Share

D-03

Author: ThirdTeeyet
last update Last Updated: 2021-08-29 10:43:25

"Haeden!"

Bumuga ako ng hangin dahil narinig ko na naman ang boses niya. Tamad na tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Levi na tumatakbo papunta sa'kin. Isasako ko na 'to, eh.

"Ano na naman ba?"

Kahit kita naman na naiinis ako, hindi pa din natatanggal ang malawak na ngiti niya. He crouch infront of me and angled his face to get a better view of mine. Napaatras ako sa ginawa niya pero tumawa lang siya. Naiinis na tinulak ko palayo ang mukha niya.

"Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko ulit kasi hindi niya sinagot 'yung una.

"Nood ka ng game namin," agad nagusot ang mukha ko sa anyaya niya. Thinking about the crowd makes me wants to vomit.

"Ayoko." I sternly said. Nagpuppy face siya kaya mas lalo akong nainis. Feeling naman niya ikinacute niya 'yon, mukha lang naman siyang bulldog.

"Sige na! Hindi ka ba naaawa sa'kin? Wala man lang magchicheer. Walang kakanta ng Go, sexy! Go, sexy! Go, sexy, sexy love! Baka hindi ako makapaglaro ng maayos, sige ka. It's our university's pride I am dealing with here." Puno ng pagpapaawa at ginaya pa talaga iyong cheer ni Athena for Kenji sa She's Dating the Gangster movie.

I rolled my eyes and scoffed. "Fine!" Napipilitang sabi ko.

"Yes!"

Hiyaw niya na akala mo naman ay sinagot ko, duh! 'Di tayo talo, 'bro. Kinonyatan ko siya kasi ang OA ng reaction niya, pinagtitinginan pa kami. Nakatayo ba naman sa lover's lane tapos aakto siyang ganito? They might be thinking that I actually said yes to him.

"Practice lang ako, see you sa game!" Energetic na paalam niya sa akin.

Bagsak ang balikat na bumalik ako sa library. We're doing our research paper for the second semester. Malapit na kaming gumraduate ng senior high pero wala pa din ako sa tamang daan, hay! Natotorn pa din kasi ako. I want to become a doctor, but I want to be a lawyer as well. Hindi ko naman pwedeng gawing both kasi baka mag aral na lang talaga ako habang buhay nito.

"I guess, Lanie's group has the best research in our room." Sabi ni Phia, she's our leader.

Nagdo-doodle lang ako sa paper ko kasi wala naman akong ambag. Meron pala, kapag may pinapagawa sila sa'kin. Pero mostly kasi, ako na lang ang nag-eedit. Which is actually more crucial kasi sa'kin magmumula ang ipapasa namin. Nakiisip lang ako ng idea, pero sila pa din ang nasunod kaya gora. Kung keri naman gawin at hindi imposible sa timeline namin, bakit hindi?

"'Yun na din kasi ang research nila since grade 11. Nakakaexcite nga lang 'yung kanila since they will use laboratory, pupunta din sila sa UP Manila for extracting."

My phone vibrated kaya hindi lalo ako nakasali sa conversation nila. Wala din naman akong opinyon do'n. Sila naman ang nag isip ng proposal namin.

Deniel: Yeah, I just found it in my bag. I'm sorry for the trouble.

Tumaas ang kilay ko at ngumisi. Lol, mga style mo. Tirador siguro 'tong mga 'to ng senior high kaya laging nakatambay sa España. Sorry nga lang sila kasi mali ang nabiktima nila.

"What do you think, Haeden?"

Napabalik ang atensyon ko sa kanila. "Ano 'yon?" Pagtatanong ko.

"Kyla is saying na should we go to DOH to get some advisory about our proposal? It's more complicated kasi than Krissy's because we'll use different types of blood and different concentrations."

Napaisip din ako. Kung pupunta kami sa DOH pa, isn't it a bit tiring? I mean, we only have few more months to do this. Both the products and papers, I don't think na kapag humingi kami ng advisory on the last minute, walang changes na mangyayari and we will just go back to zero. As in, the very start of our research.

