Share

D-02

Author: ThirdTeeyet
last update Last Updated: 2021-08-29 10:42:55

"I thought you dislike him?"

Seth asked pagpasok ko sa classroom. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Binaba ko ang bagpack ko at naupo na, habang nakapamewang pa din siya sa harapan ko. Si Krissy naman ay abala sa cellphone. Oh, e 'di wow! Siya na may lablayp, d'yan!

"Magkasabay lang kami pero walang malisya 'yon." Defensive na sabi ko.

Magkasabay kasi kaming pumasok ni Levi at ito namang si Seth, akala mo agila kung makatingin sa amin. Nagkataon lang kasi na saktong paglabas niya ay kakalabas ko lang din ng condo. Aawayin ko sana ulit kaya lang, naguilty ako kasi ang haba ng ipinila niya para sa'kin kahapon.

Seth rolled his eyes and simply ignore what I said. Ano pa nga ba? Malakas ang radar ng bakla'ng 'yan pero minsan naman ay sa mali.

"'Wag mong paasahin 'yung tao kung wala kang balak na sagutin 'yon."

Nanlaki ang mata ko at lumingon ako sa kaniya. Anong paasahin eh hindi naman nanliligaw? Kung manligaw man, hindi din ako papayag!

"Hoy, parang sinasabi mo na kriminal ako, ah! He's not even asking to court me or whatever. Assuming mo."

Hindi na siya nakapagsalita kasi pumasok na ang prof namin. Not to be a basher pero hindi talaga ako fan ng mga prof na ang hahaba ng powerpoint na ginagawa tapos babasahin lang nila. We just also ending up capturing the presentation and just study them by our own. Parang kinokopya lang kasi nila sa libro, para mema turo lang.

We appreciate the effort of them doing that, but it's still useless kasi we go home learning nothing because it isn't well explained.

"Anong balak mo sa story mo? Mabubulok na 'yon?" Tanong ni Krissy habang nakatambay kami sa tapat ng kiosk ng potato giant. 30-minutes break lang kasi kami bago ang susunod na klase, tapos laboratory kami after.

Pumapasok lang talaga ako para umuwi. Oh, 'wag hater. Nag aaral pa din naman ako ng mabuti kahit ganito ang attitude ko sa school. Even if I look like I'm not really interested in studying, I am still a consistent honor student. Tactic nga yata ang pagiging tamad para maging honor kasi sa'ming magkakaibigan, wala namang masipag. Gumagalaw lang kami kapag malapit na ang pasahan, work under pressure, ganu'n.

"I-uupdate ko din 'yon. Chill lang kasi kayo, STEM student ako hindi writer. Kbye!"

"Bakit nga pala kayo magkasabay ni Levi kanina? Sinundo ka? Akala ko ayaw mo sa kaniya?" Si Seth, na hindi makamove on sa nakita niya kaninang umaga. Akala mo naman nahuli kaming naghahalikan, eh. Ni hindi nga kami magkaholding hands!

"I don't really dislike him naman. Ayoko lang ng idea na manliligaw. Kilala niyo naman ako, gusto kong lumandi pero ayoko pang magjowa."

Krissy ruffled my hair and smirked at me. "Why don't you try Levi? He's not that bad, believe me." Napaismid ako sa sinabi niya.

"Nirereto mo na ba siya sa lagay na 'yan?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kaniya bago sumubo ng fries. Uminom din ako sa coke na binili. Humalumbaba si Krissy at inilapit ang mukha sa akin. Napaatras ako dahil sa ginawa niya. Balahurang 'to!

"Bakit? Kapag inireto ko ba, may pag-asa siya?" May halong malisya na sabi niya.

"Syempre wala pa din! Gaga 'to!" Nagtunog defensive na sagot ko. Kaasar naman! Bakit ba kasi kami nagkasabay pa kaninang umaga, 'yan tuloy! Inaasar ako nitong dalawa. Nasaan na ba si Rosé at Joy? Bakit ba palaging missing in action ang dalawang 'yon?

"Marupok ka din, eh. Tinatago mo lang." Pang aakusa ni Seth.

Bumuntong hininga na lang ako. Ano bang problema ng dalawang 'to at walang nakikita kundi ako? Masyado naman yata akong maganda para pagkaguluhan nila. Showbiz ba buhay ko? Duh! Ako lang 'to, ha?

