Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
Geraldine's Point of View* Nagulat ako sa ginawa ni Mike nung niyakap niya ako ng mahigpit na parang wala ng umaga at nakatago lang ang mukha niya sa leeg ko habang mahigpit pa ding niyayakap ang katawan ko. "Okay, bro, mauna na ako at ako na ang magmamaneho ng sasakyan mo." Lumakad na si Rafayel papunta sa sasakyan na ginamit ni Mike at nakatingin na lang ako sa kanya hanggang sa umalis na siya. Bakit may payakap yakap pa ang lalaking ito? "Mike..." "I'm so sorry, wife." Natigilan ako nung humingi siya ng tawad sa akin at dahan-dahan siyang napatingin sa akin at nagtitigan kami ngayon sa mga mata niya. Napa-iwas naman ako ng tingin. "B-Bakit ka naman nagso-sorry, ano ba ang ginawa mo." Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at napatingin naman ako doon. "For calling you stupid at hindi ko na pinagigiba ang garden. Hindi ko alam na special yun sayo." Napa-ikot ko ang mga mata ko. "Bakit mo naman ginawa yun? Sayo naman ang garden na yun at isa pa wala naman akong karapa
Geraldine's Point of View* Nasa sasakyan kami ngayon. Di ko alam kung nagbabago ba siya o iniimbestigahan niya ang pagkatao ko. Hindi muna kami umuwi dahil kakain daw kami sa labas. Di ko alam kung saan kami pupunta ngayon basta ang alam ko kakain kami. Ginutom na din ako eh nang may naalala ako. "Mike---" Napakunot ang noo niya nung tinawag ko siya sa pangalan niya. "Wife, mukhang nakalimutan mo na agad ang itatawag mo sa akin ha." Napalunok ako. "Hubby ang sinabi ko ha." "What is it?" Ayun bumalik na naman sa pagiging kalma ang mukha niya. Ang bilis magpalit ng emosyon eh. Napatingin ako sa harapan at mabuti nag-stop pa ang traffic light. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya nang napansin ko na ang kamay na inilahad ko ay yung may benda. "Ay wrong hand." Pinakita ko ang isang kamay ko na kinataka niya. "What is that?" "Nasaan yung apple ko na binigay ko sayo kanina? Ayaw mo yung kainin diba? Kaya akin na." Mahina naman siyang natawa na kinagulat ko. Tumatawa pa
3rd Person's Point of View* Flashback... Nanlalaki ang mga mata ni Asher nung pinaharurut ni Geraldine ang sasakyan kasama si Rafayel at agad niyang tinawagan si Rafayel. At mabuti sinagot nito ang tawag pero hindi siya maririnig nito at i-non lang nito ang call at agad siyang sumakay sa sasakyan niya at mabilis na pinaharurut at tiningnan niya ang gps ni Rafayel kung saan sila ngayon. At naririnig niya ang lahat ng pinag-usapan nilang dalawa habang nagmamaneho. 'Bakit di na lang siya naging katulad ko na mabait? Bakit parang sinapian siya parati ni Satanas?' Natigilan siya sa sinabi nito habang nagmamaneho at kumirot din ang puso niya. 'Kung ayaw mong tuluyang mawala sayo ang Asawa mo ay magbago ka. You're old enough na kaya mo ng i-handle ang company ninyo at isipin mo naman ang sarili mo wag ang sinasabi ng ibang tao, Asher,' naalala niya ang sinabi ni Rafayel sa kanya at doon na niya narealize ang lahat. Hindi na normal ang nararamdaman niya ngayon. Grabe na siya mag-aala