I sighed. I can't really decide. Kung hindi naman kasi namin gagawin, baka may mali kaming magawa and that will be the cause of our research's failure. We can't afford that kasi dito nakasalalay kung gagraduate kami o hindi.

Pinagmamasdan nila ako, hindi naman ako ang leader pero bakit sila sa akin umaasa? I bit my lower lip and in the end, I nodded. It's better to take the risk than to just sit here and wonder if we'll do well.

"I think, it will really be better kung hihingi tayo ng advise from the experts and dig some more similar researches with this. Than doing everything basing only by what we know and wonder if it will work. We still have time, we can just get this over earlier on our plan. Then let's do the rest after. Pagtulong-tulungan na lang."

I firmly said and they are eagerly listening to me. After namin plinano lahat, pati pagpaplot ng itinerary for this, nagligpit na kami ng gamit at naghanda na para umuwi. Orange na din ang kulay ng langit sa labas and it's already 5 pm when I glance at my phone.

Paglabas ko ng library, nagulat ako kasi nakasandal doon si Levi. He's wearing his UST shirt and his P.E pants. Basa pa ang buhok at nakasukbit sa isang balikat ang bagpack na dala. He immediately smiled when he saw me standing there.

Marahas akong napabuntong hininga. Bakit nga ba ang kulit niya? It's not like we are the bestfriends here. Ni hindi ko nga siya nakakausap kahit noong grade 11 na madalas siyang dumikit kay Krissy, eh. Medyo naglie low lang naman siya kasi dead end na ni Krissy si Kuya Jonathan.

Nilahad niya ang kamay niya. Nagtataka ko siyang tiningnan, itinuro niya ang laptop bag ko at kinuha din.

"Ako na magdadala." Presinta niya.

Magdadala na nga lang, hindi pa 'yung bag ko. Mas mabigat kaya 'to kaysa sa laptop. Napailing na lang ako at nauna nang maglakad.

Nakaramdam ako ng gutom kaya napatingin ako sa kaniya. He looks attentive with my every movements kasi palaging ang bilis niyan magrespond.

"Nagmeryenda ka na?" Tanong ko. I have no choice, hindi ako sanay kumain mag isa kaya kahit ayoko, yayayain ko na lang siya. 'Wag niya lang bibigyan ng malisya kasi baka mabatukan ko lang siya.

He shooked his head. Hinila ko siya papuntang  Antonio. Nagkecrave kasi ako ng isaw, gusto ko ng streetfoods ngayon. Nagpaubaya naman siya at hindi nagsalita. Nang lingunin ko ay malawak ang ngiti niya at namumula ang tenga. Napabitaw tuloy ako at napaiwas ng tingin. Boset!

Umupo kami pagkatapos namin pumili ng ipapaluto. Tahimik lang kami at hindi nag uusap. Medyo nakaramdam ako ng awkwardness sa kaniya kasi kanina pa talaga siya patingin tingin sa akin!

Hindi na ako nakatiis at nilingon ko siya. Mukhang hindi niya 'yon inaasahan kaya he startled a bit.

"Bakit ba tingin ka ng tingin? Nakakaasiwa ka!" Reklamo ko.

He pouted and scratched the tip of his nose. Napansin kong mas namula ang tenga niya kaya inabot ko 'yon. Nanlaki ang mga mata niya at agad lumayo.

"Don't touch any guy's ears that way!" Pagsaway niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang sensitive niya, I just rolled my eyes and crossed my arms infront of my chest.

"Then don't stare at me like that, too!"

Tinakpan niya pa pareho ang tenga niya at parang bata na tumungo. Mas napapangiwi ako dahil sa ginagawa niya. Ito ba 'yung future ng UST Growling Tigers? Kasi jusko! Good luck na lang. Feeling ko, ito na 'yung pinakamatagal na paghihintay ko sa pagkain dahil sa inis ko sa kaniya. Gusto ko na lang umuwi at matulog para manahimik ang utak ko.

