Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
Geraldine's Point of View*Mahalaga ang kasal sa maraming kababaihan dahil isa ito sa mahahalagang selebrasyon sa kanilang buhay, lalo na kung ang mapapangasawa nila ay ang lalaking mahal nila. Yun ang paniniwala ng ibang mga babae at iba sa akin. Ngayon ay nakatingin ako sa groom ko na naghihintay sa altar na nakangiti habang nakatingin sa akin at napangiti na lang din ako habang naglalakad.Patuloy siyang nakangiti hanggang sa tuluyan na akong makarating sa harap niya at agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko.“Baby, sa wakas. I'm so lucky to have you in my life."“Yes, di ko aakalain na umabot din tayo sa kinatatayuan natin ngayon, my Senador.”Mahina naman siyang natawa sa sinabi ko at ngumiti ako sa kanya."Before that may message ako sandali, okay?"Dahan-dahan naman siyang tumango at kinuha ang mikropono sa gilid na kinataka ng lahat at nakikita ko ang excitement sa mukha niya."My check, my check, ayan gumana...." Napatawa naman silang lah
Geraldine’s Point Of View* Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya na hinahalikan niya ang labi ko at dahan-dahan naman niyang hiniwalay ang labi niya sa akin na kinapalakpak ng lahat ng nandodoon at napangiti naman siya habang nakatingin sa akin. At ako naman ay nananatili pa ding nanlalaki ang mga mata ko. Teka ninakaw niya ang first kiss ko na para sa future husband ko?“Y-You kiss my lips?” mahinang ani ko sa kanya. “Shh, nakatingin pa din silang dalawa at nandidito pa ang mga kaibigan at parents ng real Bride ko.” Natigilan naman ako sa sinabi niya. Pinasok ko ang gulong ito kaya paninindigan ko ang bagay na ito.Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya. “Yung tip ko ha.” Mahina naman siyang natawa at dahan dahan na tumango at niyakap niya ako pabalik.“Of course, later.” Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at dahan dahan akong tumayo galing sa kandungan niya.Wala na at naging side line ko na talaga ito ngayon parang ang tip ko ngayon ay parang baon ko sa bakas
Geraldine Point of View*Habang naglalakad kami ay nakahawak ako sa kamay niya at automatic naman ang wheelchair niya habang naglalakad ako.Todo lang ang ngiti ko habang naglalakad. Jusko parang sa kanya ko tinuloy ang kasal namin nung senator huh?Okay lang. Ngayong gabi lang naman ang lahat ng ito. Sayang talaga ang lahat ng ito kung wala talagang Wife na dadalo. Marami ding bisita at isa pa puro mga mayayaman pa. Million siguro ang nagastos nito. Mamaya ko na lang tatanungin."Let’s hear the message from our surprising couple today, who we never expected to end up together," ani ng host na nasa harapan.Eh? May message pa pala! Napatingin ako kay Mike na nakatingin sa akin."Anong sasabihin ko?" mahinang ani ko sa kanya."Just say whatever you want to say. Ako na ang bahala kung mag-rereact sila."Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong napangiti. "Okay, pero syempre Gentleman's first."Napakunot ang noo niya at napatawa na lang siya ng mahina at kinuha niya ang microphone para m
Geraldine's Point of View*Parang langit ang nakikita ko ngayon! Sulit ang tatlong buwan ko na mission! Kailangan matikman ko ang lahat ng ito. Jusko! Addict na kung addict. "I miss you, babies.""Pfft."Napatingin ako sa gilid ko at nakalimutan ko na nasa tabi ko pa pala si Mike at ngumiti ako ng inosente sa kanya."Can I have a word, Mr. Muller?" Napatingin ako kay Mike na may kumausap sa kanya at yun ay ang kanang kamay niya at napatingin naman siya sa akin."Ayos lang ako dito. Promise at hindi ako gagawa ng gulo dito. Mataas ang alcohol tolerance ko."Dahan-dahan naman siyang tumango at itulak na ang kanang kamay niya ang wheelchair nito palabas ng room.Napangiti naman ako at kumuha ako ng isang wine glass at nilagyan ko ang baso ko nang marinig ko ang mga usapan sa likod ko."Who is she really? We've only just seen her now.""And with just a snap, she’s suddenly married to Mr. Muller? And you can see, right? It seems like Mr. Muller is fine with it and looks like he knows tha