Geraldine's Point of View* Tiningnan ko siya sa mga mata niya at ngumiti ako. "Yes, ah baka nakaka-estorbo kami sa date ninyo..." Pinutol pa niya ang sinasabi ko ha. "Ah hindi naman," ani ni Josh. "... Dahil kayo nakaka-estorbo kayo sa amin." Napatingin naman ako kay Mike na walang emosyon na nakatingin kay Josh. "Ganun ba? Ah sorry for doing that. Sige, enjoy your date." At umalis na sila at napabuntong hininga na lang ako at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Kalma lang, hubby." Sobrang hinang talaga ng pagkasabi ko sa bagay na yun dahil pinagtitigan na kami ng mga tao dito. Pero kilala naman talaga si Mike bilang mainitin ang ulo kaya sanay na siguro ang mga tao dito. Wala akong choice kundi gawin ang bagay na ito sa public. Hinawakan ko ang pisngi niya na kinatingin naman niya sa akin at dinala ko iyon sa mukha ko hanggang sa mahalikan ko ang pisngi niya at nagulat naman ang mga nanonood sa amin ngayon dito. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya a
Geraldine's Point of View* Naningkit ang mga mata ko habang naglalakad kami ngayon sa pabalik sa sasakyan. Mabuti wala na ang mga assassins dahil inubos na siguro ni Sky ang mga iyon. Nahawak ang kamay ko sa braso niya habang naglalakad pero napansin ko na may lumapit na mga bodyguards niya at napayuko ang mga ito sa harapan namin. "Bakit sila nandidito?" mahinang sabi ko kay Mike. Napatingin naman siya sa akin na parang in love na in love sa akin. Ang weird talaga ng lalaking ito. "May pinagawa lang ako sa kanila, wife." Napatingin ako sa mga gwardya nang maalala ko yung isa ay siya yung pinunasan ko ng abs. "Ehem... Let's go? Saan mo gusto pumunta? May bibilhin ka ba?" Nang may naisip ako. "Let's go shopping." Napatingin naman siya sa mga gwardya at tumango siya doon at yumuko naman ang mga ito bago umalis at bumalik ang tingin niya sa akin. "Let's go, let's go shopping." Napa-yes naman ako na may fight hand pang gestures at natawa na lang siya. Pinagbuksan niya ako n
3rd Person's Point of View* Hinila pa din ni Rafayel si Jane papunta sila sa gilid ng pool at mabilis namang binawi ni Jane ang kamay niya. "Sire Rafayel, ano po ang ginagawa niyo? Bakit kayo nanghihila?" Hinimas himas ni Jane ang kamay niya habang nakatingin kay Rafayel. Napabuntong hininga na lang si Rafayel at nanghihinang napatingin kay Jane. "Diba sabi mo gusto mo ako? Hinalikan at ginahasa mo nga ako nung gabing iyon." Nanlaki naman ang mga mata ni Jane dahil sa sinabi nito. "Ha? Ano pong pinagsasabi ninyo po? Wala po akong alam sa pinagsasabi po ninyo." Nalungkot naman siya at tiningnan niya ako. "May sakura flower ka sa may likod mo. Nakikita ko yun habang pinapasok kita." Nanlaki naman ang mga mata ni Jane dahil sa sinabi nito. "Wala akong ganun." "You force yourself to me at wala akong kalaban laban sa bagay na yun. Panagutan mo ako." Napanganga naman ako habang nakatingin ako sa kanya ngayon. This man... "Anong pinagsasabi mo? Wala akong maalala sa sinasabi mo
Geraldine's Point of View* Kanina pa ako nagbabantay kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Sana naman hindi sa lodge, motel o inn baka maaga ko siyang mapapatulog. "Have you been tense for a while now, wife? Are you feeling any pain?" Napatingin ako sa kanya at agad napa-iling iling. "Ha? Hindi ah." Mahina naman siyang natawa at hinawakan niya ang kamay ko na kinagulat ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Bakit ang weird mo? Kanina ka pa ha." "Ayaw mo ba na ganito ako?" nakatingin siya sa akin. "Eyes on the road." "Okay." Napalunok ako kasi naman nagmamaneho siya ngayon. "Napagdesisyunan ko na tuparin ang sinabi sa akin ni Mom noon at ganun na din ang sinabi ni Rafayel." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ha?" Napatingin siya sa akin at bumalik ulit sa daan ang tingin. "I will tell you later sa destinasyon natin." Dahan-dahan naman akong napatango sa sinabi niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang natingin sa kanya. Hindi na atah normal ang bagay na