"May UST shirt ka, 'di ba?" Pagtatanong niya habang kumakain kami.

"Malamang! Baka taga UST ako?" Pabalang na sagot ko. Minsan, wala ding sense mga itinatanong niya, 'no? Mema.

"No," biglang sabi niya. "Don't wear that." Utos niya sa'kin.

Tumigil ako sa pagnguya para uminom ng gulaman. Hindi yata ako matutunawan kapag itong si Levi ang palagi kong kasamang kumain. Sa susunod nga, magpapahintay na lang ako kina Krissy o kaya sa condo na lang ako kakain kasama si Athena. Basta 'wag lang si Levi!

"Wear my shirt instead."

Bigla kong naibuga ang iniinom at malalaki ang matang tiningnan siya. Inabutan niya 'ko ng panyo at tinanggap ko kaagad 'yon kasi natapunan din ako sa uniform.

"Gago! Normal ka pa ba? Anong akala mo sa'kin, girlfriend mo?" Iritang tanong ko sa kaniya habang nagpupunas. Sayang 'yung gulaman! Mga timing din kasi nito, eh.

"Bakit?" Inosenteng tanong niya. "Normal naman talaga 'yon. I can see my co-players giving their shirts to their crushes or girlfriends and they'll cheer for them." Paliwanag niya.

Hindi ko yata naabsorb ng maayos ang sinabi niya. Nagusot ang mukha ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"Levi, crush naman pala o sa girlfriend, eh. Tayo? We are even hardly friends!" I tried to explain to him.

"Bakit? Crush naman kita." Parang balewalang sabi niya. Pagak akong tumawa sa kaniya, I mean, not to be harsh pero hindi kasi talaga!

Matiim ko siyang pinagmasdan. While looking at him, it makes me think how determine and strong-willed Levi is. Hindi man lang siya natitinag sa titig ko. Diretso lang din siyang nakatitig sa akin at hindi man lang kumukurap!

I bit my lower lip because I am so lost of words. Wow, dito talaga sa Antonio nagconfess? Napakasweet naman po pala, ano po?

I sighed for the nth time and just give up. Sumasakit lang ang ulo ko habang iniisip ko kung paano ko siya papatigilin tapos walang effect din naman, eh 'di hayaan na lang! Basta sinabi ko na sa kaniya na wala siyang aasahan sa'kin.

"Fine. I'm just reminding you, Levi. Wala ka talagang aasahan sa'kin." Isinakbit ko na ang bagpack ko at tumayo na kasi nawalan na 'ko ng gana. Parang bigla akong nabusog. Sumunod din naman siya kaagad.

"Iabot mo na lang sa'kin ang shirt mo before the game. Make sure na bagong laba 'yon!" Pinandilatan ko siya ng mata at dinuro.

He smiled again, his usual wide smile. Nagfe-flex lang yata talaga siya ng perfect set of white teeth niya. Naglakad na kami. Madadaanan na naman namin ang KFC, hindi ko alam kung bakit ako nakamasid doon hanggang sa makalampas kami. It's not like I'm waiting for someone.

Hanggang sa makarating sa condo ay kasunod ko siya. Kinuha ko na ang laptop ko at pumasok ng walang paalam. Maghihintay din naman siya, bakit patatagalin ko pa? Habang naghihintay sa elevator ay lumingon ulit ako. He wave his hand and turned his back after para pumasok sa kanila. Napatitig ako sa pinuntahan niya, at umiwas din ng tingin nang tumunog ang elevator.

Nagtanggal ako ng sapatos pagpasok sa condo. Agad kumunot ang noo ko nang makitang makalat na naman ang sala. Nandito pa iyong mga pine-paint ni Athena. Hindi ko naman magalaw kasi baka masira ko pa o baka may mga importante akong maitapon.