Geraldine's Point of View*Nagising ako nang biglang pumasok sa isipan ko na may flight ako ngayon at tatayo sana ako nang may naramdaman akong may yumakap sa akin na kinalaki ng mga mata ko habang nakatingin doon.At naramdaman ko din ang sakit sa pagitan ng binti ko. Dahan dahan akong napatingin sa katawan ko at nakahubad ako ngayon at ganun din siya!"D-Damn..." mahinang bulong ko. Sino naman ang hindi makakamura na nakuha ng iniligtas mong lalaki ang virginity ko?Biglang may pumasok sa isipan ko na alaala na nangyari kagabi."Wife, please, lasing ka."Pero hindi ko siya pinakinggan at hinalikan ko siya at doon ako nanlumo sa sarili ko nang maalala ang nangyari kahapon. Ako ang gumahasa sa kanya! Mahiya ka naman sa ginawa mo, Gerry! Napatingin ako sa kanya at napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit ang ulo ko. Hangover atah ito. Anong inumin ba talaga ang nainom ko kahapon na maski ako ay hindi ko na makilala ang sarili ko sa bagay na yun?Hindi atah yun kagaya ng mga iniinom ko
Geraldine's Point of View*One Month later...Napamulat ako at nasa bath tub pala ako. Waaa nakatulog ako doon at napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog at kinuha ko iyon at nung tingnan ko iyon ay nakita ko ang pangalan ni Chief kaya sinagot ko iyon."Hello, Chief!""Oh, nag-enjoy ka ba sa isang buwan mo diyan? Nasaan ka ngayon?""Nasa city of love ako ngayon.""Nasaan? Nsaa ilo-ilo ka ba?""Chief, kailan ka pa naging loading? Nasa Paris ako noh.""Ayan ba. Sabihin mong Paris may pa city of love ka pa diyang nalalaman.""May regla ka ba, Chief?""Seriously? Fine, kalma na ako. Bukas na ang dating mo diba?""Yes, nakahanda na ang mission ko?""Of course. Excited ka na ba?""Oo naman noh. Exclusive kaya ang misyon ko. Sigurado bigatin ang magiging subject ko. Clue naman oh.""Oh sige, isang mafia."Nanlaki ang mga mata ko at napangiti ako ng wala sa oras."Hmm, mukhang matagal tagal na nung last mission ko sa mafia na yan ha.""Pero success mo namang masolutionan lahat."Napangiti
Geraldine's Point of View*Nakarating na kami sa department at agad akong sinalubong ng mga kasamahan ko."Welcome back, Agent Astraea!""Thank you! Oh di ko kay nakalimutan at may pasalubong kayo sa akin.""Yun!""Bribery na yan ha," ani ko sa kanila na kinatawa naman nila."Nasaan si Chief?""Nasa opisina. Ikaw na ang pumasok may gagawin kaming mga brotherhood mo."Tumango naman ako sa sinabi ni Skyler at ganun din ang iba. May mga trabaho din kasi sila at sinundo lang talaga nila ako.Kumatok ako ng tatlong beses at agad kong binuksan ang pintuan."Chief!"Napatingin naman si chief sa akin."Oh, dumating na pala ang hinihintay ko eh! Halika dito para masimulan ko ng makwento sayo ang tungkol sa subject mo."Dahan-dahan naman akong tumango at lumakad na ako papunta sa swivel chair at umupo ako doon at nagdekwatro pa ang mga binti ko at sumandal at napatingin sa projector na nasa harapan namin."Okay, let's start."Biglang lumabas ang logo sa white board."The subject mo ngayon ay is
