa opisina ng Mafia Emperor at hindi pa siya makapasok dahil hinarangan siya ng mga gwardya na nandidito."Miss, hindi pwedeng pumasok dito dahil opisina ito ng emperor.""Kilala ko siya at kailangan ko siyang makita.""Hindi pwede.""Seryoso?" naiiritang ani nito.Kinuha niya ang phone niya at agad niyang tinawagan si Rafayel sa cellphone nito."Hello, bab---""Lalabas ka ba dito sa labas ng opisina o pabagsakin ko ang mga gwardya dito? May unexpected na nangyari.""Eh! Wait lalabas ako, baby. Kalma ka lang, okay? Inosente sila, baby.""5 seconds lumabas ka na.""Eh?!"Agad na niyang binilangan at lumabas na agad si Rafayel sa pintuan at tumakbo siya papunta kay Jane."Baby, I'm here na.""Gusto kong makita ang amo ko.""Eh? Tungkol ba yan kay Gerry?""Yes.""Okay."Lumakad na sila papasok sa loob at agad nilang nakita si Mike na nakasout na ng damit ng emperor.Nagtataka naman silang napatingin kay Jane na hindi nito kasama si Gerry."N