Umiling iling na lang ako at pumasok sa kwarto para magpalit at doon na lang magkulong. Inilabas ko ang filler ko para tingnan kung saang subject kami may mga assignment. Pero kahit nasa kalagitnaan na ako ng paggawa, hindi ko pa din magawang magfocus. May pilit kasing sumasagi sa isip ko. It's still a mystery for me why would those MAPUA guys are always there wherever I am.

Coincidence lang ba? Malamang. Alangan namang may CCTV sa noo ko na pinapanuod nila para malaman kung nasaan ako. But what makes me think more is, really? From Intramuros, maliligaw sila sa España? Just to eat?

That isn't making any sense. Pabagsak na humiga ako sa kama ko habang kinakagat ang pwetan ng ballpen na hawak. Gusto ko sanang hanapin ang f******k o kahit man lang I* ni Bulgari guy kasi hindi ko alam ang buong pangalan niya. Deniel lang, based sa pagkakarinig ko sa mga kaibigan niya. Hindi ko pa alam kung totoong pangalan ba o hindi.

Asar na ginulo ko ang buhok at bumalik sa pagkakaupo. Napatingin ako sa cellphone ko nang makitang umiilaw iyon. My eyes grew bigger when I saw that it's him, initiating the FaceTime!

Gagi! Hala?

Mabilis kong in-end 'yon at parang multong ibinato ang cellphone sa kabilang side ng kama. Ilang minuto ang hinintay ko pero hindi na ulit tumunog. I sighed and tightly closed my eyes. Holy!

Nakangibit na inabot ko ang phone at tiningnan. May notif doon na may bago akong follower sa i*******m, mayroon ding bagong friend requests sa f******k. My eyes grew bigger when I saw that they are the MAPUA guys!

JDSalvatierra: I didn't see you in Dapits earlier. I'm really sorry for the trouble.

This is creepy! Paano niya nalaman ang account ko?! Hinagis ko ulit ang phone at lumabas ng kwarto para uminom ng napakalamig na tubig. 'Yung dalawang brain cells ko, tuluyan na yatang bumitaw ngayon! Hindi ako makapaniwala. Paano... hindi naman nila ako kilala!

Oh God, please save me!

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet

Related chapters

  • Path of Destiny   Path of Destiny

    Original work of Marie Mendoza.All Rights Reserved 2020. The places, events, characters and names are all products of the Author's imagination. Any resemblance of a real places, event, characters and names are purely coincident. No part of this work should be remake or used without a proper consent of the author. Plagiarism is a crime.This story is not affiliated with UST/UP/DLSU/ADMU/or other Universities stated onwards. Any concerns, rants and negative opinion should be send using private message and not to be posted in the comment box.First book : Fallen Destiny (finished)Second book: Path of Destiny (on-going)

    Last Updated : 2021-08-29
  • Path of Destiny   Prologue

    "I already said no on that project, Athena." Iritadong bungad ko sa kaniya pagpasok ko pa lang sa opisina niya.She lifted her gaze to me from her laptop and raised her eyebrows. "And I don't need that attitude in this company, Haeden." She monotonely said.I pursed my lips together. Marahas na sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay as I lick my lower lip."Look, we have a lot of engineers here, Athena. Some are also well-known for their successful projects, bakit ba ako ang pinipilit mong isama diyan?"I can't understand why she's pushing me to go to Cebu to do this project. I already said no because memories in that place are coming back to me and I hate it.

    Last Updated : 2021-08-29
  • Path of Destiny   D-01

    "Buljangnan! Uh-oh! Uh-oh!"I smirked at Seth who's making face as I sing it so loud. Like, duh! It's my right kaya kasi tapos na ang 3-hour class namin sa general physics I. It wasn't even basic! Pinaglololoko ba kami ng gumawa ng math? Why do we even have to study that?Gosh! I don't think I'll like it ever!I don't like complicating things and mathematics, is one of the most complicated things I have encountered.Lumabas na kami ng classroom to move to another for our next subject. We're all busy with our own things pero mukhang hindi yata mabubuhay si Seth nang hindi ako inaaway sa loob