3rd Person's Point of View* Nakikita ngayon ni Mike ang sakit na nasa mata ni Gerry ngayon na ngayon lang niya nakita sa asawa na di niya alam. At tumulo pa ang luha nito na nasaktan sa lahat ng sinabi niya. "Gerry..." "Gusto ko ng magpahinga. Salamat dahil nilinaw mo ng maaga pa bago mapunta sa isang bagay na di dapat mangyayari." Di siya makapagsalita at di niya alam kung ano ang sasabihin sa sinabi ni Gerry sa kanya ngayon at nakita na lang niya na umalis na lang ito. "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya nung nakita niya na lalabas ito sa pintuan. "Uuwi na ako sa mansion. May mga gagawin pa akong bagay na hindi related sa pagiging asawa mo." "Baka nakakalimutan mo na double pay ang binibigay ko sayo?" "For this play? Sabihin na lang nating million ang ibibigay mo sa akin ay di ko pa din tatanggapin dahil first for all hindi ako laruan na paglalaruan mo lang hangga't gusto mo at kailangan ko ding magpahinga. Kaya mauna na ako." "Just do whatever you want." Tumalikod
3rd Person's Point of View*Sa kulungan ay nakatulala ngayon si Josh habang nakatingin sa dingding. Pilit niyang sinasabi sa sarili na hindi totoo ang mga nalaman niya kanina."No, hindi iyon magagawa ni Jerah. Impossible na isa siyang agent. Hindi ako naniniwala sa bagay na yun."Hinawakan niya ang litrato ni Jerah nung nag pic silang dalawa."She loves me so much! Hindi ako naniniwala sa bagay na yun!"Napatingin naman ang mga kasamahan nito sa kanya at kilalang kilala siya ng mga ito."Rape ang kaso niyan diba?""Oo. Ano, ang gagawin natin sa lalaking iyan? Mukhang nababaliw na atah oh."Wala siyang pake sa mga taong nakapaligid sa kanya at nakatingin lang siya sa litrato ni Jerah."My love, I will do everything makalabas ako at lalayo tayo sa bansang ito.""Hindi ka na makakalabas oi. Wag ka ng umasa sa bagay na yun."Napatingin naman siya sa mga lalaking nakapaligid sa kanya ngayon."Hindi ka mahal niya. Wag kang umasa sa bagay na yan. Ginamit ka lang niya para mahuli ka."Nalama
Geraldine's Point of View*"W-What did you say, wife?"Tiningnan ko ang mga mata niya ngayon."Kung ayaw mo na sa akin ay maghihiwalay na tay--""No, ayoko. Never na mangyayari ang bagay na yun, wife."Naging seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin at hinawakan niya ang kamay ko na parang ayaw na niyang bitawan ang kamay ko ngayon."Lumalamig na kasi ang trato mo sa akin akala ko ayaw mo na sa akin. At naging mahina ako kanina at akala ko parang nawala ang pagka gusto mo sa akin dahil sa bagay na yun."Napahawak naman siya sa ulo niya at dahan-dahan na niyakap niya ako ngayon."Wife, my love for you has never faded. I'm sorry if I haven't shown it enough, but you are still my heart, my home. I love you more today than yesterday, and I will love you for a lifetime."Napakagat naman ako sa labi ko dahil sa sinabi sa akin ni Mike at naramdaman ko din ang bilis ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa akin at ganun din ako sa kanya.Damn, mas lalo atah lumalala ang puso ko ngay