Geraldine's Point of View*Kinabukasan nun ay nasa taxi na ako papunta sa mansion ng mga Muller at napakagat ako sa labi ko habang nakatingin sa labas. Ano ba ang unang gagawin ko? Mabuti tamang tama na may nagpost na kakailanganin nila ng maid sa mansion nila pero hindi personal maid ni Mike kundi taga linis lang ng mansion niya. Paano ba ako makakalapit sa kanya para malaman ko na at matapos na ang mission na ito?"Miss."Napatingin naman ako sa Driver na tinawag ako."Po?""Alam mo naman ang lugar na pupuntahan mo diba?"Nagtataka naman akong napatingin sa Driver."Ah opo, bakit po?""Alam mo ba na kawawa ang mga nasa loob ng mansion na yun? Palaging nababalitaan na may mga patayan na nangyayari sa loob dahil sa sunod sunod na pagputok ng mga baril sa loob ng mansion nila."Napakunot ang noo ko sa sinabi niya."Talaga po?""Oo, yun ang sabi nila. Wala ding nagtatagal na mga katulong doon dahil sa pagmamalupit daw sa loob ng mansion.""Bakit, nakita ba nila ang mga ginagawa sa loob
Geraldine's Point Of View*Tiningnan ko siya sa mga mata niya at ngumiti ako at dahan-dahan na napatango."Mauna na po kayo sa loob kasi may hinihintay pa kami."Dahan-dahan naman silang napatango at pumasok na sila at napabuntong hininga na lang kami at hinila ko si Aldren papunta sa unahan. "Wag na wag mong lalapitan ang mga taong yun. Naintindihan mo?"Nagtataka naman siyang napatingin sa akin."Bakit naman? Anong meron?""Basta...""Ano nga? Para malaman ko kung sino sila.""Master yun ng mga assassins."Natahimik naman siya bigla at napalunok."Uwi na tayo."Natawa naman ako sa sinabi niya sa akin."Mukhang ganun na nga. Party na lang tayo sa club?""Hmm... Mukhang bet ko yun."Napangiti kami sabay tanguan at hinawakan ko ang braso niya at lalakad sana kami nang biglang humarang ang mga gwardya sa harapan namin.At kasama na doon ang mga humarang sa amin kanina sa entrance."Eh? Hindi na nga kami papasok. Uuwi na kami kasi wala naman kaming invitation. Kaya pwede padaan?" ani ni
Geraldine's Point of View*Nakasout ako ng magandang dress ngayon at umiikot-ikot ako ngayon dito sa salamin. "You're gorgeous."Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Aldren na nakangiting nakatingin sa akin at nakikita ko din na bagay na bagay sa kanya ang sout niya ngayon. Humarap ako sa kanya sabay ngiti."Thank you, handsome."Natawa naman ako nung nakikita ko na namumula ang tenga niya ngayon."Ang cute mo.""Hindi naman."Ang pula na ngayon ng pisngi at ng tenga niya. Hala ganito pala ang lalaking ito?"T-Tayo na nga kasi magsisimula na."Mahina naman akong natawa dahil inayos niya talaga ang boses niya. Akala ko sa simula ay isang seryoso ang isang ito pero ngayon nahuli ko ang kiliti niya.Inilahad niya ang kamay niya sa akin at napangiti ako habang nakatingin sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya at inilagay naman niya ito sa braso niya."Let's go."Lumakad na kami papunta sa kung saan gaganapin ang party at yun ay ang sa mansion ng governor.Sigurado ako na marami
3rd Person's Point of View*Hapon na at nakarating si Mike sa airport at napayuko naman ang mga guards na nakatingin sa kanya at napakunot ang noo niya nung hindi niya makita ang asawa niya na susundo sa kanya."Where's my wife?"Napayuko naman sila at parang may bagay sila na gustong sabihin pero natatakot silang sabihin sa kanya ang bagay na yun."What happened? Bakit wala ang Asawa ko?"Biglang dumating ang sasakyan ni Rafayel at kasama ni Rafayel si Jane. Pati na din si Rafayel ay naguguluhan sa nangyayari sa kaibigan kung bakit ginawa nito ang bagay na yun.Agad niyang kinuwelyuhan si Mike."Bakit mo yun ginawa kay Gerry?"Naguguluhan naman siyang napatingin kay Rafayel."What do you mean? Teka bakit kayo nandidito at pati si Jane na didito. Asan ba ang Asawa ko?""Galit na galit si madame sayo."Natigilan naman si Mike sa sinabi nito at inilahad ni Jane ang video na nakita ni Gerry kanina at natigilan naman si Mike habang nakatingin doon."Akala ko nagbago ka na para kay Gerry.