"Kapag ikaw bumigay diyan kay Levi, papamisa talaga kami." Si Seth.

"Baliw ka, INC ako." Pagrereact ni Krissy.

Binelat-an ko si Seth dahil sa naging suggestion niya. Ano, waley ka! Hinagis ko na sa basurahan ang pinagkainan ko at nagpagpag ng kamay. Nauna akong tumayo sa kanila at nag unat. Maaga pa pero pakiramdam ko, pagod na pagod na kaagad ako.

Dismissal, nakatanggap ako ng text galing kay Athena. Malelate daw siya umuwi dahil may lakad siya. Napakunot ang noo ko. Kailan pa natutong makihang-out 'to? Masyado siyang nerd para lumabas at gabihin. Baka may jowa na din. Hindi naman na nakakapagtaka kung meron, dapat lang kasi ang tanda niya naman na.

Alam na niya gagawin niya, basta ba gagamit ng proteksyon kasi ayokong maging batang tita. Chos!

Dumaan muna ako sa Dapitan para bumili ng iced coffee. Balak kong magpuyat ngayon kasi madami kaming gawain. Baka din maisipan ko na iupdate ang story ko kasi masyado na 'kong pinepressure ng mga kaibigan ko. Ginawa ko lang naman kasi 'yon noong bakasyon kasi nabored ako, malay ko bang magugustuhan nila.

Naglalakad ako pauwi sa condo nang napansin ko na nakatambay sa labas ng KFC ulit iyong trio na nakishare ng upuan kahapon sa'kin. Nakauniform pa din sila at halatang may hinihintay. Ang layo naman ng nararating ng mga 'to, dami sigurong time.

O siguro kasi ako lang 'yung nalalayuan. Hindi ko naman kasi ugali ang maggala. Ayoko ng roadtrips or long rides, hindi sa pagiging mahihiluhin pero kasi mabilis akong mainip.

"Miss!"

Tumigil ako sa paglalakad para lumingon. Ni hindi ako sigurado kung ako 'yung tinawag pero nang makita kong tumatakbo sila palapit sa akin ay napagtanto ko na ako nga ang tinatawag nila. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan silang hinihingal na parang mga aso, charot lang, at nakatukod ang mga kamay sa tuhod. Pagod na sila niyan? Tiningnan ko ulit ang pinanggalingan nila at sila ulit, at napangiwi.

Wow, athletic.

Parang tinakbo lang nila 'yung kwarto ko hanggang banyo namin, eh. Napailing na lang ako at humawak sa strap ng bag. Nakatingin sa akin si Bulgari guy, I don't know his name kaya let me just call that, at nakatingin sa uniform ko.

"Ako ba?" Pagkumpirma ko pa din. Syempre! Mahirap nang mapahiya, 'no.

Tinuro ako nu'ng lalaki na nagtanong sa akin kahapon. Hinahabol niya pa ang paghinga niya bago lumunok at umayos ng tayo. Tumikhim siya at lumingon kay Bulgari guy. Buti pa 'to, parang wala lang 'yung tinakbo. Eh kahit naman kasi ako, hindi din hihingalin sa pagtakbo, eh.

I-suggest ko kaya na mag-exercise naman sila?

"Hindi nakapasok si Deniel kanina, nawala kasi ID niya. Baka naman nakita mo kahapon, kayo 'yung magkatabi sa KFC, 'di ba?"

I pouted and tilted my head in curiousity. Wala naman akong nakitang ID kahapon, wala din akong napansin na suot niya. Inisip ko kung posible ba 'yon kaya lang wala din akong dalang gamit na pwedeng mapaghulugan niyon.

I look like a Saint while they are waiting for my answer. Pinagdikit pa ang mga kamay na akala mo nagdadasal. Ako pa talaga ang naisip nila, alam nilang wala akong dala kahapon? Ang gara din, eh.

Umiling ako, at parang nag usap na sabay sabay na bumagsak ang balikat ng dalawa. Para namang walang pakialam si Bulgari boy, eh. Ayy! Deniel pala yata ang pangalan niya. Nuks! Lakas maka-Daniel Padilla, ah. Can I be your Kathryn Bernardo, kyah? Chos.