Geraldine's Point of View*Nakakunot ang noo ko dahil iba ang daanan namin ngayon at hindi sa kompanya niya o sa condo na tinitirhan muna namin.Napatingin ako sa kanya na wala pa ding emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa labas na kinalunok ko pa din.Ano ba ang nalaman niya? Bakit ganun ang mukha niya? Dahan-dahan akong napatingin sa labas ng bintana at siniksik ko ang sarili ko doon at napakagat sa labi ko. May nalaman na ba siya tungkol sa pagkatao ko o may nasabi ba sa kanya si Josh? "Dammit..." mahinang bulong ko habang nakatingin doon sa malayo at napakamao pa ako.Ano ba ang nakaligtaan ko? Napatingin ako sa singsing na sout ko ngayon. Syempre hindi ko yun nakalimutan. Isang beses ko na itong nawala noon sa swimming pool at di ko na ulit iwawala ito sa susunod."Wife."Napatingin naman ako sa kanya na nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin."Why are you cursing?"Di ako sumagot at tumingin ako sa labas at ako na naman ngayon ang hindi pumapansin sa kanya.Hi
3rd Person's Point of View*Walang emosyong naglalakad si Mike papasok ng restaurant. Kasama ang mga gwardya niya at nakikita na din niya ang mga police car sa labas at biglang may humarang sa kanya sa may entrance. "Sire, pasensya na po sandali po munang pinapasara sandali ang restaurant.""My wife is inside."Nagkatitigan naman sila at napatingin ang mga police sa mga bisita na inilagay sa isang room."Anong pangalan po ng asaw---"Lumakad na papasok si Mike na kinagulat ng mga police at agad siyang pinigilan ng mga ito."Sire, hindi nga po kayo pwede pumasok!""Ako na ang bahala sa bagay na ito."Napatingin naman sila sa gilid at ito yung detective na kaibigan ni Astraea na si Detective Aldren."Oh, Mr. Muller, it's nice to see you here. Sino ang hinahanap ninyo po?""My wife.""You mean si Mrs. Geraldine? Ah oo nakikita ko siya kanina nag-te-take out siya ng foods sa counter."Napakunot naman ang noo ni Mike sa sinabi ni Aldren."What?"Lumakad na ulit si Mike papasok at nagulat
Geraldine's Point of View*Damn this bastard!Sakal-sakal pa din niya ako ngayon."You're mine at walang ibang aangkin sayo at ako lang. Jerah, ito ang tatandaan mo. I will kill those who can stop us at papatayin ko din ang mga babaeng naging sagabal sa lahat ng plano ko!"May plano pa talaga ang lalaking ito! Mga inosente ang lahat ng mga naging biktima niya at nakita ko ang mga record interview nila at sobrang kinurot ang puso ko sa mga naririnig at may iba na ginawang s*x slave ng demonyong ito."Try that o baka ako ang unang magpapatumba sayo. Hindi ako kailanman magiging sayo dahil ginamit lang kita or in short pinerahan lang kita.""I don't care! Wala akong pake kung pinerahan mo ko o hindi. You're mine, Jerah."Akmang hahalikan niya ang labi ko pero agad kong tinuhod ang alaga niya na kinasigaw niya sa sakit.Wala akong emosyon na nakatingin sa kanya habang nakahiga sa sahig."Hindi mo kailanman magagalaw ang mga biktima mo," walang emosyong ani ko sa kanya.Biglang bumukas ang
Geraldine's Point of View*Nakatingin ako ngayon sa mga mata ni Josh. Alam mo Gerry, bakit yun ang sinuot mo sa kasal mo kay Mike? Nagiging b*bo na ba ako? Emergency situation na kasi ang nangyayari kaya ganun..."Pinahiram ko si Mrs. Muller."Natigilan naman siya sa sinabi ko. Yun talaga ang lumabas sa bibig ko?"Pinahiram mo siya? Hindi ba't sobrang yaman ni Mrs. Muller?""That's an emergency situation. Hindi niya matanggap na ikakasal si Mr. Muller sa magiging Asawa niya. You know may past relationship silang dalawa tapos ikakasal si Mr. Muller sa ibang babae."Pwede na akong maging novelist nito ha."Ganito kasi ang nangyayari."Ipapaliwanag ko sa kanya ang nangyayari para mas lalo siyang maniwala sa akin. Kailangan niyang malaman ang nangyari sa gown niya dahil ang mahal din nun kaya i-explain natin sa kanya.3rd Person's Point of View*Ipapaliwanag kuno ng Bida natin ang nangyari kuno sa kanya.Nung tumakbo siya palabas ng hall ay nakita niya si Miss Geraldine nun na umiiyak s