    Last Updated : 2021-08-29
  • Path of Destiny   D-02

    "I thought you dislike him?"Seth asked pagpasok ko sa classroom. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Binaba ko ang bagpack ko at naupo na, habang nakapamewang pa din siya sa harapan ko. Si Krissy naman ay abala sa cellphone. Oh, e 'di wow! Siya na may lablayp, d'yan!"Magkasabay lang kami pero walang malisya 'yon." Defensive na sabi ko.Magkasabay kasi kaming pumasok ni Levi at ito namang si Seth, akala mo agila kung makatingin sa amin. Nagkataon lang kasi na saktong paglabas niya ay kakalabas ko lang din ng condo. Aawayin ko sana ulit kaya lang, naguilty ako kasi ang haba ng ipinila niya para sa'kin kahapon.&nbs

    Last Updated : 2021-08-29

Latest chapter

  • Path of Destiny   D-03

    "Haeden!"Bumuga ako ng hangin dahil narinig ko na naman ang boses niya. Tamad na tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Levi na tumatakbo papunta sa'kin. Isasako ko na 'to, eh."Ano na naman ba?"Kahit kita naman na naiinis ako, hindi pa din natatanggal ang malawak na ngiti niya. He crouch infront of me and angled his face to get a better view of mine. Napaatras ako sa ginawa niya pero tumawa lang siya. Naiinis na tinulak ko palayo ang mukha niya."Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko ulit kasi hindi niya sinagot 'yung una."Nood ka ng game

  • Path of Destiny   D-02

    "I thought you dislike him?"Seth asked pagpasok ko sa classroom. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Binaba ko ang bagpack ko at naupo na, habang nakapamewang pa din siya sa harapan ko. Si Krissy naman ay abala sa cellphone. Oh, e 'di wow! Siya na may lablayp, d'yan!"Magkasabay lang kami pero walang malisya 'yon." Defensive na sabi ko.Magkasabay kasi kaming pumasok ni Levi at ito namang si Seth, akala mo agila kung makatingin sa amin. Nagkataon lang kasi na saktong paglabas niya ay kakalabas ko lang din ng condo. Aawayin ko sana ulit kaya lang, naguilty ako kasi ang haba ng ipinila niya para sa'kin kahapon.&nbs

  • Path of Destiny   D-01

    "Buljangnan! Uh-oh! Uh-oh!"I smirked at Seth who's making face as I sing it so loud. Like, duh! It's my right kaya kasi tapos na ang 3-hour class namin sa general physics I. It wasn't even basic! Pinaglololoko ba kami ng gumawa ng math? Why do we even have to study that?Gosh! I don't think I'll like it ever!I don't like complicating things and mathematics, is one of the most complicated things I have encountered.Lumabas na kami ng classroom to move to another for our next subject. We're all busy with our own things pero mukhang hindi yata mabubuhay si Seth nang hindi ako inaaway sa loob

  • Path of Destiny   Prologue

    "I already said no on that project, Athena." Iritadong bungad ko sa kaniya pagpasok ko pa lang sa opisina niya.She lifted her gaze to me from her laptop and raised her eyebrows. "And I don't need that attitude in this company, Haeden." She monotonely said.I pursed my lips together. Marahas na sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay as I lick my lower lip."Look, we have a lot of engineers here, Athena. Some are also well-known for their successful projects, bakit ba ako ang pinipilit mong isama diyan?"I can't understand why she's pushing me to go to Cebu to do this project. I already said no because memories in that place are coming back to me and I hate it.

  • Path of Destiny   Path of Destiny

    Original work of Marie Mendoza.All Rights Reserved 2020. The places, events, characters and names are all products of the Author's imagination. Any resemblance of a real places, event, characters and names are purely coincident. No part of this work should be remake or used without a proper consent of the author. Plagiarism is a crime.This story is not affiliated with UST/UP/DLSU/ADMU/or other Universities stated onwards. Any concerns, rants and negative opinion should be send using private message and not to be posted in the comment box.First book : Fallen Destiny (finished)Second book: Path of Destiny (on-going)

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status