Geraldine's Point of View*Napamulat ako at napatingin sa paligid at nag-stretching ako habang nakatingin sa labas.Ang peaceful ng araw na ito at alam ko bukas ay uuwi na si Mike. Ano kaya ang lulutuin ko para sa kanya bukas? Lahat naman atah ng luto ko ay favorite niya.Kinuha ko ang phone ko para mag-chat sana kay Mike ng good morning nang may nakita akong isang account na nag-send ng video at narinig ko na may kumatok sa pintuan at pumasok naman si Jane."Good morning, Milady."Hindi ako nagsalita at lumapit naman siya sa akin at natigilan siya sa nakikita niya."No way..."Dahan-dahan niyang hinawakan ang phone ko baka kasi itapon ko ang phone ko.Tiningnan namin ngayon ang video at makikita mo doon na si Mike talaga ang nakaupo sa sofa at may mga babaeng nakapaligid sa kanya na parang nilalandi siya.Inilayo ko ang phone na hawak ni Jane ngayon at nag-aalala siya habang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako habang nakapikit na ngayon. Pinapakalma ko ang sarili ko baka kun
Geraldine's Point of View*Tapos na kaming kumain at hinawakan ni Xavier ang balikat ko. "I won't tell anyone about this. This is your life and your decision. We will support you whatever happens."Napakagat ako sa labi ko at niyakap si Xavier. Wala pa akong desisyon kung ano ang pipiliin ko. Kailangan kong maplanuhan ang lahat baka isang araw mamumulat ako sa katotohanan na ang lalaking minahal ko ay ang mortal ko pa lang kalaban. Dahil baka isang iglap iiwan ko na lang siya... Damn, kumirot na naman ang puso ko dahil sa iniisip ko."Ayos ka na ba? Yung paa mo?""Ayos na. Malalakad ko na.""Hatid na kita sa sasakyan mo. Papara na ako ng taxi. Malayo layo na kasi kung ihahatid mo pa ako pabalik sa gym.""Okay, thank you, Xavier."Lumakad na kami at hindi pa din naman maayos ang paglakad ko pero okay okay na din naman kahit papaano palabas ng vip room."Okay ka lang ba? Sana hindi mo pinilit ang sarili mo para hindi ka masaktan.""Eh gusto ko eh. Okay na ito sa susunod."Nakita ko an
Geraldine's Point of View* Nakarating sila sa restaurant at nasa VIP room kami ngayon ni Xavier ay nanlulumo akong nakahiga ang ulo ko sa lamesa. "Tell me kung ano ang ginawa mo kanina habang kaharap siya?" "Bakit ba parang vip na talaga siya pagsinasabi mo ang bagay na yun? Kinakabahan na ako sa pinagsasabi mo eh!" "Isa siya sa nirerespeto ng lahat lalo na ang phantom syndicate group kung saan nandodoon ang mga malalakas na assassins." Narinig ko na ang phantom syndicate na yun dahil nakaharap ko na sila noon at di ko nga pinagkakaila na ang lalakas nila sa larangan ng labanan. Sila ang mga assassins na itataya nila ang buhay nila para sa master nila. "Ano ba talaga ang ginawa mo?" "Nag-usap lang naman kami. Sinabi ko na wala si Mike at bumalik na lang sila. Yung kanang kamay niya parang papatayin na atah ako sa kinauupuan ko kanina dahil ang sama na kung makatingin." "Papatayin? Don't tell me nakikipag bangayan ka na naman?" "Nag-uusap kami eh tapos sabat ng sabat parang t*n