3rd Person's Point of View*Naglalakad siya pabalik sa opisina kung nasaan naghihintay ang Asawa niya ngayon. Pero habang naglalakad ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon.Habang nakatingin sa babaeng nakaharap niya kanina.Nagpatuloy siya sa paglalakad nang matigilan siya bigla sa paglalakad at natigilan din ang kanang kamay niya na si John."Boss?""Bagong employee ba si Miss Jerah Sanchez?" walang emosyong ani ni Mike kay John."Titingnan ko po sa information sa HR po."Kinuha niya ang tablet niya at hinanap niya ang pangalan ni Jerah Sanchez at napakunot ang noo niya nung makita sa information sa kompanya nila na walang nagpapangalang Jerah Sanchez na nagtatrabaho sa kompanya nila."Wala pong nakapangalan ng ganun, boss."Napakamao si Mike sa sinabi nito at mabilis na tumakbo papunta sa opisina kung nasaan ang Asawa niya at pagbukas niya ng pintuan ay wala siyang nakikitang Gerry sa loob ng opisina."Boss? Ano pong problema? Ire-report na po ba natin ang tungkol
Geraldine's Point of View*Lumakad na kami paalis sa meeting room para hindi maghinala sa akin si Mike pero hindi ko inexpect ang pagtawag niya sa akin."Miss?"Natigilan kami sa paglalakad dahil alam ko na ako ang tinatawag ni Mike. Napalunok ako ngayon at dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya at binitawan ko ang kamay ni Josh."Mr. Muller?"Nakita ko na ang lapit na niya sa akin ngayon! At huminto siya sa harapan ko at tiningnan niya ang ID ko na kinatingin ko din doon."Jerah Sanchez?""Yes, Mr. Muller."Iniba ko talaga ang boses ko para hindi niya ako mahalata at tiningnan ko ang mga mata niya ngayon na parang binabasa ang boung katauhan ko."Do you need help? Hinaharass ka ba ng lalaking ito?"Balita pala sa boung Pinas ang pagtakbo ko sa kasal namin dahil sa mga babae niya."You!"Pinigilan ko naman si Josh at sinamaan siya ng tingin."Mag-uusap lang po kami para malinawan po sa lahat."Tiningnan niya ako sa mga mata ko at hindi din ako nagpapatalo."Anong pakealam mo, Mu
3rd Person's Point of View* Sa meeting room kung nasaan sina Mike at Josh. Nakatingin lang ngayon si Mike sa kanya at hindi din nagpapatalo si Josh sa pagtitigan. "What are you doing here? Biglaan naman atah ang dating mo dito without appointment." "I'm your friend kaya exempted ako diba?" "Not concider being your friend." Napakunot naman ang noo ni Josh sa sinabi nito. Pero ganun naman parati ang sinasabi nito kaya nasasanay na din siya. "Hindi ka pa din nagbabago. Oh well, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa sa pinunta ko dito." Umiinom ng tea si Mike habang nakatingin sa kanya at pinipigilan niya ang sarili na suntukin ang mukha nito dahil sa ginawa nito sa Asawa noon na muntik ng isali sa collection nito noon. At si Josh naman ay nakikita niya na kumportable lang ito sa inuupuan niya na mas lalo niyang kinainis pero hindi naman niya iyon pinapahalata. Ngumiti naman siya habang nakatingin kay Mike. "About your wife..." Napatigil naman sa pag-inom si Mike sa tea niya na at n