Tumalikod na ako para umalis doon. Iyon lang naman ang tanong nila, nasagot ko na, kaya babye na. Alangan namang magkwentuhan pa kami doon, mas lalong ang corny kung magkakamustahan kami, eh hindi naman kami magkakakilala. Unless, Deniel wants to know me more.

"Wait lang!"

"Ano na naman?" Hindi ko napigilan na ipakita ang inis ko. Hindi ba nila nakikita na hindi ako interesado na makipag usap? I mean, I understand na mahalaga 'yung ID niya pero wala sa'kin, okay?

Kung nasa akin man, hindi ko din babalakin na itago iyon. Baka ako pa ang maghintay sa kaniya sa labas ng MAPUA.

At naiadd ko na din siya sa social media.

"Can I just get your number?" Umabot yata hanggang langit ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Just incase you find my ID." Si Deniel.

I bit the inside of my cheeks to stop myself from reacting. Ganda kasi ng boses niya, lalaking lalaki. Matagal ko silang pinagmasdan at nag isip pa bago tuluyang sumagot. Para naman kasing pinagtutulungan nila ako dito, puro college students na sila at matatangkad pa tapos nakatayo silang lahat sa harapan ko na akala mo naghahamon ng away, eh.

Guard, may magnanakaw po ng puso!

Inilahad ko ang kamay ko, agad naman niyang inabot ang phone niya. Okay, siya na naka-Iphone 11. Hanggang Iphone X lang kaya ko, ser.

Mabigat ang loob na binalik ko 'yon sa kaniya. This will be written in history, guys. Haeden Maxine L. Mercado just gave her phone number to a guy. Wow.

"'Wag mo 'kong itetext o tatawagan kapag hindi importante, ha? Busy ako. Magtext ka lang ng isa so I'll have your number as well." Binantaan ko pa siya gamit ang tingin at tuluyan nang umalis.

Masama ang tingin ko sa iced coffee na hawak. Dapat kasi hindi na kita binili para hindi na ako dumaan doon, eh! Sana hindi ko sila nakita. Kakabadtrip naman.

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Athena pagdating niya. Sinulyapan ko pa ang orasan at nagulat kasi 11 pm na nga siya dumating. Hindi siya nakatingin sa akin.

Namumula ang mukha niya at medyo magulo ang buhok. Tumaas ang kilay ko at sinundan ko siya hanggang sa kwarto niya. Pasalampak siyang dumapa, halatang pagod. Ahhh, baka nag-exercise sa gabi. Mabuting gawain 'yan, ikakaunlad niya 'yan.

Humalukipkip ako at sumandal sa pader. "Magshower ka muna bago ka matulog. You stink!"

Itinaas niya lang ang kamay niya dismissively and did not say anything. Napairap ako sa ere at lumapit sa kaniya para tanggalin ang sapatos na suot.

"Being an architecture student is that tiring, huh?" Puno ng sarkastiko kong sabi sa kaniya. Lumabas na din ako sa kwarto niya kasi ayoko talaga sa amoy ng alak. Hindi naman kasi ako nag iinom, masyadong mababa ang alcohol tolerance ko. Kaya hindi ko din pinapangarap na mapunta sa mga club, maboboring lang ako do'n.

Tinuloy ko na ang ginagawa ko. Sa sala ako nagstay kasi makakatulog lang ako kung sa kwarto ako tatambay.

Nalate ako ng gising the next day. Inaasahan ko na din naman 'yon kasi late na talaga ako natulog, mga 2 am. Sa 2nd subject na ko pumasok, wala din naman ang prof namin sa 1st subject kaya safe ako.

Kumakain kami nina Krissy sa Tokyo Tokyo nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Nagtatakang binunot ko iyon sa bulsa at tiningnan kung sino ang nagtext. Natigil ako sa pagnguya. It's in my iMessage kaya may pangalan na.

Deniel: it's me.

Masyado namang matipid 'tong magsalita. I just smirked and put my phone back in my pocket. Hindi na ako nagreply kasi alangan namang sabihin ko na, it's me din eh alam niya na ngang ako 'yung tinext niya. Muntanga lang.

"Ang ganda ng chapter na pinublish mo kagabi. May inspiration ka 'no?" Pang uusisa ni Krissy. Nag angat ng tingin si Rosé na himalang nakasama namin ngayon.