3rd Person's Point of View* Nakasunod ang spy na pinapasunod ni Bruno kay Gerry. Gusto kasi nilang malaman kung sino ito. "Ano daw ang nangyari bakit hindi kayo makapasok doon sa loob?" "Puro mga VIP ang makakapasok doon at hindi basta-basta ang mga tao na nasa loob doon." Napakunot naman ang noo nila dahil sa sinabi nito. Doon nila na-realize na hindi ordinaryong assistant ang Girlie Dell na iyon. "So, isang VIP ang assistant ni Muller? Hindi naman kasi halata sa mukha niya na ganun siya. Baka isa siyang anak mayaman tapos gusto lang niyang maging assistant ni Muller?" "Hindi pa natin sigurado kung ganun talaga." "Hintayin na lang natin siyang lumabas." Lumabas si Gerry na buhat-buhat siya ni Xavier at nakikita nila na grabe ang kapit ni Gerry sa batok nito na parang sweet na sweet ito sa nangyayari. "Boyfriend niya?" "Nakita niyo naman na may singsing si miss Girlie kanina diba? So Asawa niya iyon. So VIP ang Asawa niya?" "Mukhang ganun na nga ang nangyayari." Pinasok ni
Geraldine's Point of View* Namimilipit sa sakit ang lalaki habang nakahawak hawak ko ang kamay niya at walang emosyon akong nakatingin sa kanya. Agad namang lumapit ang mga lalaking mga kasamahan nito sa akin. "M-Miss, pasensyahan mo na kaibigan namin. Bitawan mo na siya." "Damn you!" Akmang sasampalin ako nung lalaki nang isang iglap may pumagitna ngayon sa harapan ko at siya ngayon ang nasampal na kinalaki ng mga mata ko. "E-Eh! Sir Xavier!" Napatingin naman ako sa tawag nila at si Xavier nga! Napalunok ako dahil delikado magalit itong hacker ng team namin dahil sigurado akong lalabas lahat ng baho mo sa social media. "B-Brother..." Nanlaki naman ang mga mata ng mga lalaking nandidito ngayon sa harapan namin nung sinabi kong Brother si Xavier. Napatingin naman si Xavier sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko. "Wala bang masakit sayo, little sister?" mahinhing ani niya sa akin. Bigla akong napangiti ng kaloko sa mga lalaki. "Brother, masakit ang arm ko tingnan mo oh nam
3rd Person's Point of View* Nasa sasakyan na sila Maximus ngayon kasama ang ibang mga tauhan niya at kanang kamay niya na si Bruno. "Master, gusto niyo po na ako na po ang magbibigay ng leksyon sa assistant na yun? Hindi po kayo nirespeto." Napakunot naman ang noo ni Maximus sa sinabi ni Bruno. Hindi kasi nagustuhan ni Bruno ang ginawa ni Gerry kanina sa kanila. Pero naramdaman ni Bruno kanina ang death glare ni Gerry kaya napatahimik siya na kina-inis niya sa sarili niya kung bakit nangyari yun sa kanya. Parang titig ng Master niya pag binabalaan siya. "Bakit mo gagawin ang bagay na yun? Hindi ka nga nakasalita nung pinatahimik ka niya." Mahinang natawa si Max sa nangyari kanina. Unang beses niyang nakita ang babae ay pakiramdam niya mukhang pamilyar ito sa kanya. "Interesting young lady." Hindi niya makakalimutan ang mga mata nitong hindi natatakot sa kanya. Lahat ng mga tumitingin sa mga mata niya ay natatakot agad o lumalambot ang tuhod pero iba ang babaeng nasa harapan