"Syempre," sagot ko. "Wala."

Uminom ako ng juice at sumandal sa upuan. Hindi ko din alam kung bakit ako ganado kagabi, eh. Nakadalawang chapters yata ako tapos tig-3k plus words 'yon. Akala mo inlove na biglang nainspire.

Sa case ko, love na naexpired 'yon.

"Try mo kaya magdating app. Baka lang naman. Kung ayaw mo kay Levi, try mo maghanap ng iba." I scoffed with Rosé's suggestion.

"Paano makakasurvive ang mga kakausapin niyan eh energy killer 'yan." Si Seth. I rolled my eyes in annoyance. Here we go again.

"Bakit ba ako ang pinoproblema niyo? Kaya kong mabuhay na walang jowa, mygahd!" Hysterical na sabi ko.

"Nag aalala lang kami sa'yo kasi baka tumanda kang dalaga."

I scratched the tip of my nose. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako kasi nag aalala sila o mas naiinis kasi iniisip nila na tatanda akong dalaga. Kapag talaga ako nagkajowa, who u sa'kin 'tong mga 'to!

Hindi na ako nagsalita kasi talo din naman ako. Imagine mo naman, tatlo sila laban sa'kin na nag iisa? Nasaan ang hustisya? Nasaan ang pag ibig at katarungan? Lol.

Napatingin ako sa kabilang mesa nang may maingay na nagsidatingan. My lips parted when I saw that those are the MAPUA buddies. Nadagdagan na sila ngayon, noong nakaraan ay tatlo lang, ngayon ay lima na silang magkakasama.

Naningkit ang mga mata ko nang makita na nakasuot doon sa Deniel ang ID niya. Pinaglololoko ba 'ko ng mga 'to? Hindi nila kami nakita kasi busy sila sa pinagkakatuwaan.

"Tara na," yaya ni Krissy matapos kumain.

I smirked as I gathered my things while looking at them. Ako pa talaga uutakan nila? Naaasar na kinuha ko ang phone ko at binuksan ang conversation.

Haeden: I see. You found your ID already? There's no reason for u to text me anymore, then. Ciao!

Nakita kong nag angat siya ng tingin at lumingon lingon para hanapin ako. I smirked when our gazes met and I saw his lips parted. Napatingin din sa akin iyong mga kasamahan niya na halatang nagulat.

"Kilala mo?" Tanong ni Seth nang mapansin na nakatingin ako. Inirapan ko sila at hinarap ang kaibigan ko.

"Of course not," that tactic won't ever work on me, Bulgari boy. Lost ID, my ass!

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet

Related chapters

  • Path of Destiny   D-03

    "Haeden!"Bumuga ako ng hangin dahil narinig ko na naman ang boses niya. Tamad na tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Levi na tumatakbo papunta sa'kin. Isasako ko na 'to, eh."Ano na naman ba?"Kahit kita naman na naiinis ako, hindi pa din natatanggal ang malawak na ngiti niya. He crouch infront of me and angled his face to get a better view of mine. Napaatras ako sa ginawa niya pero tumawa lang siya. Naiinis na tinulak ko palayo ang mukha niya."Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko ulit kasi hindi niya sinagot 'yung una."Nood ka ng game

    Last Updated : 2021-08-29
  • Path of Destiny   Path of Destiny

    Original work of Marie Mendoza.All Rights Reserved 2020. The places, events, characters and names are all products of the Author's imagination. Any resemblance of a real places, event, characters and names are purely coincident. No part of this work should be remake or used without a proper consent of the author. Plagiarism is a crime.This story is not affiliated with UST/UP/DLSU/ADMU/or other Universities stated onwards. Any concerns, rants and negative opinion should be send using private message and not to be posted in the comment box.First book : Fallen Destiny (finished)Second book: Path of Destiny (on-going)

    Last Updated : 2021-08-29
  • Path of Destiny   Prologue

    "I already said no on that project, Athena." Iritadong bungad ko sa kaniya pagpasok ko pa lang sa opisina niya.She lifted her gaze to me from her laptop and raised her eyebrows. "And I don't need that attitude in this company, Haeden." She monotonely said.I pursed my lips together. Marahas na sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay as I lick my lower lip."Look, we have a lot of engineers here, Athena. Some are also well-known for their successful projects, bakit ba ako ang pinipilit mong isama diyan?"I can't understand why she's pushing me to go to Cebu to do this project. I already said no because memories in that place are coming back to me and I hate it.

    Last Updated : 2021-08-29
  • Path of Destiny   D-01

    "Buljangnan! Uh-oh! Uh-oh!"I smirked at Seth who's making face as I sing it so loud. Like, duh! It's my right kaya kasi tapos na ang 3-hour class namin sa general physics I. It wasn't even basic! Pinaglololoko ba kami ng gumawa ng math? Why do we even have to study that?Gosh! I don't think I'll like it ever!I don't like complicating things and mathematics, is one of the most complicated things I have encountered.Lumabas na kami ng classroom to move to another for our next subject. We're all busy with our own things pero mukhang hindi yata mabubuhay si Seth nang hindi ako inaaway sa loob

    Last Updated : 2021-08-29

Latest chapter

  • Path of Destiny   D-03

    "Haeden!"Bumuga ako ng hangin dahil narinig ko na naman ang boses niya. Tamad na tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Levi na tumatakbo papunta sa'kin. Isasako ko na 'to, eh."Ano na naman ba?"Kahit kita naman na naiinis ako, hindi pa din natatanggal ang malawak na ngiti niya. He crouch infront of me and angled his face to get a better view of mine. Napaatras ako sa ginawa niya pero tumawa lang siya. Naiinis na tinulak ko palayo ang mukha niya."Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko ulit kasi hindi niya sinagot 'yung una."Nood ka ng game

  • Path of Destiny   D-02

    "I thought you dislike him?"Seth asked pagpasok ko sa classroom. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Binaba ko ang bagpack ko at naupo na, habang nakapamewang pa din siya sa harapan ko. Si Krissy naman ay abala sa cellphone. Oh, e 'di wow! Siya na may lablayp, d'yan!"Magkasabay lang kami pero walang malisya 'yon." Defensive na sabi ko.Magkasabay kasi kaming pumasok ni Levi at ito namang si Seth, akala mo agila kung makatingin sa amin. Nagkataon lang kasi na saktong paglabas niya ay kakalabas ko lang din ng condo. Aawayin ko sana ulit kaya lang, naguilty ako kasi ang haba ng ipinila niya para sa'kin kahapon.&nbs

  • Path of Destiny   D-01

    "Buljangnan! Uh-oh! Uh-oh!"I smirked at Seth who's making face as I sing it so loud. Like, duh! It's my right kaya kasi tapos na ang 3-hour class namin sa general physics I. It wasn't even basic! Pinaglololoko ba kami ng gumawa ng math? Why do we even have to study that?Gosh! I don't think I'll like it ever!I don't like complicating things and mathematics, is one of the most complicated things I have encountered.Lumabas na kami ng classroom to move to another for our next subject. We're all busy with our own things pero mukhang hindi yata mabubuhay si Seth nang hindi ako inaaway sa loob

  • Path of Destiny   Prologue

    "I already said no on that project, Athena." Iritadong bungad ko sa kaniya pagpasok ko pa lang sa opisina niya.She lifted her gaze to me from her laptop and raised her eyebrows. "And I don't need that attitude in this company, Haeden." She monotonely said.I pursed my lips together. Marahas na sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay as I lick my lower lip."Look, we have a lot of engineers here, Athena. Some are also well-known for their successful projects, bakit ba ako ang pinipilit mong isama diyan?"I can't understand why she's pushing me to go to Cebu to do this project. I already said no because memories in that place are coming back to me and I hate it.

  • Path of Destiny   Path of Destiny

    Original work of Marie Mendoza.All Rights Reserved 2020. The places, events, characters and names are all products of the Author's imagination. Any resemblance of a real places, event, characters and names are purely coincident. No part of this work should be remake or used without a proper consent of the author. Plagiarism is a crime.This story is not affiliated with UST/UP/DLSU/ADMU/or other Universities stated onwards. Any concerns, rants and negative opinion should be send using private message and not to be posted in the comment box.First book : Fallen Destiny (finished)Second book: Path of Destiny (on-going)

DMCA.com Protection Status